Pahina 3

Confirmation

Buong linggo ko atang pinag ta-trabahuhan na maalis sa isip ko ang lalaking iyon. Naiirita na nga ako dahil talagang para siyang linta! Ayaw maalis-alis! I tried all sorts of ways...

Una, sinubukan ko umiwas sa kanya dahil pagkatapos ng hapon na iyon ay mas lumambot ang puso ko para sa kanya! Pero kahit ata saan ay nakikita ko siya?

One time, I went to the library...

"Hi Willow, anong hihiramin mo ngayon?" Ngiting tanong ng working student na naka duty ngayon sa library.

"Sisimulan ko sana ang Bridgerton. Nandyan ba ang first book?"

Yes, I am not here to study but to read fiction. Lagi ako rito at kilala na ako ng mga working student na nag babantay dahil madalas ako magpalipas ng oras tuwing mag babasa ako ng fiction.

"Wait, let me check." Anito.

I leaned on the counter and nodded.

"Hmm... yes, nandito. Fiction section. Second shelf."

I smiled sweetly. "Thank you!"

"Sure. Iuuwi mo ba?"

"Hmm, depende kung magustuhan ko. Simulan ko muna tapos mag de-decide ako kung iuuwi ko."

"Okay."

Tumango ako at tinungo na ang shelf kung saan iyon nakapwesto. Agad ko naman iyon nakita at kinuha para mahiram. Nang mahiram ko na 'yon sa pangalan ko ay nag hanap ako ng lamesa para mag basa sandali habang hinihintay ang sundo ko.

Yes, sinadya kong 'wag mag hintay sa likuran ng university dahil pakiramdam ko ay makikita ko siya roon. Ayaw ko isipin na sasadyain niya ako ulit doon... dahil parang ang delusional ko naman 'non, at parang nag babadya ang kiliti sa puso ko masimulan ko lang maisip iyon...

Pero...

Better be sure than sorry!

Kaya ito ako, dito sa lugar kung saan siguradong hindi ko siya makikita. Library. Napakaimposibleng makita ko siya rito. Magugunaw muna ang mundo bago siya mag punta rito. Hindi rin siya makakapang babae rito.

Therefore I conclude, this is the safest place!

Haha! Yes!

But to my kamalasan...

Nahagip ng mata ko ang estranghero rito sa library!

What the heck is he doing here? Are you gagoing me?

At sagad na sagad naman ang kamalasan ko, ang bakanteng lamesa nalang ay ang katabi ng lamesa niya.

Kailangan ko ng tumakas. Habang hindi niya pa ako nakikita!

Akmang hahakbang na ako paalis nang mapatigil ako sa kinatatayuan ko. I watched him flipped the page of the book he was reading. His brows were furrowed. Seryosong-seryoso siya sa kanyang binabasa. I can't help but to... be... entranced. I never thought I'll see him this serious— lalo na sa pag-aaral.

He was leaning back on his chair. Maayos ang uniporme. Ang hawak na libro ay bahagyang naka-angat mula sa lamesa habang binabasa niya ito. His hair is not disheveled too. Mukha siyang normal na estudyante ngayon, malayo sa kanyang normal na itsura... like a bad boy of some sort.

He wetted his lower lip and I can't help but to watch how subtle his movements are.

Umangat ang kanyang kanang kilay, tila may nabasa na hindi siya sangayon. Inayos niya ang pagkakapatong ng libro sa lamesa at kinuha ang kanyang bag. He grabbed a notebook and a pen, then he started scribbling down while looking back and forth from the book then to his notebook.

Seryoso talaga siya?

Looks like nobody knew him well, huh?

Kung ganito pala siya, ibig sabihin ay wala talagang nakakakilala sa kanya. He is not all what they say. He is not just a playboy, naughty, fight starter, a man without dreams, and a son who lacks gratitude towards his parents.

There's more to him than meets the eye.

Who would have thought he studies when everybody thinks he doesn't?

I am curious...

I found myself almost tip-toeing towards the nearby empty seat beside his table. Sa pinakadulong upuan ako naupo para hindi niya mapansin. Dahan-dahan din ang ginawa kong pag-upo para hindi makagawa ng ingay.

