Pahina 26
Silong
Mabilis muling nagdaan ang mga araw. Magaan lang ang lahat ngayon sa amin ni Willow dahil pareho na kaming nag ta-trabaho. Salitan kami sa pamangkin ko. Umaga hanggang hapon ang shift niya habang ako naman ay hapon pumupunta sa eskwelahan na pinapatayo, kung hindi roon ay binibisita ko ang ibang foundations ng mga Lopez.
Bago ako pumunta sa trabaho ay idadaan ko na siya kay Willow. Pag pauwi naman ay nauuna na sila makauwi sa akin dahil lagi kong pinapanood ang pag baba ng araw. Normal lang ang lahat at maayos maliban lang sa isang bagay na nakapag pabagabag sa akin...
That man who worked overtime everyday...
Hindi niya ako sinagot noong tinanong ko ang pangalan niya. Tanging buntonghininga pa lang ang narinig ko mula sa kanya. Hindi rin niya ako pinapansin. Basta nag ta-trabaho lang siya.
Buhat dito, buhat doon.
Hindi rin siya gaanong nag sasalita. Ang dinig ko ay magalang at mabait daw pero hindi nakikipag-kaibigan, hindi rin sumasabay sa amin kapag nag tatanghalian. Basta ang alam ng lahat ay taga Maynila siya, walang may alam kung bakit siya napunta rito.
I didn't bother asking or knowing, dahil ga'non din naman ako. Nag tatago rito. Who am I to meddle with others' reasons to keep their secrets? It's their privacy after all.
Hindi na rin ako napalapit sa kanya, isang beses lang talaga at iyon ay noong umulan. Nauuna pa rin ako umuwi sa kanya kahit na nakakauwi na ako pagkatapos bumaba ng araw. Hindi ko alam kung bakit interesado ako pero... I really feel weird around him.
Hindi ko matukoy... pero ayoko ng alamin pa.
I don't want to have any connection with anyone, kahit gaano pa kaliit. Iyon ang kahuli-hulihang kailangan namin ni Willow.
Mabuti ng ilap ang lalaki, my curiosity will be fine at least, I have changed, hindi na ako tulad ng dati na naging agresibo sa mga bagay-bagay. I thought I was meticulous but no, I was plain impulsive and aggressive.
Maybe because he's just very mysterious... that I find him also weird. Yeah... ga'non nalang ang iisipin ko.
Tulad ngayon, nasa lilim na naman ako ng paborito kong pwesto ngayon dito. Hinihintay ang pag baba ng araw. Kami na naman ang naiwan. Nag bubuhat pa rin siya ng mga gamit papunta sa silong. He's still wearing his usual black sando and rugged denim pants.
I watched him all through out the time I was watching the sun too. Pabaling-baling ang tingin ko sa araw at sa kanya. And as I watch him, mas lalong lumalalim ang pagkakaramdam ko ng pagiging pamilyar sa kanya. Hindi ko lang matukoy pero may ga'non akong klaseng nararamdaman.
I feel weird around him because he seems very familiar. But why? I am sure I don't know him.
But instead of thinking about confirming it... mas lalo ko lang gusto lumayo. 'Familiar' is not good. 'Familiar' means a link to my past. And anything link to my past... will endanger our secret here.
That was the usual scene almost everyday I visited there. Halos ma-memorya ko na kung paano siya mag buhat sa paulit-ulit kong panonood sa kanya. At mas lalo lang siya nagiging pamilyar sa bawat araw na nag dadaan. And I get even more scared...
The sun's warm color will be so welcoming of his image while carrying all those sacks. Like the sun was glorifying him, making sure he has a good background behind him.
I have never seen his face but... I can sense that... he's... handsome? Well, that is an understatement... I guess... dashing? Perhaps because of the way he moves? Parang may pagka...
Hmm... ang hirap talaga matukoy.
Kung may itsura ang pag galaw ng isang tao, masasabi kong gwapo ang mga galaw niya.
I remember my love... Tobias.
The way he stand, gaze... and move... he's the most handsome. I remember how I love standing beside him, pakiramdam ko kayang kaya niya ako protektahan at dalhin, by just being there.
