Pahina 6

Boyfriend

Ang trip namin ay smooth sailing, napuntahan namin lahat ng nasa itinerary na ginawa namin ni mommy. We fed capybaras, we made our own bubble milktea, we went to Jiufen Old Street and ate a lot there, as well as bought pasalubongs, and lastly we ended our fourth day going to Shifen Old Street... kung saan nagpalipad kami ng lanterns.

Sa lantern ay pwedeng mag sulat ng mga hiling, naka iba't ibang category 'yon depende sa kulay. I really took my time writing and pouring my heart for my wishes. Puro para sa mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay, for the safety and their peace of mind, na kung ano man ang ninanais at hinahanap ng puso nila ay makamit nila.

Nag badya ang mga luha ko habang pinapanood ang lantern na lumipad palayo, mataas, hanggang sa hindi ko na ito maabot.

Ang sarap sa pakiramdam na palayain ang mga hiling ng puso ko. I may not have something I wish for myself... but I have lots of wishes for the people around me, at habang wala pa akong magagawa para sa kanila... sana sapat muna ang mga hiling ko para sa kanila.

For our last day, tulad ng nakagawian ay wala kaming ni-set na kahit ano, pahinga lang sa hotel at pahabol na mga pasalubong kung meron man.

Hindi ako maagang nagising, it was nine o'clock in the morning when I woke up. Wala naman akong hindi pa nabibiling pasalubong kaya ayos lang. Sina mommy, daddy at kuya ay nasa baba na, nag be-breakfast. Ang sabi nila ay may mga pahabol silang bibilhin kaya maaga silang nagising.

I checked my groupchat with my friends for updates. Sa groupchat kasama si Willow ay puro memes at paalala lang para sa birthday niya ang naroroon. Nag sesend din kaming mga pictures kung ano ng ganap sa amin.

Sa isang groupchat kung saan pinag uusapan namin ang problema ni Willow naman, wala pa kaming solidong impormasyon na makakatulong sa amin para pigilan ang kasal.

Ang naiisip lang namin ay kausapin ang lalaking Lim na iyon para pakiusapan na 'wag siya pumayag... maybe... he can do something about it?

He's older... at mas malayo na ang narating niya... kaya naman baka mas papakinggan siya. Kung si Willow kasi ay alam namin na mahihirapan siya, mahigpit pa ang mga magulang niya sa kanya and she literally follows their house rules up until this day.

When I say house rules... even the worst ones... she can't even go to a convenience store alone.

Sumangayon ako sa naisip ni Anton. Ako ang kakausap doon sa lalaking Lim dahil ayon sa mga kaibigan ko ay ako raw ang pinaka persuasive sa amin at conversationalist. Kung pwede nga lang ay sabihin ko nalang na manligaw nalang siya ng Chinese, iyong mahal niya at mahal siya, para naman hindi na mahirapan ang kaibigan ko.

But I know... I have to be the kind and mellow one, paano siya makikinig kung uutusan ko nalang siya? Maybe I could talk to him about the idea of... marrying for love?

But... he's twenty-eight years old! Baka naman tawanan lang ako 'non kapag binanggit ko iyon?

He'll say, 'What do you think of me, kid? Do you think I'm stupid?'

Ugh! This is frustrating! Sa Pilipinas nalang nga ako gagawa ng script para rito.

Anton said he'll set up a meeting after Willow's birthday. Papatapusin muna namin ang birthday niya bago ang lahat, we don't want to ruin it for her.

I heard a knock on the door.

Hmm. Housekeeping?

Tumayo ako at tinungo ang pintuan. I tried to see who it was from the peephole but nobody was there.

Binuksan ko ang pintuan at luminga-linga sa paligid para tignan kung may tao pero wala akong nakita.

Maybe kids? Baka bored at nag lalaro?

Oh well...

Akmang isasara ko na nang mapatingin ako sa sahig sa tapat ng pinto. I saw a small post-it note there, kulay asul. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat doon.

hi ave,

twelve o'clock at the lobby?

hope to see you there.

tob

I pursed my lips to suppress a smile.

Kumunot ang noo ko, napaka business-like naman nito. Ang kanyang sulat ay may pagka-cursive, maganda ang ballpen na gamit niya at parang propesyunal na propesyunal.

