Kapitulo Uno

Memories

Adriana Christine Kaligayahan

Sabi ni Papa, darating daw si Kuya Adi ngayon. Bakasyon na raw ni Kuya Adi mula sa PMA kaya makakauwi na siya ngayon. Excited na excited na ako kasi halos dalawang taon ko siyang hindi nakita. Gusto ko na siyang umuwi para makapaglaro na ulit kami ng mga cars niya. Hindi kasi pinalalaro ni Mama iyon sa akin mula nang umalis si Kuya baka raw kasi masira ko at baka magalit pa raw si Kuya Adi sa akin. Mabait at masunurin akong anak kaya nakinig ako kay Mama. Sabi naman niya pagdating ng Kuya, malalaro namin ulit ang lahat ng iyon kaya nagtyaga muna ako sa mga laruang luto – lutuan ko.

Maagang umalis si Papa kanina para sunduin si Kuya Adi sa Baguio. Sabi ni Mama mga twelve o'clock daw ay nandito na sila kuya. Talagang excited ako. Inayos ko pa nga ang kwarto ni Kuya para matuwa siya sa akin. Hindi naman nagtagal ay nakarinig ako ng pagdating ng sasakyan. Dali – dali akonh sumilip sa bintana, nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong ibinababa ni Papa mula sa trunk ng Benz niya ang mga gamit ng Kuya ko! Mula sa kabilang part ng kotse ay bumaba naman ang Kuya Adi ko! Napangisi ako at nagtatakbo hanggang sa makalabas na ako ng bahay.

"Kuya Adi! Na-miss kita!" Sigaw ko nang makayakap ako sa kanya. Naramdaman kong mahigpit niya rin akong niyakap at narinig ko rin siyang tawa pa nang tawa.

"Ang laki mo na Ayen! Kumusta ka na? Kumusta ang pag-aaral mo?" Tuwang – tuwa siyang nakatingin sa akin. Excited na excited ako. Nandito na ulit si Kuya!

"Tama na iyang bolahan ninyong magkapatid. Naghihintay ang Mama ninyo, pumasok na tayong lahat." Iyon nga ang ginawa namin. Nananghalian kaming buong pamilya. Nagkukwento si Kuya tungkol sa mga napag-aralan niya sa PMA at kung gaano niya kagusto ang mga natutuhan niya roon. Sinasabi niya kay Papa na maayos siya at kaya niya ang lahat. Si Ate Alona ay kinamusta ang mga subjects niya, si Mama ay pinakain nang pinakain si Kuya kasi payat na raw si Kuya. Ako naman ay nakatitig lang sa kapatid ko. Gusto ko na siyang matapos kumain para naman makapaglaro na kami.

Pero kahit natapos na kaming kumain ay hindi naman ako niyaya ni Kuya na maglaro, pero sabi ni Ate okay lang daw iyon, pagod lang si Kuya.

Lumipas ang mga araw, pero hindi naman na nakipaglaro sa akin si Kuya Adi, kahit nga ang maupo ay makipag – usap sa akin ay hindi niya magawa. Palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya noong high school, palagi siyang lumalabas, pinahiram pa nga ni Papa sa kanya ang kotse nito. Si Ate Alona, abala naman sa training niya – magpupulis kasi si Ate, nasa huling taon na siya ng pag – aaral kaya abala na siya. Ang sabi niya kay Papa gusto raw niya sa forensics kaya lubos – lubos ang pag-aaral ni Ate para makuha niya ang gusto niya. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng mga kapatid dahil sa pag – aaral nila. Bahala na nga sila sa mga buhay nila.

Sa murang edad, tinanggap ko nang kahit kailan ay hindi na makikipaglaro sa akin ang paborito kong kapatid. Okay lang naman, nandito nakan si Gigi – ang aspin naming alaga. Siya ang palagi kong kasama at kausap ngayon. Iba ang bond namin kasi mula baby siya ay nandito na siya sa akin, sab inga ni Papa si Gigi daw ang bunso talaga sa pamilya kaya ganoon na lang ang pag – aalaga ko sa kanya.

