Chapter 15


"The Sweetness of Fake"


Acxies's POV

Umagang umaga, napansin ko agad ang namumugtok na mga mata ni Lance.

'Ano kayang ginawa nito last night? Ginawa kaya niya ang sinasabi niyang bibilhin niya si Zaphie for the whole night?' curious kong tanong. Kung tinuloy ba talaga niya ang balak niya kay Zaphie.

Pinatamaan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Habang papalapit ito sa akin. Nais ko sana siyang tanongin kung ilang rounds ba ang nakaya niya. Pero h'wag na lang baka kung ano pang malala ang e kwe-kwento nito sa akin.

"Lance, ba't parang puyat ka?" salubong kong usisa sa kanya.

"Dude, may dapat kang malaman" buong excited pa nitong panimula matapos pa'y  sermeryuso ng tingin sa akin. Tila iniisip nito kung sasabihin ba niya sa akin ang nasa isip niya o talagang wala namang laman ang isipan niya at ginu-good time lang pala ako nito.

Mahilig kasi ito mang-asar sa gnitong istilo. Kaya hindi ko alam kong papaniwalan ko ba mukha niyang timang o hindi. Pero sige, for know uusisa-in ko siya. Baka importante nga naman.

"Alin Dude? Anong dapat kong malaman?" pagpapatuloy kong tanong sa sasabihin niya. 

"tungkol kay Zaphie." dugtong niya na kinawalang interest ko

Sus! Akala ko naman, kung gaano ka importante ang bagay na ipagtatapat niya sa akin. Iyon pala tungkol lang pala sa Zaphie na iyon.

Tsss. 'Wala akong paki sa babaeng iyon. Ano, ipagtatapat nito sakin? Na hindi na virgin si Zaphie at siya ang naka sungkit sa bagay na yon? What the fuck!' natatawa kong turan sa isipan ko.

Ngunit hindi ako nagpahalata ay Lance at umayos ako't sumeryoso.

"I'm not interested about her, Lance." walang paki ko sa sasabihin niya

"Kay Grace rin, may dapat kang malaman tungkol sa kanya." dagdag niya rin na wari pinapathrill pa talaga ako.

"Oh, ano naman 'yon? Anong ginawa ni Zaphie kay Grace?" agad kong napagtanto. Dahil baka kinilanti na rin ni Zaphie ang mahal ko.

"Hindi ganoon Acxies, si Grace ay isang—"

"Babe!"  tawag na pumutol sa sasabihin sana ni Lance.

Nang lingonin namin ni Lance, si Grace pala at nakangiti ito sa akin ng kay tamis.

"Babe, andyan ka lang pala." malumanay na sabi ng girlfriend ko at lumapit pa ito sakin para gumawad ng matamis na halik sa pisngi ko. Matapos ay pinalupot niya ang braso niya sa bewang ko at paakap akong tinabihan.

Ganito siya ka lambing sa akin. Saka lage niya akong na mi-miss. Gaya na lang ngayon.

"Oh Babe, may nakalimutan ka ba?"  tanong ko dahil kakahiwalay lang namin. Tapos agad na niya akong namis.

'Wow naman, ang sweet naman ng Babe ko.' ngiti ng puso ko.

"Nothing Babe, I just want to say thank you for giving me this ring." Sabay angat niya sa kakabigay ko lang na singsing.

"Ang ganda talaga babe, ang sweet mo talaga." paulit-ulit niyang thank you sa akin.

Ngumiti ako at inakap siya. To minimize her overwhelming feelings sa binigay ko.

Ngunit habang malambing si Grace sa akin. Hindi ko ma  intindihan, kung bakit si Lance parang nandidiri siya sa aming paglalabingan. Hindi naman siya ganito noon sa amin ni Grace ah.

Sa katunayan nga'y masaya siya sa amin dalawa. Bakit ganito siya ngayon? Naku-kornihan kaya siya sa amin  o nababadoyan lang? At mas lalo pa akong nagtaka ng mapansin kong ang mukha ni Lance, kung makatingin kay Grace.  Wari ba may galit siya rito. Kaya ng makaalis na si Grace, na mahal ko.  Tinanong ko siya tungkol sa inakto niya.

