Chapter 28


"Meet my Dad Acxies"

Zaphie's POV

"Oh anak, gising na pala ang boyfriend mo." sulpot na singit ni dad sa amin na kinaigtad ko pa sa gulat.

'Anak ng tipaklong naman si Dad oh! Nakakahiya ang sinabi niya.'

Napalingon ako kay Acxies at napapapikit sa hiya. Habang ang songak naman ay napapangiti pa na tila ba'y kinilig sa narinig niya.

'Bweset! H'wag ka ngang makangiti-ngiti d'yan.' himutok ng utak ko pagkuway sinamaan ko siya ng tingin.

Sininyasan ko si Dad na bawiin ang sinabi niya ngunit imbes na gawin ito'y humirit pa siya ng

"Oh bakit? Hindi ba 'yun 'yong sinabi mo?" dagdag pa nito.

'Ay naku, si Dad talaga oh!' konsome ng utak ko at mukhang pinamulahan pa ako sa pinagsasabi ni Dad.

Tuloy hindi ko magawang tingnan si Acxies dahil baka makita niya ang pamumula ko. Pagkuwa'y nag-isip ako ng palusot.

"Dad ano po, gutom na po si Acxies" paglilihis ko ng topic at sinulyapan ko ang tokmol na ngiting-ngiti sa sanabi ni Dad.

"Hindi ba, gutom ka na? " baling kong tanong sa kanya at siko ko siya sa tagiliran para yumango ito at tuloyan na ngang maiba ang topic.

"O-oo nga po Papa-" tugon niya na kinalaki ko ng mga mata.

"-ay este Don ZHOVEL po pala." bawi nito ngunit halata namang sinadya niya ang sinabi niya.

'Pasalamat ka good mood si Dad. Dahil kundi, baka ipalapa ka nito sa mga K9. Pssh.' nayayabangan kong himutok sa isipan habang si Dad naman ay natawa lang sa parinig ni Acxies.

"Hijo, maybe just can call me Tito for now. Co'z I guess it's too early for you to call me your Dad. Saka baka karatehin ka nitong baby Sofie ko." nakangiting tugon ni Dad at gunulo pa ang buhok ko.

"Dad, ano ba." hawi ko sa kamay niya dahil beni-baby na naman ako..

"Okey po Tito." yango ng tokmol.

" Oh siya kumain na ho tayo." anyaya ko na para tumigil na silang dalawa.

Masyadong nakaka-asiwa na kasi ang pinag-uusapan nila. Baka magkasundoan pa sila't pagkaisahan ako.

At ito namang mokong na toh feeling close agad kay Dad. Tsss.

_______________~*~ _______________

Acxies's POV

Habang kumakain na kami. Wala ni isang gustong magsalita. Lahat kami tahimik lang at nagpapakiramdaman sa isa't isa.
Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan o saan magsimula.

Kaya hinantay ko, kung sino ang unang magbubukas ng pag-uusapan. Ngunit lumipas na lang ang sampong minuto. Wala pa rin gustong magtanong o magkwento.

Buti na lang sa kalagitnaan ay dumating sina Rafael, Miguel at isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Oh Rafael, Miguel at Raven nandito pala kayo. Come over here at sumabay na kayo sa pag-aagahan namin." imbita ni Don Zhovel sa tatlo.

At Raven pala ang pangalan makisig na lalaking ngayon ko lang nakita.

Para itong commader ng militar. Kay kisig ng postura niya at iyong tindig ay kay tikas. Laki pa ng katawan at ang angas ng dating.

'Ano kaya siya? Comander Lieutenant o General?' panghuhula ko basi sa itsura ng kanyang dating.

Tumabi ito sa likuran ni Zaphie. Nakasalukoyang kumakain. Habang si Rafael at Miguel nama'y ay nasa tabi ko naman umupo. Magkatapat kami ni Zaphie kaya malaya kong napagmasdan ang Raven na nasa likuran niya.

"Best friend, may na nanakit daw sayo sa school, ah?" tanong nito at best friend niya ang lalaking ito?

"Sabihin mo sa sa'kin kung saan ko siya matatagpuan at pupuntahan ko ang lintik na tokmol iyan." gigil pa nito sa galit

"Nang maipakita ko sa kanya, kung paano ko babaliin ang tadyang niya't pagbubuholin ko rin ang bituka niya, gaya ng inihaw na adidas." tapang nitong usisa na mukhang hahantingin pa nga ako.

"Iharap mo ako sa kanya ng Makita niyang hinahanap ng lalaking iyan. Makikita niya at babalian ko siya ng tadyang. Matapos ay tutuhugin ko ang bituka niya na parang inihaw na adidas." saad pa nito in a serious tone.

'Naku! Baka tadyakan ako nito. Lagot! Mukhang 'di ko pa kaya makipag bunoan sa power ranger na ito.' 'di mapakaling pag-alala ko.

Matapos ay sinulyapan ko si Zaphie at tumingin naman ito sa akin.

Napalunok ako dahil mukhang ituturo na nga niya ako. Bigla akong pinawisan sa kaba. Kasunod noon ay binalingan niya si Raven at inis niyang tininganan ito.

