Pahina 54
Sorry, October was my birth month so I got extremely busy! Sobrang lapit na natin...
Ikadalawang huling pahina
Gentle
"Hey," bati ni Sebastian sa akin bago umupo sa kahoy na upuan sa gilid ko.
Tinanguan ko lamang siya.
Sunod na lumapit si Kingston, inabutan niya ako ng baso na naglalaman ng alak, umupo siya sa barandilya sa may harapan namin, nakatanaw sa dalampasigan.
Despite what transpired tonight, from all the chaos with our families, ngayong naririto ako sa lupa na binili ko, kasama ang mga kaibigan ko... namin... at siya...
I can't help but feel selfishly fine.
I let out a sigh of relief. Sumimsim ako sa inumin at muling napabuntonghininga.
Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Tanging ang pag daan lang ng hangin sa bawat dahon na hinahawakan nito at ang magaan na hampas ng alon ang naririnig namin.
Somehow, the waves were lighter and softer today.
I don't know if it is just me but everything feels lighter...
"Anong pakiramdam?" Tanong ni Basty, binabasag ang katahimikan.
I shifted a bit from my seat, creating a creaking sound from the wooden flooring of the patio of our vacation house.
"Of what?" Tanong ko.
Malayo ang tingin niya, nakatanaw pa rin sa dalampasigan pero ang labi niya ay kumurba sa isang malokong ngisi.
Here he goes again...
I bet a million, he'll say something ridiculous!
"Anong pakiramdam na crush ka ng crush mo?" Anito bago lumawak ang ngisi sa labi!
Kumunot ang noo ko at sinubukan intindihin ang sinabi niya pero bago pa ito rumehistro sa akin ay sunod na siyang natawa at napahilig pa sa upuan niya kung kaya't mas gumawa ito ng ingay.
He sipped again but he can't even hold his laugh so he spilled some to his shirt, damn this Basty!
"Damn. Patay ako kay Serah nito!" Aniya natatawa pa rin!
"Oh please, Bast. Stop it with Serah, and way to ruin the mood, bud. Ang sarap ng hangin at ang ganda ng ambiance, ano-anong lumalabas sa bunganga mo." Ani Kingston na napapailing nalang.
Pinunasan ni Basty ang natapon sa damit niya pero wala na siyang magagawa dahil nabasa na iyon talaga.
"What? Wala naman akong ginagawa. She's our secretary." Anito, maang-maangan pa.
"Yeah. That's right. She is. Buti alam mo. So stop messing around with her. I trust her that she won't budge with you. But..." Pigil na pigil na litanya ni Kingston habang napapailing.
Muli siyang sumimsim sa kanyang inumin at matalim na tinignan si Basty.
"... you. I don't trust you. Ayusin mo. We don't want to lose her. She's efficient. Kind. Good. Loyal. Smart. Wag si Serah, Basty." Banta ni Kingston.
I raised an eyebrow.
Napapansin ko naman na ang kakaibang pangungulit ni Basty kay Serah at ang ibang pakikitungo nito. Weirdly, Basty is more... rude... snarky... and difficult when it comes to Serah. But that's it, sa kanya lang siya ga'non.
Sebastian is the most outgoing after Andres compared to us, mas mabilis din siyang kausap, madali at magaan malapitan pero kay Serah ay nauuwi sila lagi sa away at diskusyon.
But... I didn't put much attention to it because I thought... Basty was just pissed that Serah is not like other girls who flock themselves all over him.
"Both of you, stop—"
"King." Mariin na tawag ni Basty sa pangalan ni Kingston.
Mula sa pag punas ng damit niya at pagkakasilay ng ngisi sa kanyang labi— napawi iyon at unti-unti naging isang linya.
Hindi siya nag-angat ng tingin at nanatili lamang ang atensyon niya sa basang damit.
"'I am not messing around." Mariin niyang sabi.
Hindi man pansin ni Kingston dahil nakayuko siya sa harapan niya ay sa gawi ko— kita ko ang matalim na tingin ni Basty.
"Bast—" panimula ko.
Nag-angat siya ng tingin at muling bumalik ang malokong ngisi, parang walang nangyari at masaya ulit. Nilaro niya at pinaikot-ikot ang natirang alak sa baso niya bago ako muling hinarap.
