Chapter 29


"The Angel Devil"


Acxies's POV

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kapatid mo ako!" galit kung sumbat kay Alex.

"Ako ang nagsabi sa kanya na h'wag sabihin sayo, Acxies. Kaya't h'wag mo siyang sisihin. Dahil wala siyang kasalanan." biglang singit ni Zaphie sa usapanan namin magkapatid.

Kaya binalingan ko siya na may bigat sa mukha.

"Bakit n'yo ako nilihaman? Pati ikaw hindi mo sinabi sa'kin, kung ano talaga ang buong pagkatao ni Grace. Pinagkaisahan n'yo akong dalawa!"

"At sa tingin mo, maniniwala ka kaya, kung sinabi namin ang buong katotoohan, huh?"

padugtong na pagmamaldita pa nitong pasagot.

"Pwedeng oo!" sagot ko

"Pwedeng hindi." bara niya

"Ano ba Zaphie!"

"Ano?" sagad niya sa pasensya ko na nagtri-trigger sa akin na sabihin ang nararamdaman ko.

Kainis! Sarap niyang halikan sa pagiging maldita niya and I hate this kind feelings, shit!

"Kung sinabi n'yo sana ang buong katutuhanan 'di sana—"

ngunit napatigil ako, 'di ko kayang sabihin kasi.

"Ano kuya 'di sana?" singit naman ni Alex at parang ecxited pa ang isang toh, kay sakay Zaphie.

"Di sana matagal mo na kaming pinagtutulakan palayo, sinabihang mang-aagaw, maninira ng relasyon at magaling gumawa ng kwento. Hindi ba, 'yon naman talaga ang sasabihin mo?" taray niyong pangunguna sa akin na umubos sa pagtitimpi ko.

Lalo akong nahamon at nadala sa galit hanggang sa masahi kong

"Kung sinabi n'yo lang sa akin ang buong katutuhanan ng mas maaga. Hindi sana, matagal ko na sanang sinabi sayo na MAHAL KITA!" sumbat ko sa harapan ni Zaphie.

Natahimik silang pareho at maging ako'y na bigla sa sinabi ko. Nang wala along marinig na reaksyon mula kay Zaphie. Nakadama ako ng hiya sa sarili ko.

Nanliit ako sa sarili ko sa katotoohan ang yaman yaman niya. Samantalang ako, simple lang ang pamumuhay. At kung may yaman man, na naipundar ang parents ko. Ngunit hindi ito  nakakalahati sa yaman na meron sila.

At nang wala siyang masabi kundi matahimik lang at tingnan ako'y. Napihit ako patalikod at bagsak balikat na humakbang palayo sa kanya.

Hinantay ko na pigilan niya ako o di kaya'y, sabihin niyang mahal niya rin ako o ano mang magiging reaksyon niya.

Ngunit wala eh, mukhang wala siyang sasabihin o gagawin. Kaya't nagpatuloy ako sa paglabas na basag ang puso ko.

Matapos ay sumunod na rin si Alex sa akin. Tahimik kaming lumulan sa kotse. Habang napabuntong hininga ako at napa-isip kung tama ba na inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko o mali na sinabi ko 'yon.

'Siguro iniisip niya na napaka mapagsamantala ko. Baka isipin din niyang yaman niya lang ang habol ko. Kaya't sinabi ko yon sa kanya.'

pagsisi ng utak ko.

AFTER one week, bumalik na ako sa pag-aaral. Back to the daily routine na naman ako.

"Congrats Dude, na aprobahan na ang emerging ng International University sa school natin. Ang astig mo, Dude. You made us proud!" bati sa akin ni Lance.

"Thanks Acxies it's a great honor to have a student like you. Na napaka well-rounded and resposible mo na istudyante. And from the entire school, thank you and congrats Acxies." bati naman nang Director na tinugunan ko ng ngiti.

Masaya ako sa successful na immerging ng IU sa Campus namin. Ngunit magiging kompleto lang ang saya ko, kung nandito rin si Zaphie at magkasama naming tatanggapin ang papuri. After all she's part of this victory.

