Pahina 7
Mababaliw ako
Lumipas ang mga linggo na matagumpay kong naiwasan si Koa. Hindi ko na rin siya ni-replyan 'non. I busied myself with school and baking. I spent a lot of time with my auntie and uncle. I sacrificed my time with Clarisse to do this, at aaminin kong nakokonsensya ako.
Ilang beses kong nakita si Koa sa labas ng building namin pero tuwing maaaninag ko siya sa malayo, kahit hindi pa siya klarong nakikita ng mga mata ko, ay umiiwas na ako, tatalikod at mag iiba ng daan. Gabi-gabi niya rin akong tine-text pero buong pagtataksil sa sarili kong iniignora iyon.
Kinakamusta niya ako...
Minsan ke-kwentuhan ng pag-tatalo nila ni Clarisse.
Minsan sasabihin niyang nakita niya ako.
Minsan papadalhan niya ako ng litrato ng pag baba ng araw.
He messages me anything under the sun...
And I read everything.
I hurt myself by reading them and heal myself too... with the same way.
I will get sad because I couldn't put myself to reply but I get happy hearing from him.
It was such... a bad thing.
Minsan tuwing maaaninag ko siya, maiisip kong baka hindi naman siya 'yon. Pero hindi ako pwedeng mag kamali. He has a very strong aura and demeanor. Anyone would notice him. He exudes that very bright shine. Shine that could blind you...
Someone that seems to have his own ring light.
Marinig ko pa lang ang mga bati ng tao, ang tawa nila, kagalakan na makasalubong siya at masigasig nilang pag bubukas ng mapapagusapan ay nadudurog na ako.
How I wish I could do that too. Pero bago 'yon, ang dami ko ng hindi pwedeng buksan na usapin. I would deflect a lot of things. Boring na nga ako, ang dami ko pang iniiwasan na mapagusapan. Kaya bakit pa?
Today, it was a monday. Napagod akong iwasan si Clarisse noong weekend dahil nag pupumilit siyang pumunta sa bahay ng auntie at uncle ko. Gusto ko siyang paunlakan pero pakiramdam ko ay malapit na niyang mapansin ang problema ko. Lalo na at ang tagal ko ng hindi umuuwi. And I can't lie to her. I could hide yes, but not lie.
She's too important. She is my bestfriend and I have a plan on telling her. I will never betray her like that, kaya nag iisip na rin ako kung paano ko sasabihin pero gusto ko muna unahin kausapin si auntie at uncle. Then I will talk to her. Then my mom...
Sana gumana lahat ng plano ko.
I am a very silent slow planner, I take my time and really make sure that no one gets hurt with my actions. Sometimes it is a good trait but sometimes... I feel like it is a toxic trait of mine.
Sana lang ay ngayon, maganda ang kahinatnan ng mga desisyon ko.
"So ano? Hindi ka na naman pwede? Coffee shop tayo! Sige na oh!" Ani Clarisse habang nakatayo sa gilid ng upuan ko.
Niyakap ko na ang mga libro ko at nilagay sa likuran ang maliit na backpack ko.
Katatapos lang ng PE namin at naka uniporme pa kami para sa subject na iyon— blue jogging pants at blue-white t-shirt.
"Magpapalit ka pa ba?" Mapanuyo kong tanong sa bestfriend ko.
She groaned and I chuckled a bit.
"Umiiwas ka naman sa pag aya ko 'eh! Hannah!" Daing niya.
Bahagya ako ulit natawa.
"Hmm... bukas? Promise, bukas. May pag uusapan lang kami nina Auntie mamaya."
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako. I felt slightly uncomfortable but since I plan on telling her tomorrow, hinayaan ko siyang basahin ako kahit kaunti.
"May problema ka 'no? About your parents?" Diretso niyang tanong.
I quietly nodded and forced a small smile.
Napayuko siya at bumagsak ang kanyang balikat. My heart hurt watching her. I don't like her getting sad because of me. Kahit sino. Pero mas lalong siya.
