Trilogy: I Knw Wer Cool (part 1)
I Know We're Cool
By: Athena Manzano - Tan - acheena21
(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari. At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay. The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18. Minors, please be responsible in reading this fanfic. )
Chapter 1:
"Mam, your meeting in the boardroom in ten minutes." Paalala ng secretary niya.
"Ok. Sino nga ulit ang kameeting ko and ano agenda?" tanong naman niya.
"Si Big boss po Mam ang nagpatawag at wala pong sinabi kung ano agenda." Matipid na sagot nito.
The big boss means the president of the company where she is working. The big boss also means her fiancée.
Napatango lang si Mariel. Although she's wondering kung anong pagmemeetingan kasi walang agendang sinabi ang sekretarya at wala ding nasabi ang kasintahan sa kanya.
Pumunta siya sa comfort room na nasa loob din ng kanyang opisina to freshen up. After a few minutes, she headed towards the elevator para pumanhik sa conference room.
Siya lang mag-isa ang nasa elevator. May nalanghap siyang pamilyar scent ng perfume. That scent brought shiver to her spine and brought a sly smile on her face. How she missed that distinct smell.
Tumunog ang bell hudyat na dumating na siya sa floor kung saan gaganapin ang meeting. She's back to her serious self.
Nasa loob na ang mga kameeting ayun sa secretary ni Big Boss. Tumango lang siya at pumasok na sa conference room matapos itong bigyan ng matipid na ngiti.
"O Hon, you're here na pala." Ang bati sa kanya ni Big Boss.
"They'll be here anytime soon. Please have a seat." Sabay turo ni Big Boss or kilala din as Miguel sa kapamilya at mga taong malapit dito.
Miguel is a stern boss at masyado din itong seryoso na tao. He hardly smiles pero di pa rin maikakaila ang kagwapuhan nito. He has striking eyes that would surely melt the ladies heart if he smiles.
"What's this meeting all about?" di na rin siya nakatiis at tinanong ito sa pagmemeeting. The last thing she wants is to go to a meeting na wala siyang alam sa pag-uusapan.
OC or Obsessive-Compulsive sa trabaho si Mariel. She wants to be prepared of the battle at all times. She cannot afford to make a mistake. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang magmukhang tanga.
"Nothing really serious. The new head for our overseas branches will be introduced. He will be here to know the in and out of the business. By the way, he will be working closely with you. I want you to be the one to guide him." Ani ni Miguel
Tumango lang si Mariel. What's new about it. Yun ang trabaho niya. She's the vice-president for business development so she knows the business quite well and she's the right person to talk to.
Umupo na siya and got busy reading and answering email thru her Blackberry. Hindi niya namalayan ang pagpasok ng hinihintay na magiging kameeting nila.
Nasinghap na naman ni Mariel ang pamilyar na amoy na iyon and she can't help herself na samyuin ang amoy na iyon at hindi niya namalayan na napapikit siya.
"Ms. Concepcion, Ms. Concepcion... Mariel." Tumikhim pa si Miguel habang tinatawag siya.
Biglang napadilat si Mariel at nanlaki ang kanyang mata sa nakita.
"Mariel, meet our new head for overseas operation, Mr. Simon Santos." Pagpapakilala ni Miguel sa bagong dating kay Mariel.
Parang napako si Mariel sa inuupuan sa nakita but she was quick to regain her composure back and flashed her usual smile and extended her hand to Simon.
Maging si Simon ay nashock din pagkakita sa kanya. He flashed his signature bedimpled smile to this girl who's very familiar to her.
"Mariel! It's nice to see you again." Nakangiting sambit ni Simon habang tinatanggap nito ang kamay na inixtend ni Mariel.
"Simon, it's been years."
Parang may kuryenteng sumapi sa kanilang dalawa sa muling pagdaup ng kanilang palad matapos ang ilang taong di pagkikita.
"You know each other?" tanong ng bagong dating na sumulpot sa likod ni Simon.
Naging hudyat iyon para bitawan ni Mariel ang kamay ni Simon.
"You know each other?" Ulit na tanong ni Celine na kapatid na doktora ni Miguel. "Hi Baby, sorry I was late. Got tied up in the hospital again." Sabay halik sa pisgi ni Simon at ipinulupot ang braso sa beywang nito. "Hello Mariel." At bumeso din ito kay Mariel at muling ipinulupot ang kamay sa beywang ni Simon.
"Yeah, I've know Mariel before I went to the States." Pagpapaliwanag ni Simon pero hindi pa rin mawalawala ang ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.
"That's awesome Baby. Atleast you won't be having a hard time learning the intricacies of the business kasi Mariel is very good. And by the way Baby, Mariel is my soon to be sister-in-law. She'll be tying a knot with the most eligible bachelor na super pogi pag magsmile sana na brother ko." Sabay kindat kay Miguel na nagpang-abot na ang kilay sa ginagawa ng kapatid.
"Ok enough with this chitchat. Let's get down to business. Everyone, let's take our seats now as we start this meeting." Seryosong sambit ni Miguel.
Ikot mata at taas kilay na lang ang ginawa ni Celine at umupo na din ito sa tabi ni Simon. Si Mariel naman ay bumalik sa kanyang pwesto na iksaktong nasa kabisera ni Simon.
Habang nagprepreside ng meeting si Miguel at iniexplain nito ang mangyayari sa kumpanya ay hindi maiwasan ang mga nakaw na sulyap nina Mariel at Simon sa isa't-isa. Nung minsang nagpang-abot ang kanilang mga tingin ay pasimpleng kinindatan ni Simon si Mariel na dati pa nitong ginagawa many years ago. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mariel at inilipat ang tingin kay Miguel.
Bumuntunghininga si Mariel at muling binalikan ang nakaraan.
Chapter 2:
10 years ago.
"Ate, sige na. Payag ka na please. Tsamahan mo na ako sa partying yun. Please!!!!" pangungulit ng pinsan ni Mariel na si Babe na samahan siya nitong pumunta sa gustong puntahan nito.
"Ano ba Babe, tigilan mo nga ako. Ayokong sumama dun." Tangi pa rin ni Mariel sa pinsan. Gusto nitong mag-attend sila ng speed dating na event na inorganize ng isang kaibigan ni Babe na si Vannie.
"Ate naman tsige na po! Sama na ikaw!" at pumulupot na ito sa kanya na parang linta para lang talaga mapapayag ito sa gusto. Spoiled sa kanya ang pinsan at minsan minsan lang talaga niya ito tinatangihan.
"Ayoko!" matigas pa rin sa pagtangi ni Mariel at binarahan ng alis ang nagsusumamong pinsan.
*******************************************************
"Wow ang daming tao pala! Ang tsaya-tsaya!" napapalakpak na sambit ni Babe.
Bumuntunghininga lang si Mariel. Wala din siyang nagawa. Di rin niya natangihan ang pinsan. Inaraw araw siya nitong sinusuyu hanggang pumayag siya.
Medyo marami-rami din ang mga participants sa speed dating na iyon. Allergic si Mariel sa salitang speed dating kasi she felt so desperate para sa ganito. She never had a boyfriend yet and she's already 20 years old. Maraming nanligaw pero di naman niya nagugustuhan. May hinahanap siyang kuryente kung tawagin.
Men of all sizes and races are there so as the women. Hindi pala pipitsuging speed dating itong naattendan nilang magpinsan. Well hindi nga talaga kasi knowing Babe's friend Vannie. She's infact a daughter of a politician kaya marami itong connection.
"Ate, ang cute nung isang yun oh." Sabay turo ni Babe dun sa isang kumpol ng lalaking matatangkad na nasa bandang harap nila.
"Umayos ka nga pwede ba!" Sabay hila nito ng damit niya na pinangigilan nito.
"Ate naman, smile ka na. Who knows baka dito mo na makita si Prince Charming mo. Who knows baka makuryente ka dito. Ikaw din!" nakabungisngis na sabi Babe sabay kindat sa pinsan.
Ikot-mata sabay iling na lang ang naisagot ni Mariel.
"Babeeeee!!! There you are. Thanks for coming ha! Hi Mariel!" masayang bati sa kanila ni Vannie matapos sila nitong ibeso.
"Halina kayo guys, dun na tayo sa side ng mga babae. This is going to be fun! Nakita niyo ang mga boys? Ang cute nila di ba. Hay nako di naman ako pwedeng sumali kasi ayan oh nakita niyo yung bantay ko?" nakalabing sabi ni Vannie. Nandun kasi ang boyfriend nito kaya di talaga ito pwedeng sumali.
"Pero the most important is kayong dalawa. Sana meron kayong makita dito tonight!" Kinikilig na sambit nito.
Pagka-upo nina Mariel at Babe ay siya namang pag-umpisa ng programa.
"Ladies and Gentlemen, please settle down now. We're about to start our activity." At nagpatuloy na ang celebrity host sa pagwelcome at pag-explain sa kanila ng mechanics ng meet and greet na iyon.
All the ladies will be seated in the inner part of the tables while the men will be in the outer part since they will be the one to circulate. Each participant will be given 3 minutes to talk and once the bell will ring then it's time to move on. Dapat walang pwersahan kung baga and everyone was instructed to have fun.
From a far ay may isang nilalang na kanina pa sinusundan ng tingin si Mariel. He find her so cute in her white dress and he can't wait na dumating ang time na sila na ang magkakaharap. Pero laking himutok niya nung matantong 2nd to the last niyang makasalumuha ang babaeng kanina pa tinitingnan
Nag-umpisa na sa wakas ang "speed dating" at magkasunod sila ni Babe ng upuan. Ang inaakala ni Mariel dati na di siya mag-eenjoy ay nagkamali siya. She's having the time of her life. Minsan kinikilig siya sa mga nakakasalamuha. Meron din natatawa siya. Pero syempre di pa rin mawawala ang mga boring na kausap pero dahil mabilis naman so naeexcite siya sa maaring mangyari sa susunod.
Pero sa lahat ng nakadaupang palad ni Mariel ay wala pa rin siyang ni isa sa mga ito na naramdamang kuryente kung tawagin until dumating ang lalaking kaharap niya ngayon. Ang lalaking may magandang ngiti. Ang lalaking pagkalapat pa lang ng kanilang kamay ay tila may kuryenteng dumapo pareho sa mga kamay na parehong at parang tumigil bigla ang mundo dahil pangyayaring iyun.
Chapter 3:
"Hi I'm Simon." Pagpapakilala ni Simon sabay ngiti. Lumitaw ang mapuputing mga ngipin nito at not so visible dimples just within his cheekbone lines. Nacucutetan si Mariel sa malalaking front teeth ni Simon.
"I'm Mariel" and she smiled shyly.
Pareho silang natigilan sandali nung parehong naramdaman ang kuryenteng dulot nung magkadaupang palad. At muling napangiti sa isa't isa.
Their conversation when well. May mga guide questions na binigay ang organizers that were basic informations for them to know the details of each participants. If there will be enough time, that's the opportunity they will be discussing about other things.
Medyo napaganda ang usapan ni Mariel at Simon at naputol iyun nung marinig nila ang bell.
"It's nice knowing you Mariel."
"Same here Simon"
"Can we talk after this exercise?" seryosong tanong ni Simon.
Ngiti lang ang nagawang isagot ni Mariel dahil kinailangan na talagang tumayo ni Simon. Bago ito tumayo ay muli silang nagkamay at gayun pa man ay nandun pa rin ang naramdamang kuryente although hindi na kasing tindi nung una.
Nung matapos ang meet and greet na iyon ay natransform ang area kung saan ginanap ang meet and greet to a party area. The big tables were replaced with cocktail tables. This is the real meet and greet party.
The participants were given an opportunity na makisalamuha sa mga nakilala kamakailan lang.
Mariel was standing in one of the cocktail tables alone kasi si Babe lumabas sa maingay na venue sandali para tanggapin ang tawag sa cellphone.
She was simply watching kung ano ang mga nangyayari while sipping the margarita she is holding.
She can't believe na may ganito pala talagang mga activity. And nung una ay iniisip niyang ang aktibidad na ito ay aksaya lang sa oras pero somehow nag-iba ang kanyang pananaw dahil inaamin niya na nag-enjoy siya sa gabing ito.
Aaminin man niya o hindi ay kanina pa hinahanap ng paningin niya ang lalaking naka-usap kanina na nagbibigay kuryente sa kanya. Pasimple ang ginagawang paghahanap ni Mariel at di siya nabigo dahil nakita niya si Simon na ganun din pala ang ginagawa. Ang hanapin siya.
At tila nakiayon sa kanila ang tadhana dahil sa wakas ay muling nagkatagpo ang kanilang mga titig.
Simon held his glass up and gave her a sign of cheers. Tumango siya and raised her class to acknowledged it. They were both sipping their respective glasses but di pa rin iniwan ang titig sa bawat isa.
Clearly may namumuong atraksyon sa kanilang dalawa base sa mga titig at simpleng ngiting binibigay nila sa isa't-isa.
Hindi na rin nakatiis si Simon dahil papalapit na ito sa kinaroroonan ni Mariel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mariel. Hindi iniwanan ng tingin ni Simon si Mariel habang ito'y naglalakad at gayun din si Mariel habang hinihintay nito ang pagdating ni Simon.
Pero bago pa makarating si Simon ay humahangos namang bumalik si Babe. Halatang galing ito sa pag-iyak.
"Babe, anong nangyari?" nababahalang tanong ni Mariel sa pinsan.
"Ate, kailangan ko na umuwi. Sinugod sa ospital si Mama. Nahulog daw sa hagdanan at nawalan ng malay." Naiiyak na sambit ni Babe.
"Halika na. Umalis na tayo dito at dumiretso na tayo sa ospital." Pagmamadaling nagligpit ni Mariel.
Wala sa loob na tumatango tango lang si Babe at di pa rin ito maawat sa pag-iyak.
Papaalis na sina Mariel at Babe nung makarating si Simon kung saan sila nakatayo.
"Hi, uwi na kayo?"
"Hi, yeah. May emergency lang sa bahay nila Babe."
"Can I see you again?" tanong ni Simon kay Mariel.
Bago pa makasagot si Mariel ay napansin niyang muling napaiyak si Babe at nagsimula ng maghisterya.
"Babe, bakit?"
"Ate, sumuka daw ng dugo si Mama." Naiiyak na sambit nito.
"Tara na. Simon, I'm so sorry. We have to go." Mabilis na pagpapaalam ni Mariel dito without even answering his question.
Napabuntunghinga na lang si Simon at tinatanaw ang pag-alis ng dalawang babae. Nanghihinayang siyang di man lang nakuha ang number ni Mariel. Ang dami kasi niyang obstacles na dinaanan kanina. End to end ang pwesto nila at masyadong masikip ang dancefloor kung saan doon siya napadaan.
Muling tinunga ang hawak na beer at nilunod ang panghihinayang.
"We will meet again soon Mariel. God will find a way for us to meet again." Ang malakas na sigaw ng utak ni Simon.
Chapter 4:
One lazy Sunday...
Naisipan ni Dani na pumunta ng Ayala and she didn't want to take her car at napagtripan niyang mag MRT na lang. It's been a while that she took the MRT. Ayaw niya kasi ang siksikan pero since it's a Sunday, mas madalang ang sumasakay dun.
She's all by herself. Lagi siyang may ganitong moment. Gusto niyang merong siyang time for herself na wala siyang inaalala.
Tahimik siyang bumababa sa escalator ng Ayala station para makatawid papuntang SM Makati nung biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Mariel?" tila manghang pagbigkas nito ng pangalan niya.
Parang pamilyar sa kanya ang boses na yun pero di niya binigyan ng pansin kasi baka hindi naman siya ang tinatawag nito. Ang dami namang Mariel sa mundo. Pero muli niyang narinig ang pagbigkas ng kanyang pangalan.
"Mariel!" this time may katiyakan na siya nga talaga ang tinawag and the voice who's calling her seems to sound so excited.
Lumingon si Mariel kung saan nangaling ang tumatawag and there flashed before her are those nice set of teeth and that nice smile. She's going down and the latter is going up using the stairs.
Itinuro ng kausap na hintayin siya nito sa baba at dali-dali itong bumaba kahit paakyat dapat ito..
Nung pareho na silang nasa baba ay di mawari ang parehong ngiti ng kanilang mga labi.
"Mariel..." nakangiting sambit nito sabay lahad ng kamay.
"Simon..." nakangiti ring tanggap ni Mariel sa kamay nito.
Sa muli, ay nandun na naman ang kakaibang naramdaman nung magpang-abot ang kanilang mga kamay.
"Where are you going?" sabay nilang nabigkas ang katagang iyon at nagkatawanan sila.
"No you go ahead." Nakangiti pa ring sambit ni Mariel at pinauna si Simon sa tanong nito.
"Where are you going? Are you alone?" palinga linga pa ito para matingnan kung may kasama ba si Mariel.
"Wala lang. Nagliliwaliw lang. Na bored ako sa bahay eh kaya naisipan kong pumunta dito. Ikaw?"
"Wala lang din. Ewan ko bakit naisipan ko ring pumunta dito. I'm glad I did!" he said boyishly.
"Hey are doing anything? Can I invite you for a snack or something?" yaya ni Simon kay Mariel.
Medyo hesitant si Mariel kaya mas lalo siyang kinulit ni Simon hanggang pumayag siya. And atlast she did.
Niyaya siya ni Simon na tumawid sila sa Greenbelt kasi mas maraming new restaurant dun.
Hindi maintindihan ni Mariel kung bakit kumportable ang pakiramdam niya pagkasama niya si Simon. Makwento at palabiro si Simon. Hindi ito nauubusan ng topic. Ang dating matipid sa kausap na si Mariel ay naging madaldal na rin at sinabayan ang kabibuhan ni Simon.
Since maaga pa para kumain at busog pa silang dalawa ay napagkasunduan nilang magkape na lang muna. Hindi nila alintana ang oras. Namalayan lang nilang gumagabi na pala kaya they moved to another restaurant to have their dinner.
Naging kumportable na silang tuluyan sa isa't isa. Kahit mga personal na bagay ay napag-usapan na din nila.
"Mariel, if you don't mind me asking, do you have a boyfriend?"
She just smiled.
"Hmmmnnnn playing hard to get ha. Pero is it safe to say na wala coz if you do, di ka sasama sa speed dating na iyon."
"Alam mo naman pala ang eh. Why do you need to ask. I think hindi na rin kita tatanungin kung meron kang girlfriend coz I don't want to stress the obvious. Right?"
"Actually, kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Honestly, a few days after that party." Seryosong sabi ni Simon.
"A few days after the party? You mean you had a girlfriend during that time?" nanlalaki ang matang habang sinasabi ni Mariel ang mga katagang iyon. Kung nagkataon pa lang natuloy ang usapan nung time na iyon ay baka magulo ang susuungin niyang sitwasyon.
Tila nabasa ni Simon ang iniisip ni Mariel kaya mabilis itong nag-explain.
"Hey don't get me wrong Mariel. Malabo na kami nung oras na yun kaya I decided to attend that speed dating. She's already in the states and it became official a few days after that event. She's happily married to her childhood sweetheart." He said smiling.
"What? I'm not thinking anything." Pagtatangi ni Mariel pero halata naman bistado siya.
"Oows. It's ok. No big deal." Sabay kindat nito kay Mariel.
At nagkatawanan silang dalawa dahil nawalan na ng mairason si Mariel at nahahalata ang pamumula nito.
Simon paid for their dinner nung magyaya na si Mariel to call it a night dahil magcocommute pa siya pauwi.
"Can I take you home instead na mag commute ka pauwi? I brought my car with me."
"Huwag na Sie, mapapalayo ka pa eh. I can take the MRT. Mabilis lang naman. In no time, I'll be home na." tangi ni Mariel sa invitation ni Simon.
"No I insist. Please." Pagpipilit pa rin ni Simon.
Hesitant pa rin si Mariel. Hindi siya talaga sanay magpahatid pauwi. She has always been independent all her life and but still Simon insisted.
Chapter 5:
Ang unexpected date na iyon ay nasundan pa ng ibang dates. The night never ended until Simon finally got Mariel's number and that's the start of the never ending phone conversation between the two of them.
