Pahina 40
Banat
"To Tobias Lim's office please." Tugon ko sa tanong ng babae sa reception area ng building nina Tob nang tanungin ako kung saan ako patungo.
"Oh, ma'am! Avery Zobel po?"
Gulat na gulat ang kanyang ekspresyon at mula sa pormal na pakikitungo ay mukhang mahihimatay siya sa pagkakakilanlan ko ngayon.
I awkwardly smiled and nodded. Napatingin pa ako sandali sa suot kong simpleng white a-line puff dress. Do I look like a ghost or something? Anong mayroon sa ekpresyon niya?
"Oh my gosh! I am so sorry, ma'am! Binilin na po kayo ni sir! Ang sabi niya ay darating ang kanyang girlfriend! Ang lakas pa po ng loob kong tanungin at kwestyunin kayo! Dapat ay nakilala ko kayo agad! Grabe! Ang ganda niyo po pero masesesante po ako nito! Sige po tuloy na po kayo—"
"Hey... hey..." pinutol ko ang kanyang sasabihin at bahagyang humalakhak pa dahil hindi ko mapigilan matawa sa nanlalaki niyang mga mata at pagkataranta. "... it's okay. Hindi ka masesesante. You'll be fine. I understand. It's protocol. Okay?"
Mabilis ang pag taas-baba ng kanyang dibdib, tila hindi pa mahinuha ang sinabi ko. I smiled more to calm her. Mukha naman unti-unting pumapasok sa utak niya ang ekspresyon at mga salita ko. Hinintay ko siyang makabawi habang nakatanaw sa akin, her eyes almost not blinking while gawking at me.
"M-ma'am Avery..." she stuttered.
Tumango ako. "Avery nalang, ayos lang." I continued to smile, assuring her.
Mula sa pagkatigil ay mukhang nakakabawi na siya at naging mabilis ang kanyang mga galaw. She typed something on her computer, made a phone call asking for assistance and I patiently waited for her.
Pagkatapos ng tawag ay mariin siyang pumikit, mukhang kinakausap ang sarili sa kaloob-looban niya bago ako hinarap ulit ng may pormal na ngiti. She gracefully and formally stared at me this time, extending her arm politely towards an elevator not far from me.
"Tumawag na po ako sa floor nina Sir Lim. They will be expecting you from there po. Nasa meeting pa po si Sir Lim pero nabilin niya naman po na papasukin na kayo sa opisina niya. His office is on the top floor."
Still smiling, I formally nodded again.
"Thank you..."
My eyes searched for her name through her ID hanging on her neck.
"... Chiqui."
Maagap itong tumango at umayos ng pagkakatayo.
"I'll be going. It was nice to meet you."
"Thank you po, Ms. Avery. It was my pleasure to meet you po."
Giving her a last glance, I turned my back and walked towards the elevator. Pumasok ako roon at pinindot ang top floor tulad ng sinabi ni Ms. Chiqui. I stared at my reflection on the elevator and got shy to actually see how I dressed up nicely trying to stray from my usual clothes the past years.
Hirap na hirap ako sa pag pili ng susuotin ko kanina. Kung hindi pa ako tinulungan ni Willow ay hindi ako makakaalis ng condo. Masyado akong na-pressure sa magiging pananaw sa akin ng mga empleyado ni Tobias. Hindi ko alam kung anong maaaring isipin nila dahil malayo naman sa isipan ko na mahuhusgahan ako sa pananamit ko lang, I am a little bit secured now so that is far from my thoughts but...
I can't help but to be pressured on giving a good impression. Lalo na sa mga kaibigan ni Tob. I have seen and met them quite a few times but never more than ten minutes, hindi dahil ayaw ako pakilala ni Tob pero dahil napag usapan namin na mainam muna na hindi ko sila makasalamuha. Why? Because being around them means being around Kuya Andres. At mahirap man, ayaw na namin dagdagan ang kasinungalingan namin sa kanya.
It hurts to see my bestfriend suffering but I understand her and definitely her secret is not my story to tell. But Kuya Andres is Tob's bestfriend and... Anton's brother, I hate to lie in front of him, kaya ako na ang kusang lumalayo.
But for today, I will see them again. I will be in the place where Tob is respected because of the man he is and... I want to look at least decent. I have loved my long maxi skirts and my tank tops, or my mom jeans and simple blouses these days, but... today is quite different, kaya nakakapanibago na naka dress ako ngayon. I also put a little bit of make up and made sure my hair was elegantly braided.
