Chapter 19


"The Real Skin"


Zaphie's POV

"Tawagan mo na kasi si Zaphie. Sabihin mo pumunta na siya dito at kung maari, humingi ka ng tulong sa kanya, okey?" may kalakasang anas ni Acxies na siyang naabutan ko ng papasok na ako sa pintuan ng back stage.

Sa pagkakasabi pa niya'y slightly akong kinabahan. Dahil bakit na naman kaya? Sa pagkaka-alala ko  nagawa ko na lahat ng tungkolin ko sa event na ito. Ano na naman kayang problema niya?

Kunot noo kung lapit sa kanilang tatlo ni Lance at Alex.

"Did I just hear my name?" singit ko sa usapan nila na kinagulat pa ni Lance at Alex. Habang si Acxies na may napatigil at mukhang walang balak na lingunin ako.

'Anong kayang nangyayari sa kanya?' taka ko ng manatili lang siyang nakatalikod. Tininganan ko si Lance at Alex and I ask them why, by moving my lips without a sound to hear.

Ngunit nagkibit balikat lang ang dalawa at napatingin pa pabalik kay Acxies. Matapos ay lumingon na nga ito sa akin.

And when I see his gloomy face. Biglang itong namula at sumigla. Nagtaka man ako ay binaliwala ko na lang. After that, before he mutter a word. He smile at me and he glance at me once. Like he's trying to hide something from me. Tapos hindi na niya ako magawang tingnan ng direktahan.

"Good you are here. Tulongan mo na si Alex." suplado niyang utos.

Matapos ay tumalikod na ito at umalis na nakapamulsa ang dalawang kamay.

Nagulohan ako sa imasal niyang parang climate change. Bigla na lang nagbabago ng walang babala. Hay naku!

"Anong agahan noon? Akala ko ba ayaw niya na lumalapit ako sa inyo?" tanong ko kay Alex na kibit-balikat lang ang itinugon.

Kaya si Lance ang binalingan ko with a big question in my face why. Pero ginaya lang rin si Alex.

Ano bang nanyayari sa kanila? Ba't sila nagkakaganito? Kinalog kaya ni Miguel ang utak ni Acxies? Kaya 'yon naging ganoon? Hala, naku! Ano kayang ginawa niya kay Acxies?

Saglit kong pag-iisip at muli silang tinanong.

"Ano kayang nangyari sa kanya kagabi, ano?"

"Kagabi?" gulat na tanong ni Alex.

Matapos napalingo.

"Mukhang may lovers in Paris atah na mabubuo ngayon dito ah." bulong pa nilang dalawa na hindi ko pinalagpas.

"Anong lovers ni Paris?" sita ko sa kanilang pag-aaperan at napatikom bibig si Alex habang tinuro naman siya ni Lance. Accusing him na siyang nagsabi.

"Tumigil na nga kayo. Itong damit na ito ang siyang galing sa Paris. Hindi 'yong kung ano anung mga pinagsasabi n'yo." sermon ko pa sa kanila.

Dahil ramdam ko ang hagik-gikan nila at pang-aasar. Matapos noon ay tinalikuran ko sila para lapitan na ang mga pinaglagyan ng mga damit.

Pagkabukas ko sa mga boxes, I feel so over whelmed with happiness.

Sa wakas na kita ko na ulit ang mga baby ko. Itong mga design na pinaghirapan ko noon pa man. Ganoon pa rin sila. Magaganda't parang bago parin. 

Iningatan nga ng mabuti ni Carmenah ang pinaghirapan namin. Lahat kita kong ganoon pa rin. Excellent as brand new. Lahat ng ditalye at kalidad ay hindi nagbago. Saglit kong inamoy at niyakap ang mabango at naggagandahang damit na pinaghirapan ko.

Matapos ay excited kong nilingon si Alex.

"Alex, nandyan ba si Carmenah. Iyong special guest today? Hindi ba siya 'yong new investor  ng school natin?" tanong ko.

"Mukhang nandyan nga siya, Ate Zai. Bakit magkakilala ba kayo?" pabalik na usisa naman nito.

Napa-isip ako saglit. Kung sasabihin ko ba na oo o hindi. Napatingin ako sa kanya.

'Ano pa kayang nalalaman niya tungkol sa akin.'

kaya nilapitan ko siya

"Hali ka nga dito." Sabay hila ko kay Alex sa isang sulok para tanungin.

