Pahina 4
Still young
"Hey, gising na..."
I shuffled a bit when I felt someone nudged me. My eyes fluttered before it opened at napaismid ako nang makita ang Kuya ko na nakadungaw sa akin.
"Wake up sleepy head, palabas na tayo, ikaw nalang ang tulog pa riyan." Aniya habang nag lalaro ang ngisi sa labi.
Halos mapabalikwas ako sa sinabi niya. Wala sa sariling napadungaw ako sa katabi kong upuan at nakitang wala ng nakaupo roon. I felt a slight punch on my heart, nakakailang suntok na ako sa puso ko tuwing naiisip ko siya hah?
I must really hate him that bad?
"Kinuha ko na ang gamit mo, tumayo ka na riyan. Let's go, Avey." Pag kuha uli ni kuya sa atensyon ko.
Ginawa ko ang inutos niya at tumayo na pero ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa katabing upuan. Panaginip lang ba ang lahat? Pero hindi eh, I am sure it happened. Medyo may lukot ang kumot na nakapatong sa may pwesto niya, bakas na gamit iyon.
"Pinauna ko na sina daddy, mom needs to pee. Alam mo naman iyon, she can't pee inside an airplane, she's paranoid."
Tuloy-tuloy lamang siya sa pag sasalita pero hindi ko siya magawang tignan dahil naiwan ang tingin ko sa upuan na katabi.
I craned my neck to see it properly as we slowly walked the aisle, away... towards the exit.
Huli kong nakita ang gusot na kumot.
I don't know but that comforted me...
Tila ang gusot na 'yon ang nag sisimbolo na totoo ang interaksyon namin kanina, na nakapag usap kami ng hindi nag sisigawan.
Pwede pala iyon?
"Bago ata ang jacket mo? Ngayon ko lang nakita." Ani Kuya.
We successfully got outiside at nakuntento naman ako sa nakita ko. Umiling nalang ako at hinayaan na mapunta na ang nangyari sa likuran ng isip ko.
Umiling ako. "Pinahiram ako ng katabi ko, kuya. I was cold."
"Hah?" Bumaling siya sa akin kahit palabas na kami. "Dapat ay sa akin ka na nanghiram."
I scoffed. "Wala ako balak manghiram sa kahit kanino, kuya. Siya lang ang nakapansin kaya siya na ang nag ofter. Don't be so OA, jacket lang 'to."
"Eh bakit sarap na sarap kang yakap 'yan 'nong nakita kita? Kulang nalang ipasok mo yung ulo mo sa loob niyan 'eh." He grumpily retorted!
What?!
He's crazy! Sometimes I wonder how he does it? Be stoic and annoying at the same time!
"Kuya, give me a break! Ang soft kaya, and mabango! Same kayo ng amoy, your Mercedes-Benz perfume, ito rin 'yon."
Sinubukan ko pa ipaamoy sa kanya iyon. I stretched my right arm towards his face, an inch just away from his nose. Mabilis niyang iniwas ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin.
"Tss. Mas mabango yung akin dyan 'no."
I looked at him unbelievably and laughed which annoyed him more!
"Pareho lang ng brand! Pareho rin mismo ang perfume! Tapos mas mabango ang iyo? You're crazy, kuya. Mag sama kayo ng mga pinsan natin sa Madrigal."
I rolled my eyes at him and left him. Nauna akong mag lakad palabas para maiwan siya roon sa inis! Ewan ko ba, every male in the Madrigal side within our generation are so OA and possessive. Ganito rin ang mga pinsan kong lalaki sa mga kapatid nilang babae. Thank God the Zobels are bearable. Sakto lang.
Hindi ko alam kanino sila nag mana? Sa generation nila mommy ay wala naman ganito, they are even cool and chill! Kaya never kami pinagbawalan sa mga ligaw o ano man.
Mas pasakit pa sa amin mga babae ang mga kapatid namin kaysa mga magulang.
