Kapitulo Diez

Thunder Storm

Ayen's

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Hindi maalis si Andres sa isipan ko. Hindi ko siya maintindihan, bakit niya kailangan sabihin sa akin na mahal niya ako? Para saan? Para nga ba mawala ang what if sa isipan ko? Kunsabagay, ang tagal – tyagal kong iniisip noon kung anon ga bang kulang sa akin at kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan – but as it turns out, mahal naman pala niya ako. Maybe I was right, that Andres value's my brother more than me, that he gives more thought about their friendship than his feelings for me. Hindi ko matanggap iyon. Bakit mas mahalaga si Kuya kaysa sa kanya? If he really loved me, then he should've pursued me before, pero heto, kahit na sabihin niya pa sa akin na mahal niya ako, wala na rin namang epekto – ay meron pala, nasasaktan pa rin ako.

If he had told me that before, siguro nagtatalon ako sa tuwa. Iyon lang naman ang gola ko noon sa buhay, ang mahalin ni Andres, pero hindi niya magawa. Nasaktan lang ako nang nasaktan, siguro last straw na iyong iniyakan niya ako noong umagang may nangyari sa amin.

"Hindi ka makatulog?" Nagulat ako nang biglang naroon na si Santi. Nakatayo kasi ako sa balkonahe, yakap ko ang aking sarili habang nakatingin sa kawalan. Mukha na naman akong tangang nag-e-emote rito. Sabi ko pa naman habang nandito ako sa Hacienda Asuncion ay hinding – hindi ko iisipin si Andres. Sinong mag – aakalang pupunta siya rito? Hindi ko naisip na taga Bulacan ng apala ang tatay niya at maaari siyang umuwi at maaaring mag – krus ang landas naming dalawa. Nanghina talaga ako, and while I was watching him walk away, a part of me wanted to call him and throw myself on him because yes, I do love him very much, but if I let him in again, masasaktan na naman ako kasi ganoon naman ang nagmamahal, when you love someone you are bearing yourself to them, showing your vulnerable self and letting them hurt you. I've been letting Andres hurt me, ngayon ay tapos na ako roon and I just really want to be happy.

"Hindi." I was pouting. Napabuntong – hininga pa ako.

"You're thinking of him again, aren't you? Akala ko ba hindi mo na siya iisipin?"

"He told me he loves me. That he is in love with me, alam mo ba, Santi kung gaano ko katagal gustong marinig iyon mula sa kanya? Sobrang tagal na."

"And now that you heard him, how did it feel?" Hindi ako kaagad nakasagot. Bigla kong naalala ang sabi ko kay Andres kanina; aanhin ko raw ang pagmamahal niya. Hinarap ko si Santi. Kunot na kunot ang noo niya. Sigurom naiinis rin siya kay Andres dahil sa mga rants ko tungkol sa kababata niya. Parang kasalanan ko rin naman kasi wala akong pakundangan sa pagrereklamo sa kanya noong nasa La Union kaming dalawa. I found that as an opportunity to tell him everything kasi gusto kong gumaan ang kalooban ko.

"I thought I'd be happy..."

"Are you not?" Umiling ako. Siguro kung kinausap ko si Andres, baka na-satisfy pa ang kailangan ma-satisfy sa akin.

"I thought I'd be happy." Tumango lang si Santi tapos ay lumipat siya sa balkonaheng kinatatayuan ko.

"Don't you like him anymore?" Tanong niya sa akin. Santi – at this moment is so close – so close that I can smell his minty fresh breath. Napalunok ako. He held both my wrists abnd he made me look at him.

"I think so... I know so. I still like him."

"Tsk... Such a pity." Biglang sabi ni Santi sa akin. "Parang hindi ka sigurado na gusto mo pa siya. Am I distracting you?" Hindi ko mapigilang mapatitig kay Santi. Anong trip nito? Ang sabi niya sa akin noon, hindi raw siya nakikipag – sex sa mga babae kung gusto niya ito. So, he's not acting like this towards me because he likes me, he's just being a jerk right now. "What if we make sure that you don't like him anymore? What if I kiss you?" Unti – unting lumalapit sa mukha ko ang mukha niya, alam ko na agad kung anong gagawin niya. Ni hindi man lang ako kinabahan -pero naisip ko si Andres. Just thinking about him kissing me makes me weak. It feels like my insides were melting and butterflies were flying around my stomach, pero hetong ginagawa ni Santi sa akin, wala akong nararamdaman kundi pagkayamot.