"So... how does it feel? Na crush ka ng crush mo? Tagal mong pinangarap 'yan ha. I really thought you won't get married because I know you're crazy about her— but she doesn't even knew you exist then! Kaya akala ko tatanda ka nalang na binata." Aniya natatawa.
My brows furrowed more.
How can he do that? Laugh so convincingly... I almost believed him, kung hindi ko lang siya kilala talaga ay mapapaniwala niya ako na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ni Kingston.
"Naisip ko, your family may try to pin you with another Chinese but you'll only reach the altar and I bet my entire fortune— na bago ka pa mag sabi ng vows mo at mag I do— tumakbo ka na paalis, I imagined you being the runaway groom, bud." Aniya.
Tinigil ko na ang matinding pag-iisip sa totoong nasa isip ni Basty at nagpaubaya nalang sa nag babadyang ngisi sa aking labi.
My lips curved into a lopsided smile.
Muli akong napabuntong hininga at marahang tumango.
"Probably... yes... I'll run away then run to her... introducing myself while wearing my wedding attire, scaring her off..." I lingered with his imagination.
"Kaya tatanda na talaga akong binata kung nagkataon..." dugtong ko.
Sumimsim muli ako at humagod na ang init na dala ng alak sa lalamunan ko.
I looked at her cute slippers at the side of the stairs, just in front of the door, kasama ang mga tsinelas ng mga kaibigan niya.
I sighed selfishly for the abundant relief I feel.
Kasama ko siya. Nasa akin siya.
"Kaya buti nalang..." bulong ko.
"Buti nalang talaga..." I grinned and chuckled which made them laugh with me!
"Sayang-saya talaga ang gago..." ani Basty.
"It feels fucking great, Basty. Damn fucking much." I exhaled.
Huminga ako ng malalim na sinabayan ng pag-ihip ng malamig hangin bago ako bumuntonghininga para pakawalan ang sunod-sunod na pagsabog ng saya sa puso ko.
"Man. Sorry for protecting her secret from you." Ani King bago nagpakawala rin ng buntonghininga.
I licked and bit my lowerlip while I shook my head.
"You can make it up to me. Be my best man tomorrow." Bitaw ko.
They both snapped their head towards me.
Mga OA. Fuck. I sound like Andres already.
Speaking of...
I wonder how my bestfriend is?
"Huh? Ako?"
"Tangina bud, paano ako?"
Sabay nilang sabi.
"Basty, you'll only be making of me kung ikaw ang best man ko, kay Rakesh ka na, he can handle you."
"But pare!—"
"Okay, oh... I am so... honored, didn't expect you will ask me—"
"Wala lang si Andres. If he is here, he would be his best man," mayabang na sabi ni Basty.
Imbes na mainis ay napangisi lamang si King na tila tuwang-tuwa pa sa mga naririnig mula kay Basty.
"That's okay. But atleast... after Andres, ako na. Eh ikaw? I am sure Mikkel will even stand a chance compared to you,"
Muntik ko ng maikot ang mga mata ko sa ginagawa ng dalawang 'to. Bakit sila ba ang nasama ko rito? Bakit walang ibang available? I am with two dorks. One who is too playful for his own good and one that is very sharp with anything that comes out from his mouth.
Well Mikkel is busy with our overseas matters, Rakesh was left to watch over our business in Manila, may mga inaayos din si Andres sa Europe na sakto naman dahil hindi ko talaga siya maisasama.
It sucks not to be with my bestfriend but... I have to think about Avery. Willow has to be here. I can't afford to ask her if Andres could come because that means Willow can't.
I am sorry, bud.
"Whatever, King. Tsk." Pikon na iling ni Basty.
Humilig na siya ulit sa kinauupuan niya, tila tapos na sa pakikipag-away. Ngumisi lamang si King at humilig sa kahoy na suporta ng barandilya. Buong katawan niya ang sinandal niya roon habang patagilid na binalik ang atensyon sa katubigan sa harapan namin.
