Chapter 10
"The Showdown"
" Ako, ako ang hahamon sayo!" pag-aako ko kahit nakadama ako ng kaba.
Lalong sumama ang mukha niya. Animo'y handang handa sa animo mang hatawan. Matapos ay binaling si Jake.
"Jake music." nagawa pang utos nito na akala mo, sinong kapag utos. Habang ito namang si Jake ay agad sinunod ang sinabi nito.
Randomly pinatugtog na niya ang kantang hindi ko sigurado kung, makakaya ko bang isayaw. Nang isanglang na ito. Saka ko pa na laman na isang mabilis n tugtogin. Isang napupuno ng buhay na kanta na kailangan ng hatawan.
Sa pag pasok ng masiglang tugtugin. Ako ang unang nagpamalas ng talento. Hindi na ako nagdalawang isip na ipamalas ang gilas ko sa sayawan. Nang sa ganoon ay maipamukha ko kay Zaphie ang hinahanap niyang katunggali.
Ginalingan ko ng maigi para wala siya ng masabi. Bawat pitik talagang pasok na pasok sa bawat kumpas ng kanta. Talagang pina-believe at pinahanga ko siya sa performance ko.
Ngunit noong siya na ang sumalang at umindak. Napatigil ako't hindi makapaniwala sa pinamalas niyang galing. Bawat galaw niya'y parang isang galaw ng batikang mananayaw.
Halos hindi maalis alis ng lahat ang mga mata sa umindak na si Zaphie. At nang humataw pa ito ng todo napanganga ako sa hanep ng pag indayog niya.
Bawat pitik niya pa'y, sapol sa bawat bitiw ng kanta. Sa pinakita niya sa amin. Tiyak ko na alam na alam niya kung paano e blend and kilos niya sa masiglang tugtugin na kahit sino man na manood sa kanya'y, maiinganyo niya na sumayaw. Lahat na makakakita sa kanya talagang mahahatak na makisayaw na rin sa ganda ng mga steps na nilalaro niya.
Kaya noong mag back to chorus na ang tugtugin. Sinubukan ko siyang tapatan. Nakipag showdown ako sa kanya. Hindi ako magpapatalo. Ilalabas ko rin ang the best move ko. Kaya hinataw ko rin ang pag indak ko.
Halos habol hininga na ako sa pagsasayaw. Nagsisipagpalakpakan na rin ang lahat. Pero noong si Zaphie ang bumida. Mas umo-ugong ang sigawan ng lahat.
Saglit kung ginala ang aking paningin sa paligid at doon. Nagulat na lang ako sa nakita ko na ang dami na palang mga istudyante na nakasaksi sa dance show down namin.
Muli kong tiningnan si Zaphie habang ayaw itong magpaawat sa pag-indak. Now I admit that she move like a professional choreography dancer. Hanggang sa 'yon na nga't natapos rin ang tugtogin na pareho kaming habol ang hininga.
Matapos noon, lahat na inakala ko ay wari sinampal pabalik sa akin. Lahat na tameme, maliban kay Miguel at Rafael na tanging pumalakpak ng malakas para Zaphie.
Sa mga mukha nila kita ko na 'di na sila nagulat sa pinakita ng dalaga. Hingal kong tinapos ang pagtutuos namin. Habang ang ka showdown ko'y, ni hindi man lang hiningal. Siguro nga'y sanay na siya sa mabilisang galawan.
"Anong masasabi n'yo?" mayabang na pagmumukha ni Zaphie sa amin lahat. Lalong lalo na sa akin.
Hindi ako makaimik dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Pakiramdam ko pa'y kailangan naming lunokin lahat ng mga salitang binitiwan namin laban sa kanya.
"Puro pala kayo satsat, wala na man kayong mga binatbat." nakakahiyang pagmumukha niya na tunaw ko sa sobrang dismaya.
Pagkuwa'y tumalikod siya at mabilis naglakad pababa ng stage. Diretsyo niyang hinablot ang bag niya't padamog na nagwalk out palabas ng auditorium.
Lalong nagwagi si Zaphie ng bigyan siya ng masigabong palakpakan ang pagwo-walk out niya, ng mga nakapanood sa sayaw niya. Halos matunaw ako sobrang asiwa at pagkahiya sa inakto ng mga istudyante.
Ganoon pa man. Kahit abot-abot ang kahihiyang na tamo ko. Kailangan ko pa ring kapalan ang pagmumukha ko. This time. Tatanggapin ko na
'Oo siya na. SI na! Magaling na siya. At ilalagay ko na lang siya sa decorationcommittee. Gagawin ko siyang team leader sa grupong iyon. Para makaiwas na rin sa gulo o kahit anong conflict na pwedeng mangyari sa lahat na mga participants.
At least doon. Lahat ng gusto niya, magagawa niya. Wish ko lang sana, na maganda ang kakalabas ng mga idea niya't gawa at nang hindi mag mukhang kabarete.
Sa pag-umpisa niya sa decorations team. Ang daming nagsi-volunteran na mga kalalakihan Lahat sila bukal ang mga puso na tumulong sa kanya.