When his face was just an inch away from my face, tinapakan ko ang paa niya, napaigik siya saka napalayo sa akin. I made a face.

"Bobo ka talaga no? Bakit moa ko hahalikan? Siraulo ka ba?"

"Ito naman, charot – charot lang nananapak agad ng paa, bakit ka ganyan?" Lukot na lukot ang mukha niya. Inirapan ko lang ulit siya at saka nagbuntong – hininga. "Pero alam mo, kung sa tingin mo kailangan ninyong mag – usap ni Andres, kausapin mo iyong tao, hindi kayo magkakalinawan diyan kuyng ganyan ka lang at nag – iisip. Dadami lang ang what ifs mo sa buhay."

"At least, binawasan na ni Andres." Sabi ko pa kay Santi. "Sinabi niyang mahal niya ako kaya lang mas pinanindigan niya iyong pagkakaibigan nila ni Kuya. Ang bobo rin noon diba." Inis na inis na naman ako. "OH BAKIT KA NAKANGTI? SABUNUTAN NA KAYA KITA?"

"Hindi. Naiintindihan ko pala si Andres kung bakit ganyan siya sayo."

"Hmm?"

"You said he values your brother than you. Ganio kasi iyan, ang boyfriend at girlfriend, napapalitan, pero kahit kailan, hinding – hindi mapapalitan nang ganoon kadali ang pagkakaibigan. Maybe in his little head, mas okay kay Andres na maayos sila ng kapatid mo kaysa sa maaayos kayong dalawa pero hindi sila ayos ng kapatid mo. If he chose your brother, it's like he chose the best of both worlds. Nandyan ka, nandyan ang kapatid mo, walang nawala, wala siyang binitiwan, but now that he finally told you that he loves you, maybe he made his choice, and he chose you. He must really love you."

Ang lakas naman ng kabog ng dibdib ko. Titig na titig ako kay Santi.

"Anong gagawin ko?"

He shrugged. "Well if you really want him, if you still love him then you must talk to him, pero sana medyo pahirapan mo naman, Ayen. Remember, you always, always deserve better."

"Kung magsalita ka parang ang lalim ng pinagdaanan mo ha." Tumawa lang si Santi.

"Di mo sure." Nagtatawanan kaming dalawa nang biglang mapuno ng tunog ng kulog at napakatalim na kidlat ang buong hacienda. Sa gulat ko ay napakayakap ako kay Santi. Ngayon lang ako nakakita nang ganoong katalim na kidlat at kulog. Hindi ako takot sda tunog nang sabay – sabay na putok ng baril pero sa kulog at kidlat ay gulat na gulat talaga ako. Kaagad rin naman kaming naglayo.

"Grabe naman iyon!" Reklamo ko. Napansin kong lumayo si Santi sa akin, napansin ko ring kunot na kunot ang noo niya, napansin kong parang may sumiklab na kung ano sa kanlurang bahagi ng lupain nila. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang mga yabag nang kung sino, si Santi naman ay natataranta na.

"Anong nangyayari?" Clueless ako. Bakit sila natataranta.

"May sunog. At sunog ang isa pinakamalaking kalaban ng mga tulad naming lupain at mga kabayo. Hindi maaaring kumalat ang apoy. Diyan ka muna!" Tumakbo si Santi, sumunod naman ako. Nakita kong halos hindi magkamayaw pati ang Kuya Sabello niya. Naroon na ito sa sala at tila hinihintay ang kapatid niya. Gising rin ang asawa ni Sabello at ang anak nitong karga ng asawa niya. They were all in distress. Nagmamamadali talaga silang lahat.

"Are they gonna be okay?" I couldn't help but ask Aelise.

