Prologue

Dedicated to: Crepuscule_Dusk

Inilibot ko ang aking paningin sa maliit na sulok ng bahay na ito. Bawat maliliit na sulok ay dinadaanan ng aking mga mata na para bang natatakot ako na may hindi ako makitang importanteng bagay.

Ilang araw na akong nananatili sa masikip na bahay na ito pero hindi pa rin ako sanay. At sa ilang araw ko rito, inilaan ko rin naman ang sarili sa pag-re-relax at paglilinis.

Napangiwi ako at nakapameywang na umupo sa maliit na sofa. Hindi iyon kasing lambot ng sofa namin sa bahay kaya mas lalo pang lumapad ang ngiwi ko. Masakit na nga ang katawan sa kalilinis, masakit pa ang pwet sa pagkakaupo.

Sinapo ko ang aking namamawis na noo at napabuntong-hininga. Ilang sandali pa akong tulala dahil hanggang ngayon ay hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

I am living in this old and small house. Maingay pa dahil sa mga walang tigil na sigawan at usapan ng mga tao sa labas. Umagang-umaga, napakaingay pa rin nila! Sinakop na nga ng mga boses nila ang tainga ko sa gabi, pati ba naman ngayong umaga.

Thanks for my Ate for this wonderful and surprising gift for me. Na-surprise nga ako.

I sarcastically laughed. And for the nth time, I sighed heavily.

This is my punishment because I lose on our game. Right. Simpleng laro pero nakamamatay naman ang parusa. I'd rather go on a mission where bullets are flying towards me than live in this fucking old house.

Napakaraming daga pa ang nagkalat sa paligid. Nakakawalang-gana tuloy kumain lalo na kapag iniisip iyon. At mas lalong nakakatakot matulog sa isiping baka magising na lang ako na hinahalikan ng isang daga.

Yuck. That thought made my hair stood on end.

Pinilig ko ang aking ulo para mawala iyon sa aking isipan. Sa susunod na laro, ako naman ang mananalo at siya naman ang makakatanggap ng parusa.

That witch. Sisiguraduhin ko na sobra pa rito ang magiging parusa niya. I chuckled evilly knowing her weaknesses. Pero sa isiping pa-chill-chill lang siya ngayon ang nagpakulo ng dugo.

Tapos na siya sa misyon namin. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

Yeah. We are a member of a secret agent. My sister and I, the two of us are a secret agent in one of the most biggest agent in the country. No one knew about it. Even our parents. Tanging kaming dalawa lang ng kapatid ko at ng mga nakatataas.

Dinukot ko mula sa bulsa ang aking cellphone para matawagan ang aking kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam.

That bitch. Kinalimutan na 'ata ako pagkatapos ng lahat.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang ilang beses na pag-r-ring ng telepono pero hindi niya pa rin iyon sinasagot. Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo ko nang tumigil na ang ring ng cellphone ko, hindi niya pa rin sinasagot ang tawag!

What the hell? Anong ginagawa ng babaeng iyon ngayon? Baka naman nakikipag-sex na iyon sa lalaking dinukot niya kagabi? O baka naman napagod siya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising?

Well, it's possible. That boy is handsome as fuck. Hindi maipagkakailang baka nga pinagpapantasyahan na iyon ni Penelope.
But I know she's not the girl who mix her feelings on our job.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang napunta na pala iyon sa araw kung saan ginawa namin ang misyon namin ilang araw lang ang nakalilipas.

I was wearing a midnight blue deep v-neck jumpsuit partnered with black stiletto. Hapit na hapit iyon sa aking katawan at nakikita pa ng bahagya ang cleavage ko. I glanced at Penelope who is wearing a sexy red bodycon dress.

Bagsak na bagsak naman ang tuwid na tuwid kong buhok sa aking likuran. Itim na itim din ito, hindi katulad ng kay Penelope na nagmistulang tsokolate ang kulay ng buhok. She played with her hair earlier to make it into wavy. She also put a dark and heavy make-up on our face.

I flinched as soon as I finally stepped inside the loud and crowded bar. Agad kaming naghiwalay ng daan para madaling mahanap ang lalaking pinapahanap sa amin.

Agad kong inilibot ng aking paningin sa napakagulong mga tao na akala mo ay ngayon lang nakalabas sa hawla. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili sa pagsuyod sa kabuoan ng lugar.