"Anong nangyari sayo, Dude?" medyo may galit sa tuno ng pananalita ko.

"Dude, If I we're you. Hiwalayan muna 'yang si Grace. " payo nitong tugon sa akin na kinagulat ko.

"Ano? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Lance?" medyo na inis ako sa sinabi niya.

"Basta, hiwalayan mo siya. Magtiwala ka sa akin Acxies. Hindi siya 'yong babaeng ina-akala mo. Kung sa kanya ka lang rin mahuhulog. Hindi sana si Zaphie na lang minahal mo." payong kinainit ng dugo ko.

Biglang sumindi ang inis ko sa pinagsasabi niya.

'Wala ba 'tong agahan si Lance o walang tulog?
Kanina pa 'to eh. Panay Zaphie nalang ang bukang bibig nito.'

konsome kung daldal sa isip.

Sinamaan ko siya ng tingin. Just to tell him, na hindi ko n gusto ang pinagsasabi niya.

"Hindi ko ipagpapalit si Grace sa babaeng sinasabi mo Lance. Kung ikaw nakuha na rin niya. Pwes, ibahin mo ako!" diin kong sabi sa kanya at kina-init na ng timpla ko.

Hindi siya umimik. Yumuko lang ito at napalikingo pa. Nakakainis man ang inasal niya. Ngunit nagpipigil lang ako. Huminga si ng malalim bago nagtaas ng mukha sa akin.

"Okey, kung ayaw mong makinig. H'wag mo along sisisihin na hindi kita pinagsabihan. It's your lost anyway." saad pa nito sabay talikod sa akin at iniwanan na ako.

Kita n'yo? Pati si Lance nababaliw na rin kay Zaphie.

'Ano kayang ginawa ni Zaphie sa kanya kagabie at nagkaganito na ang isang ito?' hindi ko maiwasang mapatanong.

____________________________________

Zaphie's Life

LATELY, napansin ko kay Lance parang sinusundan niya ako. Pakiramdam ko pinagmamatyagan niya ang bawat kilos ko.

'Bakit kaya? Ano kayang motibo nito sa akin?
Inutosan kaya siya ni Acxies? Pero bakit naman?' mga tanong na gumugulo sa isip ko. Kaya pagmamatyagan ko rin siya.

Ngayon kasalukoyan siyang sumusunod sa akin. Pansin ko pa, na may pakubli-kubli pa siyang nalalaman. Kapag nilingon ko siya. As if naman hindi ko siya napansin.

'Mahuli nga, ang isang tokmol na ito. May patago-tago pang siyang nalalaman. Kalamo naman bagay sa kanya ang maging detective Conan.' irip ko.

Matapos ko siyang lituhin. Nilingat ko siya at nilinlang. Isang takbo ko lang at hila ng isang estudyante. Matapos nagkapalitan lang ng damit. Ayon, nawala na niya ako sa paningin ko.

Doon parang gago ang isa kakasunod sa estudyanteng may suot sa damit ko kanina. Tangang tipaklong talaga. At dahil mabait naman ako. Tatapusin ko na ang pagiging buntot ingot niya.

Nagtago ako sa mayabong na halaman. Tama rin ang oras para sa pagtatapos ng mg klase.

"5 4 3 2 1" saka nag ring na ang bell.

Sakto't nagsilabasan lahat ng mga estudyante at tuloyan ng natabunan ang babaeng sinusundan ni Lance. Ilang minuto muling naging tahimik ang hall way at nagsipasokan na naman ang mga estudyante.

"Bweset! Na saan na ka 'yon?" tanong pa nito sa sarili. Habang napapakamot sa batok niya. Kaya umikot ako at sa likod niya bumulaga.

"Hoi! Bakit mo ako sinusundan, huh?" gsulpot kong tanong sa kanya, na kinatalon niya sa kaba.

Nais ko ma'ng matawa sa itsura niyang mukhang guilty. Pero pinili ko na magmukhang seryuso at galit sa paningin niya.

"Hi Zap! Peace na tayo, huh? Pwede bang maging friend tayo from now on?" ngisi nito at himila mukhang totang nagpapa-cute.

Nagtaka ako kung bakit ito ganito. Kaya nginitian ng pilit. Mahirap na kasi baka nakikipag plastikan lang ito sa akin ngayon. Dahil may kailangan o may gustong malaman sa pagkatao ko.