Buti nalang isa lang si kuya, I can't imagine having another male sibling, I might lose my mind!
"Hey wait up!" Still grumpy, inakbayan niya ako at nag lakad na kami papuntang arrival.
Everything went by smoothly, we even tried the lucky draw which will give you five thousand NTD supposed to be... according to the videos we saw... but no... no luck! Neither of us won!
Baka fake lang iyon? Baka wala talagang nananalo? But I saw it in the videos! Reels and Tiktoks! Na mayroon talaga nananalo.
I must try again next time!
After getting our klook passes and sim cards, tinungo na namin sina daddy na nag hihintay na sa labas kasama ang susundo sa amin. We will stay at a hotel in Ximending, almost thirty minutes ang papunta roon, medyo malamig na pero dahil sa jacket na suot ko ay naiibsan naman iyon.
Hmm... I wonder, okay lang kaya na hindi niya kinuha ulit ang jacket niya? But he might have lots of jackets right? He looks... he could afford a lot.
Baka pinapamigay niya lang ang mga gamit niya?
Dad went to me to help me warm my hands. I smiled as he blew his breath on my arms.
"You're okay? My baby lamigin..." he sweetly teasingly said.
Napanguso ako at tumango-tango.
"Just tired, dad."
He nodded. "Pagkarating ay mag quick dinner na tayo sa mismong hotel nalang din. Then we'll rest."
Inabot niya ang ulo ko at marahang hinalikan ako roon. His left arm stayed around my shoulders, inabot niya rin si mommy at niyakap sa kabila. His right arm wrapped around mommy's waist. Kuya helped the driver of the van— the hotel must have provided to get our things inside.
Nang matapos ay bumyahe na rin kami papunta sa hotel, the night was fast, dahil na rin siguro sa pagod ay mabibilis ang kilos namin. Funny, I slept well in the plane but I still feel tired? Lagi nalang. Every after travel, kahit naka sasakyan man, ship or plane, pagod ako lagi katapos.
We ate well, pinag usapan lang ang mga gagawin bukas, ang pasyalan na pupuntahan at kung ano-ano man. We did our itinerary ourselves, kami ni mommy ang nag asikaso 'non. My parents are so adventurous kaya kasama sila sa lahat, maliban lang sa night market. Kuya and I will probably be the only ones to try the night market.
We distributed the night markets to each night we're here. Pagkatapos namin ma-settle ang mga gagawin namin, nagpaalaman na kami at nag punta sa kanya-kanyang kwarto. Mom and dad will stay in the same room while kuya and I will stay in the same room.
I immediately flopped on my bed and drifted to dream land after taking a quick bath and doing my skincare.
Nang magising ako ay nag quick shower ako uli, nag skincare lang muna, walang nilagay na kahit ano sa mukha ko at pinalitan ang pajamas ko. I wore a black tank top, my university jogging pants and the jacket that chinito guy borrowed to me.
I woke up a little bit late, around eight in the morning while my family woke up earlier, nakita ko sa group chat namin apat na gising na sila kaninang six pa.
Hindi naman gaano malayo ang mga pupuntahan ngayon kaya hindi ako nag madali. I just really choose my battles, I know when to show up and when not. I don't overdo myself. I researched beforehand and estimated our travel time, I even adjusted it fairly to give me ample time not to be late, kaya alam ko na talaga anong oras gigising.
That's why I rarely get surprised, kahit sina kuya ay mahirap akong surpresahin, I think way advanced sa mga plano nila sa akin.
I messaged them.
avey: hi fam! I'll be down in a bit, wait for me xoxo!
arc: watch your steps.
Kahit sa chat ay mapapaikot talaga ang mga mata ko kay kuya.
Nakatuon ang mga mata ko sa cellphone ko habang palabas ng kwarto. I switched the nob to open our room and went outside. I waited for my dad to finish his message while browsing my friends' messages.
