Kapitulo Doce

I chose you

Ayen's

ANG sabi ni Andres ay pupunta siya rito ngayon sa hacienda. Ipapasyal niya raw ako sa food park ng mga pinsan niya. Tinanong ko kay Santi ang tungkol sa lugar na iyon and he even said na maganda nga raw sa food park ng mga Birada kaya lalo akong na-exicte. Date na yata naming dalawa ito o baka naman friendly date pa lang. Hindi ko alam, basta malinaw sa aking na-e-excite ako dahil maya – maya ay nandito na siya. Sabi niya ay susunduin niya ako ng bandang alas quatro ng hapon. Alas dos pa lang ay naghahanda na ako. Kakaunting damit lang ang dala ko pero hindi pa ako makapili roon. I feel so giddy. Naisip kong kailangan ko ring pagbigyan ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon. Kay tagal kong pinipigilan ang sarili ko pagdating kay Andres, now its my time to shine. Alam kong may selos akong nararamdaman kay Rafaelle but staying here for a while made me see that Rafaelle doesn't look at Andres that way. Para sa mat ani Rafa, kuya niya rin si Andres and Santi has told me that if Andres really likes Rafa the way that I think he does, sana raw ay noon pa gumawa si Andres ng paraan and I believed him.

Sa madaling salita, nag – iba ang pananaw ko kay Rafa mula nang makasama ko siya rito. She is smart, she is kind, and is a warm – hearted person. I really like her now, although hindi ko lang masyadong pinahahalata sa kanya.

I kept on looking out of the window, baka kasi mamaya ay nandyan na siya. Gusto ko na siyang makitang ulit, kagabi lang ay magkasama kami, nandito siya at nakipagkuwentuhan sa akin. Naninibago ako dahil nilalambing niya ako, nanghihingi pa nga siya ng kiss sa akin bago umalis pero hindi ko siya pinagbigyan kasi pinakikita ko sa kanya na hindi ako interesado, but deep inside kilig na kilig ako, sobrang kilig ko nasapak ko pa si Santi sa bandang ibabang panga kaya hanggang kaninang umaga ay iniirapan niya pa ako.

"Nandyan na iyong pangit mong manliligaw." Sabi ni ni Santi sa akin. Hindi ko napansing nakatyo na siya sa may pinto. Agad naman akong napatayo ay napalunok pa. Nandyan na si Andres. Sinilip ko pa si Andres sa may bintana, may dala siyang santan. Jusko ang baduy, as in wala bang ibang bulaklak, pero kahit nababaduyan ako sa kanya, kilig na kilig pa rin ako deep inside. Nagmamadaling lumabas ako ng silid para puntahan siya sa baba. Hindi ko napansin na sumunod pala si Santi sa akin pero wala akong pakialam. Nang malapit na ako sa may pinto ng bahay ay kumalma ako at dahan – dahan akong huminga nang malalim. Kunwari galit ako, kunwari naiinis ako sa kanya kasi pinaghintay niya ako nang matagal, pero wait, sakto lang naman siya sa oras, ako iyong maagang nagbihis kaya ako nainip, pero anyway, sisisihin ko pa rin siya. Wala lang, para masaya.

Lumabas ako ng bahay. Ngiting – ngiti si Andres nang salubungin ako, humalukipkip naman ako at tiningnan siya nang napakasama.

"Ba't ngayon ka lang? Pinaghintay mo ako!" Paangil na wika ko. Nanlalaki naman ang mga mata niya.

"Luh, sabi ko four pm. Three forty – five pa lang naman." Napakamot siya ng ulo. Inirapan ko lang siya. Kahit na parang hindi niya alam ang gagawin ay inabot niya sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko iyon pero nakasimangot pa rin ako – kunwari lang. Nagpatiuna ako kay Andres para hindi niya makitang ngiting – ngiti ako. Basta ang mahalaga, nandito na siya at magde-date na kaming dalawa.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng pick up niya. He was all smiles when he got inside the car, serious mode pa rin ako. Iniisip kong baka hindi ako tumagal sa pagkukunwaring hindi ako natutuwa sa kanya pero deep inside mamamatay – matay na ako sa kilig. I was biting my lower lip.

