CHAPTER 4: ELEMENTAL BRACELET

CHAPTER 4: ELEMENTAL BRACELET

Alyza's POV

"Focus! Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ipunin mo ang spiritual energy mo sa bracelet para mapalitan ito ng magical power," sermon sa akin ni Benjamin. Napagdesisyon ko na pag-aralan muna ang paggamit ng bracelet ko. Nagkataon na alam ni Lola Augusta kung paano gamitin ito kaya inutusan niya si Benjamin na turuan ako.

"Sorry," sabi ko na lang ang hirap kasi ng tinuturo niya. Napahilot sa ulo niya. Kanina pa kasi kami nag-umpis pero hanggang ngayon hindi ko pa din kayang makapaglabas ng kahit na ano gamit ang bracelet ko.

"Nagamit mo noon sa hot spring yung water element, bakit ngayon hindi na?" inis na sabi niya. Napapagod na yata siya kakaturo sa akin. Kalahating araw na kasi niya ako tinuturuan pero hanggang ngayon wala pa rin ako improvement.

"Nakagamit na din ako noon ng fire element pero hindi ko alam kung paano."

Napabuntong hininga ito saka nilingon si Tyler na nanonood lang sa amin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Tyler.

"Celestial Guardian ka diba? Sigurado alam mo gumamit ng magical tool tulad ng legendary weapon niyo. Turuan mo siya," utos ni Benjamin kay Tyler.

"Yun lang ba? Alam ko kung paano paganahin yan," nakangiting sabi ni Tyler. Kinabahan ako sa ngiti niya. Mischievous smile ang nakikita ko sa kanya sigurado may pinaplano siya. Bumulong siya kay Benjamin.

"Ano pinagbubulungan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Benjamin kay Tyler na parang hindi ako narinig.

"Oo," sagot ni Tyler habang nakangiti pa rin. Nakainis ako bigla dahil sa kinikilos nila.

"Ano ba pinag-uusapan niyo?" inis na tanong ko. Hindi pa rin nila ako nilingon. Huminga ako ng malalim at tinignan ang bracelet ko. Ginawa ko yung sinabi sa akin ni Bemjamin kanina. Pakiramdam ko may dumadaloy patungo sa bracelet. Umilaw ito ng kulay pula at bilang nagkaroon ng apoy ang kamay ko. Sa gulat ko natutok ko ang kamay ko kila Benjamin ko.

"Balak mo ba ako patayin?" reklamo ni Benjamin sa akin pagkatapos iwasan ang apoy na lumabas sa kamay ko. Ako naman natulala lang sa parteng nasunog.

"Sabi ko sayo eh! Effective ang pang-iinis," masayang sabi ni Tyler.

"Ganun pala yun. Kaya pala nagamit niya ang bracelet sa hot spring dahil nainis siya sa akin," pagsang-ayon naman ni Benjamin. Tumango si Tyler.

"Ah! Sinadya niyo pala talaga na inisin ako. Gusto niya mamatay?" inis na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa plano ni Tyler. Alam niya talaga kung paano ako inisin.

"Para din naman sayo yun eh. Tignan mo nagagamit mo na yung bracelet," paliwanag ni Tyler. Medyo nakataas ang kamay ko habang nag-aapoy.

Kinalma ko ang aking sarili bago ko pa mapatay ang dalawang lalaki sa harapan ko. Naiintindihan ko naman ang ibig sabihin ni Tyler. Emosyon kadalasan ang nagiging susi para magamit ang kapangyarihan. Alam yun ni Tyler dahil kay Crystal na laging nakakalikha ng apoy kapag nagagalit.

"Tama na muna yan. Kumain na kayo," tawag sa amin ni Lola Augusta. Bago ako sumunod sa kanya sinamaan ko muna ng tingin sila Benjamin.

