Simula
Chinito
"Finally... two months of summer vacation before our last year!" Masayang pahayag ni Willow nang makaupo sa tabi ko.
Nakahiga ako sa buhangin ng dalampasigan dito sa La Union, paborito namin puntahan magkakaibigan.
Nakapikit ako habang pinapakinggan ang ihip ng hangin, hampas ng alon at kwentuhan ng mga kaibigan ko. Ramdam ko rin ang hapdi ng hapon sa aking balat pero hindi ko iniinda iyon dahil madalang nalang kami maarawan sa dami ng ginagawa sa university.
"It's a good thing we came today and not during weekends, right?" Dinig kong tanong ni Koa.
I rolled my eyes under my sunglasses bago pumikit muli. Kanina niya pa ito sinasabi para asarin si Gabriel. We had a poll in our group chat kung kailan ba kami mag la-La Union. Koa suggested Tuesday to Thursday while Gabriel suggested Friday to Sunday.
Wala naman akong komento roon. I see it as a result of two different personalities. Gabriel is a party boy, friend of everyone breathing, and best in social gatherings, hindi nakakapagtaka na piliin niya ang weekends kung saan buhay na buhay ang La Union. While Koa is fun also, mas gusto niya yung kaunting tao. Kaya niya makipasabayan kay Gab pero kung siya ang papipiliin ay ayos na siya kahit kami-kami lang.
Me? I have no problem. Either. I can adjust.
"Koa!" Gab groaned.
Mabilis kong binuksan ang mata ko para masaksihan ang susunod na mangyayari dahil alam kong mag aaway na naman sila.
I pretended that I am not interested but it's fun to make fun of them inside my head.
Ni-headlock ni Gab si Koa kaya agad siya nitong ni-wrestling.
Ni-angat ko ang braso ko at tinabunan ang noo ko.
"What the fuck, Gabo?!" Daing ni Koa habang nakikipag bunuan.
"Boys... will be boys..." bulong ni Willow na napapailing nalang habang nakatukod ang magkabilang siko sa buhangin.
I smirked. "Anton, can you please quiet them? Nakakahiya." Tawag ko sa lalaking nasa kabilang gilid ko.
Napa-ahon siya sa pagkakahiga at inalis ang librong nakatabon sa mukha niya. Inangat niya ang kanyang kanang tuhod nang makaupo at pinatong doon ang braso, tinatamad niya silang tinignan at napailing nalang.
"These two..." naiinis niyang sabi bago tumayo.
I watched him grab Koa using Koa's shirt and Gab through his shoulder, bilang walang damit pangitaas si Gabriel.
"Hindi kayo titigil? Kayo mag babayad ng dinner mamaya." Mariin na banta ni Anton.
"Tsk." Irap ni Gab habang pinapagpag ang buhangin na dumikit sa kanyang balat.
Inabot ni Willow ang pamunas kay Gab na siya namang masungit na tinanggap ng huli.
"Make up, you two." Utos ni Anton habang naka talikod pa rin ang dalawa sa isa't isa.
Napangisi ako habang nakikita silang nag susungit sa isa't isa. Parang mga bata talaga.
"Tss. Sorry na. Inaasar lang naman kita eh." Unang paghingi ng tawad ni Koa.
Ganito lagi, Koa will surely lower his pride first before any of us. He is the kindest of us all, I can vouch for him. Si Gab naman ay may pagka ma-pride but... I know he will give in.
"Sorry din. Libre nalang kitang coconut ice cream doon."
See.
"Me too!" Mabilis na anyaya ni Willow.
Napabuntonghininga si Anton at bumitaw na sa dalawa para bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko. Tumayo silang tatlo at agad na lumuhod si Gab para makasakay si Willow sa kanyang likuran. Gab's love language to give is act of service so he likes to spoil us by doing things for us and making us comfortable.
Sinuot ni Willow ang kanyang asul na sarong bago sumakay sa likuran ni Gab. Napatili pa siya nang tumakbo si Gab at nagpahabol kay Koa!
Muntik akong mapabalikwas dahil sa takot na madapa sila!
"Gabriel!" Hindi ko napigilan tawagin siya para mapigilan.
