CHAPTER 6: FIRST DAY OF JOURNEY
CHAPTER 6: FIRST DAY OF JOURNEY
Alyza's POV
"Ayaw mo talaga tumawag sa pamilya mo? Nagbigay sila ng number sa akin," pangungulit ni Tyler.
"Wag na. Baka masabi pa nila pangalan ko," tugon ko.
"Malayo ka naman sa kanila. Hindi na sila mahahanap ng ahas."
"Sumpa yan dude. Kahit saan ka man apektado ka," paliwanag ni Benj.
"Ganun ba yun? Bakit nga pala tayo naglalakad? May sasakyan naman. Wag mo sabihin na balak mo pumunta sa Manila ng ganito?" tanong ni Tyler dahil kanina pa kami naglalakad..
"Gagamit tayo ng bike. Kung sasakay tayo maraming madadamay kapag umatake si Drake."
"Saan naman tayo kukuha ng bike? Saka hindi ako marunong gumamit nun," sambit ko.
"Bibili ng secondhand. Tuturuan kita," tugon ni Benj. Tinignan ko si Tyler.
"Hindi ko din alam gumamit nun. Alam mo naman na mas sanay kaming werewolf na tumakbo."
"Ako bahala sa inyo. Lalagyan ko ng protection spell para safe kayo kahit matumba."
"Bakit hindi natin gamitin yung carpet?"
"Wala tayo sa Outlandish Hindi safe gumamit ng magic dito."
"Namiss ko tuloy bigla sa Outlandish. Paano kaya tumagal ang mga kuya mo dito?" tanong sa akin ni Tyler.
"Dito sila lumaki kaya sanay sila dito."
"Dito tumira kapatid mo? Bakit ikaw hindi?" tanong ni Benj.
"Pinaampon ako sa tito ko."
"Okay..." hindi na muli nagtanong si Benj.
"Isang time-space wizard mama mo. Time traveler ka din ba?" tanong ni Tyler.
"Yeah. Pero pinagbawalan akong gamitin kapangyarihan ko."
"Pero alam mo gamitin?"
"Oo. Wag mo na balakin na ipagamit sa akin iyon. Buhay ang kapalit tuwing gagamitin ang kapangyarihan namin. Mababawasan buhay ko tuwing gagalawin ko ang oras. Maliban na lang kung immortal ako."
"Immortal..." bulong ko. Naisip ko bigla si Zeque. Kaya niya kaya gumamit ng time and space magic?
"Narinig ko na tanging sa pamilya niyo lang tinuturo kung paano gumamit ng time and space magic. Totoo ba yun?" tanong ni Tyler.
"Yeah. Sikreto din ang tungkol sa kapangyarihan namin. Maari nila kaming gamitin sa kasamaan dahil pwede namin pakialaman ang oras."
"Pwede ka ba bumuhay ng patay?" tanong ko.
"Pwede ako bumalik sa nakaraan at pigilan ang pagkamatay nito."
Pagkabili namin ng bike agad niya kami tinuruan.
"Good. Mabilis lang pala kayo matuto. Sigurado ba kayong first time niyo gumamit? Aalis na tayo bago pa dumating sila Drake. Sundan niyo lang ako," sambit niya sa amin sabay lingon sa may puno. Napatingin din ako doon.
Kung hindi ko pa titigan yung puno hindi ko mapapansin na may ahas na nakapulupot doon. Mabuti na lang nakita ito ni Benj.
"Kung gusto makaiwas kay Drake mabuting magtunggo tayo sa Manila. Kung dito ka sa probinsya maraming nagkalat na ahas," suhestiyon ni Benj.
"Okay," tugon ko. Kahit saan ayos lang sa akin, makalayo lang kay Drake.
"Kapag nakahanap tayo ng matutuluyan, uumpisihan na natin alisin yang sumpa sayo. Kung hindi yan mawawala kahit saan pa tayo magtago, masusundan ka niya. Maliban na lang kung pupunta ka sa ibang mundo na hindi niya alam."