Halos mapabuntong hininga ako nang makaupo ng walang kahit anong nagawa na ingay! Mabuti nalang at natakpan ko ang bibig ko! I carefully placed my book on a standing position, para matakpan ang mukha ko habang nag babasa. Nag-iwan lang ako ng sapat na espasyo para sa mga mata ko.

Why am I even doing this?

Curious ako. And I know... I know... curiosity kills the cat! Pero hindi naman siguro ako mamamatay kung panonoorin ko siya mag-aral hindi ba?

So that's what I did. I continued watching him while he studies. Maya't maya ay mag babasa ako pagkatapos ay panonoorin siya ulit. Nag babasa ako tuwing may lalapit sa kanyang babae para mag bigay ng snacks. I can't help but to roll my eyes. Hindi ba nila alam na bawal kumain dito?

Halos mapuno ang one fourth ng kanyang lamesa dahil lang sa mga bigay na pagkain. May chocolates, breads, junkfoods, drinks like chuckie, yakult, even a bottle of water... may nag bigay pa ng gatorade. Anong akala nila, nakakapagod ang mag basa na kailangan niya mag gatorade, huh?!

My brows furrowed when a girl went to him again. Mabilis akong nag iwas ng tingin at naikuyom ko ang mga kamao ko na nakahawak sa libro.

Calm down, Willow. Calm down. What's the fuss okay? Wala naman. This doesn't benefit you in any way. At isa pa, remember? You are mastering the art of being nonchalant. Dapat ga'non.

According to my mom, a lady like me should be full of grace, that everything I do should be subtle and gentle.

I can do that perfectly fine! Basta wala itong lalaking 'to sa harapan ko at ang mga babae niya! Hindi ba nila nakikita na nag aaral siya?! Istorbo sila! Hmph!

I harshly grabbed my phone and chatted Avery and Ritzelle.

May sarili kaming groupchat tatlo.

I only sent an emoji.

Me: (-_-)

Agad nag reply si Avery.

Avery: Where are you Low? Nakauwi ka na? At ano iyan? Who pissed you off?

Me: :)

Avery: You're scaring me, Low. Ano ba iyan?

Akmang mag titipa pa ako nang may tumikhim sa tabi ko!

Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone nang makita siya roon! Nakaupo na ngayon si Gavino sa tabi ko! His body was twisted a bit to face me. Nakapangalumbaba habang mataman na nakatingin sa akin. And there was his... mischievous smile, plastered on his lips!

Napatingin ako sa lamesa niya at natagpuan na wala na rin ang mga gamit niya roon! Tsaka ko nilipat ang tingin sa lamesa ko kung saan naroroon na ang mga gamit niya! Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa sunod-sunod na pag dagsa ng mga emosyon at pakiramdam na hindi pamilyar sa akin.

I internally took a deep breath and exhaled, inhaled and exhaled, I did that four more times— bago ko siya hinarap ng maayos.

Inayos ko ang ekspresyon ko at pormal siyang tinignan. Maingat kong binaba ang libro na binabasa ko.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka lumipat?"

"Sinong umaway sa'yo?" Hindi niya pag sagot sa tanong ko.

"H-huh?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang mataman akong pinag-aaralan. Ganitong ganito ang pag tingin niya sa libro niya kanina. Iyong tingin na parang may hindi siya sinasangayunan.

Umayos siya ng upo, nag lebel siya ng tingin sa akin, pinatong ang magkabilang siko sa kanyang nakahiwalay na hita, pinagsiklop ang mga daliri habang patuloy ang pag-aaral... sa akin.

Napalunok ako. Gusto kong tignan ang mga tao sa paligid namin, paniguradong may mga nakuha kaming atensyon dahil dito sa lalaking nasa harapan ko. The girls that would love to go near him will be so disappointed! Pero hindi ko magawa dahil sa intensidad ng mga tingin niya.

"Pinapanood kita kanina. Your expression says it all. Bad trip ka kanina."

Napaiwas ako ng tingin at umaktong hindi ako apektado sa presensya niya.

"Nagkakamali ka. May pinag uusapan lang kami ni Avery tungkol sa... kdrama na pinapanood namin. Matatapos na kasi. At iniisip namin sino ang mamamatay sa dalawang bida."

