Pahina 4
Us two
I thought it was the end of it all for that day, hindi ko alam na iyon lang pala ang simula nang pagiging liwanag niya sa bawat madilim na araw ko.
It is wrong for me to say that everyday is a dark one, but I guess, the absence of colors is a darkness. But knowing him? Being around him? Having his presence filled the spaces around you? Is like magic happening right before your eyes. Kahit ang katiting lang na pag sulyap sa liwanag niya ay mistulang biyaya.
Like light magically hovering the universe as if a promise has been made, a promise that there will be no more dark.
I tossed for the ninth time tonight before I hugged my long pillow on my right side. Isang mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko bago siniksik ang mukha ko sa unan.
Ang lamig na dulot ng aircon, dilim ng paligid, lambot ng kama, at komportableng pantulog ay nakakapagdulot sa akin ng kaginhawaan pero hindi ko magawang madalaw ng antok dahil sa narinig na pag-aaway na naman ni daddy at mommy kanina. Mabilis lang naman iyon pero nagawa pa rin 'non pasikipin ang dibdib ko.
"Nagpapadala ng death threats sa akin ang kabit mo! Hindi mo ba iyon maintindihan?! Wala na ba talaga akong halaga sa'yo? It was a death threat, Fernando!"
"Death threat?! Hibang ka ba, Liezel?!"
"Hibang?! 'Yan talaga ang reaksyon mo?! Nagpadala ng pugot na ulo ng pusa ang kabit mo! Tapos 'yan lang?! Jusko! Wala na akong pakielam kung ilang kabit pa ang landiin mo! But don't let them hurt me! Or my daughter! Magkakamatayan tayo tandaan mo 'yan!"
"Oh please, Liezel! 'Wag kang OA! Wala naman iyon magagawa sa'yo! It was a harmless threat! At wala akong kabit!"
"Hindi ako tanga, Fernando! Kahit na itanggi mo pa 'yan, hindi mo ako mabibilog! Pero ito ang tatandaan mo. Ang mga banta sa akin? Hindi ako matitibag ng mga 'yon. Pero kapag nalaman kong nadamay ang anak natin. I will hunt your women to hell. Tandaan mo 'yan." Mula sa pag sigaw ay humina ang boses ni mommy, putting emphasis on each word she dropped.
"At sisiguraduhin ko rin na magsasama kayo roon."
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at muling tumihaya para pakalmahin ang puso kong nag sisimula ng manakit at malungkot ng sobra. I had the urge to pat it but I feel like I will cry for my heart if I do it. At ayokong umiyak. Gusto kong tumibay. I don't want to be weaker than this.
I need to do something to divert my attention. Puyat na ako, wala na akong magagawa, but I need to sleep atleast. Kahit ilang minuto lang.
Lilipas din ito, tulad ng mga araw na nagdaan, buwan na lumipas at taon na binilang.
I'll just listen to mellow subtle music until I fall asleep.
I opened my eyes to reach for my phone. Saktong pag dampot ko sa aking telepono ay ang pag tunog nito ng isang tipid at simpleng mababang tunog. It means I got a message. Agad ko naman nakita ang notification at halos mahulog ko sa aking mukha ang cellphone ko nang makita ko kung sino iyon!
What?
Si Koa?
I flipped my phone again to check the time. One o'clock am. Si Koa? Nag chat? Bakit naman? Totoo ba 'to? Nananaginip ba ako? Baka naman kanina pa ako tulog at parte 'to ng bangungot ko? I was having a bad dream because of my parents' fight then he entered the scene to serve as my light?
Isa lang ang paraan para makompirma ko ito.
I raised my right arm to use it to squeeze my cheek!
It hurts!
Oh... okay...
I clicked his message and read it. Wala sa sariling napangiti ako kahit napakasimple lamang 'non.
Koa: Still awake?
I raised a brow and felt my aircon's coldness once again. Mas binaon ko tuloy ang pisngi ko sa unan ko para ibsan ang lamig.
Hannah: Yes...
I bit my lower lip as I typed another reply.
Hannah: Bakit gising ka pa, Koa?
Gusto kong ibaon ang mukha ko sa unan! Masyado atang pormal ang pag tanong ko? Dapat siguro ay hindi na ako nag tanong!
