Pahina 9

Entertain

Natigilan ako nang marinig ang pag tunog ng cellphone ko. I saw a glimpse of it, nakita kong si Koa iyon. I pushed Tobias again, pero hindi pa rin siya natinag kaya sinagot ko nalamang ito kahit na nakayakap pa rin siya sa akin.

"Avery Sienna! Nasaan ka ha?! Na-poops ka ba para mag tagal ng ganyan?!"

Halos ilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko. I heard the king of the jungle in front of me groaned, hugging me tighter. From his forehead to mine, inilipat niya iyon sa aking pisngi, dinikit niya iyon ngayon doon kung kaya't halos lumapat ang labi niya sa labi ko!

I bit my lower lip to avoid his lips!

Itong chinitong 'to?! Anong ginagawa niya!

At, paano kami napunta sa ganitong sitwasyon?! Posisyon?!

Parang malulusaw ako at magiging tubig sa yapos at lapat ng balat niya sa akin! If I was cold a while ago, ngayon ay hindi na, dahil pati ang init na nanggagaling sa katawan niya ay nararamdaman ko na.

"I am just... outside. May tinignan lang." Halos paos kong sagot.

"Hah? Eh sino 'yon? May narinig akong dumaing! Avery, anong ginagawa mo ha?!" Puno ng akusasyon niyang pag sisigaw sa akin!

Hah?! Koa? Ang dumi ng utak talaga nito kahit kailan! Masyado na siya maraming natututunan kay Gabriel!

Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang pag galaw ng balikat nitong chinitong nakayakap sa akin! He let out a silent small laugh while still hugging me close!

Wow? He finds this amusing now?

"It was me. May insekto kasi. Nakagat lang ako." Pag dadahilan ko.

Napa-ahon si Tobias sa harapan ko dahil doon. Nanatiling nakayapos ang kamay niya sa aking baywang. He gave more space to see me properly. Kita ko ang iritasyon sa kanya, tinaasan ko naman siya ng kilay para pag bantaan siya na 'wag siyang gagawa ng ingay!

Sige, subukan mo lang mag-inarte, I will make you an insect!

"Well bumalik ka na rito. Nawawala iyong mapapangasawa ni Willow! Nagkakagulo! We'll talk to Willow for a while tapos ay umuwi na tayo! Tigilan mo na ang pag huli ng insekto riyan, Avery. Stop walking leisurely, bumalik ka na ha."

I rolled my eyes as I listen to Koa's commands.

Talagang nawawala si Tobias, 'eh kasama ko siya rito, siya ang insekto!

I saw how quickly Tobias' expression changed. From irritated to amused. Pinanliitan ko lamang siya ng tingin.

"Yes. Yes. I'll go back now. Wait for me."

Pinatay ko na ang tawag at binaba ang cellphone ko.

"What was that, huh? Payakap yakap ka at... ni-iinvade mo ang personal space ko!"

I pushed him again but no... he pulled me closer to him!

Hi to everyone, nandito ang hinahanap niyo na nawawala!

"May boyfriend ka ba?" He crouched once again, taunting me with his eyes!

Kung makapag tanong, parang dapat ay 'wala' ang sagot ko?! At teka, ngayon nag tatanong siya? Noon maka deklara siya na mayroon ako parang walang lugar sa sagot ko.

"W-wala." I glared at him.

"Edi pwede kita yakapin."

"H-hah? Did I give you permission? Hindi ka man lang nag tanong!"

"What? Ikaw nga sabi mo, may insekto na kumagat sa'yo? Did I give you permission to call me an insect? I haven't even bitten you yet."

He moved closer, he shot an eyebrow and teasingly smiled at me.

"Gusto mo makagat?"

My lips parted!

My gosh! Ang hirap kausap ng lalaking ito?!

"Anong kagat ka riyan! Stop that! Nagkakagulo na nga sila sa loob dahil sa'yo. Come. Sabay na tayong bumalik. You should calm the people down, Tobias."

"Tob." Pag tatama niya.

Here we go again. Napakakulit!

"Tobias." Huh, you think I would let you win?

