Pahina 30
Baby
"Goodmorning, pwity tinang!" Bati ni Ina nang makalabas ako ng kwarto kinaumagahan.
I was still a little bit groggy, pero nakapag hilamos na ako kaya medyo nasa hwisyo naman na. Athough, medyo naninibago pa ako sa lahat ng ito lalo na at unang umaga ito na hindi ako gumising sa Camiguin.
This place feels so foreign, I was expecting to feel the breeze from the trees surrounding our place back there, pero aircon ang bumungad sa akin kagising.
Both are nice, pero magkaiba ang dulot ng dalawang iyon. Camiguin gives peace, while Anton's unit gives comfortability. Magkaiba man, I still felt secured from both place.
"Hi lovelove, how was your sleep? Goodmorning!" Medyo paos ko pang sabi habang palapit ako sa kanya.
Nakaupo ito sa secured na high chair para sa mga bata. Isa ito sa mga regalo ni Koa nang bagong panganak si Willow pero ngayon-ngayon niya lang ito nagamit talaga. Willow was feeding her closely, halos laging nakakandong at gusto niya na lagi silang magkadikit, mabuti nalang ay ngayon medyo hinahayaan niya na itong mag-isa.
I understand though, binawi niya ang mga panahon na hindi siya nakakatayo pagkapanganak.
"Good po! Laaaamig!" Masayang sagot ni Ina habang pilit na inaayos ang nangangahulog na pancake mula sa kanyang bibig.
Tumayo ako sa kanyang gilid at sa kabila ko si Koa na nag aagahan na.
I directed my eyes towards Ina.
She knows how to eat alone now pero medyo magulo pa. Napansin ko na pag ga'non ay na fu-frustrate siya. She keeps on cleaning herself but will end up messier.
Pero hinahayaan pa rin namin siya kahit na mag dumi, she will eventually learn and we believe this will help her be independent. Pero once na humingi na siya ng tulong ay agaran naman namin siyang dadaluhan para matulungan. Iyon ang naging usapan namin ni Willow sa paraan ng pagpapalaki sa kanya.
"That's very nice, lovelove. The aircon is cold right? I knew you will like it!" Dagdag ko pa habang bahagyang hinahaplos ang kanyang buhok.
Tumango siya habang inaabot sa akin ang lasog-lasog na pancake na kanyang hawak.
I crouched to take some of it.
Kita kong nag ningning ang mga mata niya habang pinapanood akong ngumuya. Nang matapos ako ay muli niyang binaba ang kamay at pinagtuonan ng pansin ang pancakes.
Ina...
This child saved us. She is our light.
Matamis akong napangiti habang pinapanood siya then I moved my eyes towards Anton.
"Nasaan si Anton? Si Willow?" Tanong ko kay Koa.
Koa looked so unruly this morning. Nakatulala siya at wala pa sa sarili, nakahawak sa pandesal at tipid itong kinakain habang halos mapipikit na ang mga mata. Gulo-gulo din ang kanyang buhok.
Mukhang ginising lang ito, hah? Wala pa sa sarili.
"Lumabas lang, may kinuha sa lobby." Sagot ni Willow na kalalabas lang kung saan ang luto-an.
May hawak siyang dalawang pinggan, isang puno ng bacon at isang puno ng scrambled eggs, mayroon na rin isang basket ng pandesal sa lamesa at may isang pinggan na puno ng pancakes.
Ang dami naman ata nito?
"Don't wonder. Katulong ko si Anton mag luto at lahat iyan gusto niya."
Napaismid ako. Hindi naman namin ito mauubos lahat.
"Eh ito? What happened to him?" Sabay turo ko kay Koa.
Willow's eyes almost vanished, forming a cute curvy line when she chuckled.
"Gusto siya gisingin ni Ina at makasabay sa pagkain kaya ayan..."
Sumilay ang mapang-asar na ngisi sa aking labi habang nakakaisip ng kalokohan. Kumuha ako ng pancake at sinubukan itapat iyon sa bibig ni Koa na siya naman tinanggap nito. He opened his mouth, eyes still heavy-lidded, pero hindi ko iyon binigay, muli kong binawi at ako ang kumain.
Mukhang hindi iyon natanto. Sinara niya ang kanyang bibig na parang may kinakain at ngumuyanguya.
