Chapter 25


"The Famous Model"


Zaphie's POV

'I hate this kind of life!'

himutok ng utak ko. Dahil paano ba naman kasi, mayaman nga ako at mabibili ko nga ang lahat ng gusto.

Ngunit para naman akong isang bilanggo sa pagiging Zhovel ko. Dahil simula bata pa ako lage na lang may kasa-kasama ako sa t'wing aalis ako sa bahay.

Dapat lageng may naka bunto't na gwardya na magbabantay sa akin. Dahil sabi ni Dad mapaganganib daw para sa akin na nag-isang lumabas ng bahay.

Masyado raw kasi akong mainit sa mga mata nang mga taong may halang na bituka. At tama siya, dahil minsan ko nga iyong naransan noon high school pa ako. Nang suwayin ko si Dad at tumakas ako.

Pinagsisihan ko gabi gabi na sinuway ko si Dad sa gabing iyon. Dahil kung sinunod ko sana siya, siguro ay buhay pa ang childhood best friend.

Binuhos niya kasi ang buhay niya para sa kaligtasan ko. Matapos ng pangyayaring iyon ay gabi gabi kong sinisisi sarili dahil sa pagkawala niya.

At dahil sa pangyayaring iyon, napapayag ako ni Dad na mag-migrate na lang kami sa France.

Ngayon, ayoko nang maulit pa ang pangyayaring iyon. Ayoko na na may iba pang taong mapahamak ng dahil lang sa kapakanan ko.

Ngunit ng maipit ako sa kasundoan ni Dad at kay Cador.  Minabuti kong muling tumakas at naisipang bagohin ang itsura.

Pinili kong magmukhang babaeng may mababang lipad at babaeng pandidirihan sana nila.

Kasi dito, hindi ako mahahanap ni Kristoff sa itsurang ganito.
Dahil sino bang mag-aakala na ang isang Zhaira Sophia na kilala niya'y, magdadamit at aastang  isang mababang uri ng babae.

Bukod  doon. Malaya rin akong makapapasyal at gala saan ko man gusto ng walang nakabuntot sa akin. Walang nakakapansin sa tunay kong ako.

Saka sa ganitong itsura. Pakiramdam ko hindi ako lalapitan ng mga kalalakihang ulol. Lalo na ang mga manyak at hayok sa kababoyan. Kasi tingin nila sa akin mas malala pa ako sa baboy. Tingin nila nakakadiri na ako at mukhang kung sinu-sino na lang ang tumira.

Pero ganoon pa man hindi ko pa Rin maiwasan na pagkagulohan ng karamihan. Hindi ko sinasabing mayabang ako ah. Pero ganoon talaga sila. Ewan ko ba't anong nakikita nila sa akin.

Pinapatulan ko nga mga flirt nila ng mas matindi pa sa hirit nila. Nang sa ganoon ay maumay at ma turn off na sila sa akin. Pero nakakapagod pala  ang magtago. Nakakasakit pala sa puso.

Lalo na ng makilala ko so Acxies. Nang husgahan niya ako ng kung anu-ano. Saan na kaya siya? Kumusta na kaya siya?

Pag-iisip ko sabay tanaw ko sa kalawakan. Matapos ay nag-isip ako ng paraan na makatakas sa mga nagbabantay sa akin.

After a half hour. Sakay na ako sa kotse at papalayo na sa mansyon.

'Wooohhh! Buti na natakasan ko ang mga gwardya ni Daddy at makakapunta na naman ako kina Tita at Ava.' masayang sigaw ng utak ko habang pinapatakbo ko ng malakas ang kotse ko.

At habang binabaybay ko ang daan pa punta sa resto bar. Biglang kumalam ang sikmura ko.

'Ay hala! Hindi pa pala ako naghahaponan.' na alala ko

Kasi naman si Dad. Lahat ng pagkaing pinapanhanda niya, lahat puro gulay na little. Napaka health conscious niya kasing tao. Kaya pati ako damay na rin.

Ang dami niya kasing bawal na paalala. Bawal maraming carbs, bawal too much meaty, bawal junk food, bawal instant food. Ay nakakarindi! Lagi na lang damong gulay ang pinapakain niya sa akin. Naku, pag ako nagising at naging kambing o baka. Naku, hindi na gtataka.