Hindi ko pa mabigyang pansin ang messages nina Anton pero may nakakuha lang ng atensyon ko na isa niyang mensahe.
antonatyourservice: Both families are firm with their promises... from what I've heard.
Shit.
How firm? May level ba iyon? Dapat ba alamin pa namin kung anong intensity? O baka iyon na 'yon? For sure there are no same intensity? So sino ang mas lamang? Maybe we should focus on the family that has it less? Baka mapakiusapan?
I'll keep in mind to reply once I ate. Hindi ako makakapag isip ng gutom.
I walked towards the elevator while still at my phone.
I read my dad's message.
chard: thank God our Avey is awake.
Here we go with the Avey... isang letra nalang hindi pa palagpasin.
avey: dad!
chard: hahaha! lol!
minervs: come na, breakfast, nyumnyum!
I groaned and chuckle!
Tumayo muna ako sa may labas ng elevator habang tinitignan ang napakaraming gif na ni-send ng mommy ko sa groupchat namin. Puro pacute at nakakatawang gif iyon na kumakain.
Why are my parents so funny! Ano-ano ang natutunan nila sa amin dalawa ni kuya. I should teach them more, huh?
I closed my phone and was about to reach for the down button of the elevator when I noticed a person beside me.
"Oh sorry—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang rumehistro sa akin kung sino ang nasa harapan ko.
Oh shit.
Shit! Shit. Shit?
Why is he here?!
The man beside me was looking at me. Diretso ang tayo, nakapamulsa, a lazy cocky smile on his lips, he's wearing a white baseball cap, white thin cotton shirt and knee-length black cotton shorts.
Totoo ba 'to? Baka nasa Pilipinas pa ako? Mas madalas ko pa siya makita rito kaysa sa Pilipinas?
O baka nananaginip pa ako? Baka hindi talaga ito ang totoo? Baka ang totoo ay nasa eroplano pa ako at tulog, ito ang panaginip?
Then I must wake up now!
Napahawak ako sa puso ko na kumabog muli, parang sinuntok. Ito na naman, I am being punch on the heart because I hate the person in front of me!
I closed my eyes tightly before opening it. His amusement grew as he watch what I was doing! I did a couple of times more, waiting for him to vanish in thin air! Pero wala, nanatili lang siya sa harapan ko!
He didn't move! Nanatili lamang siyang prenteng nakatayo, pinapanood ako!
He looks like a wild animal watching his prey!
I gulped. My eyebrows twitched as I try to think of a way to prove if this is a dream.
Ang kanang kamay ko ay nakatabon pa rin sa aking dibdib, tila gusto takpan ang kaguluhan sa loob 'non.
Ang kaliwang kamay ko naman ay ang nag lakas loob na dahan-dahan umangat para abutin ang taong nasa harapan ko.
My hands were halfway covered by his oversized jacket. Tanging ang dulo ng mga daliri ko ang nakalabas doon.
Napalunok ako uli habang pinapanood ang dulo ng hintuturo kong umabot sa dulo ng kanyang balikat para mahawakan siya roon.
Every move to get closer, every inch I cross, and every passing second, parang pag hugot din sa aking hininga!
I licked my lower lip when I finally touched his shoulder and felt that hard muscle there!
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko.
Mabilis akong humakbang palayo at nag-iwas ng tingin.
Shit! Talaga naman? Mapapahiya nalang, ngayon pang hindi responsive ang utak ko?
It's so early to be this embarrassed!
I heard his amused chuckle.
Chuckle? Natatawa pa siya?! Of course! He's surely judging and mocking me inside his head! Ga'non ata ang hilig niyang gawin! Ang panoorin ang mga mumunting tao habang siya ay nakadungaw at tumatawa sa isipan niya!
Ang nasa isip niya niyan ay, 'What kind of girl is she? Stupid? Clumsy? Delusional? Or all of the above?'
"Goodmorning..." napapaos niyang bati.
