CHAPTER 3: NIGHTMARE

CHAPTER 3: NIGHTMARE

Tyler's POV

"Gusto ko na matapos ang lahat ng ito. Pagod na ako sa kakatakbo. Kung hindi ko rin naman siya matatakasan mas mabuti pa sigurong mamatay na lang ako."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Eris. Gusto ko siya batukan pero mukhang hindi ko na kailangan gawin yun. Isang sampal ang tinugon sa kanya ni Lola Augusta.

"Hindi kamatayan ang sagot sa problema. Alam ko mahirap ang pinagdadaanan pero hindi tamang wakasan mo ang buhay mo dahil doon. May mga taong namatay kahit na gusto pa nilang mabuhay. Tapos ikaw sasayangin mo lang dahil sa problema mo? Anak ka ba talaga ni Sabrina? Kilala ko ang magulang mo na matapang. Kahit na anong hirap pinagdaanan nila, kailanman hindi nila naisip na sumuko," sermon niya kay Eris. Tumango na lang bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Mukha naman natauhan si Eris.

"Sorry... Hindi ko na po talaga alam gagawin ko. Tuwing matutulog ako lagi ko siyang napapaniginipan. Kapag naman gising ako hindi mawala ang takot ko dahil sa sumpa niya," iyak niya.

"Iyakin," pang-aasar ko. Ayaw na ayaw ko nakikita ko siyang umiiyak kaya palagi ko siyang inaasar. Kapag kasi inaasar ko siya nakikipagsagutan siya sa akin.

"Hindi ako iyakin," sagot niya sabay punas ng luha niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Iyakin ka kaya. Tulo pa nga sipon mo kapag umiiyak ka noong bata tayo."

Namula siya sa sinabi ko. Tumalim lalo ang tingin niya.

"Ikaw nga dugyutin eh. Laging madungis parang hindi naliligo," sagot niya sa akin.

"Kahit madungis ako, gwapo pa rin."

"Yuck! Pangit ka kaya."

"Sus! Crush mo nga eh," biro ko sabay ngisi. Natigilan siya bigla sa sinabi ko. Pansin ko na mas namula ito lalo.

"H-hindi ah! Kapal mo. Never kita magugustuhan," aniya sabay iwas ng tingin.

"Alam ko. Nagbibiro lang ako," sabi ko sabay tawa.

"Mukhang ayos na ang pakiramdam mo. Maiwan na namin kayo," sabi ni Lola Augusta sabay tayo. Sumunod naman sa kanya si Benjamin. Pagsara nila ng pinto nagkatinginan kami ni Eris.

"Hindi ka ba babalik kila Zeque? Kailangan mo pa mabawi ang katawan mo " tanong niya.

"Kaya na nila yun. Gagawan naman siguro ni Zeque ng paraan para makabalik ako sa katawan ko. Sasamahan muna kita dito."

"Kwentuhan mo ko tungkol sa inyo habang wala ako."

"Ayun lang ba? Makinig ka mabuti," masayang sabi ko at saka umupo sa tabi niya. Marami ako gusto ikwento sa kanya tulad ng pagiging bata ni Athena at yung tungkol kay Erie. Nakwento ko din sa kaniya ang pagiging immortal ni Athena at ni Blaize.

"Hindi na ako magugulat doon. Mahal nila masyado ang isa't-isa," komento niya sabay ngiti.

"Oo nga eh. Hindi pa ako nag-uumpisa, talo na ako agad kay Blaize."

Biglang nalungkot ang mukha niya. At binigyan ng tingin na akala mo nakaawa ako.

"Anong tingin yan? Hindi naman kasing tindi ng kay Blaize ang nararamdaman ko kay Athena. Oo, gusto ko siya pero..." natigilan ako bigla. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? Hindi naman importante yun. Saka hindi naman siya nagtatanong.

"Pero?" tanong niya na akala mo interesado siya sa sasabihin ko.

"Wala. Matulog ka na ulit," sabi ko na lang sa kanya.

