Pahina 33

Only to you...

"Please, huwag mo na akong iiwan ulit..."

I stiffened a bit when I felt light feathery caressing on my cheeks. Mula sa mabagal at magaan na pag hinga ay bahagyang bumigat ang puso ko. Damang dama ko ang init ng haplos na iyon, nakakakiliti... at nakakapanlambot.

I heard him sigh and continued to gently stroke my cheeks, just below my left eye.

Kahit nakapikit ako, alam kong malapit lang siya sa akin. Patunay ang mainit niyang pag hinga na nararamdaman ko rin sa aking noo hanggang mata.

I felt him shifted a bit at kasabay 'non ay ang pag pasok ng malamig na simoy ng hangin. Dinig ko ang tuloy-tuloy na pag baba ng bintana ng sasakyan hanggang sa tuluyan ng makapasok ang sariwa at preskong hangin.

Nang tumigil siya sa pag haplos sa mukha ko. Doon pa lamang ako nakapag isip ng maayos.

Nasaan kami? Ito ang unang tanong na pumasok sa utak ko.

Gusto ko imulat ang mga mata ko... pero... pinili kong makiramdam muna. Natulog ako sa byahe dahil gusto ko matakasan ang galit niya kanina, ngayon naman... kalmado nga siya pero ako naman ang problema, paano ko tatakasan ang nararamdaman ko?

"What?" Masungit niyang bungad.

May kausap siya?

"Hindi pa ako uuwi." Aniya.

Huh?

Muntik akong dumilat sa narinig ko!

Hindi pa siya uuwi? Hindi pa kami uuwi?! Hanggang kailan?!

"Basta. Hindi ko sasabihin."

He sighed and hissed.

"Why don't you try to let King track me, huh? Tutal ay alam naman niya ang lahat. Hindi nga siya nag sasabi diba? Sa dami niyang alam, nakalimutan niya ata sabihin ang mga importante?" The sarcasm from his voice was like liquid overflowing a cup.

King? Sino nga ba iyon?

Kumunot ng bahagya ang noo ko sa pag-iisip.

Parang narinig ko na ang pangalan na iyon kung saan?

"Tss. Shut up, Andres. 'Wag mo ng pag tanggol si Kingston. I'll deal with him when I get back. Hindi pa kami tapos."

Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kausap niya si Kuya Andres at may pinag uusapan silang tao na Kingston ang pangalan. Maraming alam? At hindi sinabi ang importante? Ang alin? Ano ang importante na hindi nasabi?

Parang kilala ko kung sino 'yon...

Something in me is telling me that I know him, hindi ko lang matuldukan sa isip ko kung sino nga ba siya.

I quiet down my thoughts while waiting for his next words but nothing came. Tanging malalim niyang pag hinga lang ang naririnig ko at ang malakas na hampas... ng alon?!

Water! I can hear water! Oh shit. I can't open my eyes yet!

I focused and shut down all unnecessary thoughts so that my senses could heightened. Mula roon, lumakas ang tunog ng mga dahon mula sa nag gagalawang mga puno dahil sa hangin. Mas lumakas din ang tunog na galing sa hampas ng alon sa may dalampasigan. I could also smell the scent coming from the salty air.

And... his breathing... ang pag hinga niya ay nasa pinaka itaas na parte ng lahat ng tunog at pakiramdam na iyon.

Tapos na ba? Bakit hindi na siya nag sasalita? Marami bang sinasabi si Kuya Andres? Kung oo, ano kaya ang mga iyon?

I heard him sigh.

Buntonghininga na naman? Kanina pa iyon, hah? Ano na naman kaya ang problema niya?

I felt a slight touch on my forehead.

"I know you're awake. Stop pretending, baby." he said almost a whisper, just on the side of my face.

Shit.

Mabilis akong nag bukas ng mga mata pero bago pa ako makapag isip ng gagawing pag kukunyari— na hindi ko alam ang sinasabi niya ay natigilan na naman ako dahil sa distansyang bumungad sa akin.

Isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa akin, his lips almost touching my cheeks. Mataman siyang nakatingin sa akin. Hindi na galit pero bakas doon ang pagkamangha.

Napalunok ako.

