Pahina 41
All of me
"Serah, please... I am okay. Hihintayin ko nalang si Tob, please rest, overtime ka na nga inaatupag mo pa ako," ani ko kay Serah para makapag pahinga na siya.
She keeps on coming back every half an hour to check on me. Dalawang oras na ang nakalipas simula nang makarating ako at nag message na si Tob na patapos na sila.
Napahawak siya sa kanyang noo at bahagyang natawa.
"Okay po. Pasensya na po. Binilin po kasi kayo at nag aalala po ako sa inyo baka mabore po kayo rito. May gusto pa po ba kayo? Cookies? Refill ng iced tea po?"
She has a very pretty smile. Warm and genuine. She has Filipino-Spanish features.
She's wearing a plain beige chiffon long sleeves paired with black slacks and black stilettos. At para pa rin walang ka make-up make-up ang mukha niya.
"I am okay, no worries. Thank you. Kakain din kami pagkatapos kaya rest assured na ayos lang ako. I appreciate your concern but you can rest now."
She pursed her lips and smiled again, warmer.
"Ngayon, alam ko na po kung bakit kumakalma si Sir Tob kapag nakakausap kayo. Nakakatakot po kasi siya eh, lalo na kapag may nangyayaring aberya, pero napansin ko po kapag po ga'non at tatawag kayo, imbes na pagalitan kami o kung sino man pong nagkamali, mag kukulong lang po siya sa opisina at mag lalabas ng sulat kung paano masosolusyonan ang problema."
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sa pagiging open sa akin ni Tob ay na ke-kwento na niya sa akin kapag nase-stress siya at kapag naiinis siya o nadisappoint siya. And he won't get shy to ask me if he can call, then he will talk to me about anything random, mga ilang minuto rin ang itatagal 'non hanggang sa mawala sa isip niya ang nararamdaman niya.
Nasisiyahan ako na malaman na nakakatulong ako sa kanya sa ga'nong paraan. To be with him through ups and downs is a dream I am willing to fulfill.
"No, he's really just such a baby sometimes." Natatawa kong sabi.
Bahagya rin siyang natawa. "Baby niyo po. Kay Ms. Avery lang po kakalampag si Sir Tob."
Mas lalo akong natawa. Chuckling, I covered my mouth when she snorted in the middle of her laughter with me.
Cute!
"Ay! Sorry po!" Aniya at natawa muli, sa gitna 'non ay muli siyang gumawa ng nakakatawang tunog.
"Serah, you're really cute and funny!" Natatawa kong sabi.
Napahawak siya sa kanyang batok at pailing-iling na natawa.
"Masaya po ako na na-entertain ko po kayo."
Tumango ako. "You're good at entertaining people. Thank you." Saad ko, nakangiti pa rin.
"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko bilang sekretarya." Magalang niyang sabi.
Sa gitna ng kanyang ngiti, a glimpse of an emotion I saw earlier from her when she was arguing with Sebastian flickered. Natigilan ako at naalala rin iyon.
"Nakakalimutan mo bang sekretarya ka lang, Serah? Hindi purkit mabait si Rakesh sa'yo ay mawawalan ka rin ng galang sa akin."
"Serah," Pag kuha ko sa kanyang atensyon.
"Hmm? Yes po? May maitutulong pa po ba ako?"
Her bare lips innocently smiled, mukhang sinusubukan niyang alisin ang dumaan sa kanyang isipin.
"Don't let what Sebastian said get into you. For sure, nasabi niya lang iyon dahil sa pressure. At wag mo rin isipin na sinasabi ko 'to dahil pinagtatanggol ko siya. You have all the right to get mad, I understand what he said was below the belt. Pero sana ay 'wag mong isipin na sekretarya ka lang..." Saad ko, binibigyan diin ang salitang sekretarya.
"Walang lang sa trabaho mo. They can conveniently function because of you and that's what makes you important. And respect goes both ways. You have to respect him. He has to respect you too."
Ilang akong napangiti at gusto kong pagalitan ang sarili ko sa pakikielam. Hay, Avery! Can't really help but to pry on other's business, huh? Tatawanan na naman ako ni Tob nito kapag ni-kwento ko.
Kita ko ang gulat sa kanyang ekspresyon. Napalinga-linga siya sa paligid at ilang beses napatikhim bago umatras, hudyat na nag iisip na siya mag paalam.
"Maraming salamat po, Ms. Avery. Na-appreciate ko po. I'll ponder on that. Thank you for being so kind. Naka jackpot po sa inyo si Sir Tob! Ha-ha!"
