Pahina 43

let go

"Si Criselda Laurel ang dahilan kung bakit may ball na ga'non. Her parents adored her so much that they named that ball after her. The vision of that ball before was for building good connections and relationships between people in the business. It serves a night to enjoy, help and reap the good part of being in the business. Some even find long term friendship and... love there..."

"But, something happened. Walang may alam kung ano. Tinago o hindi kumalat? Walang may alam pero hindi na muling nag attend si Criselda Laurel sa ball ten years ago... hanggang ngayon. She refused her name to be used too, hence... naging Laurel Ball nalamang ito."

Anton's voice echoed inside my head.

This is her...

She's...

Astonishingly... incredibly... very beautiful.

Her skin was flawless, lips perfectly drawn, her eyes are like pearls, gugustuhin mong titigan ng matagal sa ganda, ang kanyang buhok ay naka low bun— adding to her regal look.

"What are you doing here, hija? Hindi mo ba kasama ang parents mo?" Anito.

Napailing ako at tipid na ngumiti.

"I am actually waiting for someone..."

"Hmm?"

Napalingon siya sa akin.

"Dito?" Muli niyang tanong.

Saglit akong natigilan bago tumango.

Napaiwas siya ng tingin. For a bit, tila nawala ang lamig sa ekspresyon niya pero mabilis din iyon nanumbalik. Mapakla siyang ngumiti at tumango.

"Papasok na ako. I hope you enjoy the ball." Her cold monotone voice said.

Tumango ako at pinanood siyang lumakad palayo. Even her steps were calculated and graceful. Sumusunod sa hangin at lakad niya ang gown niya. Tuwid na tuwid ang tayo, parang naka-ensayo ang bawat hakbang. Taas-noo. Hindi abot kamay. Kalmado siya pero ang hangin sa paligid niya ay tila puno ng tensyon.

"Hey..."

I felt a warm hand around my waist. Napaka natural 'non doon. Inikot ako at mabilis na sinalubong ng yakap. Sa kabila ng lamig ng paligid ay agad nilukob ang puso at katawan ko ng mainit na yakap.

Wala sa sarili na napabuntonghininga ako.

"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.

Kumalas siya sa yakap at hinarap ako.

I reassuringly smiled at him. "Oo naman. Nandito ka na 'eh..." lambing ko.

I took a good look at him. Mula ulo hanggang paa. Sanay na sanay naman ako na makita siyang pormal. Tulad ng lagi kong sinasabi, parang ito ang normal na gayak niya, at tuwing naka kaswal siya... iyon naman ang kakaiba para sa akin. Pero hindi ko pa rin mapigilan mamangha tuwing nakikita ko siyang naka postura.

He looks his best wearing his suits. Napakagwapo. Ang sarap titigan ng matagal. Like no matter how many powerful people are here, you will really notice him because of the aura he exudes. Nakakadagdag pa na parang hindi niya alam 'yon. He's just... being himself, not trying hard, pero ang napakalakas niyang tignan.

"You're so beautiful..." manghang sabi niya.

"Huh?"

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya at tila nawawala siya sa kung saan. Nag niningning ang tingin niya, nakaawang ng kaunti ang labi at kaunti nalang ay kukurba na ang ngiti roon.

"Sinabi ko na ba sa'yo na... napakaganda mo?"

Kumunot ng kaunti ang noo ko at natawa ng mahina.

"Sinabi ko na ba sa'yo? Na napaka bolero mo, hmm?"

Napailing siya at tuluyan ng napangiti.

"Oh dear Lord, I am just so in love with you..." tila kapos na kapos niyang sabi at mahigpit na naman akong niyakap.

Wala na...

Natawa nalang ako at madamdamin siyang niyakap pabalik. Humipan ang hangin, tinatangay ng kaunti ang buhok ko. Malamig pero protektado ako ng yakap niya. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya at masayang tinunghayan ang kalangitan.

"I am so in love with you too..." bulong ko.

I felt him kissed my forehead.

"Then it will be my duty for that to remain for always..."

