Kapitulo Seis
Andres atapang a tao
Andres'
I Didn't want to get rid of her. Kahit ilang beses kong isipin at balikan ang lahat ng ginawa ko ay hindi ko matanggap ang mga sinabi sa akin ni Ayen. I am not trying to get rid of her. I am just trying to make her forget her feelings for me. Hindi naman kasi tama iyong nararamdaman niya para sa akin. Siguro dahil din sa nararamdaman niyang iyon ay nasasaktan siya dahil sa akin, kaya nga ginagawa ko ang lahat para naman makalimot siya at para bumalik na iyong dating Ayen na nakilala ko.
Adriana Christine changed and I miss the old her. Hindi ko alam kung kalian nagsimula ang pagbabago niyang iyon, basta na lang na hindi siya lumalapit sa akin, basta na lang na hindi na siya nakikipagkuwentuhan, akala ko noon dahil lumalaki at nagdadalaga na siya, but she's always so friendly with Jestoni and our other friends. I thought that I had my Ayen back when her father died. She needed someone to be with her, abala si Adi sa paghahanap ng hustisya para kay General Adriano, si Jestoni ay katuwang ni Adi sa mga plano nito and I was the only one left looking after Ayen. For a while there, I thought we're going back to that time when we were still close with each other, iyong sinasabi niya sa akin ang mga bagay na nararamdaman niya, iyong nakikipagkuwentuhan siya sa akin. When she was still a kid, she used to always write me letters. Iyon ang palagi kong hinihintay noong nasa PMA ako. Gustong – gusto kong maging malapit muli kay Ayen, pero bakit hindi niya makita ang hangarin ko? Saan galling iyong I want to get rid of her?
"Saan ka galing?" Kunot na kunot ang noo ni Adi sa akin. Lunes ngayon at katatapos lang ng flag ceremony. Hindi ako naka-attend kaya siguro hinahanap niya ako. Late ako. Kauuwi ko lang ng Metro kaninang madaling araw. Hindi naman kasi kaagad ako nakauwi dahil hindi ko talaga matanggap ang mga sinabi niya sa akin. Why would she think that I am trying to get rid of her? Hindi ganoon iyon! I am trying my best to make it back to the us before everything else happened. Hindi niya maintindihan iyon, bakit? Wala naman akong gustong mangyari sa aming dalawa kundi ang maging okay kami at maging magkaibigan.
"Sa tyan ng nanay ko." Bwisit na sagot ko kay Adi. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.
"Bakit mainit ang ulo? Napano? Kulang sa sex? Sabi ko naman sa'yo, mag-syota ka na, Andres. Kalimutan mo na iyong fiancée mo noon at si Aelise. Puro ka landi, sasawaan ka rin. Mabuti iyong may inuuwian ka sa gabing someone constant and important."
No doubt about it, Adi is really in love. Ilang taon na silang kasal pero kung umakto silang dalawa parang nagde-date lang sila. Napailing ako. Muli na naming bumalik ang isipan ko sa nangyari sa La Union. I looked at Adi.
"Nakauwi na ba si Ayen?"
"Oo. Kahapon ng hapon. Ipinakilala nga si Santi kina Mama. Akala nga naming mag-jowa na."
"At okay lang sa'yo?" Inis na tanong ko sa kanya. Bakit ganoon si Adi? Bakit parang okay lang sa kanya ang lahat? Hindi naman siya ganito noon. Kapag nalalaman niyang may lalaking lalapit sa kapatid niya ay umiinit agad ang ulo niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakalimutan n ani Adi na dapat niyang protektahan si Adriana? He has to make sure that she will fall into the hands of a good man and Crisanto Arandia is not a good man.
"Malaki na si Ayen, alam na niya ang ginagawa niya. Kaya na niyang magdesisyon sa buhay kaya hindi na ako makikialam sa kanya. If she wants to be with Santi and then so be it."
"Paano kung saktan siya ni Santi? Gago ang mga Arandia!" Napasigaw pa ako. Sukat ba naman nagkibit – balikat lang si Adi.
"Buddy, sabi ng ani Senyor Axel, sa pagakamali tayo natututo. Kung masasaktan siya, malalaman niyang mali pala ang desisyon niya, matututo siyang h'wag nang magtiwala sa mga lalaking tulad ni Santi. But that doesn't mean that I won't be here for her because I will be and if she needs my help. I will help her. Si Ayen pa? Baby ko iyon."