He has that air that says he is dependable which I find the most attractive about him.
From there, with every slim moments of tranquil... he will always linger inside my thoughts. Kahit sino pa ang iniisip ko, magagawa niyang sumingit. That's why I never bothered opening my heart again. Not that I want too, pero... minsan ko na rin naisip na subukan kapag kaya ko na ulit pero...
I will only pity the man I will love next. Hindi ko pa nakikita ng buo ang pagmamahal ko kay Tobias. Sometimes I feel that what I see is only the tip of the iceberg. Parang mayroon pa. Marami pa. Sobrang lalim pa ng kaya kong abutin.
And no one deserves a love less of that from me. Kaya kung hindi ko rin naman siya makakalimutan ng tuluyan, I am not entertaining the thought of love again. Sana kalaunan mag bago pero kung hindi... ayos lang.
I love loving him anyway.
"Avery!"
Nawala ako sa pag-iisip at binaba ang tinutupi kong mga damit sa ibabaw ng kama.
Hinihingal na pumasok si Willow sa kwarto ko kaya parang isang pitik na umalsa ang kaba sa puso ko. I almost stood up but she immediately stood beside me which made me stop! She's not the type to panic so... sigurado ako na may problema!
She was holding her phone, her hands were trembling as she continued to watch... from... there?
Ang mga cellphone namin ay halos wala ng silbi nang lumipat kami rito. Tatlo lang ang gamit 'non sa amin. One, to contact Anton. Second, to contact each other. Third, for her daughter's entertainment sometimes.
"Si K-kuya Archer..." magkahalong gulat at takot ang namalagi sa boses niya.
What?!
My brain stopped functioning. It felt spinning after!
"A-anong meron, Willow?" Garalgal na ang aking boses!
I haven't seen my brother for the longest time, noong umalis ako ay hindi ko man siya nahintay para makita sa huling pagkakataon, he was busy with work that... my situation and state that time forbade me to be a nuisance to him.
Simula mga bata kami ay palagi na akong umaasa kay Kuya Archer. We always got each other's back. From the simplest sneaking out to play outside to the extreme like making excuses when we both want something we don't deserve yet. Especially him, lagi niya ako pinaluluguran, tuwing may gusto ako ay hindi ko na kailangan hingin dahil alam na niya wala pa man akong sinasabi— at sigurado akong gagawin niya ang lahat maibigay lang iyon.
He's almost like a twin.
I... I will break again for this second life... if something happens to him.
"Your brother and... his damage..."
"W-what? Si Kuya? Napano?!" Gulong-gulo ako!
Did something happen?!
Oh... God. No...
"No..." paos niyang pag-iling.
Mabilis akong tumayo at dumukwang para tignan ang kung ano man pinapanood niya. Bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Archer na laman ng balita.
"Watch this..." aniya.
We both watched silently. Napaawang ang labi ko at halos unti-unting kinakapos ng hangin sa narinig. I was like a balloon, pricked by a needle... to slowly deflate.
Napatutop ako sa aking labi.
"Willow..." mahina kong tawag sa kaibigan ko.
I shook my head, denying what I was hearing and seeing from the news.
Hindi ko na marinig ng buo ang sinasabi ng nag babalita. Ang tanging nakuha ko roon ay... nakuha na ni Kuya Archer ang thirty-five percent shares sa kompanya ng mga Lim. Hindi ko alam paano nangyari o kung bakit dahil bago ko pa magawang makinig ulit ay agad pumasok sa isip ko ang lalaking pinakamamahal ko.
The Lims are also having some financial distress. Ang may gawa? Ayon sa balita ay si Kuya Archer din. He's the President now. He can do whatever he wants. He's the face of the company. I know he's capable of bigger things, he's smart, resourceful and innovative... he is almost always bound to succeed.
This has been expected from him already, to conquer and expand the company beyond my father's vision. Pero kilala ko ang kapatid ko, he will not do anything that wasn't part of his bigger plans. At wala ang Lims sa mga plano na naririnig ko noon. Why the sudden change?