"Kung gugustuhin mo pumunta sa ibang mundo kailangan mo makipagkita kila Zeque," sabi naman ni Tyler.
"Alisin niyo na lang yung sumpa," tugon ko.
"Aly---"
"Eris," putol ko kay Tyler. Gusto niya ba mamatay?
"Gusto ko lang subukan kung kaya ko ba patayin yung ahas kapag lumabas," aniya sabay tawa.
"Pwede din yun pero dapat siguradong matatalo mo. Kundi buhay mo ang kapalit," pagsang-ayon ni Benj.
"Wag niyo na pag-isipan na gawin yun . Hindi ako papayag. Kumilos na kayo baka maabutan tayo ni Drake," inis na sabi ko sa kanila.
Sumakay na kami sa bike namin.
"Sundan niyo lang ako. Eris sa gitna ka namin. Ako sa harapan, si Tyler sa likod," paalala ni Benj sa amin.
Sinundan lang namin siya. Wala din naman kami kaalam-alam dito kaya siya lang ang maasahan namin. Naging payapa naman ang araw namin. May pagkakataon na humihinto kami upang magpahinga at kumain.
"Gabi na. Bukas na lang tayo tumuloy," huminto na si Benj. Kinumpas niya ang kamay niya at nawala bigla ang gamit naming bike. Nilabas niya ang carpet na ginamit namin noon and doon kami sumakay. Naglagay siya ng barrier at invisibility spell bago kami lumipad paitaas.
"Safe na siguro tayo kay Drake kung dito tayo sa taas. Hindi din tayo masyado mataas kaya hindi rin tayo matamaan ng eroplano."
Napatingin ako sa ibaba. Medyo mataas lang kami ng kaunti sa puno.
"Matulog ka na. Kami na bahala magbantay," sabi sa akin ni Tyler. Tumango ako bilang tugon.
"Matulog ka na din. Palitan mo na lang ako mamaya," sabi naman ni Benj kay Tyler.
"Gisingin mo ko kung kailangan mo na ng kapalit," sagot niya.
"Dito ka sa tabi ko?" gulat na tanong ko nang tumabi sa akin.
"Maliit lang ang carpet," aniya sabay higa sa tabi ko. Hindi naman ako nakaangal dahil totoong maliit ang carpet.
"Bakit hindi ka pa humiga? Kailangan mo ba ng unan? Wala tayo unan, braso ko na lang gamitin mo."
Tinapik niya ang isang braso niya at sapilitan akong pinahiga doon. Nag-init bigla ang mukha ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa lalaking ito. Alam niya kung ano epekto ng pinagkakagawa niya sa akin? Mas mabuti pa yata yung palagi niya akong inaasar kaysa mabait siya sa akin. Tumalikod na lang ako sa kanya para hindi niya makita ang mukha ko.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal tulog. Basta nagising na lang ako nang may yumakap sa akin. Paglingon sa katabi ko, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkabigla.
Gwapo pala siya sa malapitan? Wait! Baka makita ako ni Benj.
Pagtingin ko kay Benj, nakatulog na din ito habang nagbabantay. Nakaupo itong natutulog habang nakasandal kay Yasser. Inalis ko ang kamay ni Tyler at dahan-dahang bumangon. Mas mabuti pa siguro kung magbantay na lang ako. Nawala na din antok ko.
Nagmasid ako sa paligid at saka pumikit. Pagkadilat ko iba't ibang kulay ang nasilayan ko lumilipad sa paligid ko. Isa sa ability ko ang makita ang mga soundwaves sa paligid. Kadalasan ginagamit ko ito sa hindi kayang abutin ng pandinig ko ang layo.
Mula sa malayo may napansin akong palapit sa amin. Dalawa silang palapit sa amin. Nagfocus ako sa kanila para mas makita ko ito. Nakatitig lang ako sa direksyon kung saan nagmumula ang soundwaves hanggang sa tuluyan ko na sila masilayan. Kinabahan ako nang makita ko si Drake. Mabuti na lang nagising si Benj. Hinawakan niya ako sa balikat saka bumulong upang pakalmahin ako.