Never ending ding trip to Starbucks at kahit abutin sila ng gabi ay di nila alintana. Starbucks seems to be their haven lately.
One night matapos nilang kumain sa Greenbelt ay niyaya na muna ni Simon si Mariel na maglakad lakad bago sila bumaba sa parking lot.
Pumayag naman ang dalaga dahil sobrang nabusog din siya sa kinain nila. Medyo kakaiba na ang napapansin ni Mariel sa mga kinikilos ni Simon that night. He's being extra sweet and caring to her.
Naglalakad silang magkatabi at di alam ni Mariel kung lagi lang bang nasasagi ni Simon ang kamay niya or sinasadya nitong ang pagdaiti ng kanilang mga kamay. lang beses kasi niyang napapansing parang hinahawakan ni Simon ang kanyang kamay.
Biglang bumagal ang paglalakad ni Simon kaya napipilitan si Mariel na bagalan din ang mga hakbang.
Muntik ng mabuwal si Mariel habang naglalakad sila kaya unconsciously ay napakapit siya sa braso ni Simon.
"Ay sorry ha. Muntik na ako dun ah." Gulat na sabi ni Mariel.
Tumango lang si Simon. Kinuha nito ang kamay ni Mariel na nakahawak sa kanyang braso at inilapat ito sa kanyang palad.
Natigilan si Mariel sa ginawa ni Simon. Nanlaki ang kanyang mata nung matanto ang ginagawa ni Simon. Ang isa naman ay nakatingin lang sa dinadaanan nila and never said anything instead he start humming a familiar song.
"Ehem... ang kamay ko po." Di nakatiis si Mariel at sinimulang hilain ang kamay na hawak ni Simon.
Nagsmile lang si Simon pero di pa rin nito binibitawan ang kamay ni Mariel. In fact, he even started swinging their intertwined hands.
Napangiti na lang si Mariel sa ginagawa nito. Pero deep inside her ay kinikilig siyang tunay.
They've been dating for sometime na. Minsan kasama nila si Babe but most of the time, silang dalawa lang.
Biglang huminto si Simon na siyang ipinagtataka ni Mariel.
"Bakit?"
Hindi sumagot si Simon but humarap ito sa kanya pero di pa rin binibitawan ang kanyang kamay. Medyo nakakaramdam na ng nerbiyos si Mariel pero at the same time ay excited din siya.
"Mariel, we've been going out for quite sometime na di ba? I think hindi ka rin naman manhid not to notice what I'm feeling towards you."
Simon is looking straight to her eyes while he was professing.
"The first time I saw you in that party... di mo na ako pinatulog since then. I am always praying every night na sana magcross muli ang ating landas."
Biglang nag skip beat ang puso ni Mariel literally sa sinabi ni Simon.
"I like you Mariel. I liked you from the moment I first saw you. And I believe it was faith that I bumped into you dun sa Ayala station. Actually it's an answered prayer."
Bumuntunghininga si Simon bago nagpatuloy. Binitiwan nito ang kamay ni Mariel and he cupped her face at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.
"I love you Mariel. I am in love with you. Please give me a chance to be make you happy. Please give me a chance to take care of you."
Tears started flowing from her eyes. Pinahiran ni Simon ang mga luhang iyon and he gave her a tight hug.
Hindi na rin natiis ni Mariel ang nadarama because she reciprocated the embrace and buried her face in his chest.
Without saying a word, unti-unti ng bumabababa ang mga labi ni Simon sa mga labi ni Mariel. Hindi nito inalintala na may mga taong nakatingin sa kanila.
Banayad na hinalikan ni Simon si Mariel at di na rin mapigilan ng babaeng tumugun sa halik.
At that moment, everything seems to be in slow motion.
Everything around them seems to be blurry.
All they can see is the two of them passionately kissing.
No words are needed to be said that night. No confirmation either. One thing's for sure, that night and that kiss sealed and started the new chapter of their lives.
Chapter 6:
"Ms. Concepcion...Mariel..." muling tumikhim si Miguel to get her attention.
"Huh!" ang namutawi sa bibig ni Mariel when she came back to earth.
"You seemed to be out of focus today Ms. Concepcion? Are you alright?" kahit stiff si Miguel ay di pa rin maiiwasan ang pag-alala nito sa fiancée.
"Sorry Sir. I was just thinking of the project I'm working on. My apologies." Pagdadahilan ni Mariel pero di niya matingnan ng maayos si Miguel dahil baka mahahalatang nagsisinungaling siya.
Tahimik lang na nakamasid si Simon. He too did lost focus on what Miguel was discussing dahil makailang beses ba siyang panakaw na tumitingin kay Mariel. He can't believe his eyes. He can't believe that he can actually see her again. Ang tagal niyang inasam ang pagkakataong ito. Ang tagal niyang hinintay na dumating ito. Pero bakit ngayon pa? Kung kelan kumplikado na ang lahat. Ang masaklap pa ay lalong naging kumplikado dahil magiging related pa ata sila sa hinaharap.
"Kuya, maybe you're letting Mariel work too much. You should give her a vacation. Right Sis?" at kinindatan ni Celine si Mariel.
Tipid na ngumiti lang si Mariel.
"Well, that's about it guys. Don't forget our dinner tonight at 7 pm in Makati Shangri-la ok? Simon, welcome to the company and we hope that you'll be happy here." And everyone stood up and went to Simon to shake his hand matapos itong makamayan ni Miguel.
Pinakahuling nakipagkamay muli kay Simon ay si Mariel. Ang ipinagtataka ni Mariel ay di agad umalis si Miguel. Muli itong umupo at hinintay ang lahat na makalabas sa conference room.
"See you guys tonight. Pahiram na muna ulit kay Simon ha. Sulitin ko lang yung last day na of vacation because I'm sure starting tomorrow, I would see him less na. Hay nako knowing Kuya's style. It's all gonna be work work work." Ikot mata itong naglilintaya at hinatak na ang kasintahan pagkatapos nitong halikan ang kapatid at si Mariel.
Tango at simpleng ngiti lang ang palitang ginawa nina Mariel at Simon.
Pagkalapat ng pintuan ay tumayo si Miguel at nilapitan si Mariel na tahimik lang nakaupo. Ganun sila palagi. Di pwedeng maunang umalis si Mariel sa lugar kung saan sila nagmemeeting ni Miguel pag hindi pa umaalis ang huli. Baka kasi meron pa itong mga instructions na silang dalawa ang may alam.
Pumesto si Miguel sa likod ni Mariel at minasahe nito ang balikat ng babae. Yun ang malimit gawin ni Miguel kay Mariel pag-alam nitong pagod ang kasintahan.
Napapikit si Mariel habang ginagawa ni Miguel ang pagmamasahe. In fairness to her fiancée, he has ways of making her special kahit medyo stiff at laging seryoso ito. He gives the best massage ever.
Maya-maya ay naramdaman ni Mariel na umikot ang swivel chair na kanyang inupuan paharap kay Miguel.
Nakita niyang naka luhod ang isang tuhod ni Miguel para magpantay ang kanilang height at matama siya nitong tinititigan.
"Why?"
"Am I really slave driving you Honey?" malambing na tanong ni Miguel sa kanya.
Napangiti si Mariel. Mukhang apektado si Miguel sa sinabi ng kapatid kanina kahit biro lang ito. Paminsan-minsan lang ito naglalambing ng ganito. Inilagay niya ang dalawang kamay sa balikat ni Miguel at mataimtim itong tinititigal at nagsmile.
"Sometimes po. Ay hindi pala sometimes, lagi po." And she grinned when she said and she pinched his nose na may halong konting gigil. He's got a nice shape nose. Syete kung tawagin. Well defined like a number 7 where all points are in the right places. Bakit nga ba di ito magkaroon ng ganung feature ay may foreign blood ito.
Tila naging hudyat iyon kay Miguel sa sunod nitong ginawa.
Ang mga kamay ni Mariel na nakapatong sa balikat ni Miguel ay hinawakan nito at tuluyang ipinulupot sa leeg nito. He stood up at kasama nitong itinayo si Mariel and his mouth descended hers and he gave her a passionate kiss. At kahit bansagan man ng iba si Miguel na tuod or very stiff but his kiss never ceased to melt her still.
He is a good and passionate kisser that would bring all girls to their knees to beg for more. Hindi rin kaila sa kanila na maraming babaeng nagkandarapa dito. Alam na alam ni Mariel yun kasi she started as her secretary bago siya nakaakyat sa corporate world.
Pareho silang nag-uumpisa that time. She was newly hired as a secretary of the company and he was the new junior executive who is in need of a secretary. Actually, she's more than a secretary to him kasi naging parang personal assistant pa nito si Mariel who cleans up his mess.
Lahat ng activities nito sa mga dinedate na babae ay alam niya at kasama na dito ang pagtatago niya sa amo.
Di nga ba makailang beses na siyang napadalhan ng regalo at death threats galing sa mga babaeng nalilink nito. Miguel just can't stand to be with one woman at a time. Nung kabataan nito, masyado itong maloko sa mga babae. Kabi-kabila ang mga dinedate nito.
At one point ay pinakiusapan pa siya nitong magpanggap na girlfriend nito para layuan nung isang babaeng ubod ng kulit.
And that led to their so-called relationship.
Nasa isang party sila. Miguel asked her to be his date that night kasi ayaw nito ng kumplikasyon sa buhay. That time ay hindi na siya nito secretary. She was already promoted to head one department pero di pa rin niya mabitiwan ang naipangako kay Miguel na tulong kaya kasama siya nito sa naturang party.
It was a big event of one of their clients and nagkataon na anak ng cliente nilang iyon ang babaeng iniiwasan ni Miguel.
"Please act as my girlfriend tonight Mariel." Paki-usap ni Miguel kay Mariel.
"Why? Alam mo Miguel, let's stop this nonsense. Bakit di mo na lang sabihan si Willow na tan-tanan ka. Kung gusto mo ako na kakausap sa kanya." Ikot-matang sabi ni Mariel.
Naiinis siya bakit kinakailangang masama pa siya sa gulong ito. Dati na siyang nagpopose as his girlfriend pero ito yung pinakamatagal.
"Kakaiba si Willow. Spoiled brat iyon at nag-iisang anak ni Mr. Archer. If I'll tell her that, mapupurnada ang pwedeng ipasok na investment ni Mr. Archer sa kumpanya. Com'mon Mariel, help me out here. Tatanawin kong malaking utang na loob sayo pagnalampasan natin ito. You'll just have to act as my girlfriend for me to get rid of her. Please." Paki-usap pa rin ni Miguel.
Napabuntunghininga na lang si Mariel sa gustong mangyari ni Miguel. She felt uncomfortable kasi ibang level na itong pagpapanggap nila. Miguel is a little touchy already. Kung dati ay hanggang holding hands lang ang ginagawa ni Miguel, ngayon ay umaakbay na ito at idinidikit ang katawan sa katawan niya for them to look believable.
At ngayong gabi, ewan niya kung saan aabot ang pagpapanggap na ito. Kasi naman pinilit siya ni Mommy Cha na kanyang pagawaan ng gown sa style na sinusuot niya ngayon. Nasobrahan sa pagkabare back ang suot niya. Sinabi niya kay Mommy Cha huwag babaan masyado pero nag-insist ang kaibagang designer na mas maganda daw pagmababa ang likod ng gown para makikita ang kanyang magandang kutis.
Pagdating na pagdating nila sa party ay nandun na agad si Willow at pupulupot na naman sana ito kay Miguel pero naunahan ito ng huli dahil kinabig agad nito si Mariel. Na shock man si Mariel ay di siya nagpahalata kasi di lang akbay ang ginawa ni Miguel bagkus ay parang niyakap na siya nito. Miguel became extra sweet sa kanya nung gabing iyon.
"This is all part of the act Mariel. Makijoin ka na lang." dikta ng isip ni Mariel.
"Parang may laman na ang mga yakap at dikit ni Miguel sayo ah." Ang sabi naman ng kabilang isip niya.
Bumuntunghininga na lang si Mariel para mawala ang mga gumugulo sa isip niya.
"Sorry Mariel if I had to do this. I'll explain later."
Pero bago pa makareact si Mariel ay nakabig na siya ni Miguel at hinalikan sa lips. Biglang lumaki ang mga mata ni Mariel at muntik na siyang mabuwal dahil sa kabiglaan. What was supposed to be a quick kiss became intimate and Miguel got carried away. She must admit that she got carried away as well. Miguel is a very good kisser.
That kiss started it all. Mula nung mahalikan siya ni Miguel ay nag-iba na ang lahat ng pakikitungo nito sa kanya. He became extra sweet and attentive to her. May mga oras na tatawag ito out of nowhere at kung tatanungin niya kung bakit ay wala itong maisagot. Wala na rin siyang naririnig na nagdadate ito. Infact mas malimit na siya ang laging kasama nito o di kaya ay pinupuntahan siya nito sa bahay para lang magdala ng pagkain or dun na makikikain.
Pero during that time, wala itong pinagtatapat sa kanya hanggang sa may nagkainteres sa kanya na isa sa mga kaklase nito nung college and asked Miguel's permission na ligawan siya.
Nagmamadali si Mariel sa pagbukas ng pinto dahil sa narining na sunod-sunod na katok.
"Miguel, my God! Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Mariel dito nung makitang gusot ang damit nito ay maga ang bibig.
Pero hindi sumagot si Miguel kundi hinalikan siya nito at niyakap ng mahigpit.
"Miguel, let go of me. What is wrong with you?" tinulak ito ni Mariel nung mabanaag na amoy-alak ito.
"Sorry Mariel. I'm so sorry." Parang nahimasmasan bigla si Miguel.
"Ano ba ang nangyari sayo?" muling nag-alala si Mariel sa kalagayn nito.
Ginagap ni Miguel ang mga kamay ni Mariel bago ito nagsalita.
"Mariel, hirap na hirap na ako. I can't hide this anymore. I am in love with you. And I cannot stand on the thought that you'll end up with someone else. Please give me a chance. Let's make this reel relationship real." Pagsusumamo nito.
"What?" mangha pa rin si Mariel sa pinagtatapat nito.
"Please Mariel. I love you. I never said that to anyone and I never even thought I would say that to anyone. That night when I kissed you at the party, hindi na ako pinatulog simula nun. Marry me Mariel. Be my wife." Sunod-sunod na sambit ni Miguel.
"Miguel, lasing ka lang. Let's talk when you're sober ok. For now, halika sa loob at gagamutin ko yang sugat mo."
Parang batang sumunod naman ito kay Mariel. Hindi ito umalis pagkatapos gamutin. He stayed the night and slept at the sofa.
Kinabukasan pagising ni Mariel ay nakaalis na si Miguel and he left her a note saying that he'll see her in the office.
Napailing lang si Mariel at nagsimula ng magbihis. Pagdating niya sa office ay laking mangha niya nung tumambad sa kanyang paningin ang nangyari sa kanyang office.
Punong-puno ito ng flowers and balloons and there stood in the center of her office is a blue velvet box.
Nanginginig ang kamay na binuksan ni Mariel ang box at tumambad sa kanya ang isang may kalakihang solitaire diamond ring casted in white gold. Napasinghap si Mariel sa nakita at dun pumasok ang may gawa ng lahat ng iyon.
Kahit maga ang bibig at gwapo pa rin itong ngumiti sa kanya at binigyan siya nito ng halik at lumuhod ito at nagpropose sa kanya.
She cannot afford to say no to his sweet gesture. When she dropped the bomb, dun naglabasan ang mga taong naghihintay pala sa reaction niya. Nandun din si Celine na siya pala ang punong abala ng lahat ng iyon.
Niyakap siya nito ng mahigpit and welcomed her to the family. Matapos makapagbati ang lahat ng wishers ay nagkasarilinan silang dalawa ni Miguel.
"Ikaw ha, dinadaan mo ako sa santong paspasan!" pabirong sabi ni Mariel dito.
"Eh, bistado mo na ang style ko sa panliligaw eh." Parang school boy itong napakamot kunyari sa ulo. Pero sandali lang iyon dahil muli siyang kinabig nito at ipinaloob sa yakap nito habang nakasandal ito sa kanyang mesa.
"Maigi na yung mabilisan para mabilis din ang sagot mo. Mahirap na kung magbago pa eh." At muling siyang hinalikan nito.
****************************************************
They're intimately kissing when someone knock on the door at di nila ito napansin.
"Sorry, I must have drop my pen..." hindi natapos ni Simon ang sasabihin dahil sa nasaksihan.
Biglang bumitiw si Mariel and tried composing herself pero di siya humaharap kay Simon.
"I'm so sorry guys. I knocked but no one answered so I thought walang tao. Sorry." Hindi magkandaugagang paghingi ng paumanhin ni Simon.
"It's ok Pare. We're about to leave as well. See you tonight ok?" nakangiting sambit ni Miguel.
"I'll go now. Bye. Thanks." Nauutal na sabi ni Simon at nagmamadaling umalis sa conference room na iyon.
He can't breath. Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya. Parang sasabog ang dibdib niya. He needs to get out of the place... FAST!
Chapter 7:
"I need to do this Baby. Please stop crying."
Hindi niya mapigilan ang pag-iyak. May kinakatakutan siya.
"Com'mon, please stop crying." Pero siya din man ay naiiyak na din so he embraced her para maikubli din ang pagtulo ng luha.
Nagyakapan sila ng mahigpit na mahigpit as if there's no more tomorrow for them.
Simon had to leave the country dahil na approve na ang petition ng daddy nito para maging immigrant din sila sa US. Ito yung araw na ayaw nilang dumating. Gustuhin man niyang pigilan si Simon sa pag-alis ay di naman siya ganun ka selfish para pigilan ang opportunity nitong makasama ang pamilyang matagal ng di nakakasama at syempre para din ito magkaroon ng magandang future.
"Don't be sad Baby. This will just be temporary. Once I'll get my papers, I'll process yours so that we can be together once again." Simon gave Mariel an assurance.
Tumatango-tango lang si Mariel but still she can't control her tears from flowing. She's used to the lifestyle of always having Simon around for 3 years. Halos araw araw silang magkasama o di kaya nagtatawagan. Everything between them is simply blissful.
Sa halos tatlong taon nilang magkasintahan ay nandun na rin ang mga napagplanuhang magpapakasal in the future. Nakikilala na si Simon ng pamilya ni Mariel pero si Mariel ay hindi pa kina Simon. Hindi sa ayaw nitong ipakilala pero wala sa Pilipinas ang buong pamilya ni Simon. Siya na lang actually ang naiiwan sa Pilipinas dahil sa hindi siya na petition agad dahil nag-over age na siya nung dumating ang papeles ng pamilya niya so his application has to be reprocessed.
Pero nevertheless ay alam ng family ni Simon ang tungkol sa kanilang dalawa at nakakausap din ng mga ito si Mariel over the phone.
A week before aalis si Simon ay napagpasyahan nilang magbakasyon na silang dalawa lang to spend time with each other.
They went to Boracay and napagpasayahan nilang kalimutan na muna ang lahat ng inaalala at e-enjoy na muna ang nalalabing oras nilang dalawa.
Sinusulit nila ang lahat ng pagkakataong magkasama sila.
A night before going back to Manila...
"Ano ba, bakit kailangang nakablind fold pa ako. Saan mo ba ako dadalhin?" pagpapanic na sambit ni Mariel.
"Sssshhhhhh, akong bahala sa'yo. O sige humakbang ka. Ayan, hinay-hinay lang." pag-guguide ni Simon sa kasintahan.
Napapahagikhig na si Mariel at kinikilig sa maaring gawin ni Simon. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya kaya di naiwasang magshiver siya.
Napansin pala iyon ni Simon kaya payakap na siya nitong inaakay papunta sa kung saan siya nito dalhin.
Simon asked her to stop walking and unti-unti ay kinakalas na nito ang kanyang piring at napamangha si Mariel nung tumambad sa kanyang paningin.
Candlelight dinner pala ang hinanda ni Simon. May champagne pa at lahat ng nandun ay paborito niyang pagkain.
Masaya nilang pinagsasaluhan ang masarap na pagkain habang walang sawang nagkwentuhan at naglambingan.
