CHAPTER 7: ENCOUNTER

CHAPTER 7:  ENCOUNTER

Alyza's POV

"Lakas ng ulan. Hanap muna kaya tayo ng masisilungan? Gabi na din," suhestiyon ko habang nakatingin sa langit. Mula umaga hanggang ngayon walang tigil ang buhos ng ulan.

Sa isang buwan na paglalakbay namin nasanay na ako na matulog sa kung saan.   Nasanay na din ako sa mga kasama ko. Hindi na ako madalas inisin ni Tyler.  Ang weird ng dahil bigla na lang siya naging seryoso. Nagbibiro naman siya paminsan-minsan tuwing nakikita niya ako malungkot.

"Wala din tayo matutuluyan dito. Kailangan din natin pumunta sa may mga bahay," sagot ni Benj.

Wala kami magawa kundi ipagpatuloy ang pagbisikleta.

"Teka! Tumigil muna kayo," sigaw ni Benj.  Dahil sa pagod ko hindi agad ako nakahinto. Nagulat na lang ako ng gumuho ang lupa sa gilid ko.

"Alyza!" sigaw ni Tyler sabay hila sa akin bago pa ako matabunan.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Ano tinawag mo sa akin?" kinakabahang tanong ko.

"Aly---Siyet! Nakalimutan ko!"

Biglang may lumabas na malaking ahas sa akin at inatake si Tyler. Mabuti na lang mabilis siya nakadepensa.

"Idiot! I told you call me Eris," sigaw ko habang pinapanood siyang makipaglaban.

"Sorry."

"Nakakainis ka. Hindi kita mapapatawad kapag namatay ka."

"Paano kapag nabuhay ako, papakasalanan mo ko?"

"....basta wag ka mamatay."

"Ehem. Ayaw ko man kayo guluhin sa ligawan niyo. Gusto ko sabihin sa inyo na nasa hindi magandang sitwasyon tayo. Malaki ang posibilidad na matunton tayo ni Drake dahil sa ahas na yan," turo ni Benj sa ahas na kinakalban ni Tyler.

"Oh! Iwan niyo na ako dito. Itakbo mo na si Eris. Ang importante hindi siya makita ni Drake," tugon ni Tyler.

"Huli na," sambit ko nang may matanaw ako na mabilis na palapit sa amin.

"....."

Biglang inatake ni Iron si Benj dahilan para mapalayo ito sa akin. Hinanap ko si Drake pero hindi ko ito makita.

"Ssssshhhhhh...  Hinahanap mo ba ako, Alyza?"

Napatingin ako sa likod ko kung saan may lumabas na malaking ahas mula sa ilalim ng lupa.

"Wag ka lalapit sa akin," sigaw ko sabay gawa ng apoy.

"Tingin mo ba mapipigilan mo ko dahil sa bracelet mo? Iron," tawag niya kay Iron at siya ang pumalit para atakihin si Benj.

Nagtatakang tinignan ko si Iron. Ano binabalak nila?

"Alam  mo ba na hindi mo magagamit ang bracelet kapag nging bakal ito?" aniya sabay atake sa akin. Mabilis din akong dumepensa para protektahan ang sarili ko.

Sinubukan ko siya atakihin ng apoy pero naiwasan niya ito. Aatras na sana ako nang mapansin kong hindi ko magalaw ang paa ko. Pagtingin ko nagiging  bakal ang paa ko gawa mg metal na binato niya sa akin kanina. Bumagsak kasi ito malapit sa paa ko. Lumapit siya sa akin kaya muling hinagisan ko siya ng apoy. Sinubukan ko din sunugin ang bakal sa paa ko pero hindi sapat ang init ng apoy ko para matunaw ito.

"Not good," bulong  ko. Alam ko wala akong labang dahil hindi naman ako wizard at gumagamit lamang ako ng magic weapon.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Sinubukan  ko pa ito paapuyin baka sakaling masaktan siya pero pinoprotektahan lang niya ng metal ang kamay niya.

"Ano gagawin mo?" tanong ko. Sa tono ni Drake parang alam nila kung paano ako mapipigilan sa paggamit ng bracelet ko. Pinagdikit niya kamay ko at saka lumikha na parang handcuffs na makapal. Una niyang ginawang bakal ang bracelet ko at saka ito kumapal hanggang sa nasilbing handcuffs ito.

