Prologo

Huhuhu! Mamamatay na ako!

"BUDDY!"

Sinalubong ko nang napakainit na yakap at halik ang pinakamatalik kong kaibigang si Jestoni at ang kanyang bagong asawang si Annabeth! Naiiyak pa nga ako habang pinanonood silang naglalakad palabas ng simabahan matapos ang kanilang kasal. Napakasayang tingnan ni Toni, si Annabeth naman ay napakaganda. Kung umakto sila para bang ang perfect nilang dalawa, kung tutuusin, noong una silang magkita, halos mamatay na ang best friend kong si Toni, hindi lang iisang beses na naaksidente si Toni nang naroon si Annabeth – naisip ko na dahil dito, meant to be talaga silang maging magka-forever until the end of time!

"Congrats, Buddy! Madidiligan na ang nalalanta mong titi!"

"Tarantado ka, Andres! Para kang tanga nandito sila Papa at Mama! Ang lakas ng bunganga mo! Para kang tanga!" Sunod – sunod na mura na ang pinakawalan niya sa akin pero dahil sanay naman na ako, hindi ko na siya pinansin. Binalingan ko si Annabeth, niyakap ko rin siya at binati. Namumugto pa nga ang kanyang mga mata dahil sa pag – iyak kanina sa kasal nila. Ang ganda niya ngayon, her happiness is radiating and I am also happy for them.

"Congrats, Annabeth! Hindi ka na mamamatay nang mag-isa!" Sa ganoong tagpo ako binatukan ng isa pa naming kaibigan – si Adriano. Nakakunot ang noo niya habang si Toni ay nakairap na sa akin. Kung nakakamatay ang irap kanina pa ako namatay. I snickered, mukhang hindi naman na-offend, tumatawa pa nga si Annabeth habang nakatingin sa akin.

"Umayos ka nga, Andres, para kang tanga!" Bawal sa akin ni Adi pero bigla namang nagsalita si Annie – ang asawa ni Adi kaya nagmukhang mas maayos pa ang bati ko.

"Congrats, Annabeth! Hindi ka na pokpok!" Ang lakas – lakas pa naman ng pagkakasabi ni Annabeth noon. Nanlaki ang mga mata ni Adi at ni Jestoni. Annabeth just giggled and hugged Annie, and then she said her thanks. Nagpaalam na sila ni Toni na sasakay sa bridal car. Naiwan kaming tatlo nila Adi sa may labas ng simbahan habang tinatanaw sila. Adi was telling Annie how wrong she was for saying that, nakatawa lang ako, mukhang hindi naman apektado ang asawa ng kaibigan ko.

Nag-usap – usap kaming babalik sa hotel kung saan kami naka-check in lahat at sabay – sabay na lang na pupunta sa reception ng kasal noong dalawa. Dala ko ang sasakyan ko, dala naman ni Adi ang sa kanila kaya nauna na ako.

Gaganapin ang reception sa hotel na iyon. Everything in their wedding is perfect and I couldn't help but feel a bit envious. Siyempre, nasa edad na rin naman ako, naiisip ko na rin namang lumagay sa tahimik, ang problema, hindi ko pa alam kung ito na ba ang tamang panahon sa akin. I did think of marrying a girl twice – pero hindi naman natuloy kasi hindi naman ako ang pinili nilang dalawa; kundi si Sabelo Arandia. Napapailing ako kapag naaalala ko ang katangahan ko noong araw. I have hurt Aelise Apelyido – Arandia – who happens to be a good friend now – because I wanted revenge from Sabelo. Huli ko nang naisip na mali ako, na sa ganitong bagay ako rin ang masasaktan – na tama naman dahil sa maikling panahong kasama ko si Aelise ay minahal ko siya. Everything backfired on me and I got hurt in the end. Ang ipinagkaiba lang nito sa nangyari noong una, I was willing to finally let go and forgive.

I really want to get married. Find a decent girl whom I can bring to my mom – parang ang kapatid kong si Gerry. Sino ba namang mag-aakalang makahahanap siya ng matinong babaeng tulad ni Saina Buensuceso na nobya niya ngayon. No matter how weird my brother is, he managed to find a woman worth of his love and our mother is so happy for them.