Napaka intimidating talaga ng lalaking iyon. Kahit sa sulat ay mapapa 'yes sir, noted.' ka nalang.

"What's that?" Mabilis kong binaba ang post-it nang marinig ang boses ng kuya ko.

His curious eyes darted to the note I was holding. Mahigpit ko iyong hinawakan. Wala naman masama pero napaka OA ng kuya ko para sabihin ko pa sa kanya ito. Marami siyang maiisip at hindi iyon makakatulong sa akin, lalo na at paalis naman na kami ngayong araw.

"Just a list of the things I need to buy..." mahina kong sagot.

"Hindi ka ba sasama kina mommy, I heard mag de-date daw sila ni daddy pagkatapos mamili ng mga pasalubong pa." Pag-iiba ko ng usapan.

Pumasok siya sa kwarto namin at umiling, tila naniwala naman sa sinabi ko. With his usual grumpy eyes, he shook his head. Magulo ang kanyang buhok, may pagka-basa pa mula sa pagkaligo kanina bago mag breakfast.

Binagsak niya ang kanyang katawan sa kama at tinabunan ang mukha niya ng braso.

"I'll sleep all day to rest, I am so tired... ang dami natin pinuntahan. You and mom were so... hyper." Iritado niyang sabi.

Napaismid ako at napailing-iling. Lumapit sa kanya at tumigil ako sa dulo ng kama.

"Kuya Arc," pag tawag ko sa kanya.

"Hm?"

"Lalabas ako mamayang hapon, mamimili lang." Tipid kong paalam.

I don't want to lie but I don't want to tell him about Chinito guy too. Pakiramdam ko ay magiging big deal kung sasabihin ko. Lalo na at kahit kailan ay wala pa akong pinakilala o binanggit man lang na lalaki sa kanila, well except for my friends, but they do know that our relationship within our friend group is purely platonic.

At isa pa, this may be the last time me and Tob will see each other. Ang laki ng Manila, paano pa kami magkikita roon.m

No use of telling them, this is just like an overseas bliss of meeting someone.

"'Kay. You want me to accompany you?" Tanong niya kahit dinig na dinig ko ang pagod mula sa kanya.

Maagap akong umiling kahit na hindi na niya ako nakikita mula sa nakatabon niyang braso sa mata.

"No need. Babalik din ako around three o'clock. Mag-iimpake pa, mag-aayos..."

"Okay. Message me if gusto mo na sundan kita." Simpleng sabi lang ni Kuya Archer.

I smiled and left him to rest.

Tinungo ko ang dulo ng kama ko kung nasaan nakabukas ang maleta ko. Nag simula na akong mag impake kagabi kaya nakabuklat na iyon. Kahit may mga naayos na ako na damit ay muli ko iyon ginulo para halughugin ang pwede kong isuot mamaya.

Hmm... what should I wear?

Tama lang ang klima mamayang hapon kaya makakapag palda ako. Maybe a white fitted turtle neck long sleeves and a black tiered pleated skirt?

Wait.

Why am I dressing up? Sanay naman siya makita na naka sweatpants ako o di kaya sweater?

Pero sayang naman ang ibang mga damit ko na hindi ko pa nasuot hindi ba? Tulad nitong skirt... wala pa naman akong pinag gamitan nito. Para saan pang dinala ko kung mag s-sweatpants ako ulit?

Tama... sayang. I should make use of these.

Pagkatapos kong mamili ng damit ay nag ayos na ako ulit ng mga damit sa maleta para mamaya ay konti nalang. Kailangan ko rin ayusin ang kay Kuya Archer dahil pagod na siya. I gathered his belongings and tried my best to at least pack neatly— lalo na at siya ay magaling sa pag pa-pack.

Pinagkasya ko na lahat ng mga pinamili namin sa dalawang extra luggage na dala namin. May konting espasyo pa para sa mga pasalubong 'kuno' kong bibilhin mamaya.

Pagkatapos ko mag ayos ay tinungo ko na ang banyo para maligo. Baka hindi na ako makaligo mamaya kaya nag babad ako ng konti sa bathtub. Then, I tried fixing my hair and curled the ends a little bit, placed some blush on my cheeks, tied my hair in a low ponytail, and placed a glittery pink lip tint on my lips.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at may naisip tungkol sa pag-aayos ko sa sarili ko ngayon.

