Pahina 48

Home

"So... si Ms. Laurel ay kaibigan ni Tito Richard?" Tanong ni Willow na naguguluhan pa rin sa buong kwento.

Tinuloy ko ang pag sasandok ng itlog para kay Tob. He was still half asleep, puyat na puyat at napipikit pa. Sa sobrang antok niya ay hindi na ata nahihiya sa mga kaibigan ko!

He's seated very close with me, dikit na dikit ang upuan, ang kaliwang kamay ay nakapatong sa sandalan ng upuan ko habang ang ulo niya ay pilit niyang sinisiksik sa leeg ko.

Hindi ako makapagreklamo dahil alam kong napuyat siya sa pag-aalaga sa akin. He came home late, tired from all the chaos that happened and yet... we still did it... which by the way is the most tiring thing I ever did in my life! At... pagkatapos non ay inalagaan pa niya ako!

"Hey... umayos ka ng upo, mangangawit ka nyan..." bulong ko habang sinusunod na lagyan ng kanin ang pinggan niya.

"Mhmm..." tanging tugon niya.

Koa was looking at us, wide-eyed.

Nakatulala talaga siya sa amin. Magulo ang buhok. May bakas pa ng pagkakahiga sa kama mula sa pisngi niya. Mukhang bagong gising at mukhang puyat din. Tinatanong siya ni Willow pero hindi maalis ang tingin niya sa amin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Ehem..." pag tikhim ko.

"I am not sure about that, Low. Parang magkaibigan sila kung mag-usap kagabi pero nakakapagtaka naman na hindi ko alam... at hindi pa siya napakilala ni dad sa amin?" Ako na ang sumagot.

"But it's the first time I saw Tito Richard so stunned he couldn't speak. Like... he couldn't say something to counter Ms. Laurel's word. Sino mag-aakala na may taong kayang magpatahimik kay Mr. Zobel?" Ani Anton na kalalabas lang mula sa kusina at hawak-hawak ang isang malaking pinggan na may lamang bagong luto na bacon.

Napatingin ako kay Koa na nakatulala pa rin sa amin ni Tob. Bukas-pikit ang mga mata. Namumula ang kanyang pisngi.

He's so weird.

"Hmm... ano kasi ang sinabi?" Tanong ni Willow.

Napabalik-tanaw ako sa mga nangyari kagabi.

Sa totoo lang, ayaw ko ng balikan. Pero ang makasama ang mga kaibigan ko ngayon, ang mga nangyari kagabi sa amin ni Tob, lahat ng pagmamahal na mayroon ako ngayon sa tabi at harapan ko, definitely... empowers me.

"This is what I keep on saying to you eversince we were kids, Chard. You're so..." She trailed her words with so much sultriness that you won't have a choice but to wait and pay attention.

Napatingin ako kay daddy na naka-tiim bagang habang si mommy ay puno ng pag-aalalang nakatingin kay daddy.

"Square." She dropped.

Square?

Napalingon ako muli sa kanya. Her eyes rolled as she sarcastically giggled a bit.

"You always play safe. Masyado kang... naka-libro."

"To keep me and my family safe, El—"

"Don't. you. dare. call. me. that. Chard." Mariin na banta ni Ms. Laurel kay daddy.

I almost felt literal shivers traveling from my nape down to my spine. I have never met a person with so much authority in her voice, the way she delivers herself, kahit hindi mo siya kilala ay mapapayuko ka, kakabahan ka at talagang... kung ikaw pa ang puntirya niya— manghihina ka.

It was dad's turn to laugh sarcastically this time.

Dad...

I never saw him this way before.

"Still haven't forgotten him, huh—"

"You. twat. don't. you... ever go there, hinding hindi kita mapapatawad. I am here to help enlighten you with your private family issue that has been became a public one since you have decided to shame your daughter minutes ago. But if you try to mess with me, you'll never ever get any help, I'll destroy you myself... at kilala mo ako. When I say destroy... I mean your successes turning to losses, from top... to dust, Chard."

Hindi ko napigilan ang mapahakbang paatras sa takot sa mga banta niya. Agaran akong napitingin kay daddy at mommy para sana pigilan silang dalawa. I may not know her but everything I have witnessed is enough to convince me that she's someone we should be careful around.

Mabuti nalang at napigilan na ni mommy si daddy sa ano man naiisip niyang sabihin.

Nakahawak si mommy sa balikat ni daddy para pigilan ito. Mom kept on whispering to daddy. Dad was sending daggers through his eyes to Ms. Laurel.

"What I just want to say is..." Panimula uli ni Ms. Laurel, ngayon ay mas kalmado na ang boses.