Pati nga mga dance performer and model namin ay tutulong na rin sa kanya. Ganoon siya ka lakas humatak ng atensyon. Halos lalaki lahat, kaya I'm sure hindi siya mahihirapan sa pagde- decorate at pag-aayos ng stage.
Nakikita ko rin sa kanya na masaya naman siya't masigla sa tungkolin niya. Mukhang nag e-enjoy nga siya sa ginagawa niya, eh. Dahil kung makatawa, talagang hanggang langit.
"Acxies pahingi raw ng budget para sa lights ng stage." Hingi sa akin ni Chard and I'm sure, si Zaphie ang nag-utos nito.
At na isip ko na, pahihirapan ko rin siya at sa pagkakataong ito 'di ko pagbibigayan ang hinihingi niya. Hahayaan ko siyang mamroblema sa gawain niya. Nang maramdaman niya kung gaano niya ako pinapahirapan sa mga kalokuhang pinanggagawa niya.
"Papuntahin mo na lang siya sa stock room. Sabihin mo, doon siya maghanap ng mga kakailanganin niyang pangpalamuti sa stage. Marami naman siyang magagamit doon, na pwede pa niyang gawing alternative. Kaysa naman bibili at gagastos pa tayo." suplado kong tugon.
Yumango naman si Chard at walang pagtutol na tumalikod. Para bumalik sa nag-utos sa kanya. Sinundan ko si Chard ng tingin habang bumalik siya kay Zaphie.
Noong sabihin ni Chard ang pinapaabot kong tugon. Nakita kong yumango naman si Zaphie at mukhang 'di naman sumama ang mukha niya sa tugon ko. Pagkuwa'y umalis ito. Mukhang pupunta na siguro sa sinasabi kong stock room.
"Ayan, ganyan ng matotoo ka namang maging responsable. Hindi puro sakit sa ulo ang alam mong gawin" nasabi ko sa sarili ko habang inihahatid ko ng tingin si Zaphie palabas ng auditorium.
MAKALIPAS ang dalawang oras at mag-aalas dose na. Hindi ko pa nakitang bumalik si Zaphie. Siguro nga umuwi na 'yon ng walang pasabi.
"Chard saan ang team leader n'yo, si Zaphie?" usisa ko dahil nagsisi-uwian na ang lahat. Ngunit siya hindi pa bumabalik.
"Nagpunta 'yon sa stock room kanina pa. Para maghahanap ng props na gagamiting pang-ilaw at hanggang ngayon 'di pa bumabalik eh." tugon niya sa akin.
"Ahh, ganoon ba? Baka naman umuwi na 'yon at iniwan na kayo?" balik kong tanong.
"Hindi naman siguro. Nand'yan pa naman ang mga gamit niya eh." Sabay nilingon ni Chard ang pack bag ng dalaga at oo nga andoon pa.
"Oh nga pala Pres, pwede bang mauna na lang muna ako? Gumagabi na kasi, pakisabi na lang kay Zaphie na nauna na akong umuwi." suyo sa akin.
"Okey, ako ng bahala." Tango ko at umalis na nga siya.
Iilan na lang kaming naiwan at ilang minuto na naman ang lumipas. Hindi pa rin bumabalik si Zaphie. Nagtataka na talaga ako, kaya sinundan ko siya sa stock room.
Pagkadating ko sa harap ng stock room area. Napansin ko naman na may nakalabas na light bulbs sa harap ng pintoan at iyong isang malaki spot light, ay sadyang iniharang sa nakabukas na tarangkaha.
Sinilip ko ang naturang stock room. Ngunit wala akong maaninag na tao. Dahil ang dilim masyado sa loob. Kinapa ko ang switch sa gilid ng pintoan. Dahil kadalasan nama'y doon naka lagay ang main switch.
When I turn on the switch. Hindi ito gumana. Siguro walang kuryente o pundido na ang ilaw. Kaya kinuha ko ang cellphone ko para gamiting pang ilaw. Pagkabukas ko sa flash light apps biglang nag low battery nito.
"Shit! 10 percent na lang pala. Hai naku, kung mamalasin ka nga naman." Himutok at inilagay ko na lang ang phone ko sa bulsa.
At kahit madilim. Pumasok pa rin ako para alamin kong may tao pa ba roon o talagang iniwang nakatiwangwang ang stock room.
Sa pagpasok ko, hindi ko sadyang masagi ang nakaharang sa pintoan. Kaya deritsyos itong sumara ng malakas. Lumikha ito ng isang alingaw-ngaw na kalabog sa loob. Dahilan pa magulat ko ang taong nasa loob ng stock room.
"Shit ang dilim!" sigaw na narinig ko at hindi ako nagkakamali, kay Zaphie ang boses na 'yon.
Kasunod pa no'y sunod sunod na nagsihulagan ang iba't ibang mga bagay sa sahig na sinabayan ng matutulis na tili ni Zaphie.
____________________~*~____________________
Dedication Area
____________________________________________
Writer's Note: Votes and comments again guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top