"Tob." Parang bata niyang pilit.

"Tob... ias." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tob." He drawled lazily.

I rolled my eyes. "Tobias. Yichen. Jun. Lim."

He groaned again and softly reached for my elbow to pull me towards him. This time, bumagsak na ako ng tuluyan sa katawan niya dahil binitawan niya ang palapulsuhan ko na nakapagitan sa amin kanina, wala na ngayon nakapagitan sa amin.

My cheek pressed on his chest.

My eyes blinked shockingly. Nag-init ang pisngi ko. Heat rushed from my feet up to my face! Nobody with malice has... been this close with me...

I want to fool myself and think, wala naman itong malisya, pero sinong niloko ko? Ito walang malisya? I wouldn't even believe it myself.

He crouched to hug me tighter. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid namin. I could even hear my intense heartbeat in between the silence. His matured muscled body embraced me, hiding me from the striking light from the moonlight, filling me with his own warmth.

Ngayon ko lang napansin na nanuot na sa akin ang pabango niyang Mercedes-Benz. I can't help but close my eyes to savor his smell. I never thought that I will crave and ache for this... for his smell and his presence.

How in the world did this happen?

"You have so many boys..." bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "Those are my bestfriends,"

He sighed. "Still. They can hold and touch you just like that..."

"I've been with them since first grade,"

"Hmm. I don't like it. But, I should get used to it, right?"

Muling humampas ng malakas ang puso ko.

Lihim akong napangiti. This is the last time I will allow myself to feel this, kailangan ko ng sulitin dahil hindi ako sasali sa gulong ito. Hindi ako tanga at in denial. I know his actions, hindi ito normal, at alam kong may malisya talaga.

Hindi ko alam kung nag lalaro ba siya, maybe he's a playboy like Gabriel? Maybe he's used to wooing women and for sure nagagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap, pero ayaw ko ng malaman pa iyon.

He surely has a lot of girls, kanina pa lang, noong nag ba-browse ako sa internet ng mga impormasyon tungkol sa kanya ay may mga nakita na akong articles tungkol sa pagka-link niya sa iba't ibang babae.

Gusto ko man tignan ang mga iyon ay marunong akong pumili ng laban. Hindi ko hahayaan ang sarili kong makita ang mga iyon. Alam kong malayo ako sa mga babaeng nakilala niya at dumaan sa kanya.

They are women... I am just a girl. Wala pa akong nararating, walang kahit ano, ni hindi ako papalag at hindi ko rin susubukan.

I cannot fail on something like this. Wala akong maibabayad kapag nabigo ako. He could have everything... pero ako hindi.

Hindi ko kaya sumali sa larong ito.

"Balik na tayo, Tob..." I stopped teasing him, wanting to call him using that nickname... for the last time.

"... nagkakagulo na ang lahat. It's my bestfriend's birthday, hindi niya deserve 'to."

Something tugged on my heart.

Like a slow release of pain...

He grazed his nose and then his lips on my neck.

"Uh..." I breathed heavily.

I bit my lower lip. Marahan kong pinikit ang mga mata ko at dinama ang yakap at yapos niya sa akin. I let him inhale me from my neck and painfully forced my eyes to shut.

I will never forget this. He made sure I will never forget.

He is ruining a lot of boys for me...

I let my heart played musical notes inside my being as I let him feel me.

"Hindi ako babalik, Ave." His voice was firm and hoarse.

"H-huh?"

"Kung bumalik ako, aasa sila na pumapayag ako sa kasunduan. Remember I told you... I won't marry if it's not for love. Wala man din akong balak dumalo ngayon. Pumunta lang ako ngayon kasi may gusto ako makita..."

Bahagya siyang umahon mula sa pagkakasubsob sa aking leeg. He gave enough distance again to look at me. Pagod na pagod ang mga mata niyang nakatingin sa akin, nanghihina at sumusuko.

I can't believe it...

Nakikita ko siyang ganito. Ilang tao na kaya ang nakakita sa kanya na ganito?

His tantalizing eyes... cornered mine.

He roamed his eyes on me, making sure he got a good look of me. Bahagya akong yumuko sa hiya, baka may makita siyang mali roon.