Willow did a full french braid to my hair, ang dulo nito ay nakaayos para mag pahinga sa aking kanang balikat habang may mga kakaunting takas na buhok sa gilid ng aking mukha— mukhang sadya at hindi magulo tignan.
I did a few deep breathings till I reached the floor. Gusto man ni Tob na sunduin ako kanina dahil talagang kabado ako ay hindi na niya napilit dahil may importanteng meeting siya na hindi mapagpaliban. So instead, he asked someone to fetch me, I believe it was his and his friends' driver.
I spent the whole day with Ina and Willow already and decided to come a little bit late to give ample time for his employees to go home, para sana hindi agaw pansin ang pag dating ko pero mukhang busy pa sila dahil may mga kakaunti pa akong nakita kanina.
Hindi tuloy nakatakas sa akin ang mga tinginan, mukhang takang-taka sila sa katauhan ko. They might be wondering 'who's this strange woman lurking in our office'.
'Ting'
Nawala ako sa malalim kong pag-iisip nang bumukas ang elevator.
Ang una kong napansin sa opisina nila ay totoong nakakagulat na ganito na ito katayog gayong bago pa lang ito. Though I know the building was already built by his friend's family, may malaking oil business ang mga ito na hinahawakan pa rin naman ni Sebastian pero nilipat na niya ito sa ibang building. Ang pamilya niya ay napagpasyahan na mag abroad kaya naiwan na ang lahat sa kanya, but still... the interiors, aura, busyness of the people working awhile ago, exquisite appearance of every corner I glanced on, and everybody's demeanor was enough to tell me that they have made a name already.
"Ms. Avery Zobel?"
Bumaling ang atensyon ko sa isang matangkad na lalaki, nakatayo ito sa may harapan ng elevator. Humakbang ako palapit sa kanya at ginawaran ito ng ngiti.
"My name is Dean and I am one of the bosses' assistants. Let me accompany you to Mr. Lim's office."
Magalang akong tumango. "Thank you, Mr. Dean. I believe you already know my name and who I am but let me introduce myself again. I am Avery Zobel and I am here for Tobias Lim."
Napangiti ito pero iyong ngiti na pormal at magalang pa rin. Bahagya tuloy akong nahiya. May nasabi ba ako na hindi tama?
"I am very well informed, Ms. Avery but please just call me Dean. Come, I will lead the way."
My brows furrowed.
Very well informed? What does he mean by that? Nag ke-kwento ba si Tob? He doesn't seem to be like a chatty person though?
Nauna ito nag lakad kaya sumunod ako sa likuran niya. I simply took liberty on examining the whole place. Pagkalabas ko kanina sa elevator ay bumungad sa akin ang isang malaking tanggapan kung saan may grey sofa set at telebisyon doon. Naka ayos na ito, may rug, big rounded short legged table, at mga paintings sa paligid. The entire walls were painted grey too.
Ang pinaka malayong dingding sa gilid ng tanggapan ay walang laman kung hindi ang isang malaking picture frame na naglalaman ng litrato nilang lahat. It was intimidating, stern and full of power, like all of them were powerful individually but being together means unbeatable.
The picture was black and white, all of them were in their tuxedos, naka ngiti naman sila pero hindi nabawasan 'non ang binibigay na... kakaibang bigat ng litrato. Maybe it's their stance? Kailan kaya ito? Marahil noong nasa Camiguin pa ako? Tobias in the picture looked like his looks could kill. Piercing chinito eyes, lips smirking and uptight demeanor.
Ngayon na nag lalakad kami sa mahabang pasilyo ay may mga nakasarang pintuan na marahil opisina naman ng mga kaibigan niya. The walls were still painted grey although a bit darker than the lobby, paintings were hanging along the whole corridor and there were vases in between each room.
I can't help but to grin. Lalaking-lalaki ang buong palapag na ito. Malayo sa cream colored wall ng lobby kanina sa ground floor. Ngayong iisipin ko, bagay sa kanilang mag kakaibigan ang interior ng palapag na ito.
"Ediba nga sir, hindi nga raw po pupunta si Sir. Tob sa party. Bakit po ang kulit niyo?"
Natigilan kami pareho ni Dean sa may hamba ng pintuan ng isang opisina. Napasulyap ako sa pangalan na nakaengrave sa may pinto at hindi magkakamaling opisina ito ni Tob. Nakabukas na ito ng kaunti at tanaw ko ang isang lalaki na sigurado akong si Sebastian at isang babaeng naka corporate attire, she was glaring at him while pulling a corporate suit from his grip.
"Baka mag bago pa ang isip niya." Ani Sebastian.
