Pahina 24
Disappear
I went home after that talk with Willow's mom. Agaran kong tinawagan si Gabriel pero hindi siya sumasagot! Nakailang tawag ako pero parang teleponong naiwan nalang kung saan ang mga tawag ko, kung kaya't nag pasya akong lumabas ulit para hanapin siya.
I didn't bother asking our driver to accompany me, ayaw kong malaman nina mommy ang problemang ito, magtatanong sila, madadamay at baka ano pang mangyari sa sitwasyon ni Willow.
I called Koa then.
"Koa, kasama mo ba si Gabriel?" Hinihingal kong tanong.
Mabilis akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng building kung saan nakatira si Gabriel.
"Huh? Hindi. Bakit? Anong nangyayari? At ayos ka lang ba? You sound different!"
Umiling ako na para bang nakikita niya ako.
"Can you please try to contact some of his friends? Kailangan ko siya makita. Kailagan ko siya makausap. Please call me if you hear from him, Koa. Please."
I heard shuffling from the other side of the call.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita, Avery!"
At ano? Madadamay din siya? I can't let more people be entangled in this.
"H-hindi na, Koa. Ayos lang. Kailangan ko lang siya makausap. Please. Thank you."
Hindi ko na siya pinatapos at binaba ko na uli ang tawag. I clasped both of my hands, trembling, trying my best to be strong and to think properly.
Gusto ko lang muna mahanap si Gabriel ngayon, iyon muna, I have to make sure he's okay.
My chest heaved the entire time I was traveling to his unit. Kaya nang makarating ako roon ay agad akong nag bayad at tinakbo na ang papasok ng building. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating ng mas mabilis sa unit niya pero nabigo rin ako, naka ilang door bell ako pero walang nag bukas.
I called him again while pressing his door bell numerous times. I just can't give it up. I know it might annoy him, kung talagang sadya ang hindi niya pag sagot pero gusto ko pa rin subukan, gusto ko siya makausap at masiguradong ayos lang siya. Dahil kung hindi, I'll take him, I will help him in all ways possible.
Hindi ako nag-aksaya ng oras nang walang mapala sa kanyang unit. Umalis ako ulit at tinungo ang susunod na alam kong posibleng karoonan niya! Maaga pa pero... I can't miss this chance! Baka nandoon siya!
I travelled and searched three of his current businesses, lahat iyon ay gabi kung mag bukas kaya suntok sa buwan ang gagawin ko pero hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin, uunahin ko muna ang mga negosyo niya bago puntahan ang mga lugar na madalas namin pag tambayan.
I started with his restaurant, pero wala rin siya roon, ang sabi ay hindi pa siya dumaraan doon... tatlong araw na. Ang susunod ay ang bago niyang bagong bukas na bar, pero tulad ng nauna ay wala rin daw siya roon, tumawag lang na may aasikasuhin daw at ang kasosyo niya muna sa negosyo ang mamamahala sa lahat.
Then last from his businesses, I went to heavensent, sarado pa pero dahil kilala ako roon ay pinapasok ako. Nag tungo ako sa may tanggapan at nadatnan ang ilang empleyado na nag aayos pa lang.
Napalunok ako. I tried catching my breath to calm my nerves. Ulit-ulit akong nagdarasal na sana ay may matanggap na akong magandang balita.
My heart pounded hard, my breathing was unstable, hitching a few times and my legs were feeling quite strained and painful from all the half running I did.
"U-uh... good afternoon. Dumaan na ba rito si Gabriel?" Tanong ko.
Tinignan ako ng babae at mukhang nagulat pa sa itsura ko. I don't know how I look but... I am sure I don't look good. From all the tears I shed after my meeting with Willow's mother, to my worry for Gabriel, and to all my running and searching for him, siguradong magugulat ang kahit sinong makakakita pa sa akin.
"H-hindi pa po, Miss Avery. Nag bilin lang po si Sir Gab. Si Sir Taw po ang nandito buong linggo. A-ayos lang po ba—"
"Zobel."
Mabilis akong napalingon sa taong tumawag sa akin.
There, stood Taw, Gabriel's friend and business partner.
"Kuya Taw." Bati ko.
He looked at me from head to toe. He then sighed.
"Hinahanap mo si Gabriel?"
