Pahina 28

Tayo na ulit

"Punta na kayo sa pick-up point, I'll just take this call, nandoon na ang susundo sa atin." Ani Anton.

Tumango ako. "Okay," I smiled a little.

Kaka-touch down lang namin sa Maynila. I grabbed my luggage and Willow's.

"Avery! Ako na," alma ni Willow.

I shook my head. "Buhatin mo na si Ina. Baka mawala pa 'yan dito."

She pouted and did just that. Binuhat niya ang pamangkin ko na mukhang inaantok dahil hindi mapirmi ang mga mata sa pag pikit at pag bukas. Such a cute baby. Unang beses nitong mag byahe ng ganito kaya paniguradong napagod.

"I am sorry, ikaw na naman ang mapapagod." Aniya.

I rolled my eyes and pushed the luggage cart containing both of our luggages. Hindi naman mabigat dahil kaunti lang ang dinala namin sa kadahilanang hindi naman kami mag tatagal dito. May sadya ako at pag nagawa ko na iyon ay babalik na kami sa Camiguin.

"Walang kabigat-bigat 'to, so don't feel guilty anymore. Ang mabuti pa, mauna ka na mag lakad. I'll follow you both, para siguradong nakikita ko kayo."

She smugly smirked. "Yes, Daddy Avery."

I grimaced. "Pwede ba Willow? Tigilan mo ako. Baka gusto mong tawagin ko ang tatay niyan? We're here in Manila, don't forget. One call and he will be at our door."

Napaayos siya ng tayo at tinakpan ang tainga ng anak niya habang ang ulo nito ay nakapatong na sa balikat niya.

"Ang sama mo!" She said through gritted teeth.

I smugly smirked this time. "Oh well," kibit balikat ko.

Her brows furrowed. "May masamang hangin ata ang Manila, I miss the Camiguin-Avery."

Napailing-iling siyang naunang nag lakad. Ako naman ay napahalakhak ng kaunti at sinundan sila mula sa likod. Habang nag lalakad ay hindi ko napigilan ilibot ang paningin ko sa buong airport. It has been a while since the last time I set foot here.

It was still almost the same. May kaunting renovations pero halos iyon pa rin ang itsura. Marami pa rin ang mga tao, maingay, maraming nangyayari at napaka-busy ng airport. I never really bothered giving my attention to such place, lalo na at lagi naman kaming pumupunta rito... I have taken it for granted because I never thought I will feel such nostalgia because of this place one day.

This is a place where people come and go. This was a venue of many people leaving. A place where tears were genuinely shed. A venue that that saw smiles reflecting hope for the day where people who left will come back.

I read somewhere that such place probably saw more tears than any other place... everyday.

"Stay here for a while." Tawag ko kay Willow.

Ni-gilid ko ang luggage cart sa may poste para hindi sila matamaan ng mga tao na abala sa pag hahanap ng kanya-kanyang sundo o hindi kaya sa mga taong nag papasok ng gamit sa mga taxi at kanilang sasakyan.

"Hahanapin ko lang ang sundo natin." Dugtong ko.

Tumango si Avery at bahagyang tinakpan ang mukha ng anak dahil mausok.

I advanced and walked to look for Anton's driver. Hindi ko sigurado kung iyong driver niya pa rin noon ang nag da-drive para sa kanya pero kung inaasahan niyang makilala namin iyon ay baka?

Nang medyo mapunta ako sa mga naka hazard na sasakyan ay natigilan ako. I stopped because I saw a familiar man. Mukhang nauna niya pa akong nakita dahil palapit na siya sa akin.

"Koa..." I whispered his name.

Sumilay ang ngiti sa labi ng kaibigan namin.

There, in front of me, walking, is our very good friend, Koa. Hindi namin pinaalam sa kanya ang nangyari noon pero three months bago manganak si Willow ay nagulat nalang kami na nasa Camiguin na siya, kumakatok kasama si Anton habang umiiyak at galit na galit sa amin.