"Malinaw po ang sinabi ni Sir Tob sa inyong lahat diba? Na hindi po siya pupunta. At nag bilin na rin siya na may movie date sila ng girlfriend niya." Mariin na giit noong babae.
Naramdaman ko ang pag sulyap ni Dean sa akin. Mukhang sisingit na siya sa usapan nang maagap ko siyang pigilan sa pamamagitan ng pag hawak sa kanyang braso para mas marinig pa ang pinag uusapan ng dalawa. Wala akong planong makinig sa usapan ng iba pero ngayong nabanggit si Tob, ang party at ako sa pag uusap ay hindi maiwasan ng kuryosidad kong makinig.
"He is needed there! And I won't stop persuading him!"
Napaawang ang labi ko.
Alam kong kailangan siya roon at normal lang iyon dahil lahat sila ay business owners. Pero ang marinig ang frustration kay Sebastian ng ganito ay nakapagparamdam sa akin ng konsensya kahit na wala naman akong ginagawa... tungkol dito. Wala akong kinalaman sa planong hindi pag punta ni Tob, I didn't know, hindi ko rin naman siya pipigilan pero kung hilahin ang puso ko pababa ngayon ay tila nilulukob ako ng konsensya ko...
Something's telling me I had a part in this.
Maybe it's Koa's voice this morning?
Dahil tama siya. It only makes sense. Iyon lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hindi pupunta si Tob. Dahil ayaw niyang magkagulo, at mas lalong ayaw niya na akong masaktan dahil sa mga pamilya namin. I know that not everything is about me but knowing Tob and being with him the past weeks... are telling me he'll go lengths to keep me away from them.
He'll go lengths to keep my peace.
"Huh? Ano? Aba Sir, alam niyo naman po ang dahilan bakit ayaw ni Sir Tob diba po? Hindi niyo naman po siguro iyon babalewalain? At kilala niyo po si Sir Tob, magagalit lang 'yon pag pinilit lalo na kung tungkol sa girlfriend niya." The mockery on her voice was so evident.
Alam nila? Ang alin?
Pilit hinihila ni Sebastian ang naka hanger na suit habang pilit din itong inaagaw nung babae mula sa kanya.
I can hear Sebastian almost growling from his stance and glared towards her. Hindi rin nagpapatalo ang babae sa talim ng tingin niya sa kanya.
"Nakakalimutan mo bang sekretarya ka lang, Serah? Hindi purkit mabait si Rakesh sa'yo ay mawawalan ka rin ng galang sa akin. I am not him! I won't tolerate this kind of behavior!" His voice dripped with annoyance and venom as he lowly growled.
Oh no...
Sebastian...
Kita ko ang kaunting pagkagulat sa babae... kay Serah, pero nakabawi ito agad at mabilis na bumitaw sa hanger. Bahagyang napaurong si Sebastian dahil sa pagkakatanggal ng pwersa mula kay Serah. Napaiwas ito ng tingin at napatayo ng maayos.
She bowed and nodded.
"I am sorry, Sir. Tama po kayo. I am just a secretary. Hindi na po mauulit. Pasensya na po sa panghihimasok. I will reflect on this and will make sure to straighten my actions. I'll just ask Dean if I will change Sir Tob's schedule for tomorrow. Goodluck on persuading him." Malamig nitong tugon sa isang monotone na boses.
She bowed again and moved to get out. Kaya lang ay muli itong natigilan nang makita niya kami sa may hamba. Mula kay Dean ay lumipat sa akin ang paningin niya at para itong nabuhusan ng malamig na tubig. I can almost see her cheeks flushing red because of her no make up face— or was she just having a no make up look? Basta wala akong nakikitang bakas ng make up sa kanyang mukha, not even a tint of lipstick, kaya halatang halata ang pamumula ng pisngi niya nang makita ako.
"I..." she gasped for air as she searched for words.
I wanted to say something, I wanted to assure her it's okay. Na wala akong nakita o narinig at kung mayroon man ay ayos lang iyon dahil wala akong ibang masamang naiisip pero may nag sasabi sa akin sa reaksyon niya na lubog na lubog na siya sa kahihiyan. Her blinking was fast, her lips were trembling and I can feel her very tensed.
Pumirmi siya at pinilit ang sariling tumayo ng maayos sa harapan namin.
"Kayo po pala iyan, Ms. Avery. Nabilin na po kayo ni Sir Tob kay Dean. Ikukuha ko lang ho hayo ng inumin at meryenda. Mauna na po ako." Maagap nitong sabi at nag madali ng maglakad para makalagpas sa amin.