Tumango ako.
"Don't bother. He's fine. Pinalayo ko muna siya." He said calmly.
I shifted and felt the weight in my heart got heavier. Akala ko ay matutuwa ako basta malaman ko lang na ayos siya, o magkaroon ng balita tungkol sa kanya pero ngayong mayroon na, parang ang bigat pa rin.
To know that... he's fine... was a relief. Pero ang malaman na pinalayo siya ay nag sasabing totoo nga ang lahat ng ito, totoo ang sinabi ng mommy ni Willow— na may nangyayari... at kasalanan ko pa iyon.
"K-kuya..."
He licked his lower lip and stood properly in front of me. His brows furrowed, thinking of something.
"I think you know by now what's happening. Sinubukan nilang pakielaman ang businesses ni Gabriel. Kung hindi lang ako nakielam, he would have lost it all. But I won't let that happen, Avery. Don't worry. Negosyo ko rin ang mga negosyo niya, I may not be as powerful as the Lims, but I am not totally inadequate."
I almost exhaled all my suppressed breathing. Napabuga ako ng hangin sa ginhawa at napahawak sa puso kong parang... susuko sa pagod at takot.
Thank God...
Mag-isa nalang si Gabriel, walang kapatid o mga magulang, tanging grandparents nalang niya ang kasama niya. Lahat ng namana niya sa mga magulang niya ay nilagay niya sa pag ne-negosyo. These are not just mere businesses for him, may sentimental value ang mga ito.
Kung pati itong mga negosyo niya ay mawala, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"T-thank you..." halos hangin nalang ang pagkakasabi ko.
"Don't worry about him. He will just... lie low for a while. Hanggang tumigil sila. I advised him to that. I can only do so much, if he will continue to be seen here, baka pati ako ay wala ng magawa."
Napalunok ako at tumango.
I clenched my fist again and nodded profusely.
"Is he okay?" Makapal kong tanong.
Alam kong wala akong karapatan itanong 'yon, ako ang nag lagay sa kanya sa posisyong ito at kawalangyaan ang pagtatanong ko nito. Pero... kahit iyon lang...
Kuya Taw sighed again. "Yeah. Don't worry."
Marahan akong napapikit at tumango-tango.
Unti-unting bumuhos ang bigat at pagod sa akin. Kaninang abala ako sa paghahanap sa kanya ay hindi ko iyon ininda, pero ngayong tapos na at alam ko na kung ayos lang ba siya ay tila nagparamdam na ang pagod sa akin.
"Go home, Zobel. Mukha kang hihimatayin. Mag pahinga ka."
Tango lamang ang naging sagot ko.
I took my steps towards the exit.
Mabagal na ang mga lakad ko, nararamdaman ang paninigas at sakit ng hita, tuhod hanggang sa paa ko.
"I... just want to say that..." Muli siyang nag salita pero hindi na ako lumingon.
Tumigil lamang ako para pakinggan siya. Nag badya na ang mga luha ko, bumigat na ang mga mata at buong pakiramdam ko, hindi ko na siya kayang tignan pa.
"... you're still young, Avery. Kayo ng mga kaibigan mo. You're all not prepared for a fight like this. I hope you all think first..."
Mariin akong napapikit at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong itulak ang nag babara sa lalamunan ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay.
Nagkamali talaga ako. Alam ko na iyon ngayon. Kailangan ko nalang iyon tanggapin.
Ang sabi nila, pag nagkamali ka, just charge it to experience. But what if... your mistake will single-handedly ruin a lot of lives? Where can I charge it then? Can I just... charge it to myself? Pag hihirapan ko i-tama ang lahat.
Dahil tama silang lahat. Masyado pa kaming bata para umasang kaya namin ito. We are all weak right now, wala pang napapatunayan, wala pang nararating. How will I fight? Gamit si Tobias? Gamit ang mga magulang ko? At what expense? Mga mahal ko sa buhay?
I am such a fool to even hope that I will survive this, masyado akong nagpabulag sa pagmamahal na nakalimutan ko ang realidad namin, masyado akong nadala para maniwala na may lugar ang pagmamahal na inaasam ko sa mundong ito.
