Kapitulo Dos

Mistake 

Ayen's

Wala na akong ibang naririnig mula kay Andres kundi ang pangalan ni Rafaelle. Palagi niyang kinukwento si Yafa – as he fondly calls her – sa kapatid ko. Feeling ko nga kahit na hindi pa kami nagkakakilala ni Yafa o Rafaelle o kung anuman ang gusto niyang itawa sa sarili niya ay kilalang kilala ko na ang buong pagkatao niya. The fact remains that Andres likes her so much and sometimes – no scratch that – madalas akong natatakot sa mga salitang susunod na lalabas sa bibig ni Andres, nab aka bigla niyang sabihin kay Kuya Adi na sila na pal ani Rafaelle at magpapakasal na sila.

I've been so in love with the same man for a decade now. Akala ko noong fourteen years old ako at nasaktan ako ni Andres by declining my confessed love for him ay mababago na ang nararamdaman ko. I tried distracting myself, inilayo ko na rin ang sarili ko sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa kanya at sa mga alaala niya. Fourteen years old pa lang ako pero dramarama sa hapon na ang peg ko. May paiyak – iyak pa ako kay Ate Alona noon. Nakinig pa nga ako sa advice ng Ate Alona na sumubok na gumusto ng ibang tao, pero sa huli, marupok lang ako para kay Andres.

I loved him in my own silent way and it's so frustrating because Andres never seemed to care about me. Well, he does care pro only as a friend and a sister lang daw. Sabi ni Kuya Adi sa akin noon matagal nang nangungulila si Andres sa pagmamahal ng isang kapatid na babae kaya raw tuwang – tuwa sa akin ito. Like, bakit ko naman tatanggapin ang pagmamahal ni Andres sa akin bilang kapatid? May mga kapatid ako at ayoko nang madagdagan iyon. Masyadong paladesisyon si Andres. Bahala siya sa buhay niya kaya ako, nagdesisyon din akong mahalin siya kahit na ako na lang ang nakakaalam.

Ang hirap pala ng ganito. Years have passed, I acted as if nothing is happening inside me, pero tuwing maririnig ko ang pangalan ni Rafaelle sa mula sa bibig niya ay nasasaktan ako. May mga panahon pang umiiyak ako kapag hindi siya nakakapunta sa bahay dahil kailangan niyang samahan si Yafa sa ganito. Ang katwiran niya, minsan lang naman daw umuwi si Rafaelle sa Pilipinas, minsan lang sila nagkakasama. It's so unfair, si Rafa, naiisip niya, pero akong hindi talaga siya nakakasama ay hindi niya man lang nabibigyan ng panahon.

Ang tagal – tagal kong iniinda iyon. Paulit – ulit kong sinasabing bahala si Andres sa buhay niya pero kapag makikita ko siya at yayakapin niya ako, mawawala na naman ang tampo ko sa kanya. Mamahalin ko na naman siya nang buong- buo kahit nasasaktan ako. Sabi ko sa sarili ko, mawawala rin ito, makakalimutan ko rin siya. Mas malaki ang posibilidad ng bagay na iyon noong maka-graduate ako at nadestino sa Lanao Del Sur matapos ang graduation ko. I graduated at the top of my class. Isa ako sa dalawang babaeng nag – uwi ng pinakamataas na karangalan sa batch namin and my father was so proud of me that moment.

Naroon ang buong pamilya ko, kahit nga si Kuya Jestoni na hindi ko naman tunay na kapatid, pero siyempre wala si Andres, at dahil sa hindi niya pagpunta, nasaktan na naman ako lalo nang malaman ko ang dahilan kung bakit hindi siya nagpakita. He went to New York to visit Rafaelle. I was, of course disappointed but I wasn't surprised. Sino ba naman ako para pagtuunan niya ng pansin? Binalewala ko na lang iyon, balewala naman ako sa kanya. Bahala na talaga siya sa buhay niya.

I didn't bother anymore. Kahit na ang sakit – sakit nang puso ko. I tried again. I tried to move on but to no avail talaga si Andres lang ang gusto ko. It's been a long time, marami na kaming pinagdaanan, namatayan na ako ng papa at lahat – lahat, pero alam ko sa puso kong si Andres lang ang gusto ko.

