Pahina 3

Ngiti

"Are you okay na?" Tanong ni Ate Avery sa akin habang patuloy pa rin pinupunasan ang damit ko.

She washed my dress already, pero hindi siya makuntento kaya sinusubukan niya pa rin punasan iyon gamit ang maliit niyang towel. Binasa niya iyon at nilagyan pa ng sabon na hiningi sa isang maintenance staff ng building nila.

Bahagya kong pinasadahan ang puting tshirt na suot ko, it was... big... halos hanggang gitna ng tuhod ko ito, idagdag pa ang puting shorts na hanggang tubod ko mismo. I looked like... I am going to rap or something, pero napapangiti pa rin ako dahil na i-imagine kong suot ito ni Koa.

And... it smells very him too. Like a manly powdery scent, parang amoy baby pero... lalaking-lalaki pa rin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang makakaisip nito o dahil ga'non ko nakikita si Koa palagi? Like he is very manly but... could be a baby too.

Marahan akong tumango at magalang na ngumiti. I brushed my hair a couple of times to tame it.

"Opo, ate. Thank you. Ako na po riyan, salamat po."

I tried getting the dress from her but she shook her head.

"Ipapalaundry ko 'to. Ako ng bahala." Aniya.

Maagap akong umiling. "Ate, hindi na po. Nakakahiya. Damit ko po iyan kaya ako na po ang—"

"If I could, sa kanya ko ito ipapalaba. That girl. But, I'll do it. I will do this for Koa."

Her eyes rolled and reflected her irritation. Bahagya akong nagulat dahil doon. Lagi ko silang nakikitang magkakasama nina Koa pero lagi ko siyang nakikita bilang kalmado at laging poker face lang, pero ngayon ay parang natatakot akong may masabing masama dahil sa mga mata niyang nag tataray.

"Uhh..." I tried searching for words pero natameme lang ako.

She's very pretty but scary. Her resting bitch face will make you run to the hills. She has these snappy features, striking— which will make you think 'ah, ang ganda niya talaga,'. Mahabang mga pilik-mata, matangos na ilong, commanding and pretty lips, her cheekbones are just right— perfectly high to accentuate her face.

"Don't worry about this. Tara." Aniya.

Napakurap-kurap ako at napasunod nalamang sa kanya. I followed behind her silently pero nang mapansin niyang sadyang nagpapaiwan ako ay ngumisi siya bago tumigil para mahintay ako.

"You know? You're really pretty. I get it now. Kung bakit lagi kang pinag uusapan kahit sa college department."

Napaawang ng kaunti ang bibig ko. She's very pretty! So for her to tell me I am pretty...

Nakakahiya...

Napaiwas ako ng tingin at nahihiyang ngumiti. Nag-init ang aking magkabilang pisngi at mas lalong nawalan ng mga salita na maaaring sabihin. Sa huli ay napabuntonghininga ako at umiling.

"I t-think... I am pretty plain po, and... boring."

I have decent eyes. Decent nose. Decent lips. I am decent which I think makes me boring. Nothing is striking about me, I can be overshadowed by anyone. Ang tanging bagay na masasabi kong nagpapaisip sa iba na maganda ako ay... ang shape mismo ng mukha ko. I have a small heart shaped face. That's all.

"And you don't know you're pretty... which makes you prettier..." aniya.

Maingat akong napabaling uli ng tingin sa kanya. Mataman niya akong tinitignan, nangingiti na ngayon.

"Pero hindi iyon ang importante. You know, you can be the prettiest girl in the eyes of many people... but if you have a heart as hard as a rock, you'll be just that, a pretty face. So what you did there, protecting your friend, talking calmly despite the heated situation, kahit na kung sumigaw ka roon at gantihan siya ay walang magagalit sa'yo dahil hindi naman ikaw ang nauna... made you so much more pretty, Hannah. I can feel it, your heart... is very pretty."