Antonio tried his best to hide our secret but Koa was so persistent, galit na galit na nawala kami basta at sigurado siya na alam ni Anton kung nasaan kami. Ang kwento ni Anton ay araw-araw siyang hindi tinantanan ni Koa, umabot sa punto na natutulog ito sa condo ni Anton para lang mahuli ito kung tatawag ba kami o siya ang tatawag sa amin.

Then one day, Anton decided to bring Koa to us. Alam niyang hindi namin iyon magugustuhan pero naiintindihan din naman namin ni Willow na kailangan na. Koa is also our bestfriend, mas nakakapagtaka kung hindi nito kami hahanapin. Kaya nang malaman nito ang rason kung bakit kami nasa Camiguin ay dali-dali itong nagpabook ng flight para puntahan kami.

I realized that there are things that we never want to happen but once it happens... it could be a form of another blessing.

Koa was a blessing because he stayed with us for six months. Naroroon siya nang manganak si Willow, hanggang sa unang tatlong buwan pagkatapos lumabas ni Ina. He was very hands on, lalo na kapag pinupuyat kami ni Ina. He spent more time with the child, siya talaga ang kumakarga hanggang makatulog ito ulit. Lahat kami ay walang ideya sa pag aalaga ng bata pero maliban kay Willow, si Koa na ata ang pinaka nag-aral paano gawin iyon.

I even caught him watching how to change diapers for new borns from the internet. Tinuro naman iyon sa hospital pero ayaw daw niya magkamali. Baka magka-rashes ang bata o ano pang naiisip niya tungkol sa hygiene.

Mahirap pa rin pero napadali kahit papaano dahil kay Koa. Hindi lang 'yon, malaking tulong din na may lalaki kaming kasama sa bahay. It felt easier that time. I can't imagine how will it be if he wasn't there during those critical times. Dahil sa kanya ay nakapag trabaho pa rin ako, isa iyon sa pangamba ko dahil hindi ko maiiwan si Willow sa bahay mag-isa kung sakali man.

Koa had to leave though, kahit ayaw niya pa raw sana, dahil hinahanap na siya ng mga magulang niya. Pero simula noon ay lagi na siya sumasama kay Anton tuwing dumadalaw ito. Noong huling dalaw lang ni Anton hindi siya nakasama dahil may inaasikaso raw ito.

"Pogi naman ng Koa namin," tudyo ko sa kanya nang makalapit na.

He's wearing a button down baby blue long sleeves and khaki shorts. Naka kulay itim na crocs lang ito. Wearing black sunglasses and black baseball cap.

"Missed me?" He chuckled.

I chuckled and reached him for a hug.

I inhaled my bestfriend's scent and nodded.

"I missed you."

"I guess so too." Aniya at muling natawa.

"I missed you barking." Dagdag ko.

"Avery!" Daing niya kaya mas lalo akong natawa.

I pulled away and smiled more.

"Ikaw pala mag susundo sa amin, huh?"

"Of course, sino pa ba? You're very lucky, this hot-sexy-licious man in front of you is very busy, pero ito ako at pinaglilingkuran kayo." He smugly said.

I scoffed. "Cute ka pa rin sa paningin ko."

I pursed my lips when I saw his brows furrowed. Ayaw niyang tinatawag siyang cute simula nang mag graduate kami. Hindi na raw siya bata, gwapo at mature na raw siya.

"I am not cute!"

I slyly smiled at him. "You're cute." Pag pupumilit ko.

"Hindi nga sabi!"

"Cute." Pilit ko pa rin.

Napaawang ang labi niya at inalis ang salamin niya para ipatong sa ibaba ng sumbrero niya.

"Ito ba? Itong mukhang ito ba ang cute, hah?"

Binaba niya ang mukha niya at pinakita sa akin ng malapitan. Pero sa halip na pag bigyan siya ay mas lalo lang akong natawa at napailing-iling para iwasan siya at bumalik sa kung saan ko iniwan si Willow.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Habol niya sa akin.