"Remember the time you first told us that you need our help? And we knew it was serious because it would take a lot of us to help you— kasi hindi ka naman humihingi ng tulong. Ikaw na ata ang huling taong kilala namin na hihingi ng tulong, bud. It's like the great Tobias Lim was on bended knees, desperate of help... from then we knew this was different..."
My mind drifted to the abyss as King narrated what happened then.
My heart contracted as I watched her looking so... beautifully tired as she walks out of the building.
Fuck this.
Lahat nalang ng nakikita ko sa kanya...
Maganda.
She was wearing a simple black top yet I will fall down on my knees to kiss the ground she walks on.
Hindi ko alam kung bakit o kailan nag simula pero tuwing nakikita ko siya ay ga'non ang nararamdaman ko.
I was out of the country for days because of business, akala ko magandang bagay iyon para makapag isip-isip ako. I was stuck and I can't move because I know she is confused too. Heck, I am scared shitless because of my feelings for her.
Hindi ako takot na may nararamdaman ako sa kanya. Natatakot ako sa intensidad nito.
But then I regretted it all. Kasi... na-miss ko lang siya.
I texted and messaged her frequently— not as frequent as I wish but... frequent to determine that she's ignoring me.
I was imagining all sorts of scenarios. Tulad ng nakalimutan na niya ako dahil lang sa umalis ako o baka naman narealize niya na napakabusy ko palang tao at hindi ko siya mabibigyan ng oras kaya bakit niya pa ako bibigyan ng pagkakataon, o... baka makita niya na may mas higit pa riyan kaysa sa akin, higit na hindi makulit katulad ko, higit na may panahon at higit na walang komplikasyon.
It fucked my brain completely!
Damn it!
But here she is... looking distressed. Malayo sa mga imahinasyon ko.
"Wait for me here." Saad ko sa driver.
Bago pa siya makatawid ay lumabas na ako mula sa sasakyan.
I welcomed her line of sight with a smile.
Hindi ko alam kung giginhawa ba ang pakiramdam ko dahil ito na siya, nakita ko na siya ng harapan o mas maninikip dahil namiss ko talaga siya kahit gaano pa katalim ang tingin niya sa akin ngayon...
Wait...
What?
This is what they say 'if looks could kill, I won't last a second.'
My heart throbbed fiercely as always while she curses at me in every language there might be just by her eyes.
I am wearing a white button down long sleeves paired with his black trousers and leather shoes.
Nakaputi ako at nakaitim siya.
And looks like I will literally face her wrath.
Pero bakit? Anong ginawa ko? Siya nga itong hindi nag re-reply...
Ako dapat ang nag tatampo...
My smile faded when she looked more pissed as she sees my smile.
Her eyes were lethal.
"Avery..."
Nagawang hindi manginig ng boses ko habang sinusubukan ko siyang lapitan.
Bahala na. Kung papatayin niya niya ako ngayon, I won't even wear a damn bulletproof vest. I will face her wrath and welcome her anger.
I will try to satiate her agony and kiss her pain.
I took few steps closer but she shook her head repeatedly. Nabasag lalo ang puso ko roon. Pati pag lapit, bawal? Pero... hindi ko na kaya.
Gustohin ko man respetuhin ang desisyon niya na 'wag lumapit ay hindi ko kaya. I didn't stop which made her took a few steps back— and my heart faltered more.
"'Wag ka lalapit!" Marahas niyang sigaw para pigilan siya.
Natigilan ako sa pagod, lungkot at galit na lulan ng ekspresyon niya.
"Ave... you weren't replying to my messages, I was... waiting and—" Halos hindi ako magkandaugaga sa pag hanap ng mga salita ko.
"'Wag mo akong lalapitan! After you did Thailand with a friend, lalapit ka sa akin ng parang wala lang? Dream on, Tobias. I hate you! I will never talk to you again! Umalis ka na! Wala kang mapapala sa akin!" She said so hard and ruthlessly!
H-huh?
Thailand with a what?
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. They say I am smart but I was totally baffled and lost with her words. I tried my best to study them! Ayoko bumagsak at matalo rito, gusto kong ipanalo ang nararamdaman ko kaya sinubukan kong intindihin ang mga lumabas sa bibig niya pero mas lalo lang akong nawawala sa bawat subok ko.