My heart felt soaked with good words and gratefulness, this time... pakiramdam ko hindi lamang ito parte ng pleasantries, kung hindi totoong iyon talaga ang nakikita niya sa akin. Sa totoo lang ay hindi naman ito importante sa akin, I couldn't care less with how I look... because decent is more than enough for me, pero masaya akong marinig 'to mula sa kanya dahil ako mismo ay gandang-ganda sa kanya at alam kong mabait din siya, may mabuting puso.

From what I heard, she's very active with helping charities through her family's foundation pero noong makita ko na siya mismo ang nag pupunta sa mga lugar, bumibisita, nakuha niya ang respeto ko.

Napayuko ako at napangiti. "T-thank you, Ate Avery."

She giggled and pat my head.

"You're cute. Halika na. Baka hinahanap na tayo ni Koa."

Marahan anong tumango at nag lakad kasabay na niya. Nang makalabas ay agad naming natanaw si Koa na nag hihintay sa may tapat ng comfort room. Nakahilig siya sa pader at nag titipa sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo.

Gusto kong huminga ng malalim nang masaksihan siyang nag hihintay doon. Hindi ko na lubusan maisip kung bakit ako nagkakaganito pero iyon ang nararamdaman ko. At isa pa, kahit damit niya ito ay nahihiya ako na makita niya ako sa ganitong estado. Gusto ko tuloy mag tago o hindi kaya magpaalam agad pero hindi ko magawa dahil kabastusan naman kung tataguan ko siya gayong tumulong na nga siya.

Hay. Kung pwede lang ay makita niya ako tuwing maayos lang ang itsura ko.

Nakakahiya... sana pala ay nag suklay pa ako ulit gamit ang totoong suklay at hindi ang mga kamay ko lang.

"You're good?"

Nawala ako sa malalim kong iniisip nang marinig ang boses ni Koa. Nakaahon na siya mula sa pagkakahilig at nakatuon na ang mga mata sa akin, sinusuri ako tulad ng ginawa niya kanina. Nauna ulit sa tuktok ng ulo ko hanggang sa mga paa ko, his eyes were like x-ray making sure he answers his question too.

Mas nag init ang pisngi ko. This time, napahugot na talaga ako ng hininga at tipid na tumango.

"Thank you pala rito..."

I stretched my arms a little to show him his t-shirt. Kita ko ang bahagya niyang pag ngisi at tumango-tango— tila satisfied naman sa nakikita.

"Bagay sa'yo..." aniya na mas lalong nagpangiti sa kanyang sarili.

Bagay? Parang hindi naman...

Narinig ko ang marahang pag tikhim ni Ate Avery kaya napalingon ako sa gawi niya. She has this teasing smile on her lips, nakatuon ang mga mata niya kay Koa. Nag kunot ang noo ko.

Para saan kaya iyon? Bakit ga'noon siya makangiti?

"Mauna na muna ako. Puntahan ko si Willow. Ikaw ng bahala, Koa. I received Gab's message a while ago, naroon na raw si Anton sa booth."

Huh? Booth?

"Yeah, he took care of it,"

Ang alin? Teka... booth? Sa amin ba iyon?

Binalik ko ang tingin ko kay Koa at nagulat nang makitang nasa akin pa rin ang atensyon niya, hindi man lang tinapunan ng tingin si Ate Avery.

I pursed my lips to prevent getting too shy. Bakit ba ako nahihiya ng ganito? Pakiramdam ko nilalamukos ang bawat selyula sa loob ng katawan ko sa pag titig niya.

"I'll go ahead, ibabalik ko nalang ito bukas. Take care, Hannah. See you tomorrow." Ani Ate Avery.

Kahit hirap ay pinilit kong tumingin sa kanya at ngumiti.

"Nakakahiya po, Ate. Pero salamat po. Ipag be-bake ko kayo, ibibigay ko po bukas."

She chuckled. "'Wag na. Marami silang binili, mabibigyan din ako for sure. Ingat!"

I sweetly smiled and waved a little. "Ingat din po."

