Kapitulo Quatorce

It's real

Ayen's

EVERYTHING right now is too good to be true. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko mula kay Andres ang mga bagay na sinasabi niya sa akin ngayon. Noon ay panaginip lang ang lahat ng ito para sa akin. Palagi ko lang iniisip na paano kaya kung ma-in love sa akin si Andres? Ano kayang feeling noon? Pero ngayong nangyayari na, hindi ko naman ma-explain ang feelings ko. It's so overwhelming, madalas natatagpuan ko ang sarili kong nakatulala habang nakangiti. Sabi ng ani Crisanto, mukha akong timang.

"Ang dali naman sa'yo na maniwala na mahal ka nga ni Andres." Pasira talaga sa moment si Santi. Nasa balcony kaming dalawa noon at ninanamnam ang mga bagayu na sinabi ni Andres sa akin sa phone kanina. My heartbeat is so fast, pakiramdam ko ay lalabas sa lalamunan ko ang puso ko kaya ibinaba ko ang phone para magtatalon at nasa labas na nga ako ng guest room, kasama si Santi. I told him what happened and this is how he replied.

"Ang bitter mo. Bakit ba bitter ka? Kung naiinggit ka e di makipag-relasyon ka rin sa iba." Tumawa lang si Santi sa akin habang napapailing.

"Love doesn't work the same way, Ayen. Hindi dahil happy ending sa iba, happy ending na rin para sa lahat. Ang akin lang, Ayen, mag – ingat ka kay Andres. Hindi mo pa rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking iyon."

"Nah... I know him." Confident na sabi ko. "A lot of times he says things he doesn't mean, pero alam ko sa pagkakataong ito ay totoo ang mga sinasabi ni Andres sa akin. I can see it in his eyes." Ngiting – ngiti ako habang nakatingin kay Santi. Alam kong tulad ng lahat, may itinatagong lihim rin si Crisanto, maybe he's really concern for me, maybe he's overthinking things. Nakakatawa na siya pa ang may ganang mag – overthink para sa akin. Maybe he does care about me. Sa maikling panahong nagkasama kaming dalawa, siguro talagang tinubuan si Santi ng pakialam sa akin and I appreciate him so much.

"Well, whatever it is, goodluck sa inyong dalawa. Malaki ka na, Ayen, alam mo na siguro ang gusto mo." Tumawa siya tapos ay ginulo ang buhok ko. It was in the middle of our conversation when my phone beeped. It's almost two in the morning, napaisip talaga ako kung sinong mag-te-text sa akin nang ganoong oras. Maybe it's my brother, baka may emergency, baka kung napaano si Mama, and with that thought, I took my phone out to read the message only to find out na galing pala ito kay Kuya Toni.

Simple lang naman ang message niya.

Nagsabi na si Andres kay Adi tungkol sa'yo. Nag-away sila.

Napakunot ang noo ko. Nagsabi? Siguro ay tinawagan ni Andres si Kuya pagkatapos ng tawag namin kanina. Napakagat labi ako.

"Oh, ano na namang sinabi ni Andres na nakakakilig?"

"Wala naman siyang sinabi. He just... he told my brother about us. Knowing him, ito iyong isa sa mga bagay na pinakaiiwasan niya and yet..." My heart is warm. Andres really does love me. Ibig sabihin lang nito ay pinipili niya ako. I excused myself to call Toni. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya ako. Kabang – kaba pa ako. I am imagining my brother's reaction. Hindi ko man siya kasama, alam kong nagagalit siya ngayon. Nag – away nga silang dalawa at hindi kahit kailan nangyayari iyon. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Their friendship is one of the most important things in both of their lives. Kahit minsan ay hindi ko sila naringgang nag-away. I sighed. Isang malaking problema ito kung sakali. I just hope that things will be better.

"Gising ka pa pala." Sabi ni Toni sa akin nang magkaharap na kami sa video call.

"Anong nangyari? Nasaan si Kuya?"

"Umuwing mainit ang ulo. Akala ko nga sasapakin niya si Andres kanina. Ito naman kasing si Andres, nagyaya ng inom, hindi ako sinabihan kung ano talagang pakay niya."

"Nag – inom kayo? Nasa Metro si Andres?"