"Kung pwede lang na ampunin ka na namin, ginawa ko na."
Bahagya akong natawa dahil doon.
"Seryoso nga!" Diin niya.
Tumango-tango ako.
"Alam ko. Lagi mo 'yan sinasabi. If I know... gusto mo lang maging mag kapatid na tayo." I calmly recalled.
"Oo naman! Gustong gusto! Pero higit pa roon, you're too kind for the kind of household you have, Hannah. Masyado kang mabait para riyan. Your heart is too pure and too kind! Sigurado ako na kung makita mo man ang mga ano ng daddy mo, you wouldn't fight them! Kung ako sinabutan ko na ang mga 'yon! Pero dahil hindi na mangyayari 'yon, kikidnappin nalang kita!"
Tinabunan ko ang nag babadyang lungkot sa dibdib ko. Pinilit kong tumawa ng mahina at pinanood nalang siya na lumingkis sa braso ko.
My eyes warmed watching my bestfriend's animated movements. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga sinasabi niya. I was just grateful. Alam kong nag ke-kwento siya sa mga posibilidad kapag naging magkapatid kami at gusto ko lang paluguran ang mga hiling niya.
Maybe, in another life, we could be siblings. Pero kahit naman ngayon, pakiramdam ko ay kapatid ko na siya.
I am glad she's here. I am happy that I have her.
Something that I should count in my list of something to be thankful for.
"Hahatid kita! 'Wag kang tatanggi! This is the least that you could do for me!" Giit niya na nagpatigil sa akin.
Muli akong marahan natawa at tumango nalang. Hindi na ako makikipag talo. Gusto ko rin naman na gumaan ang pakiramdam ko bago kami mag usap ni auntie mamaya.
"Sandali lang!" Tumigil kami sa gilid ng banyo.
"Magpapalit lang ako! Nandyan naman na ang sundo natin. Wait lang! Mag drive thru nalang tayo ng coffee kahit papaano. No buts! No 'nos'! Wait for me!"
Hindi na niya ako pinatapos pa mag salita at nag madali na siyang pumasok sa banyo.
"Be careful, Clang..." babala ko sa kanya dahil patakbo siyang pumasok.
Baka madulas pa iyon...
Napabuntonghininga nalang ako at napaayos ng tayo.
"Uwi ka na, Hannah?" Ani ng isang kaklase kong dumaan.
"Sabay ka na sa amin?" Tanong ng isa niya pang kasama.
"Oo. Uuwi na. Salamat pero sabay kami ni Clarisse uuwi. Ingat kayo ha." Nahihiya kong sagot habang nararamdaman ang matindi nilang paninitig sa akin.
"Okay. Ingat din kayo! See you tomorrow!" Masigla nilang sabi.
I waved a little as they waved back.
"Hannah..."
Napalingon ako sa susunod naman na dalawang kaklase ko na padaan sa harapan ko.
I shyly looked at them.
Ang isa sa kanila ay nagpaparamdam sa akin...
Kaya naman medyo nahihiya ako dahil alam kong tutuksuhin kami.
"Hi..." bati ko nalang.
Medyo bumagal ang lakad nila sa harapan ko.
"Ang galing mo kanina sa volleyball..." ani Ranier, iyong nagpaparamdam sa akin.
Bahagya akong napasinghap at namula sa papuri!
Uminit ng matindi ang pisngi ko!
Hmmm... magaling ba ako? O sinasabi niya lang ito dahil...
"Oo nga, Hannah! Sa sobrang galing mo ay gusto nitong si Ranier na siya ang i-mine mo!"
Nanlaki ang mga mata ko sa ginatong ng kaibigan niya.
At ang bilis ng mga susunod na pangyayari. Dumaan sa mata ko ang pamumula ni Ranier. Ang pagtulak niya ng kaunti sa kaibigan niya dahil sa hiya. Ang pag tawa ng kaibigan niya at ang mas lalo pa nitong pag tutukso. At...