Namuo ang luha sa aking mga mata dahil ngayon na nasa bisig niya ako, dito sa lugar na pamilyar na pamilyar pa rin sa amin, parang nabigyan linaw sa akin ang lahat... na ang akala kong panandaliang atraksyon, ang akala kong panandaliang pagmamahal, ang inasahan kong malilimutan ko ay nandito pa rin... mas mahigpit kumapit, mas malalim mag mahal.

"I have loved you, Tob... even before, kahit noong hindi ko alam kung paano mag mahal, noong mga panahon na tanggap kong malilimutan mo ako at malilimutan din kita, mahal kita..."

"Buti nalang hindi mo ako nakalimutan..."

I scoffed a little. "Buti nalang hindi mo ako sinukuan..."

"Why would I? Kung hindi ko makita ang hinaharap ng hindi ikaw ang kasama ko..."

Natawa ako! "Hah? Imposible! Mr. Cheesy! Girls are lining up for you!"

"I told you, I don't want any girls!" He stubbornly retorted.

Natatawa akong napangisi sa huli! Umahon ako ng kaunti sa pagkakasiksik, just making enough space between us to see his face. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo at nakangusong labi.

Lalo akong napangisi. Pinaningkitan ko siya ng tingin pero natawa ako dahil mas singkit pa rin siya sa akin kahit ga'non!

"Such a big baby..." turan ko.

Kita ko ang mabilis na pag rehistro ng pag-alma sa kanya kaya bago pa siya makapag salita ay tumingkayad na ako at pinatakan ng mabilis na halik ang kanyang labi.

That took him by surprise.

"Let's thank the heavens that they did not let us. Hindi nila ako hinayaan na makalimutan ka. At hindi ka nila hinayaan sumuko."

"Never." Iling niya at muling dumukwang para bigyan ako ng malalim at mainit na halik.

I chuckled when his lips brushed mine.

Hindi ko siya magawang seryosohin dahil sa saya ngayon kaya mas lalo niya akong hinapit at mas nilaliman pa ang halik. Bahagya niya pang kinagat ang aking labi! Mas lalo akong nangiti at pinalo ang kanyang braso.

"That's painful!" Reklamo ko.

Ang gwapo niyang mukha ay mas lalong naging maloko at pilyo!

"Oh I am sorry, let me kiss it more then, hmm?"

"Tob! You have no remorse!"

Natatawa niya akong tinignan.

"Remorse? For kissing you? No way..."

Muli niya akong hinalikan ng matamis.

"Pero paano nga kaya kung... nakalimutan kita? Nakamove on ako? At ga'non ka rin? Kung sinukuan mo ako? Nasaan na kaya tayo ngayon..."

Umiling siya. "I will be at my office. Working. Galit sa lahat."

"Or... you'll find someone that you'll fall in love with," suhestyon ko.

Napawi ang ngiti niya. "That won't happen."

Nakakakonsensya man dahil alam kong nagiging seryoso na naman siya at alam kong ayaw niyang ginagawang biro ang tungkol sa usapin na ito ay hindi ko pa rin napigilan na matawa ng kaunti— making him angrier.

"Pwede naman 'yon ha. It's just a theoretical suggestion. At sumuko ka na nga 'non kaya tama lang na makahanap ka ng iba."

"Even in the most theoretical situation, hindi 'yon mangyayari. I'll probably end up alone in this lifetime, waiting for the next so I could try with you again."

Nabitin ang lahat ng sasabihin ko sa sinabi niya. Natunaw ang lahat ng yelo sa puso ko kung may natitira pa ba. Simula naman ata noong nakita ko siya uli, wala na naman natira sa akin, natunaw at nalusaw ako ulit para sa kanya, pinupuno ang bawat sulok ng puso ko... ng pagmamahal para sa kanya.

"You? Sa tingin mo... nasaan ka ngayon. Perhaps still in Camiguin?" Tanong niya.

Tumango ako. "I probably won't be back here because I will be so scared to see you. Takot dahil alam ko, kahit makombinse ko ang sarili ko na nakalimutan na kita..."