I slightly nodded. "Goodmorning..." sabi ko sa mahinang tinig, nanliliit pa rin sa kanyang tabi.
Buti hindi ata siya galit ngayon?
Baka pag umaga? Mabait pa siya? Habang dumadaan ang araw, pagalit ng pagalit?
"Looks like, you're fond of my jacket, huh?"
His voice didn't sound judgmental... only... amused?
Maagap ko siyang tinignan at akmang mag sasalita nang muli siyang ngumisi.
"There. Got your attention."
My lips were left parted.
Hah? Anong ibig sabihin 'non? I don't get it.
I pursed my lips and shook my head.
"I am sorry, hindi ko nabalik. Dapat ginising mo nalang ako para kunin, pero ito oh... or shall I give it to you after laundry?"
Nag amba akong tatanggalin ang jacket nang umiling siya.
"It's okay, marami akong dala. I won't be needing that. Gamitin mo na muna, I'll get it from you in the Philippines."
Hah? Bakit? Magkikita pa ba kami? I don't think so.
"Papalaba ko na bago umuwi. Dito ka rin naman nag se-stay diba? Give me your room number and I'll have it delivered to you."
He sexily chuckled.
Sexily? Saan ko nakuha iyon?
"No need, I don't want it washed..." mahina niyang sabi habang naka ngisi pa rin.
Bahagya kong naitagilid ang ulo ko. He doesn't want it washed? Kahit na nadumihan ko na?
Hindi ko napigilan na tignan siya ulo hanggang paa...
He looks clean naman? Mukha naman siyang hygienic?
"Hmm... baka kasi hindi na tayo mag kita sa Pilipinas."
He chuckled again.
Again? Bakit ba siya natatawa ng ganito? At hindi basta tawa! May himig ng... hmm... I can't specifically pinpoint his tone but it sounds... devious?
"We will. You'll see." He took a step closer... slowly... one foot at a time.
My back leaned away slightly as my feet were glued to the floor.
He crouched so our eyes will level. Tila naiwan ang ulirat ko sa kwarto... o baka sa Pilipinas pa lang naiwan na? Here I am, in front of this guy I think I hate, closer than I ever allow a stranger to get close to me... kitang kita ko ang kanyang mukha sa malapitan.
He's... flawless. Literally a man you wouldn't think exists! Habang ako parang dumi sa umaga!
Nag taas siya ng kilay at muling ngumisi habang pinagmamasdan ako.
I inhaled slightly but didn't have the courage to exhale.
Tila ang pagkabog lang ng puso ko ang nararamdaman ko. Nai-kuyom ko pa lalo ang kamay ko na nakatabon sa aking dibdib.
Binibilang ang bawat pag hinga, umaasang walang mapapatid sa lahat ng pag titiis ko na 'wag malusaw sa harapan niya.
"I am real... I am not your imagination."
Muli siyang natawa ng kaunti habang nakatingin sa akin.
Masyado ata siyang masaya?! Habang ako ay kapos na kapos dito!
Inabot niya ang dulo ng zipper ng jacket at nagulat ako nang hilahin niya iyon paakyat, sakto lamang sa dibdib ko para maalis ang nakakuyom kong kamay.
He pulled the zipper closer to him which made me closer to him too!
Definitely invasion of private space!
"See? I am real. No need to nudge me." Hirit niya pa!
Nag-init ang pisngi ko at siguradong mag kukulay kamatis na ako sa tuloy-tuloy na patutsada ng lalaking 'to!
"Nakita ko na ang pamilya mo sa baba. Eat your breakfast."
Nawala ang hawak niya sa zipper at sunod niyang inabot ang hood para itaklob iyon sa ulo ko.
Nakatulala lamang ako sa harapan niya habang ginagawa niya ang lahat ng iyon.
He gave me one last look while stifling a smile... not the usual friendly one... but... not his usual smirk too.
Hindi ko na rin alam.
"Nasa college ka pa diba?"