Gusto kong tapalan ang bibig ko nang mag sunod-sunod ang sinasabi ko. Hindi naman niya iyon tinatanong, nasobrahan ako ng pag sisinungaling!

This is why I should listen to my mom and follow her orders. Lagi akong nagkakamali tuwing hindi ako nakikinig.

"Really?"

Wait. Hindi siya naniniwala sa akin? Iniisip niya bang nag sisinungaling ako?!

"Doon ka na nga. Baka makita ka pa ng mga babae mo. At hindi ka na nila..."

My eyes glanced on the snacks in front of him.

"... bigyan ng token of admiration." I almost choked while preventing the sarcasm to slip from my voice.

Admiration my ass.

I forced a small smile.

"Wala akong pakielam. Sigurado ka? Walang umaway sa'yo?"

Kung makapag tanong siya ay parang hahamunin niya ng away ang kung sino man na kaaway ko.

At away? Ano kami? Elementary? So... him being a fight starter is true, huh?

"Wala nga. Go. Shoo. Study there. Busy ako. Nag babasa."

I gently pointed at the book I was reading.

"Hmm... okay lang ba na dito nalang ako? Tahimik lang ako. Mag babasa."

Here he goes again with asking for permission.

I am not used to it that I... waver when he does it.

Pasimple akong umirap at matipid na nag bigay ng isang tango.

"Ikaw bahala. Basta wala akong kasalanan kapag nabawasan ang fan girls mo."

"Wala nga akong pakielam," tipid niyang sabi at sunod na may kinalkal sa kanyang bag.

Binuksan ko ang libro na binabasa ko at pinilit ang sarili na mag basa habang pasimpleng sumusulyap uli sa gawi niya. May nilabas siyang isang plastic container doon at pinatong iyon sa itaas ng lamesa. Using his forefinger, he pushed the container towards me, just beside the book that I was reading.

"Ano 'to?"

"Hmm... nag luto ako ng Adobo. Gusto ko sana na matikman mo."

That made my lips part a bit. I lost my cool and gaped at him.

Naalis ng tuluyan ang tingin ko sa libro at diniretso na ito ng buong-buo sa kanya. Siya naman ang nag-iwas ng tingin at dinampot ang kanyang ballpen para laruin iyon ng kanyang mga daliri.

I once tasted Adobo and I loved it! Same with Sinigang! Niluto ni Ritzelle para sa amin. Pero sa bahay ay hindi na se-serve iyon. Purong Chinese food kami at hindi ga'non ka welcome sa bahay ang mga pagkaing Pinoy. Kaya tuwing lulutuan lang kami ni Ritzelle tsaka ko iyon natitikman.

"T-thank you..."

Napalunok ako.

"Buti? Gusto mo matikman ko?"

I bit my lower lip at my own question! Bakit ko pa ba ito tinanong! Mukhang hindi ko naman kakayanin kahit ano pa ang maging sagot.

"Nevermind—"

"Naisip ko lang na baka hindi ka palaging nakakakain ng Filipino cuisine. At nag aaral pa lang ako mag luto kaya naisip ko na ipatikim sa'yo? Para kung mag tanong man ang parents mo kung bakit ka may ganyan, you can tell them that you're just helping me... by being my critic."

Ang bigyan ako ng pagkain ay isang bagay na sobra-sobra na para sa akin, pero ang marinig ang mga sinabi niya ay... nakakapanghina. Mukhang pinag-isipan niya ito. Tulad sa buko juice at street foods na binigay niya sa akin.

Looking at him and hearing him now... makes me wonder if I could try the things that I was prohibited to do... without lying or being a rebel in front of my parents?

He wetted his dry lower lip and gave me a quick glance before returning his stare in front of him.

Napatikhim ako uli.

I need to change the topic! Masyadong kumakaripas ng takbo ang puso ko! I might not be able to take it!

"Buti nag aaral ka? I didn't know you study,"

Binigyan ko pa iyon ng kaunting tono na para bang tinutudyo ko siya para mas makumbinse ang sitwasyon na 'to na hindi ako apektado.

"Ngayon lang... para sa board exams." Anito.

"Huh? Hindi ba masyado pang maaga para roon? Hindi ba dapat ay ang final exams mo ang isipin mo muna?"