Nabigyan lang ako ng kaunting pag-asa... umasa naman ako.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka kuyom ko bago tumango at tinuloy ang lakad palabas.
I walked silently through out the night. I wanted to visit Willow and check up on her but I can't muster the courage to face her. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa nagawa ko na nag dala sa kanya rito. At... ayokong makita niya akong mahina, sa akin siya umaasa at sumasandal ngayon, if she sees me weak, paano nalang siya?
Hindi rin kaya ng mga paa ko na gumalaw pa, pero ayoko rin umuwi...
For the nth time, hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta, ni hindi ko alam kung para saan ako sa mundong ito, hindi ko alam kung saan ba talaga ang lugar ko sa buhay kong nahulma na simula ng ipanganak ako.
I just want to run... and be gone to disappear... then no one will find me.
Parang ang saya 'non. Iyong mag laho ng parang bula. Iyong walang makakaalam kung nasaan ako. Iyong tanging ako lang ang makakapag dikta kung saan ako pupunta o ano man ang gusto kong gawin.
I feel like my privileges in this life are not enough to fill the hollowness inside my heart.
I will beg for forgiveness... for I am being ungrateful. Many will envy for this life but... I am starting to... not want anything from it.
I will beg to be taken away from here and the thought of leaving comforted me.
Napaupo ako sa semento, sa gilid ng daan. Malapit na ako sa bahay namin. Tanaw ko mula sa pwesto ko ang malaking park ng village namin. Mapait akong napangiti nang dumaan sa ala-ala ko ang murang tawa namin magkakaibigan.
We all like spending time here when we were still kids. Malapit ang bahay namin sa lahat kaya madalas ay sa bahay namin sila pumupunta. Sabay-sabay kaming mag tatanghalian tapos ay mag papahinga o hindi kaya matutulog, bago lumabas para mag laro sa parke.
I remained there, recalling our happy free days, iyong mga wala pa kaming problema, iyong tanging iniisip lang namin ay anong laro ang susunod namin pagkakaabalahan kinabukasan.
I sat there, motionless, hands clasped together while I hugged my knees.
Seeing my younger self being pushed towards the slide by Willow. Anton and Gabriel running as they play with their kites, Ritzelle helping me from almost tumbling down and Koa sitting while eating his ice cream.
Napaangat ako ng tingin at bahagyang mas nalungkot pa.
Hindi ko naabutan ang pag baba ng araw. Hindi ko napansin na bumaba na ito at napalitan na ng madilim na kalangitan.
I missed its beauty today.
Sayang.
I sighed and wiped my tears. I forced a smile for getting through the day. At least... I did, right?
I gathered my strength to walk back home. Nang makauwi ay agad akong naligo at nag bihis para matulog. Every night, simula noong puma New York si Tobias ay nag tatawagan kami, pero hindi ko siya kayang kausapin ngayon.
First, I don't look fine, he will worry, at iyon ang huling kailangan niya lalo na nasa malayo siya. Pangalawa, paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyayari, I have to reveal many things that are not within my rights to even say. Pangatlo, kailangan ko pa mag-isip para malaman kung anong susunod kong gagawin.
At pangapat, ayoko manghina.
At this point, I might get really weak if I see him. Gugustuhin ko nalang tumakbo sa bisig niya at sumuko sa lahat ng nangyayari. And I wouldn't be proud of myself, I would only be more... sad, inadequate and faulty.
I saw his message before going to bed.
Tob:
Can I call now, baby? Are you home? You seem out the whole day? I miss you.
Tila liit-liit na pitik sa puso ko ang bumalot sa buong katawan ko.
Tumuloy na ako sa kama at humiga. Niyakap ko ang unan ko at binasa ng ulit-ulit ang mensahe niya. I kissed my pillow and felt weak again.
I scrolled through our messages till I got tired.
I forced myself to reply, mag aalala iyon kung hindi ako sasagot ngayon.
Me:
I am sorry, I am about to sleep... let's call tomorrow :) Be safe and take care. I love you.
Kumirot ang puso ko.
Ilang beses kong binura at tinipa ang mensahe ko hanggang makuntento ako. At ng tuluyan ng dinalaw ng antok ay pinindot ko na rin ang 'send' button.
I turned my phone off and drifted to sleep.