"Ayoko. Mapapaniginipan ko nanaman siya," reklamo niya.

"Ako kasi isipin mo para ako mapanaginipan mo," biro ko sa kanya.

"No thanks. Baka lalo ako bangungutin kapag ikaw napanaginipan ko."

"Sa gwapo kong ito hindi ka babangungutin. Matutuwa ka pa nga eh."

Tinaasan niya ako ng isang kilay saka inirapan.

"Pasalamat ka spirit ka lang kundi tinamaan ka na sa akin."

"Thank you," pilosopong sabi ko sabay tawa. Simaan niya naman ako ng tingin. Sarap niya talaga inisin. 

"Ewan ko sayo Dwayne! Lumayas ka nga sa tabi ko. Matutulog na ako."

"Ayaw mo ko katabi? Bahala ka diyan kapag ikaw binangungot nanaman."

"Mas gusto ko pa bangungutin kaysa katabi ka."

"Ikaw bahala. Aalis na ako."

Tumayo na ako at iniwan siya mag-isa sa kwarto. Nasa sala lang nakaupo. Makalipas ang dalawang oras, sinilip ko si Eris. Naabutan ko siyang natutulog at tulad kanina pinapawisan nanaman siya habang pagalaw-galaw ang ulo niya. Akala mo may hinahanap.

"Wag Drake... maawa ka sa akin," aniya sabay taas ng kamay niya sa katapat ng ulo. Humawak siya ng mahigpit sa higaan niya habang sumisipa.

"Tama na! Ayoko na Drake! Please..." umiiyak na sabi niya. Kung titignan ang sitwasyon ni Eris ngayon, mahahalatang hindi maganda ang pinagdaanan niya kay Drake. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Pangako ipapahiganti kita kay Drake," sambit ko. Gusto ko siya hawakan pero wala pa sa akin ang katawan ko.

Dumilat bigla si Eris habang lumuluha. Nang mapansin  niya ako sa gilid, pinunasan niya ang luha niya saka tumalikod sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala ka bang balak sabihin sa akin kung ano kahayupan ginawa sayo ni Drake?" seryosong tanong ko sa kanya. Kanina ko pa siya hinihintay na magkwento tungkol sa nangyari sa kanya.

Napayakap siya sa kanyang sarili saka bumaluktot. Kahit hindi ko siya nakikita alam ko tahimik siyang umiiyak.

"Kung ayaw mo sabihin hindi kita pipilitin pero tandaan mo nandito lang ako. Poprotektahan kita kay Drake. Konting hintay lang makakabalik din ako sa katawan ko. Kapag nangyari yun magkasama natin lalabanan si Drake. Kung kinakailangang patayin ko siya, gagawin ko para lang maging maayos ka. Pangako yan."

Nilingon niya ako. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Salamat Tyler. Pangako sasabihin ko sayo lahat kapag nabawi mo na ang katawan mo."

"Ayos lang kahit Dwayne ang itawag mo sa akin. Ayun naman tawag mo sa akin noon," nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi na siya muli nagsalita pagkatapos nun. Tumagilid lang siya muli at tumunganga. Wala na talaga siya balak matulog dahil sa napapanaginipan niya. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa mag-umaga.

"Apo, paubos na ang mga sangkap natin. Ito pera bumili ka sa bayan," sabi ni lola Augusta kay Benjamin.

"Saan yung bayan? Sama ako," sabi ni Eris.

"Malayo yun dito," tugon ni Benjamin.

"Isama mo sila. Para may alam silang lugar dito," sambit ni Lola Augusta.

"Okay," walang emosyon na sabi ni Benjamin. Nauna siya maglakad sa amin. Nakasunod lang kaming dalawa ni Eris sa kanya. Sumakay kami sa may tricycle niya at ayun ang ginamit namin papuntang bayan.

May nadaanan kaming iilang bahay at palayan. Bihira lang ang sasakyan sa kalsada pero nung nalapit na kami sa sinasabi nilang bayan, bumungad sa amin ang maraming tao.