Gusto ko idugtong na nag aalala ang lahat kung ga-graduate ba siya o hindi. Pero ito siya at nag aaral para sa board exam? Pero sabagay... that could help too right? Pareho lang ba iyon? I am just in my second year so I do not know. Plus I am a one step at a time person, I cannot think too advanced like him.

Tuwing nag aaral ako, para iyon sa quiz sa araw na iyon o para sa nalalapit na major exam. Pero siya ay nandoon na ang isip? Milya-milya na?

His lips curled for a smile.

Lalong nag kunot ang noo ko.

He flipped the pages of his notebook and went two pages from the back.

Again, he pushed his notebook towards me. Hindi niya ako tinitignan, nakatungo lang siya sa libro niya na alam kong hindi naman niya binabasa ngayon dahil sa naka-ukit na ngiti sa labi niya.

I looked down on his notebook and tried to understand what was on it.

Ilang segundo ko pa iyon pinasadahan bago ko natanto kung ano iyon! Pamilyar ito sa akin dahil may ga'non din si Avery. Ang kaibahan lang ay naka excel, cute tabs and colors ang kay Avery habang siya ay naka sulat papel lang, walang ka format-format ang kanya.

Avery has made an excel file that computes our grades automatically. Useful iyon sa amin pag patapos na ang semester, para malaman namin kung ilan pa ang kailangan namin makuha sa final exam para pumasa o sa kaso nila ni Anton at Ritzelle ay makakuha ng mataas na marka.

Ito ay ga'non din, diretsong computation nga lang ito at walang ka-arte-arte. Ilang ulit ko pa iyong pinasadahan ng tingin bago inisa-isa ang mga numero na naroroon. Mula sa taas hanggang sa baba ay mabagal ang pag babasa ko. At habang pababa ang mga mata ko ay tila mas nanlalaki ito.

This... is...

"So... even if you... get... zero... on your exams..."

He's smart. Really smart. Hindi ako nagkamali sa parteng iyon. Magkapatid nga sila ni Anton.

"You'll still... get... one point twenty-five..." I said breathily.

I could never!

"You make people worry about you, tapos ganito ka naman pala..."

"Hindi ko naman sinabi na mag-alala sila. Kaya ko ang sarili ko." Aniya at nagkibit-balikat.

I almost snarled at him!

"Bakit nag-aalala ka ba?" He suddenly probed.

Mabilis ang kanyang mga naging galaw. Bigla nalang siyang dumukwang palapit sa akin. Natulos ako sa kinauupuan ko kung kaya't wala na kami halos distansya.

Halos mahimatay ako sa biglaan niyang pag lapit!

"H-hindi!" Napaiwas ako ng tingin at muling tinulak pabalik sa kanya ang notebook niya.

Muli kong tinuon ang tingin ko sa libro sa harapan ko. I tried reading the first sentence I found but I can't understand a thing from it!

Ang english ay tila naging alien language sa akin!

Inulit-ulit ko pa ito pero tanging pag kunot noo nalang ang nagawa ko dahil hindi pumapasok!

I heard him chuckled deeply beside me!

Halos mag sitayuan ang mga balahibo ko sa leeg dahil sa mahina niyang pag tawa na iyon!

"'Wag ka mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. I'll be successful."

The way he said it, parang iyon talaga ang mangyayari. I never highly regarded anyone's words. Promises for me... are fleeting. Para sa akin ay nasasabi ng mga tao ang kanilang mga pangako dahil sa sitwasyon, kung masyado silang masaya, malungkot o galit... tsaka nakakapag bitaw ng mga pangako.

Pero ngayon, sa paraang pag bigkas niya at pag bitaw sa mga salita niya ay parang... naniniwala ako na iyon nga ang mangyayari.

He makes me want to believe him...

"I know..." I croaked.

"Really?"

Pasimple ko siyang sinulyapan bago binalik ng mabilis ang tingin sa libro ulit! Nadatnan ko siyang mataman na nakatingin sa akin! He should be reading and studying! Hindi ako dapat ang tinitignan niya.

"Yeah..." parang alipin ang mga labi ko.