"Yup! Nag-inom kami sa dati. Nagulat nga akong tumatawag siya nang alanganing oras. Akala naming emergency. Inom lang pala. Tapos biglang nagsabing liligawan ka na raw niya. Siyempre nagalit ang kuya mo. Alam na alam raw kasi niya ang ugali ni Andres at malaki ang posibilidad na masaktan ka. He gave him an ultimatum, lalayuan ka o kung anoman. Hindi ko alam kung ano iyong kung anomang sinasabi ni Adi, Ayen, pero magkagalit sila."

Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Andres. I ended the call immediately to call him but he is not answering his phone. Kabang – kaba ako. Maaaring magbago ang isipan niya ngayon, maaaring iwanan na naman niya ang nararamdaman niya sa akin dahil nagkasira na silang dalawa ni Kuya. Sabi ko nga kay Santi, kilalang – kilala ko si Andres at malaki talaga ang posibilidad na mas piliin niyang maging maaayos ang lahat kaysa ang lumaban at magkagulo and that makes me sad. Ang akala ko ay malapit ko nang makamit ang pagmamahal na matagal ko nang pinapangarap and yet here I am having the same uncertainties again.

Kailangan kong makausap si Andres, ngayon na mismo. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa kanya. Hindi na ako nagdalawang isip pa. I packed my bags that night and left the hacienda. Siyempre hindi naman pumayag si Santi na umalis akong nag – iisa kaya ang ending, dalawa kami sa loob ng sasakyan ko, dalawa kaming hindi mapakali – sa kung anong dahilan at hindi mapakali si Crisanto ay hindi ko alam, basta ako hindi ako matatahimik hangga't hindi ko kaharap si Andres. Kailangan kong malaman ang susunod niyang gagawin. Kailangan naming mag – usap. I should know where I stand after this. I should know if he's still going to fight for the love he said he feels for me o ako mismo ang susuko na dahil sinukuan na naman niya kaming dalawa.

xxxx

"YOU can talk to him later. You know when the sun is already up." Nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng bahay ng Mama ni Andres. I have a feeling he's here. Alam kong may sarili siyang condo pero malakas talaga ang kutob kong nandito siya ngayon. He's probably sad and lost, and he wouldn't want to be alone. Inalis ko ang seatbelt ko tapos ay tiningnan ko si Santi.

"After ten minutes at hindi ako bumalik, you can go. I will just contact you, okay?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya, basta na lang ako bumaba. Tumapat ako sa main gate nila at nag-doorbell, apat na beses ko iyong ginawa, hindi naman nagtatagal ay nagbukas iyon at ang bumungad na mukha sa akin ay si Jose Alberto – ang bunsong kapatid ni Andres. I waved at him shyly.

"Hi, nandito ba si Andres?" Nahihiyang wika ko. Mukhang nagulat talaga siya sa akin, pero kilala naman niya ako. Jose Alberto nodded and let me in.

"He's in his room, I guess." Hindi ko na siya hinintay pang makapasok, nauna na ako. Nakalimutan kong hindi ko pala alam kung nasaan ang kwarto ni Andres. Mabuti na lang at pag-akyat ko sa second floor, napansin kong may mga pangalan ang mga pinto ng bawat silid roon.

Gerardo. Maria. Andres. Alberto.

Siyempre doon ako dumiretso sa silid ni Andres. I knocked thrice and the I opened the door slowly. My heart is beating fast. What if I get my heart broken again tonight? Paano kung saibihin niyang mas matimbang pa rin na maaayos sila ni Kuya? Can I handle another broken heart? Pagsisisihan ko na naman na binigyan ko siya ng chance. Sasabihan ko na naman na tanga ako dahil imbes na totohanin kong dapat mag – move on na lang ako, hinayaan ko na naman ang sarili kong maging vulnerable sa kanya. I should've never done this.

I found him laying down on his bed. An arm on his forehead, his eyes were closed, kahit na nandito ako sa kinatatayuan ko ay hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng loob niya. Maybe he's already thinking about ending this. Hindi pa nga kami nagsisimula, matatapos na. Ang hirap naman nito.