Somehow nadisappoint ng konti si Mariel kasi parang may kulang ang dinner na iyon. Everything was perfect except that hindi naman pala nagpropose si Simon na siyang inaakala talaga ng dalaga. Bakit nga ba hindi eh naka candlelight dinner ang set-up pero right at that moment ay wala pa rin itong ginawa.
Nakatayo si Mariel sa may balkonahe ng kanilang room. Ubos na ang champagne. Upos na din ang kandila. Puro na lang left-over ang nasa mesa pero karaniwang dinner lang pala iyon.
Bumuntunghininga si Mariel at niyakap ang sarili dahil nanunuot sa buto niya ang lamig na dulot ng hanging habagat.
Maya'tmaya ay naramdaman ni Mariel ang init na nangagaling sa katawan ni Simon na nakayakap na pala sa kanya mula sa likod.
"Nabusog ka ba Bee?"
Tumango si Mariel at niyakap din ang mga braso ni Simon na nakapulupot sa kanya. Nakahiga ang kanyang ulo sa dibdib ng lalaki habang ang ulo naman ni Simon rested on her shoulder blades.
Nakatingin lang silang pareho sa dagat and there was silence between them. Nasa ganun silang position nung may ramdaman si Mariel na kakaiba lamig na sumilid sa kanyang daliri.
Pasimple palang sinilid ni Simon ang engagement ring nito sa kanya. Maliit lang ang bato ng singsing na bigay nito pero para kay Mariel ay ito na ang pinakamagandang engagement ring na nakita at natanggap niya sa buong buhay.
Iniharap siya ni Simon at lumuhod ito sa harap niya.
"Will you make me the happiest man Mariel? Will you marry me?" nakangiting sambit ni Simon habang hinahawakan nito ang kanyang dalawang kamay habang nakaluhod.
Muling tumulo ang mga luha ni Mariel at the same time ay nakangiti siya. She became speechless.
"Will you marry me Baby?" muling tanong ni Simon dito.
"Yes! Yes! Yes!" sigaw ni Mariel and she threw herself to him.
Chapter 8:
Huminga ng malalim si Mariel at maingat na binuksan ang aparador at inilabas ang isang kahong may katamtaman ang laki.
Dahandahan niyang tinanggal ang lock ng kahon at isa-isang tinitingnan ang mga gamit na nasa loob ng kahon.
Taglay ng kahon ang mga alaala nila ni Simon. Isa-isa niya muling tiningnan ang mga pictures nila. Napangiti siya sa mga makukulit na kuha nila dati. Mahilig sila parehong magpapicture at gunun din ay pareho din silang makukulit. Hinawakan ni Mariel ang larawan na magkadikit na magkadikt ang ulo nila ni Simon. Kuha iyon sa isang coffee shop at di nagpapigil si Simon sa pagpakuha ng picture kahit may hawak itong telepono ay may kausap sa kabilang parte. Nakangiti si Mariel habang si Simon ay kunyaring seryoso. That picture was taken nung bago pa lang silang magkakilala at malimit na tumatambay sa coffee shop gabi-gabi bago sila uuwi.
Nakita din ni Mariel ang mga kuha nila sa Boracay. Muling siyang napangiti sa kakulitan ng mga larawan. Pero natigilan siya nung makita yung larawan nila nung gabing nagpropose si Simon sa kanya.
Nakaputing sundress si Mariel habang nakaputing polo naman si Simon. Nayakayap si Simon sa kanya at ang mga kamay nito ay nakapulupot sa kanyang beywang habang bungisngis si Mariel na pinapakita ang kamay na merong singsing. Meron pa silang kuhang naghalikan habang nakaextend pa rin ang kamay ni Mariel na may singsing.
Sunod na dinampot ni Mariel sa box ay isang maliit na hugis turtle na pulang lagayan ng singsing. Napangiti siya sa lagayan. Kaya pala kinukulit siya ni Simon dati kung alis sa mga sumusunod na animals ang gusto daw niya. Baboy or Turtle. Dahil pala iyon sa lagayan ng singsing.
Matagal na niyang hindi binubuksan ang jewelry case na iyon. Ngayon lang ulit makalipas ang ilang taon.
Di hamak na sobrang liit ng bato nito sa suot niya ngayon na bigay ni Miguel but the ring Simon gave her is very special to her kaya hindi niya magawang ipamigay or ibenta man lang ito or ipagawang iba. Infact hindi niya kayang maglet go sa lahat ng gamit na nandun sa box na iyon.
Nagbabanta ng tumulo ang mga luha niya kaya muli niyang binalik ang singsing sa lagayan at suminghot para mapigilan ang pag-iyak.
Pero tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha nung makita ang mga pictures ni Simon nung nasa America na ito. Mas lalo siyang nagbreakdown nung maalala ang dahilan kung bakit bigla na lang silang naghiwalay.
"Lagi ka na lang walang oras sa akin. Pag tinatawagan kita lagi kang busy." Umiiyak na si Mariel sa telepono habang kausap nito si Simon.
"Bee ano ba? Will you please stop crying! Hindi na ito nakakatuwa ah. Pagod na pagod na ako trabaho tapos ganito ka lagi." Halatang mainit ang ulo ni Simon bahang kausap niya ito.
Nahirapan silang mag-adjust sa isa't isa dahil that time hindi pa uso ang social networking sites at ang cellphone ay pahirapan pa kung magtext ka international kaya lagi silang nagseschedule kung kelan sila mag-uusap. Pero dahil sa different timezones ay tulog si Mariel habang gising naman si Simon and vise-versa.
Pressured masyado si Simon sa trabaho kasi he's climbing in the corporate ladder. Si Mariel naman ay iba ang naging effect ng paglalayo nila ni Simon. Tila nakalimutan na nito ang dating Mariel at naging insecure at clingy ito.
"Eh totoo naman eh. Pagtatawagan kita, lagi kang nasa meeting. Puro ka na lang meeting. Nakakainis ka na."
Naririnig ni Mariel ang pagbuntunghininga ni Simon sa kabilang linya and suddenly the phone went dead. Ubos na ang callcard nito.
Tuluyang napaiyak si Mariel dahil it's the first time na hindi na tumawag muli si Simon. Dati kasi sinusuyo siya lagi nito. Palaging ganito sila. Pagtatawag si Simon, kinakain lagi si Mariel ng kanyang insecurities at pagkaclingy kaya laging nag-eend-up sa pag-aaway ang usapan nila. Pero sa tuwina'y lagi namang sinusuyo ni Simon si Mariel na hindi nanangyayari sa pagkakataong ito.
Ang pag-uusap na iyon ay nagbilang ng ilan pang linggo bago nakatawag ulit si Simon kasi umalis ito at pinadala sa ibang bansa naman para sa trabaho. Nakasama pa ata dahil the next time na tumawag si Simon ay naghamon ng hiwalayan si Mariel na ilang beses na nitong ginagawa at nawarningan na siya ni Simon na huwag laging sabihin at baka e-call ni Simon ang hamon na iyon at yun na nga nangyari na nga ang hamong iyon.
"Paglagi tayong ganito, mas mabuti pa siguro maghiwalay na lang tayo at magkanya-kanyang buhay na lang!" histerya ni Mariel.
Natahimik si Simon sa kabilang linya at kahit anong pigil nito sa sarili ay di na rin ito nakatiis para sabihin na "Bee sinabi ko na sa'yo na huwag mo akong hamunin. Pwes di ba yan ang gusto mo. Maghiwalay tayo? Eh di maghiwalay. Napapagod na rin ako sa kakitiran ng utak mo." Galit na sambit ni Simon kay Mariel but mababanaag ang pagkafirm nito sa sinabi.
Hindi nakapagsalita si Mariel. Natulala lang siya at nabitawan ang teleponong hawak at naging ilang saglit pa bago lumabas ang boses niya. Napahagulgul siya at maririnig sa kabilang linya ang busy tone.
Napasukan ni Babe na nasa ganung ayos si Mariel kaya niyakap niya ito at inalo. Sobrang lakas ng hagulhul ni Mariel pero di pa rin ito kumikilos.
"Ate, tama na po. Ate! Huminga ka please! Ate!" pag-aalo ni Babe dito at dali-dali itong kumuha ng tubig para ipainom kay Mariel na nahirapang huminga.
Iyak pa rin ng iyak si Mariel at nakatulugan nito ang pag-iyak. Kinabukasan at mga sumunod na araw ay tulala si Mariel at di kumakain. Ni hindi na ito nakapasok sa opisina. Pumapayat ito dahil lahat ng kinakain ay sinusuka lang din.
Until isang araw, matapos ang dalawang linggong pagkukulong ay biglang tumayo si Mariel at sinipat ang sarili sa salamin. Ang laki ng ipinayat niya at ang laki ng ikinatanda niya. Naligo siya at nagbihis at umalis ng bahay.
Pagbalik ni Mariel sa bahay ay nagulat si Babe sa nasaksihan. Maiksi na ang dating mahaba at straight na buhok ni Mariel at may kulay ito at highlights. Maaliwalas na rin ang mukha nito at nakangiti na.
"Welcome back Ate." Pabirong sambit ni Babe.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Babe at nagsimula itong maghanap ng bagong trabaho sa newpaper.
Lahat ng nakaraan ni Mariel na may kinalaman kay Simon ay kanyang tinago sa isang box at sinusian ito at inilagay sa pinakataas na bahagi ng apador sa kwarto niya.
Pinahiran ni Mariel ang mga luha at muling isinilid ang mga gamit na dating nasa box at muli itong sinusian at inilagay kung saan niya ito kinuha.
"Mariel, tapos na ang chapter na yan sa buhay mo. Nakapagmove-on ka na so tuloy tuloy na ang pagbabago. Happy ka na sa buhay mo. Ok na kayo ni Miguel. Mahal ka ni Miguel. He's just a thing in your past. Colleague mo na lang siya ngayon Mariel kaya umayos ka." Pangaral ni Mariel sa sarili habang natunghay sa salamin.
Nagring ang kanyang telepono kaya suminghot muna siya para bumalik sa normal ang boses bago sinagot ang tawag.
"Hi Honey! Are you home na? How bad was the traffic in EDSA?" masaya niyang bati kay Miguel sa telepono.
Chapter 9:
Titig na titig si Simon sa screen ng laptop habang sumisimsim ng beer sa kanyang condong tinutuluyan.
Unconsciouly, he traced his finger on the picture in the laptop. It's Mariel's picture when they were still together. Memorable sa kanya ang picture na iyon kasi ito yung kuha niya kay Mariel at that's when he realized he was really in love with her.
Dapat matagal na niyang dinelete ang folder na iyon pero several times siyang nag-attempt gawin iyon ay lagi naman niya niretrieve back. Somehow, baka nga hindi pa talaga niya kayang maglet go ng tuluyan.
Shocked was an understatement sa nadarama niya kanina nung nakita niya si Mariel after several years. His heart beats faster than usual. He must admit that he was mesmerized upon seeing her again.
Hindi nga siya nakapagconcentrate sa meeting kanina dahil panakaw niya itong tinitingnan. She has changed a lot. Yung dating Mariel na kilala niya na naging clingy at insecure ay totally nawala na dito. Mariel is an epitome of a successful and confident woman. There something in her aura that says "I'm a strong girl!". And that's the Mariel he used to know nung bago pa sila naging magkasintahan.
Akala niya o baka dapat mas tamang sabihin dapat hindi na siya apektado sa presensya ni Mariel o kung ano man pwedeng mangyari dito pero hindi pa pala siya handa sa ganun. Kasi nung nasaksihan niya kanina ang intimate moment nina Mariel at Miguel ay parang kinapus siya bigla ng hininga.
"Behave boy! Don't get affected of what you see. You guys are history and Miguel and Celine are your presents. Get hold of yourself Simon! Get hold of your self." Kasitigo ng isip ni Simon sa kanya.
"Are you alright Honey?" pag-alalalang tanong ni Celine dito nung makitang parang kinakapus siya ng hininga at ubo ng ubo.
Dahil doctor ito ay kinakapa na agad nito si Simon to check for his vitals but hinawakan ni Simon ang kamay ni Celine to stop her.
"I'm ok. Nasamid lang ako kaya naubo ako. Let's go back to the condo. Magpahinga na muna tayo bago tayo pumunta sa dinner." Yaya nito sa dalaga.
Celine was somewhat disappointed kasi may mga nakabinbin na sana itong schedule pero nagpatianod na rin ito sa kasintahan at sinamahan ito sa condo at nagpahinga na rin.
Naging compose na ulit sina Mariel at Simon during dinner. They were civil to each other but both didn't make an effort to be close to each other. Or baka mas tamang sabihing pasimple nilang iniiwasan ang isa't-isa.
"Honey, saan pala kayo nagkakilala ni Mariel?" lambing na tanong ni Celine sa kanya.
"Ha... ah we've met sa isang party organized by a common friend."
"Ah ok. So matagal na kayong magkakilala? Did you become close?"
"Ah. Yeah sort of. Kasi nagkita ulit kami in one place. Teka, ano nga schedule natin bukas? I need to go to Batangas sana before working." Pag-iiba ni Simon sa topic.
Hindi naman nahalata ni Celine ang pag-iwas ni Simon sa topic at naging excited na ito sa topic na pupunta sila ng Batangas. May beach house ang family nina Celine sa Batangas and knowing Celine, ito lagi ang punong abala pag may ganun silang lakad.
This is the first time na umuwi si Simon sa pinas but lagi silang nagkikita ni Celine in the different countries he was assigned because of his work. He just recently accepted the offer of Miguel to join the company after silang naging engaged ni Celine. Matagal tagal din na kumbinsihan ang nangyari. He was offered the job and at the same time ay pinayagan siya nitong bumili ng share sa company. Ma pride na tao si Simon at maprinsipyo kaya hindi ito pumayag na maging karaniwang empleyado lang.
Kahit ilang beses ding nabanggit ni Celine si Mariel pero hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Simon kasi nga marami namang Mariel sa mundo and the description given by Celine was totally different from the Mariel he has known several years ago.
Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Simon.
"Kung maglalaro nga naman ang pagkakataon sayo Simon, once it hits you, it'll hit you hard!" natatawang sambit ni Simon sa sarili.
Things are really getting complicated. Paano na kaya? Will he be cool with the thought that sila ni Mariel ay maging somehow related to each other thru their respective partners. Napatawa ng payak si Simon sa isiping iyon at muling lumagok ng beer and he closed the folder where he stored all his memories of Mariel.
"Good night Honey. See you in the morning. You'll love our beach house in Batangas." Excited na text ni Celine sa kanya.
"I'm sure I will. Nyt Hon. See you in the morning." Reply naman niya.
"Dream of me ok? Luv you." Muling text ni Celine. Malambing si Celine sa kanya. Palibhasa pediatrician kasi ito para itong nanay lagi.
"Ayt. Luv u 2."
At inubos na niya ang iniinum na beer at naghanda na para matulog.
Nagising si Simon kalagitnaan ng gabi na pawis na pawis at buhay na buhay ang kanyang pagkalalaki. Dali-dali siyang tumungo sa bathroom and relieved himself over a cold shower.
Isa-isa niyang binalikan ang napanaginipan kamakailan lang na nagpabuhay ng kanyang katawang lupa.
He was making love to a woman. It was a wild and fierce encounter. Hindi niya maaninag mukha ng nakaniig na babae pero iisa lang ang tiyak niya, pamilyar sa kanya ang feeling. Sa kanyang panaginip ay pilit niyang inaalam kung sino ang katalik pero sadyang napakablurry ng lahat. But that didn't stop him from doing the deeds and yung kapartner niya ay ganun din ang ginagawa.
He was trying to analyze kung si Celine kaya iyon pero hindi eh. Ibang klase ang lambot ng katawan. Iba ang klase ng indak ng katawan nito. At meron itong isang palatandaan na iisang tao lang ang alam niyang may taglay nito.
Dahil sa isiping iyon ay muling nagkaroon ng buhay ang ibabang parte ng kanyang katawan at kahit anong pilit niyang itapat ang sarili sa malamig na dutsa ay hindi ito natinag. Mas lalong naging visible sa kanya ang itsura ng kaniig.
Kasabay ng pag-abot niya sa rurok ay ang pagrehistro ng mukha ng babaeng napanaginipan at hindi na napigilan ni Simon na sambitin ang pangalan nito.
"Marieeeeeellllllll aaaaaahhhhhhh!!!!!!" at lupaypay siyang napa-upo sa ilalim ng dutsa pagkatapos.
Chapter 10:
Nagising si Mariel na basang-basa ng pawis. Napaupo siya bigla sa kanyang kama. Naka full blast naman ang aircon pero nagtataka siya kung bakit pawis na pawis siya at dun niya naalala ang panaginip.
Tumayo siya sa kama at dumiretso sa banyo. Naghilamos siya at nagpunas ng sarili at tuluyang nagpalit na rin ng pantulog. Lahat pinalitan niya dahil pati ang panloob ay basang-basa.
Bakit parang totoo ang panaginip niya? Alam niyang hindi si Miguel ang taong nakaniig niya sa panaginip kasi ibang-iba ang katawan nito sa katawan ng kasintahan at ni minsan ay di pa nila ginawa iyon dahil ayaw niya. They do heavy petting but she can't allow him to go beyond that. Hindi pa siya handa.
Pero ang panaginip niya ay parang totoo. Parang parehong pareho sa nangyari sa kanya several years ago at ang kasama niya nung mga panahong iyon ay walang iba kundi si Simon.
"Huh si Simon?" sigaw ng isip niya.
What on earth is wrong at biglang si Simon ang napanaginipan niyang lalaki? Hindi ito pwedeng mangyari. Pilit na winawaksi ni Mariel ang isiping iyon pero parang tukso naman bumabalik sa isip niya ang napanaginipan.
It brings shievers to her spine ang alaalang iyon. She gave up her most treasured gift kay Simon when they officially became engaged in Boracay. It was her advance gift for him before he left for the states.
Muling bumalik ang pangyayaring iyon sa kanya...
"Are you sure about this Bee?" muling tanong ni Simon sa kanya nung nasa akto na ito ng pag-iisa ng kanilang katawan.
Tango lang ang isinagot ni Mariel habang piniprepare na nito ang sarili sa possibleng mangyari.
Dahan-dahang sumayaw sa retmo ng kaligayahan si Simon at naramadaman niya ang uneasiness ni Mariel. Banaad niya ang naramdaman na sakit ng dalaga nung sinubukan niyang pasukin ang kalamnan nito.
"Am I hurting you Bee?"
"Please go on. Don't worry about me." And she embraced him to let him know that she is really alright. Pero sa totoo lang ay di maintindihan ni Mariel ang nadarama sa mga sandaling iyon. May naramdaman siyang matinding sakit pero matinding sarap din ang dulot nito.
Nung tuluyang maisakatuparan ni Simon ang pag-iisa ay napasigaw at napakapit si Mariel kay Simon. He was about to stop because of the traces of pain na nakita niya sa mukha ni Mariel pero inagaw ni Mariel ang attention niya and encouraged him to go on.
They were both in the brink of ecstasy and came together and both can't contain each other's feeling and shouted each others name when the task was done.
Simon collapsed on top of Mariel and both of them are catching their breaths.
"I love you Bee." Sambit ni Simon before rolling to his back and bringing Mariel on top of him.
"I love you too Bee." Sagot naman ni Mariel and she hugged him tightly.
Mahigpit na niyakap ni Simon si Mariel na nagsimula ng gupuin ng antok.
"I love you so much Bee and I want to spend the rest of my life with you." Ani ni Simon bago ito pumikit.
Bumabalik sa isip ni Mariel ang sinabing iyon ni Simon. "I want to spend the rest of my life with you...". Pero masakit mang isipin pero hindi natupad ang ang sinabi nito.
Nagpawala si Mariel ng isang buntunghininga bago muling bumalik sa kanyang kama.
"Mariel, wake up! He's part of the past. It was just a dream. It has no meaning at all. Miguel is a good man. Miguel is a good man Mariel." At nakatulugan niya ang isipin o mas tamang sabihing pangungumbinsi ng kanyang utak sa sitwasyong sinusuong.