"Ako? Gusto mong maging kaibigan? Sure ka ba?" pagkla-klaro ko and I laugh sarcastically.

"Are you out of your mind V.P Lance?" giit ko sa kagalang-galang na posisyon niya dito sa Campus as V.P. Tulad ni Acxies, kala sinong magaling na S.P. Sus!

Yumango ito at ngumiti.

"Hindi kaba natatakot na ba masira ko ang image mo?" paalala ko.

"Nope. And why should I?" pabalik pang tanong sa akin.

"Sure ka? Walang magagalit na girlfriend, na bestfriend tulad ni Acxies?" paalala ko sa best friend niyang top one hater ng buhay ko.

Lumingo siya at ngumiti ulit.

"Wala. So friends na tayo?" lahad pa niya sa kamay ko.

At dahil madali naman akong kausap. Kaya tinanggap ko na lang rin ang kamay niya't nakipag-shake hand na nga sa kanya.

Simula noon, naging magkaibigan na nga kami. Lagi niya akong ini-invite na mag snack at siya raw ang mangli-libre sa akin. Dahil mapilit rin siya. Ayon, lage ko siyang pinagbibigyan at hinahayaan na maubos ang pera niya kakalibre sa akin.

Isang time, nasa Cafeteria kami at masayang nagkwe-kwentohan ni Lance. Hindi ko napansin na nakita pala kami ni Alex. Actually, kanina pa siya nakamasid sa amin. At kanina pa siya samang nakatingin sa amin ni Lance. Hanggang sa 'di na nga ito makapagpigil at nilapitan na niya kami.

"Kuya Lance, anong ginagawa mo? Pino-pormahan mo ba si Ate Zaphie? Hoy! Para malaman mo. H'wag na h'wag  kang kakamali d'yan, na ligawan iyang future ate ko. Or else! I'll gonna kick your ass. Naka reserve na 'yan para kay kuya, hoy!" seryusong banta ni Alex kay Lance na kinalaki ng mga mata ko sa kaba at pamumula.

"Hoy! Ano ka ba Alex! Ano ba 'yang pinagsasabi mo!" nahiya kung saway dito at napabusangot sa pag-alala na baka malaman 'yon ni Acxies.  Naku bweset! Nakakahiya siya.

'Sarap niyang sapatusin.' himutok ko inis at inom ng ice tea sa mga pinagsasabi ni Alex na kinapawis ko.

Bigla pa akong nag-blush sa mga marinig Ni Lance. Baka kung Ano maisip nito at sabihin pa say best friend niya. Lagot na!

"Hala!, nag blush ka." pansin pa ni Lance sa akin.

'Shit! Nakakahiya nakita pa ni Lance talaga!' Kaya dali dali kong tinakpan ang pisngi ko sa mga kamay ko.

"Huh? wala ah, blush on kaya ito, Make up lang okey?" palusot ko at tinanggal ko ang kamay ko.  Dahil baka isipin nilang guilty nga ako.

Ngunit hindi na niwala ang dalawang hinayupak. At umakma pa si Lance na dukwangan ako sa mukha. Para haplosin sana ang pisngi ko at alamin, kung make up nga ba. Ang sanhi ng pamumula ng pisngi ko. Ngunit pinigilan siya ni Alex.

"Hep! H'wag mo ng hawakan. Nana-nyansing ka lang naman  kuya Lance, eh. Kaya bawal!" pigil nito't hinawi pa ang kamay ni Lance. Para 'wag dumapo sa pisngi ko.

Natawa ako sa kakulitan ng batang ito. Maging ang pag-pait ng timpla sa mukha ni Lance ay nakaka-aliw panoorin.

" Blush on daw, eh nagblu-blush ka na man talaga. Dahil kay Acxies. Kasi nga may crush ka sa best friend ko. Oi, ikaw huh!" nagawa pang susog sa akin ni Lance, napinalakihan ko ng mata.

"Masabi nga ito kay Acxies. And we will see, if anong reaksyon tungkol sa paganga mo sa kanya." dagdag pang pang-aasar nito na kinakaba ko lalo.