I almost clasped my phone hard when I saw him typing! I never thought that seeing typing... will be this intriguing!
Koa: I miss you...
Huh?
Napatunganga ako sa screen nang mabasa ang reply niya. Miss niya ako? Bakit naman? Kakakita pa lang namin kanina?
Teka, Hannah! In the first place, bakit ka naman niya ma-mimiss?
Bago ko pa lubusan maisip ang ibig sabihin niya ay nakita ko na naman nag titipa siya! My heart started to rock this time, forgetting that it was cold, I felt incredibly hot now!
Koa: Ay wrong send, para yun dapat kay mama!
I pursed my lips to stop myself from chuckling.
Koa: Hindi ako makatulog. Pero matutulog na niyan. Ikaw? Bakit gising ka pa?
Mas lalo akong napangiti sa reply niya. Hindi ko alam pero natatawa ako na na-wrong send siya sa akin. At para pa iyon sa mommy niya? That's sweet! Koa is really sweet! He must be really close with his mom, hmm?
Pigil na pigil ang ngiti ko dahil pakiramdam ko pag hinayaan kong mangiti ng tuluyan ang sarili ko ay sasabog ang pisngi ko sa init!
Hannah: Hmm... wala lang. Hindi lang din ako makatulog. Pero, matutulog na rin niyan... :)
I felt all the sudden volcano burst inside my chest. Ilang pag lunok ang ginawa ko para lang maibsan ang kakaibang nararamdaman.
Koa: You sure? Sabay na tayo?
My eye widened a bit as my lips curved crazily, still suppressing a smile!
Thump. Thump. Thump.
Sa mahinang tunog ng aircon at tahimik na dulot ng madaling araw ay... tila sumabay ang huni ng puso ko.
Hannah: Kung matutulog ka na, sige... sasabay na ako :)
Bakit pakiramdam ko ay mali ang mga ni-rereply ko!
Am I giving my true feelings away? Na masaya ako na makausap siya? Kahit ito ang unang pagkakataon na nagawa namin ito?
I scrolled our chats previously before. Tipid ang mga iyon pero lagi siyang nauuna. It's either he'll ask me about Clarisse or if he will order for my pastries. Laging mag tatapos sa pag papasalamat niya at sa mga funny stickers o gif niya. Pero walang ganito. Ibang-iba.
Ang isang hindi nag bago lang ay ang kakaibang tuwa ko tuwing nakikita ang pangalan niya sa inbox ko.
He is really a breath of fresh air.
Koa: Yes. Sabay na tayo. Let's sleep. I already succeeded for tonight anyways. ;)
Tuluyan ng nasira ang pag pipigil ko ng ngiti, bahagya na akong napahalakhak! I can imagine him winking!
Hannah: Succeeded? Saan?
Koa: Sliding into the dms >~<
I chuckled again! Where did he get his emoticons!
Hannah: Hahaha! Nino?
Is that why he can't sleep? He's sliding into someone's dms? Bakit parang...
I pouted and felt my forehead scrunched a bit.
Kanino naman kaya?
Koa: When you're eighteen :) I'll tell you. Tara, tulog na tayo. Beep me up when you still can't sleep, okay?
Oh no... I want to know, though! Nasa edad ba 'yon para pwede ng malaman? I think I can prettily understand, kahit na hindi pa ako eighteen...
It's not as if... I am too immature to know?
Pero ayoko naman siyang pilitin.
But I guess that's normal. He's a good person? A good man, actually. He's doing well in school. He's well known and can really get acquainted with anyone. Sliding into someone's dms won't be hard for him. Hence, he succeeded. I wonder about the girl? Is she nice? Is she pretty? Can she make him smile like how he makes everybody smile? I bet she has a good humor! Tulad din ni Koa...
I felt a little bit sour with my thoughts.
Hindi ko na iyon dapat isipin pa. Hindi ko na iyon problema. I just wish him well, that's all.
Hannah: Goodnight, Koa :) Sweet dreams.
Koa: Goodnight, Hannah :) Sweetest dreams for you too.
Ngumiti ako para sa kakaibang tibok ng puso ko at mabilis na tinabi ang cellphone ko. I went back to hug my pillow and before I knew it, I finally got lost in the dreamland.