Nalukot ang mukha ko sa pag pipigil ng tawa. Napatingin ako kay Willow na napapailing nalang habang nilalapag ang mga niluto sa lamesa. A silly smile made its way to her mouth at sinamaan ako ng tingin na para bang pinagagalitan niya ako.
"Stop it. Kawawa na nga e."
"Nakakatawa kaya siya..." I trailed, defending myself.
"Umupo ka na riyan, kakain na tayo."
Sumunod ako at umupo sa tabi ni Koa.
"Yes po, mommy!" Pang-aasar ko pero matalim na tingin lang ang ginawad niya sa akin.
"Mommy!" Sinabayan pa ako ni Ina na inaabutan din ng pancakes ang mommy niya.
Glaring at me, she crouched to get some from Ina's hand, hinayaan niyang subuan siya ng anak niya.
Nag kibit balikat ako habang patuloy na sinusubukan subuan din si Koa ulit, at muli naman naloloko ang kaibigan namin.
I giggled while Willow hissed aggressively.
"Sienna!" Marahas niyang pag babawal sa akin.
I pursed my lips and guiltily nodded.
Na-Sienna na ako.
"Yes po." Pag suko ko.
"Kumain ka na riyan. You want coffee?" Tanong niya.
I smiled sweetly and nodded profusely.
"Yes please!"
She rolled her eyes and nodded before leaving the table.
"Ano pala ang plano ngayong araw? Mamaya na ba natin pupuntahan si Kuya Archer?"
Tinungo niya ang gilid ng ref kung saan naroroon ang coffee maker.
"Oo, pero ayos lang kung hindi na kayo sumama. Baka makasama pa kay Ina. Hindi pa siya ga'non kasanay sa ganitong klase ng environment."
Kumuha ano ng pandesal at hinati iyon sa gitna para lagyan ng scrambled eggs. I took a bite and almost muffled 'yum'.
I remember her not being able to cook anything before pero ngayon ay sobrang sarap na ng mga luto niya. Being a mom beautifully changed her, she was always good with what she does even before pero ngayon, nakikita ko na para talaga sa kanya ito.
She's her best now that she's a mom. Her life might have taken a different course, people might speak differently about it, pero sa nakikita ko... na tama lang. Sa eksaktong oras na iyon, sa pagkakataong iyon, noong nangyari ang lahat ng 'yon, iyon talaga ang dapat.
I can't wait for my bestfriend's life to unravel more. Now that she has Ina, wala na siyang hindi kayang gawin. I know. I believe in her.
"Hmm, but I want to be with you—"
"Change of plans."
Napabaling ako sa direksyon ni Anton na papasok sa kusina. May hawak siyang makapal na envelope. Nilapag niya iyon sa lamesa.
"Hindi tayo haharapin ng kapatid mo."
Napatayo ako. "Huh? Eh... baka dahil hindi niya alam na ako ang nakikipag kita? Ako na ang kakausap. Pupunta ako ngayon doon. If they will know that I am his sister, sigurado ako na papapasukin ako roon."
Umiling siya. "He knows. May iba lang siyang gusto mula sa'yo bago ka niya siputin."
Kuya Archer? Pahihirapan mo ba talaga ako?
Is he serious? Pinapahirapan niya ang mga Lim? Tapos ako ngayon? Ano ba ang nangyayari?
"What is that?"
Nilapag niya ang isang papel sa harapan ko. It was a printed email reply from my brother. Maiksi lang iyon at direct to the point. Paulit-ulit ko iyon binasa at napaamang nalang sa kondisyon na naroroon.
This is so Archer-Coded. Very business like. Lahat ng gusto ay may kapalit. Even how twisted his ways are, makuha lang ang gusto niya ay magagawa niya. My brother became so good with this that he is also using it on me too.
"He wants you to enroll again and continue your studies. Pag naibigay mo na ang proof of enrollment mo, tsaka siya papayag na makipag kita." Pag sasatinig ni Anton sa buong punto ng mensahe mula kay Kuya Archer.
Narinig ko ang pag singhap ni Willow sa gilid at ang pag daing ni Koa.
"Dami naman arte ni Kuya Archer," ani Koa.
Hindi ko sila matignan pabalik. Kurap lang ako ng kurap habang binabasa ang email ng kapatid ko. May mainit na kamay ang humaplos sa puso ko habang binabasa iyon, at hindi ko mapigilan ang mangulila, lalo na at alam ko kung bakit niya ito ginagawa.