Pero tuluyan ng naging mailap na dalawin ng antok si Mariel pagkatapos nun. Nagbubukang liwayway na nung gupuin siya ng tulog and only to wake up again after 2 hours dahil nag alarm na ang kanyang cellphone.
Pagod na bumangon ang dalaga at pumunta sa banyo para maligo pero gayun pa man ay paulit-ulit pa ring bumabalik ang alalaa ng panaginip at yung magandang nangyari sa Boracay sa isip niya.
"Mariel umayos ka!" kastigo ni Mariel sa sarili habang nasa harap siya ng salamin at nag-aayos. At bigla niyang napagpasyahan na tatakbo na lang muna siya bago umalis para mawala ang lahat ng iniisip niya. Kasihodang malate man siya.
Dali-daling nagpalit ng sports attire at isinuot ang rubbershoes at bumaba ng condo para pumunta sa gym sa taas at sumampa sa threadmill at sinimulang tumakbo.
Pero sadyang pinaglalaruan nga talaga siya ng tadhana dahil paulit-ulit pa ring bumabalik ang mga alalang iyon at to make the matter worst ay ito na ang kinatatakutan niya dahil biglang sumulpot ang isang pamilyar na bulto sa pintuan ng gym.
Chapter 11:
Parang siyang nagkaroon ng stiff neck dahil iisang direksyon na lang lagi ang tinatahak ng kanyang landas. Hindi siya makalingon dahil ayaw niya magpang-abot ang kanilang mga titig. Binilisan ni Mariel ang pace ng treadmill para matuon dun ang kanyang attention.
Pero sandali lang pala ang nagawa niyang pag-iwas dahil sumampa si Simon sa katabing treadmill.
"Hi" bati nito sa kanya.
Isang tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ni Mariel at muling itinuon ang konsentrasyon sa pagtakbo.
Si Simon man ay itininuon ang pansin sa pagtakbo pero pareho silang panakaw na tumitingin sa isa't isa.
Ang inaakala ni Mariel na form of release niya sa lahat ng iniisip kanina ay mas nagdagdag pa ng pahirap sa kanya dahil nasa tabi na niya ang lalaking iniisip.
Gayon din ang naramdaman ni Simon. But he must admit that he's so happy to see her. Lihim itong napangiti sa alalahaning iyon.
Mariel had to cut short her training at napagpasyahan niyang ituloy ang pagtakbo on the streets. Masyado malakas ang presensya ni Simon for her to fully concentrate on what she's doing.
"I'll go ahead." Pagpapaalam ni Mariel dito at mabilis siyang bumaba sa treadmill.
Pero humabol si Simon sa kanya.
"Mariel..."
"Yes?"
"Can we have breakfast?" yaya nito.
"Sorry but I have to go." Tangi ni Mariel sa imbitasyon nito.
"Please...."
Bumuntunghininga si Mariel at ngumiti tanda ng pagsang-ayon.
Sabay na silang bumaba sa coffee shop na nasa baba ng condo na rin.
Bago pa makapag-order si Mariel ay pinag-order na siya ni Simon. Lihim na napangiti si Mariel dahil kabisado pa rin pala ni Simon ang gusto niya.
"Is it still the same?" tanong nito habang bitbit ang mga inorder.
Nakangiting tumango si Mariel tanda ng pagsang-ayon dito.
He flashed his nice smile at lumitaw muli ang not so visible na beloy nito near his cheekbones lines.
Wala sa loob na ginagawa ni Simon ang ritwales nito dati nung sila pa. Bubuksan ang lid ng coffee ni Mariel at bubuhusan ng dalawang creamer at dalawang paketeng sugar at haluin. Tapos ang bagel naman ay pinahiran nito ng cream cheese tapos hinati ng apat na parte bago ibinigay kay Mariel.
Napangiti si Mariel sa nasaksihan at wala sa loob na naitakip ang mga kamay sa bibig.
"Why are you smiling like that?"
"Ha? Wala. Natawa lang ako sa ginagawa mo." Sagot naman ni Mariel.
"Bakit? Is there something wrong?" medyo nag-aalalang tanong ni Simon.
"No no no. Nothing's wrong. Natawa lang ako sa ginagawa mo. You still remember it. Tagal na nun ah." Nakangisi pa rin si Mariel while sipping her coffee and eating her bagel alternately.
Nung matanto ni Simon ang ginawa ay bigla na lang din itong napatawa ng malakas at nakipag high-five pa ito sa kanya.
In return ay ginagawa na din ni Mariel ang ritwales niya sa pagkain at inumin naman ni Simon.
She opened the lid of his cup, nilagyan ng isang creamer at isang sugar at hinalo then put the lid back on. Nilatag niya ang nakahating bagel ni Simon at isa-isang pinahiran ng cream cheese. Kumuha ng tissue at nilagay yung isang parte ng bagel and handed ito to him.
"There you go... just like old times." Sambit ni Mariel nung iabot niya kay Simon ang bagel.
Tumatango tango si Simon and he echoed what Mariel said na just like old times.
At muli silang nagkatawanan at pinagtoss ang kanilang coffee cups tanda ng pagcelebrate just like old times.
"How are you?" pa-unang tanong ni Simon.
"I'm good. How about you." Balik na tanong ni Mariel.
"Good din. Small world huh?"
"Small world? Ah yah! Small world nga."
"When's the wedding?" di nakatiis si Simon at tinanong din nito si Mariel tungkol dun.
"Soon."
"Am I invited?"
"Ano ka ba? Syempre you're invited kasi magiging sister-in-law ko kaya ang fiancée mo remember?" nakangiting sagot ni Mariel.
Suddenly there was a quick silence between them. Bigla silang ginupo ng awkwardness kay dismuladong sumimsim silang dalawa ng kanilang kape.
"Sor..."
"Kumus..."
Sabay na naman silang nagsalita at sa muli ay nagkatawanan sila at nagtulakan kung sino ang maunang magsalita at napagpasyahan nilang si Simon na ang mauna.
"Mariel, about what happened before. I don't think I was able to ask sorry toyou." Seryosong sambit ni Simon.
"It's ok. That was part of the past already. Kalimutan na natin yun."
"For whatever heartache that I've caused you, I sincerely apologized." Sinserong paghingi ni Simon ng apology kay Mariel.
"Sie, don't think about it. Like I said, kalimutan na natin yun. It was part of growing up and it's part of the past."
"So I guess, ok naman tayong dalawa now?" tanong ni Simon.
"Yeah we're cool. We're ok." Sagot naman ni Mariel.
"I'm glad we're cool. And I'm glad that we can still be like this."
At muli nilang pinagtoast ang mga coffee cups. At pagkalipas ng ilang sandali ay pareho na silang umalis sa coffee shop na iyon at laking gulat nilang pareho na they're staying in the same condo pero magkaibang palapag lang.
Chapter 12:
Kumakaway si Celine kay Simon na nakasampa sa jetski at hubad baro't naka boardshorts lang under the sun habang walang sawa itong nag-exhibition sa jetsking sinasakyan.
"Honey, come here na!" sigaw nito habang kumakaway at sumisenyas kay Simon na pabalikin na sa dalampasigan.
Parang di naman ito napansin ni Simon dahil he's so engrossed with what he is doing. Batang dagat ang term ni Celine sa kasintahan dahil pag may pagkakataong nasa beach sila ay hindi ito maawat sa pagbabad nito sa dagat. From their trips in Hawaii, Indonesia, Malaysia at iba pang lugar sa iba't-ibang sulok ng mundo.
"Hay nako. Ang taong dagat talagang ito...!" frustrated na sambit ni Celine at muling pinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain nila.
Naputol ang sasabihin ni Celine nung makarinig siya ng bumusina galing sa gate. Pansamantala muna niyang iniwanan ang ginagawa upang salubungin ang bagong dating.
Bumaba si Miguel mula sa latest model nitong Ford Expedition. Minsan minsan lang itong magdrive dahil na rin sa busy ito sa trabaho. Sunod na bumaba sa sasakyan ay si Mariel na nakasuot ng long flowy white dress at nakashades.
Sinalubong ni Celine ang dalawa ng yakap at halik at niyaya ng pumunta kung saan nakaset-up ang pagkain.
Sa pagkakataong iyon din naman umahon si Simon and he's walking towards where the food is set-up.
Lihim na napasinghap si Mariel sa nakita. He's like a walking God! Waters are dripping from his hair and from his boardshorts. Sinuklay nito ang basang buhok at umabot ng tuwalya na nakasampay sa lounge chair at muling isinuot ang shades pagkapunas ng mukha. He flashed his nice smile nung sila'y makitang lahat.
Kinuha ni Celine ang bitbit na tuwalya ni Simon at pinunasan nito ang katipan and Simon gave her a peck on the cheek in return. He also extended his hands to Miguel at nagbeso din kay Mariel.
"Kain na tayo. I'm sure gutom na kayong lahat." Masayang sambit ni Celine.
Everyone agreed and they all took their seats. Magkatabi sina Miguel at Mariel habang nasa kabisera din nila ang magkatabing sina Simon at Celine.
Ang daming pagkain ang nakahain. Karamihan ay seafoods. Tiger prawns, big crabs, talaba at iba pa.
Nakagawian na ni Mariel na laging ipagbalat ng hipon at ihimay ng crabs si Miguel. Actually, dati rin niya itong ginagawa kay Simon.
Dahil sa nakashades si Simon ay di nito namalayan ng mga kasama na masusi pa lang nitong tinitingnan ang bawat kilos ni Mariel. Nung makita niya si Mariel kanina ay napasinghap siya dahil their past haunted him.
She's wearing the exact same dress she was wearing when he proposed to her. The exact same dress she used and he took off when she first gave her virginity to him. At kahit malamig ang panahon ay biglang nag-iinit ang pakiramdam ni Simon.
Bigla siyang pinagpapawisan kaya inabot niya agad ang tissue na nasa harapan.
"Are you alright Honey?"
"Yeah I'm fine. Mainit lang at pinag-papawisan ako." Paiwas na sagot ni Simon.
Kumuha ng tissue si Celine at tinulungan si Simon sa pagpupunas.
"Ayan kasi. I have been telling you to stop na kasi kanina but di mo ako pinapansin. Sunog na sunog ka kaya mainit pakiramdam mo." Parang nanay na naglilitanya si Celine sa kasintahan.
Lihim na napangiti si Mariel sa naging tinuran ni Celine. It sounds familiar kasi. Somehow, she said the same thing to Simon from years back.
"Bakit napangiti ka Hon?" nagtatakang tanong naman ni Miguel kay Mariel.
"Ha? Wala Hon. May naalala lang akong the same situation sa sinabi ni Celine."
Kibit-balikat lang si Miguel at muling pinagpatuloy ang pagkain.
Kahit parehong naka shades sina Mariel at Simon ay di nakaligtas ang pagkindat ni Simon hanang kumakagat ng tiger prawn kay Mariel dahil naintindihan din nitong siya ang tinutukoy nito sa sinabi kay Miguel.
Tipid na ngumiti si Mariel at muling pinagpatuloy ang pagpapak ng seafoods para kay Miguel.
The lunch's atmosphere was light and happy. The four of them were discussing politics, current events and other issues but no one mentioned or asked about the relationship of each other.
Pagkakain ay nagyaya si Miguel kay Simon na muling magjetski. Si Miguel may tinataguriang taong dagat ni Celine kasi he loves the beach so much.
Hinubad ni Miguel ang puting sando at nilagyan ito ni Mariel ng sunblock. Celine did the same to Simon. Pero si Simon ay di maiwasan pa ring sundan ng tingin ang bawat kilos ni Mariel. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sigaw ng kanyang isip na sana siya na lang ang hinahagod ni Mariel sa halip na si Miguel.
Para mawala ang kanyang mga iniisip ay tumayo na siya agad at niyaya na si Miguel para muling magjetski. Tumalima naman agad ang huli at binigyan muna ng quick kiss si Mariel bago umalis.
At hindi muli iyon nakalampas sa paningin ni Simon. He is affected with what he saw na ikibuntunghininga na lang nito.
Tinulungan ni Mariel si Celine sa pagliligpit kahit may mga katulong naman na nagliligpit ng mga gamit.
"Mariel, hayaan na natin silang magligpit. Let's change into our swimming outfit at maligo na rin tayo." Yaya ni Celine kay Mariel.
"Pass na muna ako Celine. Ang init pa kasi. Mamayang hapon na ako maliligo. Masakit sa balat ang init kasi." Tangi naman ni Mariel.
"Sabagay tama ka. Oo nga, mamaya na nga tayo maligo. Halika, dun na lang tayo sa ilalim ng puno tumambay. May halo-halong ginagawa si Yaya Patring. Padala na lang natin dun."
Sumang-ayon si Mariel sa suhestiyon ni Celine at sumabay na rin siya dito sa pagpunta dun sa tinutukoy na lugar.
Pareho silang nakatingin sa dagat habang nakahiga sa mga lounge chair na nandun.
"Kumusta na kayo ni Kuya?"
"Ok naman. Medyo he's always busy lang."
"Tuloy na ba ang kasal niyong dalawa? Nakailang postpone na iyan ha." Medyo nababahala na si Celine sa plano ng dalawa. Nakasalalay din kasi sa dalawa ang schedule nila ni Simon na magpakasal. It has been a tradition in the family na walang mauunang ikasal hangga't di pa nagpapapakasal nag pinakapanganay.
"Ewan ko Celine. Sorry ha coz I know na di mo maplano-plano ang kasal mo dahil sa amin." Paghingi ni Mariel ng paumanhin sa would be sister-in-law niya.
"It's ok Mariel. I understand. I don't think nasa iyo ang problema. Si Kuya talaga ang may problema. Ewan ko nga dun kung bakit napaka workaholic. Hmmmmnnnnn rapepin mo na kaya mamayang gabi para mapilitang pakasalan ka na agad." Nangiting suhestiyon ni Celine.
Napailing lang si Mariel na nakatawa. Kahit kalian ay mapagbiro talaga si Celine.
"Hayaan mo, susubukan ko yung suggestion mo tonight." Pagsakay ni Mariel sa biro ni Celine.
Pero sa totoo lang, hindi lang din naman si Miguel ang rason kung bakit ilang beses na napostpone ang wedding nila.
Siya man ay may contribution dun dahil sa tuwina'y gusto ni Miguel na pag-usapan ang kanilang kasal ay naghahanap siya ng paraan na di matuloy lagi ang usapan. She is not ready to settle down dahil kahit ilang taon na silang magkasintahan ay di pa rin siya sigurado sa naramadaman kay Miguel.
Mas lalong tumindi ang kanyang confusion dahil sa pagdating muli ni Simon sa buhay niya.
Chapter 13:
Tanaw ni Simon si Mariel from afar na naka-upo sa isang duyan sa balcony ng tantiya niya ay room ng dalaga. Kitakita niyang nakatulog ito habang hawak sa dibdib ang isang hardbound book. She's sleeping peacefully like a baby.
Dahandahang lumapit si Simon sa natutulog na si Mariel. She is sleeping like a baby. Nasa dibdib niya ang binabasang libro at ang shades ay nakaheadband sa buhok nito. He went closer hanggang wala na lang five inches ang pagitan ng kanilang mukha. He surveyed her face at di na rin niya natiis na tingnan lang ito. He traced her face with his finger. From her eyebrows to the tip of her nose and to her mouth.
Napako ang tingin ni Simon sa bandang bibig ni Mariel at di na napigilan ang sarili at kinantalan ito ng mabilis na halik.
Isa, dalawa, tatlo... he simply can't get enough of her kaya ang dating padampi damping halik ay naging banayad at tuloy tuloy. Pero di pa rin siya nakuntento lalo na't namatyagan niyang tila nagreresponde din ang dalaga sa kanyang ginagawa so he devour her lips fully.
Naalimpungatan si Mariel at muntik ng mapasigaw pero tinakpan ni Simon ang bibig nito ng kanyang mga kamay. Nung matanto ni Mariel na si Simon pala ang kaharap ay napangiti ito at akmang tatayo pero pinigilan ito ni Simon and he claimed her lips again passionately.
This time around ay tumugon na rin si Mariel. Mahirap ang position nilang dalawa kaya wala sabing pinangko ni Simon si Mariel at dinala sa kanilang lovenest. At sa muli ay pinagsaluhan nila ang tamis ng pag-iibigan.
"Hon! Hon!" sigaw sabay kaway ni Celine kay Simon to get his attention.
Tumingin si Simon kay Celine in a puzzled manner.
"Hon, ahon ka na. Kanina ka pa diyan eh. Sunog na sunog na ang balat mo." Pag-aalalang sambit ni Celine.
Isang tango ang isinagot ni Simon at lumangoy na patungo sa dalampasigan. Pagkaahon ng binata ay nandun na agad si Celine at binigyan ito ulit ng tuwalya. She helped him to dry up at gaya ng nakagawian ay yumakap agad si Celine sa binata.
"Hon, baka mabasa ka."
"It's ok. I'll take a bath naman later eh." At muli itong naglambing kay Simon. Infairness to Simon, kahit distructed siya sa nakikita kay Mariel ay di pa rin nito pinapapabayaan ang girlfriend. Kahit papaano ay mahal din niya si Celine.
Ganung tagpo pala ay di nakakalampas sa mga mata ni Mariel na kanina pa rin pala nakamasid kay Simon from a far.
"Bee, ahon ka na!" sigaw ni Mariel kay Simon sabay kaway.
"Ano?"
"Ahon ka na. Sobra ka ng nabilad sa araw. Ahon na!" sigaw pa rin Mariel.
Kunyari ay di naririnig ni Simon ang sinasabi ni Mariel at patakbo itong lumapit sa huli.
"Anong sabi mo Bee? I can't hear you?"
Hinampas bigla ni Mariel si Simon dahil sa inis nito nung matantong binibiro siya nito.
"Ouch! Ang hapdi! I have sunburn! Bee naman!"
Biglang nag-alala si Mariel sa kalagayan ng katipan.
"Oh my God Bee I completely forgot. Ikaw kasi ang kulit mo eh!"
Pero yun pala ang hinihintay na timing ni Simon dahil bigla nitong pinangko si Mariel at dinala patungo sa dagat.
"Bee! Put me down! Ano ba!" sigaw ni Mariel and she's panicking kasi alam niyang sa tubig talaga ang bagsak niya at di siya nagkamali.
Muli niyang hinabol ng hampas si Simon at naghabulan sila na parang mga bata sa dagat.
Nung una ay si Mariel ang humahabol kay Simon pero suddenly the tables were turned when Mariel decided na babalik na sa dryland dahil bago pa makaalis si Mariel ay muli itong hinablot ni Simon pabalik sa dagat at natumba ito at tangay si Mariel.
Hindi na pinakawalan ni Simon si Mariel. Niyayakap niya ito at iniharap dahil nakatalikod ito sa kanya. Kinuha nito ang mga braso ni Mariel at ipinulupot sa sariling katawan at pati mga legs ni Mariel ay automatikong nakapulupot na rin sa ibabang bahagi ng katawan ni Simon.
Sobrang lapit nilang dalawa at animo'y bagong kasal sila sa sobrang dikit. Simon wasted no time and he claimed Mariel's lips once again.
Napukaw ang pagmuni-muni ni Mariel nung maramdamang may humalik sa kanyang noo. Napabalikwas si Mariel ng pagbangon dahil sa pagkabigla pero Miguel calmed her down.
May iilang hibla ng buhok ni Mariel na bumagsak sa mukha nito kaya maingat itong hinawi ni Miguel to free her beautiful face with any obstruction.
Mataman siyang tinititigan ni Miguel and he traced bones of her face with his finger and his finger stop just below her chin and he raised it and slowly descend his own lips to her. Napapikit si Mariel when they started sharing that passionate kiss.
In fairness to Miguel, her feeling for him is genuine and true. She must admit that she also loves Miguel... maybe not as much as her love for Simon but one things for sure, she loves Miguel enough for her to stay with him and reciprocate his kisses.
"Kuya! Kuya!" sigaw ni Celine.
Naudlot ang halikan nilang dalawa ng wala sa oras dahil sa pagtawag na iyon ni Celine. Bumuntunghininga muna si Miguel bago sinagot ang kapatid.
"O! Ano?"
"Kain na tayo ng snacks. Baba na kayo dito and join me and Simon."