I remained walking, not giving him a single look.

"Avery!"

I continued smiling till we reach Willow and Ina. Kita ko ang gulat kay Willow na agad naman napalitan ng kagalakan. Agad itong humakbang palapit sa amin ni Koa. Nilagpasan ko siya para kunin ang luggage cart at hinayaan silang makapag-usap.

Kita kong agaran na kinuha ni Koa si Ina mula kay Willow. Our baby girl shifted from her sleep but immediately became comfortable on Koa's embrace. Sensitive si Ina sa mga hindi kakilala kaya marahil pamilyar pa rin sa kanya si Koa kaya hindi ito umiyak ngayon. Sabagay, mas madalas pa itong nakapatong sa kanyang dibdib noon.

Willow became very weak after her birth. Ang sabi ng doctor ay hindi sanay si Willow sa environment na mayroon siya, dagdag pa ang stress at mga pinagdadaanan niya noon kaya halos hindi siya nakakatayo ng matagal noon. Maya't maya siyang mahihilo at mawawalan ng balanse. She continue to nurse her though, buti nalang at nandoon si Koa.

We continued to talk till Anton came.

"Let's go?" Pag-aya ni Anton.

"I prepared your condo unit, napagod ang maskels ko sa pag lilinis, ilang buwan ka na bang hindi nakatira roon, hah?" Tanong ni Koa habang nag lalakad kami papunta sa sasakyan.

"Four months." Tipid na sagot ni Anton.

"Oh! Simula noong umalis si—"

"Don't you dare."

I saw Anton glared at Koa. Mabilis naman iyon nakuha ni Koa at pekeng tumawa habang kinakamot ang likuran ng kanyang batok.

"Hahahaha! Oo nga. Apat na buwan. Kadiri! Puro alikabok na! Di mo man lang pina-maintain! Ew ka, pare!"

Kumunot ang noo ko.

I watched my friends. I can sense something. Pabaling-baling ang tingin ko kay Anton pagkatapos ay kay Koa. Masama lamang ang tingin ni Anton habang si Koa ay halos mawala ang mata sa pamimilit na tumawa.

But I guess I shall wait for them to tell us? I must respect and understand their desire to keep things a secret. May mga bagay naman na hindi na kailangan sabihin pa sa kaibigan. Sana lang ay pag kailangan nila ng tulong, mag sabi sila.

Matagal ang naging byahe papunta sa unit ni Anton. Traffic dahil biyernes. Kaya nang makarating kami ay napagpasyahan ni Willow na tabihan na si Ina at matulog muna.

"Ikaw? Hindi ka pa magpapahinga?" Tanong ni Anton habang nilalagay ang dalawang maleta namin ni Willow sa gilid ng sala.

"Hindi ka na nakatira rito?" Kuryoso kong tanong.

I hissed at myself immediately!

Avery! Kasasabi mo lang kanina na hihintayin mo sila mag sabi! Well, it's a harmless question right? Simpleng tanong lang naman iyon! Oo o hindi lang ang sagot! Kahit halatang hindi na!

Kita ko ang bahagya niyang pagkatigil. Iniwas niya ang mukha niya at tumuwid ng tayo.

Tumango siya.

"May bahay na kasi akong napatayo." Tipid niyang sagot.

"Oh! That's good!" Tumango-tango ako.

Hm... something's not right with my friend.

Pero pipigilan ko na! Hindi na muna ako mag tatanong.

"Uh... hindi muna ako mag papahinga, susubukan kong tawagan si Kuya Archer." Pag-iiba ko ng usapan.

He looked back at me.

"'Wag na muna. Bukas na 'yan. I made an appointment already para siguradong makausap mo siya."

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Hindi ko na iyon naisip, sa dami ng kailangan kong gawin at sa pag iisip ng mga salitang sasabihin ko sa kapatid ko, nawala sa isip ko ang pinaka importanteng bagay, ang masigurado muna na makausap siya.