And then my eyes got stuck on on a two people making out on a corner. Kulang na nga lang ay angkinin na nila ang isa't-isa.

Hindi na ako nagulat doon. This is a fucking bar. As expected, this peoples are really wild.

Ngumisi ako bago sila nilampasan. I nearly shouted 'get a room, you two!' but I realized I'm not here for that. I'm not here to enjoy but to accomplish my mission.

Napailing-iling na lang ako bago umupo sa counter at nag-order ng inumin. Habang naghihintay ay inilibot ko ang paningin ko at bigla iyong napako sa isang pamilyar na lalaki na naka-upo mag-isa sa lamesa. Nakatalikod siya sa akin kaya malaya ko siyang pinagmamasdan mula sa likuran.

Agad akong ngumisi at sumimsim sa aking kopita bago tumayo. "Target locked."

Inayos ko pa ang aking buhok bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Malapad ang pagkakangisi ko pero agaran iyong nawala nang nakita ang naunang nakapunta roon.

Ni hindi pa nga ako nakakalayo sa aking pinanggagalingan ay dumating na si Penelope na umupo lang nang basta-basta sa tabi ng lalaki.

I clenched my jaw while looking at them two, talking. Kung siguro ay nakita lang ako ni Penelope ngayon ay sigurado na akong pagtatawanan ako noon.

Muntik pa akong mapapadyak sa inis nang ilang sandali pa ay tumayo na sila mula sa kanilang kinauupuan. My eyes flew on the man's hand that I'd now on Penelope's waist.

Napakalakas din naman pala talaga ang kamandag ng babaeng ito. Such a snake.

"You bitch," I whispered

Ngumisi nang nakakaloko si Penelope nang sandaling magtama ang mga mata namin. Agad niyang ikinawit ang kaniyang kamay sa matipunong braso ng lalaki na mas lalo pang nagpadilim sa mukha ko.

Hindi ko alam pero nagseselos ako. Jealous because she got him first. Gusto kong ako ang mauna, lalo na sa misyong ito. After all, this is a big mission. And I always hate to lose.

Huminga ako nang malalim bago ko nilagay ang patalim ko sa lamesa rito sa kusina. Hindi naman kalayuan mula rito ang sala at kitang-kita nga ito mula sa kinatatayuan ko dahil wala namang pader na nakatabon sa gitna ng kusina at sala.

Bago pa ako makapunta sa banyo na nasa likod ko lang ay nakarinig na ako ng mga tilian sa labas. Hindu naman iyon nakakagulat dahil normal na na maingay ang mga tao rito. Inborn na 'ata silang maingay pero pakiramdam ko ay iba ngayon. Iba ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon.

Agad akong pumunta sa likuran nang nakaawang kong pintuan dala-dala ang aking patalim na nilagay ko lang kanina sa lamesa.

Pero bago ko pa mahawakan ang pinto ay padabog na iyong bumukas dahilan para mapaatras ako. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa biglaang pangyayaring iyon.

Hindi pa nga ako nakagalaw sa aking pwesto ay agad nang may yumapos sa akin. Ang kaniyang mga braso ay gumapang sa aking batok at ang isa ay nasa baywang na.

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na lalaki. At sa aking pagkurap ay parang bumagal ang takbo ng oras nang naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa akin.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Para akong bato na walang buhay pero kumakabog pa rin nang malakas ang puso.

Ni wala akong lakas para tumanggi. Hindi man lang ako umiwas sa mapangahas na labi niya. At nang kusang umawang ang labi ko ay doon na siya tuluyang naging marahas.

Napapikit ako bago napaatras at pumasok sa loob. Narinig ko naman ang pagsipa niya sa pintuan bago iyon sumarado.

Kusang yumapos ang mga kamay ko sa leeg niya na para bang may sarili iyong buhay. His kisses became hungry each time passes. Lumalim nang lumalim ang mga halik niya na sa palagay ko ay malulunod na ako.

Walang bumitaw sa aming dalawa. He sucked my lips and so am I. Pulang-pula na ang labi ko at ganoon din ang kaniya nang magmulat ako ng mga mata.

Wala na akong pakialam sa kung ano man itong kakaibang nararamdaman ko. All I know is when his lips strucked onto mine, I got lost. I felt like I was drowned because of his mere presence.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top