My heart forgot the peacefulness it felt while sleeping, ngayong gising na ito, muli na naman itong nag trabaho ng mabuti bilang alipin sa nararamdaman ko sa lalaking ito.

Tumatakbo. Naghihikahos. Nagmamahal.

"H-hi..." he breathed huskily.

Tapos na ang tawag? Ito ang gusto ko itanong pero walang tinig ang lumabas sa akin.

Binaling ko ang tingin ko sa labas para makompirma ang nahinuha ko sa pakikiramdam ko kanina, at hindi ako nabigo dahil tama ako! Nasa may dagat nga kami!

Malalim na ang gabi, bilog na bilog ang buwan at malakas ang hangin na nag dudulot din ng malakas na hampas ng alon.

"Nasa Subic tayo..." masuyo niyang pag sagot sa tanong na hindi ko pa nasasabi.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

Muli akong sinalubong ng nanlalambot niyang paninitig.

My heart hammered inside my chest— like a horse galloping.

Sumakit ito at medyo naramdaman ang kakaibang... pakiramdam na matagal ko ng hinahanap.

"Are you hungry? Hindi kita ginising kanina dahil mahimbing ang tulog mo pero nag drive thru ako ng makakain natin."

May mainit na haplos ulit ang yumakap sa akin.

Doon ko lang natanto ang pwesto namin. Bahagya akong nakahilig sa kaliwang gawi ng upuan kaya mas napalapit ako sa kanya. Siya naman ay pinag hirapang mas lumapit sa akin, hindi alintana ang nakaharang na center console sa pagitan namin.

His right arm on the center console, supporting his weight. His elbow almost touching my arm. While his face was leveling my line of sight, just so he could see me better.

Napakurap-kurap ako.

"Hey? Are you okay? Still groggy, love?"

My heart failed to fight him again, bumigay sa kanyang mainit na mga salita, malambot na titig at... mga galaw na... hinanap-hanap ko sa mga nagdaan na dalawang taon.

Gusto kong pumikit para damhin ang boses niyang hindi ko inakalang maririnig ko uli ng ganito kalapit. Ang tono niyang ito na alam ko... sa akin lang niya nagagamit.

Parang sa pag pikit ko lang mananamnam ito, because... heartfelt doesn't have to be seen... they are felt even with our eyes closed.

"Ayaw mo ba ako kausapin..." magabal niyang pag tanong. "hmm?"

Muli niyang inabot ang gilid ng mata ko at marahang hinaplos.

"I am sorry..." he managed to croak.

His strong features were softened by his gaze.

"For forcing you to come with me..." halos ibulong niya nalang iyon.

Ang kanyang mga salita ay marahan din tinatangay ng hangin.

"Gusto lang kita... makausap at makasama..."

The air whistling his words, and the leaves elevating his tone, making sure he is heard.

He sighed. "And I know, it will not happen if we're surrounded by so many people who want to intervene."

Mariin siyang pumikit sandali at muling bumuntonghininga.

"I am sorry... please... forgive me. Let's talk... please?" He pleaded, hirap na hirap.

My eyes dropped from a quick sting.

"Hmm?" Masugid niyang pag kumbinse.

Nanikip ang puso ko.

"I-I am s-sorry..." mahina kong pag hingi ng tawad at marahang tumango.

I nodded like I have never surrendered anything before. At sa lahat ng pag suko ko, ito na ata ang pinaka bukas palad ko.

A tear fell from my eye so I closed them tight, hinihiling na maharang sila sa pamamagitan 'non.

"Shush..." maagap niyang sabi at naramdaman ko na naman uli ang pag haplos niya sa pisngi ko.

Ngayon ay pinupunasan na niya ang mga nag sitakasang traydor kong luha. The back of his forefinger and middle finger felt different. Natatandaan ko, ilang taon na ang nakaraan, they were soft... a proof that he never worked under a harsh environment... a proof that he was raised with a golden spoon but now... I can feel roughness on them.

I suddenly remember him back in Camiguin. Ang daming nag bago sa kanya... isa na ito. Ang dami ko tuloy gusto itanong at malaman... pero... natatakot ako mag tanong. Baka kapag nakilala ko siya uli ngayon, mahirapan na akong kalimutan siya.