Sinubukan kong umasa at nag-antay sa labas ng gate na baka sakaling magawi si Zaphie dito. Hanggang sa

"Acxies?" tawag ng isang boses  babae.

Kinabahan ako, dahil inaasahan ko na si Zaphie na sana ito. Ngunit nang lingonin ko ang tumawag sa pangalan ko. Nabigo na naman ako dahil si Grace palah.

"Acxies, I'm sorry. Please forgive me and let me explain. Mali ang pinaparatang nila sa akin. Maniwala ka sa akin, Babe. Hindi ko iyon magagawa." pakiusap at pagmamaka-awa niya.

Ngunit ayoko ng marinig pa ang mga kasinungalingan niya. Matapos ay pinigilan ko ang pagtatangka niyang pag-akap sa akin.

"Pwede ba tama na Grace! Alam ko na ang lahat. Nakita ko mismo sa mga mata ko, kaya 'wag ka ng magpaliwanag pa. Niloko mo ako kaya wala na tayo. It's over!" tulak ko ng bahagya saykanya sabay talikod ko't iwan siya.

________________~*~________________

Grace's POV

BUONG gigil sa galit kong inihatid ng tingin ang papalayong si Acxies. Hindi ko lubos akalain na hindi na niya ako pakikinggan sa kabila ng pinagsamahan namin.

Ang buong akala ko'y hawak ko na ang damdamin niya. Ngunit 'yon pala'y hindi. Pero okey lang dahil gagantihan ko sila.

"Hindi mo ako basta basta mawawala sa buhay mo, Acxies."  tiim baga kong turan sa sarili at napakuyom kamao ako.

"Grace ano bang gagawin mo, huh? Hindi ko gusto 'yang pananalita mo. Huwag ka ngang magpadala d'yan  sa galit na nararamdaman mo. Tama, hayaan mo na siya." paalala ni Magda sa akin na nginitian ko lang at pinili kong h'wag ng ipaalam sa kanya, ang mga plano ko. Dahil  I'm sure, pag nalaman niya, mas mataranta pa siya sa gagawin ko.

"Don't you worry, Magda. Simpleng ganti lang naman ang gagawin ko sa kanya." ngiting assurance ko para sat matatakotin kong bff.

"Anong balak mo?" pag-alala pa nito. Ang duwag talaga niya masyado.

"Ano ka ba naman, Magda. Parang hindi mo ako kilala. Simpre dahil sinira niya ang pangarap at buhay ko. Eh, 'di sisirain ko rin ang buhay niya. Wawasakin ko lang naman ang buhay na meron siya at ang pag-asa ng bukas niya'y ipagkakait ko rin. Gaya ng ginawa niya sa akin." ngiti ko.

Hindi makaimik si Magda dahil alam niya kung paano ako magalit at magtanim ng sama ng loob sa kapwa tao ko.

At sa kagaya ni Acxies na walang konsiderasyon sa pagkakamali ko, ay wala ring karapatan para hayaan ko na lang siyang maging masaya. Samantalang ako, ay lalo niyang nilugmok sa kahirapan sa buhay.

Ni hindi man lang niya inisip kung anong klaseng buhay meron ako. At iyong ipa-kick out niya ako ng basta basta dahil lang doon ay unfair para sa akin. Kaya humanda siya sa gagawin ko.

"Grace tama na 'yan. Mag move on na lang tayo. Magsimula na lang tayo ng panibago" walang kwentang payo ni Mara say akin na iniripan ko.

Dahil wala ng mas magaganda pa sa planong naiisip ko.

Kumoyugpos ako't napangiting demonyeta.