Ang pag lalaki ng mga mata nila sa lalaking nag salita sa gilid namin...
"Eh kung kayo ang batuhin ko ng bola... i-mi-mine niyo ba?"
I know that voice!
Kuya Gabriel!
Gulat ko siyang binalingan ng tingin at mas lalo pa akong nahiya at namula nang makita na kasama niya si Koa! Kuya Gabriel was mockingly asking them, with a playful smirk on his lips. I was waiting for Koa to break into a smile or a laugh, o mag bato ng biro... tulad ng lagi niyang ginagawa pero madilim lang ang mga mata niya.
My heart wavered, it trembled... and it bended...
Pakiramdam ng puso ko ay may spring ito, it was moving back and forth, hard, with angst, like all songs are playing around it, regardless of the genre, melodic, hard-metal, serene, indie, pop, and it was devastated, sad... and... longing.
Na pakiramdam nito, hindi ko na naman siya pag bibigyan at nag babanta na ito na mag tatampo sa akin dahil sa ilang linggo kong pag iwas...
He's here...
I can see him...
Parang ang tagal-tagal na...
Pero tama... ang tagal na talaga noong nakita ko siya ng ganito... kalapit.
Hindi ito kinakaya ng puso ko...
He looked dark in the eyes. Hindi sila naka uniporme. He is just wearing a casual powder blue tee and a dark denim jeans, parang mag niningning siya sa harapan ko pero... his get up contradicts with his face...
Kung titignan ay parang normal lang naman siya, pero may iba akong nararamdaman sa kanya ngayon.
I know... I just know... because I love observing him.
He is in his usual style, same hair, usual clothes, but... his eyes were dark. No remnants of his known smile could be seen. I feel like his eyes will snap in a second. His jaw was clenched and there's no friendliness in any form around him.
"Koa." Banta ni Kuya Gabriel sa kanya.
Umiwas ito ng tingin.
I bit my lower lip, expecting to meet his eyes but he didn't... look at me.
My heart dropped but I instantly shook my head inside me.
Ako ang umiwas kaya wala akong karapatan. Baka iniisip niya pa ngayon na mali siya ng iniisip sa akin.
Pero ayos lang. I am just happy... to see him.
The heaven is really good, exceptionally today.
"H-hi... he-he... Kuya Gab!" bati ni Ranier.
"Idol!" Gatong naman ng kaibigan ni Ranier.
"Umuwi na kayo. Oras na. Go." Ani Kuya Gabriel.
Kunot-noo ang mga kaklase ko dahil kahit ako ay hindi makuha ang nangyayari pero sumunod pa rin sila.
Kuya Gabriel has that kind of pull...
Mapapasunod ka talaga.
"Hi Hannah." Baling naman sa akin ni Kuya Gabriel nang makaalis na ang mga kaklase ko.
Tipid akong ngumiti. "Hello... po."
"Uuwi ka na? Si Clarisse?"
Bahagya akong lumingon sa banyo.
"Opo. Uuwi na. Nag papalit lang ng damit si Clarisse. Sabay kami..."
Napansin ko ang pag lingon ni Kuya Gabriel kay Koa. Nag taas ito ng kilay pero hindi pa rin lumilingon si Koa sa amin.
Tahip-tahip ang kaba sa puso ko.
Hindi ko mawari kung ano ba ang gusto nito mangyari. Ang lumingon si Koa sa gawi ko. Ang mag tama ang paningin namin. O ang iwasan din niya ako tulad ng ginagawa ko.
I feel like a bad lady having these kind of thoughts...
"Wag mo na akong i-po... feel ko ang tanda ko na..." anito.
He even let out a low chuckle.
"Tss..." napalingon ako kay Koa dahil sa nagawa niyang tunog.
Iritado ba siya?
"Si Kao-kao ba, ginaganyan mo? May po rin?"