Thailand? Yes I did go there. With a friend? Wala akong kasama...
Damn it.
Tama ba ang pagkakaintindi ko? Shall this be taken literally?
At umalis na ako? Wala akong mapapala sa kanya?
Dahil? Nag Thailand ako?
But then all my strength were suck out off me when I saw her eyes welled with tears.
I never felt so... weak and useless.
Her eyes brimmed with tears and before I even say anything, they all fell. Her tears reflected her tiredness, at halos maipikit ko ang mga mata ko sa sunod-sunod na pag tarak ng kung ano sa loob ko.
She wiped my tears hastily. Her tears were falling all over the place. I contemplated three times if I will go to her. Kasi kung lalapit ako, parang hindi ko na talaga nirespeto ang espasyo na gusto niya pero parang mas mababaliw ako kung hindi ko siya malalapitan.
Fuck! I badly want to hold her!
Pero nang nakita ko ang masirable niyang pag pupunas ng luha ay nawala na talaga ako sa hwisyo.
Mabibilis ang mga naging yapak ko, pero mabilis din siyang humakbang paatras. I wanted to feel hurt but then I was too preoccupied with her tears that I didn't just equalled her steps, nilamangan ko pa iyon.
Tuluyan ko ng nakain ang anumang distansya namin at hindi na ako nag alinlangan na hawakan ang dalawang palapulsuhan niya.
I squeezed my eyes shot before looking at her with so much... fear.
Hindi ko alam kung nakita niya ba iyon pero sandaling dumaan ang pagkagulat sa kanyang ekspresyon.
"What are you saying? Thailand with a what? I am... I... went for a business meeting there—" my voice was mellow, firm and asking.
"Oh please, Tobias! Give me a break! Business meeting or engagement?!" Hers was hysterical.
Pero sandali lang iyon dahil mabilis din siyang nakahuma at napatingin-tingin sa paligid.
She bit her trembling lower lip when she noticed a few eyes looking at us.
I saw embarrassment filled her eyes.
Malungkot akong napangiti. I couldn't care less with all the attention we're getting. Ang gusto ko lang ngayon ay ibigay niya sa akin ang atensyon niya at kausapin ako. I don't care if she'll go hysterical on me, basta kausapin niya ako...
I know I can fix this. I can fix us.
She... she is young and confused. This is all new to her. Plus, this is terrifying for her. Our situation is messed up. Her bestfriend is being arranged to me and I am a Chinese. Ayoko man aminin ay naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya sa lahat ng 'to.
I know that. She needs my patience and understanding. And God knows how much I am willing to give that to her. Bigyan niya lang ako ng tyansa...
If she could go patient with everyone around her, I want to be that for her.
My chest hurt so much as I see her struggled with her tears and breathing.
"Avery... please calm down... let's talk about this first, okay? Calmly. I want to understand—"
Puno ng takot at pagsusumamo ang boses ko pero marahas niyang tinanggal ang mga kamay niya sa hawak ko. She wriggled hard for me to drop them, halos hindi ko iyon mabitawan maliban nalang noong dumaing na siya sa higpit ng hawak ko.
My heart flinched with her discomfort so I dropped them after she winced.
Pero hindi ako lumayo. Nakaamba pa rin ang presensya ko sa harapan niya.
Her eyes were in slits. Mine... were forlorn and surrendering.
I am at your mercy, baby...
"I don't want to talk to you! I will never talk to you again! Lubayan mo na ako." She said with finality and turned my back from me.
Halos kapusin ako ng hangin sa narinig ko!
N-no... no... no-no... not to me, baby...
This time, I struggled for her presence. Hinabol ko siya at halos magmakaawa ako sa harapan niya para lang harapin niya ako.
"No... no... oh love... please, don't..."
Mabilis akong pumunta ulit sa harapan niya, umambang hahawakan ko ulit siya pero nang makita ang pagod niyang mga mata at ang mabilis niyang pag tago ng kamay niya sa likuran niya ay napabuntonghininga ako.
"Please... pag-usapan muna natin 'to. I understand. You're mad. I did something wrong. So wrong. For you to get mad. But... please... let's talk about it, hmm?" I tried to be calm...