Pakiramdam ko sa bawat katagang sinasabi ko at sa bawat pakikinig niya ay palambot ng palambot ang tinginan namin. Na parang kami lang ang naririto, hawak namin ang lahat ng oras, at... wala kaming hinahabol dalawa.

And I realized... na basta siya ang kasama ko, wala siyang kakompetensya, all else fails tremendously against him...

"... the moment I see you again... my heart will come back running towards you. And if you have someone else by then. I will end up an old maid. Waiting till this lifetime ends. Rushing to the next. Umaasa na baka pwede na tayo roon..."

Tanda-tanda ko na itong ito ang iniisip ko noon.

Sa ilalim ng lilim ng puno. Sa gitna ng malawak na lupain sa Camiguin. Sa harap ng pababang araw. Umiiyak araw-araw ang puso ko sa pag subok na tanggapin na wala ng pag-asa ang pagmamahal ko sa kanya. Sinusubukan tanggapin na sa susunod na pagkakataon, kung may buhay man pagkatapos, baka pwede na kami.

Pero ito ako ngayon, nasa bisig niya, nagagawang sabihin sa kanya ang lahat ng 'to...

The irony of things... are somewhat beautiful...

His stare fell deeper and softer.

Bahagya niya ulit nilapit ang ulo niya sa akin, stopping just an inch away, brushing the tip of our noses together. Sumabay ang pag haplos sa puso ko at ang pag init lalo ng mga mata ko.

I love this man so much...

"But that won't happen because I am so madly, hopelessly, knees-bended... in love with you, Avery." He breathed.

He smiled sweetly and I smiled back.

Parang kinukurot ang puso ko.

"And I will do my best to give you the love that you deserve. Not just because you deserve it, but... because... I don't want anything else in this world but to have all the time and chances to love you."

Masyado ko na siyang pinahirapan at ang tanging gusto ko nalang ay ibuhos ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.

"I will buy you all the time, baby... all the chances... so I could be loved by you." He weakly whispered.

"I love you..." matatag kong sabi, tumitingkayad para mayakap siya.

He welcomed me in his embrace. Sinasakop ang lahat ng distansya. Nanatili kaming ga'non ng ilang minuto pa, hindi iniisip ang lahat ng tao na paniguradong nasa bulwagan na.

Ninamnam namin ang oras ng magkasama at magkayakap.

Pagkatapos namin makontento ay pumasok na kami sa loob. Noong una ay ayaw niyang humiwalay sa akin. Halos nakasunod siya. Kung hindi nakahawak sa kamay ko ay nasa likuran ko naman. Kahit noong bumati kami sa mga kaibigan niya ay ga'non pa rin.

At first it was cute.

Lalo na at nakakatulong iyon na walang lumalapit sa akin na kakilala kahit na alam kong marami ang nagugulat at nagtataka kung bakit nandito ako ngayon, bakit ngayon lang ako nag pakita, anong nangyari sa akin, bakit ako bumagsak, anong ginagawa ko ngayon at kung ano-ano pa. Their reactions say it all. Pero mukhang dahil sa aura nitong guwardya ko ay walang nag lakas loob na lumapit.

Pero kalaunan, noong nakikita ko na abala ang mga kaibigan niya sa pakikipag-usap sa mga iba't ibang tao ay nakonsensya na ako. Nagpapagod sila habang kami ay nakaupo sa kung saan ang pwesto namin at ang atensyon niya ay nasa akin lang. Kaya naman pinilit ko siyang iwan na muna ako at tulungan ang mga kaibigan niya.

It was a long battle of persuasion but I still won!

How?

Tinakot ko pa siya na hindi siya ang mag hahatid sa akin sa condo kung hindi siya mag aayos.

Mabuti nalang at mukhang importante sa kanya na siya ang mag hahatid sa akin, or else... hindi ko na alam!