Isang araw sa kalagitnaan ng bakasyon, narinig ko si Kuya na nagsabi kay Mama at Papa na may papupuntahin daw siyang mga kaibigan niya rito. Ito daw ay mga kaklase at mga naging kaibigan niya sa loob. Pumayag namin si Mama, gusto rin daw niyang makilala ang mga palaging kasama ni Kuya sa PMA. Sabi ni Kuya Friday daw darating ang mga ito. Nakaramdam ako ng inggit, sila pala ang mga bagong kalaro ni Kuya kaya pala hindi na niya ako pinapansin.

Biyernes ng umaga nang dumating ang mga kaibigan ni Kuya. Sabi ni Mama sa akin kailangan maging mabait ako. Galing pa raw sa Pampanga at Bulacan ang mga friends ni Kuya. Hindi ko naman alam kung bakit kailangan kong magpakabait, mabait naman talaga ako.

I waited until they arrive. Kuya entered the house with two young men behind him. Nasa hapag na kami nila Papa noon. Sumaludo iyong dalawa kay Papa tapos ay nagmano sa mga magulang ko.

"Ma, Pa, si Toni at si Andres, sila ang mga kaibigan ko." Pakilala pa ni Kuya sa kanila. "Ito naman si Ayen, siya ang kapatid ko. Ang cute niya diba?"

"Siya ba iyong kinukwento mo sa amin sa loob, Buddy? Ang cute! Parang key chain!" Sabi noong Andres na kaibigan ni Kuya. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang pangit ng pagkakangisi niya sa akin. Bigla ay kinurot niya ako sa mukha. Nagulat ako. Bigla kasi akong kinurot ni Andres sa mukha. Hinampas naman ni Kuya Adi ang kamay niya.

"Hoy! H'wag mong lamugin ang kapatid ko!"

"Ang cute eh! Ilan taon ka na ba, Ayen?"

"Twelve." Nakangusong sagot ko.

"Ay, kaedad mo iyong bunso naming si Jose Alberto. Gusto mo jowa mo na lang siya."

"Bawal daw ako noon sabi ni Papa. Diba, Papa?"

"Oo naman, anak. Pakainin mo na iyang mga kaibigan mo, Andres." Ganoon na nga ang ginawa naming lahat. Matapos kumain ay nagpunta ako sa may garden, nandoon kasi si Gigi, bibigyan ko siya ng chicken pan de sal na pinalamanan ko kanina. Tinatawag ko siya, agad naman siyang lumapit sa akin. I gave her the pan de sal and she munched on it with so much gusto. Ang cute – cute naman ni Gigi.

"Gigi, nandito ang mga friends ni Kuya, h'wag mo silang tataluhan ha?" Sabi ko sa kanya. Kumahol naman si Gigi at hinaplos – haplos ko siya sa batok niya. She was just eating. Nandoon lang din naman ako at sinasamahan siya, pero bigla akong natigilan dahil napansin ko ang isang malaking bubuyog na umaaligid sa aming dalawa. Napakagat – labi ako, ayoko ng bubuyog, takot ako sa bubuyog. Agad akong tumayo para lumakad palayo pero napansin kong sinusundan ako ng bubuyog na iyon. Kaunti na lang ay iiyak na ako – hindi ko na nga napigilan nang dumiretso sa akin ang bubuyog. Napasigaw ako.

"Kuya!" I whined loudly, pero walang Kuya Adi na dumating para sa akin. Sa lawak ng bakuran namin, malayo pa ang bahay, pumikit ako at tumakbo habang umiiyak at sumisigaw. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil bigla na lang akong nabunggo sa kung anong matigas at may yumakap sa akin. Hinahaplos – haplos ng taong iyon ang likod ko. Ganoon ang ginagawa ni Kuya Adi kapag pinapatahan ako.

"Kuya Adi, may bubuyog! Ayoko sa bubuyog!"

"H'wag ka nang umiyak, wala naman na."

Natigilan ako. Hindi si Kuya Adi iyon. Nang tumingala ako ay nakita ko ang friend ni Kuya Adi, si Andres. He was smiling at me, iyong kamay niya ay nasa ibabaw na ngayon ng ulo ko. Hinahaplos – haplos iyon habang paulit – ulit na sinasabing h'wag na raw akong iiyak.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ang lakas – lakas ng tibok ng puso ko...