Gusto kong lokohin ang sarili ko na atleast hindi pa siya tuluyan nag w-walk out sa akin pero sinong niloko ko? Walk out or not, I won't be at peace until I see her smile again!
She closed her eyes tightly.
"Avery, baby... love... come on, look at me..." I pleaded.
Kailangan niya ako makita... para makita niya na nandito ako, hindi aalis.
Umiling siya at pinalis ang mga luha niya. Damn. Kung sino man ang nag imbento ng pag-iling, I'll pay that person to retract the invention!
"Ayoko, Tob." Mapait siyang umiling. "You know what? Mali ako. Tama ka. Going there is the right thing to do. Doing Thailand with a friend... is the right choice for you. Ipagpatuloy mo nalang iyon. Maybe go to Baguio with her again or something."
Thailand... with a friend?
Baguio?
With...
Her?
May ibang babae? Sa Thailand? Ako? Habang siya lang ang laman ng isip ko—"
Oh shit.
Fuck!
Sinubukan niya akong lagpasan pero mabilis lang ako ulit humarang sa dinadaanan niya. Pilit kong hinahanap ang mga mata niya pero buong puso niyang ni-iwas ang mga iyon.
I don't know what to feel!
Should I be happy? Is she jealous? Ibig sabihin ay may nararamdaman din siya sa akin?
Or should I be sad? Dahil baka kahit tyansa lang ay ayaw na niya ibigay sa akin?
"We only had dinner—"
"You were happy! You were smiling!" Marahas ang pag bagsak ng mga luha niya.
Hindi ko magawang mag bigay ng reaksyon sa mga sinasabi niya dahil siya mismo ay nagulat sa sariling sinabi.
It's like... before I could even think of something, siya na ang unang bumabasag sa sarili niya, siya na ang nag sasabi ng mali at nag bibigay ng solusyon para itama iyon.
"Fuck!" She cussed out of frustration.
Napatakip siya sa kanyang mukha. Nanginginig ang mga kamay...
This can't go on like this.
"Avery..." I tried holding her hands that were hiding her face.
Nag hahanda na ako sa pag kontra niya pero pinigilan kong mapabuntonghininga nang hindi niya iyon hinaklit.
"I am sorry..." marahan kong hingi ng tawad. "I am at fault. I should have told you about it. Biglaan lang na nakita ko sila roon. Doon din kasi ang isang business meeting ko, pero agad natapos... I greeted them, they invited me, at that time... hindi ko naisip na may mali kung um-oo ako—"
"Shit..." she cursed which made me stop.
Ny heart literally stopped at that moment.
"This is so wrong..." iling niya, her voice cracked.
"H-huh?" Hangin nalang ang lumabas sa akin.
Binaba niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa mukha niya. Hinintay ko siyang mag-angat ng tingin sa akin.
But when she did... she slightly whimpered, na para bang ang sakit tignan ako.
"This is so wrong... Tob. I am wrong. Hindi ko alam na ganito ako at hindi magandang ganito ako. I can't accept this... I can't process it... hindi ko kaya ngayon, please... lubayan mo na ako."
I felt hotness on my eyes.
Napalunok ako. Parang lahat ng tapang ko hanggang sa kaliit-liitan ay tuluyan ng nawala. Ngayon ay puro takot nalang ang natira sa akin dahil alam kong hawak niya ako.
She could break me and she wouldn't even know she even had the power.
"I am liking you more than I should, it's wrong. I am being selfish, it's wrong. I am feeling a lot of things that I don't want, it's wrong."
H-huh?
Napakurap-kurap ako, na para bang may mag babago kung gagawin ko iyon. As if the answers to my questions will be answered through what's in front of me. Kahit na... isa lang naman talaga ang rumehistro sa akin.
Her first four words were the only ones who entered my reasoning.
"I am scared of my own feelings. I got scared just seeing you happy there. So fucking selfish of me. Ayoko..." umiling siya, "... ayoko ng ganito..."
Fuck.
"You like me?" I echoed... asking for confirmation, kahit na 'yon lang naman ang naintindihan ko.