"Nang iinis ka ba, huh?" bato ko sa table sa mukha niya at sinalo lang ito't inamoy pa.

" Hindi nga! Wala nga! Ano ba!" asar kong tanggi na kinatawa lang ng dalawa.

'Ang sarap sapakin ng dalawang ito.'

" Oh siya sige, hindi na. Pero sagutin mo na lang ang tanong ko." pakli ni Lance.

Kaya sinamaan ko sila ng tingin at nagpatuloy siya.

"Ano bang gusto mo sa isang lalaki?"  tanong talaga niya kahit hindi nga ako yumango.

Talagang eha-hot  seat  nila ako. At  raratsadahan ng maiinit na  tanong? Ang tindi rin ng mga tupak ng mga 'toh.

"Oo nga ate Zai. Baka ako pa 'yang ideal guys mo." segunda naman ng isang totoy na ito.

Kaya tumingin si Lance kay Alex na may bigat sa mukha

"Hoy! umasa ka pa." sabay tulak nito sa noo na kinabungisngis ng tokmol.

"Ang bata bata mo pa nga, eh pambabae na ang inatupag mo." ganting sita nito sabay gulo sa buhok ni Alex.

Matapos natahimik silang dalawa at napabaling sa akin. Saglit kaming nagkapalitan ng tingin. Akala ko hindi ko na iyon kailangan sagutin. Ngunit nag-aantay ang dalawang timang sa sagot ko.

" Wala." tipid kong tugon.

Napakamot sila pareho sa ulo at nainis.

"Asus wala raw. Sagutin mo na lang kasi. Dahil kung 'di mo sasagutin. Sasabihin ko kay Acxies na crush mo siya." pangbla-black mail pa sa akin.

'Ay grabe!'

Kaya saglit akong nag-isip kung ano nga ba.

"Ahmm, 'yong lalaking hindi bontot ng bontot. Iyong hindi nakakairita. Hindi nang gugulo. Gusto ko 'yong hindi siya na aakit sa akin." seryoso kong sagot sa mala slum book nilang tanong.

Tapos ako nama'y napangiti sa pinag-isapan Kong sagot.

"Kasi mas exciting ang lalaking ganoon. Dahil gusto ko, ako ang mang-aakit sa kanya. Dapat rin pa hard to get siya. Para ramdam ko ang intense feeling." dugtong ko pa na siyang utos naman ng puso ko.

Napakunot noo ang dalawa sa pinagsasabi ko.

"Ganoong lalaki ang hanap ko. Oh ano may ma rerecommend ba kayo na ganoon lalaki o weird ko ba pumili ng matitipohan?" tanong ko sa opinion nila.

"Weird? Saan ang weird doon, eh si Acxies naman 'yong tinutuloyan mo." pang-aasar pa ni Lance said akin at maging ako'y napatigil sa sinabi niya.

Dahil oo nga ano.  Mukhang say kanya nga tumatama lahat ng naiisip ko. Kaya na ismid ako sa napagtanto. Pero, no! Hindi dapat nila mahalata.

"Ano? Nahulaan namin ano?" si Alex na halos abot tanga ang ngiti.

"Si Kuya ano?" dagdag pa nito at sasabog na ako nito sa pikon.

"Hindi kaya! Feeling n'yo lang 'yon." lingo ko

Tapos nag-aperan pa ang dalawa at pinagtulongan akong asarin.

And speaking of the WHO, ayan na ang topic of the day. Paparating na si Acxies kasama at kasama nita ang girlfriend niya.

Kaya nataranta ako.

"Tahimik nga kayo. Andyan na siya oh. Aawayin na naman ako niyan. Panigurado. Kaya pag ako talaga sinabihan niyang mang aagaw ng kapatid at bestfriend. Pati na lahat lahat. Lagot talaga kayo sa akin dalawa!" naiinis kong pananakot sa kanila.

Ano kaya Ang magiging reaksyon ni Acxies, pag nakita niyang magkasama si Lance, Alex at Zaphie na masaya? Abangan sa susunod na kabanata.

_____________________~*~___________________

Dedication Area

This part is dedicated to @hazelbyun143 @Flora197Ballesteros :)

____________________________________________
Writer's Note: Pa Votes and comments ulit bebeh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top