"Tumigil ka nga d'yan. Ayan oh! Ayan ang hinahanap mo, nasa tabi mo na!" sagot niya dito.

Matapos ay mabigat niyang binaling ang tingin niya sa akin at nanggigilaiti pa ang panga niya na umupo sa kasunod na upoan na nasa tabi ko.

Sa itsura pa lang niya, mukhang uupakam na nga ako nito. Napalunok ako ng sunod sunod Pagkuway bigla itong napakuyom at tumingin sa akin. Heto na nga mukhang uupakan na nga ako.

"Dude." Nakakatakot niyang saad sabay angat niya sa kami niya't tapik ako balikat.

Naalarma ako kaya't napabitiw ako sa kutsara't tinidor at humanda sa maaring lumipad na kamao. Matapos ay nakita ko ang mukha niyang kay seryu-seryuso na akala mo kating kati na manapak ng tao, ay biglang nagbago at ngumisi ito na parang sir ulo.

"Idol! Ang galing galing mo ah. I'm so proud of you. Ang tapang tapang mo para harapin ang mga kidnapper at protektahan itong yagit kong bestfriend. Kaya salute ako sayo Lodi! Petmalo ka talaga!" masayang kwela nito habang sumasandok na ito ng makakain at walang kiming subo at kumain.

Iyong kaba ko'y biglang na relief at lumuwag ang naninikip kong dibdib.

'Hooo! Grabe akala ko bugbugan na naman.' hinga ng utak ko pagkuway napa-inom ako ng isang basong tubig.

"D'yan, d'yan ka magaling! Sa pagiging masiba mo say pagkain. Kaya lumalaki lang 'yang katawan mo sa kaka-gym mo.
At pagmay gulo, tumatakbohan mo lang naman. Tapos may pananakot ka pang nalalaman d'yan. Talagangg tatakutin mo pa 'yang-" saad ni Zaphie na kinatigil niya saglit. Pagkuway, tumingin siya sa akin at sa Daddy niya.

"-yang kaibigan ko." dugtong niya.

Sinulyapan ko siya at napangiti ako sa sana'y gusto kong marinig mula sa kanya.

"Kumain kana Acxies at 'wag muna pansinin itong si Raven. Tagalang mapagbiro lang siya." saad ni Don Zhovel.

"Oh, Acxies now that you know who is Zaphie at kung anong buhay talaga ang meron siya. Siguro naman maiintindihan mo na kong bakit bawal na siyang pumasok sa school. " pag-iiba ng usapan ni Rafael.

"At ngayon na alam muna ang lahat tungkol sa amin. Siguro naman titigilan muna rin kami sa mga panghuhusga mo na keso sendikato kami o mga drugs syndicate. " si Miguel

"I'm sorry kung napag-isipan ko kayo ng masama." paumanhin ko sa kanila.

Yumango naman sila.

"Well, anyway I just want you to know na, ngayon ka pala susunduin ng kapatid mong si Alex, Acxies." paalam ni Don Zhovel.

Nalungkot ako kasi meaning nito, mapapalayo na naman ako kay Zaphie. And the worst baka 'di ko na siya makikita pa o malalapitan man lang.

________________~*~________________


Zaphie's POV

Ito na nga, dumating na nga si Alex para sundoin na ang kuya niya.

Hahay, nakakamis 'yong araw na andyan lang sa tabi mo ang taong gusto mong alagaan at makasama. Pero hindi naman pwede na hindi na hindi na lang uuwi si Acxies sa kanila. I'm sure miss na siya ng mga magulang niya at buti na lang na pumayag ng mga Ocampo family na mas maigi na sa amin muna si Acxies habang nagpapagaling at proteksyon na rin kung sakali man na balikan siya ng mga armadong nagtangka sa buhay ko.

Dahil kung iuuwi man siya sa kanila. Maaring mamiligro lang ang buhay niya o buhay ng buong pamilya niya . Lalo na pagnalaman ni Kristoff na si Acxies na ang nilalaman nitong puso ko. Tiyak siya ang ri-risk bakan sa lahat ng kasalanan ko sa baliw na taong iyon.

Ngayon, kasalukoyan na silang nag-uusap si Alex. Kaya
Lumapit ako ng bahagya sa kinaroroonan nila upang pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nilang mag kapatid.

"Kuya ang laki ng bahay nila Zaphie ano? Ang yaman yaman talaga nila." nalululang saad ni Alex habang iniikot ng paningin niya ang kabuohan ng kwartong pinaglagyan namin kay Acxies.

Ngunit ang si Acxies ay wala naman sa mood na sabayan ang pagkamangha ng kapatid niya. Bagkus pa'y masama ang loob nito habang nag-iimpaki ng mga gamit niya.

"Kuya, okey ka lang ba?" usisa niya ng 'di siya pansinin nito. Matapos ay padamog na sinara ang baggage pagkuwan ay nilingon ang kapatid.

"Matagal mo ng alam hindi ba, Alex?" naiinis nitong kompronta

Natahimik si Alex at nawala ang masaya niyang ngiti. Pagkuway nalungkot at yumango.