I guess it's good to... have someone that will look after you.

My eyes watered!

Damn it! I am being a cry baby again, huh? After years? Wala pa rin nag bago!

Ang kaibahan lang ay hindi ko na kaya umiyak sa harap ng iba.

"A-anton..." Huminga ako ng malalim. "Thank you."

Lumambot ang tingin niya sa akin.

We both heard footsteps and saw Koa walking near us, may hawak na dalawang baso ng tubig.

"Inom muna kayo," aniya sabay abot sa amin ng baso.

Bumaling siya kay Anton. "Bili muna tayong pagkain? Then let's check on Gabo?"

"May balita na kay Gabriel?!" Gulat kong tanong.

"Shh!" Koa shushed me.

He quickly glanced on the room Willow and Ina were occupying.

"Nakabalik na siya pero hindi pa kami kinikita ng mokong na 'yon. Kahit nagpa appointment na ako na hindi ko ma-gets bakit ko gagawin kasi bestfriend ako ng gunggong na 'yon, wala pa rin! Kaya ngayon napag pasyahan namin ni Anton na sadyain siya sa heavensent. Dahil ayon sa intel ni Anton ay naroroon siya mamaya."

Napaawang ang labi ko.

Ang huli namin balita sa kanya ay ang huling balita ko rin mula kay Taw. We know he was safe but he never made contact with us nor he answered any way of contact from us too... since that time.

Mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. That I have proven and tested myself.

Naiintindihan ko naman siya. He loved Willow and for him to suffer because of that, I get why he detached himself from any connection with her.

They all both suffered.

Willow. Gabriel. And even if I haven't heard from Ina's father, I am sure he suffered too.

"Sasama ako."

"Huh? Hindi. Magpapahinga ka rito. Hintayin mo kami, bibili lang kami ng pagkain at sabay-sabay tayo mag di-dinner." Pigil ni Anton.

Umiling ako. "I want to check on him too." Pag pupumilit ko.

Anton's brows furrowed and he shook his head.

"'You're not okay yourself, Ave. Care to check on yourself?"

Muling naiwan na nakaawang ang labi ko.

"You look so tired, Avery. Kahapon nabasa ka pa sa ulan. Tapos umiyak ka pa. Akala mo ba hindi ko napansin? Kanina ko pa rin napapansin ang panghihina ng mga mata mo."

Humugot siya ng hininga at marahas iyon binagsak.

Napansin ko si Koa na palipat-lipat ang tingin sa amin, naguguluhan.

"Look. I know you're strong, independent and you've done so well the past years. You've proven that and I give you that. I know you don't need us too. But still, learn to take care of yourself, I might really join your brother with taking down the Lims if I see you suffer more."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

At panghihina ng mata? Hindi naman ako inaantok...

I had the urge to touch my eye, para makita ang sinasabi niyang panghihina pero pinigilan ko nang makita ang masama niyang tingin sa akin.

"Wala silang kasalanan. Napagod lang ako at maraming iniisip—"

"Sige, ano bang iniisip mo, huh?" He probed!

"Pare, teka lang ano bang—"

"Si Kuya Archer at ang ginagawa niya sa mga—" I tried reasoning out but he cut me off!

"See! Mga Lim pa rin!"

"Teka, teka, kalma muna kayo, ano bang problema—"

"Paanong hindi, Tobias surely took the hit, wala siyang ginawang masama sa akin! Kung mayroon man gumawa ng masama ay ako iyon tapos—"

Anton's eyes glared at me even more.

"Tobias is a good business man, Avery. Mas maalam pa siya sa ating lahat, kahit na sa kuya mong genius, sigurado ako roon. Tandaan mo, bago tayong lahat, nakatayo na siya roon! Have you forgotten his credentials? Alam niya ang ginagawa niya at hindi iyon babagsak agad kung hindi niya pahihintulutan. You have to trust that and instead of watching over everyone, watch over yourself!"

