CHAPTER 5: LET'S FIGHT TOGETHER

CHAPTER 5: LET'S FIGHT TOGETHER

Erie's POV

"Good! Kailangan mo na lang sanayin kontrolin ito," sabi sa akin ni Benjamin pagkatapos ko magawang palabasin ang iba't - ibang elemento sa bracelet ko.

"Congrats Erie! Akala ko aabutin ka ng taon bago matuto. Good job!" bati sa akin ni Tyler.

"Sa-- Ano nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya nang mapansin na naglalaho siya.

"Ah! Tinatawag ako ni Gin. Wag ka mag-aalala babalikan kita. Tawagin mo lang ako ulit," aniya pagkakita ng kamay niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mawawala na siya.

"Pakisabi kila kuya na ayos lang ako. Wag sila mag-aalala sa akin," pakiusap ko sa kanya.

"Okay, makarating. Bye!" paalam niya bago mawala.

"Ngayon natuto ka na palabasin ang kapangyarihan ng bracelet mo. Ano na plano mo?" tanong sa akin ni Benj.

"Paghahandaan ko ang pakikipaglaban ko kay Drake. Kailangan ko matanggal ang sumpa bago umuwi," sagot ko.

"Bakit hindi na lang si Tyler ang tumapos ng lahat? Isa siya celestial guardian," suhestiyon ni Benj.

"Problema ko ito. Dapat lang na ako ang tumapos," sagot ko.

"Bago mo sabihin yan sanayin mo muna ang sarili mo na hindi matakot sa ahas. Kung matatakot ka lang sayang ang lang paghahanda mo."

"Alam ko," malungkot na sabi ko. Hindi ko naman maitatanggi na takot ako kay Drake. Tuwing makakakita ako ng ahas, nalalambot ang tuhod ko dahil sa takot.

"Kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako," aniya saka ako iniwanan.

Napabuntong ako at umupo sa damuhan. Ano na kaya nangyari kay Tyler? Nakabalik na kaya siya sa katawan niya? Pwede ko na kaya siya ulit tawagin?

"Alyza, I miss you. Kamusta na?" bulong sa akin ng isang lalaki. Nagsitayuan bigla ang buhok ko sa batok. Hindi ako makagalaw dahil sa takot.

Natauhan na lamang ako nang may pumulupot sa akin na malaking ahas at tinignan ako nito sa mata.

"Alyza..." tawag sa akin ni Drake. Nagmumula ang tinig niya sa ahas na nakapulupot sa akin. Pula ang mata nito, senyales na kontrolado ito ni Drake.

"Alyza! Gamitin mo yung bracelet!" sigaw ni Benjamin. Agad ko siya sinunod. Isang apoy ang lumabas sa kamay ko at pinagsuntok ko ito sa ahas.

"Go away!" pagtataboy ko dito. Dahil sa takot nito sa apoy, agad ito umalis sa akin. Pinalibutan ko ang katawan ko ng apoy saka tumayo.

Ngayon ko lang napansin na napapalibutan na pala ako ng mga ahas. Kung hindi pa sila naggapangan palayo sa akin hindi ko sila makikita.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Benj pagkalapit niya.

"Benj... tama ko. Hindi ko kaya kung mag-isa lang ako. Alam ko na wala ako laban kay Drake. Natatakot ako. Ayokong madamay sila Tyler pero hindi ko kayang mag-isa," napagtanto ko kung gaano ako kahina. Lumaki ako na palaging pinoprotektahan nila kuya Levi. Sinubukan ko maging malakas pero sa isang iglap nawala lahat ng lakas na yun dahil lang kay Drake.

"Walang nabubuhay sa mundo ng mag-isa. Lahat tayo kailangan ng tulong sa iba,"  aniya at hinayaan lang ako na yakapin siya at umiyak.

**********

Tyler's POV

"Hindi ka pa rin tinatawag ni Alyza?" tanong sa akin ni Gin. Kahapon pa kasi ako naghihintay na tawagin niya ako. Ngayong nakabalik na ako sa katawan, sigurado matutulungan ko na siya.

"Tyler, pwede ba tayo mag-usap saglit?" tawag sa akin ni Levi. Tinanguan ko siya bilang tugon. Nagpaalam sa akin si Gin at iniwan kaming dalawa.