Why am I...

Bago ko pa tuluyan maisip ang naiisip ko ay pinigilan ko na ang sarili ko. I shook my head and gulped in front of the mirror.

I am just overthinking.

Tinigilan ko na ang pag-aayos at lumabas ng banyo. I wore my black extra strappy sandals  with an inch of heels to finish my look.

Bago pa ako makapag isip ng kung ano-ano sa extrang pag-aayos ko sa sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. I checked the time and it was already eleven fifty-five am. Just five minutes left before twelve...

Nag lakad na ako patungo sa elevator at sa bawat hakbang ko ay may katapat na pagkabog ng malakas sa puso ko. I puffed my cheeks to stop myself from getting nervous.

Walang katao-tao sa elevator nang buksan ko iyon. Pinindot ko ang lobby at pinagdasal na tumigil iyon kada palapag para makahinga muna ako.

Gusto ko sumandal sa likuran ko at kapain ang puso ko pero sa sobrang tensyonado ko sa bawat pababang numero na nakikita ko sa loob ng elevator ay parang mahihimatay ako kung gagalaw pa ako.

Woo...

Avery? What's with the pounding heart? Why are you nervous?

Diba ay madalas nagkakagalitan kami? Baka mangyari iyon? Parang mas madali naman iyon kung hindi? Mas maganda ata na awayin ko siya para hindi ako mailang nalang?

Now that we're in good terms, parang mas kabado ako na makita siya? At least before... I know what to expect. Words slashing and eye glaring. Pero ngayon? What should I expect?

'Ting', the elevator made a sound.

Wow. Pati 'yon napansin ko pa.

I gave my best to inhale and exhale.

Bitbit ang kabado kong puso ay lumabas na ako ng elevator. Napatingin ako sa orasan sa aking palapulsuhan at nakitang one minute pa before twelve o'clock, pag baba ko ng braso ko ay muli kong nahigit ang aking hininga.

From one of the sofas, he was there... sitting comfortably.

Magkahiwalay ang dalawang hita, nakatukod ang kanyang dalawang siko roon— magkabilaan at hawak niya ang kanyang cellphone habang abala sa pag titipa roon.

He's wearing a maroon button down long sleeves, rolled up to his elbows, paired with his black trousers, and his suede shoes. Napakalinis at bango niyang tignan, iyong unang tingin pa lang alam mo ng importante siyang tao. I may not know him personally but I can say that he's an established person.

He's intimidating.

But... I shouldn't be? Naaway ko na nga siya ilang beses pero wala pa naman siyang ginagawa sa akin hindi ba? Hindi niya pa naman ako pinapatapon sa kung saan o ginantihan... so he must be safe too?

Thank God I didn't wear my usual clothes, mag mumukha akong bata talaga sa harapan niya.

Tumikhim ako at lakas loob na lumapit.

He immediately noticed me. Nag-angat siya ng tingin at agad na tumayo para salubungin ako. Kusang umiwas ng tingin ang mata ko pagkatapos ng panandalian na pag tama nito sa kanyang mata.

I wetted my lower lips and give a small smile.

"Hey..." bati ko sa mahinang boses.

"Hi," aniya sa malalim na boses.

Isang kalabog na naman mula sa aking puso.

"What time do you have to be back here? Ngayon ang flight niyo hindi ba?" Tanong niya.

Tumango ako at naglakas loob ng bumaling ng tingin sa kanya.

His eyes immediately caught my eyes. Napakademanding 'non, kumbaga kahit siguro isang grupo ng tao ang kasama niya, kaya niyang kunin ang tingin ng lahat ng tao sa paligid niya.

"Three o'clock. Ikaw ba? Hindi ngayong araw?"

He shook his head. "Bukas ng umaga. May huling business meeting pa ako mamayang gabi."

He took a step forward, towering me a little.

"Gusto ko sana mag train kasama ka pero wala tayong gaanong oras, so... we'll use my driver instead." Imporma niya. "Next time nalang." Dagdag niya.

"Okay—"

Natigilan ako. Next time? May next time? Dito? Hah? Bakit? Paano?

"Next time?" Nalilito kong tanong.

Nag taas siya ng isang kilay at bahagyang tumawa.