"Cla, sige na... samahan mo na ako sa bagong coffee shop..." pag pupumilit ko kay Clarisse habang nandito na naman siya nakatambay sa booth namin.
Patapos na ang oras at wala na kaming tinda dahil nabili na kahapon. Kaunti nalang din ang mga estudyante ngayon sa boulevard dahil manunuod na sila sa gym ng mga magkakasunod na game. May volleyball game kung hindi ako nagkakamali.
Nag bake lang ako ng kaunti kaninang umaga para bigyan sana ang mga kaibigan ni Koa kaya nakasabay pa ako ng mga iilan na pwede ibenta. Naubos din naman agad, isang box nalang ang naiwan at kanina pa 'to binabawasan ni Clarisse kaya alam kong hindi ko na rin 'to mabebenta.
"I told you I can't, bestfriend." Her face looked like she would burst into laughing. "Bakit ba? This is not you. Anong mayroon? Why are you so eager and excited, huh?"
She looked at me like I was a specimen! An intriguing specimen! Bahagya niya pang dinukwang ang katawan niya papunta sa akin kaya napaurong ako para umiwas ng tingin.
"H-huh? Ano? Wala ha. Gusto ko lang subukan iyong coffee shop... at... uminom... ng kape..." pag dadahilan ko habang pilit inaayos ang nakaayos ng pastries.
"Really?" Mapanuya niyang tanong.
"Mhm..." tango ko.
"Oh well, sorry, I can't. Next time nalang."
Bahagyang bumagsak ang balikat ko. Nahihiya naman kasi akong pumunta na ako lang! Kasama pa ang mga kaibigan ni Koa! That will be weird! Ako at sila? Atleast kung kasama ko si Clarisse ay kaya niyang dalhin ang usapan pagka wala na akong masabi.
I can't pretend that I am not boring!
"Let's just have some coffee tomorrow? Okay?" She nudged me.
Malungkot akong tumango pero nang humarap ako sa kanya ay pinilit kong ngumiti.
"Kamusta pala? Pinagalitan ka ba ng parents mo? Nalaman ba nila?"
She smirked and shook her head. "Surprisingly, hindi sinabi ni Kuya Koa. At isa pa, napakabusy ng parents ko ngayon. Umuwi ang isa sa mga long time friends nila mula sa Europe dala ang buong pamilya kaya abalang abala sila ngayon i-entertain ang pamilyang 'yon."
I nodded. "Mabuti naman. Nag alala ako na mapagalitan ka."
Isang halakhak ang pinakawalan niya.
"Don't worry about me. You know me. I can manage. Ako pa ba, duh? At hindi pa ako tapos sa babaeng 'yon. Lalampasuhin ko pa 'yon. Her nerve, huh?"
She rolled her eyes and got one cupcake to eat.
Natawa rin ako at sinubukan na bawalan siyang kainin ang mga paninda ko pero tinulak lang niya ako habang natatawa, tinatago ang cupcake kaya natawa nalang din ako.
"Just don't get into trouble, okay?"
She rolled her eyes again! "Yeah, mom. I won't."
Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya at mabilis na tumakbo palabas ng tent namin.
Kumaway siya gamit ang libreng kamay habang ang isa ay sinusubo pa rin ang cupcake.
"See you tomorrow! Take care, bestfriend! I love yah!"
Ngumiti ako ng matamis at kumaway din.
"Ingat, Clang! I love you!" I sweetly said.
The day then ended pretty fast. Nauna na rin nakaalis ang mga kagrupo ko, nagpaiwan ako dahil nag ayos pa ako ng kaunti, pawisan na ako at nahiya akong magpakita sa coffee shop ng ga'non ang itsura ko.
Habang nag liligpit ay naisip kong dumiretso nalang sa coffee shop at doon mag hintay... kung sakaling naaalala pa ni Koa na magkikita kami ngayon. I didn't see him the whole day that's why I couldn't confirm but I still want to try, baka mamaya ay nag hinintay na siya roon.
Aalis na sana ako nang makita ang pag pasok ng notification sa cellphone ko. I immediately saw his name which made my anticipation spiked up!
Koa: You done?
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag tipa ng sagot.
Hannah: Hi Koa, yes :) Punta na ako sa coffee shop. Nandyan ka na ba?
Hmm... ang haba ata ng reply ko masyado?