Naiilang siyang umatras at hinawakan ang seradura mula sa kanyang likuran.
"Mauna na muna po ako. Balikan ko po kayo kapag hindi pa po natapos sina Sir."
I sweetly smiled and nodded.
"Thank you, Serah. Please rest."
Still smiling awkwardly, tumango siya bago sinara ang pintuan.
Napabuntonghininga ako bago tumayo at tinungo ang nakalatag na coat and tie sa ibabaw ng sofa. Luminga-linga ako sa paligid at naalala ang napansin ko kanina pa. His office is huge... huge-huge, but his office back from his family's building is double this.
Hindi mapigilan ng konsensya ko ang kumatok. I know it's irrelevant already, ilang beses na rin akong nasigurado ni Tob na ayos na ang lahat pero... tuwing nakikita ko ang mga pag babago sa kanya mula sa iniwan niyang buhay, napapaisip ako kung sapat ba ako sa lahat ng iyon.
Avery, you're better now, don't let this get into you. Tobias is fine. Better. Happy. Iyon ang sabi niya at alam kong naniniwala ka roon.
I grabbed his coat and checked it. Hmm, maroon. I remember him wearing something similar to this before. Bagay niya ang ganitong kulay, mas lumilitaw ang pagka-tsinito niya.
Kung mangyayari ang plano ko, kailangan itong makonsidera.
"Please, Tob! Compel Serah to forgive me!"
Bumukas ang pintuan at niluwa 'non ang tatlong magkakaibigan, Tob, Sebastian and Rakesh. Sunod-sunond silang pumasok. Nauna si Tob na agad hinanap ako, nanatili akong nakatayo at nakahawak sa kanyang tux. Nakasunod sa kanya si Sebastian na mukhang magwawala na kung hindi mapapagbigyan. Rakesh on the other hand looked so bored.
"What do you think of Tob? Damon Salvatore?" Rakesh scoffed.
"And you watch that?" Sebastian snapped back at Rakesh.
Bahagya kong nababa ang hawak ko pero nakahawak pa rin ako roon. Naguguluhan ko silang tinignan. Hindi sila pinansin ni Tob at dumiretso sa akin para yakapin ako. Nangingiti na ito nang makalapit sa akin kaya napangiti rin ako.
Isang marahan na halik ang dumampi sa aking noo.
"I am sorry for making you wait so long, I am really sorry, baby..." mahina niyang bulong.
It warmed my heart. Wala naman siyang kailangan ipangamba dahil wala lang ito sa akin palagi at hindi naman palagi.
"No problem, love. Serah made sure I am very well attended." Masuyo kong sabi.
"Hmm..." napaisip siya at kita ko ang pag laro ng ngisi sa kanyang labi.
"Serah, huh? Ikwento mo sa akin ang nangyari kanina? Nandoon ka raw?"
Kumunot ang noo ko kahit na naintindihan ko naman agad ang sinabi niya.
"Tsismoso!" Paratang ko.
Napaamang siya pero bakas ang pagkamangha sa kanya.
"What? I am just asking!" Depensa niya.
"Nakiki-tsismis ka tungkol sa kanila!"
"I am not, tinatanong ko lang ang nangyari—"
"Man! Notice me! As I was saying, utusan mo siya na patawarin ako. Hindi nakikinig sa akin ang babaeng 'yon. Rakesh will never do it for me. So you're my only chance!"
Halos mapapitlag ako sa bilis ng galaw ni Sebastian. Kanina lang ay nasa may pinto siya, ngayon ay nasa tabi na namin. He was pleading Tob and I find it so funny.
"And what made you think na makikinig siya sa akin?" Balik na tanong ni Tob.
"Because everybody is scared of you, pare." Ngising sabi ni Sebastian.
"Oh please," Tob rolled his eyes and hugged me again!
Sinubukan ko siya itulak dahil nasa harapan kami ng dalawang kaibigan niya at nahihiya ako pero para siyang bato dahil hindi siya nagpapatulak! He won't just budge! Naririnig ko pa ang mahina niyang pag tawa. Hindi ko alam saan siya natutuwa, kung sa kaibigan niya ba o sa amin.
"Basty, forgiveness is earned." Singit uli ni Rakesh.
"Mahirap mag earn sa babaeng 'yon. Pag kinausap ko 'yon, mata ko lang ang walang latay!"