Hirap na hirap na nga ako ngayon, paano pa kung... mahalin ko pa siya lalo ngayon?

"Please... 'wag ka umiyak..." malugod niyang hiling.

"M-masyado kitang... nasaktan, d-diba?" Pag kompirma ko kahit alam ko naman.

I want to remind him that. I want to confirm it. I want to be reminded too. Para maalala ko kung bakit ako naririto, kung para saan lahat ito.

"Umalis... a-ako..."

Garalgal na ang aking boses. Ang damdamin ko ngayon ay parang mga bato sa ibabaw ng bangin na nagsihulugan dahil sa isang batong nakatakas.

"Iniwan kita..." halos hangin ko nalamang nasabi.

Patuloy siya sa pag punas sa pisngi ko. Napasinghap ako dahil walang habas ang pag tulo ng mga luha ko, hindi alintana ang pag pipigil ko!

Umiling ako. "You... s-shouldn't be nice to me, Tob." Kasi kung mabait ka, mahihirapan ako lalo. "You can h-hate me..." I promise to love you still... even if you hate me.

"You can get angry towards me..." I vow to accept all your anger, opening my arms wide for bullets coming from you.

"Masyado ka nilang nasaktan..." aniya.

My eyes snapped open and my tears fell more, opening and showing him my vulnerability, pinapakita ang matagal kong tinago sa lahat ng tao, at sa napakahabang panahon. I wanted to hide them but I know they flashed darkly, exposing myself to him.

Hindi tulad ko, siya ay walang pag pipigil ang diin at lalim ng titig sa akin.

He was taking me all in. Not even a slight expression of mine could escape him, I am sure.

"I forgot the reasons of my pain for the past two years, Avery. Ngayon nasasaktan ako kasi nasaktan ka nila..."

My lips parted, my eyes remained open, my tears continued to fall.

"At hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila. Kahit ang sarili ko... hindi ko mapatawad..." hinang hina niyang pag suko.

I shook my head. "Wala kang ginawang masama..."

"I brought the situation that hurt you, Avery. It is the biggest sin for me. I carry the surname of the family that caused you all these. The blood that ruined you is the same blood running in my veins."

My heart hurt slowly... deeply, making me weak.

"You know..." I almost whispered... unbelievably.

His pain-filled eyes conquered my line of sight.

"I was too late, right? I am... sorry..."

Mabilis akong umiling.

"Kahit sa panaginip... hindi ko naisip... na darating 'to..."

Isang masakit na hikbi ang kumawala sa akin.

Baka nananaginip lang ako? Parang napaka-imposible ng lahat ng ito? Bigla alam niya? Sa isang iglap ay nasa harapan ko siya, naiintindihan ako? Galit siya sa akin diba? Napaka imposible na bigla iyon mawawala.

I didn't even wish for this to happen. I was okay. Kuntento na ako sa mga desisyon ko. Tanggap ko. I have long accepted and mourned for my lost love.

Hindi ako handa para rito, it was like surviving death, anong gagawin ko pagkatapos? Paano ako mabubuhay?

"This is more than enough... Tob." I said breathily, catching my stable breath from crying.

Nagkunot ang kanyang noo at umiling.

He cupped my face while wiping my tears, all that... while pulling me nearer, hindi siya nakukuntento sa lapit namin.

Nanghina lalo ang puso ko. Tila nag aagaw buhay sa sakit... pagkagulat... at sa pagmamahal.

"Enough? Sapat na ito lahat sa'yo? Kahit na hindi tayo mag kasama? Did you really leave me before thinking... hanggang doon nalang lahat iyon? For you... we have really broken up? Is that it?"

Umiling siya, nag susumamo.

"Did you really accept it? Did you really let me go? Natanggap mo talaga... na... wala na t-tayo?" Hirap na hirap niyang tanong.

I let out a small sigh. Napayuko ako pero hindi niya ako hinayaan. He pushed my face gently so that I could look back at him.

"Avery. Tell me. Ga'non ba iyon. Nandoon ka na ba? Tanggap mo na... wala na tayo? Umalis ka noon na alam mong... hindi mo na ako lilingunin?"

Dumagsa at nanatili ang sakit sa mga mata niya.