"Kahit kalian ay istorbo talaga ang kapatid kong ito ano Honey. Hay!" muli itong bumuntunghininga and again gave her a quick kiss bago ito tumayo. Inaalalayan din siya nitong tumayo. Muling niyakap ni Miguel si Mariel at ginawaran ng halik bago sila magkaabrisyeteng bumaba para saluhan sina Simon at Celine.
At ang tanawin sa balkonahe kamakailan lang di rin nakaligtas sa mapagmatyag na mata ni Simon and admittedly ay apektado pa rin pala siya kahit ilang taon na ang nakalipas nung maghiwalay sila ni Mariel.
Chapter 14:
Bumuntunghininga si Mariel habang nakatitig sa dalampasigan. Kailangan niyang gawin yun kanina para sa ikabubuti ng lahat.
"So Mariel, paano pala kayo nagkakilala ni Simon?"
Biglang kinabahan si Mariel sa naging tanong ni Celine kaya pasimple muna siyang uminum ng tubig para di mabilaukan. They were all having dinner at naging topic nila kung paano nagkakilala sina Simon at Mariel.
"Eh kasi pagtinatanong ko ang isang to ang laging sagot sa akin eh secret." Sabay kurot ni Celine sa kasintahan na nakangiti.
"Oo nga, I'm curious too kung paano kayo nagkakilala." Di na rin nakatiis si Miguel at nagtanong na din ito.
Nanatiling tahimik si Simon at nakangiti lang ito kaya walang nagawa si Mariel kaya siya na talaga ang sasagot sa tanong na iyon.
"We've met in a speed dating event." Direktang sagot ni Mariel.
"Speed dating? You actually attended that kind of event Hon? I can't believe it? And?" manghang nakangiti si Celine. Hindi siya makapaniwala na pumunta si Simon sa ganun.
Parang gusto ng magpanic ng kalooban ni Mariel dahil nanatiling tahimik lang si Simon at masusi lang siya nitong tinititigan na nakangiti.
Biglang natahimik si Miguel and she knows na naghihintay ito ng sagot niya. She can sense na medyo nagdududa na rin ito sa totoong naging connection nilang dalawa. He's too intelligent not to notice kung baga.
"Ayun, nagkakilala kami kasi lahat naman ay dumadaan sa lahat ng participants."
"And? Teka, don't tell me nag date kayong dalawa before?"
Akmang sasagot si Simon pero inunahan ito ni Mariel sumagot.
"Ha? No!" napalakas ang boses ni Mariel dahil natataranta siya. "Actually hindi ako but sila ng cousin kong si Babe ang nagkamabutihan." Pagsisinungaling ni Mariel at di nito matingnan si Simon na sa pagkakataong iyon ay nagpang-abot ang kilay nito sa pagtataka kung bakit yun ang sinabi niya.
Si Miguel naman ay nananatiling tahimik lang pero naging very observant ito sa kilos nina Simon at Mariel.
"Yeah tama ang sinabi ni Mariel. I used to date her cousin Babe" may diing pagkakasabi nito lalo na sa pangalan ni Babe.
"Oh! Thanks God at hindi pala kayong dalawa. Otherwise, it's going to be really awkward right?" natatawang sambit ni Celine.
"So what happened between you and this Babe Pare?" this time si Miguel na ang nagtatanong.
"Actually, we just dated a couple of times but it didn't workout. I found someone else. Still from that speed dating."
"Hon, is this the girl you told me who broke your heart?" inosenteng sambit ni Celine.
Nag-iba ang expression ni Simon. Tila naging galit ang tono ng boses nito nung magsimula ulit itong magsalita.
"Yeah she's the one Hon. The girl who broke my heart. But let's not talk about her ok. She's already part of the past and you are my present remember?"
Yumakap agad si Celine kay Simon dahil sa sinabi nito.
Natameme bigla si Mariel and naramdaman niya ang panlalamig pero pilit niyang huwag ipahalata ang nadarama.
Naramdaman niya pag-akbay ni Miguel sa kanya and he felt na nanginginig si Mariel.
"Hon, are you alright?" pag-aalalala nito.
"I'm feeling cold suddenly." Pagdadahilan ni Mariel at buti na lang ay naki-ayon din sa kanya ang panahon dahil just about time na tinanong siya ni Miguel ay bumugso ang malamig na hangin.
Dahil dun ay niyakap na rin ni Miguel ng mahigpit si Mariel para maibsan ang naramdamang lamig nito. She buried her face in his chest and reciprocated his embrace.
Naputol ang pagmuni-muni ni Mariel nung may nag-abot sa kanya ng cold beer.
"May I sit down?"
Pero bago pa makasagot si Mariel ay umupo na si Simon sa tabi ni Mariel.
"Why did you have to lie? Bakit iba ang kinwento mo sa totoong nangyari? Why didn't you admit na naging tayo dati?" rapidong tanong ni Simon kay Mariel.
Chapter 15:
"Para sa ikabubuti ng lahat ang ginawa ko." Sambit ni Mariel sabay lagot sa bigay na beer ni Simon.
"Talaga? O baka mas tamang sabihin duwag ka pa rin Mariel?"
Hindi umimik si Mariel. She hates confrontation at mas lalong ayaw niyang kausapin si Simon at ayaw din niyang pag-usapan ang kanilang nakaraan.
"Ano Mariel?"
Bumuntunghininga si Mariel bago bumwelta.
"Alam mo huwag na nga tayong magpakaplastic sa isa't-isa. Oo ginawa ko yun para sa ikakabuti ng lahat. Duwag na kung duwag pero I think that was the only option. At teka lang ha, ako ba ang duwag o ikaw? Ano ba ang ginawa mo? You kept your mouth shut!" may diing pagkakasabi ni Mariel at galit siyang hinarap si Simon. Hindi niya matanggap ang paratang nitong duwag siya.
"Come to think of it, pareho tayong duwag!" dagdag pa ni Mariel. "Baka nga iniisip mo rin ang naisip ko just to save us both." At muli siyang lumagok ng beer. She drown her anger sa iniinum na beer.
Natahimik muli si Simon sa tinuran ni Mariel. Somehow that got him... Somehow nasapul siya ni Mariel.
"What have happened to us Mariel?"
Hindi umimik si Mariel sa tanong ni Simon.
"We used to be so in love with each other. We used to dream of our future. I thought we had a future." Medyo gumaragal ang boses ni Simon.
Out of nowhere ay biglang tumulo ang mga luha ni Mariel ng hindi man lang niya namalayan.
Biglang tumahimik ang paligid. Napasinghot si Mariel para pigilan sana ang patulo ng mga luha pero huli na.
"What happened to us Mariel?" pag-ulit ng tanong ni Simon kay Mariel.
Muling lumagok si Mariel ng beer and she doesn't want to answer Simon's question.
Come to think of it, they were not able to talk after that break-up. Come to think of it, wala pa talaga silang closure sa isa't-isa.
Maging si Simon ay napasinghot na rin bago ito uminum ng beer. Ayaw tingnan ni Mariel si Simon dahil alam niyang maging ito ay nagpipigil na rin ng lumuha.
"What went wrong Mariel?"
Hindi pa rin sumagot si Mariel kaya muling inulit ni Simon ang tanong.
"I don't know! I don't know!" histeryang sagot na ni Mariel and this time ay tuluyan ng bumalon ang mga luha. "Enough of these!" at tinangka na nitong tumayo pero pinigilan siya ni Simon.
"Please stay. Please stay for a while. Let's talk." Pagsusumamo ni Simon at halata na talaga ang pagpipigil nito ng mga luha base sa pagaragal ng boses.
Mariel brushed off Simon's hand. She put down the beer she's holding at tinakpan ang mukha ng dalawang kamay at tuluyan na siyang humagulgul.
Hindi alam ni Simon ang gagawin. Dapat ba niyang yakapin ang dating kasintahan? Dapat ba niyang icomfort ang dating katipan? Naguguluhan siya.
"Mariel..." nagtatangka si Simon na hawakan si Mariel pero umiiwas ang dalaga.
At tuluyan na ding tumulo ang mga luha ni Simon. Tinakpan na nito ang mga mata sa mga palad and he was really trying so hard to conceal the tears.
Kapwa sila sumisinghot pero ni isa sa kanila ay di nagsalita.
Maya't maya lang ay tumayo na si Mariel at binirahan ng lakad palayo sana kay Simon pero nahawakan ni Simon ang wrist ni Mariel. She tried to let go pero parang bakal ang mga kamay ni Simon na humawak dito.
In a suddent swift ay yumakap na si Simon sa beywang ni Mariel and he let go of his tears. Para itong batang nakahawak sa beywang ng ina at umiiyak at tila humihingi ng comfort mula dito.
Mariel resisted and she's trying all her might to let go of his embrance.
"Tama na! Pakawalan mo ako! Tama na!" she said in between sob.
Pero di pa rin natinag si Simon bagkus ay tumayo pa ito and he cupped her face and gave her a kiss.
Nanlaki ang mga mata ni Mariel sa pagkabigla at biglang umigkas ang kanang kamay diretso sa pisngi ni Simon. Nasampal niya ang lalaki dahil sa mapangahas na paghalik na ginawa nito.
Para tila naging hudyat ang sampal na iyon para muling bumalik sa huwisyo si Simon.
"How dare you!" galit na sambit ni Mariel.
"I'm so sorry Mariel."
"Why did you have to do that? Tapos na tayo Simon. We've moved on with our lives separately. Let's leave it as it is. Huwag na nating guluhin pa ang sitwasyon." Nangagalaiting sabi ni Mariel kasabay ng pag-iyak din niya.
At sa muli ay nagtangkang umalis ni Mariel pero muli siyang pinigilan ni Simon at sa pagkakataong ito ay muling yumakap sa kanya ang binata mula sa likod.
"Please stay for a while Mariel. Let's talk about this. Let's talk about us."
"There's no more us Simon. Matagal na tayong tapos. Let go of me." And she managed to let loose of his tight embrace.
Matapang na hinarap ni Mariel si Simon at sinabihan na "Stay away from me! Don't come near me! This is really insane and unfair to our fiancée! I'm happy with Miguel now at isaksak mo yan sa kukute mo!" at patakbong lumayo na si Mariel kay Simon.
Nanlumo at napa-upong muli si Simon. Sa tindi ng nadaramang galit ay naitapon nito ang nakitang botelya ng beer para mairelease dinaramdam!
"Marieeeeeellllllllll!!!!!"
************************************************************
Lingid sa kaalaman nina Mariel at Simon, may mga matang nakamatyag pala sa bawat galaw nila kanina at nasaksihan nito ang lahat lahat kaya bistado na sa taong ito ang totoong nangyari sa buhay nina Mariel at Simon.
"Magtutuos tayo. You can never get away with this. No one can get away with this." Galit na sambit ng isip ng nakasaksi sa nangyari kamakailan lang.
Chapter 16:
Parang pinaglalaruan pa ata si Mariel ng tadhana kasi pagkabukas niya ng TV ay ang music video ni Gwen Stefanie na Cool ang tumambad sa kanya.
It's a story of two ex-lovers who met again after several years and they are already committed to someone else. And they play it cool as ex-lovers.
Galit na pinatay ni Mariel ang TV at muling humiga sa kama and she resumed crying. She thought that she's over Simon but she's dead wrong. Bakit apektado pa rin siya sa halik nito? Buti at nasa tamang huwisyo ang utak niya kanina at di siya natangay sa halik nito.
Tahimik na umiiyak si Mariel at nakatulugan na niya ang ganung position.
**********************************************************
Nakasalampak pa rin si Simon sa buhangin nung lapitan siya ni Miguel. He was caught off guard at hindi nito napaghandaan ang kamao ni Miguel na nagswak sa kanyang kaliwang mukha.
Duguan ang bibig ni Simon at pinipilit nitong tumayo at iniiwasan ang mga suntok ni Miguel. Malaking tao si Miguel kumpara kay Simon pero halos magkasing tangkad lang sila.
Nagawang tumayo ni Simon at pinahiran ang bibig na may dugo. Somehow may idea siya kung bakit ginawa ni Miguel ito kaya inihanda na lang niya ang sarili sa susunod na mangyayari.
"Just as I suspected. Isa kang traidor!" galit na sambit ni Miguel.
Nanatiling tahimik si Simon pero nakikipagsukatan ito ng tingin kay Miguel.
"What do you think you're doing huh? You're my sister's fiancée and Mariel is mine! What do you think were you doing kanina?"
"You don't know anything about me and Mariel"
"Yeah right? Hindi ko man alam pero sapat na yung nasaksihan ko kanina that you are taking advantage of my fiancée." At akma na namang susuntok si Miguel pero naiwasan ito ni Simon.
Naging hudyat iyon para muling magpangbuno ang dalawang binata. Suntok, sipa, tadyak, suntok ulit.
Pareho na silang nakahiga sa buhangin at pagulong gulong pero sige pa rin ang suntukan. Buti na lang napadaan ang caretaker ng bahay nila Miguel at pinilit silang inaawat.
At buti na lang at malakas at malaki ang katawan ng umawat sa kanila at dumating din ang dalawang kasama nito at tuluyan ng naawat sina Miguel at Simon.
Parehong duguan ang kanilang mga mukha pero kahit pareho na silang hinawakan ng umawat sa ay nagpupumiglas pa rin silang pareho at gusto pa ring ituloy ang sapakan.
"You stay away from her and you fix this mess that you created you moron! Or else I'll do anything in my power to get rid of you." Pagbabanta ni Miguel
"Bring it on Man! Akala mo natatakot ako sayo. Bring it on!" paghahamon ni Simon.
Nagtangkang susugod ulit si Miguel pero napigilan siya ng umaawat sa kanila.
"Bitiwan niyo ako!" commanded Miguel dun sa tauhan niya. Binitiwan siya nito but hindi totally.
"Mark my word Santos! Ayusin mo ito kung ayaw mong dumanak ang dugo." At walang sabing lumayo ito sa kinaroroonan ni Simon. Hinubad nito ang suot na tshirt at ipinahid sa duguang mukha.
"Bitiwan niyo nga ako!" asik ni Simon sa mga humahawak sa kanya.
Hinubad din nito ang t-shirt matapos bitiwan ng umawat at pinahiran ang duguang mukha.
Hinawakan ang sumasakit na panga at pumunta sa dalampasigan at tuluyang lumusong sa tubig para maibsan ang galit na nadarama.
*****************************************************
Tinitingnan ni Miguel ang namamagang mukha sa salamin. Masusing nilinis ang mga sugat at nilagyan ng gamot. Nakahawak si Miguel sa lababo at nakatungo ang ulo. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang nasaksihan kanina. Pabalik balik ang tagpong hinahalikan ni Simon si Mariel.
Muling bumuswak ang galit ni Miguel at naisuntok ang kanang kamao sa salamin na ikinabasag nito.
"Miguel? Oh my God! What happened to you?" shock na lumapit si Mariel kay Miguel.
Chapter 17:
Pagkakita ni Miguel kay Mariel ay tila nakalimutan nito ang sarili at bigla nitong sinugod ang babae and his hands were on her neck and he pinned her on the wall.
"Miguel, nasasaktan ako." As she was trying to struggle from his tight grip.
"Kelan mo pa ako niloloko ha? Kelan pa?"
"Miguel please bitiwan mo ako."
"Bakit Mariel, anong meron si Simon na wala ako ha?"
"Miguel, please nasasaktan ako."
"Ano ang gusto mo ha? Ito ba? Ito ba?" and he started kissing her roughly.
Mariel could only cry habang iniiwas niya ang mukha kay Miguel na mas lalong nagpapagalit dito.
Sa tindi ng naramdamang galit ay nakakalimutan na ni Miguel ang pagiging gentleman. He dragged Mariel going to the bed they were supposed to share at kinumbabawan niya ito matapos na malakas na tinulak sa kama. He was literarlly on the act of raping her.
Iyak at pag-iwas ang ginagawa ni Mariel habang nagsusumamong patigilin si Miguel sa ginagawa. Pero parang bingi si Miguel dahil sa tindi ng galit na nadarama. Marahas na hinablot nito ang damit ni Mariel kaya napunit ito at pilit nitong tinatanggal ang pang-ibabang saplot ng dalaga.
Dahil sa pagod at panghihina ay hindi na tumitinag si Mariel at hinahayaan na lang si Miguel sa possible nitong gagawin. Nakakumbabaw pa rin si Miguel dito at si Mariel ay sige pa rin sa pag-iyak. Tanging panty na lang ang naiwang saplot ng katawan ni Mariel.
.
Natigilan si Miguel sa nasaksihan at tila nahimasmasan. Bigla itong tumayo at iniwan si Mariel. Muling pumasok sa banyo at naglock ng pintuan.
Hinatak ni Mariel ang kumot at itinakip sa hubad na katawan habang tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha. She can't believe na nagawa ni Miguel iyon. Miguel has always been a very composed and reserved person at kahit galit na galit ay hindi ito nawawalan ng composure until today.
Wala mang sinasabi si Miguel ay nahulaan na niya ang dahilan ng galit nito.
"Oh my God, ano na kaya ang nangyari kay Simon!" sigaw ng isip niya at gusto man niya itong tingnan ay mas minabuti niyang huwag gawin at baka mas lalo lang gugulo ang lahat.
Maya-maya pa ay narining niya ang pagbukas ng dutsa mula sa banyo. Hula niya ay naligo si Miguel. Gusto niyang magbihis kaso she so tired to move kaya nakuntento na lang siya na nakatalukbong sa comforter at ipinikit ang mga mata.
Tumigil ang pagbuhos ng tubig at ilang saglit lang ay lumabas na si Miguel na bagong ligo at bihis na bihis.
"Magbihis ka at magligpit. We're going back to Manila now." Walang emosyong sambit nito at lumabas na sa kwarto.
Nanginginig man ang mga tuhod at sumasakit ang mga kalamnan ay pinilit pa rin ni Mariel na bumangon at magbihis.
Nung mabisita ang sarili sa basag na salamin ay bakas sa kanyang leeg ang kamay ni Miguel. Napaiyak muli si Mariel nung maisip ang dinanas kamakailan lang.
Nung matapos ligpitin ang mga toiletries at makapagbihis ay lumabas na siya ng banyo. Nagisnan niyang nandun na muli si Miguel at ginagamot ang sugatang kamay.
Nakita niyang nahihirapan ito sa ginagawa kaya lumapit siya dito at tinulungan itong gamutin ang sugatang kamay.
Tahimik silang dalawa habang ginagamot ni Mariel si Miguel. Dala ng katahimikan at matinding emosyon ay tumulo na naman ang mga luha ni Mariel. Hindi makatingin ni Miguel sa kanya.
Patapos na sa pagbabandage si Mariel ng kamay ni Miguel nung magsalita ang huli.
"I don't need you to explain nor will I explain what happened. Let's just do things right. Tuloy ang lahat at kakalimutan ko kung ano man ang nakita ko kanina. Nagkakaintindihan ba tayo Mariel?"
Tango lang ang isinagot ni Mariel and she gathered the medicine kit at tumayo para ibalik ito sa lagayan at maghahanda na para umalis pero bago pa siya tuluyang makaalis ay hinawakan ni Miguel ang kanyang kamay kaya natigilan si Mariel.
In a swift ay nakapulupot na ang mga braso ni Miguel sa beywang ni Mariel. Natigilan si Mariel sa ginawa ni Miguel.
"I'm sorry for hurting you Honey. I didn't mean to do that. I'm really sorry."
Gumagaragal na ang boses ni Miguel habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Nawala lahat ang takot at galit ni Mariel sa nasaksihan kaya umupo siya sa kandungan nito at niyakap ang huli.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Miguel kay Mariel. She can feel na para itong bata na takot mawalan ng kasama.
Upang mapawi ang insekyuridad na iyon ay si Mariel na ang nanghas na gumawa ng hakbang. She cupped his face and slowly descended her mouth to his.
Naging banayad ang halik na iyon hanggang unti-unting naging mapaghanap ang mga halik ni Miguel. His hands are slowly getting busy exploring her body. Pinangko ni Miguel si Mariel without letting go of her lips and brought her to the bed they're sharing.