He may be ruthless but this is for me, ginagawa niya ito para sa akin kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw niya pa makipagkita.
"So... Ave? What do you think?" Tanong ni Anton.
I forced to look back to Anton.
Naninimbang ang kanyang mga titig. I know he wants this for me too. Sinabi na niya iyon kagabi. But I appreciate that he thought of asking me about my take on this.
"Mag aaral naman ako ulit. Nasa plano 'yon. Alam niyo naman 'yon. Pero... balak ko sana isang taon pa, kapag sana mag de-day care na si Ina tsaka ako papasok ulit para mag-aral."
Hindi ko nasabi ang plano kong iyon sa kanila, na mag-aral kapag mas kaya na ni Willow na mag-isa si Ina. Kaya kitang kita ko ang pagkagulat kay Anton at ang pagkatigil ni Koa at Willow sa gilid namin.
"I just really want to talk to him... at susubukan ko pa rin—"
"Let's enroll, Ave." Putol ni Willow sa akin.
Napabaling ako sa kanya at nakita ang pamamasa ng mata niya.
"Low—"
Mabilis na tumayo si Koa at lumapit kay Ina para buhatin siya. Hindi na niya kami binigyan ng kahit anong salita, basta dire-diretso niya itong pinasok uli sa kwarto na tinulugan ni Willow at Ina kagabi.
Willow sighed.
"I-I... I knew you were sacrificing for me and Ina a lot, pero lagi kong naiisip na... may ibang rason ka pa na hindi sinasabi kaya hindi ka makabalik-balik... but then now... this... ito pala?" Malungkot na malungkot niyang sabi.
Malungkot akong napangiti at nilapitan siya para abutin ang kamay niya.
"Hey... it's okay. Ano ka ba? Isang taon nalang naman. At marami pa akong ginagawa sa foundation ni Anton, mabilis lang 'yon, hindi natin mamamalayan ay babalik na rin ako sa pag-aaral."
Marahas siyang umiling at kita ko ang pag aalsa ng hindi niya pag sangayon sa akin.
"Ave. Hindi." Iling siya ng iling.
"Kung kaya mo na, pwede ka ng mag simula. Hindi mo kami dapat isipin. Hindi mo 'yon responsibilidad. Yes. I asked for your help before. Pero hindi sa ganitong paraan. I wanted you to be there for me because I trust you about my situation. Sinabi ko dahil alam kong hindi ko kaya mag-isa, pero hindi para itigil mo ng ganito ang buhay mo." Hurt was so evident from her voice.
I smiled again and shook my head. "Okay lang talaga, walang problema, isa pa nag i-ipon pa ako para sa pag-aaral ko, kaunting oras nalang naman—"
"I will lend you money." Singit ni Anton.
"What? No!" Marahas kong pag tanggi!
This is absurd!
"Why? Hiram lang naman, babayaran mo rin." Kalmadong depensa ni Anton.
Umiling ako at napabitaw kay Willow. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo sa dami ng nangyayari sa paligid ko. Nakapag pahinga ako ng maayos kagabi at may kagaanan ang pag gising ko pero ito na naman, nagulo na naman ang utak ko.
"Look."
Ang pakiramdam ko ngayon ay nababakante lang ang pagod ko pero pag may nakapag trigger dito ay mabilis itong umaapaw ulit.
At hindi iyon mabuti.
"Anton, I appreciate your concern. Alam kong pag-iinarte kung hindi ko tatanggapin ang tulong mo. Thank you. Pero gusto ko 'to gawin mag-isa. Believe me or not, I like what I am doing. I like my pacing. Oo mabagal, pero lahat 'to ginagawa ko para sa sarili ko. You have no idea about the amount of joy I feel tuwing nakakapag tabi ako para sa pag-aaral ko. It may sound ridiculous... but I like the feeling it gives me. I like that I am working under your foundation, kasi alam mo ang passion ko roon, at kasabay 'non ay nakakapag ipon pa ako sa pag-aaral ko. Gusto ko lahat iyon. So please. Ibigay mo na ito sa akin."
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag dahil alam kong mahirap iyon intindihin. In the first place, hindi ko naman kasi dapat talaga pag daanan at gawin ang mga ito dahil sa yaman ng pamilya ko pero...