"Gabo!" Koa finally snapped his eyes on us.
Pero sana hindi nalang. Kasi ngayon kita ko na talaga ang pagkairita niya roon.
Humigpit ang hawak ko sa mga libro ko.
Pakiramdam ko isa ako sa rason ng pagkasama ng mood niya.
Napalunok ako.
Marahan akong umiling at napatingin sa mga sapatos ko. My trusted rubber shoes looked very shy like me. Naka pwesto sila na para bang nahihiya sa dalawang lalaki sa harapan namin. My one foot was slightly stepped backwards while the other is slightly crooked, facing inward.
Dapat ba ay mag po rin ako sa kanya?
"I-I'm sorry... mag po-po na rin ako—"
"Hindi!" Agap ni Koa na nagpa-angat muli ng tingin ko sa kanya.
His chest was heaving and his eyes were sending daggers towards Kuya Gabriel. Amusement lingered on the latter's face. Nag taas ito ng dalawang kamay bilang pag suko sa hindi ko alam. Ang ngiti ni Kuya Gabriel ay mas lumawak at talagang mukhang masayang masaya siya sa nakuha niyang reaksyon mula sa kaibigan.
"Walang mag po-po sa akin." Ani Koa sa marahan pero madiin na paraan.
Masama pa rin ang tingin niya kay Kuya Gabriel.
Kuya Gabriel, still amused, laughed. Koa's lips twitched and I feel like if I am not in front of them, baka sinunggaban niya na ito.
Hindi bayolenteng tao si Koa pero alam kong pagnagkaka-asaran sila ay talagang minsan nag susuntukan sila.
Bumuntonghininga si Kuya Gabriel.
"Alam niyo. Mag usap nga kayo. Both of you seem out of it. Just talk, okay?"
Lumingon ito sa akin.
Napansin niya siguro ang paparating kong pag tanggi...
"Please, Hannah. Hindi ko alam anong nangyari. Ayaw niya mag salita. Pero alam kong ikaw ang huli niyang kasama bago siya nagkaroon ng madilim na ulap sa ibabaw ng ulo niya, ilang linggo na. Kung hindi pa 'to maaayos, I am afraid baka lumaki ang ulap at mabasa na rin ako ng ulan niya."
Bahagyang napaawang ang labi ko at kahit hirap ay napatingin ako kay Koa.
His eyes drifted elsewhere. Marahas pa rin ang pag hinga niya. Bakas ang pagtatampo... at galit sa mga mata niya.
Marahas na pumintig ang puso ko.
I... I didn't know... he will be affected this way...
Umiling siya.
"Tara na, Gabo. 'Wag tayong mag istorbo..."
"Please, Hannah. Ayoko na siyang sunduin sa tapat ng building niyo araw-araw para lang masigurado na uuwi siya." This time, may diin na ang pakiusap ni Kuya Gabriel.
Nanglambot ang mga mata ko kay Koa. Marahas siyang napapikit, halatang ayaw niya na malaman ko ang mga sinasabi ni Kuya Gabriel.
I was right.
Siya nga iyong nakikita ko sa tapat ng building namin.
I never assumed that he was waiting for me. I... just simply... hid, and avoided to face him. Akala ko nandoon siya para kay Clarisse. But I admit, in my most private thoughts, naisip ko na kung ako man ang pakay niya dahil sa pag-aalala niya, kung hindi niya ako makikita na kasabay ng mga kaklase kong lumabas, o ni Clarisse, he will finally go on with his life... and realize that it's nonsense to even be worried about me.
Pero ito ngayon si Kuya Gabriel, sinasabi sa akin na... kung hindi niya susunduin si Koa ay baka hindi ito umuwi? Agad?
"Gabo let's go. Kung alam ko lang... na ganito ang gagawin mo..." napailing-iling sa iritasyon si Koa. "... akala ko sasamahan mo lang ako..." pahina na ng pahina ang boses niya.