"Kapag nagawa mong tunawin yan, makakatakas ka kay Drake. Goodluck," aniya na parang nag-aalala siya sa kalagayan ko.

Sinubukan ko ang sinabi niya pero walang epekto. Pakiramdam ko walang kwenta lahat ng pagsasanay ko. Mahina pa rin ako.

"Sinabi ko naman sayo wala ka ng takas sa akin," bulong ni Drake sabay yakap sa akin.

"Eris!" sigaw ni Tyler sabay takbo palapit sa akin.

"Tyler, sa likod mo!" paalala ko nang makita ko ang malaking ahas na malapit sa kanya. Subalit bago pa makakilos si Tyler, mabilis siyang sinubo at nilunok ng buo.

"No way!" hindi makapaniwalang sabi ko. Tatakbo na sana ako palapit sa ahas pero pinigilan ako ni Drake. Binuhat niya ako at tinakbo.

"Drake, ibaba mo ko."

"Bakit kita ibaba? Ano ako tanga? Kung dati pinabibigyan kita, hindi na ngayon.  Saka kahit balikan mo pa kaibigan mo patay na siya."

"Hindi totoo yan. Buhay si Tyler!"

"Patay na siya."

"No!"

Sa inis ko sa kanya kinagat ko siya sa balikat. Nang mabitawan niya ako pero dahil sa bigat ng bakal sa paa ko hirap ako makatakbo. Mabilis din niya ako nahuli.

"Tingin mo ba makakatakas ka sa akin ngayong hawak na kita?"

"Bitawan mo ko!"

Kinuha ko ang dagger ko na nakalagay sa hita ko at muli siyang inatake. Subalit sinalo lamang niya ang kamay ko. Inagaw niya ang dagger  na hawak ko. Galit na tinignan niya ako saka ako kinagat.

Wth! Gusto ba niya mamatay? Unti-umting nahirapan gumalaw ang katawan ko hanggang sa hindi na talaga ako makagalaw. Napasandal na lang ako sa kanya.

"Ano ginawa mo sa akin? Bakit hindi ka tinablan ng dugo ko?"

"Nilagyan kita ng lason. At kaya hindi ako tinablan, dahil sa dugo ni Zaira na binigay sa amin ni Samel.  Salamat nga pala sa injury na ginawa mo dahil naisipan kong gamitin yun.  Ngayon pwede ko na gawin ang kahit na anong gusto ko na walang takot sa dugo mo," aniya sabay buhat sa akin at mabilis na nagtungo sa masukal na gubat.

"Ano gagawin mo sa akin? Papatayin mo ko? Kakainin mo ko? Okay fine. Gawin mo na ngayon. Mas maganda nga na mamatay na ako para matapos na lahat."

"Sino naman nagsabi na papatayin kita? Mahal kita bakit ko gagawin yun? Siyempre gagawin ko ang bagay na ginagawa ng mga nagmamahalan."

"Anong nagmamahalan? Tigilan mo nga ang ilusyon mo. Kahit ano gawin mo hindi kita mamahalin."

"Wala ako pakialam kung ayaw mo ko. Ang importante akin ka lang."

Napaubo siya bigla ng dugo at dahil biglaan ito nabitawan niya ako. Diretso bagsak ako sa damuhan. Kundi lang niya ako nilason baka tinakbuhan ko na matandaan siya. Pero wala, kahit gustuhin ko gumalaw, hindi ko magawa.

"Paano.... paano niya natalo ang sumpa ko?" bulong ni Drake.

Si Tyler ba ang tinutukoy niya? Natalo niya ba ang ahas? Ligtas ba siya? Nabuhayan bigla ako sa naisip ko pero agad din ako napalitan ng takot nang tinignan ako ni Drake.

"Mukhang wala ako choice kundi gawin ang binabalak ko dito. Bago pa dumating ang kaibigan sisiguraduhin kong naangkin na kita."

Biglang nasilabasan ang mga ahas sa paligid at nagsilapitan sa akin.

"Drake..." natatakot na tawag ko sa kanya. Ayoko talaga na napapaligiran ako ng mga ahas. 

Nagulat ako nang magtanggal siya bigla ng damit sa harapan ko. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil wala akong balak titigan siya. Gusto ko tumakas dahil na-iintindihan ko na ang binabalak niya.

"Wag... Maawa ka," takot na sabi ko sabay pikit nang pumatong siya sa ibabaw ko.