Pikon na pikon ako kay Adi. Hihintayin niya pang masaktan ang kapatid niya bago niya bawalan itong makipagkita kay Santi! Tang ina! Sana talaga hindi ko na ipinakilala! Ano ba naman kasing naisip ko at dinala ko si Crisanto Arandia noong araw na iyon? Dumalaw lang naman ako kay Rafaelle dahil nandito siya ngayon sa Metro, naisip ko lang din na maaasar si Ayen sa kayabangan ni Santi pero HINDI! Nagkamabutihan pa silang dalawa! Nangigigil ako! Kailangan mailayo ko si Ayen sa lalaking iyon! Hindi ako papayag na masaktan siya!
Buong maghapon ay wala akong ginawa kundi mag – isip ng plano. Wala rin ako sa focus, ilang beses na akong tinatanong ni Adi kung ayos lang ako at hindi iisang beses na parang gusto ko siyang sigawan dahil para talaga sa akin ay mali ang ginagawa niya. Gusto kong sampal- sampalin si Adi nang paulit – ulit para maintindihan niyang hindi niya dapat hayaan si Ayen sa ganoon! Pero kilala ko si Adi, siya iyong tipo ng taong to see is to believe. Ako na lang talaga ang gagawa ng paraan para mapabuti si Ayen.
Kahit na magmukha pa akong tanga, gagawin ko ang lahat para lang maging maayos si Adriana. Hindi ako papaya na masaktan siya.
xxxx
Ayen's
From: Santi Arandia
Msg: Just got home. So, when will I see you again?
Natawa ako nang malakas kahit wala naman sa loob ko matapos kong Mabasa ang message ni Santi. Hindi pala siya agad umuwi ng Bulacan kahapon, nag-stay pa siguro siya sa bahay ng Mama niya kaya ngayon lang sila nakauwi. Ang nakakatawa, gusto na ulit niya akong makita. Natutuwa lang talaga ako at nagkaroon ako ng bagong kaibigan. May magandang dulot rin pala si Andres sa buhay ko.
Nailabas kong lahat kay Santi ang frustration ko sa bobong si Andres. Bahala na muna siya sa buhay niya, basta ako i-eenjoy ko ang nalalabing araw ng bakasyon ko at buhay sibilyan dahil matatagalan na naman bago ako makauwi rito sa pamilya ko. And Santi was right, I should stop thinking about Andres and start living my life the way I want too. Kailangan ko na lang talagang tanggapin na wala na talagang pag – asa at alam kong malapit na ako sa acceptance part. Dino-dog show ko na nga si Andres kahapon. Hindi ko lang talaga inasahan na darating siya sa rest house ni Santi, let alone na sasapakin niya si Santi. Sabi ko nga sa new friend ko pwedeng – pwede kaming magsampa ng kaso kay Andres, trespassing na kasi siya physical injury pa ang peg niya pero tinawanan lang ako ng bago kong kaibigan, bahala rin siya, mukhang okay naman siya lalo kahapon nang ipakilala ko siya sa pamilya ko.
Si Mama ay halos maiyak, akala niya kasi jowa ko si Santi, mabuti na lang at hindi niya tinanong sa aming dalawa kung kalian ba kami magpapakasal. Walang kasal na magaganap kasi wala naman kaming dalawa. I admit that I like him, and I feel like he likes me too but we both like each other in a friendly way, pakiramdam ko rin naman may gusting ibang babae si Santi, may mga bagay siyang hindi sinasabi pero nakikita ko naman sa mga mata niyang mayroon talaga.
I replied to his message. I was being a bit playful.
To: Santi Arandia
Msg: I'm free until next week. Wanna see your hacienda.
"WOW! I wanna see your hacienda ha!" Nagulat ako nang magsalita bigla si Kuya sa likuran ko. Hindi ko alam na dumating na siya. Naiwan ngayon sa bahay namin si Alaine, may mahalagang meeting kasing pinuntahan si Annie tapos si Kuya naman ay may pasok sa office niya. Nginisihan ko na lang siya pero nawala ang ngising iyon nang mapansin kong naroon na pala si Andres. Hindi ko naman pwedeng ialis sa kanya ang magpunta rito, siyempre, halos dito na rin naman siya nagkaedad. Ayoko man, parte si Andres ng pamilyang kinabibilangan ko.
I guess, I need to be civil with him and I will start now.
"Oy, Kuya nandyan ka pala. Nasa itaas si Alaine nanonood sila ng tv ni Mama. Musta, Kuya Andres?" Napansin kong tumaas ang kilay ng kapatid ko at ni Andres pero pareho silang walang sinabi. Ngumiti na lang ako at muling bumalik sa pagtingin ng phone ko.
"Akyatin ko muna iyong anak ko. Wait lang, Buddy, dito ka na kumain. Nagpaluto na si Mama." Sabi pa ni Kuya. Tiningnan ko lang si Kuya paakyat, alam ko naming naiwan si Andres, patay malisya na lang, wala akong sasabihin, hindi ako magsasalitan unless, makipag – usap siya sa akin.