Masayang – masaya ako para sa mga tao sa paligid ko, ang problema, ako ang hindi masaya para sa sarili ko.

Nakarating ako sa hotel nang iyon ang laman ng isipan. Lilibangin ko na lang ang sarili ko, kung ano – ano na naman ang iniisip ko. Masaya naman ako kanina, tapos nag-isip ako, nalungkot ako. Ako talaga, wala na nga akong masyadong utak, nag-iisip pa ako. Pailing -iling kong ibinigay sa valet ang susi ng kotse ko. Nagtuloy ako hanggang sa fourth floor – sa room 413 – kung saan ako naka-check in. Habang binubuksan ko ang pinto ay niluluwagan ko na ang necktie ko. I gave out a sigh of relief when I was finally inside my room. Sumandal pa ako sa pader at saka muling nagbuntong – hininga.

"Is the wedding done?"

Tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang hinahanap ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

I found her sitting on the couch, just a little far away from the bed.

"Hi, Andres!" Ngiting – ngiting wika niya sa akin. "Hinanap baa ko ng kapatid ko?"

"Ayen! Bakit nandito ka pa! Diba sabi ko umuwi ka na o bumalik ka na lang sa sinapupunan ng nanay mo!" Nagpapanic na ako. Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang saplot – maliban sa puting kumot na nakatapis sa buong katawan niya? Her hair was still messy and from where I am standing, kitang – kita ko ang malalaking kulay pula at galit na galit na patunay nang naganap sa amin kagabi.

"Hala naman! Matapos mong magpakasarap sa akin kagabi, pauuwiin mo ako?" Nakalabing tanong niya. Ni hindi siya kumikilos paalis sa couch na iyon. Mukhang walang balak si Ayen na iayos ang sarili niya.

"Ayen, Ayen naman, please lang, mahal ko ang buhay ko. What happened last night was –"

"A mistake? Ahhh, ganoon pala kapag mistake, nakaka five times! Kung one to five items na test ito, Andres, zero ka na! Aminin mo kasi, nasarapan ka, kaya inulit mo!" Nakangising sagot niya sa akin. That was when she stood up, walked towards me, ako naman ay palayo nang palayo hanggang sa nabuksan ko ang pinto, ang akala ko dahil lumabas ako ay hindi na lalabas si Ayen lalo na ay hubad na hubad pa siya, but that was where I got it all wrong.

Nasa gitna kami ng hallway, si Ayen ay lakad nang lakad palapit sa akin hanggang sa ma-corner niya ako sa may pader. She locked me in her arms, and I had to swallow hard because I was reminded by what happened to us last night. I could hear her every moans; I could remember the warmth of her body and the feel of her flesh around me and it's giving me an unnecessary arousal.

"Ayen... Ayen..."

"Hmmm? You wanna do it again, Andres? I'll be a good girl." Shit! She gave me that puppy eyes look and I am whipped – so whipped that I lost it and kissed her. Wala na akong pakialam kung nasa hallway kaming dalawa, basta alam ko gusto ko siyang halikan.

Per dahil sa katangahang kong iyon – nabawasan ng sampung taon ang buhay ko. Bakit?

After I was done kissing Ayen, we separated and in my peripheral vision, I saw a familiar figure standing near us. My heart raced, I looked at my left and I saw none other than Gabrielle Anne Apelyido.

Nanlalaki ang mga mata niya habang naglilipat – lipat ang tingin sa aming dalawa ng hipag niya.

"Hi, Annie!" Ayen even greeted her.

"Luh! Lagot ka kay Adi, Andres!" Kasabay noon ay tumakbo siya palayo – pabalik sa silid nila kung nasaan si Adriano.

Nanghina naman ako. Wala sa lugar na napa-walling ako.

Jusko. Mamamatay na ako. Hindi ko na makikita ang mga mahal ko sa buhay. Mamamatay na ako. Huhuhuhu. Mamamatay na ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top