"But, it's annoying the heck out of—"
Koa moved and pushed Kuya Gabriel's back lightly. "Let's go..."
I internally panicked! I couldn't let this go...
"S-sandali!" agap ko.
Koa halted without a second thought, pero hindi niya pa rin ako tinitignan.
"Alam ko... na wala akong karapatan na hilingin 'to. Pero... okay lang ba na mag usap tayo?" I asked with every ounce of courage I have left.
Kung para sa akin lang ay iiwas pa rin ako pero ayoko siyang maapektuhan ng ganito.
Kaya gagawin ko 'to para sa kanya...
His brows furrowed and he bit his lower lip.
"K-kung... may gagawin pa kayo. Pwedeng... bukas nalang. O kung kailan ka pwede..." dagdag ko sa mahinahon at mahinang boses.
Paano ba 'to?
This is my fault. But I cannot demand. How to ask nicely? Without sounding so... demanding?
Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko!
I feel so much...
For a crush, I feel so much for him!
"Sorry natagalan ako, my period came and it hurts— anong nangyayari rito? Why are you both here?" Clarisse snapped behind me.
Lilingon na sana ako sa kanya nang tumili siya at bago ko pa siya masagot ay kumaripas na ng takbo si Kuya Gabriel bitbit ang bag ni Clarisse!
I swear, I could literally hear Clarisse growling like a kitten behind me!
"Fuck you, Gabriel!" She roared.
"Sandali lang, babalikan kita! I will just kill someone! In the most brutal way I can!"
Before I know it, my bestfriend was already running towards where Kuya Gabriel went.
Napabuntonghininga nalang ako at napayuko.
I can feel his hot gaze towards me at kailangan ko kumuha ng lakas para harapin iyon.
Ngayon na kami nalang, mas umapaw ang mga nararamdaman ko. Ngayon, parang... lumiliit ang paligid, parang nawawala ang lahat, parang pintig ng puso ko at pag hinga nalang niya ang naririnig ko, at alam ko... na kapag nag angat ako ng tingin ay siya nalang ang makikita ko.
How can I do this?
"Iniiwasan mo ba ako, Hannah?"
My heart literally stopped for a few seconds hearing his question.
He asked it in the softest way possible which hurts more.
Gone his harshness a while ago, ngayon ay maingat na naman siya sa akin. At hindi ko alam anong mas gusto ko, ang iritado siya o ang ganitong... nakakapanglambot sa akin.
"Koa... nung huling kita kasi natin..."
I heard him took steps towards me. Hanggang sa makita ko na ang dulo ng rubber shoes niya.
I wanted to say 'stop!', dahil hindi ata ako makakapag salita kung ganito siya kalapit, pero magugunaw naman ako kung... pipigilan ko siya.
Tumayo siya ng mas malapit sa akin. Invading my personal space that I value so much. Pero ngayon, parang okay lang dahil siya naman ito.
Kung akala ko kanina ay lumabas na ang puso ko, ngayon ay nasisigurado kong wala na ito sa akin.
Mas humigpit pa ang hawak ko sa mga libro ko. Turning my knuckles into white.
He moved as he placed his hands above my knuckles.
I gasped a bit because of the pang of pain I felt inside my chest.
"Pinagsisisihan kong binitawan ko ang kamay mo noon sa loob ng sasakyan. Sana hinawakan kita ng mas mahigpit. I wish... I held you much longer. Sana... pinilit kong pagaanin ang loob mo. I feel so bad letting you be. I thought space was what you need but... if I knew that it would come to this, sana pala ginawa ko nalang ang loob ko."
Oh God...
Lord...
Bakit ganito po?
Bakit ang sakit na agad?
You have given me someone so... special. Yet, you gave him someone like me... someone... less and inadequate.
Pinalandas niya ang hinlalaki niya sa ibabaw ng kamao ko. He caressed my knuckles till I started loosing my grip. Hindi siya tumigil hanggang hindi nag re-relax ang hawak ko.