Why the Lims?
Hindi pa man pumapasok lahat sa akin at hindi ko pa man naiisip ang sagot sa mga tanong ko ay may ibang tao na akong naisip agad.
My love.
Tobias.
He's the face of the Lims now. He's the one who took the hit for sure!
Agaran kong hinanap ang cellphone ko! I have to call Anton! I need to talk to him now! Siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Siya lang ang makakapagkompira sa aking kung ayos lang ba si Tob!
Parang pinapaso ang puso ko sa pag-aalala kay Tob.
I can't imagine him failing. Hindi ko maintindihan kung paano. I know people commit mistakes but... he's not the type to let something like this happen. And... thirty-five percent?!
"A-anton!"
"You saw the news." Bungad niya sa akin.
"Anong nangyayari? Paanong? Si Kuya?!" My voice was so raspy from too much want of control, my frustration was getting the best of me!
I heard him sigh. "Hindi ko alam ang buong kwento. Your brother is untouchable, Ave. In the industry right now, he's known to be ruthless. Kahit ako na kaibigan mo ay hindi madaling makausap siya. Ang alam ko lang ay ang pinaka malaking tinamaan ng kuya mo sa mga Lim ay ang kanilang exportation kaya ga'non nalang kabilis ang pag bagsak nila. It was like a torture because the only way for them not to fully fail was to sell the shares to your brother, dahil siya lang din ang makakaayos ng gulong ginawa niya. It was meticulously planned. The execution was so precise. Hindi ko rin lubusan maisip paano niya nagawa lahat ng 'yon."
Nanghina ang mga tuhod ko at nanlambot. I had to reach for my bed to help myself sit and settle as I digest every word Anton has said to me. Tinulungan ako ni Willow maupo ng maayos.
"Kukuha ako ng tubig."
I can't imagine my brother right now. Ruthless? He's nonchalant... but... ruthless? Anong tumatakbo sa isip niya? Simpleng business move lang ba ito o mayroong mas malalim at malaking rason?
Sa unang pagkakataon, hindi ko siya mabasa o maintindihan.
"Anton... si..." I pushed the lump on my throat.
I heard him took a deep breath.
"I am not sure how he is doing right now, Avery. Ako man ay hindi ko alam anong mararamdaman ko kung sa kompany namin ginawa iyon ng kuya mo. But to answer your question, hindi ko pa siya nakikita ulit. I only see him in few business events but... he doesn't show up that much these days. I am sorry. Pero susubukan kong alamin—"
"A-anton! H-help him... please..."
Mariin akong napapikit at napasapo sa aking mukha. Marahas na gumuhit sa puso ko ang pag-aalala at sakit.
"I know it's too much... you've done a lot for me already. Pero... nakikiusap ako— mag sisilbi ako sa inyo sa mahabang panahon, Anton. Just please try to help him. Kung ganito na ang sitwasyon, maraming mag dadalawang isip na tulungan ang mga Lim sa takot kay Kuya. Pero kung ikaw ang tutulong... at kung hindi lang talaga ito simpleng business move, he won't touch you. You're my bestfriend. He knows you're important to me. Ikaw lang ang makakagawa nito..."
"Susubukan ko... but I cannot promise anything, Avery. I am not even sure if I want to help the Lims after what they've done to you. I will just try because you asked me to." Seryoso at malalim niyang sabi.
Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako.
"Sapat na 'yon, Anton. T-thanks..."
I was completely weakened.
Tila ang mga payapang araw ay nag tapos na. Ang imahe ng pag lubog ng araw ay tuluyan ng nawala. Binalot na ng dilim ang buong paligid. Muli na naman kumakatok ang mga tinakbuhan namin.
I know that what we did was just an escape, like a break for a while... and we didn't fully resolved anything from what we did. But I hoped... it was enough for things to finally end. Na baka sa pag takas namin ay makalimutan na ang lahat.
I tried my best...
But... I guess...
What I did back then was just... extinguishing the hot fire in front of me, pero hindi ko alam na hindi dahil nawala ang apoy ay mawawala rin ang nag dulot 'non.