Naiwan lahat ng sasabihin ko sa sunod-sunod na pag tataas ng boses ni Anton. Hindi ko iyon inaasahan dahil sa loob ng maraming taon ay hindi naman namin napag usapan ang mga ganitong bagay. Abala kaming lahat sa papel namin sa kaganapang ito.

His chest heaved with his uprising emotions. I have never seen him like this. He looked so distressed and frustrated. I never thought I will see him lose his cool like this.

Imbes na masaktan sa mga sinabi niya ay nalungkot lamang ako at na-guilty.

Marahas siyang napabuga ng hangin. He placed his right hand over his waist while his left hand massaged his forehead. Umiwas siya ng tingin at napailing-iling.

"Teka pare... kalma ka muna... ano ba kasing kinakagalit mo? Gusto lang sumama ni Avery. Naka sasakyan naman tayo. Komportable. Kung magkakasakit siya, bili na rin natin ng gamot. Nandito naman tayo. We can watch over her. No need to get angry, diba? Hehe."

Inabot siya ni Koa at marahang minasahe ang balikat para mapakalma ito.

Binigya pa ako ng mabilis na kindat ni Koa para ipahiwatig na siya na ang bahala.

"Paano ba naman kasi? Both of them didn't graduate, wala naman masama roon dahil maraming nangyari. Pero ngayon? Nag sisimula pa lang sila, pero ito na naman... ibang tao na naman ang iniisip! Pwede ba, wag muna?"

Mula kay Koa ay dumako ulit ang tingin niya sa akin.

Napayuko ako lalo at napaiwas ng tingin. Minsan lang mag salita ng ganito si Anton kaya mas nakakadala ang lahat ng sinasabi niya. He was always the support, he never imposed his thoughts but I guess he had seen so much of this that he can't take it anymore.

He sighed as he tried to calm himself.

"Continue what you have started after this, Avery. I will try to help that Lim so surrender that matter to me. I promise. Hahayaan lang kita kausapin ang kuya mo pero wag ka ng makikielam tungkol dito pagkatapos. Might as well try thinking if you want to go back to school o kung hindi mag trabaho rito, basta tungkol sa'yo ang isipin mo."

Mabilis niya kaming tinalikuran at kinuha ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng center table ng sala.

"Sumunod nalang kayo, ba-baba na ako."

Pinanood ko ang papalayong bulto ni Anton hanggang sa makalabas siya ng unit niya.

Kumirot ang puso ko.

"Nag-aalala lang iyon sa'yo, Avery. Pagpasensyahan mo na. Alam mo naman si Antonio. Ang dila 'non parang matanda na. Busalan ko minsan sige." Ani Koa.

Tumango ako at napabuntong hininga.

"Naiintindihan ko naman siya, Koa. I guess, I have made him really worried now."

Tumango siya. "I am too. Pero naniniwala ako sa'yo, Avery. Alam kong kaya mo ito. I've seen it. Dati pa man alam ko na kaya mo 'to. Hindi ka lang basta matalino, matapang ka pa... malakas ang loob. I know you can do it! Pero siguro..."

He smiled from ear to ear.

"Hmm... hindi masamang pakinggan ang payo ni Anton. I think it's time for you to think about yourself now. Alam ko na ginagawa mo naman 'yon pero... kulang pa siguro? Sa tingin ko lang naman 'to, hah? Kung inaalala mo si Willow, nandito naman kami at kaya niya na rin 'yon. Malakas na rin siya ngayon. Kung iyong Lim naman, mas malakas iyon sa ating lahat. Tayo ang dapat mangamba pag nakapag isip isip gumalaw iyon."

He reached for me and pulled me for a hug.

I exhaled deeply, forgetting to do it a while ago. I painfully closed my eyes and let Koa's hug shield and comfort me. Nanginig ang labi ko at dinama ang nag-iinit kong mga mata.

