2: Bloody Moon



IT IS COMING LIKE A THIEF. ARE YOU READY?


Celestine POV

Isang malakas na sigaw ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagka-katulog.

"Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan! Malapit na siyang dumating! Magsisi na kayo! " sigaw ng babae sa labas ng bahay namin. Halos araw-araw ay nakaugalian na ni Manang Elsa ang sumigaw sa labas ng kalsada at lagi kaming pina-aalalahanan na malapit na magunaw ang mundo. Malapit din kasi sa simbahan ang aming mga tirahan kaya siguro dito niya na din napili na magpa-alala sa mga tao, pero deadma lang ang mga ito sa sinasabi niya. Nagmumukha lang itong baliw sa gitna ng kalsada.

I just shrugged my shoulders at bumangon na lamang ako sa kama ko. Hindi ako naniniwala na malapit ng magunaw ang mundo. Sa loob ng ilang libong taon andito pa din naman tayo kaya naiisip ko na impossible itong mangyari. Sayang lamang ang oras na ginugugol ni Manang Elsa sa pagsigaw-sigaw nito sa kalsada.

"On April 18, 2022 the moon becomes red again because of the Blood Moon Phenomenon... " pagbaba ko sa hagdan ay naabutan kong seryosong nanonood ng balita sila mama, si kuya Jasper at ang aking dalawang nakababatang kapatid.


"Ma, ano yang pinapanuod niyo nila kuya? "  I heard the word Blood Moon but I am not aware kung ano ba ito.


" Magkakaroon daw ng Blue Blood  moon ngayon anak. Malapit na talaga dumating ang ating Panginoon. " My mom stated in a hoarse voice. Bakit ba parang siguradong-sigurado ito sa sinabi nito. Things like this are just conspiracies or theories na wala namang sapat na basehan.

" Ano ka ba ma, impossible yang sinasabi niyo matagal pa mangyayari yan. " I said to my mom in a dismissing tone. Never akong maniniwala na mangyayari yan lalo na ngayong panahon na'to. Mag uumpisa palang ang buhay ko bilang isang scholar sa isang medical university tapos sasabihin nalang nila bigla na magugunaw ang mundo? Nasaan ang hustisya?


"Celestine! Halika  na dito sa hapag at mag-almusal na tayo! Jasper at Nicole sumunod na din kayo, tama na yang panunuod!" tawag ni mama sa'min at kinarga si Maki papuntang dining area. Lumapit din naman agad ako sa aming hapag kainan para makapagalmusal na. Sabay-sabay kami laging kumain magpapamilya simula ng mawala ang tatay ko sa barkong sinasakyan nito habang naglalayag patungong Amerika. I guess that incident made our family ties stronger. Napilitin ang kuya ko na magtrabaho at tumigil sa pag-aaral. My mom even accepted sideline  jobs para matustusan ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Sobrang laki kasi ng tiwala nila sakin na ako ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan dahil sa taglay ko na talino.

Our small dining area are filled with the savoury smell of tuyo and fried rice! Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. I smiled contently. Even though we have simple meals like this, I am so happy that I have a supportive mom and siblings!

Katatapos lang namin kumain nang may kumatok sa aming pintuan. "Celestine pakibuksan nga ng pinto!" sigaw ni mama galing kusina dahil ito ay nagliligpit ng mga pinagkainan namin kanina. Ako naman ay nasa salas at nag-alaaga ng dalawang bunso kong kapatid.

"Maki wait lang ha, buksan lang ni ate yung pintuan," sabi ko sa aming bunso dahil buhat-buhat ko ito at gusto nito makipaglaro sa'kin. Si Nicole naman ay kinikiliti ang munting  paa ni Maki at inaasar ito.

"Kuya Jasper ikaw na muna mag-alaga kay Maki!" sigaw ko naman kay kuya dahil hindi pwedeng pabayaan si Maki mag-isa.


"Sige pupunta nako diyan! Buksan mo na yong pintuan! Mukhang nagmamadali yung bisita natin!" Kuya Jasper said in a irritating tone.

"Sino yan!" tanong ko naman sa bisita namin na kanina pa katok ng katok at halatang hindi makapaghintay.

"Celestine! Ako ito si Angel!" Sigaw ni Angel sa labas ng pintuan. Dali-dali ko naman binuksan ang pintuan dahil si Angel pala ang bisita namin ngayong umaga. Siya ang aking matalik na kaibigan simula  highschool.