Gusto ko siyang paluguran. I wanted to appease him by telling him what he wanted to hear. Tutal ay sanay na akong gawin iyon sa harap ng maraming tao. Kayang kaya ko mag sinungaling at pasiyahin siya sa mga sagot ko pero...

Kung may tao man ako na hindi kayang pagsinungalingan. Siya iyon. Siya lang. Mas kaya ko pang mag sinungaling sa sarili ko kaysa sa kanya.

I would rather hide again and again, run to the depths of the earth just to hide from him, kaysa mag sinungaling sa kanya.

I painfully nodded.

"Buo ang desisyon ko noon, Tob. Two years ago, pinakawalan talaga kita. Masyado pang maikli ang relasyon natin. Alam ko na marami ka pang makikilalang iba. Pinaniniwalaan ko iyon. Pinanghahawakan. Alam ko kung paano humanga sa'yo ang mga tao. Hindi ka mahihirapan. At kumpara sa akin, mas maraming babae ang higit at..."

"How sure were you I will find someone else? How sure were you that I will love someone else after you? How sure were you that in my eyes... there will even be someone greater than you?" Tanong niya na puno ng pag-iingat, ayaw akong masaktan pero dama ko roon ang pag papahayag ng punto niya.

He harshly muttered a curse. Umiling siya.

"I wouldn't even choose a life without you, Avery Sienna. I won't even see it as an option."

My words were left hanging. My heart was left hanging.

"At hindi ako mahihirapan? Nakikita mo ba ako ngayon?"

It was a simple question pero dinagsa ako ng maraming sagot. Images of him back in Camiguin, hiding from me, watching me from afar resurfaced. Memories of him lifting me up from the rain, getting frustrated at me and my reasons from leaving, then back to Manila where he begged for me to come back to him... at ngayon...

'Hindi ko na kaya...' His voice echoed through my ears.

"At hindi ba mahal mo ako? Paano mo ako mamahalin kung magkalayo tayo?"

His tone had a mixture of desperation and fear.

It was like... he... doesn't believe it... but he wants it... so he is confirming it...

Napakaganda ng mga mata niyang nakatanaw sa akin. He has the most beautiful eyes for me, paradise and destruction can co-exist in there, making him more beautiful to watch.

I smiled a little, feeling the sting from my eyes.

"Love doesn't equate to being together, Tob."

Napaawang ang kanyang labi at tumigil ang kanyang pag haplos, tila gulat sa narinig.

Nag kunot ang kanyang noo at tila natauhan sa sinabi ko.

"Mahal mo nga ako?"

A tear escaped again and I smiled a painfully.

"Love can exist even if we're apart."

Ito ang natutunan ko sa mga nag daang taon. I was loving him aggressively before. Tago man at hindi alam ng lahat, I loved him aggressively. I remember very well how much I try to fit in... just so I could be part of his life, forgetting my own.

I remember how... I could fail everything... because of my love for him.

Hindi ko alam kung tama ba 'yon at ga'non ba talaga pero ang nasisigurado ko lang ay... may mas mabuting paraan pa para mag mahal.

A love that shouldn't make oneself suffer...

Dahil kung nakakalimutan mo na ang sarili mo... kung nauubos ka na, at wala ng natitira sa'yo, hindi na sasapat ang pagmamahal.

But it doesn't mean I loved him less now...

Nasisigurado kong hindi ga'non. Nakahanap lang ako ng ibang paraan para mahalin siya. Iyong mas kaya ko. Iyong makakabuti rin para sa sarili ko. Iyong makakabuti sa aming dalawa. Maaaring mali ako, pero... gusto ko subukan ito, because I have no where to go... this love I have for him will forever stay so I atleast... want to find a place for it.

"Mahal mo nga ako..."

My brows furrowed.

Ngayon lang niya alam? Hindi ba siya naniniwala sa lahat ng pinakita ko noon?

But I guess... I can't blame him. I left him.

"Love can surface amidst letting go..." I whispered.

"Mahal mo ako..." he trailed, still lost.

Marahan akong tumango.

"At kahit mahal kita noon, kung mas makakabuti, kaya kitang pakawalan... I didn't know how I could do it, I never needed to let go of something before, but I guess... I had loved you so much even before... na sa murang puso ko... nagawa ko pa rin mahalin ka ng higit pa sa inaakala ko... you are more important than my feelings, Tob. Kaya kahit gusto kong makasama ka noon, pinili ko ang pakawalan ka."

