Pahina 5

Seat taken

"Uy Koa! Nandito ka pala! Sinong kasama mo? Sina Gabo?"

Humugot ako ng malalim na hininga nang marinig ang nag tanong kay Koa. Nasa loob na kami ng coffee shop at napakaraming tao. Bago lang kasi kaya lahat kuryoso. At sa sampung minuto na nandito kami, kay rami na rin bumati sa kanya.

Iniwan niya ako sa may dulong lamesa. Pinapili niya ako at iyon ang napili ko para hindi dinadaanan ng mga tao. Gusto ko man siya samahan mag order, sa dami ng tao ay kailangan makaupo kami agad. Noong una ay palingon-lingon pa ako para tignan siya tuwing may kumakausap sa kanya pero ngayon ay hindi ko na ginawa.

Nahihiya ako tuwing sumasagot siya sa kanila...

"Ah hindi, sawa na ako sa mga 'yon. Puro pag mumukha nalang nila ang nakikita ko. May kasama ako, si Hannah." Aniya.

Hindi ko man sila lingunin ay parang nararamdaman ko ang pag turo niya sa akin sa kausap. I straightened my back and felt very stiff as I felt them watched me from my back.

"Hannah? Sino 'yon?" Takang tanong ng lalaki.

"'Wag mo ng alamin. Hindi pwede. Maliwanag ba?" Natatawa niyang sabi.

Napailing nalang ako sa biro niya. Kanina pa siya ganyan. Mga tatlong beses na niya 'yan nasabi sa lahat ng nag tatanong sa kanya. It was like a sort of joke he memorized or a script he prepared.

Sumabay sa tawa niya ang lalaki.

"Wow pare! Bumabakod ha! Ngayon mas kuryoso tuloy ako! To catch your attention, must be pretty 'eh?"

Nagsalubong ang kilay ko.

Bumabakod? Saan? Sino? Si Koa?

"Ha ha ha! Maganda talaga 'yon. Sobrang ganda."

I almost crouched when I heard his flattering praise. Naalala ko tuloy iyong nangyari kanina sa sasakyan niya...

The cold air from the aircon blew right on my face. Inabot ko ito at binaba para malipat sa bandang braso ko ang tama ng hangin. Napansin siguro iyon ni Koa dahil agad niyang binaba ang lamig ng aircon.

"Nilalamig ka?" Tanong niya.

Bahagya ko siyang binalingan ng tingin at kita ang mabilis niyang pabalik-balik na tingin mula sa harapan tapos sa akin tapos ay sa harapan ulit, makailang ulit niya iyon ginawa para masigurado na ayos lang ako.

I smiled a little, wanting to laugh at his cute reactions.

"Medyo, pero ayos lang ako."

"Wait... nandito na tayo,"

Napatingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na nga kami ng coffee shop. Akmang kakalasin ko na ang seatbelt nang natigilan ako sa naramdaman na mainit na presensya sa gilid ko.

My face snapped towards him.

He leaned towards the center, his upper body fully facing me, his chest hovered my left shoulder closely while his face angled in a way that he can reach something behind easily. Kitang kita ko sa malapitan ang tamang tama na hulma ng kanyang panga.

I can't say it's perfect because I am not sure if perfect does exist but... I can only imagine him growing in the future and his features will develop more that will make him even more appealing.

Baka ito ang rason kung bakit sa dami ng gwapong lalaki ang nakikita ko sa university, different kinds of attractiveness, charisma, handsomeness and demeanor yet I appreciate his appearance more. Kasi habang tumatagal mas gumagwapo, iyong alam mong hindi pa ito lahat iyon, iyong hahanap-hanapin mo, at... alam mo na kapag mas tumanda pa siya, siguradong may iga-gwapo pa.

But maybe that will be death of me. Ang gwapo na nga niya ngayon? Ga-gwapo pa? Thank God thoughts can be said silently, nakakahiya itong iniisip ko...

Pero siguro sa mga oras na 'yon ay hindi ko na siya makikita pa palagi o ng ganito kalapit.

Our only connection is Cla.

Kapag dumating ang panahon na naka graduate na kami at nag ta-trabaho na, panigurado ay hindi ko na siya makikita palagi... kung oo man, baka sa events nalang ng pamilya nila na imbitado rin ako.