Pinanood ko siyang mag lakad palayo at nang lumiko na siya papunta sa kabilang building ay doon ko pa lang nagawang tignan pabalik si Koa. Muli, nadatnan ko na naman siyang mataman pa rin nakatingin sa akin pero hindi tulad kanina ay mas komportable na ako ngayon.

Marahil ay... dahil wala ng ibang nakakakita? Nahihiya ako sa kanya at hindi ko kaya ang intensidad ng mga titig niya pero hindi 'non mababago na siya si... Koa. And he will always have this ability to make people around him feel comfortable, I am no exception.

Nang tuluyan na mag tama ang paningin namin ay binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi. Ngumiti ako ng kaunti at pinanood siyang humakbang palapit sa akin. Pakiramdam ko ay napakabagal ng ginawa niyang pag hakbang dahil ang haba ng distansya ng bawat hampas ng puso ko, tila sumusunod sa mabagal na pag galaw ng kamay ng orasan sa aking utak.

"Komportable ba ang damit ko?"

His presence devoured all the safe spaces in front of me. Gusto kong umatras pero nahihiya akong gumalaw at masyado akong namamangha sa nakikita ko. He is always surrounded by people, laging may kausap, katawanan, at laging... puno ang atensyon niya sa ibang bagay pero ngayon, ito ako at maswerteng kaharap siya... nakakausap.

Still smiling, tumango ako.

"Kamusta si Cla?" Mahina kong tanong, parang mapapaos ako dahil wala halos lumabas na boses.

"Okay na siya, sinundo na ni Tito. Ikaw? Uwi ka na?" Tanong niya.

"Hmm... tutulong lang ako mag ligpit tapos ay uuwi na rin..."

Napalunok ako at hinawakan ng mahigpit ang puso kong tila malapit ng bumigay. My heart feels so weak in front of him... dahil sa presensya niya?

Muli niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi bago ngumiti.

"Ihatid na kita?"

Muntik akong mapasinghap, mabuti nalang ay napigilan ko! Kung hindi nakakahiya...

"Uhm... nag mamaneho ka na?" Mahina kong tanong.

Why does it seem like... there are tingling feelings inside me. May sakit ata ako? Baka kailangan kong magpacheck-up?

Napayuko siya at bahagyang natawa, namumula ang tainga. Napahawak siya sa kanyang batok at umiling.

"Nag mamaneho, oo. Pero hindi pa ako pinapayagan na mag dala ng sasakyan dahil nung minsan... nabangga ko yung sasakyan namin..." sandali siyang napaiwas ng tingin, tila nahiya sa sinabi pero agad din nakabawi.

"... pero hindi na naulit 'yon, nung minsan lang 'yon, noong bago pa lang ako nag mamaneho... kaya... doon muna tayo sa driver ni papa. Susunduin ako ngayon dahil may family dinner kami. Sa normal na araw, kung hindi ako susunduin, nag ga-grab ako o hindi kaya sumasabay sa mga kaibigan ko."

Mataman ko siyang pinakinggan at napatango nang matapos ang mahaba niyang paliwanag. Mas napangiti tuloy ako dahil ang dami niyang nasabi sa akin. Anong nakakatuwa roon? Hindi ko rin alam. Namamangha lang at natutuwa ako.

"Kailan 'yon? Hmm... hindi ka naman nahospital 'non? Ayos ka lang?" Muntik na akong mapapikit nang hindi ko mapigilan maitanong 'yon!

Hannah Rafaela! Shh! Bakit mo pa tinanong...

Natigilan siya ng kaunti at napanguso pero sa huli ay nakatakas pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

"More than a year ago... pero trust me, kahit ako pa ang mag maneho ngayon, walang mangyayaring masama sa'yo. I will be..." he licked his lower lip again, his cheeks showed redness like his ears.

"... really careful."

Nag taas-baba ang kanyang adam's apple dahil sa pag lunok.