Kahit labag sa kalooban ni Mariel ang possibleng mangyayari sa kanila ni Miguel ay pinipilit na niya ang sarili na tanggapin iyon para sa ikabubuti ng kanilang relasyon.
Things are starting to heat up between them pero bago pa tuluyang makalimut si Miguel ay nagkusa na itong tumigil at nakuntento na lang na yakapin si Mariel at ipinikit ang mga mata habang yakapyakap nito ang dalaga.
Nakatulog sila na mahigpit na magkayakap.
Chapter 18:
"Let's not talk about what happened kanina. Whatever I've seen and whatever is that issue, I will pretend that it didn't happened. But promise me one thing Mariel, just promise me... that things will be back before he came to the picture."
Paulit-ulit na nagrereplay ang mga katagang iyon sa utak ni Mariel. She promised him! She did! Iisa lang ang kalaban niya sa problema ito... ang sarili niya.
Bandang alas-kwatro ay nagising si Miguel at ginising na rin siya nito para makabalik na sila ng Maynila. Kahit namamaga ang kamay nito at mukha ay ayaw pa rin nito magpa-awat sa pag-alis. Alam niya ang rason nito at siya man ay gusto na ring umalis sa lugar na yun agad agad.
Tahimik lang silang dalawa sa sasakyan at hinayaan lang siya ni Miguel na ipagpatuloy ang pagtulog. Bihirang mag drive si Miguel at isa ito sa mga pambihirang pagkakataon. Ilang beses din niyang sinabihan si Miguel na siya na lang ang magdidrive pero lagi itong tumangi at sinabihan siyang matulog na lang.
Nung makarating na sila sa tinitirahan niya ay dun na sinabi ni Miguel ang mga katagang iyon.
"Oo Miguel. Everything will be back to where we left off. I promise."
"Good! And lastly, let's schedule our engagement once this shit comes off my face." It was more of a command than a statement.
Tango lang ang naisagot ni Mariel sa tinuran ni Miguel. Pero deep inside her, she's not really sold to the idea because she's having doubts of herself right at that moment.
"And one more thing, Celine won't know anything and I'll do everything in my power that she will never know about this incident. So this will just be between, me, you and that bastard. Am I clear Mariel?" maawtoridad na sabi ni Miguel.
Tahimik na tumango muli si Mariel at nagpaalam na si Miguel matapos siya nitong sabihan na huwag na munang pumasok for 3 days at maging ito ay di rin papasok para mapahupa na rin nito ang tinamong mga sugat.
Isang doorbell ang nagpapukaw sa pagbalik tanaw ni Mariel. Kunot ang noong tumayo para tingnan kung sino ang pwedeng maging bisita.
Ini-awang lang ni Mariel ng konti ang pintuan para mabisita kung sino ang nagdoorbell. Hindi niya kilala ang nagdoorbell pero nakita niyang may company logo ang suot na damit ng taong nagdoorbell.
"Mam, inspection lang po para sa anay."
Binuksan ni Mariel ang pintuan at pinatuloy ang magchecheck. Matapos itong magcheck ay nagpaalam na ito.
Di pa nakaupong muli si Mariel ay muling may nagdoorbell. Yamot na tumayo si Mariel.
"Makakatikim talaga sa akin ang taong ito. Di pa tinapos yung gagawin." Sambit ng isip ni Mariel. Nangyari na rin kasi ito dati na akala niya tapos na yun pala ay may nakalimutan itong e check kaya padabog na tumayo si Mariel at tinungo ang pintuan at muling binuksan.
"Ano ba, hindi pa ba tapos..." pero di niya natapos ang sasabihin dahil hindi ang taga pestcontrol ang bumalik kundi ang indibiduwal na ayaw niyang makita sa pagkakataong iyon.
"You!" ang tanging lumabas as bibig ni Mariel.
Akmang isasara ni Mariel ang nakabukas ng pintuan para paalisin ang hindi inaasahang bisita pero iniharang nito ang katawan sa may pintuan at ipinasok nito ang sarili at mabilis na sinara ang pintuan at inilock pa.
Pilit pinapagana ni Mariel ang kanyang presence of mind at naghahanap ng paraan para makalayo sa taong kaharap pero matapos nitong e-lock ang pintuan ay sinungaban siya agad nito and he gave her no room to resist or to let go. He claimed her lips roughly and dahil sa laki ng bulas ng katawan nito ay walang nagawa ang panlalaban ni Mariel.
Nagawa nitong ipangko si Mariel at nabitbit sa kwarto ng dalaga ng walang kahirap hirap. When his lips touched hers, everything went blank. Nalunod na si Mariel at nawalan na ng huwisyo at di na rin napigilan ang sariling tumugun sa halik nito.
"This has to stop. Please stop." Pero ang mga sambit na iyon Mariel na iyon ay kulang conviction.
Pero tila bingi ang kaulayaw at sige pa rin ito sa ginagawang pag-umpisang pagtalop ng damit ng dalaga. He started kissing her neck habang nakayakap si Mariel sa kanya. His kisses are trailing down from her neck to her bosoms and down to her twin peaks. Pababa ng pababa ang kanyang mga halik hanggang dun sa pinakamaselang parte ng katawan ni Mariel.
Mariel could only wringed her body with the sensation she's feeling. Her mind tells her to stop but her body is saying otherwise. Lunod na lunod si Mariel sa sensasyong nadarama at naging lubos pa ito nung lubusan ng nagkaisa ang kanilang katawan... after 10 long years.
Patalikod na nakahiga si Mariel sa lalaking nakaniig habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha. Samantala, he lay flat in the bed with his hands at the back of his neck at tumitingin lang ito sa kisame. Tahimik silang pareho at tanging pagsinghot lang ni Mariel ang naririnig.
Maya-maya ay naramdaman ni Mariel ang pagyakap ng lalaki sa kanya. She tried resisting his touch again pero parang bakal ang mga yakap na iyon.
Una ay mga singhot lang ang ginagawa ni Mariel, pero dahil sa yakap na iyon ay napahagulhul si Mariel. He didn't try to comfort her bagkus ay naramdaman ni Mariel ang pagtulo ng likido buhat sa likod na lumanding sa balikat ni Mariel.
Nagtaka si Mariel kung ano yun kaya lakas loob siyang humarap sa lalaking yumayakap sa kanya ang there stood before her eyes the man she loved 10 years ago and probably ay mahal pa rin niya mapasahanggang ngayon who like her is also crying.
Nagkatinginan sila saglit and everything seems to go back to where they left off 10 years ago.
Silang dalawa lang at wala silang pakialam sa mundo.
She wasted no time. Siya na mismo ang nagkusang humalik dito and that ignited the fire again. Muli nilang pinagsaluhan ang tamis ng pagmamahalan.
"I love you Mariel. I still love you very much." Ang huling katagang narinig ni Mariel mula kay Simon bago siya ginupo ng antok.
Chapter 19:
Madilim na nung magising si Mariel at naalimpungatan siya nung maramdaman ang bigat ng nakadantay sa kanya.
Sinubukan niyang tangalin yung mga binti nitong nakadagan at ang mga brasong nakapulupot sa kanya, pero mas lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa kanya.
Napangiti siya at tuluyang napahagikhik dahil kinikiliti siya ni Simon. Ang mahinang hagikhik ay napapalitan ng malalakas na tili nung nauwi na sa harutan ang simpleng kilitian kanina. Ang harutang iyon ay humantong sa isang steamy shower action. Walang sawa nilang pinagsasaluhan ang makamundong pagnanasa sa isa't-isa.
Pero nung humupa na ang lahat balik na silang dalawa sa katotohanang di nila kayang takasan.
A few hours ago....
"Celine, I'm so sorry. I just can't do this anymore."
"Hon, what is wrong? I thought we're ok. Please explain to me what went wrong!" naiiyak na si Celine sa pagkakataong ito.
Simula nung makabalik sila galing Batangas ay nag-iba na ang pakikitungo ni Simon sa kanya. He become distan. He became cold.
Nung makita ni Celine ang hitsura ni Simon pagkatapos ng bakbakan nito sa kapatid niya na hindi niya nalalaman mapahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi matatawaran ang kanyang pag-aalala para dito. She tried asking him what happened but he refused to say anything. Kahit yung mga taong nandun ay sinubukan niyang tanungin pero lahat ay tikum ang mga bibig at walang ni isang inpormasyon siyang nakuha mula sa mga ito.
Pero dahil persistent siya ay may nag squeak na isa at nung malaman niya iyon ay lupaypay siya sa kakaiyak but she never told Simon nor her brother about it. She kept it to herself. She has a very forgiving heart and besides, she's confident that she can still fix things especially that they are already engaged.
"Answer me!" sigaw niya kay Simon. This is the first time she shouted at him.
Niyakap siya ni Simon ng mahigpit at lumuhod ito sa harapan niya and he continued to ask for her forgiveness.
"Patawarin mo ako Celine. Patawarin mo ako for hurting you. But if I'll continue to do this, I will hurt you more. I'm really really sorry." Simon said in between sob.
Lumuhod din si Celine para magpantay silang dalawa ni Simon. She can't give-up on them. She just can't. She can still work this out. She has to!
"Honey, please listen to me. We can work this out. We can still fix this. Whatever happened, kalimutan na natin yun. Mag-umpisa tayong muli. Please Honey don't leave me! Please..."
Pero Simon can't afford to lie to her anymore. Kinakain siya ng kunsensya for hurting Celine. Si Celine who happened to be her rebound girl. Alam niyang unfair siya masyado kay Celine but alam din niyang magiging unfair siya dito pag-ipapapatuloy niya ang pagsisinungaling.
"I'm really sorry Celine. I'm so confused. I'm really sorry. I'm leaving the country. I have tendered my resignation for the position that your family is offering me. I know I'm being unfair to you Celine and I'm wishing that someday you'll find it in your heart to forgive me." At tuluyan ng umalis si Simon leaving Celine crying.
It broke his heart to see her in that situation but he has to do it otherwise she will have more scenarios like this. Walang lingon niyang nilisan ang lugar.
Her fingers just can't get it right.
"Shit! Shit! Shit!" habang pilit pa ring kinakapa ang cellphone na hawak.
"Oh God help me!"
Hilam ang mukha sa luha and finally she was able to get it right.
"Hello! Hello!"
"Celine, I'm in a middle of a meeting for Christsake!" bulyaw ni Miguel dito. Nagkataon na nasa Hong Kong ito for series of meeting.
"Kuya! Kuya, help me! He left me Kuya! Help me Kuya!"
"Celine, calm down! Pwede ba huminahun ka!" He's was trying his best to stay calm but sa totoo lang ang gusto na niyang sumabog talaga.
He had a conversation with Simon a few days back nung nagtender ito ng resignation and when he asked him for the reason, he can't give him a concrete one.
He knew this was happening!
"Kuya! Are you still there! Help me Kuya! I can't afford to lose him! Please do something! Please do something!"
"Celine, calm down. I'm coming home tomorrow. Let's talk when I get there. Please don't do anything stupid ok?"
He just put down the phone when he got an assurance from Celine.
Naisuntok ni Miguel ang kamao sa mesa that startled all the people who were there. At dun lang niya narealized na nasa isang importanteng meeting pala siya.
"Are you alright Mr. Enriquez?" tanong sa kanya ng isang Chinese na ka meeting niya.
Parang nahimasmasan si Miguel at nag-apologized sa mga kameeting at muling ipinagpatuloy ang naudlot na meeting.
That night, Miguel changed the booking of his flight and he took the earliest flight back home to settle the mess.
Chapter 20:
"I'm leaving tomorrow night. I'm going back to the states." Hindi na rin natiis ni Simon na sabihin iyon kay Mariel.
Ginagap ni Simon ang kamay ni Mariel at nagpatuloy sa pagsalita. "Please go to the states with me Bee. I'm an American citizen already so it wouldn't be a problem for the two of us. Come to the big apple with me and let's get married there just as we plan 10 years ago."
She so confused. She's getting married this coming Sunday with Miguel!
"Hi Mariel, kumusta ka na? Finally ay mag-aanounce na talaga kayo ng engagement niyo then go na tayo sa wedding! I'm so excit.. hey, are you alright?" di natapos ni Mommy Cha ang sasabihin nung makita ang pagyugyug ng balikat ni Mariel.
So as not to create a scene ay dinala niya ni Mommy Cha na di lang niya paboritong designer but isa ring kaibigan sa isang room at duon kinausap.
"Hey are you alright girl?" pag-aalalang tanong nito sa kanya.
"I'm not alright at all Mommy Cha! I'm so confused!"
"Care to tell me the whole thing?"
She trusted Mommy Cha so kinuwento niya ditto ang buong pangyayari in between sobs.
"Nako Mare, ang kumplikado ng buhay mo ngayon. Pero bago ang lahat, Te ang haba ng hair mo! Abot hanggang UAE yan tiyak. I'm sure nakakain na ng mga arabo ang iyong buhok sa haba!" Natatawang sambit ni Mommy Cha.
Di nakaligtas si Mommy Cha sa hampas ni Mariel.
"Aray ko naman! Babae ka ba talaga eh ang lakas mong humampas talaga Te. Promise!" Exag na sambit ni Mommy Cha at sinabayan pa nito ng ikot ng mata.
"Ikaw kasi eh. Mega emote na ako dito eh nagawa mo pa akong lokohin kasi!" at naiyak na naman si Mariel.
"Hoy tama na." pag-aalo ni Mommy Cha kay Mariel.
"Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon Mommy Cha. I want to follow my heart but I cannot afford naman to hurt Miguel along the way. Tama kayang ipagpatuloy ko ang kasal namin or dapat magback-out na ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."
"Alam mo Mariel, ikaw lang talaga ang makakasagot ng tanong mo. Kung ano ang sinisigaw ng puso mo at ano din ang dinidikta ng utak mo ay dapat mong balansihin para di ka magkamali. Don't listen to what others will tell you coz you might end up regretting your decision. Alalahanin mo na panghabang buhay ang desisyon na gagawin mo." Seryosong advise ni Mommy Cha sa kanya.
"Pero sa ngayon, hayaan mo munang sukatan kita ng gown kasi sa totoo lang, naiiyak na rin ako sayo!"
Nagkatawanan ang magkaibigan at nagyakapan.
When the announcement of their engagement came, it was announced thru a lavished party. No matter how radiant Mariel looked in her dark blue gown, her eyes are saying otherwise. All the cameras were with her ang Miguel but her eyes are busy wondering and looking for someone in the crowd. That someone she's looking for ay nasa isang sulok ng isang bar at nilulunod ang sarili sa pagtunga ng alak.
Natapos ang kasiyahang iyon na walang Simon na nagpapakita. Makailang beses din itong tinawagan ni Celine but nakapatay ang telepono nito.
Nakaschedule na rin ang kasal nina Miguel at Mariel after a month nung engagement party na iyon.
Hindi na rin natuloy ang sana'y pagtatrabaho nilang dalawa ni Simon kasi hinarangan ito ni Miguel and they were not able to see each other after the engagement dahil pinabakasyon ni Miguel si Mariel para maasikaso nito ng maayos ang wedding preparations.
"Come with me Mariel. Sumama ka sa akin and I'll take care of you. I cannot afford to lose you again. Bee, please come with me." Muling pagsusumamo ni Simon.
Isang matinding katahimikan ang bumabalot sa paligid. Maya-maya ay tumayo si Mariel sa upuan at lumapit sa bintana at niyakap ang sarili.
Naramdaman niya ang pagyakap ni Miguel mula sa kanyang likod at inihilig naman niya ang ulo sa balikat nito.
"Bee, are you coming with me to the States tomorrow?"
Humarap si Mariel kay Simon and she smiled at him.
"Does that smile tell me that you're going with me?"
Hinawakan ni Mariel ang mukha ni Simon at kinantalan ng halik ang mga labi nito bago nagsalita.
"I love you Simon, I still love you. I never stopped loving you."
That made Simon smile and he is pretty sure that Mariel is going with him.
"But I am not going with you. I am committed to Miguel already and I am marrying him this coming Sunday. Goodbye Simon and thanks for the wonderful memory."
At iniwan ni Mariel si Simon na nakatunganga and she went to her room and locked up. Maya-maya ay narinig niya ang malakas na pagsara ng main door ng kanyang unit at duon na tuluyang muling bumalon ang kanyang mga luha.
Chapter 21:
"Huminahon ka Celine!" galit si Miguel dahil sa nakitang hitsura ng kapatid. Nakasalampak si Celine sa paanan ng kama nito at hilam ang sa luha ang mga mata. Tulala ito at walang tigil sa pag-iyak. Nagsumbong pa ang yaya nito na di daw ito kumain simula pa nung umalis si Simon nung gabi.
Dahil sa nadaramang awa sa kapatid ay di na napigilan ni Miguel ang yakapin ito. Dahil sa yakap niya, parang dun pa lang natauhan si Celine.
"Kuya? Kuya..." at muli itong humagulgul and she clinged to Miguel like he is her life support.
Kahit galit na galit si Miguel ay natunaw ang puso niya sa pagkakita ng kalagayan ng kapatid. Pinangko niya ito at dinala sa kama para makapagpahinga ito ng maayos.
Miguel has always been so protective of Celine. Nung napag-alaman niya before na gusto nitong mag doctor at sa US pa nito gustong ipagpatuloy ang pag-aaral ay tumututul siya dahil hindi niya ito mabantayan. Pero nag-insist ito kaya wala na rin siyang nagawa.
She went to the State to take further studies at duon niya nakilala si Simon who that time was mending a broken heart. Masakit mang isipin ang term na iyon pero siya ang naturingang "Rebound Girl".
Nasa isang bar si Simon at tahimik na umiinum habang kumakain ng mani while watching basketball. He looks so problematic at pilit na lang nilulunod ang sarili sa ginagawa.
Nasa parehong bar din si Celine kasama ng mga kaibigan niya. Kakatapos lang nilang magduty at gustong mag-unwind. Nagkasubuan sila dahil sa truth or dare at nagkataon na dare ang natoka kay Celine.
"Com'mon Celine. What's with a kiss? You only need to kiss him and not marry him. Com'mon girl. You can do it." pambubuyo sa kanya ng kaibigang puti.
"Can you just give me another consequence? What you want me to do is really crazy! I don't know the guy for christsake!" natatawang sambit ni Celine.
"Look at it this way girl. He's cute! That will be the added bonus. Com'mon!"
"No! Give me something else. Let me pay for the drinks tonight instead. How is that?" pagnegotiate ni Celine.
Pero pawang no lang ang lahat ng kanyang naririnig. Napailing na lang siya and made the sign of the cross before approaching Simon.
"Hi, I'm Celine." Paglalahad ng kamay ni Celine kay Simon matapos niya itong kalabitin.
Kunot noong napatingin si Simon sa babaeng lumapit. Medyo tipsy na siya at problemado kaya wala na ito sa tamang huwisyo. He just raised one of his eyebrows at tumango tapos muling itinutuk ang attention sa pag-inom.
Celine faced her friends and signaled na she can't do it coz hindi nagpapaparticipate ang lalaki but all she can hear are the chicken sounds.
Bumuntunghininga si Celine and did the unexpected. Pinaharap niya si Simon at...
"I'm sorry Sir for doing this but this is just a task." At sinungaban niya ang nakaawang na bibig ni Simon.
It was a quick kiss and she said thank you and sorry and was about to leave pero nahawakan ni Simon ang kamay niya.
"Not so fast lady. If your friends want real action then lets give them one!" at mabilis nitong hinalikan ang wide eyed na si Celine. He was not just kissing her. He was really ransacking her mouth passionately and when he stopped, he smiled and wiped her lips with his thumb and leave some money in the counter at umalis.
"Thank you sweetheart. You have a nice and soft lips."
Celine was too stunned to say a word. Nakatunganga lang siya habang nakaalis na si Simon. Bumalik lang siya sa huwisyo nung narinig niyang nagpalakpakan ang mga kaibigan.
Napangiti siya and like a good sport, she took a bow to signify that the task is done and she hurriedly approached their table at hinablot ang pot money na hawak ng isang kasama.