Luminga-linga ako sa paligid, sinusubukan hanapin ang pamilya ko. I have never seen them, kahit bakas nila ay wala talaga, ga'non din ang pamilya ni Tob. Parang... wala lahat ng mga pinaghandaan ko.

I can understand Tob's family. Pagkatapos ng mga nangyari sa mga negosyo nila? Kung ako ay mag papahinga muna rin ako. Pero sina kuya? It is a surprise na wala sila ngayon dito. The family's business is striving than ever, successful and at the top. Kaya nakakapagtaka talaga...

Sabagay, hindi ko rin magagawang lumapit sa kanila kung sakali. Mainam na siguro na ganito na muna.

Nang wala talagang makita na pamilyar na mukha ay tumayo na ako at lumakad papunta sa dessert table. Kumuha ako ng brownies at isang cupcake.

Oh no... kamusta kaya si Koa? May ibang pastry naman pero...

"Eherm..."

Nahigop ako mula sa malalim kong iniisip.

I glanced on the young girl getting cupcakes beside me.

Nakatirintas ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang mukha niya. Singkit ang kanyang mga mata at mapula-pula ang pisngi. It was like her cheeks were already rosy but then her blush on made it more pinkish.

At hindi lang iyon, pamilyar pa siya sa akin...

Hindi ako pwedeng magkamali. I spent a lot of time visiting Tob before in his office, noong nasa Lim pa siya, at napakalaki ng picture frame ng pamilya niya na nakasabit sa dingding para makaligtaan ko ang mukha ng mga kapatid niya.

"Are you with my brother?" Tanong niya gamit ang masungit na tono.

I smiled a bit. "Hi... yes."

Naibaba ko ng kaunti ang platito na hawak ko. Pinanood ko siya habang siya ay hindi makatingin sa akin.

So... nandito ang pamilya ni Tob...

"Please tell him to talk to me. May importante akong sasabihin sa kanya. He hasn't been home for a long time now because of you. So please. Help me convince him to at least talk to me."

My arm down to my hands felt numb.

The way she said it. Napaka simple. Her eyes didn't shot a glare on me nor her eyebrows arched... and I don't think she was intentionally hurting me through her words but...

"Oh... okay, I will..." that almost came out as a whisper.

Humugot siya ng malalim na hininga at pahalang na hinarap ako. Iniiwas pa rin ang tingin sa akin pero mas kita ko na ngayon ang agam-agam sa mga mata niya.

"You're really pretty. No wonder my ahia is crazy over you." Malamig niyang sabi.

Napayuko ako. Parang nilalamukos ang puso ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman o isipin.

Galit ba siya sa akin o ano? Probably yes, galit siya, she blames me why Tob hasn't been home for quite some time now. Hindi ko siya masisisi roon. I understand her. Sa mga mata niya, ako ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang pamilya niya. Na... totoo rin naman. I totally get why she's probably mad at me. But then, pinupuri niya ako?

"I hope to hear from ahia tomorrow. Please tell him."

"Y-yes... I will. I am sorry..."

Mariin akong napapikit at malungkot na napabuntonghininga.

"I'll go ahead."

Narinig ko ang mabilis na yapak ng kanyang takong. Doon lamang ako nakahinga ng maayos. Kinikilabutan pa rin sa pag-uusap at nanghihina sa konsensya.

"I am really... sorry." Bulong ko sa hangin nang imulat ko ang mga mata ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa platito na binaba ko sa lamesa kanina at inangat na iyon para makabalik na sa lamesa namin nang makarinig ako ng pag singhap at tili.

Hinanap ng mga mata ko ang komusyon at napaawang ang aking labi nang agad makita si Tob. Halatang halata na hindi siya basta nakikinuod doon, siya ang sentro ng komusyon. His tall physique confirmed that. Pinapalibutan sila ng mga tao.

They were not crowding Tob and... his family, kaya kita ko pa rin sila rito pero kaunti nalang ay masasara na ang mga espasyo sa kumpulan.

"Yichen!" Marahas na sigaw ng kanyang Angkong.