"Andres." Tinawag ko na siya. I watched him as he slowly opened his eyes to look at me. Kitang – kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. His eyes widened, his face was full of shocked but slowly, he relaxed, he gave me a smile and then he sat up, he spread his left hand and I reached for it. I ended up laying on the bed with him. Our limbs were tangled, his chin resting on my shoulder, his arms around my whole torso. I could feel his warmth all over me.

"Toni called me." Malumanay na wika ko. Kabang – kaba ako pero mukhang kalmado siya. Napapakagat – labi pa ako. He just sighed. I shifted a bit so I can turn around to finally look at him. "Sabi niya nag-away kayo ni Kuya. Pupuntahan mo pala siya, sana sinabi mo sa akin."

"Mmm..." He just made that sound as a reply. Napabuntong hininga ako. I touched his face.

"Can you tell me what you're thinking about? I want to know." Sinabi ko sa kanya. Nagbuntong – hininga si Andres.

"Iniisip ko lang naman kung okay lang sa akin na galit sa akin ang kapatid mo."

Sabi na nga. Maybe Andres loves me, but it will never be enough for him to fight for that love he has for me. Mas gusto pa rin niyang tahimik ang lahat. I tried to keep quiet, kahit na nasasaktan ako.

"And?" I was looking at him with so much hope. Hindi ko maiwasang hindi umasa. Kailangan ko ng sagot, pero sana, he would let me down easy.

"And it's not okay..." Parang gusto ko nang kumawala kay Andres. Nasa labas pa kaya si Santi? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Ayokong umiyak dito. Humigpit bigla ang yakap sa akin ni Andres. "Pero, mas hindi okay na wala ka ulit sa tabi ko."

And just like that my tears fell automatically. I buried my face on his chest, I kept quiet as much as I could waiting for him to say something more.

"Adi will be mad at me for the longest time, but I will do everything to prove myself. Ngayon ako nagsisisi sa mga ginawa ko noon. Sana pala hindi ako nagpakagago noon, Ayen, sana pala, noon palang nagpakita na ako sa kapatid mong matino ako sa babae para wala siyang takot ngayon para sa'yo nab aka masaktan kita. I want you to know that I will never do anything to hurt you and make you cry. Mahal kita, Ayen. Okay lang na magalit ang buong mundo, basta hinding – hindi kita bibitiwan."

I felt him kissing the top of my head. Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Humigpit rin ang yakap ko sa kanya. Oh my god. He's choosing me and it feels so good to be chosen by the one you love the most. Hindi ko na rin pipigilan ang sarili ko. Tiningnan ko si Andres at saka ako ngumiti.

"I love you too, Andres." Isang matipid na ngiti ang binigay niya sa akin. Hinagkan niya ang tungki ng ilong ko nang paulit – ulit hanggang sa nauwi kaming dalawa sa tawanan.

"Kakausapin ko naman si Ate Alona at ang Mama mo bukas. I'll formally tell them my feelings for you. Baka marealize ng kapatid mong seryoso talaga ako sayo."


"Okay...." Suminghot pa ako. "Better tell them I am your girlfriend now." Mahinang wika ko. Natagpuan kong nakatitig sa akin si Andres, nakangiti tapos ay napabuntong – hininga na naman.

"Okay. Pero liligawan pa rin kita. Liligawan ko rin si Adi, si Ate Alona at si Mama hanggang sa makita nilang lahat na sapat at tama ako para sa'yo."

Nakakataba ng puso ang naririnig ko mula sa kanya. No other person can tell me if Andres deserves to be with me or not, or if I deserve him or not. Ako lang ang makakaalam niyon, hindi naman mahalaga ang sasabihin ng ibang tao dahil relasyon naming dalawa ang nakasalalay rito. I don't care about the others, I just want him and the fact that he wants the same makes my heart jump with so much joy.

Andres kept caressing the back of my head until I feel sleepy. I could hear him mumbling I loves yous repeatedly – music to my ears.

I closed my eyes, thinking how silly I am for thinking the opposite before coming here. Now I am so sure that everything will be okay, that Andres will stand beside me until we finally get the approval from my stupid brother.

I will deal with him tomorrow, but right now, I will savor Andres' warmth around me. There's no place I'd rather be than here. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top