She excused herself and went to the comfort room. Nung nasa cubicle na si Celine ay di niya maiwasang kiligin at mapangiti like a teenager. Muli niyang dinama ang halik ng di nakilalang lalaki. Boy, he was really a damn good kisser.
"Hay, sayang at ganun kami nagkakilala but nevertheless, thanks for the wonderful night Stranger!"
At lumabas na siya sa comfort room after fixing herself. Nakatulog si Celine ng gabing iyon na may ngiti sa labi at paulit-ulit na binabalikan ang nangyari.
Chapter 22:
A month after...
Nasa isang coffee shop si Celine, and she's drinking coffee and having her snack alone while reading her medical books nung may tumabi sa kanya sa high stool. She couldn't careless sana kung sino man ang umupo sa tabi kung hindi siya natapunan nito ng coffee.
"Ouch!"
"I'm so sorry Miss." At inabot nito ang hawak na tissue sa kanya.
Hindi pa tinitingnan ni Celine kung sino ang nagtapon ng coffee sa kanya. She was so busy cleaning herself. Sa kamay niya nagswak ang mainit na kape kaya nakikita ang pamumula ng maputi niyang kamay.
"I'm really sorry Miss." Muling paghingi ng tawad ng lalaki.
Dun pa lang nag-angat na mukha si Celine at laging mangha niya nung nakitang muli ang lalaking nahalikan sa bar.
"It's you!" parang wala sa loob na sambit niya.
Napakunot ang noo ni Simon at pilit na tinatandaan kung kilala ba niya babaeng kaharap.
"Have we met before?"
Napahagikhik si Mariel nung maalala ang araw na nakilala niya ito.
"Oh I'm sorry. Yeah we've met before."
"Really? That's interesting. Where did or how did we exactly meet? Oh my goodness, pardon my manners. I'm Simon." Sabay lahad nito ng kamay while flashing his smile.
"Celine." She said smiling while accepting his hand.
"Are you Filipina?" di nakatiis na tanong ni Simon.
Tumango si Celine.
"Great! Tara, total magkababayan pala tayo, invite na lang kitang mag early dinner. Natapon ko na din sayo ang kape ko di ba?" halatang nahiya si Simon sa nagawa kaya nagpapacute na lang ito sa pagyaya sa kanyang kumain.
Natawa si Celine at sumama kay Simon. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya agad dito.
They settled themselves in a cozy resto at pagka-order ay muli siyang tinanong ni Simon kung paano sila nagkakilala.
Celine told him the story at namangha si Simon sa kabastusan niya nung araw na iyon.
"Oh my goodness! I did that? Ang sama ko ah! Nakakahiya! Sorry talaga Celine."
"It's ok. Ako naman nag-umpisa eh." Di pa rin maiwasan ni Celine na humagikhik dahil dun.
"Pero I was damn arrogant that time. Well tamang term yata was bastos. Pasensya ka na ha. Medyo broken hearted lang ako that time at kinda tipsy na din." And again he flashed his boyish smile and the dimples below his cheekbones appeared.
"Oh I'm so sorry. Napagtripan ka pa tuloy namin that time and you were having an issue pala. My apologies talaga."
"No problem. Guess we're even now?"
Tumango si Celine smiling. That dinner started the friendship and di nila alam ang nangyari pagkatapos kasi they just found out na they were already in a relationship. They couldn't even pinpoint kung kelan sila nag-umpisa.
Isang mahinang katok ang narinig ni Miguel. And when the doorknob opened, may isang lalaking sumungaw.
"Is it ok to come in?" tanong nito.
Tumango lang si Miguel at hinayaan ang lalaking pumasok.
Tulog si Celine at nakatalikod sa kanila kaya di nito alam kung sino ang dumating.
"How is she?"
"I don't think she's well. Ngayon pa lang yan nakatulog. Ang sabi ng yaya niya ay di daw siya kumakain o natutulog. Lagi lang daw tulala." That thought made Miguel took a deep breath to control his anger.
Bumuntunghininga ang kausap ni Miguel. Tumayo si Miguel sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Celine at tinapik ang balikat ng bagong dating.
"Maiwanan muna kita. May pupuntahan lang ako. I don't know if it's appropriate and just but I know you can help her this time." At nagpaalam na rin ito.
Tango lang ang isinagot ng bisita at dahan dahan itong lumapit sa kama kung saan natutulog si Celine.
Masusi nitong tiningnan si Celine and it broke his heart to see her in this condition.
Gumalaw si Celine at nag-iba ng side sa pagtulog. Unti-unti nitong naibuka ang mga mata at tila inaaninag kung sino yung lalaking naka-upo sa kanyang kama. At nung mapagtanto kung sino ito ay biglang bumangon si Celine at muling umiyak at niyakap ang lalaki.
"Philip, I'm glad you're here!"
"Hush now Princess. Everything will be alright. I promise you." At niyakap na rin nito ang dalaga.
Chapter 23:
"Mariel naman, aayusin ko na naman ang gown mo. Ang luwag na naman." Di na maiwasang himutok ni Mommy Cha. Pang-limang beses na kasi niyang sinikipan ang wedding gown ni Mariel at ito na naman maluwag na naman. "Nagdidiet ka pa ba?"
Umiling lang si Mariel pero di nito tinggal ang malaking shades na nakatakip sa mga mata.
"At ano ba naman yan, nasa loob na tayo't nakashades ka pa rin. Tangalin mo nga yan." Akma nitong kuhanin ang sunglasses na nakatakip sa mga mata pero pinigilan siya ni Mariel pero nahablot na ito ni Mommy Cha.
"Oh my God! What happened to you girl?" manghang sambit nito.
Muling kinuha ni Mariel ang shades at muling sinuot.
"Ladies, iwanan niyo muna kami. Wala munang tatawag ha." pagbibigay instructions nito sa mga staff niya na nandun at tinulungang hubarin kay Mariel ang maluwag na gown at muling inilock ang pintuan. Nasa isang room sila kung saan finifit ang mga wedding gown.
Muling tinangal ni Mariel ang sunglasses nung sila na lang ni Mommy Cha ang naiwan at dun na bumuhos ang kanyang mga luha.
Niyakap ni Mommy Cha si Mariel at hinayaan munang ilabas ang saloobin.
"Sorry, sorry Mommy Cha. Nabasa tuloy ang damit mo." Sabi ni Mariel habang pinupunasan ang nabasang blouse ng huli.
"It's ok Mariel. Matutuyo din yan. What is not ok is you. Com'mon speak up. What is wrong?"
Bumuntunghininga si Mariel bago nagsalita.
"You don't seem to be alright talaga. Are these just wedding jitters or mas malaking problema pa?"
Pinahiran ni Mariel ang mga luha pero sige pa rin ito sa pagtulo kaya hinayaan na lang niya.
"Mommy Cha... I'm so confused na! This is not obviously a wedding jitter. It's beyond that." Simulang paglalahad nito. Kinuwento nito ang pagtatagpo nilang muli ni Simon at yung feeling niya towards dito.
"Bakit di ka sumama sa kanya kung ganun? Magpapakasal ka pa rin ba ka Miguel? Don't you think that's unfair for both of you or should I say the 3 or 4 of you?"
"I know. Kaya nga gulong gulong ang isip ko. My heart is telling me not to get married but my mind is telling me otherwise. Miguel is a good man Mommy Cha."
"No doubt that he is pero ang tanong eh, mahal mo nga ba siya more than Simon?"
Hindi naka kibo si Mariel sa tanong ni Mommy Cha. Sapol na sapol siya sa tanong nito.
"Alam mo Mariel, it's obvious that your heart is working faster now than your mind. Your heart is overpowering your mind. Ang sa akin lang, lifetime commitment ang marriage. What guarantee will you have na you'll be happy with someone dictated by your mind instead of your heart?"
"Nakausap mo na ba si Miguel?"
Umiling lang si Mariel.
"Mamaya pa kami magkikita for the final meeting with the coordinators and after that, sa wedding day na."
Napabutunghininga din Mommy Cha at hinawakan ang kamay ni Mariel.
"Mariel, gaya ng sinabi ko dati, ikaw lang makakasagot ng lahat ng ito kung ano talaga ang gusto mo and don't let anyone dictate you kasi baka pagsisisihan mo ang lahat in the end. You still have 4 days to really think about it. Try to weigh things on what will make things better and most importantly, what will make you happy."
Niyakap ni Mariel si Mommy Cha. "Thank you so much Mommy Cha. I'll think and reflect on what you told me. For whatever or wherever this will lead me, malaki pa rin ang pasasalamat ko sayo lalo na sa mga gulong ginagawa ko sayo." And she let out a shy smile.
"Ano ka ba! Oks lang yun. What are friends for di ba. Hay nako girl ang haba talaga ng hair mo. Pwedeng akin na lang yung hindi mo pipiliin?"
"Sira!" at di na naman nakaligtas si Mommy Cha sa hampas ni Mariel.
"Ay grabeh ka naman kung makahampas Te. Baka di ko maayos yung gown mo nito kasi imbalido na ako! Naman eh!"
At nagtawanan na rin ang magkaibigan. Makalipas ng ilang minuto ay muling sinuot ni Mariel ang shades at nagpaalam na kay Mommy Cha.
On her way out ay nakasulong at nasagi niya ang isang babaeng di tumitingin sa dinadaan dahil may kausap ito sa phone.
"Sorry" simpleng paghingi ng paumanhin ni Mariel sa nasagi.
"Oh sorry din. Di kita nakita... Mariel?"
Napatingin si Mariel sa nasagi. "Hi Willow. Nice to see you here."
"Oh my gulay. Ang payat payat mo na. Nakakaingit ka naman." Makahulugang sambit ni Willow.
Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Mariel at muli itong nagpaalam.
"Mommy Cha!!!!" excited na sambit ni Willow pagkakita dito at bigla itong nagbeso. Ganun si Willow, she's bubbly and kikay. "Ready na ba ang damit ko?" excited na sambit nito.
"Ayan na po kamahalan." Sabay turo sa damit na pula na nakahang sa clothes rack.
"I like I like!" at napapalakpak pa ito na parang bata.
"Hay ewan ko sayo. Para kang lukaret talaga! Pulang pula ang susuotin mo sa kasal nina Miguel at Mariel. At di lang pulang-pula ha, bloody red at papansin talaga ang design!" sabi nito na naka ikot mata.
"Oo naman! Aagawan ko ng eksena ang bride! Who knows baka sa akin pa maikasal si Miguel!" sabay kindat pa nito.
"Baliw ka talaga ano!" Tumawa man si Mommy Cha pero kinakabahan talaga siya sa maaring mangyari sa linggo.
Chapter 24:
Kanina pa tahimik si Miguel habang pareho silang nakikinig sa head coordinator nila while she is discussing on the final details of their wedding.
Habang nasa kalagitnaan na ng briefing ay sumabad si Miguel bigla.
"By the way, tangalin niyo na ang name ni Celine sa entourage."
Ikinagulat ni Mariel ang tinuran ni Miguel na iyon at biglang nagbigay sa kanya ng kaba.
"Bakit?"
"She needs to take an emergency trip abroad lang."
She tried asking Miguel for the real reason sana but she can sense that Miguel doesn't want to talk about it kaya she shut her mouth.
Nung matapos ang meeting ay tahimik silang umalis dalawa ni Miguel. She thought that they were still going to have dinner or watch a movie like they used to do pero laking gulat niya nung patungo sa tinitirahan niya ang tinatahak ng kotse nito.
It's two days to go before they're getting hitched at bukas napag-agreehan nila na di na sila magkikita hanggang sa araw ng kasal.
Miguel parked the car but didn't move. Kahit nakastandby na ang makina ng sasakyan ay di ito gumalaw.
It's an awkward moment for Mariel. Di na rin niya natiis at hinawakan niya ang braso nito.
"Miguel..."
"Why are you marrying me Mariel?"
"Ha? Anong klaseng tanong yan Hon." Pag-iiwas niya sa tanong nito.
"Answer me honestly. Why are you marrying me?" may diing pagkakatanong ni Miguel and this time ay tinititigan siya nito pero hindi makatingin ng maayos si Mariel.
"Hay nako ewan ko sayo, akyat na ako." At akmang aalis na si Mariel pero pinigilan ni Miguel ang braso niya.
"Miguel ano ba, let me go."
"Answer me Mariel. Be honest with me for the last time."
Huminga ng malalim si Mariel. She's trying to formulate her answers. Iba pa rin kasi ang sinisigaw ng puso sa utak niya.
"I am marrying you kasi iyon ang nararapat!"
"Oh my God! I hope I gave him a good answer." Piping sigaw ng isip ni Mariel.
Miguel sign at tumungo. He closed his eyes tightly and was trying to calm himself. He slowly released his hand and asked her to go up to her unit.
"Akyat ka muna Hon. Let's talk some more and have dinner upstairs please." Pagsusumamo ni Mariel kay Miguel.
Umiling lang si Miguel at muli siyang tinitigan. Pinalandas ni Miguel ang kamay sa kanyang buhok hanggang sa kanyang mukha. He's half smiling but Mariel could see sadness in his eyes.
"Bakit?" di nakatiis si Mariel na magtanong. She felt so conscious sa ginagawa ni Miguel or baka mas tamang sabihing nakukunsensya siya sa kabaitan ni Miguel.
"I am not really a romantic person Mariel. I am not the showy type. Pero iisa lang tiyak ko sa sarili ko. Mahal na mahal kita."
Mariel was about to say something pero pinigilan ni Miguel ang bibig niya sa pagbuka at nagpatuloy itong magsalita.
"I will do everything in my powers to make you happy... everything.... Go upstairs na. See you in the church."
"Miguel..."
In one quick swift, Miguel cupped her faced and gave her a passionate kiss. She tried responding to the kiss but it seems that something is stopping her. Miguel tried so hard to let her response but he stopped nevertheless.
"Good-bye Mariel."
Tumango lang si Mariel at dali-daling bumaba sa sasakyan at mabilis na tinungo ang elevator dahil nagbabadya ng bumuba ang kanyang mga luha.
Hindi umalis si Miguel hangga't di nakasakay ng elevator si Mariel. Huminga ito ng malalim bago pinaandar ang kotse. He wiped his face and his eyes because dun pa lang niya natantong may mga butil ng luha na palang lumalandas sa kanyang pisngi.
Chapter 25:
Nagsend siya ng text pero di ito sumasagot. Sinubukan niyang tawagan ito pero unattended ang cellphone.
"Hon, are you alright? Please call me."
She felt so alone. Her family is billated in some hotel and she's supposed to be getting ready and to be taking some rest pero hindi niya magawa. She's so restless at mapa sa hanggang ngayon ay di pa rin siya kumbisido kung tama ba ang gagawin o hindi.
Nabuhayan siya ng loob nung tumunog ang message tone ng cellphone. Dali-dali siyang tumakbo para tingnan ang nakacharge na phone.
"Bee..." unregistered man ang naka paskel na number ay alam niya kung kanino galing ang text kasi iisa lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.
Literally ay biglang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso. Muling tumunog ang kanyang cellphone. Same number pa rin ang nakaregister.
"Bee, please follow your heart."
And another text. "Huwag nating palampasin ang pangalawang pagkakataon."
And again...
"Why did we meet again after 10 years. It's a sign Bee. It's our destiny that's knocking our doors. You are my destiny as I am yours."
At marami pang sumunod. Sunod sunod iyon. Hilam na sa luha ang mga mata ni Mariel pero hindi pa rin siya sumasagot. She continued reading Simon's texts to her.
"I cannot afford to lose you again Bee. Please..."
"Bakit kinakailangang makita pa kitang muli and only to lose you again?"
"I love you so much Bee. I love you then and now and I'll love till eternity."
Tuluyan ng napahagulhul si Mariel at napasalampak siya sa kinatatayuan at napaupo. She can't control her tears from flowing. Gusto niyang magwala. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang....
"Aaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrrrrggggggggggggggggggg!!!!!!"
***********************************************************
Nakaupo lang siya sa tagong sulok ng bar na iyon. He's drinking scotch on the rock. Nasa harap niya actually ay isang 750ml na Johnny Blue. Kalahati na ang laman ng inuming iyon. Sunod sunod ang pagtunga niya ng baso.
"Hey Girl, he's all alone. Go get him!"
"It's alright. I'm contented looking at him."
"Are you crazy? He's all alone and this is your opportunity. Com'mon! Go and get him!"
She chickened out pero nabuyo pa rin siya ng mga kaibigan para lapitan ito.
Huminga siya ng malalim bago lumapit sa lalaking naglalasing.
Busy ang lalaki sa pagtetext kaya di siya nito napansin.
"Hello handsome." Malambing na pinalandas niya ang mga kamay sa braso ng lalaki.
Tumigil sa pagtetext yung lalaki at nag-angat ng ulo at pilit inaaninag kung sino ang lumapit sa kanya. Pagkakita sa kanya ay deadma lang ito bumalik sa pagtetext.
"Are you waiting for some company?"
Natigilan na naman sa pagtetext ang lalaki at palinga-linga bago nagsalita. "Do I look like I have some company?" sarcastikong sabi nito.
"Just checking." At nginitian niya ito na malandi.
"Why are you all alone?"
Inilapag ng lalaki ang hawak ng cellphone at hinarap siya. Masusing tiningnan from head to foot. She's wearing as sexy at maiksing black dress with her hair up in a pony tail showing her long and slender neck with matching red luscious lips.
Hindi nakalampas sa kanya ang pangiwi ng kaharap at tila di nagustuhan ang kanyang appearance.
"Must you wear that?" turo nito sa damit niyang maiksi at mahaba pa ang ukab sa harapan.
"What wrong with what I'm wearing loverboy? Other men find it sexy."
"Huh? Sexy? You call that sexy? Maybe slutty!"
She was taken a back of what he said but di niya pinapakita dito.
"Slutty? Seriously..." she said in mischievous smile.
Masusi siyang tiningnan muli nito. Dahil siksikan ang bar na iyon ay bigla na lang siyang napasubsub sa lalaki dahil sa pagcut ng isang waiter sa bar. She landed in between his legs and her breast to his chest.
May napansin siyang nagreact sa lower portion ng katawan ng lalaki na pareho nilang ikinatigil at nagpatingin sa isa't isa. She tried to regain her composure at akmang lalayo sa lalaki pero nakita na lang niyang she's being enveloped by his embrace.
Ang kamay ng lalaki at nagawi sa kanyang buhok and he let go of her ponytail at biglang bumagsak ang kanyang long and silky hair sa kanyang balikat. Maya-maya lang kumuha ang tissue ang lalaki at pinahiran ang kanyang mapupulang labi.
"There, that's ore I like it. Classic!" at bago pa siya makapag-react ay nacapture na nito ang kanyang nakaawang na mga labi.
Dahil sa pagkabigla ay di niya nagawang makatugon sa halik ng lalaki. At dahil sa inaakalang katuuran, the guy deapened his kisses to her and pulling her closer to him... to his body... particularly to the lower part of his body na buhay na buhay sa pagkakataong iyon.
Parang natauhan siya at pinantayan ang kahangahasan ng lalaki. They're practically kissing each other roughly and they couldn't careless kung sino man ang nakakakita sa kanila.
"Let's get out of here." He whispered to her ears.
He left her no choice. He drag her out of the bar at mabilis nitong pinahahurut ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
"What was that?" na shock na sambit ng mga kaibigan ng babae.
"That was really crazy. Didn't expect it to be like that. Whew! That was so hot!"
**************************************************
Masakit ang mga mata at masakit din ang ulo ni Miguel nung siya'y gumising. Parang galing siya sa isang gyera na di niya maintindihan dahil sa panghahapo ng katawan at sa pagod na nadarama.
Umupo siya sa kama at unti-unting binubuksan ang nanakit na mata. May gumalaw sa katabi niya kaya natutuk duon ang kanyang attention. Tumambad sa kanya ang babaeng may mahabang buhok.
He looked stunned of what he see. What is a girl doing in his bed? Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari nung nagdaang gabi and all he can remember is him drinking alone in the bar.
The sleeping woman was facing her back on him kaya dahan dahan niyang hinawi ang buhok nito upang malaman kung sino ang nakaniig nung nagdaang gabi.
And he got the shock of his life to see that the lady who was with him last night was the last person he wants to get laid with. She simply spells trouble!