Twelve years old ako at sa panahong ito, sumibol sa akin ang first crush ko at si Andres Birada iyon.

xxxx

FOURTEEN years old ako nang maging curious ako sa palaging pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Ang first kiss. Sabi ni Minnie sa akin – iyong best friend ko – na ang first kiss ay masarap. It's a fleeting moment when everything is as magical as the fairytales that we read about. Nakuha na raw niya ang first kiss niya at hinding – hindi raw niya malilimutan iyon. Ang sabi niya rin sa akin, kung gusto ko ng first kiss, pwede naman daw akong makipaghalikan sa mga may crush sa akin sa school namin. Marami daw talagang nagkakagusto sa akin pero sadyang takot lang silang lapitan ako dahil general ang tatay ko at pulis naman ang ate ko.

"Gusto mo bang makipaghalikan doon kay George?" Tanong pa ni Minnie sa akin. "Matagal ka nang gusto noon pero kasi hatid sundo ka ni Gneral kaya hindi siya makaporma. Ano, kiss lang naman!"

"Hindi ko alam, Minnie." Hindi ako sigurado. Hindi ba't masama iyon? Magtatanong muna ako may Ate Alona. Baka kasi hindi ko pala kasi gusto ito.

"Hay naku, Ayen, napaka-KJ mo talaga. Hindi ka magkaka-boyfriend kapag ganyan ka." Napapailing na wika niya. Hindi naman ako sumagot, nakita ko na kasingh dumating ang kotse ni Papa. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko saka tumakbo na ako sa may parking lot kung nasaan si Papa. Nagmano ako sa kanya sabay pasok sa loob ng kotse. Tahimik lang ako sa byahe, iniisip ko iyong mga sinabi sa akin ni Minnie. Curious ako sa first kiss, pero kung may isang tao man akong gustong maging first kiss, iyon ay walang iba kundi si Andress Birada.

Hanggang ngayon crush ko pa rin siya. Tuwing huling linggo ng bakasyon nila ni Kuya ay umuuwi sila sa amin. Siya na ngayon ang palagi kong kalaro sa bahay kasi si Kuya Adi mas busy siya sa mga girlfriends niya. Ang sabi sa akin ni Andres babaero raw si Kuya, kilabot raw ng mga kolehiyala. Hindi ko masyadong alam kung anong ibig sabihin noon pero alam ko lang maraming girlfriend si Kuya.

"Bunso, bakit ang tahimik mo yata?" Tanong bigla ni Papa sa akin. Malapit na kami noon sa bahay. Tumingin naman ako kay Papa. I just shrugged.

"Pagod lang po ako, Papa."

"Marami ba kayong ginawa sa school? Pag – uwi sa bahay matulog ka muna. Maaga pa naman, pwede ka pang magpahinga." Napalabi ko.

"Marami akong gagawing assignments eh." Napatawa si Papa.

"Gusto mo bang tulungan muna kita?"

"Hindi na po, Pa. Kaya ko naman." Hanggang sa makauwi kami ay dala – dala ko sa isipan ko ang napag – usapan namin ni Minnie, hindi na ako nakatiis, pinuntahan ko noong gabi si Ate Alona para tanungin siya.

"Ate, may first kiss ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mo naman natanong? H'wag mong sabihing ikaw meron na ha? Naku, Adriana, baka masabunutan kita!"

"Hindi. Wala!" Tigas ang tanggi ko. "Pero masarap ba talaga ang first kiss?"

"Depende. Ang unang halik ay dapat ibinibigay natin sa taong gusto nating makasama habambuhay. Hindi iyan basta – basta. You'd want your first kiss to be memorable, diba? So make sure you give it to someone whom you'll remember forever."

Natagpuan ko ang sarili kong nakangiti. Sa murang edad na fourteen years old, nagdesisyon akong isang tao lang ang gusto kong makasama sa habambuhay at walang iba iyon kundi si Andrss Birada.

Kaya nga naghintay ako – kahit ilang buwan pa – dumating ang huling linggo ng bakasyon ni Kuya. Dumating si Andres at si Toni sa bahay pero mas excited ako sa pagdating ni Andres. Nasa gate pa lang sila ay sumalubong na ako ng mainit na yakap kay Andres. I can do that; he always hugs me whenever he comes here.