"Let's go?" He asked me. Tumango naman ako pero hindi pa man din siya nakahahawak sa manibela ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Santi. Naupo siya sa backseat. Iyong mukha ko, hindi na maipinta ngayon. Marahas ko siyang nilingon.


"Santi, Pare, alam ko namang nililigawan mo rin si Ayen, pero moment ko ngayon, pwede bang bumaba ka na?" Awwwww! He is such a nice person! Gusto ko siyang yakapin at halikan pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko na lang sapakin si Santi para bumaba na siya pero humalukipkip lang siya at tiningnan si Andres.

"Drive ka na, Pre. Time mo ngayon pero siyempre babantayan ko pa rin ang girlfriend ko."

"HINDI MO AKO GIRLFRIEND!" Sigaw ko.

"Babe, I make ligaw to be in a relationship, hindi ko lang alam kay Andres." Sabi pa niya sa aming dalawa. He even grinned. Andres took in a sharp breath pero hindi na siya kumibo. Nagdrive na lang siya. He keeps on smiling at me, pero alam kong kung ano – anong iniisip niya. I just want to calm him down kaya kahit na labag iyon sa ginagawa kong pagpapakipot ay humawak ako sa kamay ni Andres na nasa manibela at saka nginitian siya.

"Thank you. I like the flowers."

"Talaga ba? Paborito rin ng Mama ko iyang Santan." Akala ko kaya niya binigay sa akin ito kasi nakita niya lang na nakatanim sa labas ng bahay nila, iyon pala ay paborito ito ni Tita Cynthia. Tahimik na kilig na kilig ako, hindi sinasadyang napatingin ako sa rear-view mirror, nakita kong nakangisi sa akin si Santi, pasimpleng pinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko tapos ngumisi ako. Punyeta ha.

Narating naming ang food park na sinasabi ni Andres. May apat na kainan sa loob, a coffee shop, the barbeque spot which is oddly named as PEPE's G-SPOT, naroon din iyong Mela's grill and Nala's special pares, tapos may MJ's SILOG. Napansin kong napakaraming tao kahit na saan ako tumingin, and it's only four in the afternoon.

"Insan!" Sigaw ng isang lalaking kilala ko bilang si Pepe. Madalas ko siyang makita sa mga litrato sa phone ni Andres. Nag-high five silang dalawa, akala ko nga ay babatiin rin ni Pepe nang ganoon si Santi pero tinanguan niya lang ito. Narinig kong napapalatak si Santi.


"Ano Juan Pedro, hanggang ngayon hindi mo ako kakausapin kasi si Rafaelle na ang bunso sa pamilya ko? Napaka-childish mo naman!"

"Nagsusumbong sa akin ang kaibigan kong si Raf ana lagi mo siyang inaaway, kung ganyan ka, hindi na kita ituturing na kaibigan talaga."

"Pe! Mas unam o akong naging kaibigan kaysa kay Rafa!"

"Ayoko lang na inaapi ang mga katropa kong bunso!" Umalis iyong Pepe, sumunod naman si Santi. Natatawang sinundan ko sila ng tingin. Si Andres naman ay pasimple akong niyakag papasok sa loob ng coffee shop kung saan ay sinalubong na naman kami ng isa niyang pinsan na si Toto – pakilala niya sa akin. Mababait ang mga pinsan ni Andres, na-at ease agad ako sa paligid dahil napakagaan sa pakiramdam kausap ng mga pinsan nila. We ordered and while we were waiting Andres kept on looking at me. Gusto kong ngumiti pero hindi ko pinahahalata sa kanya.

"Bakit titingin – tingin ka?" Itinaas ko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Wala naman. Ang ganda – ganda mo, Ayen."