My brain was out of it since that news and talk with Anton. Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Sinubukan ako kausapin ni Willow pero wala akong maisip na matino. I assured her instead that I was fine... that everything will be okay.
I faced the next day trying to be okay but... I was just really out of it.
Sa pag pipilit kong 'wag mag isip ay mas lumalalim ang mga naiisip ko.
Sinubukan kong gawin ang trabaho ko at umaktong normal sa harap ng mga taong nakakasalamuha ko. I was so good that I knew no one would notice because I almost believed myself too.
I mastered the art of hiding what I really feel that I almost fooled myself too. Natapos ko ang mga kailangan kong gawin sa kabila ng bigat ng nararamdaman. Hindi ko alam kung maganda ba iyon o hindi. Hoping for a good change, huh?
Noon... bumagsak ako dahil hindi ko kaya gumalaw sa bigat ng dinadala ko. Ngayon, kaya ko pang lokohin ang sarili ko?
Pero nang matapos na ang araw at naiwan na ako ulit mag isa ay... nilukob na naman ng dilim ang puso ko. I was wearing a long beige skirt and a white tank top. That colors that I wore were a complete opposite of what I truly feel.
Ang nararamdaman ko kasi ngayon ay... mabigat. Iyong parang may gustong lumabas pero nakabara lang sa loob mo. I wonder... ngayon lang ba ang bigat na 'yon o matagal ng naroroon, hindi ko lang napapansin na nakadagan?
I pulled my legs up and hugged my knees as I watched the sunset.
Malakas ang hangin at halos walang bakas ng araw... natatakpan ng maiitim na ulap. Sigurado akong uulan. Dapat akong umalis at umuwi na para hindi madatnan ng pag bagsak ng ulan pero gusto kong pakinggan ang sinasabi ng puso ko ngayon. Gusto ko manatili, gusto ko mapag-isa, gusto ko... mawala sa gitna ng mga natural na bagay.
Gusto kong makinig sa sarili ko ngayon.
It has been a while since I listened to myself...
A natural thing like rain might help me feel good...
Lahat ng nangyayari sa paligid ko kasi ay kung hindi ko desisyon ay desisyon ng iba para sa akin.
Pero ang ulan? No one could decide for it to rain except God. Hindi ako o ang kahit sino man na gusto mag dikta sa akin.
I sighed and placed my chin on the top of my knees. Naramdaman ko ang mas lalong pag bigat ng puso ko. Hindi ko alam pero nag-iinit din ang mga mata ko. Lagi naman akong mag-isa sa ganitong oras pero... pakiramdam ko sobrang mag-isa ako ngayon at iba ang dating 'non sa akin.
As I watch the dark sky hovered, malungkot akong napangiti. Walang mga bituin ngayon... mukhang uulan nga.
My thoughts got lost back to my brother and the Lims.
Hindi pa ako sigurado sa dahilan kung bakit iyon ginawa ni Kuya pero ang maisip na may koneksyon na naman sa akin ang nakagawa ng problema para sa lalaking pilit kong pino-protektahan ay labis-labis akong nasasaktan.
Sa akin na naman ito...
I almost took his hard earned dreams from him before. Ngayon... talagang mukhang mawawala na dahil pa sa kapatid ko? At wala man akong nagawa para pigilan iyon? Dahil ano? Tumatakas ako sa mga kabiguan ko? Isn't it so foolish and cowardly?
Ano nalang kaya ang iniisip niya tungkol sa akin? He must be regretting that he even met me. Hindi ko naman siya masi-sisi kung ga'non. Puro kamalasan ata ang natamo niya sa akin.
I can't help but to remember how he was so passionate about his work and his responsibilities. I've seen it. Naroroon ako. I will spend till night time in his office just to be with him while he does his work. He was trying his best to be with me and the work he was so passionate about. Ga'non siya...
Kaya hindi ko lubusan maisip ang nararamdaman niya ngayon.
Perhaps anger and regret towards me.
My heart didn't take my thoughts well and that reflected through my eyes. Kasabay ng unti-unting pagbagsak ng ulan ay ang pag tulo rin ng mga luha kong kay tagal ko atang pinipigilan.