"....."

Hinalikan niya ako sa leeg. Nang makuntento siya, sinira niya ang suot ko gamit ang dagger na nakuha niya sa akin. Pinagsisihan ko na ginamit ko pa yun kanina. Tinapon niya ito pagkatapos gamitin kasama ang sira-sira kong damit. Sapilitan niya akong hinalikan. 

"Drake! Hmmm... Please stop!" umiiyak na sigaw ko. Bawat haplos niya sa akin nadidiri ako.

Wala na ako nagawa kundi umiyak na at magmaakaawa sa kanya habang mabilis niya akong inaangkin. Muli niya ako kinagat. Naramdaman ko na nawawala na ng bisa ang lason na nilagay niya, pero para saan pa? Nagawa na niya ang gusto niya. Kahit ano gawin ko hindi ko na mababawi ang nakuha niya. Hinahayaan ko na lang siya. Pagkatapos nito wala na akong ibang maisip kundi mamatay.

********

Tyler's POV

"What the hell!" sigaw ko nang kamuntik na ako mahulog sa parang acid sa loob ng katawan ng ahas.  Kundi pa ako nagpalit ng anyo ko at ginamit ang kuko ko para kumapit, baka katulad na ako ng mga butong nandoon.

"Master!"

Napatingin ako sa taas ko at nakita ko si Yasser na padulas na bumababa patungo sa akin.

"Yasser? Bakit nandito ka? Wag mo sabihing kinain ka din."

"Nagpakain din ako. Master gamitin mo yung crystal ko."

"Crystal? Ah oo. Transform!" sigaw ko saka nakipagsanib kay Yasser. Kamuntik ko na nakalimutan na pwede pala ako manghiram ng kapangyarihan ni Yasser. Humaba ang buhok ko at naging kakulay ito ng balahibo ni Yasser. Nagkaroon din ako ng sungay sa noo katulad niya. Lumikha ako ng lupang maapakan ko saka gunamit ang warhammer ko sa ahas na lumunok sa akin. At dahil mas malambot ang loob nito kaysa labas mas mabilis ko ito nasugatan at napatay.

"Akala ko mamatay na ako," sambit ko pagkalabas ko. Tinignan ko ang  ahas na pinagpuputol ko sa lupa. Lumiit ito bigla nang mapatay ko ito.


"Kailangan mo pa ng tulong?" tanong ko kay Benj.

"Kaya ko na ito. Sundan mo na lang si Drake," tugon niya.

"Okay," nakipaghiwalay ako kay Yasser.

"Maiwan ka dito. Dalhin mo si Benj sa amin pagkatapos niya makipaglaban. Alam mo naman kung paano ako hanapin," utos ko sa kanya para hindi na kami maghanapan mamaya. Tinanguan niya ako bilang tugon.

Tumakbo na ako at gamit ang matalas kong pang-amoy hinanap ko sila Alyza. Sa tagal ko na kilala kay Alyza alam na alam ko ang amoy niya . Mabuti na lang matalas pang-amoy ko kaysa normal na werewolf.

"Malapit lang sila dito," sambit ko nang mas lumakas ang naamoy ko. May naamoy pa akong konting dugo ni Alyza. Binilisan ko lalo ang takbo ko. Baka kung ano na ginawa sa kanya ni Drake.


"Eri---" natigilan ako saglit nang makita ko sitwasyon niya.

"DRAKE!!" galit na sigaw ko sabay atake sa kanya. Naging ahas siya bigla at saka ako iniwasan.
Pero hindi ko siya tinigilan. Gusto ko siya patayin dahil sa ginawa niya kay Alyza.

"Papatayin kitang ahas ka!" sigaw ko. Bumalis siya sa pagiging tao.

"Bago mo ko patayin bakit hindi mo muna pigilan si Alyza?" turo niya sa likod ko.


Pagtingin ko kay Alyza, may hawak siyang dagger. Napatakbo na lang ako sa kanya nang makita kong sasaksakin niya ang sarili niya.

"Ano ginagawa mo?  Nababaliw ka na ba?" pigil ko sa kanya. Mabuti na lang   nakaabot ako kundi patay siya. Kapag namatay siya, patay din ako kila Levi.

Pag-angat ng ulo niya sumalubong sa akin ang walang buhay niyang mata habang lumuluha.


Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top