Ito talaga ang gusto ko. Ako... naiintindihan ko ang sarili ko tungkol dito. Alam ko na ito ang gusto ko. Ito ang kailangan ko. At iyon naman ang importante para sa akin ngayon. Mas payapa pa ako ngayon kaysa noon na nasa akin ang lahat.
I am far from my life before, oo, pero... I can sustain myself. At hindi naman ako makokontento doon, kaya nga ako mag-aaral ulit, kaya nga may mga plano ako. May sarili lang akong bilis, alam ko iyon sa sarili ko.
I know that this is not all on me, malaki ang tulong ni Anton sa amin... sa akin. Hindi ako aabot sa ganito kung wala siya at tanggap ko na iyon. I can't really take all the credit, I am still privileged that I have a friend like him, but... I want to do things on my own now.
May hanggang ang pribilehiyong kaya kong hayaan. Kasi kung hindi, para saan pa ang lahat ng ito? Bakit pa ako umalis sa amin kung ganito rin? Parang ang pumalit lang sa mga magulang ko ay si Anton, kung ganito.
"You don't have to worry about me, Anton. You both sound as if I am throwing away my life. Let me clear it out. I am not throwing my life away. I have plans. I will succeed. Alam ko na ang gusto ko ngayon. I will make it happen. May sarili lang akong timeline."
Pareho ko silang tinignan. From Anton to Willow then to Anton again. Pareho silang nakikinig at pareho rin silang hindi sangayon sa mga sinasabi ko, halata sa ekspresyon nila pero hindi nila 'yon maisatinig dahil alam kong bakas din sa mukha ko na seryoso ako.
Kasalanan ko rin naman, hindi ako naging bukas sa kanila sa lahat ng nararamdaman ko, sa buong kwento ng mga rason ko kung bakit ko ginagawa ang mga ginagawa ko, at hindi ko rin sinasabi ang mga plano ko.
Pero sana ay mapagkatiwalaan nila ako na alam ko ang ginagawa ko.
"But Avery, hindi mo kailangan hintayin si Ina mag day care bago ka mag-aral uli..."
"Nag-iipon pa ako."
"Ipapasok kita sa foundation. You'll be our scholar. In return, you'll work under our company here. You're smart, Ave. Siguradong kahit hindi kita tulungan, tatanggapin ka ng foundation." Ani Anton.
"Bumagsak ako noong huling semester natin—"
"Hindi iyon ang tinitignan namin. Marami rin kaming scholars na hindi gaano kagandahan ang school records bago namin tinanggap, alam namin na nangyayari 'yon dahil sa iba't ibang dahilan. Kapos sa pera, hindi sila nakakapag focus dahil sa dami ng responsibilidad sa buhay, at iba't ibang sensitibong dahilan. Instead, we look at the whole picture, the situation and other factors involve, lalo na kung gusto naman talaga makapag-aral... and I know you do... so please..."
Anton was very serious looking at me. His expression shows that he's not just sweet talking me just for me to say yes, para tanggapin ko ang tulong niya. Sa mukha ay parang napag-isipan na niya ito at sigurado siya rito.
"At kailangan ka ng kompanya namin, Avery. Kahit tanungin mo pa si daddy at ang mga tao sa likod ng foundation. They were pleased by your efforts and they were happy with the growth of our foundation in Camiguin. We have helped a lot more since you helped us there. Kung malaman ni daddy ang sitwasyon mo, baka siya pa ang lumapit sa'yo para lang makumbinse ka. Panigurado ako, gugustuhin niyang maging parte ka na talaga ng kompanya."
I opened my mouth to say 'no' again but...
I am not that hardheaded now. Mas malawak naman na ako mag-isip ngayon. Alam ko kung kailan tatanggap at kailangan tatanggi.
And I know this will help me...
I just want to accept it with the right reasons. Hindi lang dahil gusto niya akong tulungan dahil ayaw niya ako mahirapan at kaibigan ko siya. Pero sa narinig ko, sa tingin ko ay ayos lang naman ito?
Plus this is my passion...
And I really wanted to work under the Lopezes.
I took a deep breath then looked at Willow who was looking me with hopeful eyes now.
"Magiging ayos ka lang ba? Hindi ako makakabalik kasama ka sa Camiguin."
Umiling siya. "I think it's time we go back here. Tayo."
Napaawang ang labi ko. Nanikip ang dibdib ko.
"L-low, sigurado ka?"
