Chapter 21
"Secret Love Song"
"Guys enough! tumigil na kayo! We're having a big event here. At hindi 'yon dapat masira dahil lang sa pangyayaring ito. Kaya pwede ba, just set a side all this nonsense argument!" biglang singit na bulaw ni Prof Justine sa amin lahat.
Kaya napabaling ang lahat ng atensyon kay Prof Justine. Kita ko kung gaano ito na dismaya sa inasal namin lahat.
Sinipat niya ang lahat ng mga istudyanteng may hawak na cellphone at kasalukoyang kumukuha ng kaganapan.
"Give me all your phone." professionally he said. Ngunit hindi agad tumugon ang lahat. Kaya namula ito sa galit
"I said give me all your phone or else I'll gonna kick you all, out of this institution!" singhal na nito at tarantang ibinigay ng mga mapagsamantalang istudyante ang lahat ng mga cellphone nila na ginamit para kunan ang rambolan namin ni Grace.
"This I tell you. Walang dapat na lalabas na kahit anong video na makakasira sa paaralang ito. Or else idedemanda naman ang may pasimuno ng pagpapakalat ng scandalous video. Got it?" utos nito na kinayango ng lahat.
"I said you got it?" bulyaw nitong tanong.
"Yes Sir!" tugon ng lahat.
Lahat kami natatakot kay Prof Justine. Dahil bukod sa Dean siya ng department namin. Isa rin siyang consultant lawer ng Campus. Kaya lahat natatakot sa kanya.
"You and you! All of you," turo niya sa mga head ng mga committee.
", go back to your designated area! " makapangyarihang utos niya na agad sinunod ng lahat.
"And you," baling niya kay Acxies
"do your obligation, Acxies. I'm not expecting here a kind of low graded President." insulto ni Dean Justine na mas lalong kinatiim baga ni Acxies sa akin.
"Go back to your job."
turan pa nito at tumalima na nga sa pag-alis si Acxies. Habang hawak kamay niyang isinabay si Grace sa pag-alis. At sumunod na Rin Pati ang iba pabalik sa back stage.
Habang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Parang nag lo-loading pa ang utak at puso ko sa nangyayari. Para kasing anestisia 'yong mga sinabi ni Acxies sakin.
"Zaphie c'mon kailangan na natin 'tong tapusin." tapik ni Chad sa akin na tanging nagpaiwan. Para damayan ako.
Kaya nagpatianod na lang muna ako sa pag alalay niya sa akin pa balik sa back stage.
Hindi ko mapigilan ang luha ko, kanya kanya silang nagsisilandasan. Hindi ko mapigilan ang lungkot ko na nagsisitakasan mula sa puso ko.
'Bweset ka Acxies!' himutok ng utak ko.
"Ate Zai," sambit nito sa pangalan ko.
Nang lingonin ko si lumapit Alex habang papalapit ito sa akin.
"Patawad ate Zai, kung napagsalitaan ka ni kuya ng mga masasamang salita. Sorry talaga. Kung alam lang niya ang totoo. Hindi sana, 'di ka niya napagsasabihan ng ganoon."
naawa pang paumanhin ni Alex sa akin sabay abot sa akin ng isang box ng tissue.
Lalo akong napahikbi at napatakip ng mukha. Ayokong nakikita ng iba ang ganitong itsura ko. Itong mukha ng isang talunan at kaawa-awa.
"Punasan muna 'yang luha mo. Hindi bagay sayo, na sisira ang make up mo." sabi pa ni Lance na kasalukoyan na ring nasa tabi ko.
At kinuha niya ang tissue box nula kay Alex. Matapos ay siya ang pumunas sa nagkalat na make up sa mukha ko.
"H'wag na, ako na Lance." pigil ko sa kanya.
"No, let me do it." pagpumilit pa nito.
Ngunit iniisip ko na baka makita na naman ako ni Acxies at sitahin na naman kami. Kaya, kinuha ko na lang ang tissue box at ako na ang aayos sa sarili ko.
"Ako na, dahil baka makita pa tayo ni Acxies at magalit na naman siya. So let me do it by myself, okey?" may inis sa boses kong kuha sa box ng tissue.
Matapos lumipat ako ng pwesto kung saan may malaking salamin at nakikita ko ang sarili kong mukhang pusang gala sa kalat ng istura.
Tinanggal ko ang make up ko sa mukha at binura lahat ng eyeliner na makapal pati ang nabuburang dark shades ng concealer ay inalis ko na rin.
Sa tindi ng inis ko'y halos burahin ko na nga ang mukha ko. Para mawala kahit paano ang nakakahiyang pangyayari kanina.
Matapos ay hindi ko maiwasang humikbi na naman. Paukit ulit kasing bumabalik sa utak ko ang sinabi sa akin ni Acxies.
Nakakasakit sa damdamin. Nanunuot hangganan sa kaibuturan ng puso ko. Parang tinik 'yong mga salitang iyon na pilit na sumisiksik at nagbibigay ng impeksyon sa damdamin ko hangang ngayon.
'Sinasagad siya!' himutok ko at buong panggigil sa inis.
"Guys lagot may problema tayo, nagka-aberya 'yong kantang gagamitin natin sa presentation number. Na sira 'yong music natin and I can't fix it asap. Patay tayo nito." narinig kong komosyon ni Jake.
Kaya nilingon ko sila na nasa tapat lang rin naman ng kinalalagyan ko.
