Chapter 13
"The Real Identity"
Lance's POV
Hi I'm Lance Guerheroh, closefriend ko si Acxies. Actually bestfriend kami. Pero sige na, aaminin ko na sa inyo, na sipsip ako. At Sshhhh secret lang na'tin iyon. Sa katunayan ay gusto ko si Acxies bilang kaibiganin, kasi pagkatabi ko siya, laging perfect ang score ko. ( Hahaha )
Kasalukoyan akong nagmamatyag at sumusunod sa bawat kilos ni Zaphie.
Bigla akong nagka-interest na alamin. Kung sino ba talaga siya o kung anong klaseng babae siya. Simula kasi ng makita ko siya kanina, sa bagong aura niya. Biglang dumagsa sa utak ko ang mga tanong na dapat ay mabigyan ng kasagutan.
Kaya para masulosyonan ang mga katanungan ko. Aalamin ko ito ng mag-isa. Susundan ko si Zaphie at pag mamatyagan ko bawat kilos niya.
Bukod doon, gusto ko ring makita, kung ano talaga ang trabaho ni Zaphie. Kung paano siya sumayaw, gumiling at mang-akit ng mga lalaki. Ang sarap siguro niyang panourin ma sumasayaw at kumimbot-kimbot habang suot niya ang kapirasong damit.
'Wow so damn hot!' pelyo kong pag-iimagine.
Ngayon ay naglalakad na siya sa whole way. Feeling ko masama ang pakiramdam niya, kasi para siyang lasing kung mag lakad. Siguro, baka hang over lang siya sa pagiging party girl niya gabi gabi.
Pinihit niya ang door knob ng pintoan ng sa isang silid. Isang silid ng kilalang organization. At ang alam ko, office 'yon nang mga PhotoCap Org. Iyong samahan na mahihilig mag travel, mag picture ng kung ano ano. Sa pagkaka-alam ko pa'y mayayaman lang ang sumasali sa grupong, dahil maluho at magastos ang mga akibidadis nila.
Hindi katagalan ng pagpasok ni Zaphie, ay may nagmamadali sa paglabas na membro ng PhotoCap Org. Nagmamadali pa ito, tila ba may emergency na nangyayari sa loob.
Pa simple akong nagkubli sa may poste, para makatago muna. Dahil alam kong, bukod sa maarti ang org na ito. Over din makapag react ang samahan ng mga ito. Palibhasa mga spoiled brat kasi ang karamihan sa kanila. Lalo na ang President nilang si Amanda.
Maya maya patakbong dumating si Rafael at Miguel, taranta ang mga ito at wari nag mamadaling sumugod papasok sa naturang silid na piansukan ni Zaphie.
'Sino kaya ang sinasakluluhan nila?' curious kong tanong.
Lumapit ako ng kunti at dahil naiwanan nilang nakabukas ang pintoan. Malaya kong masisilip at maririnig ang kaganapan sa loob.
Nakita ko si Amanda, ang sinasabi kong President ng Org, na kapatid naman ni Rafael. Kaklase rin ito ni Alex, sa katunayan bilang Medical students.
"Kuya si insan bigla na lang nawalan ng malay." tarantang saad ni Amanda na kinatakip bibig ko.
"Tawagin mo si ate Chin, bilis Amanda!" utos ng nakakatandang pinsan niyang si Miguel.
At ang tinutukoy naman ni Miguel, ay 'yong clinic nurse sa Campus.
Nagulat ako sa mga naririnig Pinsan? Mag pinsan si Amanda at Zaphie? Na kapatid ni Rafael, na pinsan din ni Miguel? Ano nga ba apelyedo ni Miguel? ALAYA at si Rafael at Amanda ALAYA rin.'
malalim kong pag-aanalisa.
Mayamaya dali-daling nilang binuhat si Zaphie para ilabas ito sa silid na iyo. Kaya ako naman ay dalidaling nagkubli sa likod ng malaking poste.
Nang ganap na silang malayo. Saka pa ako lumabas sa pinagkublian ko. Dala ang maraming tanong sa utak ko. Hindi pa malinaw sa akin kung ano ba talaga ang kaugnayan nila sa isa't isa. Ang alam ko lang na si Amanda, Miguel, Rafael at si Miss Chin ay magkapareho ng apelyedong ALAYA. Ngunit si Zaphie ay AYALA. Magkatugma lang ang apelyedo nila.'