Hindi ko alam pero nagawa ko rin ngumiti ng malawak bago umiling para masigurado sa kanya na hindi 'yon ang naiisip ko.

"I know..." I breathed slowly while my heart rocked terribly.

"I... trust you..." dagdag ko sabay iwas ng tingin.

"C-concern lang ako..." pahina ng pahina ang boses ko.

I played with my fingers while drawing courage to face him again. Ang pisngi ko ay paniguradong namumula na! Sana ay maisip niyang dahil iyon sa araw kanina...

Maliit na singhap ang nagawa ko bago muling tumingin sa kanya. Nadatnan ko siyang bahagyang gulat na nakatingin sa akin.

"Pero sige... sasabay ako... kung..." huminga ako ng malalim at nahihiyang ngumiti. "... ayos lang..."

"My... pleasure," aniya bago nilahad ang kamay para igiya ako mag lakad na.

My eyes dropped on his hand and I shamelessly smiled again before walking. Agad siyang sumunod at sabay kaming nag lakad pabalik sa booth namin. Tahimik lang kaming nag lakad, paminsan-minsan ay napapalingon ako sa kanya pero napapayuko rin uli o napapaiwas tuwing madadatnan ko siyang nakatingin sa akin. Pero hindi tulad ko, hindi siya umiiwas.

My hair dropped to my side, hiding my face from him. Inabot ko ang ilang hibla at aayusin na sana nang halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mainit na balat na tumama sa kamay kong inaabot ang mga hibla. Inosente ko siyang binalingan ng tingin at nakitang hinahanap niya ang paningin ko.

Maliit na ngiti ang rumehistro sa kanyang labi at tinulungan akong ayusin ang buhok ko. He tucked the strands of my hair at the back of my left ear. Napalunok at huminga ng malalim bago ngumiti pabalik.

I... can hear my heart frantically beating.

"T-thank you..."

"Hmm..." tugon niya.

Tumikhim siya at nag patuloy sa pag lalakad. Ga'non din ako. I listened to our feet walking, to the subtle movements of the trees surrounding the university, feeling the breeze touching my body and his few sighs.

Malayo pa lang ay kita ko na ang isa pa niyang kaibigan doon, si Antonio Lopez. I heard he is smart and always at the President's List. Sarado na ang booth namin at siya nalang ang naroroon. Nakahilig sa isang lamesa at nakangising nakatanaw sa amin.

"Hey..."

Sinalubong niya kami at agad na nag lahad ng kamay si Koa sa kanya. They did a weird but cute handshake. Holding each other's hand diagonally, shaking it twice before dropping a hard shake then letting go. Cute.

"Yow. Thank you." Ani Koa.

"No problem. Hinihintay ko pa si Gabo kaya nandito pa ako pero yung nga ka-grupo niya nauna na. Yung mga binili mo pala, inabot ko na sa driver niyo."

"Thanks, pare. Lalabas pa kayo?"

"Nah. Isasabay ko lang siya pauwi."

Pinasyal ko ang paningin ko sa buong booth at sinubukan hanapin ang mga natirang baked pastries ko.

"I bought them all. Pinasok ko na sa sasakyan kaya wala na. Also your bag, binigay ko sa driver ni Kao-kao..." Sagot ni Kuya Anton, mukhang napansin ang katanungan sa isip ko.

I bewilderedly looked back at him.

"Huh? B-bakit niyo po binili lahat? P-pero... salamat po. Salamat."

Ga'non ba siya kahilig sa matamis?

Muli na naman pumaskil ang ngisi sa kanyang labi. Mabilis na sumulyap kay Koa bago binalik sa akin ang tingin.

"May event bukas sa isang foundation na sinusuportahan ng pamilya ko. Your yummy pastries will be enjoyed by a lot of people, Ms. Hannah."

Kung pwede lang literal na mag ningning ang mga mata dahil sa tuwa ay paniguradong ga'non ang makikita sa mga mata ko. Gusto ko iyon! Gustong gusto. Ang ma-enjoy ng marami ang gawa ko.