'Si Dad talaga,' natatawa turan ng utak ko.

Kaya bigla akong nag-crave ng hot ramin noodles. Pagkuwan ay mas kumulo pa ang bituka ko.

"Naku nakakagutom naman." takam ko matapos ay naghanap ako ng convenient store. Dahil sympre 2 am na. Panigurado wala ng bukas na restaurant ngayon.

Nang makakita ako ng 24/7 store. Agad akong pumarada sa parking area. Isang Mini Stop Over na convenient store ang papasokin ko.

Kapag ganito, malamang may available na mga on the go cup noodles. Hinanap ko ang instant ramen cup. At nang makita ko'y laking saya ko.

'Ay thank you, makakain na rin ako.'

Habang dala dala ko na ang cup noodles papunta sa counter  ng cashier. Sa  may magazine rack, isang cover ng magazine ang  umagaw sa pansin.

Napatigil ako't nilingon ko ang nasa pabalat nito. Nang mapagsino ko kung sinong mukha ang nakabaladrahita doon, ay napa shit ako sa bigla.

"Lintik na tinapa! Bakit nakarating ito dito ng hindi ko nalalaman? Shit! Shit!" na mura ko sa inis at pinaghahablot ko ang mga magazine.

I need to buy this all. Kailangan kong alisin ang lahat ng ito dito. Or else mas lalong mapapalala  ang pagiging bilanggo ko. Kapag lumaganap pa lalo ang mga larawan ko sa magazine na ito.

Dahil for sure, mas lalong  magiging mahigpit si Daddy sa akin. Once na malaman niya ang paglaganap ng bagay na ito. At mas iinit lalo ang mga mata ng kreminal mga kreminal sa akin.

Naiinis kong hakot at ng hindi magkasya sa braso ko'y, timing ko ang push cart at ginamit ko ito para kunin lahat ng magazine  na ako ang pabalat.

Akala ko pa isang brand lang ng magazine ang gumamit at nagpapalaganap sa kasikatan ko. Nang simulan ko sa Paris ang pagiging freelance model ko.

Pero hindi ko akalain na halos, lahat  na ata ng brand ng magazine, ay pagmumukha ko ang pinagpa-publish.

'My goodness! Sinong bang nagpapakalat sa pagmumukha ko? Ang alam ko sa Paris lang ako nag fre- free lance model ah. Bakit ito umabot dito sa Pilipinas ng hindi ko nalalaman?

Pagsadamog kong tulak sa push cart. Matapos ay inilapag ko na nga sa counter. Nang sa ganoon ay wala ng makakita at may makapansin pa.

"Ahm, Miss ikaw ba ang nasa magazine na ito? Pwede po bang akin na lang ang isa at ipapa-suspend ko po sa'yo?" ngisi pa ng Cashier na may nakikiusap na mag mata.

'Lintik na talaga. Lagot na! Mukhang malaking problema nga ito! Kailangan ko na ngang tawagan si Kuya Rafael. Para ma e-ban ang pagdi-distribute ng magazine na ito.

Nginitian ko siya.

"Hindi ako iyan, kamukha ko lang at ine-impersonate ko lang siya. Idol ko rin siya kasi. Kaya bibilhin ko na lang lahat ng ito." palusot ko.

"Ah, ganoon po ba?"

Tumango na agad ako.

"Ahm pwede mo bang bilisan miss? May naghihintay kasing taxi sa akin." dahilan ko pang pagmamadali.

Matapos pa'y tinulongan ko na siya sa pagbabalot nito. Dahil papalapit na rin sa counter ang isa pang lalaking customer.

At bago pa makalapit ng lalaking ay dalidali na akong umalis at tumungo palabas.

_______________~*~_________________

Acxies's POV

'Ay salamat may convenient store na rin sawakas! '

Mukhang pwede na dito mag instant noodles and foods na lang ako. Dahil kailangan ko pang bumalik agad sa restor bar. Para abangan si Zaphie. Baka magkasalisi kami't hindi ko siya maabutan.