"Sunog lang iyan. Hindi nila ikamamatay iyon no.' Tumawa pa siya. Tumango na lang ako at bumalik sa balkonahe at pinanood ang apoy na lumalagablab malapit sa may kanlurang bahagi. Ang sabi ni Aelise sa akin ay sa bandang lupain daw iyon ng mga Birada iyon. Kahit sa pagkulog at pagkidlat hindi ko pwedeng hindi maiwasang isipin si Andres. Malapit kaya sa kanila iyon? Okay lang ba sila roon? Paano kung gawin ko nga ang sinabi ni Santi na patawarin si Andres pero pahirapan ko muna siya? Parang tama rin naman iyong sinabi niya. Of course I want to be pursued, pero baka ayaw rin naman ni Andres kasi baka unahin na naman niya ang kapatid ko.

I still can't see the point of him prioritizing his friendship with my brother. Diba't kapag mahal mo, uunahin mo? Bakit hindi niya ako inuuna?

Bandang alas tres nang madaling araw nang makaramdam ako ng antok. Hindi ko na yata mahihintay Santi. Siyempre gusto ko rin namang makibalita, ibniisip ko kung dadamayan ko si Aelise sa paghihintay sa asawa niya. Mabuti na lang at bago pa ako igupok ng antok ay nakarating na sila. Pababa ako nang hagdanan nang maulinigan kong nagsalita ang isa sa mga kapatid niya.

"Grabe! Tinamaan ng kidlat si Andres!"

Nanlalaki ang mga mata ko, sunod – sunod ang pagtulo ng mga luha ko.

"Dinala kaagad sa doctor, sana masagip pa. Kawawa naman ang pamilya!" Wika pa noong isa. Nanginginig ang buong katawan ko at madaling – madali akong nagpunta sa kinatatayuan nilang lahat. Apat silang naroon, si Santi, si Kuya Sabello, ang kapatid nilang si Ross at ang pinsan ni Andres na si Fonso. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Oh bakit ka umiiyak?" Nilapitan agada ko ni Santi. I held onto his hand.

"Dalhin mo ako kay Andres, please!"

"Pero madaling – araw na. Magpahi—"

"Ngayon na! Parang awa mo na!" Iyak ako nang iyak. Bigla kong naalala iyong article na nabasa ko tungkol sa nakidlatan, patay raw agad. Paano kung kaya pala siya nagtapat ng pag – ibig kasi pala ito na ang huling pagkikita naming dalawa? Hindi ko alam ang gagawin ko.

When my father died, the biggest regret I have is that I wasn't able to say goodbye to him. Hanggang ngayon ay dala ko ang pagsisising iyon. Gusto ko pa ring makausap si Papa, gusto ko pa ring makapagpaalam sa kanya. I know how hard it is so kahit na hindi ko maintindihan antg kung anumang mayroon sa amin ni Andres sa ngayin kailangan ko siyang makita. Kailangan kong masabi sa kanya na kaya ko naman siyang bigyan ng pagkakataon pero pahihirapan ko siya kasi putang ina siya!

"Teka lang." Wika ni Fonso. "Baka akala mo si---"

"Please, Santi, dalhin mo ako kay Andres."


"Hayaan mo." Sabi noong isa. "Sige na, Santi, dalhin mo na kay Andres si Ayen." Hindi ko maintindihan kung bakit natatawa si Sabello sa akin. Sobrang laki ng kaba ko, gusto kong makita agad si Andres. Gusto kong malaman kung mabubuhay ba siya o sunog na siya o kung anuman, basta kailangan ko siyang makita.

Sumakay kami agad sa pick up. Nagdadasal akong sana ay okay lang siya, sana hindi siya gaanong mapuruhan. Sabi naman ni Santi kanina, masasagip pa raw. Siguro naman ay hindi siya ganoon kalala. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero matapos yata ng fifteen minutes ay huminto kami sa isang maliit na clinic. Umurong ang luha ko. Hindi ko maintindihan. Diba kapag natamaan ng kidlat ay sa ospital dinadala? Bakit sa clinic lang? Clinic na mukhang veterinary. Wala akong pakialam, baka naman hindi kayang dalhin si Andres sa malaking ospital, baka nilalapatan lang siya ng first aid. Pumasok na ako at nagulat ako dahil sinalubong ako ng isang babaeng kulot ang buhok, nakaputing lab gown, may stethoscope bna nakasabit sa leeg niya habang titig na titig sa akin.