Koa: Hi, Hannah :) Wait for me at the back gate. Susunduin kita. Malapit na ako.
Nanlaki ang mga mata ko! Agaran akong napatingin sa salamin at mabilis na tinapos suklayin ang buhok ko! I made sure that my baby hairs were a bit tamed. Tumingin din ako sa pisngi ko na may kaunting tint at labi kong nilagyan ko na rin ng faint pink color ng lipgloss.
Napabuntonghininga ako.
Pwede na siguro 'to? Isang simpleng white ruffled blouse lang ang suot ko at denim pants. Naka-ipit sa kanan ang buhok ko at may kaunting takas na buhok sa harapan— framing my face a bit.
Hannah: Okay, punta na ako :) Thank you! Sorry din at maabala ka pa.
I went outside the comfort room and walked a little bit faster than usual. Tinungo ko ang daan papunta sa back gate habang patingin-tingin sa cellphone ko dahil nag titipa siya!
Koa: Hindi ka abala :) Nandito na ako. I am just parking...
Gustuhin ko man isipin ang sinabi niya na hindi ako abala at i-appreciate 'yon ay mas napansin ko ang huli niyang sinabi!
Hannah: Nag pa-park ka? Ikaw ang nag ma-maneho?
Naalala ko tuloy iyong sinabi niya tungkol sa aksidente niya noon...
And he's driving while texting me!
Mas binilisan ko ang lakad para makarating agad doon. Hindi nakatulong ang sapin sa paa kong may one inch heel, sana pala ay nag flats nalang ako!
Koa: Hey... walk slower, baka madapa ka niyan.
My head snapped in front of me and I saw him instantly from a distance! Nakahilig siya sa kanyang sasakyan na naka-hazard sa gilid ng sidewalk. He's wearing a light yellow shirt and denim pants. Mukhang napaka presko at fresh ng kanyang dating. Maliwanag ang kanyang mukha, gwapong-gwapo lalo na sa kanyang ekspresyon.
Nakasilay na ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
Wala pa man, malayo pa pero nanginig na ang puso ko. Manghang mangha na naman sa kanya.
His smile got accentuated by his light yellow shirt. He is so bright. If he will be a color, he's definitely a yellow...
Nang mas nakalapit na ako sa kanya at bumagal na rin ang lakad ko ay nangingiti niyang tinaas ang susi ng sasakyan na minamaneho niya.
Kanina ay punong-puno ng pag-aalala ang puso ko. Pero ngayon na nakikita ko kung gaano siya kasaya na siya ang nagmaneho ay parang umurong ang dila ko. I don't want to wipe that smile from his face. So instead of letting the worry reflect on my face, I smiled and indulged him with his success.
"Bakit ang bilis mo naman mag lakad? Hindi ka pa nakatingin sa dinaraanan mo." Bungad niya sa akin.
"H-hello..." kapos sa hangin kong bati.
He was taken aback a bit but grinned at the end.
"Hi!" Masigla niyang bati.
Nangiti ako lalo at napatingin ulit sa susi na hawak niya.
"Congrats! Pinayagan ka mag maneho ngayon?"
"Oo. Pero hindi agad. Kaya ngayon lang ako at hindi na nakapaglibot sa mga booth kanina dahil buong maghapon kami nag mamaneho ng tatay ko. I had to drive for him multiple times, went to drive thru, did some errands, parked multiple times, just so he could test me. And finally... I was allowed to!"
Hindi ko alam kung anong pinagmumulan ng ngiti ko, ang kwento niya o ang hindi ko maiwasang pag sunod sa ngiti niya rin.
His smile is enticing. Dagdagan pa ng pag ningning ng mga mata niya. The way he talks about things...
"Congratulations! Masaya ako para sa'yo." My voice sounded too... proud for him!
His eyes glistened.
Mataman niyang pinanood ang mukha ko, tracing every expression I have in front of me. From my eyebrows to my nose... to my lips... and all over my face.
"Napagod ako pero sulit naman pala..."
Nangingiti pa rin, nag-kunot ang noo ko.
"Oo naman, sulit lalo na at pinayagan ka na."
Mabilis siyang napayuko at nakangiting napailing bago muli binalik sa akin ang tingin.