Kaya dali-dali akong pumasok sa loob at pinuntahan ang soda department. Matapos umikot ako sa may mga crackers flakes area.

Habang papaikot na ako sa instant noodles cup. Isang babae na may magandang pangangatawan ang naka hoodie jacket na kulay pink. Habang tenirnohan naman nito ng maitim na short na nakaharap sa magazine rock.

Padamog niyang pinagkukuha lahat ng mga magazine na naka display at patambak na inilagay sa cart niya. Pansin ko sa kanya, mukhang obsesse siya sa magazine na iyon. Dahil Kung umakto siya, parang takot siya maubosan o maagawang ng mga magazine na 'yon.

Nakita ko pa na  sakakadali niya'y nahulog natitirang isang magazine. Hindi ko na sana papansinin. Ngunit sa pagmamadali at hakot niya'y mukhang ganoon ito ka importante sa kanya.

Kumuha ako ng instant noodles. Bago ko tinungo at pinulot ang nahulog na magazine.

Sinundan ko ang babae  sa may counter. Ngunit sa pagmamadali ko na mahabol siya'y natabig ko ang nakafile na tissue.

Napatigil ako at inayos ito bago tungohin ang babae. Nang malapit ko ng matapos ay tiningnan ko ang babae sa counter

Nagbabalot na ito ng mga pinamili niya.

"Miss Wait!" tawag ko ngunit hindi siya lumingon.

Pagkatapos kong maayos ang natabig kong bagay. Nagmadali ako sa pagpunta sa counter. Ngunit pagkadating ko'y  wala na ang babaeng  roon.

"Miss saan na 'yong babaeng bumili sa lahat ng magazine? Naiwan niya kasi ang isang itoh oh. Baka kako kailangan niya." saad ko sa cashier.

"Wala na kuya, eh. Nagmadaling umalis. Ito pa nga oh, keep the change na nga lang." tugon ng cashier.

Na curious ako sa pinamili niya. Kaya binuksan ko ang magazine. Noong buklatin,  ko ang magazine  sa hating parte. Napatigil ako sa nakita ko.

"Zhaira Sofia Ayala Zhovel the Famous young Fashion Designer Model." maang kong basa ko sa nakasulat na ma salita, in a bold font.

Nabitiwan ko 'yong magazine.

"Miss babae ba yong bumili?" tanong ko sa cashier.

"Oo sir, maganda at naka red lipstick."

Pagkasabi niya'y nagmadali na ako sa paglabas. Para mahabol ko pa sa labas ang babaeng kakalabas lang.

"Zaphie!, Zap!" sigaw ko habang papasok na nga siya sa kotse niya.

Nilingon niya ako at maging siya'y nagulat ng makita ko.

She's now Zhaira Sophia, malayo na sa Zaphie na kilala ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at nanguyogpos akong hinarap.

"Kung tatanongin mo sa akin kung kaninong kotse ito. Pwese, bigay ng sugar daddy kong mayaman." pagsisinungaling niyang pagmamaldita

"Actually,  NANG MGA SUGAR DADDY KONG MAYAYAMAN. Hindi lang isang sugar daddy. Because the real score is, marami sila. Puro mayayaman at maperang matandang mayaman. Gabi gabi, paiba iba sila. Para mas maganda at mapera." saad niya sa akin na puro kasinungalingan naman.

"I'm sorry Zap, I'm so sorry." paumanhin ko at napayuko ako.

"Oh iyan lang ba ang sasabihin mo? Okey, it's fine. Matagal na kitang pinapatawad." simpleng tugon niya.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya at nag-isip ako kung paano ko ba siya e approach at paano ba ako magsimula.

Saglit akong natahimik.

" So I guess, nasabi mo na ang gusto mong sabihin. So can I go now? My appointment pa kasi ako sa bagong sugar daddy ko, eh." sabay talikod nito't pasok na siya sa kotse niya.

"Wait!" ngunit hindi na siya nagpapigil

Paano nga ba mapapalapit ang loob ni Acxies kay Zaphie? Alamin sa susunod na kabanata.

____________________________________

Dedication Area

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit pretty.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top