"Wala ka bang nakikilang spirit na nasa likod ng bracelet mo? Naisip ko lang na may dahilan kung bakit may power yung bracelet mo tulad ng Alter Necklace," tanong ni Tyler habang kumakain kami.

"Wala," sagot ko.

"Hindi mo pa nakikita ang may ari ng core sa bracelet mo? Kaya pala hirap ka gamitin ito," komento ni Benjamin. Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano ibig niyang sabihin? Anong core?

"Hindi mo alam? May dalawang klaseng magical tool. Una, magical tool na gumagana sa pamamagitan ng pagsabi ng spell. Madalas makikita ito na gamit ng mga witch. Pangalawa, magical tool na nagagamit kahit walang chant. Tulad ng legendary weapon, alter necklace at elemental bracelet. Gawa kasi ito sa core ng isang makapangyarihang nilalang kaya ka bigyan ng kapangyarihan nito. Ang nilalang na yun mismo ang pumipili ng pagbibigyan nila," paliwanag ni Lola Augusta.

"Core?" tanong ko.

"Doon manggagaling ang kapangyarihan ng magical tool. Katulad ng alter necklace, katawan ni Zeque ang nagsisilbing core ng kwintas upang magamit ng alter princess ang kapangyarihan niya."

Hindi na ako nagtaka na alam niya ang tungkol sa alter necklace at kung sino ang nasa likod nito.

"Saan naman nagmula ang kapangyarihan ng legendary weapon namin. Alam ko na dahil yun sa crystal na nilagay namin sa weapon kaya nagkakaroon ng elemental magic pero saan gawa yun?" tanong ni Tyler.

"Hindi niyo alam? Gawa ang crystal sa katawan ng 12 celestial spirit. Tulad ng sabi mo doon nagmumula ang kapangyarihan niyo dahil iyon mismo ang core. Bago sila mamatay nilikha nila ang core na yun para sa anak ng kanilang pinagsisilbihan. Konektado ito sa mythical animal dahil reincarnation mismo sila ng 12 celestial spirit."

Pagkatapos ko marinig ang paliwanag ni Lola Augusta. Napagtanto ko na marami pa pala kaming hindi alam tungkol sa celestial guardian at etenal child.

"Alam mo po ba kung saan nagmula itong bracelet?" tanong ko.

"Kay Mira."

"Sino si Mira?"

"Si Mira ang pinagsisilbihan ng 12 celestial spirit. Nang mamatay siya, tanging bracelet lamang niya ang naiwan. Naglaho ito parang bula at mula sa bracelet na naiwan nito, nakaramdam sila ng malakas na kapangyarihan. Maaring reincarnation ka niya tulad ng naunang nakagamit ng elemental bracelet."

*****

Tyler's POV

Pagkatapos namin kumain balik na muli si Eris sa pagsasanay. Sinabihan nga namin siya na magpahinga muna pero ayaw niya. Gusto niya daw maging malakas.

"Isa pa," sambit ni Eris pagkatapos niya matalo kay Ben. Natutunan na niya gamitin ang elemental bracelet niya pero fire at water pa lang ang alam niya gamitin. At ngayon nga naglalaban sila gamit ang magic.

"Hindi ka pa ba napapagod? Pagod na ako pwede bukas na lang natin ito ituloy?" reklamo ni Ben dahil  kanina  pa sila naglalaban.

"Hindi pa ako pagod. Isa pa!"

Naglabas ng apoy si Eris sa kamay niya. Napailing ako dahil sa kinilos niya. Wala naman problema kung gusto niya magsanay kaso lang napapagod din si Ben.

"Tama na yan!" harang ko kay Eris.

"Wag ka mangialam dito," tinignan niya ako ng masama.

"Wala ako pakialam kung gusto mo magpakapagod sa pagsasanay pero wag mo idamay si Ben. Pagod na siya at gusto na niya magpahinga," sermon ko sa kanya. Tinignan niya si Ben.