"Nabasa ko na ito dati. Na sa unang pagkagusto raw natututo. Maybe you are my lesson, Tob. Maybe... I have to experience you to know what I should do and not do in a relationship. I will accept that. And for you, maybe... you met me... so that you'll know that it will be easier to just follow your family's demands."
She was saying all these words, at gusto kong makinig, she deserves someone who listens, pero...
"You consider what we have as a relationship..." I echoed again...
She sighed. "We should look past through this. I apologize for my emotions and selfishness. I am sorry to embarrass you like this..."
This is unbelievable...
Panaginip lang ba 'to? I never imagined this—not even in my wildest dreams...
"You got upset because of me..." hindi ako makapaniwala.
Walang humpay sa pag tambol ang puso ko.
I am so high for happiness, mixed with relief and hope.
Tumigil ang isang sasakyan sa gilid namin. Mabilis na lumabas doon ang driver ng mga Zobel at pinagbuksan siya ng pintuan.
I felt her eyes taking a good look of me.
I have a fucking chance...
Finally...
"Goodbye, Tob. I am really sorry."
Now, there will be no goodbyes.
Ngayon na may nararamdaman na siya sa akin, sisiguraduhin kong mananatili iyon at mas titibay. Aalagaan ko iyon dahil biyaya iyon para sa akin.
"You are selfish for me..."
Inulit ko para sa sarili ko.
"You are scared... because of your feelings for me..."
I am scared too...
Pero mas kailangan nilang matakot sa kaya kong gawin.
"I don't care about what you've read, Avery. You are not to like me just for a lesson and I am not following my family's demands. I won't allow any of that for us."
Umiling lamang siya pero kung kanina ay nababasag ang puso ko sa kada iling niya, ngayon ay mas tumapatang lang ako.
"Ayoko, Tob."
I may be sick in the head or I am just so down-bad for her that I just got more hopeful with everything she said, no matter her resistance.
Pero nang magkita kami ulit, kahit na gusto kong mangulit para sa isa pang tyansa ay mas nangibabaw ang pag-aalala ko.
Her eyes says it all. The darkness just below her eyes, the tiredness of her expression and her frail body worried me like I aged five times.
Napakaganda niyang tignan sa suot niya. Bagay niya ang kahit anong kulay pero kung ako ang tatanungin, she suits light colored clothes the best.
She was covered and elegant with her top and skirt in color beige, dahil sa pagod ay namutla siya kaya halos maging kakulay niya ang suot niya kahit na kagagaling lang niya sa beach at tanned siya.
Hindi na ako nagulat nang makita siya. Kagagaling ko lang sa meeting at nakasalubong ko ang mga kaibigan niya sa loob ng restaurant. I went towards them and overheard them talking about her— na papunta na siya.
I may have... deliberately lingered a while inside the restaurant, kahit na tapos naman na talaga ang meeting ko. Bumati rin ako sa kanila at nakipag usap ng kaunti. Nakapag banyo pa ako para lang makatagal pa at nang makita ko na sa labas ang sasakyan nila ay kabado akong nag pasya na lumabas na para makasalubong siya.
Her hair was scooped to the side and tied in a side low ponytail.
She looked ethereal even though she looked so tired.
Her eyes faltered, tila napipikit na...
Kumirot ang puso ko.
Fuck, baby...
What are you doing with yourself?
I want to scoop her and take her home, gusto ko siyang yakapin sa kama ko at pilitin siyang mag pahinga...
I will pin her beside me, rest her head on my chest, kukumutan siya para maprotektahan sa lamig at yakapin siya para sanggahin lahat ng iniisip niya. Damn it!
And with her eyes so droopy and tired, hindi niya napansin na makakasalubong na niya ako. Just like how I always do, hinayaan kong mabangga niya ako para makuha ang atensyon niya.
"Uh... I am sorry." Pag hingi niya ng paumanhin, nakatingin sa baba.
No baby...
Eyes up here.
"It's okay..."
She flinched a bit which hurt me again.
Bakit ga'non ang reaksyon niya sa presensya ko?
She gasped as she looked up.
Mas lumamlam ang mga mata ko nang mag tama ang paningin namin.