"... I saw her already. Ayos na ako. Pumasok ka na. I'll be leaving now."

I don't know but... I felt good him leaving now.

"A-are you sure?"

He smiled a little. Inabot niya ang ilang sadya kong takas na buhok sa harapan at bahagyang hinawi iyon.

I felt a tingling sensation.

"Yes. You enjoy the party. I'll see you soon."

I'll see you soon.

I hope I could believe that, Tob.

Pero hindi. Kasi ako na ang iiwas ngayon.

I painfully smiled and reached for his arm. Marahan ko itong hinaplos at pinisil. To be allowed by him to hold him nonchalantly like this is already something I will forever treasure.

Na kahit na anong mangyari... hindi ko kakalimutan at ipagmamalaki ko pa sa sarili ko na nabigyan ako ng pagkakataon na humarap sa kanya ng ganito, na sa pagkakataong 'to, sa ilalim ng buwan, sa gitna ng kaguluhan ay... siya si Tob at ako ay si Ave lamang.

"It was nice seeing you today..." I bravely said.

I sensed he got tensed from what I said.

"Mag-iingat ka, hah? Good bye, Tob." if our circumstance is different, I would really want to get to know you more.

Umiwas ako ng tingin sa huli kong sinabi.

Inabot niya ang pisngi ko at marahan iyon hinaplos. I almost closed my eyes from his touch.

Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin na nagpa-aklas sa buong sistema ko!

I felt like I was being left alone, as if my home got taken away from his lack of embrace!

Pero natigilan ang aking puso sa pag protesta nang hubarin niya ang kanyang coat. Pinaikot niya iyon sa akin at nilagay sa balikat ko. Nanuot ang mabango niyang pabango sa buong katawan ko, not that I don't smell like him after his embrace, pero ngayon ay parang nakayakap siya ulit.

Hindi ko na ito ibabalik sa kanya. Ito na ang remembrance ko! Hindi ko rin ito ipapalaba. I'll smell this until... I can't smell him anymore from it.

"Good night, Ave." He whispered.

Good bye, Tob.

I lifted my right hand just enough to wave at him. Bago pa bumagsak ang puso ko sa lahat ng 'to ay nilagpasan ko na siya at tinungo ang daan pabalik sa function hall. Punong puno ang puso ko ng magkahalong saya at pagkabigo.

It's okay, Ave.

You'll be fine. Choose your battles right? Choose sure wins. Choose silence. Choose... peace.

Pumikit ako ng mariin at hinanda ang sarili ko sa pag lapit sa mga kaibigan ko. I entered the hall and saw people... literally in chaos. Nakakumpol ang mga matatandang Chinese na pamilya ni Willow, may kausap silang isang matandang lalaki... na hindi ko pa nakita kahit kailan sa party ng mga Tan.

Agad kong nakita ang mga kaibigan ko, Anton and Koa were standing beside Willow up on the stage, nakatingin sila sa mga nagkakagulong Chinese.

Kita ko ang pagdako ng tingin ni Anton sa akin, bumaba ang tingin niya mula sa mata ko papunta sa coat na nakasabit sa aking balikat. Napahawak ako roon at ngumiti ng kaunti. Kumunot ang kanyang noo pero ngumiti pa rin naman sa akin.

"What's happening?"

Kita ko ang pamumugto ng mga mata ni Willow. Bloodshot eyes, red nose, and small whimpers. Our princess...

That Tobias! Umiiyak ba si Willow dahil sa kanya? Dahil iniwan siya rito?!

Guilt crept inside me. My bestfriend's birthday was ruined. Gusto ko siyang itakas nalang mula dito at dalhin siya kung saan para i-celebrate ang birthday niya!

She immediately stood when she saw me. Sa kabila ng bigat ng kanyang gown ay tinawid niya ang distansya namin. She hugged me tightly and I quickly wrapped her in my embrace too. I heard her whimper as her shoulders shook.

"Willow..." bulong ko. "Shush... it's okay. What do you need?" Bulong ko habang marahan hinahaplos ang buhok niya.