"Ano bang sinabi mo sa kuya mo? Tungkol sa pagkatao ko, Alex? Ba't biglang naging ganoon 'yon? Alam na ba niya, kung sino ako?" tanong ko pa.

"Wala, hindi pa niya alam. At 'di ko rin sasabihin." kampanting tugon ni Alex.

"Bakit naman?" curious ako, kung bakit hindi niya sasabihin.

"Para siya mismo ang umalam, and—"  pelyong ngumiti ang kumag na ito sa akin.

"Anong and?" pagkaklaro ko.

"And maybe, para may chance naman ako, na ako na lang ang sagutin mo." biro pa nang luko-luko.

"Tumigil kanga!" sita ko sa kanya, pagkuway muli ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ano pa bang nalalaman mo tungkol sa akin, huh?" fierce question ko para matakot at umanin siya.

"Ang alam ko, ikaw ang nag-iisang anak ng mga Zhovel. Nakilala kita sa year book noong kapatid ng kapit bahay namin. Una kong kita sayo, familiar kana. At kahit makapal pa make up mo, na mumukhaan pa rin kita, kaya 'yon nakilala kita."

'Wow talas naman ng utak nito. Kung maka scan ng mukha. Kayang magalis ng mga filter na make up.'

"Magka klase pala kayo noong ate ng crush ko. Hindi ba marami ka mga excellent award, noong high school kapa 'di ba?" tanong pa nito na tama nga naman.

Napahinga ako ng maluwanag, dahil hindi pala ganoon ka broad ang alam ng batang ito, tungkol sa pagkatao ko.

" Buti naman, oh siya. Ihanda na natin ito." Sabay bigay ko na sa mga boxes na pinaglagyan ng mga damit.

Nang maihanda na nga namin lahat. Sinunud na rin namin ang pagpapasuot nito sa mga participants model.

Nang makita ko, kung gaano ka ganda ang nagawa kong mga collection. Napaluha ako sa saya. Bigla akong kinabahan at pakiramdam ko mapapawewee na nga ako sa kilig, saya at kaba na sa wakas ay ma e la-launch na nga ang mga ito.

Ganito pala ang pakiramdam ng isang newbie designer. Kaya sumaglit muna ako sa rest room. Para maglabas ng mga pressure at negative vibes. Matapos makapaglabas ng excess water sa katawan.

Bubuksan ko na sana pintuan ng  cubicle ng comfort room. Nang may marinig akong paparating at familiar ang boses nito.

Sinilip ko, kung sino ito. At tama nga utak ko si  Grace nga at kasama niya best friend niyang si Magda.

Tulad niya, magka-uri sila ng Magda na ito. Sa katunayan pa'y magkasama sila palage sa t'wing pumupunta sila Resto Bar. Habang kasama nila ang mga matatandang mayamang hinuhuthutan nila ng pera.

"Talaga bang sisiputin mo si Axcies mamaya? Hindi ba mamaya rin 'yong yatch party natin? Hindi ka ba sasama? Maraming mayayaman doon, baka doon na nga tayo makahanap ng panibagong fafa na madatung girl" pagbubukas usapan nila habang nag re-retouch sila ng kolorete. Kaharap ang malaking salamin.

" Of course hindi." tugon ni Grace habang nagli-lipstick

"Hindi? As in hindi ka sasama sa yatch party?" pagka-klaro ni Magda.

Tumigil ito say ginagawa at malditang binalingan si Madga.

"What I mean hindi, hindi ko sisipotin si Acxies. Ano bang mapapala ko doon." irip pa nito matapos napakuyogpos at umawra inayos ang bagong kulot niyang buhok.

"Oo, mayaman family niya. Pero sa parents naman niya ang yaman na iyon. Tapos may kapatid pa siyang kahati. Kaya anong makukuha ko, kaperangot lang kung sakali, hindi ba?" pamimilog pa ng mga mata na parang hugis singko.

"You know what. Wala sa kalingkingan ang yaman ni Acxies. Kumpara sa yaman na meron ang mga naging nakarelasyon na'tin, Magda. Kaya hindi ko ipagpapalit ang yatch party na'tin  mamaya, para sa isang boring na kagaya niya."  saad ni Grace na kinakulo ng dugo ko.

Nakakagigil siya. Ang sarap niyang kalbohin. Bweset siya! Isa siyang impakta, na nagtatago sa loob ng isang tupa.