Tumango siya. "I am not just doing this for you, Avery. 'Wag ka maguilty o mag isip ng ga'non. May parte oo, pero normal lang naman siguro iyon? Kaibigan kita. Pamilya. You do the same for me. Anong problema kung gawin ko rin 'to para sa'yo? Pero para rin 'to sa akin. Gusto ko na rin mag simula ulit. Baka panahon na para sa atin na bumalik at... mag-simula..."
My heart felt relieved. Dahil ayaw ko man aminin ay malaking bagay ang assurance na 'to mula kay Willow. Kahit pa na anong sabihin nila, I will worry for her. She's my bestfriend. She's family. At isa pa, si Ina. I can't leave them both just like that. Kaya napaka-importante nito sa akin.
"We can do this..." aniya.
I saw her eyes lit up that reflected her determination. Namula ang kanyang pisngi, showing that she's happy. Lagi siyang ga'non kapag gusto niya ang nangyayari.
A small smile made its way to my lips, finally.
I sighed my relief. Tumango ako. My heart felt light, scared, and thrilled all at the same time.
Ngayon ko nalang ulit naramdaman ito. All this time, I feel like... I'm looking for something, the years that passed, lahat iyon ay ginugol ko sa pag-aalam kung ano ba ang dapat kong gawin mula ng iwan ko ang maraming bagay. Pero ngayon, parang nag sisimula na talaga ako.
I can feel ease and comfortability with myself a little bit. Still a long way to go, pero mas klaro na kahit papaano.
Because this time, alam ko na ang gusto ko. I have goals now. I am reaching for something. Hindi na basta-basta pinapalipas ang araw at oras. May gusto na ako marating at mapuntahan— na alam ko sa loob ko ay makakatulong sa akin.
This makes me happy.
And Willow's support is definitely... a big thing for me.
"Okay... I'll do it."
Nilingon ko si Anton at kita ko ang nakasilay na ngisi sa kanyang labi. He was leaning on the table as he watched us.
"I will try my best to get a supporting document na nasa ilalim ka na ng foundation namin for scholarship. Maybe that will suffice for your brother. Baka next week ay pwede mo na siyang makausap. At pag mayroon na, mag-enroll ka na agad."
Tango lang ang naging sagot ko. I can still feel the mixture of fear and excitement in my veins. Tingling and snapping inside me.
"Thank you, Anton."
Thank you is a very common phrase to say. Lalo na kay Anton. He has done so much for us. Kahit noon pa. Pero ngayon, the way I said my thank you was like all these years, I survived... to be able to tell him that.
He shrugged to hide his shyness. Umupo siya at nag simula ng mag lagay ng pagkain sa kanyang pinggan, patay malisya.
I chuckled and went back to my spot a while ago to eat with him.
"Ave, kuha akong yakult?" Parang batang tanong ni Koa.
For the nth time! Pang ilang beses na niya itong pag tatanong sa akin. Bawat maisip niyang kunin ay itatanong niya muna. Am I his mother?
I glared at him. "Isa pang tanong mo, Koa. Ikaw ang ibebenta ko rito." Banta ko.
He pouted and quickly went away to get his yakult. Napailing nalang ako dahil naka light yellow siyang t-shirt at grey sweatpants, mamang mama siya sa kanyang pangangatawan, his muscles are very evident now, pero kung maka ngisi at makakuha ng mga gusto niya ay parang bata pa rin.
"Pwity Tinang, w-want milk! Please!"
I chuckled when I heard Ina plead. Hawak-hawak ko ang push cart ngayon habang naka-sabit sa aking katawan ang puti niyang baby carrier. She was busy with her cute we bare bears' ice bear small stuffed toy.
"Mommy got you milk already. Let's go to her later. I'll just get you diapers." I said with my small voice.
She nodded profusely and continued playing with her ice bear.
Akmang hahalikan ko ang kanyang noo nang matigilan.
"Zobel?"
A pair of black rubber shoes stood in front our push cart, hinaharangan ang daanan ko.
"Long time no see. Ang tagal kitang hindi nakita, hah? Were you out of the country?"
Napalunok ako at napaangat ng tingin.
"K-kuya... Andres." I unbelievably muttered his name.
My eyes surely reflected my shock.
His mischievous smile welcomed me. Ngiting-ngiti siya habang nakatayo sa harapan ko. May hawak na dalawang wine.