He shook his head and reached for me. Nilagay niya ang kanyang palad sa likod ko at tinuro ang main door ng lobby.

"Let's go. I'm hungry."

Litong-lito ko pa rin siyang tinignan.

"H-hah? T-teka, anong—"

Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko dahil iginiya na niya ako palabas. Hindi ko alam anong una kong iisipin. Iyong sinabi niya na 'next time'? O yung kamay niya sa likod ko? O yung mga babaeng halos humaba ang leeg para lang masulyapan itong chinito kong kasama?

Such a head turner, huh?

Pinag buksan niya ako ng pinto. Sasakay na sana ako nang mapansin kong nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko para masiguradong hindi ako mauumpog.

I am not that stupid... para mauntog ang sarili ko... pero... muling kumalabog ang puso ko dahil doon.

Okay, let's admit it, kahit naman sino siguro ay kikiligin dahil doon diba?

Kahit balisa na sa mga nangyayari ay pumasok nalang ako. Mabilis siyang pinagbuksan ng pintuan ng driver niya at siya naman ang pumasok sa kabilang gawi ng backseat, magkatabi kami.

Agad na nag maneho ang driver, tila alam na kung saan kami pupunta.

"Hindi ka pa gutom?" Tanong niya.

Umiling ako at bahagya siyang tinignan.

"Ayos lang."

"Nagpaalam ka ba?"

"Hindi masyadong strikto sa ganito ang parents ko, hindi kami nagpapaalam pag ganito, basta sabihin namin anong oras kami aalis at babalik, it's fine with them."

Pangit ba 'yon? Ineexpect niya ba na mag paalam ako dahil bata pa ako?! Diba okay na iyon? Napag-usapan na namin iyon! At ito na naman ba siya?!

Hindi ko mapigilan ang medyo sumama ang tingin sa kanya. And because... I am very vocal...

"Are you expecting me to tell my parents... kasi bata pa ako?" Hindi ko maalis ang tono ng akusasyon sa sinabi ko.

Nanlaki ng kaunti ang chinito niyang mga mata! He shifted on his seat and faced me more.

"No." Agap niya. "I am just worried, nasa ibang bansa ka, paano kung hindi mapapagkatiwalaan ang kasama mo?"

"Bakit hindi ka ba mapapagkatiwalaan?" Mabilis kong balik.

He looked more defensive now! Tila gulat na gulat sa mga tanong ko.

"Mapapagkatiwalaan." Kumunot ang kanyang noo. "Sa tingin mo hindi?"

My right eyebrow shot up. "Malay ko ba? Hindi ko alam. I am not sure. But... I'll risk."

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko. The corner of his lips curved into a smirk. Napailing siya at bahagyang natawa bago bumigay at napangiti na ng tuluyan.

Ako'y namangha sa panonood sa pag tawa niya.

"I am honored, and... I like that. But, please..." muli siyang tumingin sa akin at madamdamin na napahawak sa kanyang dibdib.

"Don't risk for anyone easily nor trust anyone quickly, please," nangingiti pero puno ng pakiusap niyang sabi.

Napaawang lamang ang labi ko. Hindi inaasahan ang mga ekspresyon na ito sa kanya.

Akala ko ay ang alam lang niya ay magalit, o di kaya ay maging seryoso, o kaya iyong pagiging judgmental o mapang-asar niyang ngisi... kung se-swertehin ay tatawa minsan pero ngayon ay... mapagsumamo ang kanyang boses!

"Pumapayag ka ba agad sa mga nag-aaya sa'yo?"

Hmm. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Pag nag-aaya ang mga kaibigan o pinsan ko? Oo, basta hindi busy."

"Paano kung manliligaw?"

Hmm... paano napunta sa ganitong usapan?

Umiling ako. "Hindi ako nagpapaligaw, busy ako sa pag-aaral."

Akala ko ay agad siyang mag tatanong ulit pero tumigil siya at tumingin sa harapan. He licked his lower lip, babad sa iniisip.

Bago siya humarap sa akin ay nakita kong may nakatakas na maliit na ngiti sa labi niya.

Napaka unpredictable talaga ng mga ekspresyon niya.

"Sir, we're here." Sabi ng driver.