"I want you to worry for me though... pero sa ibang bagay, hindi sa ganyan."

My brows furrowed deeply. Hindi dahil sa binabasa ko kung hindi dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Gusto ko mag tanong pero hindi ko magawa dahil baka malagutan ako ng hininga pag nag tanong pa talaga ako.

"Mag-aral na tayo ulit," bulong ko at muling pinakabasa ang mga letra sa libro.

He gave a lowly chuckle again!

Mukhang enjoy na enjoy siya sa kung anong nangyayari!

"Okay, we'll study... aralin mo ang Bridgerton." Tudyo niya.

Mariin akong napapikit nang matanto na siya lang pala ang nag-aaral!

Argh!

Hindi na ako sumagot at baka may masabi pa akong kamalian uli!

Narinig ko ang pag galaw ng upuan niya at ang bahagyang pag lapit nito sa akin. His left elbow brushed on mine as well! Halos mahigit ko ang pag hinga ko sa pag daplis na iyon.

I just found my heart beating rapidly, my mind lost... to... a wishful thinking that my driver won't arrive yet.

I was always obedient and I never wished to be allowed for something. Ayos lang ang lahat sa akin. Nasanay at lumaki ako na... tanggap ko na ito ang buhay ko. That my parents will always intervene. Hindi ko na nilalaban ang kahit anong gusto ko.

But right now...

I wanted more time...

No... I wanted time to stop.

Sa unang pagkakataon, humihiling ako na sana mapagbigyan ako.

Sa susunod na araw ay muli akong umiwas. This time, nag hintay ako sa cafeteria. Kasama ko ngayon si Avery. Nag babasa siya ng libro habang ako ay kumokopya ng lectures niya.

"Buti dito ka pala nag-aya? Ayaw mo sa library? Mas tahimik doon." Aniya.

Maagap akong umiling.

"G-gutom ako. Dito nalang."

Nag kibit-balikat siya at nag patuloy sa pag babasa. I continued copying her lectures. Pagkatapos ng ilang minutong pag susulat ay napagpasyahan kong bumili muna ng inumin para makapag stretch na rin dahil nakakasakit ng batok at kamay ang tuloy-tuloy na pag susulat.

"Bibili ako ng iced tea. Ikaw? Wala kang gusto?"

"Hmm... sige paki bilhan na rin ako." She said without giving me a glance.

Napailing ako. Buti nalang ay masipag sila mag-aral ni Anton.

Tumayo na ako at nag lakad patungo sa counter. Sinabi ko ang order ko at nag bayad. Habang hinihintay na mahanda ito ay humilig muna ako sa lamesa roon at pinanood ang mga estudyanteng abala sa pag-aaral o hindi kaya sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan.

Natigil ako sa pagmamasid sa mga tao nang may isang bulto ang nakalapit sa counter. Napabaling ako roon at mabilis akong napaayos ng tayo.

Again? Gavino?!

Seryoso ang mga mata niyang naka harap sa kahera habang sinasabi ang order. Mukhang malalim ang iniisip niya. Problemado. Madali lang iyon mabasa dahil lagi siyang nakangiti. Pero ngayon ni bakas ng ngiti ay wala sa kanya.

Ano kayang iniisip niya? Ano kaya ang problema niya?

Umiling ako sa aking sarili. Hindi ko na iyon dapat isipin pa. Problema na niya iyon. Malaki na siya. Kaya na niya iyon.

Pinuntahan ako ng isa sa mga staff doon at binigay ang order ko.

"Thank you..." mahina kong sabi para hindi makakuha ng atensyon.

Pipihit na sana ako paalis nang...

"Willow..." hindi makapaniwala niyang pag tawag sa akin.

Tumaas ang kanang kilay ko at humarap sa kanya.

I wetted my lower lip and smiled a little.

"Uh. Ikaw pala 'yan. Hello Gavino."

Mula sa pagkakakunot ng noo ay napawi iyon. Umaliwalas ang kanyang ekspresyon at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. I could even feel a sense of relief from him. Hindi na siya mukhang problemado ulit.

Bilis ha?

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"May kasama ka?" Tanong niya.

Something is off from his voice?

"Si Avery."

"Oh..."

Muling bumalik sa dati ang tono niya.