Pag-aanalisa ko habang naglalakad ako sa hallway. Hindi ko rin maiwasang mapa-isip kung ano nga ba ang totoong kaugnayan nila Rafael, Miguel, Amanda at si Nurse Chin?
'Kadugo kaya nila si Zaphie? Pero impossible. Dahil kung kadugo nila ito, 'di sana pinakilala na nila ito noon paman, bilang pinsan nila. Kung sakali man na magkadugo nga sila.'
tanong ng utak ko.
'Baka naman anak siya sa labas? Kaya hindi nila ito magawang ipakilala sa Campus?' bato naman ng kabilang utak ko.
Siguro nga'y dahil doon. Nahihiya nga sila na malaman ng lahat na may anak na bastarda ang angkan nila.
"Saan ka ba galing?" tanong na nagpapitlag sa akin mula sa malalim kong pag-iisip.
Nang pag sinohin ko, kung sino ito. Acxies pala.
"D'yan, d'yan lang Dude."
"Oh bat ang lalim ng iniisip mo?" usisa niya sa akin.
Nakita siguro niya ang pagkabalisa ko.
"Wala, si Zaphie lang naman, may nalaman kasi ako tungkol sa kanya." Kaswal kong tugon.
" Alin 'yong trabaho niya? Hindi ba sabi ko na sa'yo, na marumi ang trabaho niya" sabi pa niya.
" Hindi Dude, may iba akong nalaman. " pagsisimula ko na sana.
"Tama na nga 'yang kay Zaphie. Ayoko na marinig ang tungkol sa buhay niya. Halika na nga, samahan mo na lang ako. E su-surprise ko kasi si Grace bukas, tulongan mo na lang ako. Para sa paghahanda, kaysa naman pag-usapan 'yang si Zaphie." pakli niya pa.
Kaya hindi ko na lang pinagpipilitang sabihin sa kanya ang natuklasan ko.
Ako talaga 'yong tipong tao, na hindu tumitigil, hangga't 'di ko na kukuha ang gusto kong makuhang impormasyon. Kaya heto, nag-ala detective pa talaga ako. May pa hood hood at pa disguise pa akong nalalaman na outfit. Malaman lang ang mga kasagutang ninanais ko.
Kasalukoyan na akong nasa loob ng resto bar na sinasabi ni Acxies. Mula sa kina-uupoan ko. Kita ko ngang nasa counter na si Zaphie. Siguro naka tuka ito ngayon bilang cashier.
'Sayang naman at hindi siya nakatuka sa pagbibigay aliw sa mga customer. Ano kayang araw siya sumasayaw ano?' curious ko pa
Napansin ko na okey na siya ngayon. Dahil one week na Rin naman ang nakalipas, simula noong masaksihan ko siyang mawalan ng malay.
Habang abala ako sa pagmamasid at pagmamatyag isang sexy at magandang bebot ang dumaan sa harapan ko.
"Hi!" ngiting bati ko, sabay kaway.
'Ang dami namang magagandang babae dito. Nakaka wala sa sarili.' pelyo kong ngiti
Mayamaya, isa nanamang magandang babae ang dumaan.
"Hi!" Bati ko ulit at naghello pabalik ang babae, pagkuwan pa'y lumapit na ito sa akin.
'Ohw, jackpot! Pwede maganda rin ang isang ito ah.' kilig kong ngiti.
"I'm Ava and you are?" Walang paligoy- ligoy na pakilala pa ng magandang dilag at siya pa ang naunang nag-abot ng kamay sa akin.
"Lance." abot ko agad sa makinis at malambot niyang kamay.
"Bago ka dito ano?" usisa niya.
"Huh?, ahm—" saglit akong napaisip kung tatango ba ako o tatanggi.
"— oo eh, taga ibang bayan kasi ako, na pabakasyon lang ako dito sa Tita ko. Nabagot kasi ako, kaya heto naghanap ng mapagpasyalan. Ang ganda ng resto bar n'yo ano?" paglilihis ko ng usapan
"Ang resto bar nga ba ang maganda o siya?" panghuhuli niya sa tunay kung pakay sabay tingin niya kay Zaphie.
'Lintik na, manghuhula ba ito?'
"Huh? Hindi ko nga siya kilala eh. Sino ba siya?" pagmamaang-maangan ko.
Ngunit nakapinta sa mukha niya ang pagdududa sa akin.