"That's because you always know how to be on her bad side." Kalmadong paliwanag ni Rakesh.
"I don't! Siya ang nag lalagay sa akin doon!"
"Just say sorry kung mahalaga talaga ang kapatawaran niya. Stop making this so hard for yourself. Eh kung nag sorry ka nalang?"
"Bakit siya ba nag sorry sa akin? Kung kausapin niya ako parang di ako boss, hah?"
Humalukipkip pa si Sebastian.
"Eh kung ga'non naman pala, edi hayaan mo na. What's the big deal ba? You're affected?"
Kung iisipin, parang nanunukso ang tanong ni Rakesh pero dahil sa pagkakasabi nito na seryosong-seryoso ay nawala iyon sa isip ko.
"Let's go home?" Bulong ng lalaking nakayakap sa akin ng mahigpit.
"But your friends..." bulong ko, sinusubukan pa rin makinig.
"Me? Affected?" Sebastian scoffed and denied so hard I almost believed him.
Humilig si Rakesh sa gilid ng pintuan at malawak na ngumisi. Tumaas ang kanyang kilay, nakahalukipkip pa rin, hinuhusgahan sa tingin ang kaibigan.
"Hayaan mo na sila, uuwi rin ang mga bata..." bulong ni Tob.
Bahagya akong napahagikgik kaya mabilis kong tinago ang kalahating ibaba ng mukha ko, ayaw maistorbo ang kanilang pag-uusap.
"Dude. Ako? Hell no! Wala akong pakielam doon! May pakielam ako sa kung papayag pa ba siyang maging sekretarya ko pag may urgent. Alam mo naman na mabilis siya!"
Rakesh shrugged, laughing.
"Then that's your problem."
Umahon siya mula sa pagkakahilig at muling binuksan ang pintuan.
"Gotta go, brothers. Hindi tulad ni Basty, may mga kailangan pa akong tapusin..." nanunuya niyang sabi.
"Ano?! Hindi mo ako tutulungan?!" Alma ni Basty.
"Bakit hindi mo nalang siya kantahan ulit ng Ere?" Huling sabi ni Rakesh bago lumabas ng pintuan.
"What?! I didn't sing her that! Kayong lahat ang kinantahan ko 'non! Tangina sandali!"
Mabilis humabol si Sebastian sa kanya pero bago tuluyan makalabas ay nagawa pa kaming harapin.
"Bro! Help me, okay? I am counting on you! See you tomorrow!"
And from that, naiwan na kaming dalawa mag-isa.
Narinig ko ang buntonghininga ni Tob kaya bahagya akong lumayo sa kanya para makita ang mukha niya. Malayong-malayo sa ekspresyon niya, nakangiti ko siyang sinalubong.
"What's the problem?" Tanong ko.
"Napagod ako... gusto ko nalang mag pahinga buong gabi kasama ka, then tomorrow I will rest with you too. We will have our movie date tomorrow, right? Agad kami matatapos bukas, sunduin nalang kita sa condo."
Still smiling, my brows furrowed a little.
Nag hanap ang mga mata ko ng kung anong magpapakawala ng totoong saloobin niya rito. I tried cracking his emotions through his eyes, pero wala akong makita roon. He was just looking at me tiredly but... relieved as well.
He has this all planned out.
"Itong..."
Bumaba ang tingin ko sa tux na nasa braso ko pa rin, nakagitna sa amin. Sumunod ang paningin niya roon.
"Oh that. I just—"
"Please, Tob. Don't lie." Pigil ko sa kanya akmang nag-iisip siya ng idadahilan.
Masakit akong umiling.
"Hindi na kita patatapusin dahil ayoko na mag sinungaling ka. We told each other no lies and I won't let this destroy that. Alam ko kung para saan ito. You can't hide something like this from me... ang mga kaibigan ko... ako... pareho lang tayo ng mundong ginagalawan..."
"Ave..."
Umiling siya.
"I can't risk you hurting. Ilalayo kita sa mundong ginagalawan natin hanggang kaya ko..." his voice trembled.
"Hanggang kailan 'yon? Kapag kinain na ako ng konsensya ko?"
Bumakas ang takot sa mga mata niya.
"I am not mad." I assured him.
I want to talk maturely with him, bagay na hindi ko nagawa sa kanya noon.
"It's just..." I frustratingly sighed. "... I don't want you always compromising while you don't even let me do my part in this relationship..."
"Just be with me... hayaan mo na ako sa iba."
He reaching for my hand almost begging pero winaksi ko ang kamay niya ng kaunti.
