Pahina 44

Babalikan

"Avery Sienna, stand up!" Ma-awtoridad na utos ni daddy.

Doon ko lang natanto na siya ang nakahawak sa braso ko, pilit akong kinakalas mula kay Tob.

His hands were gripped tightly on my arms, making me feel a little sting from it.

Kung kanina ay tahip-tahip ang lahat ng nararamdaman ko, mas nadagdagan pa ngayon, mas rumagasa. Kay tagal na simula nang huli kong marinig ang boses ni daddy. For years, parang sirang plaka sa ala-ala ko ang mga huli niyang salita sa akin. Although I was raised with love, my heart couldn't dismiss the fact that... his words haunted me.

"You must learn that anyone would kill for the life you have. You're not grateful enough. You're taking advantage of what we have. Ang iba ay nagpapakahirap para makatapos, but then you! You failed, Avery Sienna!"

I can still remember the life that he has provided me, iyong buhay na... napakatagal kong pinaniwalaan na sinayang ko...

"I am so disappointed, Avery."

I unconsciously hid my face more, siniksik ko iyon lalo sa bisig ni Tob. Wala pa akong napapatunayan, nag sisimula pa lang ako, how can I face him right now? Kanina parang lumakas ang loob ko. Akala ko kaya kong humarap at sabihin na hi dad... nandito na po ako, starting to make a name for myself, pero ngayong nangyayari ang lahat ng ito, ang kahihiyan at lahat-lahat ay mas lalong magpapa-disappoint kay daddy.

Tila naramdaman ni Tob ang matinding kaba ko at ang kagustuhan kong mag tago dahil mas lalo niya akong niyakap.

"It's your family, baby... they're here... don't you want to face them?" Bulong niya sa may tainga ko, sapat lang para marinig ko, hindi pinahihintulutan ang iba na makarinig.

"Let go, Lim!"

I felt someone pushed Tob's shoulder. Sa pagkatanggal ng hawak ni daddy sa akin at boses na iyon ay nasisigurado ko na siya iyon.

He pushed Tob!

Muntik na mawala ang pagkakayakap ko sa katawan niya kaya hinabol iyon ng magkabilang braso ko. I clutched harder and involuntarily cried harder when our body collided.

I can feel his tux getting wetter by the second because of my tears.

Umiling ako.

"S-stop, please... aalis na po kami... don't hurt him..." nagawa kong sabihin sa pagitan ng pag hikbi.

"Avery Sienna! Ano ba ito?! Is this the reason why you failed years ago?!"

Akala ko wala ng ibibigo pa ang puso ko sa mga narinig nito at napagdaanan sa mga nag daan na taon pero...

Tila ang hindi pa natutuyong pandikit sa puso ko ay nawalang saysay sa pagkabiyak nito nang marinig ang dumagungdong na boses ni daddy.

"Dad!" Narinig kong alma ni Kuya.

"You're not a failure..." agap na bulong ni Tob sa akin, sinusigurado na maririnig ko ang bawat sambit niya sa mga salita.

"Mhm? Can you hear me, Avery? Please... listen to me," ani Tob habang niluluwagan ang hawak sa akin.

Nahinuha kong gusto niya akong tignan kaya naman ako na ang nag higpit pa lalo sa pagkakayakap ko sa kanya. My face was angled in a way that my right cheek was pressed on his chest. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko.

"Your sister failed, Archer! She was our magna cum laude! At ano? Bigla-bigla nalang siyang babagsak?! Umalis sa puder ko? At ano? Ganito pa rin hanggang ngayon?!"

I painfully closed my eyes as his words cut deep within me. I heard murmurs... at parang mga bulate silang umaakyat sa katawan ko. Dama ko ang samu't-saring konklusyon ng mga tao sa narinig nila. I can't make something out of it, pero ang bawat mahinang bulong ay rumaragasa sa bawat selyula ng katawan ko.

Napailing ako...

Dad...

He wouldn't say something like this...

Nadadala lang siya ng emosyon niya...