"Relax ka lang. Hindi nila tayo makikita, wag ka lang maingay."
Sinunod ko ang sabi niya. Huminto sa paglalakad sila Drake at tumingin sa paligid.
"Malapit lang si Alyza dito," aniya habang patingin-tingin sa paligid.
"Sigurado ka? Wala naman ako nakikitang nandito maliban sa atin," tanong ni Iron.
"Naamoy ko ang markang iniwan ko sa kanya. Baka nagtatago lang sila."
Napatingin ako kay Benj nang nag-umpisang lumipad palayo sa kanila ang sinsakyan naming carpet.
"Kahit invisible tayo matatagpuan ka pa rin niya dahil sa iniwan niya sayo," tumingin siya sa nakabenda kong braso.
Hindi ako umimik. Hindi ko inaasahan na ganun pala kalala ang epekto ng iniwan niya sa akin. Kaya pala kahit saan ako madali niya ako matatagpuan. Mas lalong hindi ako pwedeng umuwi sa amin.
"Kahit maalis natin ang sumpa sayo meron pa rin maiiwan sa katawan mo para matagpuan ka niya," dugtong pa niya.
"Alam ko. Wala ako takas sa kanya kahit magtago pa tayo."
Napabuntong hininga ako.
"Tutulungan kita labanan siya. Kung hindi mo kaya ako tatapos sa kanya," napatingin ako kay Tyler nang magsalita ito.
"Kanina ka ba gising?"
"Nagising ako nung gumalaw yung carpet."
"Bago niyo harapin si Drake pag-aralan niyo muna kung paano siya matatalo. Hindi sila madaling kalabanin," payo ni Benj.
"Nandyan ka naman. Tutulungan mo kami diba?" sagot ni Tyler sa kanya.
"Support lang ako. Hindi ako maalam sa pakikipaglaban."
"Okay na yun. Basta ikaw na bahala kay Eris kung may masamang mangyari sa paghaharap namin ni Drake."
"Okay."
"Tutulong din ako sa pakikipaglaban," matapang na sabi ko. Hindi pwedeng sila lang lumaban. Nagkatinginan silang dalawa na parang may gusto silang sabihin pero hindi nila masabi. Nagtuturuan pa sila kung sino magsasalita.
"Ehem. Sigurado ka kaya mo? Makita mo lang si Drake nanginginig ka na," sambit ni Tyler.
"K--kaya ko din siya labanan."
Totoo ang sinabi niya. Makita ko lang si Drake nanginginig na ako sa takot. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakot sa kanya. Pero ayokong ipakita sa kanila na mahina ako at magpapatalo sa takot ko kay Drake.
"Kung hindi ko kaya nandito naman kami. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo. Ayos lang sa akin kung ako lang haharap kay Drake. Tungkulin ko di naman na protektahan ka bilang celestial guardian. Wag ka mag-aalala matatapos din ito."
Gusto ko pa sana umangal pero hindi ko na tinuloy dahil seryoso ang mukha niya. Minsan ko lang siya makitang seryoso.
"Okay," sagot ko na lang.
"Maaga pa. Matulog ka na muna," sabi sa akin ni Benj.
"Ako na magbabantay. Gising na din naman ako. Magpahinga ka na," sabi naman ni Tyler. Pumayag agad si Benj. Pagod na din siguro siya. Kung hindi dumating sila Drake baka natutulog pa rin siya hanggang ngayon.
"Hindi ako inaantok," sambit ko.
"Lalaki eyebags mo kung hindi ka matutulog. Gusto mo kantahan kita ng pampatulog?" tugon sa akin ni Tyler.
"No thanks. Hindi na ako bata."
"Para makatulog ka."
"Kaya ko matulog mag-isa," inis na sabi ko. Napilitan akong humiga baka mamaya totohanin niya ang pagkanta. Mas mabuting matulog na lang ako. Agad naman ako dinapuan ng antok.
"Matutulog ka din pala. Sayang handa na sana ako kantahan ka. Doon na lang sa magiging anak natin ako kakanta."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top