"Ikaw na bahala kay Alyza. Gusto ko sumama sayo pero alam ko na makakasagabal lang ako. Baka hindi ko din mapigilan ang sarili ko na tawagin ang pangalan niya. Mangako ka sa akin na kahit anong mangyari, poprotektahan mo siya? Kahit na mataray yun, siya pa rin ang matatakutin kong kapatid."

Nakwento ko na sa kanila ang sitwasyon ni Alyza. Tiniruan din ako ni Zeque ng technique kung paano ko mareresolba ang sumpa ni Drake. Medyo delikado nga lang yun dahil kailangan ko mapalabas yung ahas sa katawan ni Alyza para magawa yun. Maling kilos ko lang, patay ako.

"Pangako," sagot ko agad. Una pa lang ayun na agad ang balak ko. Alam ko naman na panlabas na anyo lang ni Alyza yung katarayan niya. Kaya hindi ako nagsasawang asarin siya.

"Ako dapat magsabi niya. Tyler, ikaw na bahala sa kapatid ko. May tiwala ako sayo na ibabalik mo siyang ng maayos sa Outladish," singit ni Kuya Liam.

"Yes sir," nakangiting sabi ko.

'Dwayne...'

Napatayo ako bigla nang marinig ko ang boses ni Alyza.

"Tinatawag na niya ako! Yasser, halika na dito."

Lumapit agad sa akin si Yasser. Hinawakan ko siya para sigurado na kasama ko siya na mapunta kay Alyza.

"Tandaan mo, wag mo siya tatawaging Alyza. Eris ang itawag mo sa kanya," paalala ko kay Yasser.

"Yo, welcome back! And congrats nakabalik ka na sa katawan mo," bati sa akin ni Benj.

"Salamat. Nasaan si Eris?" tanong ko.

Nilingon niya si Alyza na nakasilip sa likod ng puno. Nang makita niya akong tumingin sa kanya, agad ito nagtago.

"Bakit siya nagtatago?"

"Who knows? Bakit hindi mo siya lapitan at tanungin?"

Tumakbo ako agad palapit sa may puno.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" tanong ko sa kanya habang nakasilip sa tinataguan niya. Naabutan ko siyang nakasandal sa may puno habang namumula. Medyo napalundag pa ito dahil sa gulat.

"Umm... welcome back," aniya sabay yuko. Mahina lang ang tinig nito.

"Ayos ka lang? May sakit ka ba?"

Hinawakan ko siya sa noo habang nakatingin sa kanya. Pulang-pula talaga ang mukha niya pero hindi naman siya nilalagnat.

"Ayos lang ako," alis niya sa kamay ko saka ako tumingi ng diretso sa akin.

"Dwayne, let's fight together!" sambit niya habang nakahawak sa kamay ko at seryosong nakatingin.

"Sigurado ka bang wala kang sakit?"

Naninibago ako sa kinikilos niya. Si Alyza ba talaga itong kaharap ko?

"Seryoso ako! Samahan mo kong labanan si Drake."

"Ah!"

Natawa ako bigla. Akala ko naman kasi kung ano na yung sinasabi niya. Hindi naman niya kailangan sabihin yun.

"Wag mo ko tawanan," inis na sabi niya.

"Sorry. Hahahaha. Hindi mo naman kailangan sabihin iyon. Sasamahan kita kahit saan."

"Salamat," nakangiting sabi niya. Para siyang bata na nakuha ang gusto niya.

Ginulo ko ang buhok niya saka siya iniwanan. Pagkatalikod ko napahawak ako sa puso ko na bigla na lang bumilis ang tibok pagkakita ko sa mukha niya na nakangiti. Ako yata ang may sakit sa aming dalawa.

"Alyza..." natigilan ako nang marinig ko ang tinig na yun. Biglang kumapit sa akin si Eris. Pagtingin ko sa kamay niya, nanginginig ito dahil sa takot.

"Dwayne, nandito nanaman siya. Natatakot ako."

Alam ko kay Drake nagmumula ang tinig na iyon.

"Yasser, maghanda ka!" sigaw ko sabay hila kay Eris.

"Alyza... Hindi ka makakatakas sa akin. Malapit na ako," sambit nito.

"No! Dwayne, umalis na tayo dito. Sigurado papunta na siya dito. Tulungan mo ko makatakas!" natatarantang sabi ni Eris.

"Mas maganda kung haharapin natin siya para matapos na ito?" tanong ko.

"Hindi pa ako handa. Natatakot ako!"