"Dad! You're putting her on the spot!" Kuya Archer's voice thundered, suppressing dad's.

"I am proud of you, baby..." Tob hushed me. "Let's go home, okay?" Bulong niya muli.

Gusto kong ibuka ang bibig ko para sumangayon pero tanging hikbi lang ang nagawa ko. Kung kaya't tumango ako at nagpaubaya sa pag suporta ni Tob sa akin. He held me around my waist and pulled me to stand, supported by his body.

"Sinasabi na nga ba! My daughter won't just fail kung wala siyang distraction! Ngayon ay ito pala? She's being bullied by a good for nothing of a family!"

"Sir, please—"

Tob was about to stop dad when I held on his arm.

Umiling ako.

Pagod na ako...

Gusto ko ng umuwi...

Kung gagatungan niya pa ay hahaba lang. I will face even more embarrassment, mas lalo maririnig ng mga tao ang kahihiyan na dinulot ko sa pamilya ko, mas lalo silang magkaka ideya sa mga bagay na pilit kong binaon sa dalawang taon na nag daan.

"Maybe your daughter is stupid! Bobo! Bakit naging kasalanan ng pamilya namin iyon?! She was the one who ruined everything! Nang dahil sa kanya ay nagkanda letse-letse ang pamilya namin—"

"What did you just say?! My daughter is smart! Hindi naman siya babagsak kung hindi dahil diyan sa apo niyo! The moment your grandson entered the picture, nasira na ang buhay ng anak ko! No wonder the Tans didn't marry to your family! Pabaya ang apo mo! Definitely, Willow Tan saw that so she refused to marry your grandson! Mga walang kwenta!"

Marahas akong umiling ng umiling. My heart ached for my love. Hindi ko man siya nakitang lumaki, alam kong ni minsan ay hindi siya nakaranas ng pangungutya. He is that good. I also know that he is the type that people will do favors for, just so they could be on his good side.

And... he is my love...

To hear my dad shaming him, worse is... sa harap ng maraming tao, at hindi ko siya nakikitaan ng pakielam... ako ang mas naaapektuhan.

"Dad, please, that's not true. Tobias is not like that, he's good, kind, hardworking, brilliant, smart—"

"Shut up, Avery Sienna! Ilalagay ko sa lugar nila ang mga taong 'to—"

"Dad!" Pagod na pagod kong alma pero natigilan nang nakarinig ako ng mga tilian.

"Avery, it's okay..." pigil ni Tob sa akin.

Umiling ako atsaka bumitaw sa kanya para siya naman ang tignan ko. Sumalubong sa akin ang namumula niyang mga mata. Gusto kong maisip na nasasaktan siya sa naririnig tungkol sa kanya pero may nag sasabi sa akin at sa uri ng titig niya na... hindi 'yon ang dahilan.

It was as if he was in pain for me...

"I am sorry..." I whispered.

He painfully shook his head.

"No..." muli siyang umiling at mas nabigo pa ang mga mata.

"Are you okay?" Tanong niya. "You shouldn't have heard their words..."

Mapait akong bumuga ng hangin.

"Nasaktan ka ba sa mga sinabi ni dad? I... am really sorry..."

With bloodshot eyes, his lips tugged for a smirk.

"Nobody could hurt me but you, shush..." pag aalu niya sa akin.

"Tobias!"

Sabay kaming napalingon sa gawi ng pamilya niya at nakitang pinag tutulungan buhatin ng mga uncle at papa niya ang angkong niya! Nakahiga na ito at tila nawalan ng malay! Umiiyak na ang mama ni Tob at may tinatawagan.

Napalingon ako kay Tob at kita ko ang pag guhit ng gulat at alinlangan sa ekspresyon niya.

Ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko ay unti-unting nahulog. I was waiting for it to fall and for him to rush to his family, pero bumagsak ito sa aking kamay at hinanap ang pagitan ng mga daliri ko. Sinigurado niyang sakop niya ang bawat espasyo ng kamay ko.

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin at mas hinila ako palapit sa kanya.