"We should have learned our lesson. Na sa labas ng mga pinaniniwalaan natin, sa labas ng mga sinasabi ng lahat sa kung ano ang makakabuti, sa labas ng mga kasunduan, sa labas... ng lahat ng karangyaan na mayroon tayo, a love like theirs exists..." she almost said the last words breathlessly.

Small tingling sensation was felt by my shoulders.

"A love..."

Napayuko ako. Natahimik ang lahat.

Parang importanteng marinig ang kung ano mang sasabihin niya ukol sa pag-ibig.

"That stays... ever... the same... that only goes stronger..."

Ang kaibahan lang, ako... nakikinig dahil pakiramdam ko sa kabila ng mga banta niya kay daddy ay nararamdaman kong pareho kami ng paniniwala sa usaping ito.

I felt that when I met her first in the garden.

"A love... that is so... down bad... it would chase..."

At ang iba, pakiramdam ko ay nakikinig sila dahil... sa kanya ito nanggagaling. Na kung iba ang nag sasalita ngayon, they couldn't care less, but because it was her— they do.

"A love... where hearts are... intertwined. No matter how much you push them away, they'll wouldn't let go..."

And something is telling me that... she knows what she's saying.

"And... a love... that... will rather kiss lies and vengeance... than... plot them..."

Pahina ng pahina ang boses niya. Malayong malayo sa nakakatakot niyang tinig kanina.

Her voice now was mellow and aching.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Parang kanina pa iyon doon pero hindi bumabagsak. Her jaw was clenched, her eyes were pierced towards my dad.

"You know I was happy for you. You have found a love that is calm as the ocean with Minerva. You were my best friend, Chard. Alam mo iyon. But then, you have to see that as much as your love exists, may mga pag-ibig na katulad ng sa anak mo. A love that is fierce and unyielding. As much as your kind of love is true, it doesn't make... theirs... false."

Something flickered in her eyes.

"At hindi niya kailangan ng kahit ano, ang suporta niyo lang ay ayos na. That would be enough...."

Her eyes moved towards me.

Napaayos ako ng tayo nang magsalubong ang paningin naming dalawa.

"Right?" Tanong niya sa akin.

Napaawang ng kaunti ang labi ko. A warm blanket wrapped my heart with the way she looks at me.

Napalunok ako at alanganing napatingin kay mommy at daddy.

Dad was still looking at Ms. Laurel with so much emotions. Anger? Guilt? Sadness? I can't... pinpoint.

Si mommy ay nakatingin na sa akin. Malungkot at nag-aalala.

"Thank you, hija..."

Muling nakuha ang atensyon ko nang maramdaman ang pag lapit niya pa lalo sa akin.

"H-huh?" Nalilito kong tanong. "Po?" Salamat? Saan?

Her lips showed a smile.

A smile that didn't reach her eyes.

"For making me see a love like that again."

Umikot ang paningin niya sa kabuoan ng paligid. Sinisigurado na madaanan niya ng tingin ang lahat ng naroroon.

"Wow..."

Mas lumawak ang ngiti niya ngayon. Kaunting umaabot sa mga mata niya.

"How long has it been since I saw authenticity from this kind of event?"

Marahan siyang napapikit.

"Akala ko hindi na mangyayari..." animo binubulong niya sa sarili niya.

"Makes me want to hope again..."

She opened her eyes and searched for mine again.

"What's your name again?" Tanong niya.

Alanganin man sumagot, nakakahalina ang boses niya. Iyong wala ka man sa sarili, mapapasagot ka pa rin.

"Avery..." halos ibulong ko sa hangin ang pangalan ko.

This time, her smile reached her eyes.

"Avery..." she trailed, memorizing my name.

"I hope to be invited on your wedding."

Her eyes left mine and went to daddy again.

"I am sorry for fighting with you today, Chard. Not my intention. I hope we could meet again in better circumstances. Mauuna na ako."

Hindi na niya hinintay pang sumagot si daddy.

"Nice meeting you again, Minerva. You have a lovely daughter. Have a good night."

Akmang sasagot pa si mommy nang mag simula ng mag lakad si Ms. Laurel. Tuwid pa rin ang tindig. Diretso ang tingin. She gracefully made way to her exit and never looked back, not even once.

"Hey..." I felt a warm hand caressing my waist.

Malungkot akong napangiti at hinilig ang katawan ko kay Tob. I let his lips brushed on my cheeks to wipe all the confusion I gained from yesterday night.

"What were you thinking?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Iniisip ko lang si Ms. Laurel. She seems like... a good person."

Mas hinapit niya ako at kinulong sa yakap niya.

Marahan kong napikit ang mga mata ko.

"She is. Isa siya sa mga unang kliyente namin. She was really generous given that we were a new company then." Ani Tob.

Napabuntonghininga ako at napatango.

"Kung ga'non, kung sino man itong Ms. Laurel na 'to. I hope what she said awaken Tito Richard. Hindi makakatulong kung pati ang pamilya ni Avery ay gagatong. Sana sumuporta sila." Ani Willow.