The heart is weird, ginugusto nito ang mga taong wala namang gusto sa atin, kung bakit, hindi ko alam, basta ang alam ko kahit madalas akong durog kay Andres, hindi ko naman siya mabitiwan.

I guess that's just the way it is.

"Hoy, ayos ka lang?" Bahagya akong nagulat nang tabihan ako ni Kuya Jestoni. We were in the roof top of that hotel for their family dinner. Ikakasal na siya bukas kay Annabeth, at napakasaya ko para sa kanya. We were all here for them. Nakita ko kung paano sila nagsimula at nagmahala nitong mga nakalipas na taon kaya ngayong magpapakasal na sila ni Annabeth ay walang mapagsidlan ang pasasalamat ko. I guess their souls were finally happy after a long time of searching.

"Oo naman. Nabusog ako sa pa-dinner mo. Talaga bang ito na iyong last hooray mo, Kuya? Ayaw mo ba ng totoong stag party?" I teased him. "Alam mo iyon, iyong mga babaeng sumasayaw." Sabi ko pa. Tumawa na lang si Kuya Toni sa akin.

"Ayen, kapag masaya ka na sa isang tao, hinding – hindi ka na maghahanap ng kahit na sino o anuman. I don't need dancing girls, I just want my Annabeth."

"Sana all." Hindi ko natiis sabihin. Umikot ang mga mata ko at nakita ko si Andres na kausap ang kapatid ni Annabeth na naka-wheelchair – si Dione Vejar. Nagtatawanan silang dalawa. Napabuntong – hininga naman ako. Lahat yata ng tao magugustuhan ni Andres, maliban na lang sa akin. Pero bahala na talaga siya sa buhay niya.

"Sana all ka diyan. Crush mo pa rin ba si Andres?" Tanong niya sa akin.

"Hindi no, yuck." Pakli ko. Natawa siya nang malakas. Kuya Toni ruffled my hair.

"Ikaw talaga. Anyway, nag-hire naman ng babae ang kuya mo, hindi nga lang para sa akin kundi para kay Andres." Nanlaki ang mga mata ko. Punyeta talaga si Kuya Adi. Minsan na lang gagawa ng mabuti hindi pa dalasan! Anong pumasok sa isipan niya at naisip niyang mag – hire ng babae para kay Andres? Hindi naman si Andres ang ikakasal? Iniwanan ako ni Kuya Toni. Kinailangan na niyang bumalik kay Annabeth. May mga kinakausap kasi sila. Ako naman ay yamot na yamot sa kapatid ko. Nandoon siya sa table namin, kausap si Annie, nagbubulungan pa silang dalawa tapos nagtatawanan. Kung nakakamatay ang titig kanina pa nakabulagta ang kapatid ko. Siguro naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya bigla siyang lumingon sa akin and he even had the gall to wave at me. Ang kapal talaga ng mukha. I made a face and I have decided to leave the roof top. Bababa na ako sa room ko, manonood na lang ako ng movie o kaya man porn para makatulog ako kasi putang ina mo Universe bakit ba hindi mo pa ibigay ang gusto ko?

I was checking my phone while walking on the hallway. Wala man lang message para sa akin. Kapag single kasi talaga, ang laman lang ng inbox ay iyong messages ng mismong network company, o kaya man mga messages galing sa gcash, sa bpi o kung anumang banko mo at ang matindi mga spam messages lang. Wala man lang nangungumusta sa akin. Napalabi ako. Sobrang rated G ng buhay ko, minsan gusto ko na lang makipag – one night stand para maging rated SPG naman ang buhay ko. Sobrang boring, si Andres na lang sana ang magpapaganda at magpapasaya sa akin, hindi pa mangyari.

"Hi, excuse me?" Natigil ako sa paglakad nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng silid ni Andres. She was wearing a black – long robe tapos ay napakakapal ng lipstick niya, hindi lang lipstick, pati mukha. May ideya na agad ako kung sino siya and at that moment, maybe the devil whispered to me but I feel like I really needed to do something. I want to do something – like my last hooray. Para akong tanga, kanina ko pa iniisip ang last hooray na ito, sa kakaisip ko, ako pa ang talagang nademonyo. Ang gaga ko talaga.

