CHAPTER 1: ERIS
CHAPTER 1: ERIS
Alyza's POV
"Nakita din kita, Alyza. Wala ka na kawala sa akin," sambit ni Drake habang nakangisi. Tinaas niya ang kamay niya upang hawakan ako.
"Aaahhhh!" sigaw ko sabay bangon nang biglang maging cobra ang kamay niya.
Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong nasa may tabi pa rin ako ng mga taong walang tirahan katulad ko. Nakatingin sila sa akin dahil siguro sa biglaang pagsigaw ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko habang inaalala ang napanaginipan ko kanina. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong nakatakas ako kay Drake.
Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon at kung bakit mag-isa lang ako nakita sa may gubat. Maaring sinadya nila yun para makita ko ang epekto ng sumpang nilagay sa akin ni Drake.
Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari sa ginang na nagtangkang tumulong sa akin. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, sana hindi ko na lang sinabi ang pangalan ko. Sa sobrang takot ko na malaman ng iba na sa akin nagmula ang ahas na pumatay sa ginang na tumulong sa akin, tumakas ako agad at iniwan ang ahas. Akala ko hindi na ito makababalik sa akin kapag nakalayo ako pero nakpansin ko na lang bigla na nasa braso ko na ito ulit.
Napabuntong hininga ako saka tumayo sa karton na hinihigaan at nag-umpisang maglakad para maghanap ng maiinom na dugo. Ito ang kauna-unahang beses na natulog ako sa daan.
"Bampira."
Napatingin ako sa matandang babae na nakaupo sa upuan. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
"Bampira ka, tama?" ulit nito.
"Paano mo po nalaman?" tanong ko. Wala ako sa Outlandish ngayon kaya nakakapagtaka na may nakakaalam tungkol sa bampira.
"Pula ang mga mata. Ako nga pala si Augusta. Ano pangalan mo iha?"
"Eris," sambit ko sabay ngiti. Ito ang kauna-unahang nagpakilala ako gamit ang pangalawa kong pangalan. Si Tyler lang naman ang madalas tumawag sa akin na Eris maliban kila Mama. Kung tama ako sa pangalan na Alyza lang gagana ang sumpa, ayos lang kahit na gamitin ko ang pangalan kong Eris.
"Eris, isa ka bang Fiester?"
Gulat ko siyang tinignan nang banggitin niya ang apelyido ko. Konti lang ang nakaalam na isa akong Fiester dahil mas kilala ako sa apelyido na Black.
"Base sa reaksyon mo. Isa kang Fiester. Ako ang nagpaanak sa iyong ina kaya alam ko na isa kang Fiester. Ano ginagawa mo sa mundong ito? Hindi ka dapat nandito. Idagdag pa na sa Manila ang ang tahanan ng inyong ina sa mundong ito."
Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Pagkatapos ko ikwento sa kanya ang lahat medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naisip ko na hindi na ako nag-iisa.
"Maari ko ba makita ang marka ng sumpa sayo?"
Tinanggal ko ang pinulupot kong tela sa braso ko para ipakita sa kanya ang ahas na nasa braso ko.
"Marka nga ito ng isang ahas. Madalas nila ito ginagamit sa mga gusto nila kainin."
"Alam mo po ba kung paano alisin ang sumpa?"
"Maalis ang sumpa oras na alisin ito ng mismong naglagay o oras na namatay ang naglagay."
Nawalan ako bigla ng pag-asa dahil kailangan ko pa hanapin si Drake para lang maalis ang sumpa. Malabong alisin niya ng kusa ang sumpa pero pwedeng patayin ko siya para matapos na ang lahat.
"Mas mabuting magpatulong ka sa mga celestial guardian kung balak mo siyang labanan. Kung mag-isa ka lang hindi mo sila kakayanan."
"Ayoko pong mapahamak sila. Paano kung aksidente nilang matawag ang pangalan ko? Saka hindi ko din po alam kung paano ako hihingi ng tulong sa kanila," malungkot na sabi ko.
"Hindi ba tinuro sayo kung paano mag-summon ng celestial guardian?"
"Hindi po. Pwede po ba yun?"
"Konektado kayo ng celestial guardian at eternal child kaya maari mo silang tawaging kahit kailan mo gusto. Bakit hindi ka muna sumama sa akin sa kubong tinutuluyan ko? Ituturo ko sayo kung paano tawagin ang mga celestial guardian kahit malayo sila sayo," alok niya. Pumayag naman ako dahil wala din naman ako ibang pupuntahin.
"Suotin mo na muna ito. Pasensya na maliit lang itong tirahan ko. Dalawa lang kami ng apo ko na nakatira dito. Nasaan na nga ba ang batang yun. Benjamin! Nasaan ka?"
Inabutan niya ako ng damit pamalit. Gusto ko sana tanungin sa kanya kung nasaan ang banyo pero hindi ako nakapagsalita dahil sa dami ng sinabi niya.
"Benjamin! Saan nanaman kaya yun? Umalis lang ako saglit, nawala na siya sa higaan niya. Paigipin ko sana siya ng tubig para makaligo ka."
"Ako na lang po mag-iigip. Saan po ba?"
"Sigurado ka iha? Malayo ang balon sa banyo. Kung gusto mo sa may hotspring ka na maligo para hindi ka na nagbuhat."
"Saan po yung hotspring?"
"Sumunod ka sa akin. Ituturo ko sayo. Ginawa iyon ng apo ko para may paliguan kami. Dalawa lang naman kami nandito. Ayos lang ba sayo na maligo doon? Baka hindi ka sana na maligo sa labas."
"Ayos lang po. Wala naman pong ibang tao dito bukod sa inyo."