My eyes opened and saw how my friends' eyes diverted elsewhere, hindi hinahayaan na dumapo sa aming dalawa ni Tob!

Maliban kay Koa na titig na titig pa rin sa amin.

Umakyat ang hiya sa pisngi ko at nag-init ito!

Muntikan ko ng makalimutan na kaharap namin ang mga kaibigan ko! I immediately pushed Tob lightly which made him let out a grunt!

"Nahiya ka pa... ngayon..." ani Anton habang pailing-iling.

Kumunot ang noo ko.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi, Koa?" Direktang tanong ni Anton kay Koa na mistulang nanigas na sa kakatingin sa amin.

Hindi siya pinansin ni Koa dahil sa amin pa rin nakatuon ang atensyon nito.

"Hey! Koa!" Pag kuha ni Anton ng atensyon niya pero wala pa rin.

"Kao-kao!" Ani Willow.

Pero... wala pa rin.

Sinamaan ko ng tingin si Koa dahil di ko na nagugustuhan ang paninitig niya.

Tob hugged me sideways again and tried pushing my glare away from Koa. But I didn't let him, talagang sinamaan ko pa rin ng tingin ang kaibigan namin na hindi ata alam na sinasamaan ko siya ng tingin.

"Hey, bud! Ayos ka lang?"

This time, lumapit na si Anton kay Koa at bahagyang tinulak ito sa balikat.

"W-what?"

Tila nawala na ito sa hypnotismo at napaayos ng upo at binaling ang tingin kina Willow at Anton.

"Nakatulala ka..." ani Willow.

"Ah..." napakurap-kurap ito at muling napatingin sa akin.

I shot an eyebrow at him which made Tob move so that he could block my glare.

"Baby... I don't think you should be glaring at him..." bulong nito sa napapaos na boses.

"Why not? He knows that it is rude to stare."

Napaiwas ng tingin si Koa at pinamulhan na ng tainga at leeg.

Napatikhim si Anton.

"Looks like... I need to do some renovations here..." aniya.

Nalilito ko siyang tinignan.

Renovations? Biglaan? Bakit? Saan? Para... saan...

Oh shit...

Napakurap-kurap ako. Napaawang ang aking labi. Napalipat-lipat ang tingin ko kay Anton at Koa. Koa was avoiding eye contact now! Kanina kung makatitig wagas, ngayon umiiwas?

But...no... wait... hmm... what? Hindi maaari...

I think I was pretty much silent last night...

"Oh baby..." natatawang daing ni Tob bago ako tuluyang niyakap para mas maitago pa sa mga kaibigan ko.

He wrapped me with his whole body and I didn't refuse anymore, I let him crowd over me just so I could hide!

Bakit hindi ko iyon naisip?!

Hindi dumaan sa isip ko na manahimik man lang? I mean... I knew I need to shush because it's embarrassing for Tob to hear me like that! Pero hindi ko man lang naisip na maaari akong marinig ng mga kaibigan ko?!

Avery Sienna!

"It's okay, I'll make sure our room will be sound proof, mhm?" Bulong niya pa!

"Tob!" I defensively grunted!

Tumawa naman si Willow at Anton habang si Koa? Hindi ko alam anong nasa isip niya! I just know that... he probably heard... a lot...

This is so embarrassing!

Lalo na sa mga kaibigan ko! It was so insensitive of me! Nakakahiya na nga na ang ingay ko?! Mas nakakahiya pa na baka hindi sila nakatulog ng maayos! Argh!

"Please ask them if they slept..." halos naiiyak kong sabi kay Tob.

Ang mga braso niya ang nag sisilbing sangga ko sa kahihiyan...

"Hmm, Lopez..."

"Huh?" Natatawa pa rin si Anton!

Mas tinago ko pa ang sarili ko!

"She's asking if you were able to sleep?" Seryosong tanong ni Tob.

Paano niya nagagawa iyon? Maging seryoso pa rin sa nakakahiyang pangyayari na 'to!

"Oh! Yes! Hahaha! Nakatulog pa rin naman ako..." natigilan siya sandali. "... hindi ko lang alam sa isang 'to..." I know he's talking about Koa!

"I am so sorry!" I exclaimed which made them all laugh!

Natapos ang umaga namin nang puro tawanan at asaran. They assured me it was fine but I was still ashamed! Of course, I am! Sino ba naman ang hindi mahihiya roon diba? But thankfully we stopped talking about it after a few banters here and there. Ang huli nalang namin napagusapan ay ang pag imbita sa amin ni Tob bukas ng gabi sa penthouse niya.