"Mahal din kita..." nanghihina niyang sabi.

He crouched and hugged me.

My world literally stopped from his hug. It gave me a different feeling, nakakapanuyo ng lalamunan, nakakapanghina lalo, lahat ng tinayo kong pader ay nalusaw 'non.

I am always weak when I am around him... but his hug... melted me.

I was not deprived of affection but... this... I felt so deprived of it... now that I am feeling it.

He hugged me tighter. He hugged me tight. He hugged me... very tight.

I sighed in relief when I smelled his perfume... Mercedes Benz. He smelled a mixture of his perfume and liquor but he still smells nice. O baka namiss ko lang talaga siya?

Napakaliit na bagay pero sobrang napasaya ako nito.

"Home..." he voiced out, sighing.

Marahan kong pinikit ang mga mata ko at dinama ang pag patak muli ng mga luha ko.

Wala sa sarili kong binaon ang mukha ko sa kanyang leeg. I smelled him more and I sighed in contentment.

My heart throttled for gratefulness. Masaya dahil napagbigyan.

"How do you plan to move on, yourself? Kaya mo ba? Nagawa mo ba? Nakalimutan mo na ba ako?" Bulong niya sa gitna ng aming yakap.

His arms were embracing all of me, dama ko ang kanyang pag hinga sa aking balikat.

I remember my thoughts about this...

"My plan was to wait for you..."

Hindi ko alam saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko sabihin sa kanya ang lahat ng ito. Hindi ba dapat ay isikreto ko? O hindi kaya ay mag sinungaling ako para kumbinsihin siya na hindi kami pwede pero...

Masyadong tapat ang puso ko sa kanya para pag sinungalingan siya.

"To wait till you find someone new. Ang plano ko ay hintayin kang maging maayos muna bago ako. Alam kong nasaktan kita ng sobra at hindi kita kayang saktan pa lalo kung makikita mo na akong may iba. Kaya... iyon ang naisip ko... ang hintayin ka muna. That's my plan..."

I can't believe I am telling him my most hidden thoughts.

Parang hindi talaga ito totoo. Kung panaginip man ito, sana hindi nalang ako magising.

"Bullshit..." mahina niyang mura.

"You see... you didn't even have to worry, my heart was ever loyal to you..." my whispers came so soft that I knew it softened him too.

His hug felt tighter but gentler.

"Move on my ass. I wouldn't move on so you can forget your plan now. Hihintayin mo ako, huh? Wala kang hihintayin kasi hindi ako mag hahanap ng iba..." aniya sa himig na may pag tatampo.

I chuckled a little. "Hindi mo naman iyon alam. Who knows? Kung nanatili tayong hindi nagkikita, baka makahanap ka rin. Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil magkaharap tayo."

"No! I... am in love with you! Only to you..." he stubbornly retorted.

My heart fluttered but I shook my head.

My lips trembled, my heart was stubborn to agree. Alam kong makakahanap pa siya dahil... ito lang ako. Masyadong maraming mas higit sa akin... na mas nababagay sa kanya.

"Hindi mo naman nakikita ang hinaharap para masabi mo na hindi iyon mangyayari."

"No! Alam ko. Hindi ako mag hahanap ng iba kaya hindi ka rin! I will remain in love with you and you to me. Tayong dalawa lang. Tayo dapat." Pinal niyang sabi, hindi palulugaran ang kahit anong mag susubok na ibahin ang sinabi niya.

He placed light kisses on my shoulders. I shuddered a bit, my knees felt weak, mabuti nalang nakaupo kami.

I admit, my heart was treacherous, alam kong hindi dapat matuwa pero masaya ako sa mga naririnig ko...

Nagkakasala ako uli... pero handa ako mag bayad para mga oras na 'to...

"Hindi mo iyon alam, Tob. Tignan mo nga, noong nakita mo ako sa Camiguin, galit na galit ka sa akin. Kung hindi mo nalaman ang tungkol sa mga nangyari..."

Wait...

"Tob!"