"Willow! Damn!" Naihilamus na lang ni Miguel ang mga kamay sa frustration na nadarama.
Chapter 26:
"What is the meaning of this Willow?" Galit na sambit ni Miguel sa dalaga.
Napabalikwas ng bangon si Willow nung marinig ang dumadagungdung na boses ni Miguel. Napatingin ito kay Miguel na tila disoriented kung saan siya. Dahil sa biglang pagbangon nito ay nalaglag ang kumot na nakatakip sa hubad nitong katawan.
"Miguel..."
Her breast are exposed before his eyes. May biglang gumalaw sa katawan ni Miguel kaya napamura ito at iniiwasang mapadako ang mga mata sa harapan ni Willow. Dun pa lang natanto ni Willow ang kalagayan kaya dali dali niyag tinakpan ang sarili.
Samantala si Miguel ay biglang tumayo kaso di nito magamit ang comforter that he's sharing with Willow kaya tumayo itong hubo't hubad at patakbong pumunta sa banyo na tinatakpan ang kaselanan.
Napangiti si Willow sa nakita.
"Ang cute talaga ng mokong na ito kahit suplado!" napangiti si Willow sa iniisip pero biglang nalungkot ito nung maalalang mamayang hapon na pala ang kasal nito. Ang masayang mukha ni Willow ay napalitan ng lungkot at may mumunting mga luha na ring dumadaloy sa pisngi niya.
Pinahiran niya ang mga luha at tumayo at nagsimulang hanapin ang mga damit na nagkalat. She couldn't find her undies. Napa-upo siyang muli sa kama dahil sa frustration pero biglang nabuhayan ng loob nung makita ang hinahanap pero nung makita ay namangha nung nakitang napigtas pala ang thong niya.
Napailing siya nung maalala gaano sila kawild ni Miguel kagabi. She sigh and concluded that she might really have to go home without it mamaya.
Lumabas na ang bagong ligong si Miguel sa banyo. He's dressed in casual khaki shorts and white polo shirt.
"Get dress and I'm taking you home." Matigas na sambit ni Miguel kay Willow habang nagsusuklay ito.
Walang kibo siyang pumasok sa banyo at tahimik na nagbibihis. Naghilamos siya para mawala ang trace na kanyang pag-iyak.
Makalipas ng ilang sandali ay lumabas na rin siya ng banyo. Nadatnan niya si Miguel na nakatingin sa labas ng bintana.
"Miguel..."
Lumingon si Miguel kay Willow. Dun palang nasilayan ni Miguel si Willow in a fresh look. She has no make-up yet she looks pretty like this. Pero nagpang-abot na naman ang kilay ng huli nung mapansin ang damit na gamit nito.
Walang kibong pumasok ulit si Miguel sa banyo ay may kinuha sa closet. Paglabas nito ay may bitbit na itong puting longsleeves.
"Here wear this. You might get sick with what you are wearing!" the statement was more of a command than a concern.
Tumalima lang si Willow. She's happy sa pinapakitang concern ni Miguel pero again kinain na naman siya ng lungkot nung maalalang ikakasal na si Miguel in a few hours.
"I'm getting married in a few hours kaya ipapahatid na lang kita sa driver ok. Join me for breakfast first before you go."
"It's ok Miguel. I'm going na. I'm not used to eating breakfast."
Kibit balikat lang ang isinagot ni Miguel at nag-intercom na ito sa driver. Pagkalapag nito ng telepono ay sinabihan na siya nito na nasa baba na ang maghahatid sa kanya.
"Miguel..."
"Yes?"
Tinakbo ni Willow ang espasyong nasa pagitan nila and she threw herself to Miguel and gave him the most passionate kiss she can.
Nashock man si Miguel pero di rin ito nagresist. Infact nadala pa ito pero nung maalala ay sitwasyon ay kusa itong bumitaw kay Willow.
"Thank you for the wonderful night Miguel. I sincerely love you but I guess things are not meant to happened. Thank you for the memory." At mabilis na nilisan ni Willow ang kwarto ni Miguel dahil nagbabadya na naman ang mga luhan sa kanyang mga mata.
That statement left Miguel stunned and speechless.
Chapter 27:
Ilang oras na lang she will be Mrs. Miguel Enriquez. Pero bakit parang mabigat pa rin sa loob niya ang alalahaning iyon.
Ayaw niyang gumising. Ayaw niyang tumayo sa kama. Parang mas gusto niyang humilata na lang at magtalukbong sa ilalim ng kumot.
"Sana everything is just a dream. Sana bangungut na lang itong lahat. If only I could turn back the time, I would have wanted to go back 10 years ago to make things right." Sigaw ng isip ni Mariel.
"Rise and shine Sunshine!" sigaw ni Mommy Cha sa kanya habang hinawi nito ang kurtina ng kwarto niya sa hotel kung saan siya nakatira.
Dinampot din nito ang laylayan ng comforter at hinawi ito para masinagan ng init si Mariel na dali-daling tinakpan ang mukha.
"Hoy Bruha gumising ka na! Nandyan na yung magmamake-up sa'yo sa labas."
Pero di pa rin tumalima si Mariel kaya umupo na si Mommy Cha gilid ng kama at hinablot nito ang unan na nakatakip sa mukha niya.
Namangha ito nung makitang magang-maga ang kanyang mga mata.
"Oh my goodness Mariel! What have you done? Sumingkit na yung mata mo sa kakaiyak! Ano bah!" paghihisterya ni Mommy Cha.
Mabagal na bumangon at umupo si Mariel and took her cellphone to check on the time. She also checked her text and was looking for familiar text messages.
Marami pa rin siyang text galing kay Simon na may temang pareho nung mga pinadala nito ilang araw ang nakalipas. Pero two days na at wala pa rin siyang text na natatangap kay Miguel. But she kept it to herself at ni isa ay wala siyang sinabihan.
"Hala sige maligo ka na at ng mamake-upan ka na. Bilis!"
Pero parang tinatamad pa ring kumilos si Mariel kaya hinatak na siya ni Mommy Cha para maligo.
What happened next is like whirlwind. Ang bilis. Mabilis siyang namake-upan na siyang paghihimutok ng kanyang make-up artist kasi sobrang maga ang kanyang mga mata. Di nito naiwasang mag comment sa hitsura niya.
"Ano ba naman yan Te. Sobra ka bang kinakabahan sa kasal mo at di ka nakatulog. Bakit kasi iyak ka ng iyak. Ayan tuloy major major maga ang eyes mo! Hay nako!"
"Echoserang frog naman ang isang to. Eh sa excited kaya di makatulog ang bride natin. Hala sige ayusan mo yan ng maayos." Ikot matang sambit ni Mommy Cha. Feeling niya talaga na siya ang nanay kaya todo asikaso siya nito.
Pagkatapos nitong na make-up ay sumunod na ang pictorial. Medyo nahirapan ang photographer on capturing her emotions pero they have been so patient with her.
"This is it!" Ang sigaw ng isip ni Mariel nung finally ay nakagown na siya. She's wearing a beautiful gown with a fully beaded long bodice in serpentine train in off-white. She looks like a princess and a goddess in her gown.
Her family was teary-eyed and in awe to see her dresses finally in her wedding gown. She was able to the act of pretentions when she was with her family.
Papasok na ang sinakyan niyang kotse sa simbahan nung sabihin ni Mariel sa sarili na "Good-bye Simon. I love you... I still do..." and she sniff para mapigilan ang luha.
Chapter 28:
"Bakit kaya ang tagal?" medyo nababahala na si Mariel dahil nakalipas na ang labing limang minuto ay di pa rin siya pinalabas sa kotse.
Naputol ang pag-iisip ni Mariel nung kumatok si Mommy Cha sa kanyang bintana.
"Mommy Cha, di pa ba mag-uumpisa?"
"Can I come in?"
Medyo kinakabahan si Mariel sa nangyayari.
"Naaksidente kaya si Miguel? Ano kaya ang nangyari?" pag-aalala ng utak ni Mariel.
"What's wrong Mommy Cha? Di pa ba tayo mag-uumpisa?"
Bumuntunghininga muna si Mommy Cha bago nagsalita.
"Mariel, huminahon ka lang ha. May problema lang. I think this letter will give you the answer. Basahin mo muna and dito lang ako sa labas." At lumabas na si Mommy Cha to give her privacy. Maging ang driver ng sasakyan ay lumabas din.
Nanginginig ang kamay na binuksan ang brown envelope at nakita niya duon na may tila plane ticket at isang white envelope na tantiya niya ay sulat. Nagmamadaling binuksan ni Mariel ang puting sobre at di nga siya nagkamali at isang sulat ang laman niyon. Sulat galing kay Miguel.
Dear Mariel,
When I asked you why you are marrying me and you answered because it was the right thing to do, that was the sign I was looking for.
I have been thinking a lot. My mind is telling me to go on with the wedding but my heart is telling me otherwise. I kept convincing myself to follow my mind but someone seems to be always whispering in my mind not to go on with it.
You're one of the best thing that happened in my life Mariel and I truly love you. I love you very much that why I'm finally letting you go. I cannot afford to see you trapped in marriage that it's the mind that deciding it to happen. Follow what your heart tells you Mariel.
By the way, I am having doubts if you're really coming to this wedding but I am sparing you from whatever burden this will cost us. I want to be the one to be blame of a no-show so that you'll be spared from all questions and doubts.
Enclose is a one way ticket to the US. Go follow your dreams. Fulfill what you have wished for 10 years ago. Don't worry about me, I'll be fine. All of us will be fine.
I will never forget you. You will always have a special place in my heart Mariel.
With Love,
Miguel
Hilam na sa luha si Mariel but at the same time she's smiling and finally she felt free. Dali-dali niyang tinawag ang driver at si Mommy Cha.
"Yes Mam?"
"Hatid mo ako sa bahay please." Nakangiting sambit niya.
"Ano yun Mariel?" tanong naman ni Mommy Cha.
"Mommy Cha, I'm free! Halika samahan mo ako sa bahay to get my stuff. I'm flying to the US tonight." Nakangiting sambit niya pero ganun pa man ay may mga luhang lumalandas sa kanyang mga mata.
"Ha? Paano ang wedding? Paano ang mga..."
"Bahala na sila dun. Call the coordinators and I'll talk to them. Oh my God Mommy Cha, napakabuting tao talaga ni Miguel. Siya pa ang hindi sumipot talaga para hindi ang lalabas na masama or may problema. He gave me a one-way ticket to the US to join Simon. I'm leaving tonight Mommy Cha. I'm finally gonna fulfill my dreams with Simon!"
"Ha? Ang gulo niyo talagang dalawa. Sinayang niyo lang ang mga ginastos!" ikot mata si Mommy Cha but deep inside her, she's truly happy for Mariel.
Mommy Cha was the one who talked to the coordinator and at inilahad niya sa mga ito ang nangyayari at binigyan ng instruction ang mga ito na padiretsuhin pa rin sa reception ang mga bisita at ipagpatuloy pa rin ang pagkain.
Mariel was able to talk to her parents at inamin na rin niya na muli silang nagkita ni Simon at aalis na siya para puntahan si Simon. Medyo nagprotesta ng konti ang parents niya pero hindi na ilanintala ni Mariel iyon at mabilis na nagliligpit ng gamit.
After 5 hours ay lulan na siya ng isang eroplano papuntang US to be with the man of her dreams.
Chapter 29:
Twelve hours of non-stop flight plus 1 hour of processing, finally nakalabas na ng San Francisco airport si Mariel.
Hindi na niya kailangan pang hanapin dahil tumambad na sa kanyang paningin ang lalaking kanyang sinisinta.
He's wearing faded jeans, vans shoes and a dark purple hoodie. But what caught her eyes was the placard he his holding.
Napansinghap si Mariel sa nasaksihan. She can't believed that he can really do such a thing.
"Will you marry me Bee?" ang nakapaskel sa placards na hawak ni Simon.
She couldn't care less kung sino ang mga taong nandun. She dropped all her bags and the cart she's pushing and run to Simon and gave him a big hug.
And Simon did what was expected. Lumuhod siya sa harap ni Mariel at binuksan ang bitbit na maliit na box and showed her the exact replica of the ring he gave her 10 years ago but the stone is way much bigger.
Muling napasinghap si Mariel sa nakita and she smiled and quickly said yes. Dali-daling tumayo si Simon and cupped her face and gave her a kiss that she gladly responded. Kung sa pelikula pa ay parang umiikot ng 360 ang eksena. Lahat ng angulo kitang kita.
Palakpakan, hiyawan at whistle ng mga taong nandun ang nagpabalik sa magsing-irog sa huwisyo.
They cannot contain their happiness. She cannot help it but she's so happy to be with Simon right now. She can't stop staring at her new engagement ring.
"Bee, this is so nice. I never thought you're going to do this. Na bibigyan mo ako ng bago."
"Consider this my renewal of my commitment to you Bee. The previous ring was way too small for you."
Muling niyakap ni Mariel ang kasintahan at mabilis na nilang nilisan ang lugar na iyon.
Dalawang linggo lang ang hinintay nilang dalawa para sa preparasyon ng kanilang kasal at ito na sila ngayon sa isang chapel sa Las Vegas.
They had a simple and very intimate wedding with only their families and closest friends are there to witness it.
Mariel is wearing a beautiful body fitting gown with a ball gown while Simon is wearing a tuxedo and a purple bowtie.
They rest of the members of the entourage are wearing different shades of purple. From the flowergirls to the maid-of-honor. All these creation are made by no other than Mariel's maid-of-honor and confidante, Mommy Cha na hindi mapigil ang pag-iyak. Tumutulo ang luha habang di naman mapawi ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"Hoy ano ka ba, bakit para kang baliw ah. Tumutulo ang luha mo pero nakangiti ka naman." Natatawang sambit ni Mariel nung makita ang reaction ng kaibigan.
"Walang pakialamanan! Buhay ko to! Hala sige, magmartsa ka na bilis!" sagot naman nito.
Pero hindi talaga mapigilan ni Mariel ang humagikhik sa sinapit ng kaibigan kaya hawak niya ang tiyan na sumasakit na sa kakatawa.
Napipikon na si Mommy Cha sa ginagawa ni Mariel kaya binantaan niya ito.
"Pag ikaw di titigil sa kakahagikhik mo diyan, ako ang magpapakasal kay Simon! Gusto mo ha? Gusto mo? Palit na tayo. Ikaw na ang maid-of-honor at ako na magbride! Akin na nga yang belo mo! Akin na!" At inilahad pa nito ang kamay na kunyari hihingin talaga ang belo niyal.
But Mariel pushed her para mauna na itong maglakad as maid-of-honor at binelatan ito at sinabihang "In your dreams Sister!" and she winked at her.
"Simon and Mariel, you may now say your vows."
Hawak kamay sila at magkaharap sa isa't isa when they said their individual vows. Nauna si Simon.
"Bee, 10 years! 10 long years that I am dreaming and wishing for this day to finally come. I was on verge of losing hope of fulfilling that dream until destiny brought us back together. It seems that you can't really teach your heart to beat on a different direction because it will always find it way home. And I am home. You are my home. You are my life then and now and for always. I love you very much Bee and I am looking forward of spending my life with from this day forward.
Like Mommy Cha, ganun na rin ang naging reaction ni Mariel nung marinig ang vows ni Simon. Umiiyak na nakangiti.
"Mariel, may we hear your vows please."
"Bee, I never thought that this day would come. I never thought that I will be standing here before you. I never thought that what I am praying for will be heard finally. But indeed it is true that if you just believe, everything will fall into places. I'm glad I did!
From this day forward, for better or for worse, I'll be by your side to help you build the family we have dreamt of 10 years ago. I love you very much Bee and I can never thank God enough for bringing you back into my life. No matter how complicated the obstacles were."
"By the power vested upon me, I pronounce you Simon and Mariel, husband and wife! Simon, you may now kiss your bride."
And they sealed their union with a kiss.
Chapter 30:
Tahimik ang gabi at tanging tunog lang ng mga alon ang naririnig. Tumayo si Miguel sa higaan at pumunta sa balcony. Nakasandal siya sa sliding door ng hahang nakatitig lang sa labas ng balkonahe.
Nakapajama lang si Miguel pero hubad baro sa pang-itaas. Bumuntunghininga siya at tila may malalim na iniisip.
Naputol ang kanyang pagmumunimuni nung tumunog ang cellphone. Kinuha niya ang cellphone at isa isang tiningnan ang messages na natanggap. Actually tatlo ang messages na iyon.
The first message came from Celine.
"Hi Kuya, I'm ok here. I like this place. I might consider staying here. Philip is still with me and he's taking care of me. Don't worry too much about me ok. Love you."
He sighed when he remembered what happened to her sister after the break-up. Honestly, he wanted to kill Simon that time but naisip din niya sa kalaunan ang sitwasyon ng kapatid. Magiging maligaya kaya ito sa piling ni Simon na iba naman ang itinitibok ng puso. He thinks now that he made the right decision of asking Philip to take his sister to a place na malayo sa kanila. To a place where she can relax and can simply forget about what happened to her.
Then he read the second message and it came from Mariel. Medyo nag-aalangan si Miguel kung babasahin ba niya o hindi. Pero nanaig pa rin ang kuryosidad niya na alamin kung ano ang nilalaman ng text nito.
"Hi Miguel. I don't really know how to start but before anything else, allow me to say thank you. Thank you for being nice, understanding and giving. Truly, you have a good heart and you're really a good person. Please find it in your heart to forgive me for all the troubles I've caused you. I don't really mean to hurt you but I think I was destined to be with Simon. We just got married yesterday and honestly Miguel, I'm really happy and you are part of that happiness dahil sa pagpaparaya mo. We can never thank you enough. I hope we can still be friends like we used to be. God bless you Miguel and I will pray that you'll find someone who deserves you."
Napangiti siya sa text na iyon ni Mariel. Muling siyang bumuntunghininga na para bang natanggal siya ng isang tinik sa kanyang puso. Without battling an eyelash, he sent his reply to her text.
"Hi Mariel, congrats to you and Simon. Don't worry, all is forgiven now. I sincerely wish you both happiness. And thank you for the wonderful memories. Don't worry, we are friends before we became lovers and I intent to keep it that way. Take care of each other."
Ang pinakahuli niyang binasa ay ang text galing kay Simon.
"Miguel, before anything else, my apologies for what happened. I hope someday, you can find it in your heart to forgive us. We didn't mean it to happened but then again it did. You're a good man for giving up your happiness and with that I am very grateful. Again, thank you so much."
"No problem Man. Just take care of her." Ganun lang kaiksi ang sinagot niya kay Simon.
Matapos niyang sagutin ang mga text ay bumalik na siya sa kama at muling humiga. He turned to his side at matamang tinititigan ang babaeng kaharap na payapang natutulog. Natutukso siyang bigyan ito ng halik. She looked pretty pag ganito ang kanyang ayos.
May mga mumunting hibla ng buhok ang tumabing sa mukha nito kaya inayos niya iyon para wala ng sagabal sa kanyang view. Kumilos ang katabi kaya para siyang napasong inilayo ang mga daliri dito but then again he still can't resist on the urge of touching her. Of giving her a kiss. And so he did.
Naalimpungtanan ang babae sa ginawa niya pero di pa rin nito binuka ang mga mata. She just moved closer to him na tila ba isang pusa na sumiksik sa pagtulog. Ang init at lambot ng katawan ng katabi ay nagpapabuhay ng kanyang katawang lupa kaya di na siya nag-aksaya ng panahon at isikatuparan ang pagpapawi ng init na nadarama.
Muling silang nakatulog na magkayap na lagi nilang ginagawa sa dalawang linggo ng nakalipas. Ganun na ang naging set-up nina Miguel at Willow na matapos di natuloy ang pagdaos ng kasal nina Miguel at Mariel ay siya namang pag-move in ni Willow sa bahay ni Miguel.
Nagsasama sila ng walang basbas ng matrimonya dahil sa puntong ito ay hindi na naniniwala sa kasal si Miguel and Willow is taking her chances on Miguel in any way she can.
Abangan ang kwento nina Miguel at Willow sa...
STATUS: IT'S COMPLICATED
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top