Chapter 14


"Born in a Golden Spoon"


Halos magimbal ako sa katotohanang bumungad sa aking harapan. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang bagay na gaya ng nasasaksihan ko.

'Si Grace?' napamang baba ako't 'di makapaniwala, na nagagawa nga ni Grace ang ganitong mga bagay bagay, na sa kabila ng mahinhin at hindi makabagsag pinggan niyang kilos at itsura, ay nagiging ganito siya ka harot.

Paano ba niya na aatim na kumandong sa isang matandang mataba at walang kiming makipagtukan? Habang walang paki sa nakabukas na pintuan ng kotseng kinaroroonan nila. At kita ng mga taong napapadaan, ang mga ginagawa nilang kabastosan? How could she do this to Acxies. How could she betrayed and make a lie to Acxies, about her personalities and her work?

Nag-init ang ulo ko at mas lalo pang kumulo ang dugo ko sa babaeng ito. Lalong nanggigil ang panga ko, nang buong tamis siyang ngumiti at tinanggap ang inabot na limpak na limpak na salapi, nang kalaguyo niyang matanda. Matapos noon, mas lalo siyang naging mapusok. Hinagud niya ang dibdib ng gurang at lalong naghasik na ng kaharotan.

Ngayon, kompermado ko na nga, na si Grace pala ang siyang bayarang babae at may sugar daddy.

Hindi talaga ako mapaniwalan na si Grace nga ito. Pero kahit saang angulo ko man tingnan. Kumapal man ang make up niya ngayon at binago man ng kolorete ang kanyang mukha. Nagbago man ang mala-anghel niyang itsura. Pero sure ako na siya nga ito.

Nanamlay ako para sa kaibigan ko. At ang tanging nag-sink in sa utak ko ay si Acxies. Niloko niya ang kaibigan kong tapat at nagtiwala sa kanya ng buo.

Ang sarap niyang sampalin, sa lahat ng panloloko niya sa kaibigan ko. Parang gusto ko siyang hilahin at i-untog ang pagmumukha niya sa pader. To give her bitch reward, sa pagiging magaling na pagkukunwaring berhin at babaeng malinis. Pero iyon pala'y, isa pala siyang puta!

Kaya bago paman maubos ang pagtitimpi. Tumalima na ako sa paghhakbang, para tumungo na parking area. Umuwi na lang, dahil baka makalimutan kong babae sita, at masapak ko siya ng wala sa oras. Buong bigat akong nagmartsya at pumasok sa kotse. Habang napapakuyom kamo.

Matapos noon, ay binuhay ko nag ang makinarya ng kotse ko. Ngunit nang makita kong lumabas si Zaphie sa naturang Resto Bar at may nakasunod sa kanya na mga gwardya. Dahil doon, biglang nagbago ang mood ko. Na curious ako bigla at nakuha muli ni Zaphie ang atensyon ko. Ilang saglit nawala na ang nagpupuyos kong galit. At dahil makulit nga ako, susundan ko sila kahit saan man sila pupunta.

Malayo-layo rin ang nilakbay ng sinusundan ko. Halos antokin na nga ako sa kakasunod sa kanila. Ang lakas pa magpatakbo ng driver nila Zaphie. Kaya't ako nama'y kailangang maging lageng alerto at dapat matalas ang mga paningin. Upang hindi ako malingat at baka mawala sila sa paningin ko.

Halos magti-three am na umaga at hangang ngayon ay nakasunod pa rin ako.

'Nasaan na ba ako?' pag-alala ko.

Nang tingnan ko ang paligid ay doon ko palang na pansin, na mukhang nasa probinsya na ata ako.

Nang unti-unting dumadahan na ang takbo ng kotseng kinalulunan ni Zaphie. Nawala agad ang antok ko. Mukhang nandito na nga kami sa destinasyon nila.

Papaliko na sila at nang mamataan ko ang mataas at mahabang bakod. Ramdam ko na ito na nga ang pagdadalhan nila kay Zaphie.

'Kanino kayang bahay toh?' taka ko at nalula pa ako sa laki ng gate nito.