Black tee. Black cotton shorts. Black cap facing backwards. He looks... good... way good... happy and well.
My mind got lost. Naisip ang aking kaibigan. Wala sa sarili kong tinago ang mukha ni Ina. Mabuti nalang ay nakaharap siya sa akin kaya niyakap ko siya ng maigi para hindi siya makita.
Shit.
I felt a hard thumped inside me.
Dumugungdong ang puso ko at alam kong dahil iyon sa hindi maganda ang sitwasyon ko ngayon.
Koa, nasaan ka na?
"U-uh... Hi." Kaswal kong bati.
Nalilito niya akong tinignan. Hindi nakuha ang namutawi sa labi ko.
"Ang sabi ko long time no see, nag abroad ka ba—"
Bumaba ang tingin niya sa yakap-yakap ko. His lips parted and his eyes widened a fraction, pero sandali lamang iyon dahil tila mabilis na nag-isip ang utak niya, then at the end, his brows furrowed, as if he thought of an answer to his life question.
Muling bumalik ang tingin niya sa akin.
"I am sorry..." aniya.
Pinilig niya ang ulo niya.
"Uhm..."
Sinubukan niyang hawakan ang batok niya pero natanto niya agad na may hawak siyang wine sa magkabilang kamay kaya peke siyang tumawa at nalito kung paano niya magagawa iyon.
"Secret ba ito?" Tanong ni Kuya Andres.
Napaiwas siya ng tingin at namula ang kanyang tainga hanggang leeg. He licked his lips and looked around, as if he needs to hide something.
"Mauna na kami, I am sorry." Pag tanggi ko na sumagot sa mga tanong niya.
Less talk, less mistake.
Lalo na sa kanya. Ang magkamali ng sasabihin sa kanya ay talagang hindi maaari.
Magkamali na sa lahat 'wag lang sa kanya.
"Hey Andres," Dinig kong tawag sa kanya ng isang matigas na boses.
This time, tila dumikit ang paa ko sa inaapakan ko. I couldn't continue pushing our cart away. Nanatili ang mga mata ko sa panonood sa lalaking may hawak na sealed meat habang pinapakasuri iyon.
Like Kuya Andres, he was wearing a cap but it was facing forward.
White tee. Black cotton shorts. Black rubber shoes. Namumula ng kaunti ang balat niya, bakas ng pamamalagi niya sa Camiguin ng mahigit isang linggo. His white shirt felt so sinful hugging his muscled torso, it accentuated his physique and it will make you turn your eyes towards him.
Nakakunot ang kanyang noo habang sinisipat ang hawak na karne.
"You think this is good enough?"
Napalunok ako.
Kakarinig ko lang ng boses niya kagabi pero ramdam ko pa rin ang pangungulila sa akin. I missed his voice. Gusto ko pa siyang marinig.
Hindi ko akalain na ganito ko siya ma-mimiss ng husto. Miss na miss ko siya!
"Uh..." nalilito akong tinignan ni Kuya Andres at pagkatapos ay kay Tob.
Pabalik-balik ang tingin niya tila hindi alam ang gagawin. Gusto ko man mag-isip din pero masyadong nakuha ni Tob ang atensyon ko.
My eyes were a slave to his presence, just watching his every move. I saw him differently in Camiguin, kagabi naman ay nakita ko uli ang pagiging business man niya, ngayon... he looked laidback and casual.
"Oo brod! Okay na 'yan. T-tara! Alis na tayo. Baka hinahanap na tayo nina Baste."
Agaran siyang gumalaw para salubungin si Tob at inakbayan pa ito para ipihit patalikod sa akin.
Huh? Anong mayroon?
Gusto ng utak ko mag isip sa mga galaw ni Kuya Andres pero napakabilis ng mga pangyayari.
Isang segundo nag iisip ako. Pangalawang segundo nakita kong iritado siyang binalingan ng tingin ni Tobias. Pangatlong segundo ay pinilit tumingin ni Tob sa gawi ko. Pang-apat na segundo ay nag tama ang mga mata namin. Panglimang segundo ay ang pag guhit ng gulat sa kanyang ekspresyon. Pang-anim ay ang pag baba ng tingin niya sa aking bisig.
Then the next thing I knew, pain registered on his face.
Sa lahat ng mga segundong 'yon, tinakasan ako ng hangin sa loob ko.