Kaya susulitin ko na ito... ng tahimik.

"Baka malamig din sa loob ng coffee shop, gamitin mo itong jacket ko..."

Umayos siya ng pagkakaupo mula sa pag abot ng jacket sa likuran at inabot sa akin iyon. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang pamumula ng pisngi ko sa lapit niya kanina pero ngayon lang nag simulang kumabog ng husto ang puso ko.

Ano ba ito...

Bigla-bigla nalang...

He extended his arm and put the white jacket on my lap.

"Thank you..."

Hindi na ako tumanggi dahil talagang susulitin ko ito...

Kinuha ko ang jacket at pinanood siyang lumabas para pag buksan ako ng pintuan.

Matamis akong ngumiti. "Salamat, Koa."

Napanguso siya para makapag pigil ng ngiti. Napahawak siya sa kanyang batok.

Sinuot ko ang jacket habang sinasara niya ang pintuan. It was oversized for me. Hanggang gitna ito ng hita ko pero napakakomportable. At... napakabango!

Pinigilan ko ang matinding kagustuhan na ilapit ang jacket sa aking ilong para amuyin. Malakas naman ang kanyang pabango, it was powdery and woody at the same time, it smells clean and... aromatic.

Hmm... bagay sa kanya iyon.

Natigilan ako nang mapansin na natigilan din siya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na kinapula ng pisngi ko.

"Bagay sayo ang puti..."

"H-huh?"

"Para kang anghel..."

Mas lalong namula ang pisngi ko at napayuko. Wala sa sariling pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa hiya. Mabuti nalang ay nag ayos ako ng kaunti kanina kung hindi baka ang nasabi niya ay para akong batang dugyot na binihisan!

"T-tara na, Koa..." anyaya ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.

"Hah? Ah? Eh? Ah... oo... tara..." aniya at lumakad papunta sa gilid ko.

I felt his hand behind my back like a gentleman leading me to walk inside the coffee shop. Nagkukumahog man ang puso ko sa simpleng pag dampi ng kamay niya sa likuran ko ay nakuha ko pa rin tumalima at sumunod. Nag lakad kami papasok ng shop at doon na nag simula ang mas lalong pagkamangha ko sa kanya.

Lahat ng tao ay napatingin sa amin nang makapasok kami. Ang coffee shop ay hindi ga'non kalakihan kaya madali namin nakuha ang atensyon ng lahat. Gusto ko iyon paniwalaan pero may nag sasabi sa akin na isang dahilan din ang kasama ko.

They just really know him. At parang kahit ang mga hindi nakakakilala sa kanya ay mapapalingon dahil sa nakahanda niyang ngiti para sa mga taong bumabati.

"Uy Koa! Dito ka! Libre ni Lin." Dinig kong sabi ng isa.

"Pass, may kasama ako. Next time nalang. Salamat." Aniya.

Lilingonin ko sana siya dahil ang tagal niya ng nakapila at baka nangangawit na siya. Naisip ko na kung gusto niya ay ayos lang sa akin ang makipagpalit muna. Siya muna ang umupo at ako naman ang pipila. Kahit kasi maliit ang shop, marami pa rin nag o-order ng take-out kaya puno. Pero nahinto ako sa plano nang may umupo sa harapan ko.

"Huy Hannah, ikaw pala. Mag-isa ka?"

Agad akong nakahuma sa bahagyang pagkagulat nang maging pamilyar sa umupo.

"Hi Jake..." bati ko sa naging kaklase ko noong grade six.

Umiling ako. "May kasama ako," mahinhin kong sagot.

"Si Clarisse? Pwede sumama sa inyo? Tagal na kitang di nakikita. Kauuwi lang kasi namin ng parents ko mula sa states. Dito na ako mag-aaral ulit." Aniya.

Ah! Oo nga pala, umalis siya para sumama sa parents niya. Ang sabi niya noon ay for good na siya roon dahil doon na balak ng pamilya niya manirahan kaya buong high school ay naroroon siya. Pero mukhang ang permanente lang sa mundo ay ang pagbabago...

Ngumiti ako at tumango. "Masaya ako na mukhang masaya ka naman na dito ka na mag-aaral ulit. Sana ay hindi ka manibago."

He smiled smugly and shrugged his shoulders.

"I can easily adjust. Basta ba ayos sa'yo na maging magkaibigan tayo?"