"Angel? Bakit? Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" sunod-sunod na tanong ko kay angel dahil bumungad sa akin ang itsura nito na puro pasa  at iyak ng iyak. Madumi din ang damit nito na may bahid pa ng konting dugo!


"Celestine! Kailangan nating mag-ingat! Di ko na alam ang gagawin ko! Tulungan mo ako!" biglang yumakap sakin si Angel ng mahigpit at sumigaw-sigaw.

"Angel huminahon ka! Ano bang nangyayari?" Niyakap ko ito at pinapakalma. Ngayon ko lang nakita na nagkaganito ang kaibigan ko. Hindi ko alam bakit pero bigla akong natakot para dito. Halatang takot na takot kasi ito at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Angel ayos ka lang ba? Anak ano bang nangyayari sa kaibigan mo? Ipunta mo siya sa kusina at bibigyan ko siya ng tsaa para kumalma ang kabigan mo." bulalas ni mama na katatapos lamang mag-ayos sa kusina.

Agad ko namang inilalayan si Angel papuntang kusina. Yakap-yakap ko pa din siya dahil nanginginig pa din ang katawan niya at ramdam kong umiiyak pa ito.

"Gel ano ba nangyayari? May masama bang nangyari sayo?"

"Tine gusto ako magpavacinne nila mama. Hindi ako pumayag at sapilitan nila akong binugbog at kinulong sa kwarto ko at pinipilit magpalagay ng electronic chip sa katawan ko. Ayoko pa mamatay." paliwanag naman ni Angel sa'kin.

"Bakit ayaw mo gel? Di ba yun yong uumpisahan na vaccination program ng gobyerno na gawa ng Gates Foundation? I think it will help to boost our immune system to prevent pandemics from happening." I explained to gel as clearly as I could. Di ko ito maintindihan bakit ayaw nito magpavaccine.

"Wala kang alam tine. Di mo naiintindihan. If the program was for vaccine purposes only, explain to me the electronic chip? Bakit kailangan pa nila ilagay yon sa katawan natin?" balik tanong naman niya sakin. Well, she have a point but the Gates Foundations electronic chip project is their first agenda. They want to have the electronic profile of every people here on earth and to promote e-money.

"Gel naman, nag-oover think ka nanaman ba? Baka Kung ano-ano nanamang fake news ang nababasa mo." hilig kasi nito magresearch ng kung ano-ano sa dark websites. Hindi ko alam kung ano nanamang nakita nito na conspiracy. Nong nakaraang buwan ay nagpanic din ito dahil sa nabasa nito sa Internet na may magaganap daw na mass killing. Isang buwan na ang lumipas ay di naman ito nagkatotoo.

"Tine iniisip mo bang nababaliw na ako ha? Wala na tayong oras! Sumama ka sakin! Magtago tayo bago pa mahuli ang lahat! Bago pa matapos Ang blood moon! Please sumama ka sakin." pamimilit nito sakin at hinawakan ako nito sa aking kamay. Her hands are also  covered in bruises as well as her face and legs.

Tiningnan ko ito at naaawa ako dito. Di ko alam ang sasabihin ko. Talagang nabaliw na ata ang bestfriend ko. Masyado itong paranoid at kung ano ano ang pumampasok sa isip nito.

"Sinong magtatago? Bakit?" bigla naman sumingit si Kuya Jasper samin. Pumasok ito sa kusina at kumuha ng tubig at tumitig kay Gel.

Gel stared at my brothers tattoo on his hand. Bigla itong namumutla at nanginig. Dali-dali itong tumakbo palabas ng kusina. Isang mata iyon na nakapaloob sa isang tatsulok.

"Kuya kelan ka pa nagpatattoo?" ngayon ko lang din kasi nakita ang tattoo nito. At ang nakakapagtagka ay bakit takot ang nakita ko sa mata ni gel pagkakita niya ng tattoo ni kuya?

"Last week lang to."  maikling sagot nito sa'kin at biglang umiwas ng mata. My brother is acting a little bit weird but I have to comfort Gel so I just shrugged away my doubts. Agad ko din naman hinabol si Gel palabas ng kusina upang pakalmahin ito. I sighed. I don't know what's happening to my bestfriend.

*****************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top