Humalakhak lamang siya habang tumatakbo pa rin. Ang kumikinang niyang balat dulot ng pagkababad sa araw ay mas nadepina ngayong buhat-buhat niya si Willow na sobrang puti naman.
"Gab!" Tili ni Willow pero sa huli ay humagikgik na rin at tumawa habang nag takbuhan na sila sa dalampasigan.
A smile escaped on my lips as I lay down again.
Pinakinggan ko lamang muli ang paligid at pumikit. Kung iisipin ay malayo dapat ito sa kapayapayaan dahil sa ingay ng mga kaibigan ko pero ito ang katahimikan para sa akin. Whenever I want to find serenity and tranquility, it will be surely with them.
"Libre nalang kita mamaya." Ani Anton.
"It's fine. Lilibre mo naman kaming dinner." Ngisi ko.
"Ayaw mo ng ice cream?"
Umiling ako. "Willow will surely let me taste hers. Ayos lang."
Bigla ko tuloy naisip ang isang kaibigan namin. I hope she is fine. Sana tulad namin na may pahinga ngayon ay mayroon din siya. I hope she has her fair share of rest and tranquil. I really wish that she is in a better environment than before.
"By the way, I saw your pictures from your family's charity event yesterday. You look good. Gwapo." Tukso ko.
"Tsk." Pinilig niya ang kanyang ulo. "Hindi ka naman pumunta 'eh. Babawi ka pa sa papuri ha. You're such a bolera."
"Ang conyo ha, Antonio Elias Giovanni Lopez." Patuloy kong tukso dahil alam kong ayaw niyang pinupuna iyon.
"Get lost, Avery Sienna Zobel." Inis niyang subok na tukso sa akin pero alam niyang hindi uubra.
Ako na ata ang pinakahindi pikon sa amin. I don't get mad, annoyed or irritated easily. I can shrug off matters quickly, kahit sino pa sa kanila ang mang asar kaya kawawa si Willow dahil sa kanya mabubunton kapag hindi gumana sa akin.
"Mag out of the country kayo this vacation?" Tanong niya habang dinudungaw ako.
Natabunan ang sinag ng araw dahil sa ginawa niya. Oh boy, his fangirls will surely get jealous. Mabuti nalang ay wala pa kaming nakitang kakilala rito.
Napangiti ako at tumango.
Abala kami ng pamilya ngayon dahil sa dami ng kailangan asikasuhin para sa mga bakasyon na gagawin namin sa summer na ito. Maswerte ako na malapit ang buong pamilya ko kaya marami kaming hinahandang event tuwing may pagkakataon.
"Where?"
"Taiwan!"
"Oh! That's a good choice! I'll send you recos later." Galing na sila last year ng pamilya niya roon.
Ngumiti lamang ako at bahagyang gumilid para makita siya lalo.
"I am sorry about the party, babawi ako next time."
I smiled sheepishly this time. "Pero hindi nga. Gwapo mo roon ha. May pinopormahan ka na 'no?"
I just like being vocal and giving praises. May nabasa ako noon na sa ikli ng buhay, hindi mo masasabi lahat ng gusto mo sabihin sa lahat ng taong dadaan sa buhay mo. Kaya habang kaya mo ay gawin mo na, pag naisip mo— basta hindi nakakasakit ay ipahayag mo na.
He smirked and chuckled. "Wala. At mas lalo akong walang oras ngayon. I have to be the Summa Cum Laude." Bakas ang pressure sa kanyang ekspresyon kahit na naka ngisi.
"You are the Summa Cum Laude, Anton." Paninigurado ko.
Umiling siya. "Baka matalo mo ako."
Napaismid ako at bahagya siyang tinulak sa balikat.
"What the heck! I estimated my grades already, bitin."
Both of us are at the top of the batch, pero ang kaibahan lang ay malaki ang pressure sa kanya ng pamilya niya habang ako ay wala. Talagang hinahayaan lang ako sa gusto ko at sinusuportahan lang nila lahat ng desisyon ko.
I know and I am sure he is the Summa Cum Laude. Ni-compute ko na ang grade nila para masiguradong papasa lahat. Lamang siya ng ilang puntos sa akin at masaya ako para sa kaibigan ko. He deserves it. He earned it. Atleast now... mababawasan na ng kaunti ang pressure sa kanya.