I can't let him touch me right now. Hindi sa tuwing mahahawakan niya ako ay nagiging alipin ako ng pagmamahal ko sa kanya. Kung saan matutunaw na naman ako ng titig at mga salita niya.
I need to be firm.
"Tingin mo magagawa ko iyon? Kailangan ka ng mga kaibigan mo, Tob. And I understand that dahil kung ako ay kakailanganin din kita roon." Pagpapaliwanag ko.
Muli niya akong inabot pero ngayon ay humakbang na ako paatras, mas lumayo sa kanya.
Kitang kita ko ang gulat at mabagal na pag daan ng sakit sa mga mata niya.
My heart hurt a bit.
But I must stay firm. We need to have this uncomfortable conversation if we want to make this work.
"Kaya na nila 'yon. Sebastian will lead. He will do just fine. At nandoon sina King. My friends are good and capable, I won't risk with them if not."
He extended his arm again.
"Come on, baby... let me... touch you..."
Umiling ako at hindi ko napigilan ang mapabuga ng hangin ng kaunti.
Funny that he says they can do it just fine, that Sebastian will lead, habang ang taong binabanggit niya ay kanina lang hindi alam ang gagawin kung paano siya makukumbinse sumama.
"Then be with them. Binuo niyo ito ng magkakasama kaya bakit mo sila iiwan? Narinig ko sa mga kaibigan ko na importanteng party ito. Even Anton persuaded Koa to go with him. I think... I really believe that you should come with your friends, Tob."
Mabagal siyang umiling, nanlalambot pa rin ang paningin sa akin.
"How abour our date?"
Halos mapahilamos ako sa aking mukha sa narinig ko mula sa kanya!
Is he seriously bringing up a date here?!
Namintig ang tainga ko at kumabog ng malakas ang puso ko, hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa iritasyon!
Oh gosh! This man!
"We can have that the day after the party." Pagkakalma ko sa aking sarili.
"Why not tomorrow night? Kaya ko naman. Pwede naman." Panunuyo niya.
He tried reaching again pero pumirmi ako ng tayo at matalim siyang tinignan. That made him stop and gulp.
"Bakit ba ayaw mo pumunta? Tungkol pa ba ito sa paniniwala mo na isang rason ng pag hihiwalay natin noon ay ang pagiging abala mo sa trabaho? Or, is it because of our family? Dahil nandoon silang lahat? Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ayos ang lahat? Dahil ngayon ay mas lumala pa dahil sa ginawa ni Kuya Archer na pang gugulo sa mga negosyo niyo?" Tuloy-tuloy kong tanong.
Finally I said it. Kanina pa ito bumabagabag sa akin. Iba't ibang senaryo na ang dumaan sa isip ko. Iba't ibang paraan, iba't ibang dahilan at pare-pareho lang ang kinalalabasan, iyon ay ayaw niyang pumunta dahil sa mga pamilya namin.
"So what if yes? Is it wrong for me to protect you? You are my girlfriend. I want to protect you. I won't let anything separate us again. Kahit tyansa ay hindi ko ibibigay sa kanila para sirain tayo. We're just starting again. You are doing so well again. We're building us again. Hindi ko hahayaan na may makagulo 'non."
He chuckled without humor.
"No one can mess with you. Dahil kung mayroon man. They won't even last a day. I can burn everything they have worked for in the ground. The only thing that's stopping me is my remaining respect. Pero wala na akong isasagad pa. So I am giving them the chance to have the party all to themselves. This is me having mercy on them, baby..."
His eyes flashed unfaltering determination. It was caring and lovingly staring at me but covered with resolve. Na kahit ako o ang pakikiusap ko ay hindi matitibag 'yon.
"Sa tingin mo ba ay hindi ko kaya? That I will just break again?" My voice is was soft, unsure of my own question.
Marahan siyang umiling.
"Alam ko kaya mo na. Pero ako hindi ko kaya. If I hear someone from our families talking about you, talking bad behind your back or even talking to you rudely... ako ang may hindi kaya. I will break for sure... for you... but I will break them too."
He gasped and bit his lower lip. He shut his eyes closed and shook his head.
The pain in my heart scattered so fast I almost thought I will choke.
Muli niyang binuksan ang mga mata niya.
"At alam kong hindi mo sila kayang makitang masaktan. You'll hurt if somebody got hurt. Then I will break if I see you hurt. Kaya hindi nalang ako pupunta. See? I am sparing everybody of pain. I am doing them a favor. Kaya... mag date nalang tayo..."