Ano 'yon?

"Ikaw?"

Mabilis kong pinagsisihan ang tanong ko!

Tumango siya. "Kasama ko ang mga kaibigan ko. Inabala nila ako sa library dahil nagugutom sila."

Bahagya niyang tinuro ang isang lamesa, hindi kalayuan sa lamesa namin ni Avery. I followed where he was pointing and I saw his friends.

Pero hindi ata sila kompleto? Dalawa lang ang naroroon. Ang alam ko ay apat sila. Mga ka-kurso at ka-batch niya rin. Engineering.

"Hmm... dapat binigay mo nalang ang mga bigay ng fan girls mo. Hindi mo naman mauubos 'yon. Masyadong marami."

At muli! Pinagsisihan ko na naman ang lumabas sa bibig ko! Willow, shut it!

I saw his eyebrow shot up.

Gusto ko pa sana tignan ang susunod niyang ekspresyon dahil... nasisiyahan akong gawin iyon pero...

Napapaiwas ako ng tingin!

My cheeks felt hot!

"Yes. Binigay ko sa kanila. Akin ang binibili ko."

'Oh...' I want to say but...

Kumaripas ulit ng takbo ang puso ko, at hindi lang 'yon, tumalon ito sa kung saan, walang balak bumalik!

"B-bakit naman? Sa dami 'non... for sure kahit buong klase niyo kaya kayo pakainin."

I gulped and my eyes fluttered as I look away.

Humigpit ang hawak ko sa iced tea.

"Hindi ko kakainin 'yon. At... hindi na ako tatanggap uli."

My lips wanted to curve for a smile! Pero... parang may iba akong nahihimigan sa tono niya.

Nag lakas loob akong bumaling ng tingin sa kanya pero halos mapasinghap ako nang matantong nakalapit na siya sa akin!

Ilang dangkal nalang ang layo niya! He was crouching, hovering me with his should-be-forbidden heavy lidded eyes, looking at me intensely! As if he wanted to confirm something!

Gusto ko siyang gantihan ng tingin at takutin siya gamit ang matatalim na tingin pero, I was left entranced again. He looks insanely good and handsome! Bagay niya ang mukhang masipag mag-aral, pero iba din ang gwapo niya tuwing naka varsity uniform siya.

Sa lalim ng tingin niya ay parang inaaral niya rin ako. And given that he is smart, nakikita ko sa mga mata niya na malapit na niyang malaman ang sagot sa mga tanong niya. And for sure, the answer will come from me, I am giving it away somehow... I can't contain it, I can't even protect it, I can't hide it... kasi hindi ko rin sigurado o alam kung ano ba ang itatago ko.

I gulped again.

"Gavino, masyado ka naman atang malapit. Hindi tayo close." Pilit kong pag tataray sa kanya.

Mas pumungay ang mga mata niya.

"I fought with my father today... I had a bad day... but..."

Huminga siya ng malalim at kahit na mukhang malungkot talaga siya at problemado ay nagawa niyang ngumiti.

"Thank God I saw you..."

My eyes dropped to his lips that were only inches away from me. I can even feel his hot breath from our small distance. Umaabot iyon hanggang sa batok ko pababa sa aking likuran.

"Nag pasaway k-ka na naman... b-ba?" I tried asking normally.

Pinilit kong ibalik ang tingin ko sa mga mata niya pero siya naman ngayon ang nag baba ng tingin. His gaze dropped to my lips and that made something inside me quiver.

Umiling siya.

"Ga'non lang talaga ako..." he croaked.

"P-paano? Pasaway?"

His smile grew but his eyes remained forlorn.

"Nilalabanan ko lahat kapag may gusto ako at ayaw ibigay. I become merciless. Nothing can talk me out of it. Kahit wala akong kakampi. Kahit mag-isa ako. Basta makuha ko, lahat gagawin ko..."

As he trailed on his words.

I felt him getting something from me. At tama siya, makukuha niya ang kahit anong gusto niya. Dahil nasisigurado ko na kung ano man ang ni-kokompirma niya kanina ay nabigay ko na ng hindi ko namamalayan.

His smile and gaze was enough that he got it from me and I willingly gave it to him.

At ayos lang, basta ngumiti na siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top