Bahagya akong natawa. "Magkaibigan naman tayo."

Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"So pwede ako sumama sa inyo ngayon? Nag pass kasi ako ng requirements kanina sa university para sa susunod na semester ay makapasok na ako. Naisipan ko dumaan dito dahil nakita kong isa ito sa mga nag bago simula noong huling bisita ko rito kaya wala akong kasama."

"Uhm... hindi kasi ako—"

Nag-iisip na ako ng magandang pagkakasabi ng pag tanggi at pag sabi na may kasama ako at hindi ako sigurado kung ayos lang sa kanya na mag sama kami ng iba pero naputol iyon nang may mag salita sa may gilid ko.

"Sorry, pare. Seat is taken by yours truly... Koa."

Sabay kaming napalingon kay Koa. Agaran naman ang pag tayo ni Jake. Hindi ga'non katangkaran si Jake kaya naman nag mistulang mabangis na hayop si Koa sa harapan niya, malayong malayo sa pagiging maamong tupa talaga niya.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Koa. Typical smiling face niya ang bumungad sa akin. Kung titignan ay ga'non naman siya parati. Pero hindi eh... may kakaiba. Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon. Baka naman nangawit na talaga siya kanina? At napagod sa pag pila para sa inumin namin?

"Pasensya na po. Hindi ko alam na may kasama na si Hannah."

Naramdaman ko ang pag lingon niya sa akin kaya nilingon ko rin siya kahit na ayoko sana tanggalin ang paningin ko kay Koa.

"Ah sige, Hannah. Una na ako. Next time nalang. Labas tayo minsan. Let's catch up, okay?"

It was a harmless invitation but I feel like... it was wrong to say yes right now, in front of Koa. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman pero sa tingin ko hindi gagaan ang loob ko kung o-oo ako ngayon.

"Pag pumasok ka na sa university. O dumalaw. Mag sabi ka lang. Mag lunch tayo sa cafeteria kasama si Clarisse." Magalang kong sabi.

"Sige ba! Sabi mo 'yan ha?"

Muli akong natawa sa biglaan niyang pagiging ganado kayo tumango tango ako.

"Ingat ka. Nice seeing you, Jake."

Malawak itong ngumiti. "Ikaw din. Take care, 'kay? Nice seeing you too, Hannah. Sobra."

Hindi ko na siya pinanood pa na umalis at muli ko ng tinignan si Koa. Siya ang pinanood ko. Mula sa nakabusangot niyang ekspresyon na mabilis na napalitan ng ngiti nang mag tama ang paningin namin. Hanggang sa pag lakad niya para makaupo sa harapan ko.

Maingat niyang binaba ang tray na nag lalaman ng orders namin sa ibabaw ng lamesa. May dalawang cookies din doon. Isang oat at isang chocolate.

"Here's your matcha," pag-lapit niya sa akin ng baso.

"Thank you,"

Muli ko siyang sinipat-sipat para mahanap ang kakaibang ekspresyon na nakita ko sa kanya kanina pero wala ng bakas 'non doon.

Hmm, mukhang guni-guni ko lang ata 'yon?

"Matunaw ako niyan, Hannah."

Muli siyang ngumiti, simple at tipid. Nagulat ako ng kaunti pero may mas importanteng laman ang utak ko na hindi na nito nagawang i-proseso ang narinig.

Here it goes!

Muling bumalik ang nakita ko sa kanya kanina!  Tama nga ako! May kakaiba sa ngiti niya...

"Napagod ka ba?"

Siya naman ang nagulat ngayon sa tanong ko.

"Hah? Saan?" Tanong niya habang pinupunit ang cover ng straw ko para sa akin.

I let him do it for me as I was too engrossed with his reactions.

"Sa pag pila para sa order?"

"No." Iling niya. "Paano mo naman mo naman sabi?"

"Mukha ka kasing... hmm... badtrip? Hindi ko sigurado 'eh..."

"Taste it..."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Inangat niya ang inumin ko para matapat ang straw sa aking bibig. Nanatili akong nagmamasid sa kanya at ayokong mawala sa kanya ang paningin ko kaya binuka ko ang bibig ko para hayaan siyang tulungan ako.