I looked down following his line of sight, and saw the innocent eyes of Ina, a little bit sleepy now, hugging me back to get her good sleep. Her eyes fluttered and she pouted her lips while she hugs me.
Don't tell me...
My eyes snapped back at them. Kita ko ang pagkataranta kay Kuya Andres habang pilit na may sinasabi kay Tob pero tanging ang pait ng ekspresyon ni Tob ang nakatanaw sa akin.
I took a step forward, moving the push cart with me pero mabilis din akong napatigil nang makita ang galit sa mga mata niya.
My heart crumbled in front of him. I wanted to say a lot of things. I opened my mouth but then closed it again. I wanted to call for him and talk to him. I wanted to clarify his thoughts, dahil parang alam ko na kung anong naiisip niya. Pero nawalan ako ng boses.
Pumitik ang puso ko at naramdaman ko ang pagkabigo roon.
I was torn and confused, naririto si Kuya Andres, paano ko ipapaliwanag ito ngayon, at... iba ang sitwasyon namin, kung mag-eexplain ako... para saan pa? Hindi ba mas makakasama iyon sa kanya? I will give him false hopes.
Fuck.
Bakit lagi nalang akong mali pag nakakaharap ko siya? Hindi kaya pati ang mundo ay ayaw kami talaga?
To continue making mistakes and hurting him, these are signs that we can't be together, right? I will only hurt him. I am just really pure bad for him.
Gusto kong mag-iwas ng tingin pero masyado akong nag-aalala sa iniisip niya para putulin ko ang pag titinginan namin.
Kuya Andres kept on talking to him, pero siya ay nakatuon lang ang tingin sa akin.
Matalim at galit. Sa akin.
Coldness enveloped my heart.
His lips twitched.
"Tara na," Malamig niyang sabi kay Kuya Andres at naunang mag lakad palayo.
I watched his back as he walked away. At sa bawat hakbang niya ay alam kong nasama niya ang puso ko. Bagsak. Nanghihina. Pero... sumusunod pa rin sa kanya.
Hindi, okay lang 'to... tama lang.
He will be able to move on after this, he will hate me, he wouldn't want anything to do with me, at tulad ng pangako ko, pauunahin ko siya makalimot.
Watching him walk away gave me an unexplainable feeling of pain and sorrow that I have never reached my entire life... pero ayos lang, tatanggapin ko lahat ng sakit hanggang pwede, hanggang sa maging maayos na siya.
I can watch him turn his back from me, ng paulit-ulit, ilang milyong beses pa, pero hindi ko na magagawang ako ang tatalikod sa kanya. Kahit pa kamatayan na ang kaharap ko siguro, hindi ko na siya magagawang iwan ulit kaya mas mainam na 'to.
Sapat na iyong huli. Hindi ko na kayang saktan pa siya ng ga'non kaya ayos na ito.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Kuya Andres.
"Pasensya ka na, Avery. Alam mo naman 'yon..."
He bit his lower lip and chuckled again with a slight humor on his tone.
"Mahal na mahal ka 'non 'e..."
I felt warmth from my eyes.
Shit.
Bumigat ng kaunti ang pag hinga ko.
"Congratulations... sa baby."
He didn't turn around but he started walking away too.
Napaiwas ako ng tingin at mas bumigat ang puso ko.
I am sorry too... Kuya Andres.
I am really sorry. I am just... protecting them.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko para maitago ang mga luhang nag babadyang bumagsak.
Mahal na mahal ko rin siya.
Sa dalawang taon na lumipas, ni walang nakalapit man lang sa pagmamahal ko para sa kanya. At tanggap ko iyon. Kahit hindi ko alam paano ko siya nagawang mahalin ng ganito, alam kong siya lang ang laman ng puso ko.
But it hurts. Damn this. It fucking hurts.
It hurts to love him this way when I know I can love him better.
Pero wala na...
Ito na iyon...
He can finally move on, habang ako ay mag sisimula na ulit. Sa panibagong kabanata ng buhay namin, siya ay kalilimutan ako habang ako ay mamahalin siya hanggang sa may pahintulot na akong kalimutan siya.
I hugged Ina and buried my face on her small frame. I let myself cry, I let my tears fall and silently weeped for my heart.
Ayos lang ito... ayos lang, Avery.
Oh baby...
Masakit.
I am so sorry Tob. I am sorry. So sorry. I am really sorry.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top