Chapter 26


" Saving her for good "

Tuloyan na nga niyang pinatakbo ni Zaphie ang kotse niya palayo sa akin.

At mula sa kinatatayuan ko. Tanaw ko ang kotse niyang papalayo na. Habang may dalawa namang kotse na papasalubong sa tinatahak niyang daan.

Akala ko, mga motorista lang sila. Ngunit ng magtapat ang mga kotse nila'y, bigla nilang hinarangan ang kinasasakyan ni Zaphie.

Matapos ay may nagsilabasan na mga armadong lalaki. Akala ko mga gwarda lang ito ni Zaphie. Kaya hindi muna ako kumilos. Ngunit ng mamataan kong timututukan na nila ng baril ang driver seat na kina-uupoan ni Zaphie, ay naalarma na ako.

At lalo akong nag-alala ng magpaputok na ito ng sunod sunod.

"Tulong! Tulongan n'yo ako!" sigaw na umalingaw-ngaw sa kalalimam ng gabi.

At doon awtumatiko na nga akong sumaklolo. Not knowing na dilikado itong gagawin ko. Habang patakbo ko silang nilapitan. Kita ko na dahasang hinihila nang apat na lalaki ang nagpupumiglas na si Zaphie.

Pinilit ni Zaphie na manglaban. Nakikipag tulakan at sipaan na siya. Makaalis lang mula sa pagkakahawak ng mga armadong gustong tumangay sa kanya. Ngunit nang bigwasan siya nito'y, deritsyo siyang nanghina at napaimpit sa sakit.

"Bitiwan n'yo siya! " sigaw ko na parang action star.

Oo, hindi ako si Ricardo Dalisay ng probinsyano. Ngunit sa abot ng aking makakaya, ay ililigtas ko si Zaphie.

At kahit paano nama'y may alam naman ako. Pagdating sa bunoan.

"Paki alamero!" hiyaw ng armado sa akin at sumugod ito.

Nagpakawala siya nang suntok. Ngunit tumama lang ito sa ere. Humugot uli siya ng sapak. Kaya humanda ako. Saglit kong sinipat ang mga mata ko. Upang maghanap ng magagamit na pang hampas sa malaking katawan niya.

Sa aking tabi, nahagip ko ang may kalakihang tubo. Kaya't ng magkataon ay, agad ko itong inabot at bumwelo ng malakas upang saluhin ang sapak ng pamatay na palo.

Nang tumama ito sa braso niya. Napa-igik ang armado. Ngunit panibagong armado ang muling lumusob sa akin.

Agad ko silang pinaghandaan. Ngunit nang marinig ko Zaphie na sumisigaw. Napatakbo ako't lapit sa kanya. Lalapitan ko na sana siya. Kaso humarang ang tatlong palot.

Nakipagbunoan ito kaya naman nakipagsukatan na naman ako ng lakas. Hampas dito sapak doon tadyak sa kaliwa at kanan. Halos habol hininga ko silang nilabanan.

At kahit nahihirapan si Zaphie. Akalaing mo ba naman na maala ninja pala siya. Ang bilis niyang makawala sa pagkakaposas at bihag sa armadong may hawak sa kanya. Matapos ay tumakbo na nga siyang lumapit sa akin.

"Zaphie!" tawag ko sa kanya at nagkalapit na nga kami.

Tatakbo na sana kami nang paharang kaming tinutukan ng baril nang apat na kumag. Pumihit kami sa ibang deriksyon. Ngunit may nakaharang na rin.

Nakangisi pa sila Habang mayabang na tinutok sa akin ang isang armalite na baril.

Nilingon ko si Zaphie at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Bumaling siya sa akin habang may kabado sa mukha. Saglit siyang tumitig matapos humigpit rin ang hawak niya sa kamay ko.

Pagkuwan ay, yumago siya at doon, nagtalikuran kami para makipagbuno-an sa mga armadong ito.

'Nakaabelive siya, marunong rin pala siyang makipag karate?' mangha ko pang turan sa utak Habang nakahanda sa paglapit ng mga kumag.

Buong lakas naming nilabanan ang mga honghang na mga kidnapper. Gamit lang ang nalalaman naming self defense. Lahat sila nagawa naming itumba. Sa galing ba naman ni Zaphie at sa tulong ko'y, talagang lahat sila'y tulog.

"Tara bilis, takbo!" higit ko sa kanya ng wala ng nakatayo.

Papatakbo na sana kami ng harangan kami ng isa pang lalaki. Mukha siyang sanggano na mamatay tao. Tansya ko siya ang leader ng mga honghang na ito.

"Sige! Isa pang hakbang at sisiguradohin kong sabog ang mga bungo n'yo!" nanlikisik na bulyaw ng demonyong leader nila.

Kaya napataas kamay kami at napatigil. Dahil mukhang nagsasabi nga siya ng totoo.

Nagsitayuan ang bugbog saradong mga minions niya at lumapit ito sa amin.

"Hawakan n'yo siya ng maayos! Mga walang kwenta!" utos na bulyaw leader nilang mukhang bilasang bisugo.

Matapos ay pinanlilisikan ng mata si Zaphie at tinutukan ng baril.

"H'wag kanang magtangkang manglaban pa. Dahil pag inulit mo pa-" sabay lipat niya sa baril niya patutok sa sentido ko.

"papasasabogin ko ang utak ng pakaalamerong ito!" napapatiim bagang banta pa nito.

Takot at nginig na yumango si Zaphie. Ramdam ko ang trauma na natatamo niya sa pangyayari. Kaya nilakasan ko ang loob ko at tinapangan ko ang sarili ko.

"Pakawalan n'yo siya!" sigaw ko

"Putang ina mo!" sabay hampas niya sa akin.