Ladderized ang course namin sa university. We will be graduating soon as fourth year students pero lahat kami ay sabay-sabay na kukunin ang Bachelor of Science in Accountancy sa darating na pasukan bilang fifth year students.
The pressure on us... wala naman, sa kanya lang talaga.
Maybe because he will inherit their businesses in the future. Habang ako ay may kuya na sasalo ng lahat. I just know I will work under our businesses pero malayo sa isip ko na mamumuno ako roon, at alam kong hindi ako pipilitin.
"Magna Cum Laude. It's yours now, Ave."
"Summa Cum Laude. It's yours, Anton." I assured him again.
He sighed and smirked as he lay down again. Ga'non nalang din ang ginawa ko.
We stayed like that for half an hour before deciding to go back to our place. Nag AirBnb kami na may tatlong kwarto. Me and Willow share the same room, Koa and Gabriel shared the biggest room while Anton is alone, ayaw may katabi.
Mag hahanda kami para sa dinner, we decided to eat at Kabsat. Malapit lang iyon sa tinutuluyan namin, lalakarin lang kaya may oras kami para mag ayos.
Willow and I matched all of our outfits for this trip. From bikinis to night outfits. I wore a simple plain white bikini, pinatungan ko iyon ng denim shorts at manipis na yellow tube top. Si Willow naman ay naka yellow bikini habang puti ang tube top.
We really made sure we matched. Napangisi ako habang tinitignan kaming dalawa sa salamin. We took a few pictures before proceeding with our hair. Hindi na kami maglalagay ng kahit ano sa mukha, buhok nalang namin ang aayusin namin.
I loosely curled the ends of my hair and wrapped a handkerchief to secure it on one side. Si Willow naman ay nilugay lang ang buhok at hinayaan ang natural soft curls niya sa dulo.
"Ano pala iyong sasabihin mo mamaya sa amin?" Tanong ko habang sinusuklayan ang buhok niya.
Kita ko na natigilan siya mula sa salamin at bahagyang sumimangot.
"Mamaya na... malungkot 'eh."
"Is everything okay?" Kinabahan ako para sa kanya.
"Well... no... pero... magagawan naman siguro ng paraan." Mahina niyang sabi.
Ang mapusyaw niyang balat ay mas pumuti sa maputi niyang pangibaba. Lumilitaw ang pagiging Chinese niya sa puti niya ngayon. Parang hindi nabilad.
Napakaraming tao nang nasa Kabsat na kami. Kahit kaunti lang sa normal ang tao ngayon ay matao pa rin dito dahil sikat ang lugar na ito, magandang mag dinner habang pinapanood ang pag lubog ng araw.
Maraming kilala si Gabriel at sa dalas namin dito ay kilala na rin kami kaya nakakuha kami ng magandang pwesto. Our table is just outside the area, sa may platform pa rin pero mas tanaw ang sunset sa pwesto na 'to.
Nakatalikod ako sa sunset kaya naman puro ako ang nasa litrato na kuha nila. Wala akong ginawa kung hindi ang mag side view sa hiya. Ako panigurado ang laman ng Instagram story nila!
Gabriel was taking care of Willow's pictures while Koa and Anton were taking mine kahit ayaw ko. Sila kasi ay hindi mahilig magpakuha kaya kaming dalawang babae ang pinag didiskitahan pag ganito.
Willow likes taking pictures and is pretty confident with her beauty while I like silhouettes, back and side view. Halos ga'non ang laman ng feed ko.
Mabuti nalang at against the light kaya halos silhouette ko nalang ang nakikita sa mga pinapakita nilang kuha nila.
"Wait... awat muna. Mag comfort room lang ako." Paalam ko.
"I'll accompany you?" Tayo ni Koa.
Napaismid ako sa kanya at bahagyang natawa.
"What? Baka magaya noong nakaraan." Paliwanag niya.
He was pertaining to the last time we're here. Nabastos ako 'non pero sa Flotsam na iyon. Lasing na ang mga tao.
"It's still five-thirty, nothing will happen. At dyan lang sa taas ang banyo. Kalma."
I sweetly smiled and shook my head, amused with my friends.
They have really set the bar high, may pros and cons 'yon pero tsaka ko na iisipin iyon kapag handa na ako. For now, problema ko lang ang makagraduate with Latin Honors at pumasa ng boards.