"Bakit mo naman tinatanong? At para malaman mo, kung may balak ka na pormahan 'yan, Naku! 'wag ka ng mag-aksaya ng panahon. Baka masipa ka lang niyan at magkanda bali bali pa iyang mga buto mo. Kaya kung ako sayo. Layuan mo siya. Besides, hindi yan for sale. Dahil walang makaka-afford dyan."
"Ganoon ba? Magkano ba siya?"
"Gago! Hindi nga siya for sale. Hindi siya nabibili ng pera. Mabibili mo lang siya pag may true love ka. Ano may true love ka ba d'yan?" makahulogan niyang saad na kinalito ko naman kung ano ba ibig niyang sabihin doon.
"Ikaw ba ang bugaw niya?" Deritsyohan kong sabi. Dahil hindi ko alam kung anong mga code nila. Kung iyong true love na sinasabi niya may equivalent na halaga ng pera.
Ngunit sa sinabi ko'y ikinapula ng mukha niya at na insulto ko pa siya.
"Nang babastos ka ba, huh?" biglang asik nito.
Napa-atras akong kunti.
"Huh hindi huh, sorry I didn't mean to offend you. Pwede ba siyang maging kaibigan?" pagbabawi ko sa sinabi ko, paumanhin na rin at pagpapacute para 'wag siyang magtawag ng mga bouncer.
Buti na lang talaga poge ako at umipek naman. Dahil nakita kong kumislap naman ang mga mata niya. Meaning nahahalina nga siya sa kakyutan at kagwapohan ko.
"Sige, dahil cute ka naman, akin na number mo para e txt kita gamit cp niya." sabi nito.
Kaya dalidali kong ibinigay ang number ko.
"Teka ano ngang pangalan mo?" tanong ni Ava sa akin.
"La—" teka wait, kailangan kong mag disguise.
"—Lancel Galvez." pakilala ko sa ibang pangalan
"Galvez? Ka anu-anoh mo yong sikat na Galvez?" Usisa pa niAva.
Ano ba 'tong babae na ito? Imbestigador? Ang dami niyang tanong. Tsss.
"Lola ko." dahilan ko na lang.
"Pwede, may laban." saad pa niya at yumango-yango pa. Tila ba cheni-check niya ang financial capacity ko. Mukhang pera rin pa pala toh eh.
"Laban saan?" usisa ko sa sinabi niyang labanan.
'Ano toh gerahan oh whistling ng maperang tao? Baka naman membro ito ng sindikato?'
"Yaman. Dapat mayaman ka, para bagay kayo nang best friend ko." Sagot niya.
'Yon! Clue. Ayan baka malaman ko na nga ang totoo.'
"Mayaman? Mayaman sa ano? Sa pera ba?" panghuhuli ko sa kanya.
"Hindi. What I mean mayaman sa ganda ng kalooban. At sige sa pera na rin kung gusto mo. Basta mayaman sa lahat lahat." malabo niyang tugon na kinagulo lalo ng utak ko.
'Ano ba 'tong babaeng ito. Kundi lang talaga ito maganda 'di ko na toh pinansin. Ang gulo kausap. Tsss.'
"Weee? So meaning mayaman siya at dapat mayaman rin ako para pantay kami, ganoon? At kung mayaman man siya ba't siya nagtatrabaho sa ganitong bar?" tanong ko.
"Teka nga lang ba't ang dami mong tanong, huh?" naiirita niyang tanong sa akin. Pagkuwa'y padamog na tumayo.
"Dyan ka na nga lang!" konsome niyang anas matapos pay padamog na lumayo sa akin.
Sinundan ko pa rin siya ng tingin at ng hanapin ko si Zaphie, ay wala na ito sa kanina'y kinalalagyan nito.
Muli kong sinundan ng tingin si Ava at kasalukoyan itong pumasok sa isang private room. Feeling ko, parang nagdududa siya sa akin. Kaya naman agad akong lumabas para makaalis na at baka ipalapa pa ako noon sa mga german shepherd niyang may kargana na mga shot gun.
Nang papalabas na ako sa bar, di ko inasahan ang bagay na aking matutuklasan. Isang katotoohang yayanig sa aking isipan.
Ano nga ba ang natuklasan ni Lance? Tungkol na kaya iyon kay Zaphie? Alamin natin sa next episode.
____________________~*~____________________
Dedication Area
This episode is dedicated to Lil_rhose TheBlueAmazona :)
____________________________________________
Writer's Note: Pa vote muna guys and comments.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top