My heart compressed so much. I opened it forcibly, trying to take everything they said to me. Gusto ko silang pakinggan, gusto kong subukan makinig ngayon...

Baka ngayon, pwede na?

Sige... susubukan ko...

Tinapik-tapik niya ang likuran ko.

"Malakas na ako ngayon, Avery... pwede mo na ako asahan." Aniya sa mahina pero proud na proud niyang boses.

"T-thank you..." I whispered.

"Shush..." Humigpit ang yakap niya.

"No, Avery. Kami ang dapat mag pasalamat sa'yo." He chuckled. "Hindi ako sanay sa ganitong klaseng usapan, pero..." huminga siya ng malalim, I felt it through his chest.

"In behalf of everyone, thank you..."

I bit my lower lip and squeezed my eyes shut even more.

Nanghina ang puso ko sa narinig. Ito ang unang pagkakataon na... may naglakas loob na hawakan ang parteng iyon...

"Thank you, Avery. Tama si Anton. You have done so well. I am proud of you..."

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, o katahimikan, o ganda ng mga salita ng kaibigan ko... pero... naramdaman ko ang unti-unting pag landas ng luha mula sa aking mga mata.

I felt my heart and emotions burst all together inside me. I crumbled and fell but not to sink, but because I felt it was okay to crumble and fall on him.

"You really grew up so well," aniya.

Tumango ako. Tinatanggap ang sinabi niya. Gusto ko iyon kontrahin dahil alam kong malayo pa ako, lalo na kung kumpara sa mga narating na nila pero ngayon, sa tono niya at tiwala ko na hindi mag sisinungaling sa akin si Koa, gusto kong maniwala na totoo iyon.

That maybe, even how small my progress is...

I really did well.

Sumunod kami kay Anton pagkatapos, mukhang kumalma na rin si Anton dahil ngumingiti na ito ulit sa mga kwento at pang-aasar ni Koa. Bumili kami ng pagkain sa isa sa mga restaurant ni Gabriel at lumipat sa heavensent pagkatapos.

Nakasunod lang ako sa likuran ni Koa sa buong oras na iyon. Una ay dahil sa tagal namin sa Camiguin, nakakapanibago ang dami ng tao na nakikita ko. Alam ng utak ko na normal lang ito, palagi kami rito noon, sanay ako noon... pero hindi ko mapigilan ang manibago.

Pangalawa, kakaiba ang itsura ko ngayon. I was wearing a fitted white sando top and my long white skirt, na nabili ko sa palengke sa Camiguin. Mukha akong mag be-beach, hindi mag ba-bar.

"Naririto raw si Gabriel," ani Anton.

"Nag tatago na naman siguro ang mokong. Tsk!" Inis na sabi ni Koa.

"We have to split up. Let's look for him for ten minutes. Pag wala pa, hayaan na natin, balik tayo sa entrance at doon tayo mag kita-kita. Hahanap nalang ako ng ibang paraan."

Tumango kami sa sinabi ni Anton.

Koa held my hand. "Hindi ka hihiwalay. Sa akin ka sasama."

Aapila sana ako dahil gusto ko makatulong, gusto kong mapabilis ang pag hahanap pero nang maisip na naa-asiwa pa ako at mas kumportable ako sa totoo lang... na may kasama. Tumango ako at ngumiti.

Binitawan ako ni Koa at sumunod ako sa kanya.

Hindi pa man kami nakakalayo, nang marating namin ang gitna ng dance floor ay mabilis na nawala si Koa sa paningin ko! Naipit ako ng mga tao at halos hindi ako makahinga sa pag sisiksikan nila para makasayaw.

"Avery!" Narinig kong sigaw ni Koa.

My head moved left and right but I can't see with my height!

"Koa!" I tried calling, pero wala talaga.

Napasinghap ako nang makaramdam ako ng pag hipo sa aking pang-upo!