A few days passed and nothing came to save my days. Minsan makikita ko ang sarili kong nag hihintay ng pag babago, nag aabang ng makakapag iba sa sitwasyon pero sa lahat ng iyon ay nabigo ako.
I heard from Koa that Gabriel's businesses are not doing well that much. Not near to closing down but... ang ilang investors niya ay umatras. Tanging ang mga loyal sa kanya at kay Taw ang nanatili.
Hinahanap niya rin si Gabriel at hinayaan ko siyang gawin iyon. Hindi ko kayang madamay rin siya kung ipapaliwanag ko pa sa kanya ang lahat ng ito. Mas ayos na abala siya sa pag hahanap kaysa mapansin niya pa ang lagay ni Willow.
I continued watching over Willow, helped her with all that she needed. Ako rin ang sumasama sa kanya tuwing magpapa check-up sa doktor ng mga Lopez.
Tobias has been very patient with me. We never video called anymore, lagi akong pagod kauwi at hindi kaya humarap sa kanya. Ilang beses ko inisip kung paano ako makikipag hiwalay sa kanya sa lagay na ito pero parang hindi ko ata kayang gawin iyon habang malayo siya.
Mabuti nalang ay hindi siya nag pupumilit. He is imposing and commanding, pero ngayon... parang pinaluluguran niya lahat ng sinasabi ko.
Kaya mas mahirap makipag hiwalay, lalo na kung naroroon pa siya.
He doesn't deserve that from me. He... deserves to hear it from me in person. I can't ruin his official business there.
Akala ko ay iyon nalang ang hinihintay kong mangyari bago ako masagad.
That... when he comes home, I will break up with him and deal with my broken heart. But... I guess it wasn't enough.
Marahil sa sama ng mga pagkakamali ko, I had to bleed first. I need to pay big before the world will go easy on me...
One afternoon, I was slightly off at school. Hindi maganda ang scores ng exams ko. Lumbay akong lumabas ng university at lumakad patungo sa kung saan nag pa-park ang sasakyan namin.
Pero imbes na ang driver namin ang makita ko roon ay pamilyar na mga tauhan ang nakita ko. I remember these bodyguards... nasa harapan sila ng Rolls Royce.
Tobias.
Is he here?!
Wait... I shouldn't see him yet! Hindi pa ako handa!
Napalunok ako at umakyat ang kaba sa puso ko. Mabilis nag isip ng alibi ang utak ko, paano ko mapipilit na gusto ko muna umuwi? Na bukas nalang! Kailangan ko pa pag handaan ang pag uusap namin! Hindi ko pa tuluyan nahahanda ang sarili ko, I don't even mastered not breaking down in front of him!
Maisip ko pa lang na makikipag hiwalay ako sa kanya ay naiiyak na ako. Paano ko iyon gagawin ngayon?
At wala pang isang buwan! Ang bilis naman ata niya... ayos lang kaya siya?! May nangyari kaya?
Hindi mapakali ang puso ko sa dami ng iniisip, I badly missed him but... how can I face him?
Kirot at pighati lang ang pumipitik sa puso ko ngayon. Hindi ko kaya ngayon.
Hindi maayos ang araw ko. Pagod ako. Gusto ko lamang humiga at mag pahinga muna. Hindi ko kayang saktan ang sarili kong puso ngayon.
My breathing became unsteady as I saw one of the bodyguards opened the door at the back. Which is new. Simula noong naging kami ay siya lagi ang nag da-drive.
Nanatiling nakatayo roon ang mga bodyguards, hinihintay talaga ang pag lapit ko.
Hindi niya talaga ako nilabasan? He must... be... mad? Nag tatampo na ba siya sa akin? I guess I deserve that. I wasn't really a good girlfriend to him the past days. Kaya dapat lang na makahanap siya ng kapantay niya! Ng... higit pa sa akin!
Hindi naman ata siya mahihirapan makahanap 'non.
I exhaled before I firmly closed my eyes.
Magiging totoo nalang ako. Sasabihin ko sa kanya na bukas na kami mag-usap at magpapahinga muna ako. Mag tatampo siya panigurado pero alam kong maiintindihan niya.