"Maiwan ko na kayo," paalam niya sa amin at dali-daling umalis. Gusto na niya talaga makatakas kay Eris.

"Ikaw na lang makipaglaban sa akin," sambit ni Eris.

"Spirit lang ako paano ako makikipaglaban? Saka kailangan mo na din magpahinga. Wag mo masyado pilitin ang sarili mo para lang lumakas ka agad. Kung pababayaan mo ang sarili mo, balewala din ang pagsasanay mo. Mamatay ka niyan agad."

"Mamatay agad? Wala na ako magagawa.  Nakaalis na si Ben."

Binaba na niya ang kamay niya na may apoy at sumunod kay Ben.

"Parehas kayo ni Athena na matigas ang ulo,"  habol ko sa kanya.

"Hindi matigas ulo ko. Wag mo ko ipagkumpara sa kanya. Magkaiba kaming dalawa."

"Hmm. Tama ka. Kung titignan mas parehas kayo ni Zarah."

"Para sinasabi mo na mas masama pa ako kay Athena. Mas gugustuhin ko pa maging katulad ni Athena."

"Bakit hindi ba? Wala tatalo  kay Zarah pagdating sa  katigasan ng ulo. Kay Max lang yata yun nakikinig."

"Whatever," aniya sabay irap. Nagulat na lang ako nang bigla niya ako hagisan ng apoy. Ako naman itong umiwas agad. Nakalimutan ko na spirit lang ako.

"Para saan yun?" reklamo ko. Pero ningitian lang niya ako at sunod-sunod na hinagisan ng apoy. Umiwas naman ako kahit na spirit lang ako.  Baka mamaya tablan ako kahit wala akong katawan.

Tumakbo ako palayo sa kanya ngunit hinabol naman niya ako.

"Hahaha! Hindi mo ko matatamaan kahit ano gawin mo," pang-aasar ko sa kanya. Lalong bumilis ang paghagis niya ng apoy pero hindi niya pa rin ako natamaan.

"Ayoko na!" tumigil na siya sa paghabol. Napagod na din siya sa wakas. Umalis na lang siya bigla. Hindi man lang niya ako hinintay. Bahala siya. Hindi ko siya sinundan.

"Mabuti na lang hindi siya sumunod," sambit ko sabay tingin sa ahas na malapit sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nakatingin ito sa akin. Idagdag pa na naisip ko bigla si Drake pagkakita ko dito.

"Hoy! Sabihin mo sa boss mo na si Drake na hindi siya matatagumpay sa plano niya. Kahit ano gawin niya hindi mapapasakanya si Eris. Kailangan muna niya ako patayin bago mangyari yun," sabi ko sa ahas  kahit hindi ko alam kung alagad pa ito ni Drake. Bumalik na ako sa bahay.

"Nasaan si Eris?" tanong ko kay Ben.

"Hot spring," maiksing tugon niya.

"Saan yun?"

Tinignan niya ako ng masama.

"Bakit? Ano gagawin mo?"

Napakamot ako sa ulo. Alam ko kung ano iniisip niya.

"Wala. Tinatanong ko lang," sagot ko.

"Ituturo ko sayo mamaya."

Hindi na ako umangal. Baka lalo mapasama ang tingin niya sa akin.

"Hindi ba kayo natatakot na baka atakihin kayo ni Drake??" tanong ko. May posibilidad na madamay  sila dahil sa pagtulong sa amin.

"Bakit? Malakas ba yung drake?"

"Malakas? Hindi naman pero may kasama siyang wizard."

"Ano element ng kasama niya?"

"Metal."

"Dalawa lang sila?"

"Oo. Bukod sa mga ahas na alagad ni Drake."

Tumango siya bilang tugon. Wala siya sinabi pagkatapos nun. Ano kaya iniisip niya? Kung may ability lang ako na mind reader katulad ni Blaize, hindi sana ako mahihirapan intindihin siya.

Itutuloy...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top