Kung may makakakita sa amin ngayon, baka isipin na nababaliw na ako. We are both smiling widely, our smiles reaching our eyes! Pero masaya lang talaga ako para sa kanya. He seems passionate about this, mukhang gustong-gusto na niya mag maneho.
"Sulit kasi masaya ka para sa akin." Aniya.
My mouth parted and my legs almost wobbled as my heart shook terribly.
"H-huh?"
Napakurap-kurap ako. "U-uh... oo naman. Pero nag-alala rin ako dahil nag mamaneho ka habang nag te-text k-ka... s-sa akin?"
Wala na sa sarili ko ang mga namutawi sa labi ko. I just tried to find words within me, so that I could answer him even though I almost melted from what I heard from him.
Boring na nga akong kausap, matatameme pa ba ako sa harapan niya? I couldn't give meaning to his actions, he is too nice for that. At isa pa, nahihiya rin ako sa mga bagay na tila kumakatok sa isipan ko.
May naglarong nakakalokong ngiti sa labi niya.
Hala! May nasabi ba akong mali?
"Don't worry, nasa kanto na ako dito noong nag message ako. Pero sige, kung nag-aalala ka. Hindi ko na 'yon gagawin."
"H-huh?!"
Na-alarma ako sa narinig! Bakit parang pinag babawalan ko pa siya?
"Hindi naman sa ga'non. Ang... punto ko lang, baka kasi... ma... aksidente ka o ano pero... gawin mo lang ang gusto mo—"
"Hannah..." his voice sounded so sweet when he cut me off. "... do you want me to message you while driving?" Mahinahon niyang tanong, mapag tantya ang kanyang mga mata.
Para akong alipin sa mga tingin niya. Napailing ako, my eyes giving my thoughts away.
"Okay then. I won't do it anymore. Tara na?"
Wala pa rin sa sarili ay napatango ako.
He chuckled and moved to open the door for me. Para akong robot na sumunod at sumakay sa kotse niya. Akala ko ay isasara niya na ang pintuan nang dumukwang pa siya para tignan ako sa loob. Napaurong tuloy ako dahil sa gulat at pag-aalala na baka makita niya ang nanghahapo kong ekspresyon.
His car was quite big yet it felt so small when his upper body hovered me inside the passenger seat. Ang kanyang kaliwang kamay ay nasa ibabaw ng sasakyan habang ang isa ay nakahawak sa pintuan para suportahan iyon na 'wag mag sara.
"By the way. My friends couldn't come. Ayos lang ba? Will you be comfortable kung tayo lang?"
"H-hah? Bakit d-daw?"
Hindi naman sa hindi ako komportable sa kanya pero sa nanghahapo kong damdamin ay parang hihimatayin yata ako sa harapan niya! At ang makakapag pigil lang 'non ay kung may iba kaming makakasama!
"May mga kanya-kanya silang lakad... if it's not okay with you, I can just t-take you—"
"O-okay lang!" Agap ko.
Bahagya pa akong nag-sisi sa naging agaran kong reaksyon. Masyadong naging agresibo iyon. Baka may iba pa siyang maisip. Nakakahiya!
"A-ang ibig kong sabihin... ayos lang naman. Okay lang sa akin kahit tayo lang dalawa." Pag bu-buo ko at paninigurado.
Dinagdagan ko ang pahayag ko ng isang ngiti. Kahit na alanganin ako, he is Koa, he will always be that wonderful person in front of me, someone who could make the environment comfortable for anyone. So despite my rocking heart, I know everything will be okay, it will be warm, cozy and fun... because that's how he is.
"Are you sure?" Alanganin niyang tanong.
I nodded profusely this time.
Kung alam lang niya...
"I am very sure, Koa." This time, I said with conviction.
He chuckled. "Thank you..." Mangha niya pa rin akong tinititigan. "Let's go? Us two?"
Hindi ko napigilan ang matawa ng kaunti sa uri ng tensyonado niyang tingin.
Walang kahirap-hirap akong tumango ngayon. My heart beat was frantic but I managed to look at him surely and with conviction.
"Us two." Tango ko.
"Us two..." he trailed again, his tongue almost rolling offensively on his lips to lick it.
Napaiwas ako ng tingin at tumango nalamang ulit. Handang tumango at sumangayon pa sa kahit ano basta siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top