Pinilit kong pumunta roon at hindi ko na nagawang i-apak pa ang mga paa ko sa loob nang makita na hindi siya iyon. Isang matandang lalaki, malaki ang pagkakahawig kay Tobias, naka coat at tie, hawak ang isang kumikintab na tungkod, nakakunot ang noo at matalim ang titig, hindi nakaharap sa akin pero alam kong... para sa akin iyon.
I remember this old man.
His... grandfather.
His aura shouted dominance, wealth, and power. I've seen many powerful people in life but I have never seen such enormity... like his.
"Get inside." Anito sa pirming boses.
Nanginig ang tuhod ko, hindi ko magawang i-apak man lang sa loob ng mamahaling sasakyan nila. I felt so small, like a rat being chased down, tired, hungry and hopeless.
I was wearing my usual beige dress, maayos naman ang itsura ko ngayon, ang buhok ko ay nakatali pagilid, nakasampay sa aking kaliwang balikat, may kaunting power at blush on din ako, pero parang kahit anong gayak ko ay hindi sasapat.
I will always lack and this person in front of me will always see what's beyond me.
Nothing. I have nothing.
A person like him judges a character with what he or she can offer, and I know... he knows I don't have anything for that matter.
His lips curved into a smirk making me almost grovel. Pero umiling ako sa loob ko, hindi ako manghihina. Hindi ko ipapakita na kaya niya ako lamunin ng buhay ngayon. I will pretend that I have myself. I can do this. I just need to give him a minute then I will leave.
Makikipag hiwalay naman na ako sa apo niya, he only needs to hear that and he will leave me alone, I am sure.
"You really don't know how to listen," he said with utmost disgust.
I opened my palm, stretched it, and closed it tightly.
"Pero sige, tutal ay ayaw ko rin mag sayang ng oras. Sasabihin ko na kung ano ang sadya ko."
He grabbed something from the inside pockets of his coat and slightly threw it in front of me, just above the seat where I was supposed to sit beside him.
"Kung hindi mo pa alam, dalawang linggo na nang bawiin ko ang mga binigay ko kay Tobias. That's why he's in New York right now, trying his best to reclaim his right for our businesses which he worked hard for since the beginning of his career."
Napaawang ang labi ko at parang may malamig na tubig ang bumuhos sa akin.
I-I... didn't know...
Akala ko...
Hindi niya sinabi sa akin na...
Ganito ang sitwasyon niya!
Na... nahihirapan din siya! He was struggling!
Hindi ko alam na may ganitong problema! At kasalanan ko ito ulit! Hindi pupunta ang lolo niya rito kung hindi ako ang dahilan sa nangyayaring iyon.
"Fifty million pesos. Titigilan ko ang mga kaibigan mo. Hindi ko pahihirapan ang apo ko. Ibabalik ko ang lahat ng para sa kanya. Ibibigay ko lahat ng mana niya. Lahat 'yan gagawin ko kung lulubayan mo siya."
Nanginig ang kalamnan ko. My eyes formed slits, my hands trembled and my feet wobbled. Bigat na bigat ang puso ko, hindi magkandaugauga sa pag hahanap ng matatakasan ulit.
Hinang hina ako.
I felt so tired, done and angry!
Hindi ko matanggap na hindi ako makapag salita pabalik! Hindi ko man magawang ipagtanggol ang sarili ko! Dahil ano pa ba ang pwede kong sabihin hindi ba? Paano ko ipaglalaban ang sarili ko sa mga tingin nila sa akin!
The way Willow's mom and Tobias' grandfather looked at me... are just the same.
They looked at me like I am such a fool for even trying. Like I am a piece of meat that can easily be devoured.
At hindi ko matanggap na tanging pag takas ang naiisip kong solusyon!
Dahil kulang ako! Kulang na kulang!
"Alam kong matalino ka. I saw your records. Pag-isipan mong mabuti."
Gritting my teeth, I forced a smile.
I shook my head.
I am sorry Tobias. I... I wanted to tell you first, to at least... honor our relationship... but... I can't do it anymore. I am sorry. I want to be at least be like you, respectable... kahit sa salita man lang pero... muli... mabibigo kita.
"Hindi ko po... matatanggap ito. Pero... makakaasa po kayo. L-lulubayan ko na po ang apo niyo. Basta ipangako niyo po na lulubayan niyo rin po ang mga kaibigan ko."