'Siguro kota itong mga sindikato o 'di kaya'y, bahay ito ng isang kurap na politiko. Ito kaya ang sinsabing yaman ni Ava, na siyang tatapat sa halaga ni Zaphie? Na dapat ganito ako kayaman. Para mabili ko si Zaphie?' kuro-kuro ko

'Grabe pala ang mga customer niya. Pang big time talaga!' daldal ng utak ko

Sa may 'di kalayu-an, doon ko sinadyang huminto. Para kahit papaano'y, hindi nila ako mapansing bumubuntot. Matapos ay patakbo na nga akong lumapit sa gate.

Wala na sila at tuloyan ng pumasok sa loob. Siguro rin naman. Sa mga oras na ito, ay tuloyan na itong nakapasok sa kaloob-looban ng mansyon. Kaya kahit lalapitan ko man ang gate, ay hindi na nila ako makikita.

Ngunit bago ako lumapit pa, ay nagmatyag muna ako. Dahil baka may CCTV sa paligid. Ngunit sa aking napapansin, mukhang wala naman ata. Kaya lumapit na ko na nang tuloyan.

Grabe itong gate na ito. Kusang bumubukas at sumasara. Pang mayaman talaga. Ang gara pa ng itsura nito. Yari pa sa matibay na bakal. May kulay ginto, na may kombinasyon na kulay itim.

Tapos high tech pa ang gate. May censored ito para kilalanin at alamin kong pagbinuksan ba ang panaohin o hindi. At sa aking pagkakaalam. Ang tanging binubuksan lamang ng ganitong security system, ay iyong mga nakaregistered lamang na mga mukha. Ganon ka astig ang mga facilities ng bahay na ito.

Mula sa may maliit na siwang, doon ko sinilip kung anong meron sa loob. Ngunit mukhang malayo pa nga ang masyon. Dahil tanging nakikita ko ay, ang magandang nakalandscape na entrance way, na tinatanglawan naman ng mga nakahilirang lamp post.

Sa pag-o obseraba ko, mukhang hacienda ata ang lugar natoh. Siguro ganito ka yaman ang mga pinipiling sugar daddy ni Zaphie.

'Naku mukhang can't afford nga ako sa kanya.' saad pa ng utak ko.

Pagkuway umatras na ako't bumalik na nga ako sa kotse ko. Ngunit bago paman ako pumasok ng tuloyan. Muli kong na-isip na tiningala ang magarang gate. Para alamin kung kaninong mansyon o hacienda ba ito.

Pagkatingala ko, hindi ko masyado mabasa ang nakasulat sa ibabaw. Dahil iyong ilaw sa labas at sa may gate ay nasa baba lamang. Kaya hindi na ito abot ng liwanag.

Para sa ikakapanatag ng utak ko. Pina-andar ko ang kotse ko at pinatama ko ang liwanag sa madalim na parteng iyon. At dahil doon, nakita ko ang nakasulat sa gate ng hancienda.

Naka-ukit sa malaking letra ang katagang

"Zhaira Sophia Alaya Zhovel Hacienda" basa ko matapos ay nalula ako sa ganda ng pangalan.

"Zhaira Sophia Alaya-" doon napatigil ako at may naalala.

ALAYA ALAYA? Parang katugama ng AYALA.

ALAYA ALAYA

yon ang paulit-ulit na bumabalik at naglalaro sa utak ko. Hangang sa kakaulit nito'y, naisipan ko nga itong baliktarin.

A.Y.A.L.A A.L.A.Y.A

"ALAYA! " Nabigkas ko sa napagtanto ko.

ZHAIRA SOPHIA

'Zhaira zha-ira Zha-"

"SOPHIA so-PHI-a"

"Zhaira ZA, Sophia PHIE which means ZAPHIE AYALA?" nababaliw kong kausap sa sarili ko. Pagkuwa'y napatigil at napangiti sa natuklasan kong impormasyon.

" Tama! Zaphie AYaLa ay si ZHAIRA SOPHIA ALAYA ZHOVEL! " napagdugtong kong ideya.

Pagkuway dali-dali na nga akong bumalik sa kotse ko at excited na akong umuwi. Para bukas, maaga kung masabi kay Acxies ang magandang balita na aking natuklasan.

Tama kaya ang natuklasan ni Lance? At mababago kaya ang tingin ni Acxies sa natuklasan ni Lance? Alamin natin sa susunod na episode.

____________________~*~____________________

Dedication Area

This episode is dedicated to colelong_zitzit and @BinibiningDalagita :)

___________________________________________

Writer's Note: Votes and Comments is my happiness kaya hit nyo na ang STAR and leave inspirational comments. Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top