Kapitulo Once

Pag - asa

Ayen's

I DON'T know how he knew about Andres but I feel really grateful for Santi right now. Nakasakay na kaming muli sa kotse niya papunta sa bahay nila Andres. Bago naman namin isinakay si Andres sa kotse ay tiningnan muna ni Santi kung may injury ang huli, wala siyang makitang possible injuries ni Andres. It could be that he lost consciousness because of shock. Hindi ko alam kung takot si Andres sa kidlat at kulog o baka naman kung ano lang, alalang – alala ako sa kanya. Isa lang ang sigurado, hindi siya tinamaan ng kidlat, hindi tulad ni Andres na inahing baka.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay ng tatay ni Andres. Kaagad akong bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng kotse, nakasunod kaagad si Santi sa akin, inalalayan niya si Andres hanggang sa nakatayo na kami sa front door ng bahay na iyon. I knocked frantically, hindi nagtagal ay bumukas iyon at nakita ko ang tatay ni Andres. Nang makita niya ang kalagyan ng anak niya ay kaagad niyang pinapasok kaming tatlo. Santi put him down the couch, saka siya humarap kay Tito Jose.

"Nakita naming siya sa kaparangan, walang malay."

"Baka nabigla dahil sa kidlat at kulog." Tito Jose looked at me. "May trauma si Andres sa kulog at kidlat. Maraming salamat, Santi." Hindi kumibo si Crisanto. Pakiramdma ko napakarami niyang gustong sabihin kay Tito Jose pero tumalikod na lang siya. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang susundan o mag -stay na lang ako rito. Gusto kong Samahan si Andres, pero ayoko namang umalis si Santi nang ganoon. Mukhang masama kasi ang loob niya. Sinunod ko na lang ang instinct ko at sumunod ako kay Santi, pasakay na siya ng kotse, akala ko ay papaandarin na niya, pero mukhang hinihintay niya ako.

"Santi..."

"Text mo na lang ako kapag papasundo ka na bukas." There is such a finality in his voice. Ngumiti ako sa kanya. I think there is something happening here that is beyond my reach, gusto ko mang magtanong ay hindi ko magagawa. Hinayaan ko na lang siyang umalis saka ako bumalik sa loob ng bahay ng mga Birada. Natagpuan ko si Tito Jose na kinukumutan si Andres. Nag-aalala ako, kailangan yatang gumising ni Andres to make sure that he is okay. Nang tumingin sa akin si Tito ay ngumiti lang naman siya.

"Tulog na siya, Bukas na iyan gigising. You can use his room upstairs, second door to the left."

"Baka po kailangan natin siyang dalhin sa ospital." Malumanay na wika ko.

"Bukas na. Hindi mo na magigising iyan si Andres." Napabuntong – hininga siya habang tinitingnan ang anak niya. Nakatingin na rin naman ako kay Andres, nagulat ako nang magpakawala nang isang malalim na buntong – hininga si Tito Jose.

"It was all my fault."

"Po?"

"The night I left them, it was raining hard, kasama ng pag – ulan ang malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Andres ran after me, and he was almost hit by a car. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay takot siya at hindi nagiging maganda ang resulta kapag may thunderstorms. It was all my fault. Hindi ko alam kung paano ko pa mababawi iyon ngayon." Isa na namang mahabang buntong – hininga ang binitiwan niya. "Marami akong pinagsisisihan sa buhay ko. Ang dasal ko lang ay hindi matulad sa akin ang mga anak ko."

It was bizarre. Why is he telling me these things? Hindi ko alam ang sasbaihin ko sa kanya, mabuti na lamang ay umalis na si Tito Jose. Naiwanan kami ni Andres sa sala. Nakatitig pa ako s akanya hanggang sa naupo na lang ako sa gilid niya. Pinipigilan ko ang sarili kong haplusin ang mukha ni Andres pero doon rin naman ako nauwi. I was thinking of the feelings I had experienced this night, iyong takot nab aka jhindi ko na siya makita muli, iyong sakit na mararamdaman ko kapag hindi na siya naging parte ng buhay ko. Nakakatawa nga, gustong – gusto kong makalimot kay Andres dahil walang lumipas na taon na hindi niya ako nasasaktan, pero ngayong alam ko namang mahal niya ako, I suddenly wanted to try.

Maybe this is the universe telling me that I should take this chance, maybe this is my answered prayer, sino ako para hindi pansinin iyon? Maybe if he asks for a chance, I'll give it to him, maybe I can make him fall for me even harder, maybe that way, siya na mismo ang hindi aalis sa tabi ko.