"Ewanan mo na kaya si Axcies. He's a kinda bored bf naman at torpe pa. Hindi ba, hindi pa kayo nakapag first base, right?" payo naman ng isang malandi l, na akala mo sinong magandang haliparot. Sarap nilang pagbubuholin. Grrr!

"Malapit na, Magda. Kapag nakuha ko na 'yong perang pinag-usapan namin ni Marga. Sayang rin ang 50 thousand na ibabayad niya akin para pagsilosin ang reyna ng gulo na si Zaphie, na nobody naman." bulalas nito sa letseng pakana ni Marga at ngumiti pa talaga ang bruha.

Akala niya, mission accomplished na siya. Shit!

"Grabe naman 'yang si Marga
Praning na praning at obsess lang sa bf niya?" yabang pang anas ng side kick ng impaktita.

"At talagang nagseselos pa talaga siya sa kaladkarin at universal bitch na si Zaphie na 'yon?" dagdag nang nagmamalinis na si Magda.

Gigil na gigil na talaga ako say kanilang dalaw. Malapit na akong maubosan ng pasensya. Pasalamat talaga sila, dahil nakakaya ko pang magtimpi.

"Alam mo ba Magda. Zaphie is hidden gem. She's a good to catch. Because she has a huge price to have." makahulugan saad ni Grace na kinangiti rin ni Magda.

Tila ba pareho sila ng iniisip.

Matapos ay napatahimik siya Grace at may malalim na iniisip. Habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Pagkuwa'y nagpakawala ng isang makahulugang ngiti.

'Ano kayang ibig sabihin ng mga ngiti niya?'

"And this ring?—" dugtong niya matapos ng ilang minutong pagtigil. Tinanggal niya ang singsing na bigay ni Acxies sa kanya.

"—this is just a cheap and fake ring. Isang pipitsyogin singsing na dapat tinatapon sa basurahan." Pagkuway tinapon nga ni Grace sa trash can.

Sagaran ang pagkamukhang pera nang babaeng ito. Kampon talaga siya ng kasamaan. Isa siyang ganid at sakim sa pera.

Nang lumabas na ang dalawa, agad din akong lumabas sa cubicle ng comfort room. Kinuha ko ang singsing na tinapun ni Grace sa trash can. Pagkuwa'y  sinundan ko sila. Hindi ko na mapapalagpas ang lintang makating ito.

Nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol kay Acxies.

"Alam mo 'yang si Acxies. Wala talagang ka alam alam sa mga babae. Ni hindi man lang marunong humalik." sabi pa niya at wari masaya pa siyang ipagkalat ang bagay na 'yon? Eh ano bang gusto niya? Yong sadista na lalaki?

" Talaga?" Turan din ng aliporis niyang si Mara.

"Oo, sinabi mo pa. Alam mo ba hindi pa nga ako hinalikan ng baklang iyon eh. Pag ako talaga na puno, hahalikan ko siya ng mariin at yong nakakabaliw na halik. Yong halik na di niya makakalimutan kailanman." Pagmamayabang niya at nagawa pa talaga nilang pagtawanan ang pagiging gentleman ng Acxies ko.

Kaya hindi ko na mapigilan, kumukulo na ang dugo ko. Sa bruhang mukhang pera ang pagmumukha. Kaya't wala ng paligoy-ligoy pa. Sinugod ko na siya na siya at pinatikim ng isang malupit na sabunot at sampal.

Lintik lang ang walang ganti sa kanya!

"Ito ang dapat sa'yo bwesit ka! Ang kapal kapal ng mukha mo! Malanding mukhang pera!" 

bulyaw ko sabay sabunot sa buhok niyang pang ilang besis ng nilunod sa medisina.

At dahil hindi naka handa si Grace ay tumba ito. Habang si Magda nama'y mabilis nakatakbo sa sobrang takot sa akin. Natakot siguro na baka, pati siya makalbo ko.

Sa rumors ba naman na war freak daw ako. I'm sure, doon palang natakot na siya. Kaya ayon, mabilis pa sa alas kwatro kung makatakbo papalayo.

Bahag ang buntot at tuloyang iniwan ang bff niyang walang kwenta.


Anong mangyayari kay Grace? Mapapatay kaya siya ni Zaphie? Tunghayaan sa susunod. But before that leave a comments and hit the votes for me, baybeh.

_____________________~*~___________________

Dedication Area


____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit baby koh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top