"Well, mag mo-move on naman to talaga ako. After this brilliant plan na pasasabogin ko. Dahil bago ko sila iiwanan lahat. Pagpe-perahan ko muna sila." ngiti kong anas

'Tiyak na limpak limpak na salapi ang makukuha sa gagawin kong ito. Then after noon, sasama na ako sa bagong boyfriend ko, sa Paris. Doon ako magtatago at magsisimula ng panibagong buhay kasama siya and we live happily ever after.' evil laugh I murmured to my mind.

Alam ko nag-aalala sa akin si Magdaa. Palibhasa kasi mahina ang loob niya. Ayaw niyang tumulad sa akin na gagawin ang lahat. Magkapera lang at yumaman. Hindi tulad niya, nakukontento sa kaunting kinikita niya sa matatandang amoy lupa. Palibhasa hindi naman siya lumaki sa kahirapan.

Hindi kagaya ko, nagkamuwang sa mundong makasalan. Kung saan lahat sa buhay ko'y pinagkait.

Lahat wala ako at sa murang edad natutunan ko ng gumawa ng mali para may makakain at mabuhay. At sa edad 15 ako na ang tumaguyod sa isa kung kapatid na babae na hanggang ngayon, ako pa rin ang sumusuporta sa pagpapaaral niya sa kanya sa probinsya.

Kailangan kong kumayod para
h'wag niyang maranasan kung anong hirap ang nararanasan ko.

Kaya para sa akin. Walang puwang ang salitang tama at katotohanan. Ang mahalaga ay ang pagkain sa pang-araw araw at kung paano ko mai-ahon ang buhay naming magkakapatid sa kahirapan.

Kaya mapatama man 'yan o mali. Basta pagkakakitaan ko, ay gagawin ko. Dahil aanhin ko ba ang pag gawa ng tama? Ang papuri ka sa pagiging mabait? Makakain ko ba 'yon? Mapambabayad ko ba 'yon sa lahat ng pangangailangan namin?  Hindi ba't hindi! Gugutumin at pahihirapan ka lang say pagiging dakila mong santos.

Minsan na akong gumawa ng tama. Pero ano bang napala ko? Ina-alipusta lang ako, ina-abuso ng mga mayayaman kong amo. Pinagsamantalahan ang pagiging inosenti ko. Hanggang sa matotonan ko kung paano gumawa ng mali para magkaroon ng pera, proteksyon at halaga.

Doon, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Not knowing na namasisira na pala ang buhay ko sa mga maling gawain.

Hangang sa nakakadena na nga ako sa isang impernong buhay na ito. Ngunit sa buhay na ito, natutunan ko ang mag kunwaring mababait, magpa-awa at manlamang sa kapwa.

At sa taglay kung ganda na meron ako, na pinagkakagulihan ng mga kalalakihang mayayaman ay naging puhunan ko para guminhawa ang buhay ko. Gamit pa rin ito, gagawin kong mesirable ang mga buhay nila.

Tiimbaga ko sa galit matapos ay dinukot ko ang telepono ko at may denial ako na numero. Tinawagan ko ang bagong boyfriend ko na nakilala ko sa isang meeting apps.

" Hello Babe? I have a good idea. At sa plano kong ito, your going to hit the two birds in a one stone." ngiti kong saad sa kabilang linya na kinasaya rin nito.

Matapos kung tumawag hinarap ko uli si Magda.

"Magda, balitaan mo ako sa last fieldtrip ninyo ni Acxies ah." utos ko pa.

"Bakit Grace, anong binabalak mo?" alala pa nito

Tiningnan ko lang siya at pinakawalan ng nakakabaliw na ngiting maldita.

"It's a surprise kaya don't forget to tell me when, okey?" pagpapa-thrill ko kanya.

"Bye, see you next time." kaway kong paalam sa kanya bago ako tuloyang umalis.

Dahil ngayong nakakapit na ako sa patalim. Papaninindigan ko na lang ito hanggang sa dulo. Pagkuwan ay tinungo ko na nga condo nang bagong kasintahan kong half Pilipino.

Dito namin pag-uusapan ang sinasabi kong Plano.

Isa siyang mayaman at sobrang gwapo. Kaya sa kanya, tiba-tiba ako. Actually nga, para akong naka-jackpot sa kanya.

