Chapter 18


"Missing Pieces"


Acxies's POV

'BAKIT ba hindi ako mapakali? Saan na ba kasi siya?'

pagmamaktol ng utak ko habang palakad lakad ako, papasok labas sa back stage.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Parang may hinahanap ang mga mata ko. And I can't stop myself from acting like a damn guy, waiting to some one to come arrive.

"Oh, Dude okey ka lang ba d'yan?" tanong ni Lance sa akin ng mapansin niya ako na hindi mapakali.

Tiningnan ko siya at yumango ako. Pagkuwa'y ginala ko muli ang paningin sa paligid. Baka sakaling makita ko siya.

"Sino ba kasing hinahanap mo? Kanina pa kita napapansin na may sinisipat ka, ah. Sino ba 'yan?" usisa ulit ni Lance sa akin at sinusundan pa ang tinitingnan ko.

"May hinihintay lang akong hindi pa dumadating." tugon ko.

"Sino?" tanong pa nito kahit alam ko naman, na alam na niya kung sino.

"Si-"

"Babe! " tawag na pumutol sana sa tugon ko kay Lance.

Nilingon namin ito at si Grace pala.

"Ako bang hinihintay mo?" ngiti ng girlfriend ko na agad lumapit sa akin para yumakap at gumawad ng halik sa pisngi.

Napangiti akong pilit at akala ko si Grace na nga itong nararamdaman kong kulang sa araw na ito. Ngunit hindi eh. May ibang hinahanap ang puso ko.

"By the way Babe, doon na ako sa front seat. Papanoorin na lang kita mula doon. And if you need my help. Don't hesitate to ask me, okey babe?" malambing niyang sabi at gumawad ulit ng halik.

"Good luck." ngiti ulit.

"Thanks Babe." wala sa gana kong tugon.

"Your always welcome." Pagkuway nagpunta na nga si Grace sa sinasabi niyang paglalagyan niya.

Nang makaalis na si Grace. Hindi ko mapigilan ang mga mata ko na tingnan ang bawat taong pumapasok sa pintuan ng back stage. Nagbabakasakali ako na makita ko ang hinihintay ko.

Ilang minuto ang dumaan hindi ko na talaga maitago sa sarili ko. Kahit nahihiya man, ay tinanong ko na si Lance.

"Lance, si Zaphie. Nandyan na ba siya?" lakas loob kong tanong.

Bahala na kung anong iisipin niya.

"Wala pa eh." kaswal naman nitong tugon.

Buti na lang hindi siya nabigla. Akala ko magdududa na naman siya at isiping may nararamdaman na nga ako sa babaeng iyon.

Matapos ay binalingan ko naman si Chad.

"Chad, si Zaphie?"

" Wala pa rin eh. Ewan ko kong makakarating ba siya ngayon." tugon niya na kinalungkot ng nararamdaman ko.

Para akong nawalan ng lakas sa tugon ni Chad. Wari tumamlay ang sistema ko at nawalan ng gana para sa event.

"Acxies, Alex si-"

"Zaphie?" nadugtong ko bigla sa sasabihin sana ni Prof Reyes.

"Huh? Anong Zaphie? What I want to say is that. Acxies, Alex si Shanela. Ang dress keeper nitong dress collection, na e la-launch n'yo ngayon. Siya 'yong in charge sa lahat ng damit na susuotin ng mga models n'yo." paglilinaw ni Prof sa amin, na kinahiya ko.

'Shit pinapawisan ako sa kaba ah. Asan na ba kasi siya.' naiinis kong himutok.

"She will be the one to check later kung okey pa ba ang condition ng mga damit. Kaya ingatan n'yo iyan ng mabuti. Dahil pag ito nasira. Tiyak na babayaran n'yo iyan." bilin nito.

"Okey po Prof at ako na po ang bahala sa mga ito." sabay tanggap ko sa mga damit na nakalagay sa safety box.