"Wow! Miss na miss mo naman ako, Bunsong Ayen!"

"Mmmn! Na-miss kita Andres." Nakangiting tiningala ko siya. Pero nagkamali akong gawin iyon dahil napatitig ako sa labi ni Andres. Bumalik sa isipan ko kung bakit gustong – gusto ko siyang umuwi rito ngayon. Gusto kong ibigay sa kanya ang unang halik ko.

"Pumasok na tayo at kumain na kayo. Kamusta ang pamilya ninyo?" Si Toni ang sumagot. Ako naman ay akbay lang ni Andres habang naglalakad kami papasok ng bahay. Ang bango ni Andres, ang sarap – sarap niyang yakapin.

Buong maghapon ay kaharap nila Kuya si Papa, nagbibigay payo si Papa dahil huling taon na nila kuya sa PMA. Matamang nakikinig ang tatlo sa kanya. Hinihiling kong sana ay matapos na kasi gusto ko nang makausap si Andres.

"Ano bang hinihintay mo dyan?" Tanong ni Mama sa akin. Nakaupo kasi ako sa may hagdanan.

"Hinihintay ko silang matapos, Ma..."

"Naku, anak, bukas pa sila matatapos niyan." Tawang – tawa si Mama sa akin. Iniwanan na rin niya ako. Baka totoong bukas sila matatapos, pro maghihintay ako. Ganoon na lang ang ngiti ko nang biglang tumayo si Papa. Naiwan sila Kuya Adi sa sala. Agad naman akong nagpunta sa kanila.

"Andres, maglaro tayo." Sabi ko sa kanya. Nakangiting tatayo na si Andres pero nagsalita si Kuya Adi.

"Ayen, mamaya ka na makipaglaro, pagod pa iyang si Andres."

"H'wag kang maniwala sa kuya mong. Anong lalaruin natin?"

"Wow ha! Parang ikaw pa iyong kuya ha."

"Oo naman! Ako naman talaga! Nakakatuwa kayang magkaroon ng kapatid na babae! Wala kaming ganoon puro kami titi!" Tumawa silang tatlo. Ako naman ay nakatingin kay Andres. Kapatid? Kapatid lang ang tingin niya sa akin?

Nagpunta kami sa silid ko sa itaas. Nag-iisip ako. Napansin kong naupo si Andres sa sahig sa harapan ng marami kong laruan. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Nilakasan ko ang loob ko. Sabi niya kapatid lang ang tingin niya sa akin, pwes hindi ako papayag! Hahalikan ko siya at patutunayan na hindi ako isang kapatid na babae lamang!

Sinugod ko si Andres. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi saka inginudngod ang labi ko sa labi niya.

"Ayen!" Tinulak niya ako nang bahagyan. Napakagat labia ko. Sabi ni Minnie masarap ang first kiss bakit.... bakit hindi naman? "Anong ginagawa mo?" Napaluha ako.

"Gusto kita, Andres. Hindi totoo na kapatid lang ang tingin mo sa akin diba? Diba?" Nakatitig lang siya sa akin tapos ay napabuntong hininga siya. Parang alam ko na ang susunod na sasabihin niya.

"Ayen, pasensya ka na. Nagpapasalamat akong gusto mo ako, pero hindi tayo pwede. Una masyado ka pang bata, pangalaw, kapatid ka ng pinakamatalik kong kaibigan, pangatlo, may iba akong gusto. Kapatid lang talaga ang tingin ko sa'---"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Tumakbo ako palabas ng silid ko at nagtungo sa labas ng bahay. Pigil na pigil ang mga luha ko pero nasasaktan ako. Bakit hindi niya ako magugustuhan? Maganda ako – palaging sinasabi ni Mama na maganda ako, matalino ako, ako ang Top 1 sa klase namin at isa pa, mabait ako, bakit hindi niya ako gusto?

I sat down the sidewalk, hugged my knees and started crying.

At the young age of fourteen years old, yes, I got my first kiss, but I also got my heart broken and it made me cry so hard. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top