Ang dami – daming tumatakbo sa isipan ko, pero natigilan ako nang maramdmaan kong hinawakan ni Andres ang kamay ko. He held onto me so tight that it feels like he didn't want to let me go. My heart was warmed and touched by this. I really love him and maybe this time, I will gamble again.Mukhang hand ana akong sumugal na naman kay Andres, sana sa pagkakataong ito ay hindi ako mabigo.

xxxx

ANDRES'

NAPAKAGANDA ng panaginip ko. Sa panaginip ko nandoon si Ayen, nginingitian niya na muli ako. Nakikipaglaro na muli siya sa akin tulad noon at wala akong nararamdamang takot. Napakagand ani Ayen sa panaginip ko, nab aka kapag nagising ako ay mawala na naman ang lahat. Gusto ko lang naman siyang makasama. Gusto ko lang naman ng chance sa kanya pero dahil nga sa kagaguhan ko, nawala siya sa akin,.

Ayokong gumising. Ayokong mawala sa akin si Ayen, ayokong harapin ang isa na namang araw na wala siya sa tabi ko.

I could smell her scent. Ang bango – bango ni Ayen. Amoy baby powder siya, iyong kulay white. Ang sarap – sarap sa pakiramdam, amoy baby si Ayen, ang sarap niyang i-baby.'

Hindi na talaga ako gigising.

"Andres..."

Even her voice seemed so close to my ear. Pakiramdam ko ay nakayakap siya sa akin kaya hindi talaga ako gigising.

"Andres, gising ka na, nakaluto na si Tito Jose." Bumuntong- hininga lang ako. Pakiramdam ko talaga ay ang lapit – lapit niya, napilitan akong ibukas ang mga mata ko. I saw Ayen, nakaupo siya sa tabi ko, hawam ko ang mga kamay niya. Ayen was smiling at me, oh how I missed that smile. She used to smile at me liken that. Tuwing makikita niya akong uuwi noon sa bahay nila, ngingitian niya ako nang ganoon, tapos gagaan ang loob ko. Parang ngayon, mabigat na mabigat ang loob ko mula pa kagabi nang kausapin ko siya, pero ngayon, dahil sa ngiting iyon, gumaan ang loob ko. Mahal na mahal ko talaga si Ayen. I gave him a smile, she smiled back again.

"Dito ka na lang... Aalagaan kita..." Nakikusap ako. Ayokong magsisisi sa huli. Ayokong matulad kay Papa. He is living the life full of regret and I don't want that. I want to be a batter version of my father. I want to take care of Ayen. Kung babarillin ako ni Adi kapag humarap ako sa kanya para hingin si Ayen, haharapin ko, I just don't want to lose her.

Ayen looked like an apparition. She is so beautiful that I ask myself why I didn't have the confidence to pursue her before. Kung noon pa sana lumakas ang loob ko, siguro mas masaya kaming dalawa ngayon. Siguro hindi ako nakikiusap sa panaginip na h'wag akong magising. I want her. I want her so much that it hurts when I wake up and she is not there anymore.

"Please, Ayen, dito ka na lang. Aalagaan kita." Sabi ko sa kanya. I didn't care anymore. Bumangon ako para yakapin siya. She didn't hug me back, I cried like a little boy who lost his father in the middle of the night while raining. Hinding – hindi ko pakakawalan si Ayen. Mamahalin ko siya,. If she would just give me a chance.

Paiyak na ako – alam kong paiyak na ako, iyong may lha at hagulgol pero umurong iyon nang maramdaman kong binatukan niya ako – malakas. Nasaktan ako. Lumayo ako sa kanya, nakakunot ang noo niya habang titig na titig sa akin.

"Tang ina ha." Sabi niya bigla. "Ang dami mong ebas, sinabing kakain na. Umayos ka nga diyan. Saka tumigil ka diyan sa dito ka na lang Ayen, aalagaan kita, ano ako, baby girl? Umayos ka nga!" Sinabunutan niya ako. Nanlalaki naman ang mga mata ko. Hala! Nasaktan ako, so hindi panaginip ito! Nandito nga talaga si Ayen! Pero bakit? Hindi ko maintindihan! Anong nangyari?