I pushed him a little. Umahon ako mula sa pagkakayakap niya. He lazily looked at me, his hands were still on my waist, hugging me loosely. Mapupungay ang mga mata, nakaawang ng kaunti ang labi, sinusubukan akong yakapin ulit pero nanatili ang dalawang palad ko sa kanyang dibdib.

"Paano mo nalaman? I mean... sigurado ako na hindi mo alam noong nag kita tayo sa Camiguin kaya... paano?"

He pouted his lips and he shook his head.

"Don't make me remember. Maiirita lang ako." Aniya, nag susungit ang mga mata.

"Huh? Tinatanong ko lang naman..."

"Let's just go back with our hugging and... let's talk about your plan to move on and my love for you..." giit niya, muli akong sinubukang yakapin pero nanatili ang determinasyon kong malaman!

"Tob!"

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tss." Umirap siya.

Paano ko nakalimutan ang ugali niyang ito?

My stubborn commanding, Tobias!

"I promise to answer all your questions kung sasabihin mo sa akin." Deklara ko.

I can't believe it! Para akong batang nakikipag areglo para lang malaman ang sikreto!

"Hindi naman na kailangan. Alam ko na ang gagawin ko. I know who to ruin now, you know? Alam ko naman na lahat."

Nag kunot ang noo ko muli dahil sa pinag sasabi niya!

Ano ba ito?!

"Tobias! Be serious! Importante ito sa akin. Ang tagal ko itong tinago. Kahit sa mga kaibigan ko, hindi ko sinabi ang lahat. They barely know the details. Tapos ay ganito? Gusto ko malaman."

Umirap siya uli at umiling.

"Bakit pa?"

I sighed and looked at him sadly. "The reasons I hid kept me going, umaasa ako na kahit walang nakakaalam ay... mag dulot ng mabuti ang mga desisyon ko... kaya ang malaman na may ibang nakakaalam... ay malaking bagay sa akin. I hid my reasons not only for you but for the people who were affected by... my love for you before. So I have to know... para patuloy ko silang maprotektahan..."

Kung nalaman niya, malaki ang tyansa na malaman nina Willow...

Hindi maaari. She will get heartbroken. She will break... hindi ko kayang masaktan siya dahil sa akin. Her situation is hard enough, if she finds out about me and her mom's meeting, she will surely break into pieces.

"Avery..."

Mas nanlambot ang tingin niya sa akin. Nanunuot. Nakikinig ng mabuti. Mas lumalim ang pag tingin niya, tila may natanto habang mataman na nakikinig sa akin.

Muli siyang bumuntonghininga at inangat ang kanyang kanang kamay para haplusin ang aking kaliwang pisngi.

Seryoso ang kanyang mga mata, mukhang gusto na pag usapan ang kung ano man ang naiisip niya.

"Okay, I'll tell you... but tell me first why you left school... no... I want to know everything, kahit yung mga alam ko na, gusto ko sa'yo manggaling. Gusto ko malaman ang mga iniisip mo noong panahon na 'yon, paano ka nag desisyon at anong mga ginawa mo pagkatapos... lahat..."

Marahan kong pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang takot.

He reached for my left eye, his lips gently kissing my under eye where a tear just fell.

"I want to know what you've been through... please tell me..."

My lips parted a bit and I felt his lips on mine before I could even open my eyes.

Marahan ang pag dampi 'non, maingat, tila mababasag ako kung didiinan niya. Nag tagal ang halik niya sa aking pang ibabang labi, hinayaan niyang dumausdos doon ang kanyang dila bago marahang hinalikan uli ako ng buo.

My heart shattered and my tears fell even more.

Mula sa palad kong nakalapat sa kanyang dibdib, naramdaman ko ang marahas na pag hampas ng puso niya.

"Gustong gusto na kita itanan..." bulong niya.

Hinalikan niya ang gilid ng labi ko.

"Kung papayag ka, iyon ang gusto ko..."

Tila pagod at lasing ang mga mata ko sa pag bukas.

Inabot niya ang kamay kong nasa dibdib niya at nilapit sa labi niya para hagkan.

"Nakikiusap ako... 'wag na tayo mag hihiwalay ulit..." pag suko niya habang ulit ulit hinalikan ang palad ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top