Nanlaki ang mga mata niya at halos lumuhod ako sa harapan niya nang mabilis iyon manubig! Fuck. Fuck. Fuck! I hurt her again! By seeing me tonight, nasaktan ko na naman siya!
But I miss her, okay?!
I had to see her...
Kung hindi ay baka mabaliw na talaga ako...
I don't like how she looks. Parang... walang kabuhay-buhay.
"Uh... nandito ka p-pala..." kaunting nabasag ang boses niya.
I gritted my teeth to suppress my surging emotions.
Calm down, Tob. Calm... down...
She's tired and I don't want to cause more hurt for her.
I just want to indulge her. Sa kahit anong paraan. Para lang bumuti kahit papaano ang pakiramdam niya.
"Katatapos lang ng..." kahit na basag ang boses ay patuloy lang siya.
Mahina at bigo ang boses niya. Gone is the snarky tempting voice she always has...
"... d-date niyo?"
Gustong gusto ko siyang hapitin at ikulong sa bisig ko nang matapos ang tanong niya!
I don't like her getting jealous or getting the wrong impression. Kahit na tinanggihan niya ako ay ayoko na maisip niyang madali siyang palitan. I couldn't even turn my back from her! Damn, I can't even divert my attention towards another girl!
Siya lang ang laman ng isip ko. Siya lang ang gusto ko.
I like her so much that my chest feels like heaving whenever the thought of not having her resurfaces...
My jaw clenched and I inhaled deeply before sighing with restraint.
Umiling ako.
Ask me, baby...
I'll answer everything. Para lang makatulog ka ngayong gabi...
I think I am delusional again, pero bahala na! Basta masagot lang ang mga tanong niya, I will be a delulu!
"H-hindi pa t-tapos? O... h-hindi kayo n-nag date?"
Hirap na hirap siya sa tanong niya. Hindi makatingin sa akin. Palinga-linga.
My hand flinched wanting to reach for her chin and cup it.
Pero nag pigil ako.
Nanlambot ang tingin ko. Huminga ako ng malalim at nag pigil pa lalo.
"Hindi kami nag date. We talked about this, right? I told you... I won't attend the dates anymore. Nasa meeting ako kanina, katatapos lang. I saw your friends inside, bumati lang ako at umalis na rin."
Bahagyang rumehistro ang gulat sa mga mata niya.
Yes, baby...
I am so down-bad that I am willing to give you all assurances even if you didn't even ask for it.
Tumango siya at pinilit ang sariling ngumiti.
I hate it.
"A-ayos lang naman kung... mag-attend ka na ulit. I mean... i-ikaw bahala... k-kung anong gusto mo. I don't have a say on it, anyway, a-at... uh... ayun lang naman..."
She looked so lost in front of me...
I sighed again.
Pero paluluguran ko ang lahat sa kanya.
"I won't. Hindi ako makikipag-date. 'Wag mo ng isipin 'yon, hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa makawala o kahit kailan mo pa isipin. Mag di-dinner kayo? Galing ka sa trabaho?"
I leisurely licked my lower lip.
Fuck. Mali ba na nag follow-up question ako? I just don't like the conversation to end yet! Hanggang hindi gumiginhawa ang pakiramdam niya kahit papaano ay hindi ata ako matatahimik!
Ang sakit!
"Uh... ikaw bahala." Tumango siya. "Mag di-dinner. At, oo galing ako sa trabaho. I-ikaw?"
Muntik akong mapabuntonghininga ulit nang tanungin niya ako pabalik! Nanginig ang puso ko at lihim na nangiti.
Napakurap-kurap siya sa tanong ko. "G-galing ka pala sa meeting. Oo nga pala..."
Kahit na nakuha na niya ang sinabi ko kanina, gusto ko pa rin siyang paluguran.
Listen, baby...
I will lay it all in front of you, no pretenses, no secrets, no second guessing, just the truth and in detail. I won't make room for assumptions. Gusto kong makita niya na kahit malabo pa ang sitwasyon namin, kaya kong palinawin...
"Yes. I came from work, then had a meeting here. Nag dinner na rin. Mag ba-bar kayo pagkatapos? I heard Gabriel Marquez asked your friends to follow there after. Hindi makakasama sa dinner niyo dahil may kailangan asikasuhin sa kabila."