"Bakit 'di mo sinabi?" asik ni Acxies.

'Talagang big deal sa kanya ang katotohanang iyon?'

Sinamaan niya ng tingin si Alex.

"Confidential kasi sabi ni ate Zaphie." tugon ni Alex na wari takot sa kuya niya.

" Pero bakit hindi mo sinabi sa akin, kapatid mo ako Alex!" .

Tumahimik si Alex at hindi kumibo. Kaya lumapit na ako sa pintoan, beside nakabukas naman ito.

"Ako ang nagsabi sa kanya na 'wag sabihin sa'yo Acxies. Kaya't h'wag muna siyang sisihin. Dahil wala siyang kasalanan." singit ko na sa usapan nila.

Lumipat ang pansin ni Acxies sa akin.

"Bakit n'yo ako nilihaman? Pati ikaw hindi mo sinabi sa'kin, kung ano talaga ang buong pagkatao ni Grace. Pinagkaisahan n'yo akong dalawa!" himutok niya na 'di ko alam kung bakit.

Lalo akong nainis sa mga inakto niya, lalong lalo na ng marinig ko ang pangalang Grace, as if ba naman na maniniwala siya kung sinabi nga namin sa kanya nang maaga.

Kaya tinaasan ko siya ng kilay at nakipagtitigan ako sa kanya ng tapang.

"At sa tingin mo, maniniwala ka kaya, kung sinabi namin ang buong katotoohan, huh?" pagmamaldita kong sagot.

"Pwedeng oo" tugon niya.

"Pwedeng hindi!" giit ko.

"Ano ba Zaphie!" pakli niya.

"Ano?" taray kong saad sa kanya na nagpapikon at inis sa kanya.

Ang cute niya kasing asarin. Lalo na kapag namumula na siya sa pikon. Lalo siyang gumugwapo. Sarap niyang kurotin sa magkabilang pisngi.

Napasuklay pa ito sa buhok niya gamit ang mga daliri. Pagkuwa'y 'di siya mapakali. Wari may gusto siyang sabihin na 'di niya masabi-sabi.

"Kung sinabi n'yo sana ang buong katutuhanan, di sana-" bigla na naman siyang napatigil at wari nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang sasabihin o hindi.

Nainis ako sa pa bitin effect niya.

"Ano kuya 'di sana?" tanong pa ni Alex na siya rin ay nabitin sa paghinto ni Acxies.

Di parin masabi ni Acxies kaya napipikon na talaga ako. Kaya napahinga ako ng malalim at dinugtungan ko ang sanay sasabihin niya.

"Di sana matagal mo na kaming pinagtutulakan palayo at sinabihang mang-aagaw, maninira ng relasyon, sinungalin at magaling gumawa ng kwento. Hindi ba? Ganoon lang rin ang sabihin mo!" panggigiit ko.

Bigla siyang nahamon at lalong sumama ang mukha.

"Kung sinabi n'yo lang sa sama sa akin ng maaga ang buong katotohanan. Hindi sana matagal ko na sanang sinabing MAHAL KITA!" saad niya na nagpahinto sa mundo ko.

napamaang ako at nagulat.

'Tama ba? Tama bang marinig ko? Mahal daw niya ako? Matagal na sana niyang sasabihing mahal niya ako? Tama ba ako?' Daldal ng utak ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wordless ako at 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Napatakip bibig ako.

Natahimik silang magkapatid. Walang maka-imik. Habang si Alex nama'y napapangiti sa akin.

Tila ba siya pa ang kinilig sa pag-amin ng kuya niya. Habang ako naman pilit kong tinatago ang kilig at tuwa ko. Pinanatili kong blangko ang expresyon ng aking mukha.

Siguro sa 'di ko pag imik at sa 'di ko pagtugon sa pag-amin ng nararamdaman niya'y, bigla siyang nalungkot at na dismaya.

'Mahal din kita Acxies, ngunit ayoko na na pati ikaw madamay sa gulong tinakasan ko. Siguro balang araw magiging tayo rin, kung sakaling darating pa, sa buhay ko ang pagkakatong iyon.'

Malungkot na saad ko sa akin isipan. Hindi ko kasi masabi masabi sa kanya ang tunay kong kalagayan. Ayoko siyang mag-alala at masaktan pa.

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko, hanggang sa bigla na lang siyang tumalikod at umalis na nang tuloyan.

Sumunod naman si Alex sa kanya na malungkot din ang mukha. Siguro na dismaya rin si Alex sa pagwalang kibo ko.

'Ayaw ko lang kayong masaktan pa. Siguro tama na, na mas maaga pa lalayuan n'yo na ako at magsimula na kayo sa pagmo-move on.' turan ng aking utak habang inihatid ko sila ng tingin palabas ng gate.

'...kung sakaling darating pa, sa buhay ko ang pagkakatong iyon.' Ano kayang ibig niyang ipahiwatig dito? Ano nga ba ang problema niya bukod kay Kristoff? Alamin sa gumagandang tagpo. Dito lang sa Trouble Maker Best Friend Best Enemy Series.

_______________~*~________________

Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top