My voice sounded weak and trembling but... I forced my eyes to show I don't need pity from him.
Taas noo pa rin akong tumitig sa kanya kahit na hindi man niya ako matapunan ng kahit kaunting tingin.
Like I don't even deserve a little bit of gaze from people like him.
"Of course."
He grabbed his phone and dialed a number to probably call someone.
Hinigit ko pa ang hininga ko, ayaw bumigay sa panghihina na nararamdaman ko.
"Stop messing with Gabriel Marquez. Yes. Yes. And. Stop investigating Willow Tan. I need to talk to you too, about Tobias' inheritance."
Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig. Pero ang tinik ay nanatiling nakatapat sa puso ko, kaunting galaw ko lang ay tatarak ulit sa akin.
This is it right? Ayos na... tapos na...
Binaba niya ang tawag at sumenyas na sa bodyguards.
"It is nice doing business with you, Zobel."
Hindi ako sumagot at tumalikod na lamang. I didn't even bother giving my respects. Dali-dali akong lumakad palayo roon, habang nag uunahan ang mga luhang tumulo mula sa aking mata.
Binitbit ko mag-isa ang puso ko.
Parang ang bilis lang ng pag-uusap na 'yon pero dama ko ang pag mamarka nito sa buong pagkatao ko. Dinurog ako 'non ng pinong-pino. Kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng pangmamaliit. My parents made sure I was sheltered and all my needs were provided, they placed me in the pedestal, no one was able to touch me.
I can't imagine them being disappointed towards me. Kung malaman nila ito... it will ruin them too.
And I also realized, that words are very much indeed powerful. Simpleng mga salita pero pag pinag sama-sama at binitawan mo sa tao, kaya nito sirain ang kahit anong magandang nabuo.
Ga'non kadali sa kanila manira ng tao...
One call and they can ruin everything, as... they can fix anything they like... with selection... based on their preference, sa isang tawag lang.
Para lang silang nag lalaro, pipiliin ang gusto at itatapon ang ayaw.
At hindi ko matanggap na ako ang nag pasok sa sarili ko sa laro nila. I was the rat who entered the maze, a rat that got lost and was just thrown out because I don't fit and I wasn't good enough to play their game.
And when I thought the game was over...
Hindi pa pala. The world needed to suck all of me to be satisfied. Kailangan ay maubos ako, walang matira hanggang gumapang, bago makatayo uli.
I guess this is where people say... you have to hit rock bottom before going up.
Pero bakit parang hindi lang rock bottom ang narating ko? Bakit parang... sumagad ako...
It all ended when... I failed. I really prayed hard that it was the end. Dahil hindi ko na kakayanin pa kung may susunod pa.
Hindi ko lubusang maisip paano nangyari iyon. Sa kabila ng dami ng nangyayari sa paligid, I still tried my best. Maybe I lacked but... I tried. Dahil alam kong para sa akin naman ito. Kailangan kong matapos ang lahat ng nasimulan ko dahil ito ang buhay ko, ito ang naukit na gagawin ko, nakaplano na... bago pa ako ipanganak.
I was only known to be smart, pero pati sa parteng iyon ay nabigo ako.
At sa huli, natanto kong... isang dahilan doon ang hindi ko gusto ang ginagawa ko. Na hindi na talaga ako para rito.
Being swamped by my problems were one thing but not having the will and passion for the things around me... didn't help too. I was just too exhausted about everything, pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko ay para sa wala, hindi ako naluluguran ng mga iyon, nothing can make me push anymore.
I was at my brim.
I feel so lost. May gusto akong hanapin pero hindi ko alam saan mag sisimula o kung saan iyon makikita.
Kailangan ko pa ba hanapin? If I want to try and look for it... am I being ungrateful? Nasa akin na ang lahat... pero nag hahanap pa rin ako ng iba.
Basta ang alam ko, hindi na ako para rito.
Solving all the problems around me, hearing all the voices around me... made me so confused... made me so lost... sa kung para saan pa lahat ng ito.
At hindi ko namamalayan na nawawala na rin ako. Nothing is just for me anymore. Ni wala na akong maramdaman kahit para kanino, kahit para sa akin ay wala na.
And what broke me more... my parents.
To see my parents watched me failed... was death.