Tumango si Anton at kinuha ko iyon bilang hudyat para pumunta sa banyo at gawin ang number one doon. Mabilis lamang ako at wala naman nakapila. Tumigil muna rin ako sa tapat ng banyo kung nasaan may malaking salamin para tignan ang itsura ko.
May pumasok na mag lilinis ng banyo, lalaki iyon, ngumiti ako para makadaan siya habang paalis ako. Nakita ko ang paninitig niya at ang pamumula ng pisngi.
"Makikiraan po..." aniya sa manghang boses.
I only smiled and as he shyly smiled back.
Nang maayos ko ang damit ko at buhok ko ay lumakad na ako pabalik.
"Miss..."
Maagap akong napalingon nang may marinig na mababang boses sa likuran ko.
I don't know but... nagandahan ako sa baba ng boses na 'yon. Pinigilan ko ang sariling sabihin 'yon dahil kahit gusto ko siya puriin, hindi ko pa rin siya kilala para gawin 'yon.
"Yes?"
Nahigit ko ang hininga ko nang makalingon at mag tama ang balikat ko sa dibdib ng isang lalaki. Mabilis akong humakbang palayo para paluguran ang tamang distansya dapat sa estrangherong 'to.
"I am sorry." Paumanhin ko.
I immediately got intimidated by the man in front of me. Kumunot ang noo ko sa intimidasyong iyon dahil hindi iyon madalas mangyari. I am surrounded by three men as my closest friends, I have a brother, I have many male cousins and our family have strong men as leaders in the business world— which screams intimidation.
Hindi ako madaling ma-intimidate pero ito ako... gusto umurong dahil sa lalaking nasa harapan.
He is well built, I guess six... two? In height? He looks like he spends a lot of time in the gym. Naka muscle tee. Sporting a crew cut for his hair cut. Clean. Maputi... chinito. Probably same as Willow? A Chinese? O baka Korean? Hindi ako sigurado.
He has a pointed nose, his lips are... hmm how do I describe this... sexy...? It's appealing, it will make you watch its every move. Habang ang overall aura niya ay... snob.
Tumikhim siya na nagpawala sa iniisip ko.
I shook my head and stifle a smile.
"I am sorry." You look good, that's why I can't help but stare.
Halos kurutin ko ang kamay ko para pigilan ang bibig kong masabi ang nasa isip ko.
His jaw clenched. "You drop this..."
Nilahad niya ang kamay sa akin. Napaawang ang labi ko nang makita ang puti kong handkerchief sa ibabaw ng palad niya. Nadumihan ito dahil sa pagkahulog.
Napahawak ako sa buhok ko at hindi napansin na nakalugay na iyon.
Napansin niya ata na madumi kaya niladlad niya iyon at pinagpag para maalis ang dumi. He was very serious while doing that. Nakakunot pa rin ang noo.
The inside of my chest flinched
"T-thank you..." Mahinang pasasalamat ko nang ilahad niya ito ulit.
Tinanggap ko ito at muling natigilan nang maramdaman kong tumama ang dulo ng hintuturo ko sa palad niya. Parang nakuryente ay mabilis kong binawi ang kamay ko.
Damn. Avery Sienna?!
Anong ginagawa mo?
Para saan ang inaakto mo? Hindi ikaw ito!
Umayos ka!
Tumikhim ako at pinilit ang sariling ngumiti.
"Salamat. Pasensya ka na."
"It's nothing." Aniya sa matigas na ingles, nakakunot ang noo at matigas ang panga.
Tumaas ang isang kilay ko sa pagiging suplado nitong chinito na 'to.
Sungit!
Kala mo naman...
Kala niya ha...
Siya na ang pinaka gwapo dahil lang nanitig ako ng matagal?
I was just appreciating!
Isang tango lang ang iniwan ko bago tumalikod at hindi na pinahaba pa ang usapan. Wala sa sariling nag madali akong bumaba at nang nasa kalagitnaan na ng malawak na hagdan ay tsaka lang ako napabuga ng hangin.
Hindi ko napansin na kanina ko pa pinipigilan ang pag hinga ko.
Thank God... I will never see him again.