"Sus, matagal ko nang alam iyon." I even flipped my hair. Andres just smiled, but I was taken aback when he held my hand. Ang lakas bigla ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa lalamunan ko. Huminga ako nang malalim para hindi ako mapangiti sa kanya.

"Thank you, Ayen ha? For giving me a chance. Alam ko late ko na-realize, pasensya ka na." Napayuko siya. Gustong - gusto kong yakapin si Andres at halikan sa pisngi, he's so cute, I cannot believe that he can be this cute. Feel na feel ko iyong start ng panliligaw niya ngayon. He makes me feel special, daig ko pa iyong pinakamagandang babae sa mundo dahil lahat ng atensyon ni Andres ay nasa akin ngayon. Ganoon pala iyong pakiramdam kapag naangkin na ang atensyon ng taong napakatagal mo nang hinihintay. Mahal na mahal ko talaga siya pero kailangan kong pahirapan siya kahit paano. I want him to work hard to get me.

"Paghirapan mo ako ha?" Sabi ko sa kanya. Andres nodded at me. Napakahigpit ng hawak niya sa aking kamay.

"Oo naman. Pero pwede bang pakiss? Napaniginipan ko kagabi ang mga labi mo. Miss ko na."

Nanlaki ang mga mata ko. He's so shameless! Ano iyon! Oh my god! Namumula ang pisngi ko. Hinampas ko siya sa balikat.

"Hoy ha! Nanliligaw ka pa lang! Gusto mo na agad ng kiss?!"

"Nag-sex na nga tayo, kiss lang ayaw mo pa ibigay. Ang damot mo." Ngumuso pa siya. Jusko ang cute – cute ni Andres. He even made his lips quiver -I don't know, maybe because he really wants me to kiss him pero hindi ko siya iki-kiss! Nagpapakipot nga ako!

"Tumahimik ka diyan!" I hissed at him. Pigil na pigil ang tawa ko lalo nang bigong – bigo ang hitsura niya. Fortunately, our food came, and we started eating. We talked again; he shared the things he did earlier. Pareho kaming wala nang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. I can see and feel Andres sincerity in every inch of my body. Ipinakikita niya sa akin na talagang hindi ako magsisisi sa ibinigay ko sa kanyang chance.

Matapos kumain ay hindi pa rin kami umalis sa coffee shop na iyon. Nagkape pa kaming dalawa tapos ay nagbibiruan pa. Hindi na naming nakita si Santi, kung nasaan man siya, bahala siya basta masayang - masaya ako.

Andres asked me to come with him after we finished the coffee. He even held my hand. Nagpapatihuli pa ako kasi ayokong makita niyang ngiting – ngiti ako, kasi jusko, kilig na kilig ako, marupok kung marupok pero hindi ko talaga ipapakita sa kanya.

We headed to the main building just behind the food park. Three – storey building iyon. Umakyat kami sa pinakatuktok noon, napangiti ako dahil sa view. I can see the whole town from where we are standing. Ang ganda – ganda rito. I faced Andres, he was smiling. Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. I had to hug him back.

"Babalik ako bukas ng Metro. Kakausapin ko si Adi." Bahagya ko siyang tinulak. "May posibilidad na ma-injured ako. Dalawin moa ko sa ospital ha?"

"Andres, kaya mong sabihin kay Kuya ang lahat? Paano kung masira ang friendship ninyo? Hindi ba't iyon ang palagi mong iniisip noon?"

"I care about your brother a lot, hindi na lang kasi basta siya kaibigan sa akin, kapatid ko na sila ni Toni, pero sa ngayon, I am willing to take all the risk just to prove to you how much I want to be with you. Mahal kita, at dahil mahal kita, paghihirapan kita, kahit na ang ibig sabihin noon, isa si Adi sa mga pahirap na iyon. Kung hindi ako maintindihan ng kapatid mo, ipapaintindi ko sa kanya na mahal kita at aalagaan kita."

My heart is just so happy. Muntik ko nang sagutin si Andrs, there and then, buti na lang napigilan ko ang sarili ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top