"Dapat sinabi mo sa akin kung ngawit ka na roon. Ayos lang naman sa akin na ako ang mag-order." Saad ko nang ibaba na niya ang inumin ko.

"How does it taste like? Do you like it?" Wala pa rin pansin sa sinasabi ko.

My brows furrowed and I nodded.

"It tastes authentic matcha. So far, I like it although its bitterness kick after a while."

"Gusto ko ng matcha kung creamy," aniya.

"Tikman mo muna." Sabi ko.

I was about to offer him to remove my straw when he instantly put his lips on it and sip on it! I am not laway conscious but... sa karipas ng puso ko pagkatapos iyon makita ay parang mahihimatay ata ako!

"Uhm..."

"Oh! Masarap nga ha! Pwede-pwede!"

Napanguso ako dahil gusto kong mangiti ng sobra pero napawi iyon ng gulat...

Nagulat ako nang punasan niya ng maigi ang straw ko ng tissue.

"It's okay, Koa. Hindi naman ako laway conscious..." I trailed.

"Kahit na, tsaka na kapag komportableng-komportable ka na sa akin."

He has this goofy smile I cannot comprehend...

"Komportable naman ako sa'yo... at uminom ka rin naman pagkatapos ko uminom..."

Ano ba itong usapan na ito? Usapang laway...

"Ayos lang 'yon, ikaw 'yan eh."

"Huh? Anong ako 'to?"

Naroroon pa rin ang malokong ngiti niya. Umiling-iling siya.

"Gusto mo tikman ang akin?" Tanong niya.

"Ano bang order mo?"

"Coffee Jelly."

So... he likes coffee?

"Sige tikman mo muna." Pauna ko sa kanya.

His eyes flickered.

He playfully smirked and nodded.

Inalis niya rin ang cover ng straw niya at kinabit 'yon para makasimsim. Hindi ko na talaga maintindihan ang ekspresyon niya. Para siyang nangingiti habang sumisimsim? Ga'non ba 'yon kasarap?

Akala ko easy book to read si Koa lalo na at matagal ko na siyang kilala pero ngayon ay parang hindi na.

"Ito oh, tanggalin mo nalang yung straw."

I bit my lower lip.

"Okay lang naman talaga—"

Pinunasan niya iyon ng maigi. Napabuntonghininga nalang ako at natawa ng kaunti. Ang kulit talaga!

Nilahad niya iyon pagkatapos at tinulungan ako sumimsim. Hindi niya tinatanggal ang pagkakahawak sa lalagyan kaya halos hindi na ako ang nakahawak doon.

"Huli ka balbon pero hindi kulong!"

Maagap akong napatingin sa nag salita at napapikit nang mag flash ang camera. It was a male laughing while taking a picture of us!

"Tangina." Malutong na mura ni Koa at tinakpan ang mukha ko.

Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa flash o kung dahil ayaw niya na makuhanan kaming dalawa ng litrato. Binaba niya lamang iyon nang tumigil na sa pag kuha ang lalaki.

"Gago ka, Makoy. Bakit ka naman kumukuha basta-basta ng litrato! May flash pa!"

"Eh hindi ko natanggal. Atsaka i-se-send ko ito kina Gabo. May babae kang kasama rito ha! Ang hirap-hirap mag reto sa'yo tapos mayroon ka na pala!"

"Delete mo 'yan." Banta niya.

"Sorry pare, pero... ayoko!" Mabilis na kumaripas ng takbo ang lalaki palabas.

May mga nakabanggaan pa siya dahil sa pagmamadali niya.

Akmang tatayo si Koa nang pigilan ko siya.

"Koa! Ayos lang. Hayaan mo na."

"That will spark rumors, Hannah. At ayoko 'non. Kilala ko 'yon— si Makoy. Hindi lang kina Gabo 'yon ma-sesend. Paniguradong nasa cupid page na tayo mamaya."

He was talking about the cupid page made by students in our university. Iba't ibang usaping pag-ibig ang mga naka-post doon. May confessions, may making-their-relationship-official, o ligawan, pag-amin at pag ta-tapat ng nararamdaman.

Wala sa sariling nalaglag ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Ayoko rin naman 'non. Alam ko iyon. Pero hindi ko alam kung bakit parang babaliktarin ang sikmura ko na marinig 'yon mula sa kanya.