Ito ang gusto ko sa pag lilibot malayo sa syudad. Meeting different people you may more likely never see again. It is both humbling and amazing. For this one, it is a blessing... na hindi ko na siya makikita ulit, pagkatapos ng pag titig ko ng ga'non.
I don't want to admit it pero nakakahiya!
"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? You look flushed..." Puna ni Willow nang makaupo na ako ulit sa tabi niya.
Napahawak ako sa pisngi ko at nakaramdam ng kaba.
What now? Ngayon naman kinakabahan ako?
What is with me? Ang dami ko bigla nararamdaman!
This is beyond my calm demeanor.
Umiling ako at ngumisi. "Napagod ako mag lakad."
"I should have carried you?" Tukso ni Gab.
I rolled my eyes. "Oh please, ginawa mo kaming exercise ni Willow, huh?"
"Bakit? I can even carry you both!"
"Oh, come on, Marquez." Daing ni Koa sa kayabangan ni Gabriel.
"Hah? Inggit ka naman Gonzales." Mayabang na balik ni Gabriel.
"Libre mo nalang ako ulit!" Hirit ni Koa.
Nakapalumbabang tinignan ni Gabriel si Koa. "Ano ka? Chicks? You're a damn rooster, Yashvir." Puno ng sarkasmong tugon ni Gab.
"What are you second naming me for, Wyatt?" Iritadong balik naman ni Koa.
Napahawak na ako sa ulo ko dahil ito na naman tayo. These two...
Tinignan ko si Anton at alam na niya agad ang ibigsabihin 'non. Napabuntong hininga siya at tumayo para maisiksik ang sarili sa pagitan ng dalawa. Pumagitna siya para makapaglayo sila at doon nalang naupo sa gitna.
"Hindi pa tayo tapos—"
"Game on, Marquez." Gigil na putol ni Koa sa sasabihin ni Gab.
"Ah talagang—"
"Hey, man! You're literally everywhere, Gabriel."
Natigil lamang si Gabriel nang may bumati sa kanyang kakilala. Typical scenario, kahit saan ata ay may kakilala siya. Kahit noong nag Palawan kami ay ga'non din, sa Baguio rin... and... even sa Camiguin na sobrang layo na para magkaroon pa siya ng kakila! Kahit saan ay siguradong may babati sa kanya.
Kailangan kong makahanap ng lugar na wala siyang kakilala.
Gabriel flashed his playful smirk. Mabilis nag iba ang tindig niya, kung saamin ay sobrang likot niya, pag sa harap ng iba ay nag be-behave siya.
"Good to see you, man." Bati niya rito.
"Good to see you too, kasama ko tropa ko, ang ilan kakilala mo ata."
Pupusta ako, oo.
Nagkatinginan kami ni Willow at napahagikgik naman ito. Alam na namin ang iniisip ng isa't isa. Pumupusta kami na kakilala nga ni Gabriel ang mga iyon pero walang matatalo sa amin dahil pareho kami ng pusta.
Naramdaman ko ang bahagyang pag sipa ni Koa sa upuan ko.
'Ano?' he mouthed.
I raised an eyebrow on him and smirked at him to annoy him.
Napanguso siya at napakamot sa batok niya.
"H-hey..." biglang pagka-utal nito. "Avery..." tawag nito sa akin.
Napabaling ako roon ng tingin. Tumitig lamang ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko siya kilala, baka sa bar nakilala 'to ni Gabriel? Pero kilala ako?
Pinamulhan agad ito ng pisngi at ngumiti rin pabalik.
Isang tikhim ang pinakawalan ni Gabriel.
"Really? Baka hindi na pare kasi hindi na ako napupunta sa vicinity ng building niyo."
Sabay silang lumingon nang may apat na lalaking lumapit sa lalaking kakilala ni Gabriel. Sa kuryosidad ay sinundan ko ng tingin ang tinitignan nila at hindi pa man nakakahuma sa nakita ay mabilis ko ng iniwas ang mukha ko para tumingin sa kabilang gilid para hindi ako mapansin.
I shrinked a bit and tried to hide my face by putting a hand on the edge of my left eyebrow. Yumuko ako at kunwari sumisimsim sa mocktail na ni-order.
Napakaliit naman talaga ng mundo.
So much to will never see again!