Pagod siyang ngumiti. "Hindi ako mag ba-bar. Uuwi na ako pagkatapos ng dinner namin..."
Thank God...
Sandali akong napikit sa ginhawa at marahang tumango.
She has to rest...
"Maaga pa ako bukas para Helping Hands Foundation."
I nodded and looked at her... more...
I can't help it, kahit alam kong kailangan ko na siyang pakawalan sa gabing ito...
"Okay, pasok ka na. I hope they ordered already, para makakain ka na." Saad ko.
Hindi ko alam kung paano ko nagawa kahit na gusto ko na lang siyang ihatid pauwi ngayon.
Her eyes watered again! Fuck! Ano na naman nagawa ko? Argh! It is easier if I could hold her! I want to hold her! I'll tightly hold her till she feels better and let her rest on me!
"Sige... ikaw din. Ingat ka..."
Her eyes, no matter how tired, lingered more, savoring me again.
Sigurado akong maliwanag sa likod ko dahil sa nag tataasan na ilaw ng BGC. Her view of me might be hazy because of the glares from the city lights and indulging her means helping her see me more...
I sighed and bended a bit just so I'll put the lights behind me and her sight will be just... me.
At nang makita kong bahagyang napanatag ang loob niya ay parang lumuwag ang gapos sa puso ko.
Mabibigat ang pag hinga niya, habang tinitignan ako.
Bawat parte ata ng mukha ko ay namemorya niya sa intensidad ng tingin niya. My heart quivered, all my senses decided to shut off the world around us, at tanging ang paningin ko lang ang gumagana kasi siya lang ang nakikita ko.
After a few more seconds, I sighed again.
Kailangan na niyang magpahinga...
I wanted this with her. More time. Kahit na titigan niya lang ako ay ayos na ayos na. Pero alam kong bibigay ang katawan niya kung hindi pa siya kumain at magpahinga.
I'll just find a way to see her again...
"Pasok ka na," I forced myself to say.
She nodded.
Not turning her back from me, humakbang siya palagpas sa akin pero hinarap niya pa rin ako. She took slow steps towards the restaurant while her eyes were still on me.
Avery... baby...
Turn your back now...
Baka talagang hindi na kita pakawalan ngayong gabi.
Pero hindi ako tumalikod muna. Hinayaan ko siyang panoorin pa rin ako hanggang sa marating niya ang pintuan ng restaurant.
Bahagya pa akong nagulat nang i-angat niya ang kamay niya. She slightly waved her hand in a weak and low manner as if she was saying good bye.
Damn precious...
My heart constricted again.
Bahagya niyang tinulak ang pintuan ng restaurant habang nasa akin pa rin ang atensyon niya.
I sighed again...
I smiled slightly and waved my hand too, mababa at mahina rin.
I want to go gentle on her...
Bahagyang sumigla ang mata niya ng kaunti.
There you go, baby...
That's my girl.
Doon lamang siya tumalikod sa akin at habang pinapanood ko siyang makalayo ay ang pag igting din ng determinasyon ko para sa amin.
I don't want to see this expression from her again.
I want to make her happy...
I will make her happy.
Inabot ko ang cellphone ko at tinawagan si Kingston.
"Hey, bud. What's up?" Tanong nito habang naririnig ko ang mabilis niyang pag-tipa sa keyboard.
This tech genius surely knows how to use his fingers, at bilang kaibigan ay kailangan pakinabangan.
"I need your help. Ang sabi mo babawiin sa akin ang mga mana ko kapag hindi ako tumupad sa tinatakda sa akin..."
Tumigil siya sa pag tipa.
"Ahuh. Why? Gusto mo ba palitan ko ang stipulations? Hindi ata ako ang kailangan mo hingan ng tulong. You might want to ask Rakesh to discreetly force his lawyer to do so." Anito habang natatawa, akala biro ang pag tawag ko.
"Hindi, King..."
I gripped my phone hard. Matagal ko itong pinagisipan...
"Tulungan mo ako sa plano ko. I planned a fall back."
Tumigil siya sa pag tawa.
"At ano naman 'yon?"
"I'll be disowning them myself..." bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top