Narinig ko ang mahinang pag tikhim ni Koa sa gilid ko. Pinaluguran ko siya at binigay sa kanya ang buong atensyon ko. Hindi siya makatingin sa akin pero masama ang tingin niya kay Kuya Anton...

"Bumili rin ako... limang box..."

Koa...

Gusto ko mag pasalamat sa sinabi niya pero... hindi ko alam... may iba akong naramdaman doon. I opened my mouth to say something but I was left with no words... manghang mangha lang ako sa kanya.

Kung tutuusin, binili lahat ni Anton Lopez ang natitirang pastries, that surely secured our grade. I am very thankful. Very very very thankful. Pero... kakaibang pagpapasalamat ang mayroon ako para kay Koa.

"Tsk. Tumigil ka nga riyan, Koa. No need to go jalousie, I am well aware of the fact—"

"Bye, Anton. Aalis ka na diba?" Pag puputol ni Koa sa sasabihin ng kaibigan niya.

"—what?"

Pagak na natawa si Kuya Anton at napailing-iling. His disbelief was so evident that I got curious on what their eyes were saying towards each other. Nangungusap ang mga mata nila, at alam nilang sila lang ang nagkakaintindihan.

"You owe me big time, don't forget that." Ani Kuya Anton bago kami nilagpasan.

Tinapik niya pa sandali ang balikat ni Koa at sandaling bumaling sa akin.

"I hope you like dogs, Hannah."

Napasinghap si Koa.

"Fuck you." Marahas niyang mura at tinulak na paalis si Kuya Anton.

Kuya Anton let out a harsh bark of laughter while half running for his life. Tumango pa ito ng mabilis bago tuluyan tumalikod sa amin. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya. Dogs? I like dogs... pero bakit niya iyon nasabi?

"Tara? Nandyan na raw ang sundo ko." Ani Koa.

Nakakunot pa rin ang aking noo na tumango. Sumunod ako sa kanya sa pag lalakad, iniisip pa rin iyon.

My steps were small, trying to think hard about it.

"Bakit nasabi ni Kuya Anton ang tungkol sa dogs?"

He hissed and shook his head. "Kasi aso siya."

Huh?

"'Wag mo masyado pinapansin yun... may rabies siya."

Napansin niya na nahuhuli ako sa pag lalakad dahil sa maliliit na yapak ko. Bumuntonghininga siya bago tumigil at nag lakad ng dalawa pabalik para makasabay ako.

Mas nag kunot ang noo ko.

Napanguso ako habang iniisip kung anong ibig niyang sabihin. Aso si Kuya Anton? At... may rabies? May sakit siya? Ga'non ba iyon?

I heard him chuckle. "You innocent little baby..." bulong niya.

I glared at him but he only looked at me with amusement. Nangingiti at nag pipigil ng tawa. Maya't maya ay napapailing hanggang sa marating namin ang kanilang sasakyan. Naka park ito sa likod ng university. Agad bumaba ang driver para pag buksan kami ng pintuan.

"Okay lang, Kuya Dave. Ako na 'to." Pag pipigil niya sa driver.

Instead, he walked towards the door and pulled it open for me. Maliit na ngiti ang binigay ko bago umakyat para makasakay sa back seat. Sinara niya ang pinto at saglit na kinausap ang driver nila bago tumakbo para makaikot sa kabilang gawi at tumabi sa akin. Sinabi ko ang address namin sa driver nang mag simula na siyang bumyahe.

Kung kanina ay nagwawala na ang puso ko, ngayon ay umaapaw na talaga ito sa kaba, pagkamangha at pagpapasalamat. All for him. Hindi ako makapaniwala na... nandito ako sa loob ng sasakyan nila. Na... ihahatid niya ako. He has been with so many people and I am sure they have been here, malaki ang tyansa na nakasakay na ang maraming kakilala niya rito... baka marami na rin siyang nahatid pero... I feel great to know that... I am here.