"Paki alamero! " dagdag niyang hampas sa kabilang pisngi ko.

Matapos noon, suminyas ito sa mga aliporis niya't iyon na nga. Buong gigil akong binugbog.

Suntok dito, suntok doon, suntok kahit saan sa katawan ko. Hinampas din nila ako gamit ang bakal na kanina'y pinanghampas ko sa kanila.

At hindi pa sila na kontento at pinatulongan pa nila akong sipa-in. Habang si Zaphie nama'y hawak sa magkabilang braso at tinututukan ng baril sa sintido.

"Tumigil na kayo! Walang hiya! Mga halang ang kaluluwa." pagwawalang sigaw na narinig ko kay Zaphie.

"Tumahimik ka bweset!" sita ng leader na humahawak sa kanya.

"Kung hindi ka lang importate sa boss namin. Tiyak kanina kupa kinulamos 'yang labi mo at pinatay na kitang bratenilya ka! " gigil nitong singhal sa galit.

"Kapag ako, binuhay n'yo pa! I swear! Papatayin ko kayo! " tapang na bulyaw ni Zaphie sa mga armado.

Nakadama ako ng takot para sa kaligtasan niya. Kailangan kong lumaban, kailangan ko siyang iligtas.

At kahit hindi ko na magawang ikilos ang katawan ko. Dahil aa pamamanhid nito. Ngunit sa abot ng aking makakaya ay lalaban ako.

" Axcies! Acxies!" sigaw na naririnig ko sa kanya habang napapasurasay na ako sa hilo.

Halos hindi ko na maaninag ang paligid. Dahil sa namamaga kung mga talukap. Dama ko rin ang maiinit-init na likidong dumadaloy sa mukha ko.

Ganoon paman, kahit bumibigat na ang katawan ko, ay pweni-pwersa ko na manatiling nakatayo.

Lalaban ako para kay Zaphie. Hinakbang ko ang mga paa ko. Habang nagtatawanan naman ang mga demonyong armado. Tila ba masaya pa sila sa ginagawa nila.

"B-bitiwan n-nyo siya!" nauutal kong turan na kinahalakhak pa naman nila.

Tawang tawa sila sa itsura ko. Habang nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa paningin ko. Pakiramdam ko'y mawawalan na ako ng malay ano mang oras.

"Bitiwan n'yo ako!" hiyaw na narinig ko at may narinig akong nagkakagulo.

Matapos noon, hindi ko na makita Kung anong nangyayari. Basta sunod na naramdaman ko'y may umakap sa'kin.

"Acxies I'm sorry!" iyak nitong turan sa akin habang yakap niya ako.

Alam kong si Zaphie ito. Pinilit kong mulatin ang namimigat kong mga mata at gisingin Ang nawawalang malay na diwa.

Nang magawa ko ngang magmulat ng mata. Kahit na malabo na ang paningin ko.

Napangiti ako sa nasilayaan ko. Si Zaphie, okey siya at yakap niya ako habang naka-upo.

"Za-Zaphie t-tuma-tumakas k-ka na," nahihirapan kong turan sa kanya.

Habang napapaimpit ako sa nakakamatay na sakit.

"Hindi, hindi kita iiwan, Acxies." hikbi niyang tugon.

"Pilitin mong tumayo, Acxies. Dahil tatakas tayo. Sige na, halika na." mangiyak-ngiyak niyang alalay sa akin. Kahit hindi naman niya ako kayang buhatin.

At dahil na awa na ako sa kanya. Kahit Aalam kong wala na along lakas na mailalabas. Pinilit ko ang sarili ko. Buong sagad kong tinayo ang nalalantang katawan ko.

Nang mahagip ko sa nanlalabo kung tingin ang leader ng armado na papalapit at dalang tubo na pang hahampas.

Agad akong na alarma.

"Piste kayo! Mamatay na kayo pareho!" bulyaw nito sa sukdulan niyang galit sa Amin at wala siyang pagdadalawang isip na hatawin si Zaphie ng hawak niyang pamalo.

At dahil na kaakap si Zaphie sa akin. Hindi niya magawang ilagan ang malakas na hampas na iyon. At kapag natamaan siya. Tiyak ay ikakapahamak niya panigurado.

'Zaphie! Zaphie sa likod mo!' sigaw ng utak ko ngunit hindi na anas ng bibig ko.

Sabay akap ko ng mahigpit sa kanya. Matapos ay buong lakas ko siyang pinakalas sa pagkaka-akap. Pero masyadong mahigpit ang yakap niya. Tila ba sinadya niya ito para harangan ako.

Ngunit hindi ako makakapayag. Humogot ako ng lakas at ang hinanda ki kaninang bwelo ay ginamit ko para makaahon sa pagkakahiga at ikubli si Zaphie ng paakap.

Kasabay ng ginawa kong pagkukubli sa kanya, ay siya ring pagpapakawala ng sunod-sunod na paghampas ng armadong lalaki.

Bawat bitaw niya ng malulutong na sa hampas sa likod ko. Ramdam ko pagbanhid ng likuran. Lalo na sa spinal cord ko, na wari ba'y nababali sa sakit.

Isa

dawala

at dumadami pa.

Kasunod noon, tangi kong nararamdam ay ang dugong lumalabas sa bibig ko. Na sinundan ng hinagpis na panaghoy ni Zaphie.

Bago nagdilim ang paningin. Huli kong nakita ang mukha ni Zaphie na luhaan. Matapos noon dalawang putok ang siyang pumapaibabaw sa kapaligiran. Saka ako tuloyang nawalan na ng malay.

Ano kaya ang mangyayari kay Acxies? Makakaligtas pa kaya sila sa kamay ng mga armado? Tunghayaan sa susunod na kabanata.

________________~*~________________


Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top