Hawak-hawak niya ang kanyang leeg palabas. Gumalaw si Dean para makaraan siya. Napadako ang tingin ko kay Sebastian na mariing nakapikit at nakahawak sa kanyang sentido, tila hirap na hirap sa iniisip.
"Sir Basty, hinatid ko lang po si Ms. Avery dito. Maiwan ko na po kayo. Na-inform ko na po si Sir Tob na naririto na po ang girlfriend niya." Pormal na sabi ni Dean.
Napatikhim si Sebastian at tipid na tumango.
"Thank you. Please check on Serah."
"Noted." Ani Dean at mabilis na tumalima.
I forced a smile and entered the office.
"I am sorry you have to see that, Ms. Zobel." Aniya.
"Please, Sebastian. Just Avery. At mukhang hindi ka dapat sa akin nag so-sorry?" Tantyado kong tanong.
Nilapag niya ang suit sa malaking sofa sa harapan ng lamesa ni Tob at hinarap ako ng tuluyan.
"Y-yeah... it was a bit low, huh?"
Marahan akong tumango habang tinatawid ang distansya papunta sa sofa. Gustohin ko man libutin ang buong opisina dahil ngayon pa lang ako nakapunta rito ay napagsyahan kong gawin nalang iyon kapag lumabas na si Sebastian.
"Ayoko mag bigay ng komento pero... sa tingin ko walang masama kung hihingi ka ng tawad sa kanya."
"Mamaya. Hindi ako makakapag sorry sa kanya ngayon. Paniguradong galit na galit iyon sa akin at baka mag ala-bulkan pa at sumabog. I wouldn't be able to tame her. I'll die and drop right in front of her and she would not even take mercy on me."
My right brow shot up.
Hmm...
"She's feisty." I sheepishly smiled.
He smirked and shook his head, amused of something. "You have no idea. Napakalambing ng pangalan pero nangangagat 'yon."
Gumaan ang loob ko mula sa mga narinig ngayong nagawa na ni Sebastian makipagbiruan sa akin.
"Susubukan ko siyang kumbinsihin na sumama bukas,"
Naalarma siya sa narinig at mas napaayos ng tayo.
"I am sorry. I know both of you made plans but... I will be honest. Kailangan namin siya bukas. Andres can't come tomorrow, he has alot of things on his plate right now, Rakesh is out of the country for our business, kung pati si Tobias ay wala bukas, hindi magandang tignan lalo na at nag sisimula pa lang kami." Pag-amin nito.
Nawala ang bigat sa dibdib ko.
Imbes na mangamba dahil nabigyang linaw ang katanungan ko at... napatunayan 'non na ang usapan namin ni Tob ay isa sa excuse niya para hindi pumunta, ay napagaan pa nito ang pakiramdam ko.
His truthfulness did that. The way he conveyed his intentions and his honest thoughts were well received by me.
"Sa tingin ko ay may iba pang dahilan, at alam kong alam mo 'yon, I heard your secretary too." I sighed and smiled. "But I will convince him. I promise. Gusto ko rin pumunta siya roon."
We only planned to have a movie date. Tapos hindi na siya pupunta? It's absurd.
Napahawak siya sa sofa at napabuntonghininga rin.
"Thanks, Avery. Means a lot. Marunong ngang mamili ang kaibigan ko." He playfully smirked this time.
'You have no idea, Sebastian. I cannot say that my old self will be this understanding. I am too immature before.' Bulong ng aking isip.
"You're welcome. See? It's not so hard to properly say what you think..." sinabayan ko ang mapaglaro niyang tono at mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.
"Damn... patay talaga ako nito, baka hindi na siya ipahiram ni Rakesh sa akin," aniya at napahalakhak pa.
"Just say sorry and—"
Natigilan ako sa sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa 'non si Tobias.
"Uy pare, tapos na meeting?"
Agad rumehistro ang malawak na ngiti sa aking labi at kakawayan sana siya para batiin pero bago ko pa magawa 'yon ay malalaking hakbang na ang ginawa niya para tawirin ang lahat ng distansya na mayroon kami.
He wrapped his arms around my waist and pulled me for a tight hug, squeezing me on his arms. He buried his face on my neck and sniffed me.
Napasinghap ako at natulos sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko siya nayakap pabalik sa gulat ko. Nanatiling nagpapahinga sa ere ng magkabilang balikat niya ang kamay ko.
Kita ko ang gulat din sa mga mata ni Sebastian bago nag taas ng cellphone para kuhanan kami ng litrato!