"Dad... I- I am sorry..."
Umiling ako, hindi makahinga sa pag hikbi. Mom was crying with me, nakaupo sa sofa sa study ni daddy habang ako ay nakatayo sa harapan ng kanyang lamesa, tila hinahatulan.
"What happened?! Hindi ka naman ganito dati! You failed, Avery Sienna!" Halos dumagungdong lahat ng shelves sa study ni daddy sa pag sigaw niya.
I shivered and almost kneeled. Nakatungo lang ako, sinasapo lahat ng galit niya dahil alam kong nagkamali ako. Alam kong kahit anong sabihin at gawin ko ngayon ay iisa lang ang punto rito, I failed them, ito na nga lang ang inaasahan nila sa akin pagkatapos ibigay ang lahat... nabigo ko pa sila.
They never asked me for anything unfair, I have good parents, they are a good provider, ibinibigay ang lahat sa amin ni Kuya Archer, hindi mahigpit at pinaluluguran kami sa maraming bagay, at ang hiling lang nila ay mag-aral ng mabuti... hindi ko pa nagawa.
I tried... but... I failed.
"What was it, huh?" Puno ng hinanakit niyang tanong. "Saan ako nag kulang?! Why were you distracted, Avery! Hindi ka ganito! Sabihin mo sa akin!"
Napasinghap ako at napaangat ng tingin. My dad's forlorn eyes welcomed me. Nag tatagis ang bagang. Galit na galit, pero bigong bigo rin. His eyes were bloodshot. My eyes reflected on his, nakuha ko iyon sa kanya... and I can see how much hurt and pain I have caused him.
The past days were draining at akala ko ay may i-uubos pa ako, but seeing my dad break down like this... made it all faster for me. Ubos na ubos akong makita siyang ganito.
I failed my family. I failed him.
"Dad, I am sorry... I know... I have disappointed you p-po..." I couldn't complete my sentence for lack of breath.
Pinalis ko ang mga luha ko pero isang balde na naman ang bumuhos nang marahas na umiwas ng tingin si daddy sa akin.
"I am s-sorry... I am not the perfect daughter you want me to be. I know... you wanted me to follow Kuya's footsteps. He graduated Summa Cum Laude and he topped the boards. He immediately joined the company, and he's doing good with it now. I wanted that too. I wanted to be all of those too for you and mom." somehow... dahil wala naman akong gusto noon.
"Believe me dad, I tried. Sinubukan ko naman po hindi ba? I studied well. B-but... I am not... that person... you want me to b-be. I think... I am l-lost... I f-feel... I am not for this. I think... I want something else po... and... I want to try and s-search for it..."
Kahit hirap na hirap ay gusto kong subukan. Maybe they will try to understand. Maybe... if I tell them I want something else, maybe they will hear me dahil walang wala na ako. In my situation right now, I am literally nothing anymore, and this is my last chance of salvation.
"What do you want to happen?" Tanong niya sa malamig na tono.
Is this it? Is he finally hearing me? C-can I really say it?
I bit my lower lip. "I-I want to take a break po, dad. I want to... look for what I really want. I am sorry. I know that I am p-privileged, I am grateful and thankful... for the name, chances and opportunities you made sure I have. But... please... let me do this po. I want to k-know what I really w-want." My voice broke down at the end.
"I know I might regret this, maybe... I will fail too... again... p-pero gusto ko pong subukan. Not through the privileges in front of me but... my o-own. I w-want to know kung... ano po ba ang g-gusto ko talaga."
Hindi ko matanggap na hinihingi ko ito sa mismong taong nag bigay sa akin ng lahat. Taking a break from school is a taboo topic for my family, hindi sila open sa ganito, they will more likely think that I am being a rebel, than to understand... but I want to try.
Sa buong pamilya namin ay walang naging katulad ko, all my cousins also graduated with flying colors, they are now part of the company from both sides of my family, striving for a better future for everyone, that's why I know... malaking kahihiyan ito.
Malaki ang expectations sa akin at nabigo ko sila.
Pero gusto ko pa rin tumaya, gusto ko subukan na sabihin sa kanila. I am not giving up, I failed but I want to stand up again, pero sa ibang direksyon ko lang gusto tumahak.