"Yes po? Good morning." Sabi niya sa akin.

"Si Andres... nasaan siya po?" Napapalunok ako habang palingon – lingon.

"Andres? Ah, iyong dinala ni Sansan kanina?" A kind smile appeared on her face. "Naku, Malala ang injury niya. Natamaan siya ng kidlat, pero buhay naman, good thing at nakaalis siya sa bandang iyon ng puno pero nabulag ang kanang mata niya kaya hindi na siya magiging normal muli."

Napasinghap ako. "Nasaan siya?" Umiiyak na wika ko.

"Sa infirmary. You can see him if you wan too. Diretso—" Hindi na siya natapos sa sinasabi niya dahil tinakbo ko ang lugar na sinasabi niya. Itinulak ko ang pinto at saka isinigaw ang pangalan ni Andres.

"Andres!" Pero natigil ako at umurong ang luha ko nang madatnan ko ang isang kulay brown na bakang nakahiga sa sahig na may benda sa mata. I blinked a few times – I was trying to understand what's happening and when I realized it, I was hit hard by Santi's laughter. Tiningnan ko siya. Nakatayo siya sa may pinto kasama ang doctor na iyon. Siya lang naman ang tumatawa, iyong doctor ay nagtataka sa aming dalawa.

"Girlfriend mo, Sansan?" She looked at Santi. Ngayon ko lang napansin na Sansan ang tawag niiya sa kaibigan ko.

"Asa iyan." He cleared his throat. "Nga pala, si Lottie, siya ang in house veterinarian dito sa Hacienda, Lottie si Ayen, Ayen, si Andres, ang inahing bakang tinamaan ng kidlat kanina."

I raised my middle finger at him. Tang ina! Nag-alala ako para sa wala. Kung kanina ay kay Andres lang ako nanggigigil, ngayon pati kay Santi na!

"Ay! Oh? Akala niya si Jose Andres?" Tanong noong Lottie. Kilala pala niya si Andres. Inalala kong pilit kung siya ba ay naging girlfriend nito, parang wala naman akong naaalalang Lottie na naging jowa ni Andres, so safe naman. "Galing siya rito kanina bago magsimula ang thunderstorms. Nanghingi ng gauze at kaunting anesthesia kasi raw iyong aso nila manganganak na."

"Mga kailan iyon? Kung nakauwi siya dapat nakita niya kami kanina sa bandang kanluran. Pinatay naming ang sunog. Wala namang dumaan kaninang sasakyan roon." Sabi pa ni Santi.

"Alam naman ni Andres na masamang magbyahe sa lupain nang may kidlat, baka nahinto sa may bandang kamalig."

"Baka. Anyway, salamat Lottie. Hindi ka ba pa uuwi?" May kakaiba kay Santi habang nakatingin siya sa babaeng iyon. Lottie smile.

"Dito na muna ako, kawawa naman itong si Andres na inahing baka. Ingat kayo ha! Sab isa forecast, may susunod na round na naman ng thunderstorms." Matapos magpaalamanan ay umalis na kami, Hindi ko kinakausap si Santi habang nasa sasakyan pero napansin kong hindi rin naman siya gaanong nagsasalita, napansin ko ring ibang daan ang tinatahak naming, nakikita ko pa rin naman ang hacienda pero hindi ito ang pinupuntong lugar niyon.

"Santi?"

"I have a bad feeling." He said to me. Ayoko man ay kinabahan ako, bago ko pa maibuka ang bibig ko ay huminto na ang pick up "Sabi na nga ba." He said again. Nang sundan ko ng tingin ang direksyon ng mga mata niya ay ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko. May sasakyang nakahinto sa gitna ng malawak na lupain, bukas ang pinto niyon. Bumaba si Santi dala ang flashlight, sumunod naman ako. Nagsisimula na naman ang pagkulog at pagkidlat. Nagmamadali ang bawat galaw naming. Parang may hinahanap siyang kung ano, and about five seconds later I heard him cursing. Napatakbo ako.

"Andres!" Sa pagkakataong iyon ay hindi nab aka ang kaharap ko kundi si Andres na talaga, nakabulagta siya sa damuhan, walang malay at halos hindi na gumagalaw. Takot na takot ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top