Watching his hands over mine felt like seeing his hands... holding my heart.
He could shatter me... and I would be so willing...
I watched how his huge dependable hands caress me. The veins on his hands looked so... strong and firm. Iyong kapag nahuhulog ka na pwede mong hawakan para masagip ka.
"Hannah..." he softly called out to me.
I shivered and I took that as a chance to look up and welcome his eyes.
Napakarahan ng tingin niya sa akin. He was taking me all in, na para bang katulad ko, he was in drought and has finally found his source of water.
Malayong malayo sa tingin at ekspresyon niya kanina.
This is what I missed...
I missed having him everyday, kahit sa maliliit na paraan lang.
Dahil noon, kahit simpleng hi o hello lang, sumasapat na. It was actually more than enough to boost my mood.
He reached for my books and I let him...
Inabot niya ang ilang takas na buhok sa gilid ng mukha ko at marahan sinikop ang mga iyon para ilagay sa likuran ng tainga ko.
Napalunok ako at nagpaubaya.
"I am sorry..." I whispered gently.
His gaze softened even more, if that was even possible.
Marahan siyang tumango.
"May nagawa ba ako?" His voice, gentler.
Mabagal akong umiling.
Nanatili ang kamay niya sa may likuran ng tainga ko kaya damang dama ko pa rin ang init ng kamay niya.
"Kung meron, sabihin mo sa akin para matama ko..." parang hinehele ako ng pakiusap niya.
"Koa... wala..." I closed my eyes and I shamefully leaned on his touch.
"... nahihiya lang ako..." parang mabibiyak ang mahina kong boses.
"You've seen something I wouldn't want anyone to see. Mas lalo na kung ikaw. I couldn't even talk about it with myself, pero... ikaw nakita mo pa... h-how... can I see you and t-talk to you, pagkatapos 'non?" My voice was almost a whisper.
I heard him groaned.
"Hannah..." he painfully whispered my name as he pulled me for a hug.
He enveloped me with his arms and my whole body shook, finally breaking, as if the tremors of the past weeks haven't fully shaken me yet, at ngayon na nasa bisig na ako ng taong pinagkakatiwalaan ko ay ayos na, okay na akong bumigay... okay na ako na masira at mabiyak.
I literally shattered in his embrace.
Nanglambot ako sa bisig niya, na kung hindi niya ako hahawakan ng mabuti ay dudulas ako at mapapaupo.
"At nahiya ako na nakita mo kung gaano ako kahina..." bigo kong sabi sa kanya.
I thank the heavens again that there were no more students passing by.
It was as if, pinagbigyan ako ng langit.
Naramdaman ko na binaon niya ang mukha niya sa buhok ko. Mas nanghina ako dahil doon. I felt him inhaling me as he... himself... relaxes with me in his embrace.
The heaviness I have been carrying the past week, the secret I have been keeping... the dreams about my father's infidelity haunting me every night...
I cannot believe the gentleness and softness of his presence and this encounter we have right now.
"You are so strong, Hannah..." he whispered endearingly.
"So strong..." he whispered.
"You've been going to school, attending your classes, studying well, smiling, still being kind, you serve your goodness to everyone around you..."
Umiling siya.
"You have been so strong..."
Maingat akong napailing.
"I-I don't know..."
"Believe me..." he whispered.
"And please stop avoiding me... you don't have to be embarrassed with anything, pag dating sa akin... please. Kasi ako? Pipiliin ko na ako pa rin ang kasama mo noong nakita mo 'yon."
He hugged me tighter, parang takot na makawala ako.
"Sana hindi mo nalang nakita 'yon pero... nagpapasalamat ako na ako yung kasama mo 'non..."
Koa...
"Please... hindi ko na kaya... 'wag mo na akong iwasan..."
I melted in his embrace, surrendering without a fight.
"Hindi ko alam anong nangyayari sa akin pero... parang mababaliw ako kung iiwasan mo pa ako... please... " he brokenly plead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top