"Yichen! We will bring your angkong to the hospital!" Hysterical na sabi ng mama niya pagkatapos makausap ang nasa kabilang linya.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Tob at sa mama niya. Her mom looks so desperate and... longing. Habang si Tob ay punong-puno ng pagdadalawang isip. Alam kong nag-aalala siya at gusto niyang masigurado na ayos lang ang angkong niya pero...

Napatingin ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin...

Alam kong hindi niya ako maiwan.

Nag simula ng mag lakad palayo ang pamilya niya bitbit ang angkong niya. Nanatili ang mama niya, hindi pinuputol ang titig kay Tob. Lumapit ang kapatid ni Tob sa mama niya at dinaluhan ito. Humawak ito sa balikat at malungkot na tumingin din sa kuya niya.

"Please... come with us, Tob. The family needs you..." her mom broke into tears. "Anak..." habol niya.

Mas humigpit ang hawak niya sa akin. I almost got hurt but he loosened his hold again before I could even feel pain.

"Ang tagal mo ng hindi umuuwi..." napaka lamyos ng boses ng mama niya, parang lumuluhod ito.

"Patawarin mo ang pamilya. They were... just doing what they thought was best..."

"My daughter—"

"Avery is the best for me." Agap ni Tob.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinigit ng kaunti ang braso niya para pigilan siya.

Hindi siya natinag. He remained firm as he faced his mother.

Nagulat ang kanyang mama pero agad din nakabawi. Mabibilis na tango ang naging sagot niya. Sandali pa siyang napatingin sa akin bago binalik ang tingin kay Tob na puno ng pag susumamo.

"Susubukan kong kausapin si papa pag maayos na siya. But for now, please come with us. Kahit sandali lang. Just check on your angkong, anak. Alam kong walang nakakapagdesisyon para sa'yo pero nakikiusap ako. Come with us for now. That's all... hindi ako papayag na magkagulo pa, samahan mo lang kami."

Mariin itong napapikit sandali.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa cellphone. Nanginginig ito. Her voice was shaking ito.

"Nahihirapan ang pamilya, anak... please..."

"Mom, I am sorry..." iling ni Tob.

"Ahia..." his sister sobbed.

"Dadalaw nalang po ako—"

I pulled his hand a bit to let him face me. Naputol ang titigan nila ng pamilya niya at agad na nag dikit ang mga tingin namin.

Napangiti ako nang makitang lumambot ang ekspresyon niya katungtong na katungtong ng tingin niya sa akin.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Shame for what happened. Sadness for my family. Guilt for his family. Pain for his mom and his sister. Worry for him. Or maybe all? I can't place them well that I just... want to think that whatever my decision is, I can prove to him that we're stronger now and he has nothing to worry about.

"Tob, ayaw mo bang masigurado na ayos ang lolo mo?" Tanong ko sa maliit na boses.

His eyes got softer.

"Ave..."

"You do want to know..." sigurado kong sabi habang nag hahanap sa mata niya.

Marahan siyang umiling.

"Ang daming nangyari ngayong gabi. Words were already said. May mga salita na hindi ko na mababawi at mga desisyon na wala akong balak baliin. Ga'non din sa kanila. I just think... it's wrong for me to go there. Our family has good doctors, makikibalita ako at tutulong din... but... I want to take you home and make sure you're okay..."

Inabot ko ang balikat niya at marahan 'yon hinaplos. Tinignan ko siya sa paraan na pinapakita kong naiintindihan ko at iintindihin ko pero sa huli ay umiling pa rin ako.

"Pero alam kong hindi mo rin kaya hindi malaman kung kamusta ang lolo mo. Kilala kita. I know you always keep them in check kahit na nakabukod ka na. Ngayon pa ba? You can't act infront of me. Besides, you don't have to say anything, you'll just make sure he's okay. As for me, uuwi ako kasama ang mga kaibigan ko. Then I will wait for you, hmm? You'll come home... to me..."

"But I have to make sure you're okay..."

"I am okay." I assured him.

"Baka isipin mo ang mga narinig mo kanina..."