Nanlaki ang mga mata ko at agaran na binaba ang platito sa lamesa. My eyes searched Tobias' face pero tanging galit lamang ang nakikita ko roon. His brows were furrowed, jaw clenching and his eyes were glaring towards his Angkong.

Oh no... no... no-no...

"Go home!"

"I won't go home, Angkong. I am sorry. But... my decision is final. It has been long final. The moment I left the house... I have already decided." Bakas ang galit sa tono niya pero hindi siya nag taas ng boses.

Halos mapatid ang litid ng lolo niya. Galit na galit. Magkaharap silang dalawa. Both were equally tall. Both were equally angry. Both were equally determined. May hawak na tungkod ang kanyang Angkong. He was wearing maroon suit too. Kung titignan ay malaki ang pagkakahawig nila ni Tobias. They both looked intimidating, powerful and strong.

Nasa likuran ng Angkong niya ang ilang miyembro pa ng pamilya nila. His mom and dad were there too, trying to appease their Angkong.

His aunties and uncles were looking at him... with so much... disappointment. Nag-uusap ang ilan sa kanila pero kay Tob pa rin nakatingin, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin o gagawin. Ang mga nanunuod naman ay halatang pinag-uusapan ang nangyayaring komusyon.

Nahulog ang puso ko sa nakita.

His family...

He is standing against his family...

At mukhang hindi na maganda ang nangyayari.

Dumako muli ang tingin ko kay Tob at napansin na nasa likuran niya ang kapatid niyang babae.

"Come here Aurora! Your ahia is a disgrace!" His Angkong spat!

Napahakbang ako ng isa papunta sa kanila, nais sana na... mapigilan ang away pero... may nag sasabi sa akin na mas magkakagulo kapag nakita nila ako.

"Ibinigay ko sa'yo ang lahat! I have been preparing you all those years! Para ikaw ang mag mamana ng mga negosyo! I gave you your name! Your privileges! Your opportunities! Lahat-lahat! And this is how you will repay me?! You ingrate!"

Napasapo ako sa aking dibdib.

I can feel it...

My conscience was creeping inside me. Wanting to decide for us again. Wanting to choose the easy path for him. Wanting to run away... so that I won't be blocking his way.

Kagustuhan na... maibalik sa kanya ang lahat dahil hindi naman ito dapat nangyayari sa kanya... pero...

My love for him and my promises were fighting it...

"Tama si papa, Yichen. Pinabayaan mo ang mga negosyo. Our businesses are experiencing such heavy losses now and here you are? Representing a business that isn't ours. Kasama ang hindi pamilya. How disappointing could you get?" Ani ng isang uncle niya.

"This business is mine and my friends'. If you can't all be happy with our success then I have nothing to say but I am sorry—"

"Bastos kang bata ka—"

"Angkong, please, hear Ahia out! He has good intentions. He only wants—"

"Aurora! Natututo ka na rin bang sumuway tulad ng ahia mo?!" His Angkong roared.

Nahihirapan man, mabilis na humakbang ang Angkong nila palapit sa kanila para hablutin sa braso ang nakakabata niyang kapatid. Mabilis na nanlaban ang kapatid niya, ayaw umalis sa likuran ni Tob. She clutched on her brother's suit. Nalukot ang mukha nito at namula lalo ang mukha. Her eyes brimmed with tears, she shook her head so hard as she tried to pull away.

"No Angkong, please! Listen!" Anito.

"Angkong! You're hurting her!"

Sinubukan takpan ni Tobias si Aurora pero pilit siyang kinukuha ng Angkong nila. I know Tobias' respect for them is still there, hindi niya hinawakan ang lolo niya para hindi ito masaktan, instead... he blocked his sister using his body.

Tobias' mom and dad immediately went to them para tumulong sa pag-awat. Ako man ay nagpatangay na sa sariling mga paa at pag-aalala. Mabilis ang mga yapak ko papunta roon at habang palapit ako ay nakita ko ang mabilis na pag-igkas ng kamay ng Ankong nila.