Nakita ko ang bag ko sa gitna naming dalawa. Nakapagitan iyon sa amin, nag sisilbing harang. Naalala ko ang tinabi kong pastry kanina roon. A small box of cupcake... that I reserved for myself initially... dalawa lang ang laman 'non, maliit lang... but I guess... I have someone to give it to now.

Inabot ko ang bag ko at pinatong sa aking hita. I opened the flap to get the small rectangular container. Kahit kinakabahan ay maingat akong ngumiti at nilahad iyon sa kanya.

Pansin ko ang pagkatigil niya. Hindi ko siya magawang tignan kaya nanatili akong nakaiwas ang tingin, namimilipit ang puso sa hiya... at... saya.

"Salamat... sa buong araw na 'to. Tinulungan mo akong mag buhat kanina... papunta sa booth... tapos pinahiram mo ako ng... damit mo... and then... you waited for me... at hinatid pa. K-kulang pa ito pero... babawi ako sa susunod."

"Hannah,"

I almost shivered inside when I heard my name from his lips. Lagi ko naman naririnig ang pangalan ko. I rarely have a nickname, very few people call me Han, o hindi kaya Hara— short for Hannah Rafaela, kaya sanay akong tawagin ako sa buo kong pangalan. Plus, I prefer it that way pero ngayon, parang napaka espesyal ng pangalan ko.

"Hmm?"

I forced myself to look at him. Namayani ang katahimikan sa buong sasakyan. We were inches apart, malayo naman kami kung tutuusin pero pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa... intensidad ng mga titig niya at saradong espasyo na kinapapalooban namin.

"Ayos lang, hindi mo kailangan bayaran yung mga... ginagawa ko. At, bumili ako... you can keep that."

Bahagyang lumungkot ang ekspresyon niya at pekeng natawa.

"Limang box lang ang nabili ko dahil paubos na ang allowance ko... pero babawi ako sa susunod."

Koa...

Nanlambot ang mga mata ko at marahan akong umiling.

"Ayos lang 'yon, sobra-sobra na iyon. Thank you..."

Kung para sa kanya ang ang liit ng nagawa niya, hindi niya alam paano ko paluguran sa sarili ko ang pagpapasalamat ko sa kanya. He has no idea... that I am drop dead on my gratefulness towards him.

"Next time. I promise." Hint of determination is evident on his tone.

Hindi niya pa rin kinukuha ang box ko...

I carefully placed the box of cupcake on his side.

"Please, Koa... gusto ko... gusto ko ibigay 'to sayo..." my weak and trembling heart delivered.

He bit his lower lip and moved his left arm a little bit... just enough for his pinky finger to slightly touch the end of my right pinky finger.

"Okay... t-thanks..." his voice was almost husky.

Without showing my teeth, I genuinely smiled.

Tumango ako. "Thank you rin..."

Tumango siya at tumingin sa labas pero mabilis din suminghap, tila may naalala.

"P-pwede ka ba bukas? May bagong bukas na coffee shop... five minutes away lang mula sa university. Gusto mo tignan?"

H-huh?

Inaaya niya ba ako? Na... lumabas?

Umiwas ako ng tingin.

"Ah... s-sige. S-sinong kasama?"

We were both looking away now. Nakatingin ako sa labas at sigurado ako na ga'non din siya. Tanging mga dulo ng daliri lamang namin ang magkadikit.

I don't know when did it start, pero pakiramdam ko ay may humihila sa akin papunta sa kanya. A very strong pull. It is scary but whenever I think that this is... Koa. Nawawala lahat ng pangamba ko.

"Ikaw bahala..."

"Isasama mo ang mga kaibigan mo?"

"Gusto mo ba silang kasama?"

I felt him shifted on his seat.

"A-ayos lang... isama ko rin si... Clarisse..."

I then... heard him sighed.

"Okay... tomorrow, then?"

A small smile crept on my lips as I nodded, still looking away.

"Tomorrow."

Tomorrow... I will see him again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top