Naramdaman kong lumundo ang kabilang side ng couch na inuupuan ko. Nang lumingon ako sa kanya ay nakakunot ang kanyang noo. Kumunot na rin ang noo ko.
"Problema mo?" Inis na wika ko.
"Hindi pa ba kayo tapos mag – usap ng Arandia na iyan? Hindi mo alam ang pinapasok mo, Ayen. Masasaktan ka dyan! Babaero iyang si Santi!"
"Sos!" Tudyo ko sa kanya. "Sanay akong masaktan, since fourteen ako nasasaktan ako dahil sa'yo." Dinaan ko na lang sa biro, baka sakaling mahiya siya sa akin.
"Kahit kailan hindi kita sinaktan. Hindi ko naman hiningi sa'yong mahalin mo ako. Kusa mong binigay iyon, Ayen. H'wag mo akong sisisihin sa mga bagay na hindi ko naman hiningi sa'yo."
Ang tagal kong nakatitig kay Andres. Nanggagalaiti ako sa kanya. Mulan pagkabata ko, palaging sinasabi sa akin ni Papa na huminahon ako, sa totoo lang kasi, mainitin ang ulo ko. Hindi ako marunong magtimpi noon kaya lagging bugbog sarado si Kuya Adi sa akin noon, akala ko okay na ako, pero ngayon, putang ina, kinuha ko iyong malaking throw pillow sa gilid ko para ihampas sa mukha ng putang inang si Andres Birada.
"GAGO! OO NGA AT HINDI MO HININGI SA AKIN IYON PERO AWARE KA DIBA? AWARE KA! ALAM MO! PERO WALA KANG GINAWA PARA MAGING MAINGAT! NASAKTAN AKO! HINDI BA NGA AT HINDI KA PA NANINIWALA SA AKIN NOON? TAPOS ANO? ANO? PUTANG INA MAY NANGYARI SA ATIN, HINDI MO RIN HININGI IYON! SANA HINDI MO AKO GINALAW KASI WALA NAMAN HALAGA SA'YO IYONG NARARAMDAMAN KO TANG INA MO ANDRES, BAKIT HINDI KA PA MAMATAY!"
Sa inis ko ay sinuntok ko siya sa balikat. Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto ko pa nga siyang kagatin sa tainga. Putang ina! Kahit kailan hindi pa ako nakaramdam ng sobrang panggigigil sa isang tao! Sa kanya lang talaga! Mabait naman ako pero talagang sinusubok ng putang inang ito ang pasensya ko! Gago!
Napatayo ako, tumayo rin si Andres. Akala ko ay lalayo siya but he grabbed my arm. I looked at him.
"Mali na may nangyari sa atin, nag-sorry naman ako! Hindi mababago ng nangyari sa atin na kapatid lang ang turing ko sa'yo. Mahal kita, Ayen, ayokong mapahamak ka kaya please, iwasan mo si Crisanto, hindi siya magandang ehemplo sa'yo! Sasaktan ka lang noon. H'wag naman matigas ang ulo mo! Para sa'yo naman ito!" Binawi ko ang braso ko sa kanya.
"Iyong kapatid ko nga walang sinasabi tapos ikaw pakialamero ka. Anong gusto mong palabasin na putang ina ka? Ako ang masusunod kung sinong gusto kong makasama. Saka bakit ba nakikialam ka, hindi ba't ito naman ang plano, Andres? Wala na sa'yo ang atensyon ko, nasa ibang tao na. I am trying to be civil with you, don't make it hard for me, Andres."
"Nag-aaway kayo?" Napalingon kami nang sabay nang marinig naming pareho ang boses ni Kuya Adi. Karga niya si Alaine, kasunod naman ni Adi si Mama na nakangiti kay Andres. Huminga naman ako nang napakalalim.
"Hindi, Kuya, naglalaro lang kami ng Pinoy Henyo. Akyat na muna ako sa taas. May gagawin lang ako." Nagpatiuna ako para makaalis sa lugar na iyon, pero napahinto ako nang muling magsalita si Andres. Tinawag niya kasi si Kuya, nang lingunin ko siya ay nakakuyom ang mga palad niya.
"Adriano, alam mo ba?"
Nanigas ang buong katawan ko. Nanlalaki ang mga mata ko.
"Oh no you won't!" I exclaimed. He looked at me, and the he looked at my brother and my mom.
"Adi, Tita, may nangyari po sa amin ni Ayen noong gabi ng kasal ni Toni at Annabeth."
My mouth parted.
What the fuck!?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top