Gusto kong kapitan ang pamilya ko. I have nothing else to lose, sila nalang ang mayroon ako ngayon.
Tumayo si daddy nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"You want to do your thing?" Malamig niyang tanong.
I whimpered from the coldness of his voice.
I nodded and painfully closed my eyes.
"Then do it without me. Without my help. I am stripping you from all the help you can get from me and my name. I am removing all the opportunities and privileges my name could give you."
I felt my heart fell from the answer I heard.
He didn't hear me...
But I deserve it.
"Richard!" Marahas na sigaw ni mommy.
I saw my father's jaw clenched.
"Minerva. 'Wag kang makikielam dito! Kaya natututong maging sutil 'yang anak mo!"
All my hopes fell.
Ito ang hatol sa akin...
"You must learn that anyone would kill for the life you have. You're not grateful enough. You're taking advantage of what we have. Ang iba ay nagpapakahirap para makatapos, but then you! You failed, Avery Sienna!" Halos mabunsol si daddy sa galit sa akin.
I almost walked near him, natatakot na baka may mangyaring masama sa pinamamalas niyang galit pero nang makita ko ang galit sa mga mata niya ay hindi ko nagawang umapak man lang kahit isa.
Napayuko ako. Scarred. I understand.
Naiintindihan ko siya, at naniniwala akong tama siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na lagi rin iyon nasa isipan ko, na pag dumating ang araw na gustuhin kong hanapin ang para sa akin... it will seem that I am not grateful enough and that I am taking advantage of my privileges.
And I know I am. Dahil kung wala ang mga ito, I won't even have the option to look for anything else.
But... I will pay for it for a lifetime. Isusugal ko ang buhay ko. I badly... need this. Or else... hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Kahit singilin ako ng buhay na 'to ng mahal, susugal ako.
"Bumalik ka rito pag kaya mo ng humarap sa akin. Until then, do not see me." Bagsak niya.
He walked away... but before he went out, I broke not just into pieces... but... into ashes.
"I am so disappointed, Avery." Mababa at puno ng kawalang-gana niyang sabi.
Nang marinig ko ang pag sara ng pintuan ay siyang pag bagsak ko sa sahig.
Dumalo sa akin si mommy.
My mother's eyes were so hurt, I cannot even take another look.
Oh God, what did I do to my parents.
I am sorry.
"Anak! Please... no.... kakausapin ko ang daddy mo. Let's give him time, galit lang iyon ngayon."
I sobbed and let my heart hurt in front of my mother.
She cried with me, hugging me tight in her embrace. I weeped as I wished things were simpler like before, na ang tanging gagawin ko lang ay mag-aral ng mabuti, umuwi ng bahay... yumakap sa mga magulang ko.
I will always be comforted by her embrace but... I have to do this, to learn.
I need this right now.
"M-mom, I am sorry..." I managed to whisper between my sobs.
"Shush... it will be okay,"
Umiling ako. She doesn't have to lie and comfort me with her motherly words. Alam ko ang consequences ng mga nagawa ko.
"Mom... I-I want to do this po..." mahinang bulong ko.
"Pero anak..."
"May kaunting ipon po ako, makakapag simula po ako kahit papaano. Kailangan ko pong subukan at gusto kong subukan. If I won't do this, I will forever feel empty, hollow and lacking."
Umahon ako at malungkot na tinignan ang bigong mata ng mommy ko.
I held her cheek and slightly wiped her tears away.
"Babalik po ako." In the middle of breaking, I managed to say wholly.
"If I fail mom—"
"It's okay. Life is like that, anak. We try and we fail sometimes. But it doesn't mean the end. You have given yourself to this family for so many years, you were a good daughter. I want you to know that... it didn't go unnoticed for me. I am proud of you."
Mas naiyak ako at tumango-tango.
Her mellow, sweet and comforting words made up for the small pieces of my heart that hurt without limit.
"I will work hard to deserve that mom, I will try my best so that I could tell myself that too. If I will fail, I promise to fail trying."
"If you fail trying, you did not fail at all, anak."
She kissed my forehead and hugged me again, this time tighter, like she's shielding me from all the realities and pain of the world, as if she was giving me her protection until she can... until I let her.
I failed everyone, my family, my friends and the man I love...
I can't fail myself now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top