Bawat patak ay may kasamang latigo sa puso ko.
I can't remember the last time I cried for myself within the years that passed. Umiiyak nalang ako pag nasasaktan ang anak ni Willow o tuwing nakikita kong nahihirapan si Willow. Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon pa na isipin ang mga nararamdaman ko, kung nasaan na ba ako pagkatapos ng lahat ng nangyari noon.
Ang daming nangyayari na hindi ko na iyon nagawa.
I had to be strong for me, Willow and her child, I had to learn and make sure I wasn't wasting my time, I had to work, I had to search for what I truly wanted to do in the future, I had to adjust so that I could see that this life we chose will not be put to waste, I had to make sure that my dad won't see any flaw which will make him think that I am still a failure up until today, and.... I felt that I had to change a lot just to do all of those... successfully.
At gustuhin ko man na 'wag na bitbitin at isipin, kinailangan ko rin itago ang nararamdaman ko para sa lalaking laman lang ng puso ko.
And hiding my love inside me takes a lot. Not being able to express my love for him... took almost all of me.
I bit my lower lip as I quivered from coldness. Basang-basa na ako, halos mamanhid na sa lamig ang kamay ko dahil sa malamig na ihip ng hangin at malakas na bagsak ng ulan.
Napayuko ako at napahikbi.
Ang sakit, higpit at bigat ng puso ko.
Pero para akong mababaliw dahil gusto kong ngumiti pa rin.
It felt good!
I never thought it will feel this good to cry loudly. My voice was devoured by the harsh sound coming from the rain. Pinaluluguran ang hiling kong umiyak ng malakas na hindi nangangamba kung may makakarinig ba sa akin.
Dumikit na ang ilang takas na buhok ko sa aking pisngi. Naghalo ang init ng mga luha ko sa lamig na dala ng ulan. I can taste the saltiness of my tears.
I can hear myself and I deeply feel for myself. It felt so selfish but... it felt so good too!
Mahal na mahal ko siya...
Hindi ko kaya na wala akong magawa para sa kanya. Iyon ang totoo kong nararamdaman. Hindi sapat na pinakiusapan ko si Anton na tulungan siya, I have to help him my own.
That's how far I can go... or maybe not? Dahil baka may hihigit pa? Nakakatakot maisip kung ano pa ang kaya kong gawin para sa kanya.
Pero para magawa iyon, kailangan ko makausap si Kuya Archer. Pero para magawa rin iyon, I will defy my father's orders to not show up till I am not a disgrace anymore.
Marahas akong pumikit sa sakit ng ulo sa halo-halong mga iniisip.
I need to think. Kaya ko ito. Makakapag-isip ako ng paraan—
My thoughts were cut when I felt a pair of arms around me! Pinangko ako at binuhat! Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang matipunong katawan na bumalot sa akin! It was that man who works overtime!
"H-huh? S-sandali! Kaya k-ko na! U-uwi na rin ako..." hindi ko magawang masabi ng maayos ang mga salita dahil hindi pa ako tapos umiyak!
My voice was breaking after every word! Tuloy lang ang mga luha ko sa pag-agos at tumatakas ang maliliit na hikbi!
Dali-dali siyang nag lakad ng mabilis, malaki at mabigat para lang marating ang gusto niyang pag dalhan sa akin! My eyes fixated on the path in front of us, afraid he might slip! His arms were securing me, they were firm and strong. Pero madulas na at maputik!
Plus, he's like a mad man throwing a fit without uttering a single word! Dama ko ang tensyon mula sa kanya. At kung hindi ako nagkakamali ay galit?
Aalma pa sana ako dahil hindi ko gusto na basta-basta nalang niya ako binuhat...
Pero nang maramdaman kong may nahulog na tela sa aking kamay ay napatingin ako sa kanya at halos mapatid ang natitirang matino kong pag-iisip!
"T-tob..." nanghina ang boses ko habang pinapakatitigan siya para masigurado na hindi ako nagkakamali!
I cannot be mistaken!