Napatango ako, hindi pa rin nakakahuma sa presensya niya.
"Hmm..." he took a step back and shook his head. "Too young..."
What?
Nagsalubong ang kilay ko, I stood with a defensive stance!
"Hindi na ako bata! And you? Matanda ka na ba 'hah?" I am sure he is not!
Kasama niya iyong kaibigan ni Gabriel noong isang araw, if that guy studies at the same university... ka-edad lang namin siya? Or baka isang taon na mas matanda? Pero hindi pa rin nag kakalayo! So... ga'non din siya, more likely!
"Twenty-eight..." he licked his lower lip.
"I am twenty-eight years old..."
Napaawang ang labi ko. Napakurapkurap at napaiwas ng tingin.
Oh...
That explains his... aura and demeanor.
That's why he always carry that heavy demanding presence with him.
Well, that's still young!
Nakalamang lang siya ng ilang taon!
"That's still young..." bulong ko, hindi malaman kung bakit ko pa iyon kailangan sabihin.
Who do I need to convince? Siya ba?
"And you? Twenty?" Tanong niya.
"Twenty-one!" Maagap kong balik. "I am twenty-one... and will be... twenty-two... soon..."
I looked at him with so much conviction, pinapakita ko roon na mali siya sa hula niya!
His right eyebrow rose up. "Still... young..."
I pursed my lips with the intensity of my irritation right now! Parang bulkan akong sasabog kaunti nalamang! Habang siya ay malalim ang iniisip! At talaga? Nagawa niya pa mag-isip ngayon?
I can only imagine the girls who he might consider "not young" anymore. Ano sila? Woman? Ako? Girl pa rin? Tss. Hindi naman nababase 'yon sa ga'non!
They must be really sexy, oozing with sex appeal, elegant, graceful, yung tipong laging may fashion show araw-araw and not like me who's in sweatpants and comfortable wardrobe all the time!
Napatingin ako sa mga paa ko.
I don't even have a nail polish. Ga'non ba 'yon? Something in my appearance must have given me away? That I am still young for—
Na uh, Avery! Don't you go there!
Paano ba hindi na maging young?
Tss. Kainis! Hindi ko man ito naiisip noon eh!
I don't care! I don't fucking care! I won't care!
"You know what? Bahala ka na riyan! If you want to consider me 'young', then yes, sige! You're old!" I spat!
Hindi ko na siya tinignan pa, sa galit ko ay gusto ko nalamang kunin ang puso ko at itago iyon sa kung saan!
I am feeling so much, I can't take it!
Sa inis ko ay mabilis kong tinabig ang hood sa ulo ko at pinindot ang down button ulit. Laking pasasalamat ko na agad iyon bumukas, may mga lalabas sa floor kung nasaan kami. Hindi ko na hinintay ang lahat makalabas, pumasok ako kahit na may mga lumalabas pang pamilya!
I want to escape his presence! Ang sama ng loob ko! Ang ganda-ganda ng umaga ko pero sinira niya!
Napasandal ako sa dulo ng elevator, masama ang tingin sa kanya. Nanatili siya sa harap, kunot ang noo, malalim pa rin ang iniisip, back with his hardened jaw and muscles. Tila galit na naman sa kung saan! Malamang sa akin!
Can't take someone 'young' lashing out on you, huh?
Pinindot ko ang lobby kung nasaan ang restaurant. At sa kabila ng mabibigat na hininga, nagawa ko siyang tignan muli.
His eyes were bore into me.
Nanlambot ang tuhod ko sa paninitig niya habang pasara ang elevator.
His jaw hardened more as he watched the door close.
Napasapo ako sa mukha ko nang tuluyan ng mag sara ang pintuan.
What, Avery?!
What are you doing!
It was just age! Get a hold of yourself? Ano ngayon kung bata ka pa? Maganda naman iyon ha! Bakit parang ang sama-sama maging bata sa harapan niya?
Sino ba siya? So what?
I don't even know him!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top