"Hi babe." bati nito sa akin habang papasok ako sa magara niyang living room. Kasalolukoyan siyang umiinom ng rhum at lageng may iniisip na malalim.

His name is Kristoff, ang kilalang mayaman sa kinalakihan niyang bansang France. Half filipino at marunong mag filipino, kaya hindi na ako mahihirapan na intindihin siya. Saka 'di ko na siya papakawalan pa ever. Dahil para sa akin, isa siyang gintong isda sa gitna ng malalim na karagatan.

Lahat ng katangian ay nasa sa kanya na. Kaya lamang na lamang siya kaysa sa pipitsyuging si Acxies Ocampo na 'yon. Dito paniguradong panalo ako.

"Feeling greatful Babe. Lalo na ngayon that you're here.  I love you Babe and miss you so much." paglalambing ko sa kanya at inakap ko siya ng kay higpit.

Pero siya parang wala lang. Parang napakadamot niyang maglambing. Pero okey na rin siguro ganoon lang talaga siya kung magmahal.

"So did you find, Acxies again?" usisa niya.

"Yeah." Tipid kong tugon. Nalilito ako dito, bakit pinapahanap niya sa akin si Acxies. Ano kaya ang utang ni Acxies sa lalaking ito at wari mainit ang dugo ng Baby Kristoff ko sa lalaking 'yon. Siguro dahil pinaiyak ako ng gagong si Acxies 'yon.

'Wow ang sweet naman ng baby Kristoff ko.' kilig pang turan ng isipan ko at niyakap ko pa siya lalo.

Habang siya naman parang pusong batong umihithit ng sigarilyo at bumubuga ng usok.

"How about the girl name, Zaphie?" usisa niya sa bweset na babaeng iyon.

"I don't know where she is, but I'm sure Acxie know where to find her." tugon ko na kinataas ko ng kilay. Dahil napapansin ko ba't puro Zaphie at Acxies na lang ang pinagpuputok ng butse niya?

"Babe, tika nga muna. Napapansin kong puro ka na lang Zaphie ah. Kilala mo ba siya?" kumpronta ko na kinainis ko dahil lagi na lang Zaphie Zaphie Zaphie! Litse!

Ngunit hindi siya umimik bagkus ay lumagok lang ito ng alak at nagtapon ng mabigat na tingin sa kawalan.

" Babe, are you okey? Why not let's talk about my plan instead of knowing where to find that bitch!  " swetsyon ko sa kanya na kumuha ng atensyon niya.

" By next week mag fe-fieldtrip sila Acxies at iba pang istudyante ng EHSU. Sa araw na iyon, doon natin gagawin ang naiisip kong plano, Babe." saad ko sa ideya ko.

Hindi umimik si Kristoff, tahimik lang ito na wari may niruruk sa isipan. Mayamaya pinakalas niya ako sa pagkakayakap at tinungo ang balcony dala ang isang bote ng alak.

Pagkuway ininom niya ito at sumokot ng phone. Saka may denial na hindi ko pa mapagsino.

"Hello. Make it sure na makakasama si Sofia sa magaganap na field. Dahil lumalaki na utang niya sa akin. I need her by hook or by crock."

buong gigil pang paninigurado ni Kristoff sa kausapn nito. At iyong 'di masukat na galit Nita habang sinasambit niya ang pangalang Sofia ay talagangg tagos hanggang buto.

'Sino si Sofia?' tanong ng utak ko habang pinagmamasdan ko si Kristoff na puno ng poot habang inuubos ang alak na hawak niya.

Ano kaya ang binabalak ni Grace para kay Acxies? At sino nga ba si Kristoff? Ano kaya ang binabalak niya kay Sophia? Alamin mo ang mga kasagutan sa mga tanong na ito, sa mga susunod pang mga kabanata.

Dito lang sa Trouble Maker Best Friend Best Enemy Series

_____________~*~___________________

Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top