Tinignan ko siya sa mata at kita ko na takot na takot siya. Medyo naninibago pa ako na makita siyang ganito.

"Alyza, parating na ako..."

"Dwayne! Please tulungan mo kong tumakas. Gagawin ko lahat. Basta tulungan mo ko makaalis dito," naiiyak na sabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang ang sarili ko na yakapin siya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Okay. Kumalma ka lang. Aalis na tayo. Magpaalam lang tayo kila Benj," bulong ko sa kanya. Hinintay ko muna siya kumalma bago bitawan. Hinila ko sila pabalik sa bahay nila Benj upang magpasalamat at magpaalam.

"Mag-iingat kayo sa paglalakbay niyo. Benjamin, samahan mo sila," sabi ni Lola Augusta.

"Po? Bakit ako sasama? Paano kayo?" tanong nito.

"Gusto mo hanapin ang mga magulang mo, tama? Sila lang ang makakatulong sayo kung gusto mo makaharap ang demon na kumuha sa mama mo."

"Hawak ng demon ang magulang mo?"  tanong ko.

"Hindi ko alam kung buhay pa sila. Pero gusto ko malaman kung ano nangyari sa kanila," tugon ni Benjamin.

"Dalawang taon pa lang si Benjamin nang iwan siya sa akin ng anak ko. Binalikan nito ang kanyang asawa na pinaghihinalaang target ng demon dahil sa space-time wizard ito," pagkukwento ni Lola Augusta.

"Nalala ko noon na naghanap din kami ng space-time wizard. Nang puntahan namin sila sa tirahan nila, wala na ito."

"Maaring hawak na sila ng demon. Sigurado ako na hindi nila papatayin ang mama mo dahil sa kapangyarihan nito. Pero maaring mapadali ang buhay nito dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan niya."

"Sasama ako sa inyo! Lola, salamat po sa lahat ng ginawa niyo sa akin. Hindi po ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang kalagayan nila. Buhay man sila o hindi, gusto ko malaman ang totoo. Babalik po ako pagnalaman ko na ang lahat," sambit ni Benj. Umiling si Lola Augusta.

"Apo, hindi mo kailangan bumalik. Masyado na ako matanda. Parating na ang kalaban. Umalis na kayo at ako na ang bahalang pigilan sila para makalayo kayo," tugon nito.

"Wag niyo po sabihin na mag-isa niyo haharapin si Drake? Hindi ako papayag," kontra ko.

"Iho, hindi na din ako magtatagal. Masaya ako na mamatay na pinoprotektahan ang batang katulad niyo. Mahaba ang buhay niyo kaysa sa akin. Matanda na ako. Ang totoo niyan bilang lang ang araw ko. Mas gugustuhin ko pa na mamatay habang tumutulong kaysa mamatay ng walang ginawa."

"Alyza! Nasaan ka?" isang sigaw ang bumalabog sa amin.

"Nandito na sila! Umalis na kayo mga apo. Ako na bahala dito!" tulak sa amin ni  lola Augusta. May sinabi itong spell sa may isang carpet at bigla itong lumipad patungo sa amin saka kami inilipad palayo sa bahay nila.

Mula sa taas natanaw ko si Drake na napapalibutan ng mga ahas.  Napatingin ito sa amin pero dahil sa bilis ng paglipad ng carpet nakalayo kami agad sa kanya.

"Saan papunta itong carpet?" tanong ko.

"Sa bayan. Maglalagay ako ng invisibility spell para hindi tayo makita," maiksing sagot ni Benjamin. Kalmado lang ito habang nagsasalita. Hindi ba siya nag-aalala sa lola niya?

"Sorry. Dahil sa akin nadamay kayo ng lola mo," sambit ni Eris.

"Ginusto namin ito ng lola ko. Wala kang kasalanan. Saka maniwala man kayo sa akin o hindi, matagal ng patay  si lola. Isa na lang siyang zombie na nakakapag-isip pa. Kaya niya sinasabing konti na lang ang natitirang oras niya, hindi na kaya ng kapangyarihan niya na pigilan ang virus sa katawan niya. Anumang oras mawawala siya sarili at pati tayo aatakihin niya. Sigurado ako bago mangyari yun tatapusin niya ang sarili niya gamit ang pinakamalakas na spell na alam niya," pagkasabi niya nun isang pagsabog ang narinig namin at sa direksyon na pinanggalingan namin makikita ang malawak na usok.


Itutuloy...





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top