Napalingon ako roon at nakita ang isang estranghero, mukhang lasing at nakangisi.

Kumunot ang noo ko at tinulak siya. Bago ko pa magalit ang lalaki ay muli akong nakipag siksikan para makalabas sa dance floor.

Pero nang makarating sa chorus ang kanta ay muling nagkagulo ang mga tao. Nag si-talon-an ang mga ito at halos matumba ako sa pagkakabanggaan nila. Napahawak ako sa noo ko para mapanatili ang aking hwisyo. Nakaka-alon ng paningin ang indayog ng mga tao.

Tumigil ako sa pag galaw at piniling maging matalino sa sitwasyong ito. I focused and closed my eyes to stop getting dizzy. Hinayaan ko silang magkagulo habang nakapikit ako. Mabilis natapos ang kanta at napalitan iyon ng mas mabagal at kalmado na tugtugin.

Backburner...

Nabawasan ang mga tao sa dance floor, they will probably wait for the next upbeat song. Minulat ko ang mga mata ko at nang makita na halos nakalahati ang mga tao sa dance floor ay nag pasya akong gumalaw na para makaalis sa gitna.

But before I could even step, may yumapos na sa aking baywang. A solid arm wrapped itself around my waist, pulling me towards him, my back on his chest, and I could feel the deep breaths coming from him.

I didn't even have to think... ni hindi ko kailangan mag taka dahil alam na alam ko kung sino ito. Masyado siyang naukit sa puso ko, masyado siyang nag marka para bigyan man lang ng pag du-duda ang sarili ko kung kilala ko ba ang taong nasa likuran ko ngayon.

Napapikit ako nang maamoy ang pamilyar na pabango niyang iyon.

My heart started pounding, running and compressing, just to make a point... on how this man affects me.

Naririto na siya?

Kasabay ba namin siya umuwi mula sa Camiguin?

I felt his lips behind my right ear, sending fast shivers from there down to my spine.

Nahigit ko ang aking hininga.

His whole body enveloped me. Just like how he does before, pamilyar pa rin sa akin pero aaminin ko na... may nag bago na. His hug before gives me space to go... but now, it doesn't.

It claims me.

"Ang bilis... bilis mo... talagang iwanan ako," he said breathily.

I opened my eyes.

He crouched and pinned himself towards me more. Like our closeness will never be enough to suit his liking.

"But I told you..."

He twisted me to face him fast, his arms still on my waist. Sinalubong ako ng kanyang matipunong katawan na nakatago sa itim na button down long sleeves polo niya. I could still remember his usual black sando and rugged jeans from Camiguin. Parang panaginip nalang iyon dahil ito... talaga siya.

"Eyes up here, baby." He demanded huskily.

At nang hindi ko magawang tumingin sa kanya ay inabot niya ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo at siya ang nag-angat 'non para mag tama ang mga mata namin.

Kung kanina ay nahihilo ako sa dami ng tao, ngayon ay nahihilo ako sa nag iisang presensya...

Nakakalilyo ang makaharap siya.

"I told you right? You hide. I'll seek."

I shook my head. "B-bitawan mo ako... Tob."

He looked so far from how I saw him yesterday. Malinis na malinis siya ngayon, mukhang galing sa opisina. I wonder if he got it bad with what Kuya Archer did? Mukha naman siyang hindi namomoroblema sa opisina.

Instead of a problematic business man, he looked... very dangerous, powerful, damn goodlooking business man.

Dumukwang siya at bahagyang ngumisi.

"I won't listen to you."

He lightly brushed his lips on my dry lips.

Muntik kong maisara ang mga mata ko dahil sa mabilis at mababaw na halik na iyon.

"I missed you so much..." he painfully croaked.

Muli niyang nilapat ang labi niya. Pinatagal niya iyon ng kaunti pero hindi pinalalim.

My breathing started to get unsteady.

"Please say you miss me too." His voice almost sounded begging.