Ang pinakahuli kong natatandaan ay ang pagda-drive ko sa kaparangan, tapos kumulog at kumidlat. Matapos iyon ay hindi ko na alam kung anong nangyayari. Mabilis akong tumayo, nahilo pa nga ako dahil sa biglaang pagtayo ko pero naibalanse ko naman ang sarili ko. Sinundan ko si Ayen sa dining area, naroon na si Papa, nagkakape, habang nagbabasa ng dyaryo. Si Ayen naman ay nagpapalaman ng hotdog sa pan de sal. She is here. Wait, am I sure that it's now a dream? Kabang – kaba ako, baka mamaya ay panaginip otp, pero, nasaktan ako sa pagbatok niya. Totoo ito.

Naupo pa ako sa tabi niya,. Titig na titig ako sa kanya. Ang ganda ni Ayen kahit na ang laki ng pagsubo niya sa pan de sal na iyon.

"You're here. Is it not a dream?" I asked her. Tumingin lang si Ayen sa akin.

"Natagpuan ka ni Santi at ni Ayen sa kaparangan nang walang malay kagabi, Andres." Wika ni Papa. Ah, kaya pala wala akong matandaan matapos ng kulog at kidlat. Nagkaroon na naman ako ng block out episode. I sighed. Isang bagay iyon na hindi ko gustong makita ni Ayen. Ayokong malaman niya ang isa sa mga kahinaan ko.

Hindi ko pa nga siya nakukuha, malalaman niya nang takot ako sa kidlat at kulog, pero hindi ko na inalala iyon. Ang mahalaga ay nandito na siya. May pagkakataon na ba ako?

"Magpasalaamat ka kay Santi, hindi ko alam kung paano niya naisip na naroon ka. Utang na loob mo iyon sa manliligaw ko." Nagmamalaking wika niya sa akin. Nalukot agad ang mukha ko.

"Nililigawan ka ni Santi? Sasagutin mo ba siya?" Hindi ako sinagot ni Ayen but the thought of her having Santi as an admirer and soon to be possible boyfriend, my heart is wrenching already. Gusto ko siyempre na sa akin lang siya, pero wala akong magagawa, ang bagal ko kasi.

Hinihintay ko ang sagot ni Ayen, pero inubos na lang niya ang kinakain niya saka siya tumayo na. Agad ko naman siyang sinundan. Tinatawag ako ni Papa pero hindi na ako lumingon, mas mahalaga na malaman ko kung saan siya pupunta. Nanghina ako nang mapansin ang isang pick – up sa labas at mula roon ay lumabas si Santi. Lumabas pa rin naman ako ng bahay, sinundan ko si Ayen, I grab her arm to make her look at me.

"Ayen, sasagutin mob a si Santi?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.

"Ano naman kung sagutin ko si Santi? Wala naman akong boyfriend, wala ring nanliligaw sa akin, mukhang seryoso naman si Santi sa akin kaya bakit hindi ko siya sasagutin? I only have a few ays left for my vacation, I want to enjoy it, Santi gives me that enjoyment. So, why not diba?"


"Paano ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Gusto kitang ligawan! Hindi pwedeng hahayaan na lang kitang ligawan ni Santi! May balat naman iyan sa pwet! Liligawan kita! Gusto kitang alagaan! Hindi na ako matatakot kay Adi. Kung barilin akop ni Adi, e di game! Basta gusto ko lang makita mo na paninidigan na kita sa pagkakataong ito! Sasagutin ko na ang pagmamahal mo! Paparamdam ko iyon sa'yo, if only you give me a chance, Ayen, please I am begging you, give me a chance."

Kabang – kaba ako. If she says that she doesn't want me to pursue her, paano ko pa iyon gagawin? Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko, kasi kahit na paulit – ulit sinasabi ni Ayen sa akin noon na mahal niya ako hindi naman niya pinilit ang sarili niya sa akin, pero sigurado ako na gagawin ko iyon. Ayoko siyang mawala. Kailangna niyang makita na seryoso ako sa kanya, na sa pagkakataong ito, kapag sumugal siya sa akin, ipapanalo ko siya.

"Bahala ka sa buhay mo." Tinalikuran ako ni Ayen pero sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating siya sa kinatatayuan ni Santi. Tinanguan ako ni Santi pero hindi ko siya pinansin.

"Ayen..." Tinawag ko siya. Sumakay si Ayen sa kotse, nabasag ang buong puso ko, nawala ang buong pag – asa ko...

Wala na talaga.

I was just looking at the pick up – waiting for it to drive away, but things started to move when Ayen suddenly turned to me with a stoic expression on her face.

"Do what you want."

Apat na salitang walang kasiguraduhan pero sapat na para muling ibalik ang pag-asa sa puso ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top