Naputol ang pag titinginan namin agad nang mag salita ang driver. Binuksan ko ang pintuan at hindi na siya hinintay. Nang maapak ko na ang isang paa ko sa semento ay mabilis niyang inabot ang braso ko para maalalayan ako.

"It's okay, kaya ko." Simple kong sabi habang bumababa.

"It's okay, gusto ko." Aniya.

Bakit parang lahat ng sinasabi niya ay may ibang kahulugan.

"Salamat."

He held me by the waist.

Napalunok ako nang maramdaman ang kamay niya sa gilid ng aking baywang. I am not used to being touched there... kahit ang mga kaibigan ko ay hanggang akbay lang sa akin. Nahahawakan lang ako roon tuwing may formal event sa kompanya ng pamilya ko. Kung may mag-aaya man sa akin sumayaw, ay sandali lang din naman iyon.

But to be touched there...

Tinungo namin ang ninth floor ng hotel na iyon. Hinayaan kong igiya niya ako kung saan kami kakain. Nang makita siya ng waiter ay parang kilala na siya nito, agad kaming ini-muwestra sa lamesa namin.

It was a table for two at the side of a huge glass wall, overlooking the whole city.

Well table for four dahil dalawang lamesa iyon na pinagdikit, pero dalawa lang ang upuan na magkaharap.

Hinila niya ang upuan para sa akin kaya umupo ako roon, siya naman ay umupo sa harapan ko.

"Nag order na ako kanina noong nag pa-reserve ako, pero kung may gusto ka pa, pwede mong sabihin. Para lang makakain ka agad."

Hmm... kung makakangiti lang ako ay kanina pa ako ngumiti!

Pero bakit? Dapat ay hindi!

Diba ayaw ko siya? I thought I hated him?

Agad na ni-serve ang mga pagkain, nag-iisip na ako kung anong idadagdag ko pero nang makita ko ang lahat ng pagkain na nahain sa harap namin ay ayoko na! Napakarami 'non! Iba't ibang putahe ng Taiwanese Cuisine!

Napuno ang dalawang lamesang magkadikit para sa amin at may nilagay pang extension table para magkasya ang iba.

"Please tell me if you like something else,"

Maagap akong umiling!

"Hindi na! Okay na 'to. This is too much!" Maagap kong sabi!

Okay nga ako kahit sa simpleng kainan lang! I may be born with a comfortable life, hindi pa rin nakaligtaan ng parents ko na turuan kami ng simpleng pamumuhay. I know how to eat street foods, o kumain kahit sa karinderya man! Hindi naman kami parati ganito.

Pero siya... nakikita ko na ngayon, na top tier siya.

I broke an awkward smile. "Hindi nga natin 'to mauubos..." mahina kong sabi.

"Mahina ka ba kumain?"

Umiling ako. "Hindi. I don't diet too. Pero..." paano ko ba 'to sasabihin sa kanya?

Ganto ba talaga mag order ang lalaking 'to? Palagi? Pag ba hindi 'to naubos ay ibig sabihin mahina na? I eat just enough, hindi sobra at hindi rin tipid, pero alam kong sobra 'to!

"... ang dami mong ni-order. Kung pamilya ko ang kasama ko, mauubos namin sigurado 'to. Pero..."

"Basta! Ang dami nito. Take out mo nalang ang iba mamaya." Ayaw ko na mag explain, sa tingin ko naman ay hindi niya rin mage-gets dahil mukhang sa ganito siya sanay!

Ang ekspresyon niya ay mukhang inosenteng bata na takang taka kung ano ang problema!

Napanguso siya nang hindi pa rin maintindihan ang sinasabi ko.

Hmph. How cute, huh?

He started serving for me. Nag lalagay siya ng konti-konti sa pinggan ko hanggang sa mapuno iyon. Pinanood ko lamang siya, pinapakiramdaman ang naninikip kong dibdib.

Itong ito ang ekspresyon niya noong tinulungan niya ako punasan ang nabasa kong pang-ibaba. Iyong seryoso, na parang trabaho ito na dapat niyang pagtuonan ng pansin.

Tinago ko ang hiya ko sa pag ngiti. Huminga ako ng malalim bago nag simula kumain.

"Anong course mo?" Tanong niya pagkatapos kong i-kwento ang pag lilibot namin ng pamilya ko sa nag daang mga araw.