"What???" Malaking WHAT ni Acxies, na halos lumuwa ang mata niya sa badnews na narinig.
'Ayan buti nga!'
"But you have a back up copy, right? I'm sure naka duplicate ang kanta mo, Jake." si Acxies.
"I'm sorry, pero unang nagkaroon ng problema ang iPhone ko. And it's doesn't work anymore." taas sa phone niyang hindi na gumagana.
"Paano nangyari 'yon?"
"I don't know,"
"Bakit hindi mo sinigurado ang kanta na 'yan Jake. Alam mo na kailangan na kailangan 'yan."
"Dahil 'di ko akalain na magkaka virus itong iPod at laptop ko at the same time." dahilan niya
"Shit! Anong gagawin natin?" napre-pressure na si Acxies.
"Mag-isip na lang tayo ng paraan." si Jake.
Lalong dumami ang kulubot ni Acxies sa noo. At lalong sumakit Ang sentido niya sa mga problemang nangyayari. Nagkagulo pa sila at lahat 'di na mapakali kung anong gagawin.
"We have to replace the intermission number. Sabihin mo sa emcee Jake, that we need to proceed to the next part of the show. Mamaya na lang 'yong presentation natin. Go sabihin mo!" utos ni Acxies kay Jake.
'Buti nga! Tingnan mo ang bilis ng karma 'di ba?' himutok ng utak ko habang pinapanood ko silang hindi magkanda-ugaga.
Ngunit imbes na mapalitan ng Emcee ang sinasabing presentation number, ay huli na para pigilan at palitan pa ito Ni Jake. Dahil bago pa niya mapaabot sa Emcee ang nangyaring aberya ay nasabi na nito sa harapan ng mga audiences at mg bigating bisita.
Nagsipalakpakan na rin ang lahat para sat sinasabing intermission number ma siyang maghuhudyat para simulan na ang pinakahihintay na event.
'Ay tanga rin si Emcee. Ayan, buti nga inuulan ka na ngayon ng karma.' natatawang anas ng isipan
'Sino nga ba ang emcee? Hindi ba si Magda? Oh edi lahat na kayo sinapol ng risk back ni karma.' daldal ng utak ko.
"Jake pigilan mo." utos ni Acxies na namumula na sa inis at pikon.
"Sorry hindi na pwede." tugon ni Jake na takot na takot kay Acxies at nagtutulakan na sila lahat kung sinong lalabas.
at habang nagkagulo ang lahat. Si Lance naman, ay kanina pa pala nakatingi sa akin. Tila ba binabasa niya ang iniisip ko habang may iniisip rin siya.
Sinalubong ko ang tingin niya at napangiti ito wari, may nilulutong plano na paniguradong hindi ko magugustohan. May pataas baba pa siya ng kilay habang napapangiti ng kay pelyo. Tila ba may kinalaman siya sa nangyayaring problema.
Matapos akong ngitian. Lumilipat siya kay Acxies ay mukhang.
"Dude, I have an idea." suggest pa niya na kinakaba ko.
" Ano 'yon?"
saglit siyang nagdalawang isip kong magsa-suggest ba siya o hindi.
"bilis Lance, what is your suggestion?" atat niton tanong.
Muli, inulit na naman ng Emcee ang pagtawag sa kanila.
"C'mon tell me what it is." pagmamadali ni Acxies kaya binalingan na ako Ni Lance.
"Hali ka nga dito." Kaway pa ni Lance sa akin.
Lumingon ako sa likod ko para pagsinuhin ang kinakawayan ni Lance. Ngunit wala namang katao tao sa likuran ko.
Kaya limingon ako, to the left to the right. Wala rin. Sino ba tinutukoy nito? kamot ko sa ulo ko habang tinitinganan siya.
"Halika ka nga sabi eh!" ulit niya.
"Ikaw Zaphie, ikaw!" pagtutumbok niya.
Napailing ako.
Ayoko lumapit sa kanila dahil tingin palang ni Acxies sa akin. PWari tigre na, nakahandang manakmal.
"Hali ka na dito. May sasabihin lang ako sa inyong dalawa." Kaya kahit nagdadalawang isip man, ay pinilit kong maging kalmado.
Walang kamalay-malay pa talaga akong lumapit upang makinig sa sasabihin ni Lance. Hinila niya kami pa punta sa harapan ng malaking stage curtain. Kung saan nasa kabilang banda noon ang intablado. Seryuso pa siya sa pabulong-bulong niya na ng bigla niya akong itulak palabas ng stage at si Acxies.
Sa gulat namin pariho ay muntikan pa kaming sumimplang palabas ng stage.
Lahat ng manonood ay nagsigawan at palakpakan. Habang ako'y nanlalaki ang mga mata sa kaba at gulat.
'Anong ginagawa ko dito?'
Buong nginig ko habang pariho kami ni Acxies na hindi makagalaw.
Lalong umugong ang sipolan ng mga audiences at otomatiko naman kaming pinakilala ng isa pang lalaki na Emcee.
"Let's all welcome. Two different people with an opposite character. The trouble Maker and the Peace Maker. Zaphie Ayala and our very own School President, Acxies Ocampo."
pakilala nang Emcee na sinundan ng masigabong palakpakan.
Anong gagawin nila? Magba-back out ba sila O kakanta? Alamin sa susunod na kabanata.
_____________________~*~___________________
Dedication Area
____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top