He's a bit different now, yes, he's rugged, ripped and burly! Not just physically but... he has that air too. Like a man used to the harshness of the world, a little bit far from before... physically strong but all else was sheltered.
Pero sa kabila 'non, siya pa rin ito.
Ang puso ko ang patunay.
My heart laid down, slowly and hardly pumping.
Hurt but sated. Lost but... comforted.
Nang marating namin ang silong ay mabilis niya akong binaba. Mabilis at mararahas ang mga galaw niya. Hinablot niya ang jacket na binalik ko noong isang araw, ipinatong ko sa upuan dito, at mukhang hindi niya man ginalaw iyon, ngayon lang na mukhang ipang tatakip niya sa akin!
His chest was heaving, under his cap were his forlorn, frustrated and bloodshot eyes. Damang dama ko ang dahas ng mga emosyon niya. Every bit of him was shouting at me.
I could only step back when he tried to quickly walk closer to me.
Kita ko ang pag daan ng sakit sa mga mata niya.
"A-anong ginagawa mo rito?" Nabasag ang boses ko sa dulo.
Muling bumuhos ang mga luha ko.
He can't see me like this...
Nahihiya ako. I am lost and... I haven't really... succeeded yet. Tapos ay sa gantong estado niya pa ako makikita? All those years... pero ganito pa rin ako!
"K-kailan mo p-pa nalaman na nandito ako?"
Umiling ako. Pinatalim ko ang mga tingin ko. Pinantayan ko ang madilim niyang mga tingin sa akin. Mine were almost crumbling while his deep gaze was unbreakable, dark and just pure frustrated.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Matigas kong tanong.
Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo. Tila naninigurado rin siya sa nakikita niya. I saw him so frustrated with me before but never like this... ngayon ay parang hindi niya ako mapapatawad sa kung ano man ang naiisip niya tungkol sa akin.
He tried stepping again but I stepped back.
I felt the coldness of the damp air but this time, hindi ko iyon alintana dahil sa init ng titig niya.
"Sumagot ka, Tobias!" Halos isigaw ko iyon.
Is he here because of what my brother did to him and his businesses?
Wala ba siyang magawa para mapigilan ang kapatid ko kaya ako ang pag hihigantihan niya?
I felt hurt and angry with my thoughts!
I deserve that, pero masakit.
"Kausapin mo ako, sumagot ka—"
He crossed all spaces between us, looking more enraged. My eyes widened again. New batch of tears poured. His presence towered me.
Nahigit ko ang aking hininga at hinintay siyang matapos sa pag lapit at umamba na akong hahakbang paatras nang muli akong matigilan dahil tuloy-tuloy lang siya.
He cupped my face and pulled me towards him. Napaawang ang labi ko sa gulat at sinalubong iyon ng kanya! Sinakop ng mga halik niya ang labi ko. Nanunuot at may pinapatunayan ang bawat hagod ng labi niya!
I was out of breath! Nangatog ang mga binti ko at tila naramdaman niya iyon dahil mas nilapit niya ako sa kanya. His left arm encircled my waist for support as his right hand continued to cup my face closer to him as he deepened our kiss.
Napahawak ako sa kanyang braso, napapaso at nanghihina.
Ang mga halik niya ay walang bahid ng pagkakuntento. Palalim ng palalim. Tila may gustong marating at mahanap. He plunged his tongue inside my mouth tasting every bit of me. He delved inside, marking the spaces he once owned.
My heart felt very sinful. Gusto manlaban dahil hindi ito ang pinaglalaban ko pero... ito ako sumusuko sa bawat hagod ng labi niya.
Tanging ang tunog ng mga halik namin, paghampas ng puso ko at ang bumabagal na patak ng ulan sa silong ang naririnig ko.
He suckled my lower lip making me moan which made him stop. I could barely open my eyes. Lasing na lasing ako sa pagka-alipin sa mga halik niya. Naikuyom ko ang mga palad ko na nasa ibabaw ng magkabilang balikat niya.
He watched me for a second.
My chest hammered insanely.
May kumislap sa kanyang mga mata bago niya muli siniil ng halik ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top