"Anong nangyayari?" Ulit kong tanong sa mga kaibigan.

"Nahimatay ang Ahma ni Willow nang umalis si Tobias Lim bigla pagkatapos magpakilala. Ang Ahma naman ng mga Lim ay nag walk out lamang. Ngayon ay kausap ng pamilya ni Willow ang Angkong ng mga Lim." Pamamalita ni Anton.

I somehow know about their terms from Willow. Ahma is a grandmother and Angkong is a grandfather, if I am not mistaken. Willow's grandfather is in China right now, kaya ang punong abala sa pamilya nila ngayon ay ang kanyang lola, kaya alam kong malaking kaguluhan na nahimatay pa ito.

"Tobias didn't even bat an eye. Nag sorry lang siya at nag bigay respeto sa mga magulang ni Willow at kay Willow bago siya umalis, hindi man lumingon, Avery! Tuloy-tuloy palabas kahit na halos ihampas ng kanyang lolo yung tungkod niya! Natakot nga ako baka..."

Humina ang boses ni Koa. "... ma-atake."

I can sense he's about to make a joke kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi iyon magandang gawin biro!

"Koa." Pag babawal ko.

I tried to look at Willow instead but she hid her face from me.

"You want to go now? Pwede ka namin ilabas mula rito. Kakausapin ko nalang ang parents mo. Sleep over ka sa amin?" Tanong ko.

"A-ave..." her voice broke. "... nakita mo ba si Gabriel?"

Napatingin ako sa mga kaibigan at doon lang napansin na wala nga si Gabriel.

Binaling ko ang tingin ko kay Anton para itanong sa kanya gamit ang mga mata ko kung nasaan si Gab.

Umiling lamang siya. "He left..." he mouthed.

Si Koa naman ang sunod kong binalingan.

Tinagilid ni Koa ang ulo niya, hindi nakukuha ang pinaparating ko.

I sighed. "Hindi ko siya nakita. Baka may emergency lang? Kilala mo naman 'yon. You are important to him. He won't miss this for the world. Siguradong may dahilan iyon. Iuwi na muna kita. You need to freshen up, and you have to rest."

Hinarap niya ako at marahas siyang umiling. Her face is soaked with tears. Napunit ang puso ko para sa bestfriend ko.

"Galit iyon sa akin... pero baka balikan niya ako rito? Kung aalis ako... hindi niya... a-ako madadatnan..."

Napaawang ang labi ko.

Ano bang pinag awayan nila? Kailangan ko makausap si Gabriel! What is happening? Ngayon pa talaga siya nag tampo at nagalit?!

I forced a smile and reached for her hand to hold it tightly. Malamig na malamig ang kamay niya kaya binalot ko ito ng kamay ko.

"I'll call him. Let's go for now, okay?"

"B-but..."

"Koa, message Gabo na iuuwi ko sa bahay si Willow. Kung gusto niya makita, doon na siya dumiretso. Anton, please talk to her parents, pag paalam mo na mag over night si Willow sa amin. Papayag sila. Tonight was a mess. Kailangan nila pumayag. If they don't, I'll talk to them."

Tumango lamang ang dalawang kaibigan namin. Muli kong tinignan si Willow at pinunasan ng kaunti ang mukha niya. Her lips quivered as I wiped her tears away.

"Here's my car key, Koa. Ikaw ng bahala sa kanila. Ako na ang mag hahatid sa inyong lahat. Kakausapin ko lang ang parents ni Willow." Ani Anton sabay abot kay Koa ng susi niya.

"Let's get you out of here, hmm?" Anyaya ko.

Tumango siya at nagpatianod sa akin. Sumunod naman si Koa sa amin, tinulungan niyang buhatin ang gown mula sa likod ni Willow. Hinila ko siya pababa ng stage at tinulungan siya sa bawat hakbang. Hindi kami lumingon, sa kanya lang ang atensyon ko.

I held her hand as we walked, Koa was tailing behind us.

I blocked everyone's view for her.

Diretso lamang kami hanggang sa marating ang sasakyan ni Anton.