"Ayoko na masangkot ka sa mga walang kwentang tsismis. Lalo na kung ako pa ang kasama mo sa tsismis—"

"O-okay lang sa akin, Koa..."

My heart broke from my own words.

"I have a clean record... hindi madudumihan ang pangalan mo, it will be a passing rumor, matatabunan din iyon k-kaya hayaan mo nalang at bumalik na tayo sa iniinom natin..."

I sensed him stiffened.

Yumuko ako at tinuon nalang ang mga mata sa cookies na nag hihintay makain. I waited for him to sit down pero umikot siya at lumakad papunta sa gilid ko. I watched how his feet took steps towards me. He didn't just stop there, he half kneeled and tried to catch my line of sight— kahit pa nakayuko ako.

"You're seventeen, Hannah..." he said softly that almost made me shiver.

Napasinghap ako at natanto kung gaano kalalim ang tingin niya ngayon sa akin. Kaunting dipa lang ang layo ng mukha niya kaya naman sobrang pagkabog din ng dibdib ko ang naririnig ko sa kaloob-looban ko.

"Only seventeen... at hindi ko gusto na ma-post ka doon kasama ako dahil hindi maganda para sa'yo. Kung tutuusin palagi ka naman nandoon. Boys were anonymously declaring their crush on you. Tsk..."

Nagawa niya pa mag-ikot ng mata. I wanted to laugh with his cuteness pero pinigilan ko dahil gusto ko pa siya marinig sa sinasabi niya. Parang hinehele ako ng mga salita niya at itong ganap na ito sa akin, gusto kong memoryahin.

I don't know when things will change and all of this will only be a memory but I want it store clearly and properly inside me.

"... pero hindi ako komportable para sa'yo kung ako ang kasama mo sa post. Tsaka nalang kapag eighteen ka na... kahit ako pa ang mag-post." Aniya sabay ngisi.

Okay lang sa akin Koa...

Ikaw 'yan eh...

I wanted to say it outloud but I stopped myself.

My eyes dropped on my hands placed above my lap. Nilaro ko muli ang mga daliri ko.

"Paano 'yan? Nakaalis na siya..."

Ang ngisi niya ay naging ngiti na nagpawala sa pagkadismaya na naramdaman ko kani-kanina lang.

"Ako ng bahala roon."

Marahan akong tumango.

Oh Koa, the man that you are...

"Kain na tayo nitong cookies na binili mo..."

Isang simpleng sulyap ang binigay niya roon.

"Okay, pero ikaw lang ang kakain niyan."

"Huh?"

"Mas gusto ko ang cookies mo."

Urgh. Puso ko...

"Hindi... sabay natin tikman... baka may ma-improve pa ako sa gawa ko, tulungan mo ako isipin 'yon."

"Wala na. Para sa akin, ang gawa mo ang pinaka-masarap sa lahat-lahat!" Deklara niya!

Bahagya akong natawa.

"Napaka-bias mo, Koa!"

He playfully licked his lower lip and grinned.

His eyes softened, making his features calmer than ever. Para siyang napakagandang dagat na kapag mas natitigan mo ay mas lalo mong nakikita ang kagandahan 'non.

"Totoo naman, ang iyo lang ang gusto ko talaga."

"Hmph..." tanging nasabi ko habang ngumingiti din sa harapan niya.

He stood up and before I watched him sit down in front of me, maagap akong napatayo sa kapapasok lang sa coffee shop.

My lips parted a bit. My eyes widened a fraction. Koa stood up again. He was talking to me. I can almost hear him pero pawala ng pawala ang tunog na naririnig ko. Kahit ang tugtugin sa loob ng coffee shop ay hindi ko na marinig.

Everything was muffled. Koa's voice was the closest to me, I can almost get what he was saying pero sa pagkakatuon ng atensyon ko sa dalawang tao na pumasok, sa pagkaguho ng buong sistema ko, sa punyal na sumasaksak sa puso ko, I couldn't comprehend anything anymore...

My heart shattered into pieces...

I can almost hear my mom crying amidst the muffled sound I hear.

Mabilis na bumalik si Koa sa tabi ko pero hindi ko siya magawang lingunin. Napako ako sa kinatatayuan ko. My eyes were glued on the two people that were laughing sweetly, making their way on the counter.

I felt him held my hand.

"D-dad..." I whispered as a hot tear fell from my eye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top