"Are you looking for the groom?" Malumanay na tanong ko. Ngiting – ngiti pa ako.

"I am looking for the best man." Nakangising sagot niya.

"Ah! Didn't they tell you? Cancelled na. Pero babayaran ka pa rin naman daw. In fact may cash ako rito, magkano pa ba ang kailangan mo?" Tawang – tawa ako sa sarili ko. Mukha kasi akong tanga. If this doesn't work, then titigilan ko na si Andres, pero gusto kong subukan kahit sa huling pagkakataon lang naman.

"Ano? Bakit naman hindi na lang nila ako tinawagan para hindi ako nagbihis? Nagdala pa ako nito." Itinaas niya ang posas upang makita ko. Tumaas ang kilay ko. May dala rin siyang isang maliit na box at may ideya na agad ako kung anong laman niyon.

"May sakit kasi si best man, girl. Walang panlasa at pang-amoy, ganoon. Ikaw kung gusto mo..."

"Ay wit! Di ako makaka-work kapag ganyan! Anyway, utang nila sa akin 8k pa. Keri mo ba?" Agad naman akong naglabas ng walong libo mula sa wallet ko at inabot ko sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang key card ng silid ni Andres. Umalis siya kaagad habang iniipit sa boobs niya ang perang galing sa akin. I bit my lower lip and opened the door with the key card I was holding. Kabang – kaba ako, pero bahala na. This is my last hooray and I will do everything to make this work, kapag hindi, e di uwian na ganoon naman iyon.

xxxx

BANDANG alas dos nang madaling araw nang dumating si Andres sa silid. Pakanta – kanta pa siya. Nagtataka naman ako kung bakit ngayon lang siya. Hindi ba siya nainform na may babaeng nahihintay sa kanya sa loob ng hotel suit niya. Baka kung natuloy sila napikon na lang iyong babae sa kanya. Nakakaloka naman si Andres. I was on the bed waiting for him. He was even humming a song – Wonderful Tonight – lasing version. Napapaisip ako kung gagawin ko bai to o hindi pero nandito na rin naman ako, gagawin ko na talaga.

"Its late in the evening... yeah..." May pakulot pa ang gago. Puro naman it's late in the evening ang kinakanta. Ni hindi siya nakakalagpas sa second line. Napapailing ako. "Tang ina nasaan ba ang regalo sa akin ni Toni. Yohooo! Nasaan ka baby cakes!"

Kinilabutan ako. Baby cakes pa more. I shook my head and stood up. I was only wearing the white robe that I found inside his en suit bathroom. Naghubad na ako ng damit, ang tanging natitira sa akin ay ang underwear na suot ko. I walked to him. Nasa bandang entrace pa siya ng room. I was smiling seductively. Paanong seductive? Hindi ko alam, basta sana hindi ako mukhang tanga rito.

"Wow, ang sexy!" Biglang humarap si Andres sa akin. Pa-sway sway na ang lakad niya at mukhang lasing talaga siya. Wait, do I really want to do this? I mean, lasing siya, wala siya sa huwisyo, hindi tama ito. I shouldn't be taking advantage of a drunken man. Babae man o lalaki, taking advantage and using force to get something in return is not right, so instead of seducing him, inayos ko na lang ang robe ko at nilapitan siya.

"Wasted na wasted ka naman, Andres. Para kang tanga. May kasal bukas tapos nagpakalasing ka. Bobo mo." Inis n ainis na inaalalayan ko siya papasok ng bathroom. Nakahawak siya sa baywang ko. May suot pa akong robe pero nararamdaman ko ang init ng palad niya na dumdaloy sa buong katawan ko.

"You look familiar, Miss. You sound familiar. Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Tanong ni Andres sa akin. Ayoko man ay napatawa ako. Napaka-baduy naman nitong lalaking ito. Nang makapasok kami sa loob ng bathroom ay iniupo ko si Andres sa may gilid ng bathtub. Nakatingin siya sa akin at napakapungay ng mga mata.

"Kamukha mo iyong paborito ko." Sabi niya sa akin.

"Hmm? Sino, si Rafaelle? Paborito mo iyon diba?"