Huh? Para saan 'yon?!
"Hug me back..." he whispered, tiredly begging me.
Nanlambot ang puso ko. He's tired. Ilang araw na rin silang overtime na hindi na raw niya gawain ngayon kaya naninibago siya. They are working on a project that's very important to them that's why. Ang sabi niya ay kailangan nila maisara ang deal na 'yon dahil nakasalalay doon ang kalalagyan ng business nila for next year.
"Yes, big boy..." I sweetly whispered and hugged him back.
Namula at nag init ang pisngi ko sa kahihiyan lalo na at hindi pa lumabas si Sebastian. He stood there typing on his phone! I am really shy right now! Pero kaysa indahin 'yon ay tiniis ko at niyakap siya pabalik, enveloping his large frame in my embrace.
"I am sorry, hindi pa kami tapos... please... don't get disappointed at me..." mahinang pakiusap niya.
Marahan akong napapikit.
Tungkol pa rin ba ito sa issue niya tungkol sa dates namin noon sa opisina nila?
"It's okay, I don't mind... really."
"B-but..."
"I love you," I whispered very sweet in his ears.
Naramdaman ko ang bahagyang pag gaan ng tensyonado niyang balikat.
Hay naku...
"I love you too, I'll be quick..." he sniffed me again.
I chuckled. "Ayos lang talaga. Lilibutin ko ang buong opisina mo kaya hindi ako ma-bobore. Take your time, baby..."
Umiling siya. "Gusto ko umuwi agad..." parang bata niyang pag susumbong.
"Huh? Oh...kay. Uuwi tayo agad."
"Umuwi sayo..." hirit niya.
Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napahalakhak.
"What?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Banat ba 'yon? Si Tobias Lim? Bumabanat?
That's... weird, sweet.... and funny!
He hissed and buried his face more. Mas lalo tuloy akong natawa dahil sa reaksyon niya! Ayoko na sana matawa dahil nahihiya siya at mukhang seryoso siya sa sinabi niya pero hindi ko mapigilan.
He is such a huge baby!
"Oh please... get a room. Punta muna ako sa meeting, baka hanapin ka pa." Ani Sebastian at hindi na hinintay pa na sumagot si Tob, lumabas ito at sinara ng maayos ang pintuan.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil naiwan na kaming dalawa.
"Tss. Inggit." Tobias hissed under his breath.
"Ikaw? Hindi ka pa babalik? Hintayin nalang kita dito," I assured him.
"Just a minute..."
He gave me soft kisses on my collarbone. That sent me to places high above beyond the clouds. My breathing became heavier as I tilted my neck to give him more access as I played with his hair.
"Five minutes..." hirit niya pa.
"Tob... b-baka hinihintay ka na nila..." I tightly closed my eyes and I felt his tongue grazed my clavicle.
"I missed you... I can't wait to finally close that deal already..."
I tried to catch my breathing and managed to smile, habang ang puso ko ay tila apaw na apaw, ninanamnam ang sarap ng pagmamahal na dulot ng kanyang mga halik.
"I missed you too. Lagi. But I am always here. In your idle and busy times. Hmm?"
"Mhm..." tumango siya at niyakap pa ako lalo.
"You're too beautiful today. White suits you the best, baby..."
Napahalakhak ako ulit at niyakap din siya pabalik, kasing higpit ng kanya. Higpit na parang kami lang ang makakaintindi ng kapit na 'yon.
"At nang bola ka pa hah. Ang gwapo-gwapo mo rin. Lagi naman. Pero pinaka gwapo ka kapag nakapang opisina ka."
It's like... tuxedos were made for him. I know it's OA but I've known him carrying his suits tailored perfectly for him, kaya siguro namarka na iyon sa akin.
"I don't need to be gwapo, I just want to be home... with you."
I pursed my lips to hide my laughter. Ano bang nakain nito? May hangin ba ang opisina nila at naging ganito siya? He's extra sweet now, yes, but his words were catching me off guard!
"I am home in your arms," he mumbled.
Gusto kong mag biro at lokohin pa siya pero hindi na nahabol 'non ang pagkatunaw ko.
"Your love is my home, Tob. As long as I am with you, I am okay. Please know and hold onto that. I can face anything with you. Even the nightmares of yesterday. I am not that afraid anymore. Basta kasama kita. So please... don't let anything hinder you, lalo na kung tungkol sa akin. I will be with you for always. I promise." Saad ko, binibitawan ang mga salita sa pamamaraang nauukit ito hindi lang sa hangin kung hindi sa bawat desisyon na gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top