Nakapark nga sa malapit ang Suburban ni Anton. Binuksan ni Koa ang backseat at doon ko tinulungan si Willow pumanik para maupo muna. Abala siya sa pag punas ng sariling luha kaya hinayaan ko muna siya kumalma roon.

"Tell Anton na mag drive thru muna tayo bago umuwi. Gusto mo rin ba makitulog na sa amin?" Tanong ko kay Koa na nag titipa sa kanyang cellphone.

"Yeah, I'll sleep over too. Hindi ko kayo maiiwan, Avery. Lalo na ganyan ang iyak ni Willow. Makikikain na rin ako, hindi man umabot sa kainan ang birthday..." anito sa mahinang boses.

Bahagya kong hinampas ang braso niya at kinurot ito kaya napadaing ito. Doon lang ako nakuntento, nang umaaray na siya.

Inabot ko ang cellphone ko mula sa pagkakasabit sa aking palapulsuhan. Nag text ako sa driver namin na hindi na ako papasundo at ihahatid ako ni Anton. Ga'non din ang ginawa ko sa mga pamilya ko, pinaalam ko na mag o-overnight sina Willow sa amin.

Agad naman nag reply si mommy na ipapaayos ang guestroom para kina Koa tulad ng nakagawian. Sinabi ko rin na 'wag na sila mag pahanda ng pagkain at bibili nalang kami.

"Gago tong si Gabriel, nag patay pa ata ng cellphone." Marahas na bulong ni Koa!

Napatingin ako kay Willow, sinigurado kong hindi niya kami maririnig.

"Ano bang nangyayari?"

Nawi-weirduhan na ako kay Gabriel. Hindi naman iyon ganito. Baka may problema siya?

"Ewan ko ba doon, Avery. Parang natanga na nga siya. Hindi naman kasi nag ke-kwento 'yon ngayon." Napipikon na sabi ni Koa.

"Alamin mo, Koa. Baka may problema siya, he might need our help."

"Bayaan mo siya. Kung totoong kailangan niya ng tulong natin, ay hindi siya dapat umalis bigla at iniwan si Willow! Alam naman niya na sa kanya pinaka umaasa si Willow. He made her dependent on him! Panagutan niya." Koa hissed.

Koa frustratedly loosened his tie and cursed silently as he said Gabriel's name.

He made her dependent on him...

Iyon ang pinaka ayaw kong mangyari, ang umasa sa iba. Dahil kapag nawala ang kinakapitan na iyon, ikaw rin ang mahihirapan. I will always try to be strong on my own, so whatever comes... and whatever leaves... kakayanin ko.

Nakarinig kami ng yapak at nakitang palapit na si Anton sa amin.

Napangiti ako nang makita siyang palapit na may dalang cake at nakabukas na ang kandila 'non.

"Happy Birthday..." I started singing.

"... to you..." sumabay ang dalawa kong kaibigan kaya napalingon din si Willow sa amin.

Mukhang kakatapos niya lang mag punas ng luha at walang saysay na iyon dahil panibagong batalyon ng luha ang dumagsa sa kanya. She smiled sweetly as she tried wiping the tears from her eyes.

I clasped my hands together as Koa's arm made its way on my shoulders.

"Happy Birthday to you..."

"Happy Birthday..."

"Happy Birthday..."

"Happy Birthday... Willow!" Sabay sabay namin kanta.

Nakalapit na si Anton sa kanya at tinapat ang cake sa gilid niya.

"Make a wish, love." Malambing kong sabi.

She nodded and closed her eyes before making a wish.

Nang matapos siya ay tsaka niya hinipan ang kandila. Nagningning ang mga mata niya at malugod kaming tinignan lahat.

"Thank you, guys..." muli niyang hikbi pero nakangiti na ngayon.

Binuksan ni Anton ang passenger seat at pinatong doon ang cake. He grabbed his phone and I knew what he wanted.

Lumapit ako kay Willow at niyakap siya patagilid. Sumiksik si Koa sa gilid ko at umanggulo si Anton para makuha kaming lahat sa litrato.

"Guys! Ang pangit ko na... no!" Tinakpan ni Willow ang mukha kaya natawa kami.