Napakadali ng agos ng usapan namin, agad siyang nakakaisip ng pag uusapan... na hindi ko na namamalayan na nag ke-kwento na ako. Sanay ako makipag-usap at madalas ay ako ang nag uumpisa 'non, ako ang nag iisip at gumagabay sa kausap ko pero sa kanya... madali.

Lagi ko rin siya tinatanong pabalik. Nalaman ko na nandito siya para sa mga business meetings na dapat ay ang grandparents niya ang mag-aattend. Pero dahil siya na halos ang humahawak ng businesses nila, kasama ang papa niya ay siya na mag-isa ang pinapunta.

"Accountancy. Ikaw?"

"Engineering." Aniya.

Ohh...

"Gusto mo ba ang course mo?"

I took a sip from my drink. "Hmm... pwede na. Wala naman kasi akong gusto talaga kaya ayos lang. Nagustuhan ko rin naman. Wala talaga akong preference noon pa man," hindi ko alam pero nahiya ako.

He's this big thing! Successful and striving, alam ang gusto, may direksyon... habang ako ito, ni wala man gusto talaga? Parang walang pangarap?

"Is that bad?" Hindi ko mapigilan matanong.

Maagap siyang umiling at humilig sa kanyang upuan.

Damn intimidating. Kailan kaya ako masasanay sa bawat galaw niya na nakaka conscious?

"I know a lot of people... na ga'non din. Hindi nila talaga alam ang gusto, then after they entered the real world by working, doon nila nalaman ang gusto nila. Hindi dahil hindi mo pa alam sa ngayon ay hindi mo na malalaman. Pwede rin naman na iyan talaga ang magustuhan mo. You'll see... when time comes."

Napatango nalang ako at napaisip pa rin. Dapat ata ay simulan ko na isipin anong gusto ko?

What if gusto ko lang maging housewife? Pangarap ba iyon? I want to build a family... and have kids... pwede kaya iyon bilang pangarap ko?

"Hindi ka ba na-di-distract sa mga manliligaw mo?"

His expression went back to his usual mocking smirk. His jaw hardened and his eyebrown shot up this time.

Napaismid ako!

"Hah? Anong manliligaw naman?"

"Don't deny it. Noong nasa La Union pa lang ay alam ko na. Even my cousin whose friend with your friend likes you. At nang makita ka ng iba ko pang mga pinsan ay ga'non din. They were talking about how famous you are at school."

Nag-init ang pisngi ko sa lahat ng sinabi niya.

I don't normally care about these! Kahit pag may sinasabi sina Koa sa akin na nanghihingi ng numero ko o may gusto pumorma, hindi ko talaga pansin 'yon at hindi ko man iniisip kahit konti!

Pero ngayong siya ang nag sasabi ay parang big deal iyon! Na para bang... gusto ko malaman kung anong sinabi tungkol sa akin! Baka may masamang sinabi ha? Lagot sa akin ang mga lalaking iyon! O di naman baka may fake news? Pero kung puro papuri iyon ay... nakakahiya naman?

Ay ewan! Basta nahihiya ako!

"Hahaha!" Awkward kong tawa. "Hindi 'yan totoo! Kilala lang ako dahil kina Gabriel, iyong kaibigan ko na kaibigan ng pinsan mo. He's pretty famous and he knows a lot of people. Pero ako? Simpleng estudyante lang"

Bago pa siya makapag react ay lumapit na ang waiter na may dalang isang stick ng rosas.

"H-huh?"

Kita ko na napaayos ng upo si Tob. Nag kunot ang noo niya at tumalim ang tingin. He's back to his usual self again!

"Take it back." Diretso at madiin niyang sabi roon sa waiter.

"Wait, baka hindi naman para sa akin? Be easy on him..."

Parang natakot pa ang waiter sa kanya! Itong lalaking 'to talaga! Apaka sungit at demanding!

Binalingan ko ng tingin ang waiter at nginitian ng kaunti. Kita ko ang pagkagulat ng waiter sa ngiti ko at parang nahiya dahil napaiwas ng tingin.

"I am sorry but... this is not for me. You got the wrong person."