"Iisipin ko pero hindi gaano dahil hihintayin kita para sabay natin isipin."

"Baka umiyak ka..."

"Hindi ako iiyak hanggang wala ka."

Ang tensyonado niyang balikat ay bahagyang kumalma. Matamis ko siyang nginitian at hinayaan siyang magpahinga sa haplos ko.

See, dad? This is my love... and he loves me so much.

Totoong marami ng salita ang nabitawan. Masasakit kung tutuusin. Kung ako ang Avery noon, I'll probably take it to heart, run or... turn my back on everyone and shut down. I will be deeply hurt. I still am... pero ngayon, parang nakakakita na ako ng solusyon sa dulo. Kung mali man ang naiisip ko, kung may bagay man sa mundo na walang solusyon... at ito 'yon, pakiramdam ko ay ayos pa rin ako.

As long as we're together, everything will be okay.

"Ayaw mo ako kasabay umuwi?" Bumusangot pa siya.

I scoffed and chuckled.

Pa-baby talaga. Ayan na naman siya.

"Ngayon lang naman. Uuwi ka pa rin naman sa akin. Hihintayin kita."

Nag hintay ako ng susunod niyang pag kontra pero nanahimik lang siya. His eyes were glued to me. It is one of what I noticed from him. That for his every glance, his eyes will linger for seconds, lost in my stare.

Nang makuntento siya sa pag titig. Nag-angat siya ng tingin at sumenyas. Napalinga-linga ako at napansin na nabawasan na ang mga taong nanonood pero mayroon pa rin talagang hindi gusto patinag at pasimpleng sumusulyap sa gawi namin.

"Yeah?" Dinig kong bungad ni Kingston.

"You okay, dude?" Tanong ni Basty.

Tumango lamang si Tob.

"Ihatid niyo si Avery sa condo ni Lopez. Stay there till I get back."

Nag salubong ang dalawang kilay ko.

"Kaya ko na, Tob. At kasama ko ang mga kaibigan ko."

"Mapapanatag lang ako kung kasama mo rin sila. Please." Aniya.

"Sa kanya may please, sa amin wala?" Hirit ni Basty.

Tob stoically glanced at him.

"Aba? Syempre sa amin ka nakikiusap." Hindi pag papatalo ni Basty.

Lumingon ito kay Kingston bago nag kibit-balikat.

"Sige... kung ayaw mo, madali lang naman ako kausap. Edi wag—"

"Please."

"Yun oh! Okay. Will do that." Mabilis na bawi ni Basty.

Tipid na natawa si Tob bago bumaling ulit sa akin.

"I'll come home to you..." aniya, hindi nahihiya sa mga kaibigan.

Isang tipid pero matamis na ngiti ang binitawan ko.

"Hihintayin kita..."

He dipped his head for a short sweet forehead kiss. Sandali akong nagulat pero natanto kong malaki ang pasasalamat ko dahil sa noo lang! I'll probably faint right here if he kisses me on the lips! Nakakahiya!

"See you later, I love you..." bulong ko.

"I love you." Aniya sa normal na boses, hindi nangiming iparinig 'yon sa lahat.

My heart skipped a beat.

Realizing that he is not a bit shy about letting everyone hear his I love you, flutters my heart.

Hindi ko alam kung normal ba ito o sadyang marami pa akong hindi alam at ito lang ay natutuwa na ako pero...

This means a lot to me.

"Ahia..."

Sabay namin tinignan ang kapatid niya. Nakalahad na ang kamay at inaabot ang kuya niya.

"Let's go." Anyaya nito.

Tumango si Tob at tinanggap ang kamay ng kapatid niya.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako uli bago nagpatianod sa kapatid pero sandali lang iyon dahil sa naisip ko.

"Tob!"

Both of them stopped and looked back.

"I love you." Saad ko sa pinaka normal na boses.

Napatikhim si Kingston. Si Basty naman ay mahinang natawa. Dama ko ang pag pipigil nila pero hindi ko na iyon mapagtuunan ng pansin dahil sa kaunting kahihiyan na gumagapang sa akin.