"Ang tagal tagal... masyadong matagal..." umiling siya. "I don't even want to count anymore. I won't last another day," napapaos niyang sabi.

My eyes got drowned in his eyes. Ang mga mata niyang malakas pero ngayon ay nanghihina sa harapan ko.

Whenever I see him like this, para siyang matayog na gusali na nagigiba dahil sa akin.

"Please... come back to me, Avery. I... promise to be a better boyfriend. I'll do my best to be a better partner. I will not make you regret choosing me again..."

Oh God...

Mahal niya pa rin ako?

"Please, baby..." he begged.

How can I... push him away this time? Baka ikamatay ko na?

I took a deep breath. I tried to smile a bit, I want to appease his heart.

I can't hurt him more than how I already did.

"Mag-usap tayo, Tob." Desisyon ko.

His brows furrowed. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

I guess I owe him this at least.

"Pero hindi ngayon, may mga kailangan lang akong gawin muna. Pakiusap, kahit nakakahiyang hilingin sayo, bigyan mo pa sana ako ng konting oras, sa tingin ko kaya ko ng sagutin ang mga tanong mo. Pasensya ka na rin kahapon... I was just... not in a good place."

His brows furrowed deeper.

May nasasabi ba akong hindi maganda?

Nataranta ang isipan ko! Saan ako nag kamali? Hindi ba siya natutuwa na mag-uusap na kami? Ako nga ay natutuwa maisip lang na... may rason kami para mag-usap!

"Hindi naman kasi pwedeng bumalik na lang sa dati. May mga nagawa akong nakasakit sa'yo. Kahit na may mga dahilan ako, alam kong nasaktan pa rin kita—"

"Wala na akong pakielam! Kahit pa nasaktan ako noon! I couldn't care less about it anymore. Ayos na ako. Basta nandito ka na... so please... just... bumalik ka na sa akin..."

Napaawang ang labi ko.

Umiling ako. "Tob... we can't do it just like that. Mag-usap muna tayo ng maayos..."

Umiling-iling siya. He looked so desperate.

Napalunok siya. "No... we can. I promise I won't ask anymore. I will not remind you about it. I will make you happy everyday. We'll move forward... we'll forget everything... just... take me back..."

Mariin siyang pumikit.

My heart broke seeing him this desperate to hold me so I didn't fight this time.

I let him... hold me.

"Tayo na ulit, hm?" Puno ng pag susumamo niyang hiling.

He was about to hug me when I got separated from him!

"Anton!" Nagulat kong pag tawag sa kaibigan ko.

Pumagitna siya sa amin, nilagay niya ako sa likuran niya pero kitang kita ko ang pag guhit ng galit sa mga mata ni Tob.

"Lopez!" Marahas niyang sigaw.

"Stop right there, Tobias. Bago mo lapitan ang kaibigan ko, siguraduhin mo muna na hindi siya masasaktan dahil sa'yo!"

Nakakuha kami ng ilang atensyon dahil sa pag sigaw nilang dalawa!

Sinubukan kong kunin ang kamay ko mula kay Anton pero hinigpitan niya iyon.

"What? I won't hurt her!" Tobias said with anger and disbelief.

Sinubukan kong umalis mula sa likuran ni Anton pero muli niya akong hinigit at pinirmi sa likuran niya.

"Ikaw... hindi. Pero ang pamilya mo paano?" Mapanuyang sabi ni Anton.

"I got that under control." Sagot ni Tobias sa kalmadong paraan pero mukhang mas nadadagdagan lang ang galit niya habang nakatuon ang tingin niya sa kamay ni Anton na nasa aking braso.

"Anton, it's okay... let me talk to him—"

"Tss. I don't believe you. You're engaged to Melantha Choi, right?"

My words were left hanging from what I have heard from Anton. But unlike my words, my heart didn't... it fell just right into the hollow vast space, nilukob ng dilim at tila nawalan ng pag-asa muli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top