Itinaas nito ang tungkod at nag badya na tatama kay Tobias! Hindi ko alam kung anong naisip ko o kung nag-isip ba ako pero mabilis kong hinarang ang katawan ko kay Tob. Ang akala ko ay magugulat pa ako o matitigilan muna, I was bracing for the shock but pain just flowed throughout my body. Nag simula sa may balikat ko kung saan tumama, pababa hanggang sa likuran ng mga hita ko ang sakit.

I was facing Tob and my back was against his family. Nalukot ang mukha ko sa sakit. Mariin akong napapikit at nangatog ang binti ko. I bit my lip so hard but a grunt still made its way out of my lips. Hindi na umabot ang panlalaban ko kung kaya't unti-unti akong napaluhod.

Hindi ko na marinig ang reaksyon ng mga tao, parang nabingi ako sa nangyari. Tila may nakaharang sa tainga ko. My eyes were shut. I can feel a strong embrace helping me to stand up but... my feet were just so jelly I couldn't stand. Napabuga ako ng hangin nang maramdaman na tumama ang tuhod ko sa sahig, I was softly aided to sit on the floor while Tob was trying to talk to me.

"Come on..." iyon lamang ang narinig ko sa pilit niyang sinasabi sa akin.

I tried opening my eyes but my tears started forming again, blurring my view of him.

"A-are you... okay?" Nagawa kong tanungin siya habang sinusubukan kong makita siya ng maayos.

"Fuck..." I head him cuss as he tried caressing my right cheek.

"Baby... listen..." I tried reading his words through his lips but I couldn't make something out from it...

"Yichen!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig muli ang marahas na sigaw ng kanilang Angkong.

I can hear murmurs again, pati ang pagtatalo ng pamilya niya sa likuran. Mas lumakas ang ingay at pag-uusap. Nag halo-halo na kung kaya't mas lalo akong walang naintindihan.

"Umuwi ka na sa bahay at mag-uusap tayo—"

Sinubukan na naman ng Angkong nila na lumapit, narinig ko ang mga yapak niya sa likuran at muli akong napapikit, natatakot na umigkas na naman ang tungkod niya at hindi ko na maprotektahan si Tob. Hindi ko kayang masaktan siya sa harapan ko.

But an embrace enveloped me. His scent filled me. His comfort protected me. Tinago niya ako sa lahat ng tao gamit ang kanyang yakap. And right there and then, I knew, na kahit may umigkas man ay hinding-hindi ako tatamaan.

Umangat ang kamay ko. I clutched on his body. I let my tears fell, hurting for him...

Hindi na para sa akin kung hindi para sa pamilya niya at sa kanya.

"I am really sorry..." I whimpered a bit from my tears.

"Shh..." aniya at niyakap lamang ako ng mahigpit. "I love you, I am sorry..." garalgal ang kanyang boses.

Naramdaman ko ang marahas na paghablot sa kanya. Pilit na inaangat siya at kinukuha mula sa akin. But he wouldn't budge. Parang naka dikit na siya sa akin at walang kahit anong lakas ang makakahila sa kanya at makakapag hiwalay sa amin.

Then I felt hands holding my arm too, pulling me away from him. Niyuyugyog ako nito para kumalas ang yakap ko kay Tob. Like an involuntary decision, I clutched on his body harder, hugging him more, not wanting to be pulled away. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

I held onto him like I have never held onto someone before.

"You're hurting... I am sorry... let go if it's too painful... I'll get you..." bulong niya sa gitna ng mahigpit na yakap.

My heart hurt so much.

Umiling ako. "No... I... won't l-let go..." I whispered as I weeped hard.

"I am getting my daughter out of this! How dare you hurt her! I'll see you in court!"

Nagising ako sa narinig na boses!

"I'll definitely see you in court! After what your son did to our businesses, you think I will let your family get away from it?!" Pinantayan ng Angkong nila ang galit ng boses na iyon.

"Then wait for your businesses to grovel. Dahil sa ginawa niyong ito, I wouldn't even let my son do anything, I will destroy you myself..."

"Dad..." bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top