We laughed amidst her hiding. Tinignan ko agad ang kinuhang litrato ni Anton at nakitang maganda iyon! Cute at may pagka blurry.

Nakatakip si Willow, I was laughing while hugging her, Koa's tongue was out and Anton was smirking.

"Happy Birthday, love love." Bulong ko.

I kissed her cheeks and hugged her. "Sorry for your birthday. Celebrate nalang natin ha?"

Umiling siya. "This is more than enough for me. Kahit kayo lang... okay na ako. Ito lang ang gusto ko. Wala na akong mahihiling pa." Aniya.

"Come on, guy. I'll get us home." Anyaya ni Anton.

"Matulog ka na rin kina Ave, Ton. Drive thru muna raw. Makikain na tayo."

"What? Makikikain ka pa?"

"Bakit? Matutulog ako roon 'eh. Saan ako mag didinner?" Inosenteng tanong ni Koa.

Tinulungan ni Koa si Anton ipasok ang cake sa box nito. Sumakay na ako sa loob ng backseat at tumabi kay Willow.

"You and your tummy!" Anton hissed.

"What? Abs 'to bro. Hawakan mo pa 'eh. Tigas 'to."

Nilapit lapit pa ni Koa ang tyan niya kay Anton kaya umambang susuntok si Anton. Si Koa ay humalakhak lamang nang makakuha siya ng ga'nong reaksyon mula kay Anton. It was a big thing, madalas ay hindi napipikon si Anton.

"Tara na nga! Sana nandito si Gabriel, para naman may makatapat ka." Iritadong sambit ni Anton.

"Suntukin ko pa 'yon eh?! Pinaiyak si Willow!"

Umiling-iling si Koa habang binabalita kay Anton ang tila naka-off na cellphone ni Gabriel.

"I'll look for him tomorrow." Ani Anton.

"Siguraduhin niyang may sapat na rason siya, kung hindi bibigwasin ko talaga siya!" Gigil na bulong ni Koa.

Napailing ako. Bubulong pero dinig naman.

Sinigurado ni Koa na nakasara na ang mga pintuan namin. Tsaka siya sumunod sa passenger seat at si Anton naman sa driver's seat.

"Pumayag sina Tita, Anton?"

"Wala silang choice. Nakita naman nila ang pag-iyak ni Willow kanina."

Tumango ako at nilingon si Willow na nakapikit na.

Inabot ko ulit ang kamay niya at marahan pinisil.

I made myself comfortable and checked my phone.

Nakita kong may mensahe sa imessage ko mula sa isang unknown number.

Nabasa ko pa lang ay alam ko na kung kanino galing iyon. I don't need confirmation. Saan niya nakuha ang number ko?

Knowing he texted me...

Gave me a different feeling...

Unknown number:

I am sorry for the mess I made, Ave. I didn't mean to ruin your friend's party.

Napahawak ako sa ibabaw ng aking dibdib. My heart silently swelled.

Naamoy ko muli ang kanyang pabango mula sa coat niya na nakabalot sa akin.

I will miss him.

Sana ay ayos lang din siya. Paniguradong papagalitan siya, kung galit na galit ang lolo niya ay hindi ko lubusan maisip ang mga susunod na mangyayari.

I may not have an idea about their family dynamics but... it's enough for me to see how much power they hold a while ago while talking to Willow's family. Parang lahat ng sasabihin nila ay pakikinggan ng pamilya ni Willow.

Nakakatakot.

Lalo na ang lolo niya. Tindig pa lang, parang batas na.

Sana ay hindi siya mapasama ng husto.

Natigilan ako nang muling makareceive ng messages mula sa kanya. Sunod-sunod iyon.

Tila matitigalgal ako sa bawat chat bubble na pumapasok.

Unknown number:

I am very selfish and I am scared that I'll hurt you for every selfish decision I am about to make.

But... I'll still beg... for your mercy.

Please still see me.

I am not good with this, I haven't done something like this. I haven't wanted anything to the point I'll break.

But I will try my best to win this.

Damn. I surely sound so desperate now, huh?

Please entertain me, Ave.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top