Nangmaka-alis na sila Prof saka ako napahinga ng maluwag. Habang si Alex at Lance naman ay nakatingin sa akin at napapalingo-lingo.

"Naku, mukhang kanina kapa Zaphie nang Zaphie, ah?" panimula ni Lance.

' Shit! Ano na ba kasing nangyayari sa akin kasi.'

inis ko sa sarili.

"Ano kasi, 'yong?- " ano ngang e dadahilan ko?

"-itong mga dresses, siya dapat mag-aayos nito, hindi ba? Dapar siya ang maghahanda at mag o- organize sa takbo ng fashion show later, hindi ba?" naisip kong palusot.

" I think Kuya, sa akin ata ang task na 'yan, remeber?" paalala ni Alex na tama nga naman.

Lagot! Malala na nga ako. Ngunit hindi ako magpapahalata.

"Bakit, kaya mo bang mag-isa? At ano ba ang alam mo pagdating sa fashion show? Kalalaki mong tao at medical student ka pa. Talagang sasabihin mo talaga na kaya mo?"

lusot kong sermon sermonan.

"Saka mas maigi na rin 'yong may babae. Dahil iba sila, mas alam nila paano ihanda at isuot ang mga ito." dugtong kong dahilan.

"Eh 'di si Liz. Hihingi ako ng tulong sa kanya." tugon nito.

"Medical student rin siya."

"Ano, hindi ba isusuot lang naman nila 'yan. Tapus lalabas na sila at maglalakad. Tapos ayon na, ganoon lang. Hindi ba?" halatang hindi nga niya alam ang gagawin.

Napapakamot pa ang kapatid ko sa ulo niya. Pagkuwa'y na lito pa kung ano ba talaga ang gagawin.

"Ano ba dapat, Kuya, Lance?"

Tingnan mo na.

"Tawagan mo na kasi si Zaphie. Sabihin mo pumunta na siya dito at kung maari, humingi ka ng tulong sa kanya, okey?" Swesyon ko na.

"Did I just hear my name?" biglang singit na tanong sa usapan namin, na kinalakas naman agad ng kabog ng puso ko.

Hindi ko pa nga nalilingon kung sino ito. Parang alam na alam na ng utak ko. Kung sino ito.

Damn, what is this feeling! Napatigil pa ako saglit at wari nahihiyang lingonin ang may-ari ng boses. Pero kailangan ko siyang tingnan. Dahil baka mahalata na nila na affected ako.

Bago ko siya hinarap. Kinalma ko muna ang nagwawala kong puso ko. Matapos ay buong pigil kong pinigilan na h'wag masyado kiligin.

Nangmasilayan ko nga si Zaphie.
Wari lahat ng kulang at balisa na nararamdaman ko kanina, ay biglang nawala at napuno ng saya. Ang malungkot na nadarama ko'y biglang napawi at sumigla.

Nais ko man pigilan na h'wag ngumiti sa pagdating niya. Ngunit talagang ayaw magpaawat ng labi ko. Sumingaw talaga ang galak na ngiti sa labi at umabot pa sa mga mata ko.

"Good you are here. Tulongan mo na si Alex." nasabi ko at tumalikod na ako para itago ang nadarama kong sayang hindi maawat awat.

Nang makalayo na ako. Saka na ako ngumiti ng walang pagpipigil. Dahil doon, damang dama ko na tuloy ang full energy at handang handa na akong simulan ang event.

Ngayong unti-unti na siyang nahuhulog kay Zaphie. Maatim kaya niyang kainin lahat ng sinabi niya laban sa dalaga? Nakahanda na ba siya na mahalin ang tinatawag niyang trouble maker at lady in the dark? Alamin sa susunod na kabanata.

___________________~*~_____________________

Dedication Area

This episode is dedicated to SYLVIA_7 thanks for adding this BOOK to your RL baybeh. 😁

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top