"Wag kayo lumayo sa akin baka maligaw kayo," paalala sa amin ni Benjamin pagkababa namin ng sasakyan.

Nag-umpisa na siya mamili habang kami nakasunod lang sa kanya. Tinignan ko si Eris tahimik lang nagmamasid sa paligid. Napadaan kami sa may tindahan ng baboy kung saan hinihiwa ng tindero ang baboy na bagong katay lang yata. May mga dugo pa na nagsisitalsikan dito habang hinihiwa ito.

"Kapag hindi ka pa naglakad, maiiwanan tayo," sabi ko kay Eris dahil natulala lang ito.

"Nagugutom ako. Ilang araw na ako hindi nakakainom ng dugo," aniya habang nakatingin pa rin sa may baboy.

"Ano ginagawa niyo diyan? Sinabi ko na sa inyo wag kayo lumayo," balik ni Benjamin sa pwesto namin. Hinawakan niya sa may bandang siko si Eris upang hilain ito. Napansin niya yata na wala ito balak maglakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Benjamin. Bigla kasi ito lumiko sa ekinita.

Tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa konti na lang ang taong nadadaanan namin. Lumiko ito sa may pagitan ng dalawang bahay. Masikip lang ito. Hindi magkakasya ang dalawang tao kung magkatabi silang maglalakad. Diretso  lang lakad ni Benjamin habang sa likod niya si Eris. Pagkarating namin sa may bandang gitna huminto siya at hinarap si Eris.

"Gusto mo ng dugo?" tanong niya bigla kay Eris. Hindi siya nito sinagot pero halatang gusto niya.

Hinawakan niya sa balikat si Eris saka sinandal sa pader.

"Ano gagawin mo?" gulat na tanong ko nang tumapat siya sa harapan ni Eris. Pareho na silang nakatagilid kaya nagkasya silang dalawa. Yun nga lang sobrang lapit nila sa isa't-isa. Halos magkayakap na sila sa posisyon nila.

"Bibigyan ko siya ng dugo," sagot ni Benjamin na parang wala lang sa kanya ang sinasabi niya.

"Wag mo sabi--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sugatan niya ang braso niya at agad itong dinikit si labi ni Eris.

Nagulat si Eris sa ginawa niya pero hindi din ito nakatiis at hinawakan ang braso ni Benjamin para kagatin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Malayo sa ugali ni Benjamin ang pagpapainom ng sariling dugo. Akala ko isa siya sa mga walang pakialam sa iba.

Mukhang hindi nakutento si Eris sa may braso ni Benjamin. Ibinaba niya ito at itinulak si Benjamin. Habang nakahawak sa balikat ni Benjamin, nilapit niya ang ulo niya sa bandang leeg nito. Gusto ko siya awatin pero alam kong hindi ko na siya mapipigilan dahil sa bloodlust. Goodluck na lang kay Benjamin. Sana kumalma si Eris bago pa siya maubusan ng dugo.

Kinagat ni Eris  ang leeg ni Benjamin. Wala naman reaksyon si Benjamin kahit may bampirang nakagat sa leeg niya.

"Bakit hindi mo ko pinigilan?" tanong ni Eris sa kanya. Tumigil ito sa ginagawa niya.

"Bakit kita pipigilan? Ako may kasalanan kung bakit hindi ka nakapagil."

"Salamat. Kung hindi mo ko hinila kanina baka nagwala na ako doon. Kamuntik na ako mawala sa sarili dahil sa bloodlust."

"Napansin ko yun kaya inalok ko sayo ang dugo ko. Bumalik na tayo sa bilihan," sambit ni Benjamin at katulad kanina nauna nanaman ito maglakad. Kahit na nasa harapan niya ako hinayaan lang niya ang kanyang sarili na daanan ako. Ganun din si Eris na tumagos lang sa akin. Kung hindi ko sila kilala, iisipin kong hindi nila ako nakikita.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top