I felt a nudge on my leg kaya napaangat ako ng tingin kay Koa.
Nakahalukipkip siya at nag tatanong ang mga mata.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Telling him to back-off.
Sige ka, subukan mo akong asarin, makikita mo at hindi kita tutulungan sa assignments mo.
Nag usap pa sila roon, kakilala nga ata ni Gabriel? Hindi ko na masundan dahil sa ginagawa kong pag lihis ng tingin. Bahala na sila, basta ako, nasasarapan sa iniinom ko.
Mabuti nalang at hindi na nagpakilala ang mga ito at hindi na rin kami pinakilala kung hindi baka ako na ang nag baon kay Gabriel sa lupa!
"Upo na kami..." ani ng kaibigan ni Gab.
Umupo sila sa katabing lamesa kaya napaayos na ako ng upo.
Thank God. Phew.
Inayos ko ang upo ko at ngumiti na parang walang nangyari.
"So... sinong iniiwasan mo?" Tanong ni Anton.
Nag taas ako ng kilay at napatingin kay Willow, hinihintay ang sagot niya.
Sumimsim siya sa mocktail niya at tumingin din sa akin.
Binaba ko ang nakataas kong kilay at nagkunot ang noo ko.
I pointed at myself. "Ako?"
Humalukipkip si Anton katulad ni Koa habang nakangisi naman si Gabriel habang nangungutya ang mga mata sa akin.
"Yes. Ikaw. Akala mo ba hindi halata? Kahit ang mga nasa dalampasigan ay mapapansin ka, Ave."
"Hindi ah. Wala akong iniiwasan. Bakit naman ako iiwas? Hindi ko man nga kilala ang mga 'yon." Maang maangan ko.
I tried my best to not roll my eyes as it always gives me away whenever I am lying!
"Liar."
"What, Anton? How could you say that!" I tried to sound offended!
Pero sa loob ko ay nakakaramdam na ako ng kaba.
"We know each other since Kinder, you think hindi namin alam kung kailan ka nag sisinungaling?"
Sinamaan ko sila ng tingin at umirap. Hindi nila ako mapipilit mag salita. My lips remain pursed and I looked away to another view.
Na pinagsisihan ko rin...
That view ended up being that guy upstairs! Sa pwesto ko ay halos tapat siya pag gumilid ako ng kaunti paharap kay Willow sa kaliwa ko.
Iiwas na sana ako ng tingin nang lumingon siya sa akin at taasan ako ng kilay.
He displayed a devious cocky smirk. Yung ngisi na parang hinuhusgahan lahat ng nakikita sa paligid niya.
Yabang.
Chinitong mayabang.
I raised an eyebrow for him too and looked away.
Avery! Bakit mo pa ba pinagtutuunan ng pansin ito. This is not you.
You don't give a fuck to unimportant things. This is not important. He is not important!
Lumapit ang mga waiter na mag se-serve ng pagkain namin at isa-isang nilapag ang mga iyon sa lamesa namin.
Hindi ko napigilan mapatingin muli sa gawi ng lalaking iyon at nahigit ko ang hininga ko nang makitang nakatingin na siya sa akin.
Umiwas siya ng tingin at napayuko habang ang dalawang kamay ay magkasiklop. He licked his lower lip...
Idinikit niya ang magkasiklop na kamay sa may labi niya para itago iyon doon.
May multong ngiti na nakatakas doon.
What is he secretly smiling for? Is he judging me? Is he mocking me inside his head?
He closed his chinito eyes as his lips curved a little. Nagmukha siyang isang art piece habang sa likuran niya ay ang papalubog na araw. Mahihiya sa kanya ang ganda ng lugar. Hindi nakakapagtaka kung bakit ilang beses lumingon ang grupo ng mga babae sa pwesto nila.
Sinubukan ko lagpasan ng tingin ang lalaking 'yon. I managed to look at the scenery.
The sky has this beautiful shade of orange. The most beautiful shade I have seen yet. Surreal.
Pero sa kabila ng ganda 'non, nilihis ko pa rin ang mga mata ko at binalik sa kanya.
This is treachery.
Napalunok ako nang makaramdam ng hampas sa dibdib ko.
What was that? Pinilig ko ang ulo ko at tinuon muli ang atensyon sa inumin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top