Sa panahon ngayon hindi ko muna paiiralin ang kaartehan ko. Isipin ko na lang na parang nagswimming ako. Wala naman siguro maninilip sa akin dito.
Malayo ang nilakad namin bago namin marating ang hotspring na sinasabi niya. Napapalibutan ito ng puno at sa taas ng hotspring may net na sumasalo sa mga dahon na nahuhulog mula sa puno. Malinis ding ang tubig nito kahit papaano. Napatingin ako kay Lola Augusta nang bombahin niya ang nakatayo water pump. Ngayon lamang ako nakakita ng ganun.
"Magbuhos ka muna dito bago ka lumusong sa hotspring. Nakalimutan ko dalhin yung sabon. Kukunin ka lang saglit. Balikan na lang kita. Oo nga pala! Wag mo kakalimutan tanggalin ang damit mo bago lumusong para hindi madumihan masyado ang ang tubig," paalala niya sa akin. Tinanguan ko siya bilang tugon. Nang makaalis siya nag-umpisa na ako magtanggal ng damit. Tanging underwear ko lamang ang naiwan. Wala naman siyang sinabi na pati bra at panty tanggalin. Hindi rin ako komportableng maligo sa labas ng wala suot na kahit ano. Pagkatapos ko sundin ang sinabi sa akin, lumusong na ako sa tubig.
Gumaan ang pakiramdam ko habang nakababad sa mainit na tubig. Parang may kung anong mahika ang meron dito na nagpaparelax sa akin.
"Ito na shampoo at sabon mo," sabi sa akin ni Lola Augusta. Nilapag niya ang laglagyan sa maliit na upuan.
"Salamat po," pagpapasalamat ko. Nagpaalam na siya na maghahanda ng makakain.
"Ano na gagawin ko pagkatapos?" tanong ko sa aking sarili. Alam ko na hindi ako pwede magtagal. Ayokong madamay pa sila sa pagtatago ko kay Drake.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, napansin ko ang isang lalaki na nakatayo gilid.
"Sino ka?" tanong nito sa akin habang nakatingin ng masama.
"Eris," maikising sagot ko. Siya siguro yung tinutukoy ni Lola Augusta na apo niya. Hindi sumagot. Sinuri lang niya ang paligid saka muling binalik ang tingin sa akin. Kalmado na ang mukha nito pero nasobrahan naman sa pagkaseryoso. Naalala ko bigla si Blaize at kuya sa kanya.
Napayakap ako bigla sa aking sarili nang bumaba ang tingin niya. Nawala sa isip ko na nakabra lang pala ako.
"Hanggang kailan mo balak titigan ako? Bastos ka din eh no," inis na sabi ko habang namumula.
"Sorry. Tatoo ba yang nasa braso mo?" tanong niya. Parang wala lang sa kanya na naliligo ako.
"No," sagot ko sabay takip ng doon sa ahas na nasa braso ko. Nilubog ko lalo ang katawan ko para ulo ko na lang ang makita niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang wala siyang balak iwan ako.
May binulong ito na salita na hindi ko maintindihan.
"Waaaahhh!" sigaw ko nang biglang naging korteng tentacles ang tubig. Mupulupot ito sa sa leeg ko habang iba pinipigilan ang katawan ko na nasa ilalim ng tubig.
"Isang tanong, isang sagot. Sino ang lola ko?" tanong niya.
"What the hell?! Anong klaseng tanong yan? Ikaw Benjamin, tama? Apo ni lola Augusta," tugon ko.
"Sabi ko isang tanong isang sagot lang. Pero tama ang sinabi mo. Bisita ka ba niya?"
Humigpit lalo ang mga tentacle na nakapulupot sa akin at unti-unti akong hinila. Pailalim sa tubig. Balak pa niya yata ako lunurin.
"Stop it!" sigaw ko bago pa ako tuluyang lumubog ang ulo ko. Umilaw ng kulay asul ang bracelet ko at biglang nagpirapiraso ang mga nakapalupot sa akin. Napaubo ako dahil ang ibang tubig nalunok ko. Kumalma na ang tubig.
"Balak mo ba ako patayin? Bisita ako ng lola mo," inis na sabi ko.
"Okay," sagot na lang niya sabay alis na parang walang nangyari. Lalo nag-init ang ulo ko sa kanya.
"Hey you!" sigaw ko sabay hagis ng water ball sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun ang importante makaganti ako sa kanya.
Tumigil ito sa paglalakad nang mabasa ko siya.
"Naghahanap ka ba ng away?" tanong niya habang nakangiti.
"Sino ba nag-umpisa nito? Diba ikaw?" tugon ko habang nakangiti din. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Nagtitigan kaming dalawa na para bang pareho namin hinihintay ang sunod na galaw ng bawat isa. Nahinto lamang ito nang isang stick ang humampas sa ulo ni Benjamin.
"Ano ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap," sermon sa kanya ni Lola Augusta.
"May ginawa bang masama sayo ang apo ko? Pasensya ka na. Ayaw na ayaw niya sa mga babae dahil maiingay daw ang mga ito," paumanhin sa akin ni Lola Augusta.
"Lola!" angal ni Benjamin pero sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Tulungan mo ko maghanda ng makakain," hinila na siya nito paalis pero bago yun sinamaan ako ng tingin ni Benjamin. Inirapan ko lang siya at tinuloy ang pagligo.
Umahon na ako na ako at nag-umpisang magsabon. Binilisan ko na ang pagligo para makabihis ako agad. Baka mamaya may dumating nanaman na ibang tao. Bumalik na ako sa bahay nila Lola Augusta.
Pagpasok ko sa loob masamang tingin agad ni Benjamin ang sumalubong sa akin. Tinugunan ko naman ito nang masamang tingin. Nang mapansin ito ni Lola Augusta, pareho kaming pinagsabihan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top