I saw him stifled a smile before looking away again.

"Ingat..." habol ko.

Napaiwas na rin ako ng tingin at nadatnan kong nakatingin sa akin ang mama nila. Sumusunod na siya sa mga anak niyang tumuloy na sa pag lalakad paalis pero nagawa niya pang lumingon sa akin.

Hinihintay ko kung may sasabihin ba siya pero walang dumating.

Hindi ako gumalaw, hinayaan ko lang sila na makalakad palayo hanggang sa umabot sila sa main door kung saan hindi ko na sila makikita kapag nakalabas na.

His mom stopped again and looked properly back at me. At bago pa ako makaisip ng kung ano-anong dahilan...

'Thank you...' she mouthed.

I smiled again and watched their backs vanished from my sight.

"Sa bahay ka uuwi."

Napawi ang ngiti ko sa presensyang nakalapit uli sa akin.

"Dad," hinarap ko siya.

King and Basty moved to go behind me.

"Dadalaw po ako bukas pero hindi po ako uuwi..."

"Sa bahay ka na uuwi at ipakukuha ko ang mga gamit mo. You're staying with the Lopezes right?" Aniya, parang walang naririnig.

Pagod akong huminga ng malalim.

"Dad. I am sorry. Hindi po talaga ako uuwi..."

"At bakit hindi? It's our house. Mas pipiliin mo pang makituloy sa iba?"

My lips parted a bit.

Gulat na gulat ako sa narinig. Ang daming salita ang gustong lumabas ulit at mga salita niya na gusto kong ipaalala. Naninikip na naman ang dibdib ko sa samut-saring emosyon na nararamdaman ko para sa pamilya ko. Bumalik na naman ang mga araw na nasaktan ko sila at nasaktan nila ako.

Marami na ang nag bago pero alam kong magkakasakitan pa rin kami dahil hindi pa siya handang marinig ang mga salitang ito sa akin.

Will he ever be ready?

I badly want to earn his approval again...

I want to appease him.

I want to be my daddy's little girl again.

Malayo ito sa inaasahan ko na pag babalik. I imagined myself running towards my father, telling him I already graduated, hired in a company he will surely be proud of... and tell him...

He can be proud of me again...

Pero iba na ngayon. Ibang-iba na ang lahat.

"Uuwi po ako sa condo ng mga Lopez. I am sorry, dad..."

Bumagsak ang balikat ko at napayuko ako.

"I am still disappointing you till today."

Umiling ako.

"Pero kailangan kong manatili kung saan niya ako babalikan."

I grabbed a part of my skirt to get some strength and clutched it hard.

"I am really sorry..."

Walang tinitignan, lumakad na ako paalis habang nakasunod naman si King at Basty sa akin pero nakakailang hakbang pa lang ako ay nag salita uli si daddy.

"No. Sa tingin mo ba ay hinihiling kong umuwi ka? I am not asking you to go home. I am telling you to go home, Avery Sienna. You will go home with us." Sambit ni dad sa matigas na pananalita.

My feet stopped.

"Umuwi na tayo." Pinal niyang sabi.

Naipikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na siya magawang tignan pa.

Pagod na pagod na ang puso ko.

My heart hurts so bad.

"Archer, get your sister's things from the—"

"How old is your daughter? Five?"

I heard gasps all over. Mistulang nabuhayan muli ang mga tao. Muntik ng sumunod ang puso ko sa pagsinghap dahil pamilyar ang boses na iyon.

"Oh shit..." reaksyon ni Basty sa likuran ko.

"Oh, I am sorry for interrupting. I know it is a family thing but given that you made your issue so public here in this party, I guess I could give a piece of my unsolicited advice. Parang kailangan niyo kasi."

That voice.

Cold. Calm. Silently deafening.

As if... detached from any emotions.

"Criselda." Bati ni dad sa kanya.

"Hi, Richard. Hindi ka pa rin talaga nag babago. Your views. Outlook. Parehong pareho pa rin. And I am not saying that it's a good thing because obviously... it is not."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top