It's Tob's birthday next week and he wanted to celebrate early with his friends, dahil daw gusto niya kami lang sa mismong linggo ng kaarawan niya. Ayon sa kanya, maliit na party lang kasama ang mga kaibigan niya at mga kaibigan ko.

Masaya ako na kasundo niya ang mga kaibigan ko. Mukhang komportable sa kanya si Anton, perhaps because of business as their common denominator, si Koa naman ay mukhang gusto naman siya pero mukhang intimidated pa siya kay Tob. While Willow, I know she respects him and she likes him for me, pero parang ilap din siya madalas... at alam ko dahil iyon sa tatay ni Ina.

"Do you want me to go with you?" Tanong ni Tob sa akin habang pinagmamaneho ako papunta sa bahay namin...

Muntikan na ako hindi pumayag magpahatid pero laking pasasalamat ko na rin na nagpumilit siya dahil kung hindi ay parang mahihimatay ako sa kaba.

It has been a long time since I last went here.

My once home is now... a foreign place. O baka kapag nakita ko na at naroroon na ako, hindi na ga'non ang maisip ko at maramdaman ko. I've lived there almost all my life so... it is still home, right?

Umiling ako at ngumiti.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.

"Next time. Mas maganda na makausap ko muna sila na kami-kami lang. Pagkatapos ng mga nangyari kahapon, gusto ko muna sila mapaliwanagan ng maayos. At isa pa, gusto ko makita nila na, our relationship... is not a matter if they will approve or not..."

I grabbed his hand near my lips and pressed it lightly for a kiss.

Binaba ko iyon bago siya tignan ulit at kita ko ang kaunting pagkamangha niya sa mabilisan niyang pagsulyap sa akin.

"Because we are just letting them know and we are... hoping for support, but if not, walang magbabago. Tayo pa rin."

Namayani panandalian ang katahimikan pagkatapos ko sabihin iyon.

That kind of silence where you know it's peace taking over. Iyong hindi nakakailang o nakakabingi, tama lang...

"But... I'll fetch you, right?" Nagaalinlangan niyang tanong.

"Of course, kung hindi ka busy at—"

"Can I sleep beside you again? I promise that I will behave and I know you're still sore—"

"Tob!" Pag pigil ko sa kanya!

Muli na naman uminit ang pisngi ko! Kanina pa itong topic na 'to at mahihiya na talaga ako! Hindi ko na nga masyado iniisip lalo na at totoong masakit pa, pero kung ipapaalala, mas lalo ko rin mararamdaman.

It really hurts. A lot. No amount of books read could describe to me the intensity of the pain.

Masakit talaga.

He laughed heartily which made me glare at him.

"Ginagawa mo nalang akong katatawanan..."

"No... no..." natatawa niyang depensa.

Inabot niya ang magkahawak naming kamay at siya naman ang humalik sa likuran ng palad ko. Hinalikan niya iyon ng mga tatlong beses bago sumilay ang napakagandang ngiti sa labi niya.

"But seriously, can I? Parang... hindi ko na ata kaya matulog mag-isa..."

"Huh? Agad? Parang kahapon pa lang naman 'yon hah?"

"I don't want to go home alone anymore..." aniya.

"Edi isama mo ako..." agaran kong sabi.

There is no way I will sleep beside him in Anton's condo! Again! Kahit na mangako pa siya. Hindi ko na iyon isusugal pa!

"What? Really? Sasama ka na sa akin?" Gulat na gulat niyang tanong.

Hindi niya alam paano mag fo-focus sa daan habang gustong-gusto niya ako bigyan ng tingin. Nadadamay tuloy ang paghawak niya sa akin. Hindi siya sigurado kung pipisilin niya iyon o hindi.

Ako naman ay sinasamantala ang lahat ng ito para panoorin siya. Gusto kong matandaan ang bawat ekspresyon niya habang nangyayari ang lahat ng ito sa pagitan namin.

And as I watched him, butterflies flew right inside my heart just to twirl and dance.

Surprisingly, iniisip ko na magiging mabigat na desisyon ito pero kung titignan, parang ang gaan-gaan.

"If there is a space for me, why not—"

"Every corner of my home is yours too, baby..." he said with a sigh of relief at the end.

Bahagyang kumirot ang puso ko nang marinig ang buntonghininga niya. It felt like he has been waiting for that for the longest time. Na ang nangyayaring ito ay tulad ng pag bibigay tubig sa taong matagal ng naglalakbay sa desyerto.

"It is our home..."

Napaismid ako. "Sa'yo 'yon, Tob. Pinagpaguran mo 'yon. Pero alam ko, magkakaroon din tayo."

Marahan siyang umiling at nanlambot ang mga mata niyang saglit tumingin sa akin bago bumalik sa daan.

"You'll see. Ever since, it was yours too. Just wait..." relief over relief came from his voice.

"That home was built with the thought of you living in it, Avery..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top