Maagap na umiling ang waiter at tinuro ang isang table sa hindi kalayuan. Sinundan iyon ng tingin ko at nakita ang tatlong lalaki na naka coat and tie, mukhang mga businessman din. Mukhang mga foreigner...

Lahat sila ay nakatingin na sa akin bago pa ako tumingin sa kanila at binigyan ako ng ngiti nang dumapo na ang tingin ko sa kanila.

"Take it back." Ulit ni Tob sa mas madilim na tinig.

His tone was dangerous.

Iyong hindi sumisigaw pero alam mong galit at isang pitik lang ay sisinghalan ka na!

Mukhang naramdaman iyon 'nong waiter kaya mabilis na tumango at tumalikod para umalis! Hindi ko na tinignan kung anong ginawa niya roon sa rosas, kung binalik ba niya o ano dahil napako ang tingin ko kay Tob na masama ang tingin sa gawi ng mga lalaking iyon!

"Tob..." tawag ko sa kanya.

Mas nag salubong ang kilay niya pero nawala ang talim sa mga mata niya.

His muscles hardened and he took a deep breath before moving his gaze back to me.

His tongue pressed against the inside of his left cheek.

"Akala ba nila tito mo ako?" Gigil na gigil niyang tanong.

Mas dumilim ang awra niya sa sariling tanong!

My lips parted! Kahit gusto kong seryosohin ay hindi ko magawa! Shit!

Hindi ko napigilan pero bahagya akong natawa sa sinabi niya! I pursed my lips and shook my head to stop myself from laughing, lalo na nang makita kong mas nainis siya habang pinapanood akong namumula na panigurado sa pag pipigil ng tawa!

"What's funny, Ave?" Madilim niyang tanong.

Umiling ako at tinaas ang kamay ko para sabihin sandali lang.

He showed no mercy! Mas nagalit siya at pabagsak na napasandal sa upuan. Humalukipkip siya at napanguso ulit na parang dismayado, nag tatampo, at galit, sabay-sabay!

"You are! Anong tito ka riyan? Hindi ka ga'non katanda, you're only twenty-eight! 'Wag kang OA."

"Then what? Kuya? Akala nila ay kuya mo lang ako ga'non?"

Mas lalo lang ako natatawa habang nakikita ang frustrated niyang itsura!

This guy and his temper!

Sarap piktyuran! Napakaganda ng tanawin sa likuran niya, overlooking ang syudad, habang siya ay busangot na busangot.

"Bakit naman kuya? Ano ba 'yang naiisip mo!"

I was laughing comfortably as he showed irrtiation, kaunti nalang ay sisinghalan na ako nito.

I am ready for his growl, tulad ng lagi niyang ginagawa noon!

"Eh kung bigyan ka nila ng bulaklak ay parang wala ako rito." Damn his sexy tagalog voice.

Kung alam lang niya 'eh no?

"Malay mo naman..." my tone trying to appease him. "... iniisip nila kaibigan kita."

Oh 'yan ha! Ma-good mood ka na riyan. Hindi na kita kaaway, kaibigan na.

Siguro naman, hindi na siya mag susungit nito?

"Bakit hindi boyfriend?" He shot right back at me, like if I don't answer properly, ay talagang malalagot ako.

I opened my mouth to answer but stopped when what he said registered to me.

Hah? Boyfriend?

Isang kalabog muli ang naramdaman ko sa puso ko.

Akala ko ay tulad ng mga ibang kalabog noong nakaraan ay iyon na 'yon pero may kasunod. Isa. Dalawa. Tatlo. Pabilis ng pabilis, hindi na mabilang... ang kalabog ng puso ko.

"Bakit naman boyfriend?" hehe—gusto kong idagdag.

I smiled fakely as I try to calm my pounding heart.

"Bakit? Hindi ba ako pwedeng boyfriend mo?" Iritado niya pa rin tanong, pero nag babadya na ang ngisi sa kanyang labi.

Napalunok ako.

May mali bang sagot sa tanong na 'to?

"Sabi mo... bata pa ako..." I safely answered in a small voice now.

Shit.

Nawala ang kunot sa kanyang noo. This time, he looked at me like I am some sort of specimen... or a blueprint... he's trying to study.

"No."

Showing his devious smirk. "I take that back."

Umayos siya ng upo.

"Now answer me, hindi ba pwede?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top