"Oo." Muntik ko nang ihampas sa kanya ang shower head, buti napigilan ko ang sarili ko. "Pero mas paborito ko si Adriana, hindi na nga lang niya ako masyadong pinapansin ngayon." Napatitig ako kay Andres. Nakatapat sa ulo niya ang shower head at kasalukuyan nang tumutulo ang tubig niyon, Napakagat – labi ako. Lasing si Andres. Hindi ko dapat gawin ito, but he looked so irresistible at that moment.

Bahagyang nakaawang ang labi ni Andres, nakatitig siya sa akin na parang ako lang ang pinakamaganda at pinakamahalagang babae sa buong mundo niya and his hair being wet by the water coming out of the shower makes him look so divine – so divine that I couldn't even help myself anymore.

"Are you so drunk, Andres?" Tanong ko sa kanya. He giggled like a high schooler.

"Just a tiny bit." Tawang – tawa siya. I shook my head. "I really want to kiss you now." Sabi niya pa sa akin. Lasing siya – sobrang lasing siya hindi ko dapat gawin ito, pero wala na. Binitiwan ko na ang shower head para yumuko at hagkan si Andres. It was just supposed to be a peck but when he held on my waist to pull me closer to him I know that we both lost out last remaining braincells. Bahala na bukas, I just want to be with the man I love – even if it means that this will be the last time.

xxxx

ANDRES BIRADA is such a good kisser. Dalang – dala ako. We were now on the bed feasting on out mouths. I am feeling so hot right now - all I could think about is how much I want to make love to him. Bahala na bukas kung anong magiging reaksyon niya basta gusto ko ito. He might be drunk, he might not know me, but he knows what he's doing.

"You taste so sweet." He even whispered to me. Inayos niya ang buhok ko. Nakangiti si Andres sa akin. He even cupped my face. "You really look like my favorite." Paulit – ulit niyang sinasabi iyon hanggang sa muli niya akong halikan. He gave me baby pecks, hanggang sa sakupin niya ang buong labi ko. I like this Andres, he is gentle and kind. I love him so much. But the kisses didn't stay innocent for so long. He darted his tongue out and I accepted him wholeheartedly. Andres kept on caressing my back, hindi ko na nga napansin na natanggal na ang robe ko – I guess we are really doing this.

"I can't help it anymore." Sabi bigla ni Andres sa akin. "I'll take you tonight but tell me when to stop." He was kissing my neck. Napakagat – labi naman ako. Humawak ako sa balikat ni Andres, sita naman ay binuhat ako hanggang sa makarating kami sa gitna ng kama. He kept on kissing me while asking me if this is too much or do I really want this. I want this. I want this so much.

"Andres... don't stop." I said while he was sucking on my mounds. Gusto ko ito. I want him. To make him see that I want him to much, I wrapped my legs around his waist. Wala na siyang kawala this is it! This is really it!

xxxx

MASAKIT na masakit ang ulo ko pagkagising ko kinabuksan, hindi lang ulo ko ang masakit, buong katawan ko pa nga but the pain I feel will be a memorable one. I slowly opened my eyes and the first thing I did is to look beside me – doon sa pwesto ni Andres, pero wala na siya roon. I let out a sigh. I sat up to face the new morning of my devirginized self pero nagulat ako nang makita ko si Andres sa couch na umiiyak.

"Gago ka, ako iyong masakit ang pekpek tapos ikaw ang umiiyak." Napakunot ang noo ko.

"Mamamatay na ako, Ayen, anong gusto mo, matuwa ako?" Humihikbi pa siya. Napailing na lang ako.

"Mag-usap tayo mamaya, okay? Now you need to get ready. Kailangan ka nila sa kasal, okay?" Bumaba ako ng kama at nagbalot ng kumot saka ako lumapit kay Andres. I am scared right now, but I won't let him see that. I am going to be okay, mag – uusap kami mamaya. Magiging maaayos ang lahat.

I helped Andres as he gets ready. Nang maayos na siya ay inihatid ko pa siya sa may pinto pero bago pa man siya umalis ay hinarap niya ako.

"I'm so sorry, Ayen, wala ako sa sarili ko kagabi. This is all a mistake." He kissed my forehead and then he left. Napatiim naman ang mga bagang ko.

Mistake? I will fucking show him what a mistake looks like! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top