Sinubukan niyang maging matatag ang boses niya pero alam kong nanghihina na siya. Ga'non din ako. Patunay ang mahigpit na hawak ng kung anong mainit na bagay sa puso ko. I wanted to cry, I feel like crying but... my heart has been in so much rest, calmness and solitude that I can't even shed a tear right now.
I am just overwhelmingly grateful of the immense love I have been receiving from him.
Mapait akong napangiti at napabuntonghininga. Mainit ang mga mata ko pero matatag pa rin ang mga luha ko. Sinubukan niya ako ulit abutin at hawakan peeo ngayon ay nagpaubaya na ako. I let him touch me, reach for my elbow and gradually pull me towards him again.
Ginhawa ang bumalot sa ekspresyon niya. Mas napangiti ako nang makita iyon.
"I... I'll come with you..." Lakas loob kong alok.
Nakuha ko ang atensyon niya.
"What? No..." hindi makapaniwala niyang sabi.
"Alam ko na lagi nalang akong nag tatago. And yes, I am not yet successful, may masasabi at masasabi pa rin. Alam ko rin na hindi ako magiging Chinese. Kaya ngayon man, sa susunod na taon o sa mga susunod pa, may sasabihin pa rin sila. But now, I want to be with you. I want to be present at every step of the way as you walk towards another success again..."
Nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"I am okay now, Tob. I am stronger. I want to do this with you. Walang kahit ano man na sasabihin nila ang makakatibag sa akin at sa desisyon kong piliin ka araw-araw. The only way to get through me is when it comes from you. Kung hindi rin ikaw ang nag sabi, hindi ako masasaktan. And I know you won't hurt me. Kaya alam kong magiging maayos ako. Hayaan mong patunayan ko 'yon sayo."
My lips felt so dry after I smiled.
Inangat ko ang kamay ko at inabot ang kaliwang pisngi niya para marahang haplusin. Parang ako pa ang matutunaw nang magawa ko iyon. Lumawak ang ngiti ko nang yumuko pa siya at pumikit para mas lalong madama ang paghaplos ko. Like a puppy asking for more caress.
Kumalma ang puso ko sa kaguluhan kanina pero ngayon ay mukhang mahihimatay na naman ito.
He carefully opened his eyes.
"Hmm?" Malambing kong tanong para makumbinse siya.
"You can't get hurt... without my permission..." he declared breathlessly.
Which means... never. Hinding hindi niya ako papayagan masaktan. Sa buhay man na ito o sa iba, kung mayroon man.
I smiled and nodded.
"I won't get hurt without your permission..." pag-uulit ko.
"You'll stick with me at all times, hindi ka maaalis sa paningin ko."
Tumango ako ulit.
"I will be a gum to Tobias Lim." Pag kompirma ko.
Bumusangot siya pero natawa lang ako ng kaunti, nanginginig pa rin ang puso sa sakit ng pagiging masaya.
"You will tell me everything that you are thinking that concerns our relationship and yourself... especially during the party."
Walang sawa akong tumango.
"Sasabihin ko sa'yo kapag may bumabagabag sa akin..."
He groaned and nodded, sighing in defeat.
"Okay, we will go..." aniya.
Tuluyan na siyang yumuko at niyakap ako. Sinubsob ang mukha sa aking leeg at huminga ng malalim, nilalanghap ang lahat.
Bahagya akong natawa.
"Parang ayaw mo ako makasama, hah?" Tudyo ko sa kanya.
Muli siyang napadaing.
"Sila ang ayaw ko makasama. Sinira pa nila ang date natin. If the party is not fun, I'll take you away from there! That party should be worth every ounce of my happiness with planning our date."
Umikot ang mga mata ko sa mga pinag sasabi niya. Kailan pa nga ba siya naging ganito ka-corny?
"Okay, kapag hindi tayo nag enjoy, aalis tayo."
Bumuntonghininga siya.
"See this building? This is all of me, Avery. Nakatayo tayo sa lahat ng pinaghirapan ko. At nakatayo ako ngayon sa harapan mo, inaalay ang lahat ng akin. You can take anything away, I will gladly open all the doors and windows. Iyong iyo ako."
Gumanti ako ng mahigpit na yakap, binaon din ang sarili ko sa mainit niyang bisig.
Tob... kung alam mo lang ang kaya kong gawin maprotektahan ka lang.
"I will gladly guard your doors and windows, Tob..." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top