Pahina 22
Appease
I sighed and shook my head.
"Take that down." Pag pupumilit ko sa hindi mabilang na beses.
We're already at El Union, my favorite place to get coffee, lining together with a lot of people who seem to love the place as much as I do. Pero ito ako at kinukumbinse pa rin siya na ipatanggal ang billboard.
And Tobias being him, he just won't budge! Ayaw talaga! When will this man give into me?
"No." Tamad at simpleng sagot niya.
Nakahalukipkip siya, tuwid ang tayo, suot ang kanyang itim na sunglasses, hindi mawawala ang kawalang pakielam at masungit niyang aura. With that, he seems to be getting more attention! Lahat ng dadaan ay siguradong mapapatingin pabalik sa kanya, ang ilang nakapila naman ay hindi man itinatago ang pagkamangha!
I even caught girls taking stolen shots of him! I can't help but to roll my eyes, but I calmed myself down, I am learning how to... manage... my... late realization... that... yes... I am... a... jealous... type... of girl.
It's embarrassing to admit that to myself but, wala na akong magagawa kung hindi ang subukang 'wag maging ga'non. I have to change that so that... I could be at least be mature... for this.
"Why did you even put that up?"
"To congratulate you." He lazily answered, as if it wasn't obvious to me!
"Really?! A freaking billboard just to congratulate me?! As if the Ipad you gave me was not enough as a congratulatory gift!"
Yes! He gave me an Ipad for my graduation! Ka-kailanganin ko raw iyon sa review para sa boards, para raw hindi na ako masyadong mag papel at doon ko na lahat ilagay ang mga reviewers ko.
I have a laptop so I didn't think I need one! Binabalik ko pero nag tampo pa sa akin! This man! Araw-araw ata akong may na di-diskubre sa kanya. One thing is... when he gives gifts, gusto niya ay ginagamit iyon, kung hindi mag tatampo.
"Bakit? Isa lang ba ang pwedeng regalo?" He drawled.
Talaga nga naman!
"It's embarrassing." Giit ko. "Plus, ano ka ba? Sugar daddy?!" Mahina pero madiin kong tanong.
The gifts he had been giving me were very 'extra', ang mamahal, he spends so much for me that I can't help but to account for them every now and then. Parang may trust fund ako sa kanya!
Behind his dark sunglasses, I can sense that he shot me an amused look!
"Why? You don't want to be my..."
He leaned a bit and I heard girls fumbled over something!
Tumapat ang labi niya sa may bandang tainga ko.
My heart drunkenly thumped!
"... sugar baby?" He asked breathily, teasing me!
Maagap ko siyang tinulak sa balikat kaya napatayo siya uli ng maayos. His devious smirk mades its way to his lips, satisfied of something.
I scowled. "Ayoko nga 'no!" Tanggi ko.
Is it bad that I almost wanted to say 'gusto ko'?!
"Okay... then, just a baby, huh?"
He's still at it!
I pursed my lips and rolled my eyes at him!
May mga dumaan na grupo ng lalaki na muntik akong tamaan kaya mabilis akong humakbang pagilid.
"But really, Tob. Take that down, I'll grant you a wish kapag—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng abutin niya ang siko ko. My arms slightly bended to allow him to pull me, my eyes widened in confusion. Nagpatianod ako at halos matutop ang labi nang i-ikot niya ang isang braso sa aking baywang.
He placed me in front of him. Very close. Ang kaliwang kamay ay nakahawak sa aking kanang balikat, ang kanang kamay ay nasa ibabaw ng aking tyan, claiming me... while my back is pressed on his chest!
My heart pounded slowly... but hard!
This is very new to me. Sa Manila ay hindi naman kami lumalabas sa may maraming tao. Kaya hindi ako sanay na may nakakakita sa amin na ganito.
I am only wearing a tube top and denim shorts, so... I can literally feel him wrapping me.
"Uh... a-anong ginagawa mo?" Mahinang tanong ko, sapat lang na marinig niya.
Hindi niya ba alam na siya pa lang ay agaw pansin na, what more for this... action from him?!
"Being a boyfriend." Mahina niyang sagot, bahagyang hinahaplos ang baywang ko.
"H-huh?! H-hindi p-pa!"
"Ahuh... so mamaya?" Pag bibiro niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak lamang siya.
Hay naku! Hindi kaya siya mag tanong?! If there's just a proper 'Will you be my girlfriend', malay niya mag oo ako, hindi ba?
"Ewan ko sa'yo! Basted ka na talaga sa akin!"
"Argh..." daing niya. "Makayakap ka sa akin kanina, parang hindi mo ako na-miss, huh? Tapos basted?"
Umiling ako. "Ah basta. Hindi mo pa ako girlfriend!" Pagmamatigas ko.
"Oo na... baby na lang."
He caressed the side of my hips again!
What's with him?! Being so clingy!
At baby... tss.
I bit my lower lip, trying to resist my embarrassment!
Hindi ko mapigilan mapatingin sa mga taong nasa paligid, some were obviously trying not to look! Ang iba ay may mukhang pag hihinayang, while others, hmm... mukha naman walang pakielam... so I guess this is okay?
"It's our turn..." he whispered.
Bago ko mapansin na kami na pala ang nasa unahan, nilapatan niya ako ng halik sa gilid ng noo ko!
All my strength for a strong resist broke down! Nag-init ang pisngi ko, my heart rummaged my sanity, at tila umangat ako mula sa lupa!
I really feel like I am elevated, just... blown and carried by the strong force around me.
"Hold my hand..."
Hindi ko makuha lahat ng sinasabi niya!
Parang nahuhuli ang pag proseso ng utak ko, naka dalawang hakbang na siya, pero ako iniisip pa kung anong gagawin ko. Mukhang napansin niya iyon kaya muli siyang lumingon at inabot ang kamay ko.
He slipped his right hand on my left and wrapped them comfortably.
Still feeling elevated, we went to the counter and gave our orders. Pinakita ko mula sa aking cellphone ang listahan ng orders namin at manghang-mangha lang akong tinitignan siya na gawin ang lahat.
He was effortless with everything, there's just something about him doing things for me...
He was leaning on the counter, holding my hand, while giving the orders, kung titignan ay normal at simple lang iyon pero may kung anong nakakapag pakiliti sa puso ko.
He was serious and I bet a little bit intimidating for others, pero ngayon, para sa akin... nasasanay na ako. Dahil alam ko, pag tumingin siya sa akin ay ngingiti siya.
And as if he knew, lumingon siya sa akin nang matapos masabi ang orders, his lips curved for a smile. Sapat na sapat na iyon sa akin! But I guess, he's always more than enough, he goes beyond... and will further go for me.
He pulled my hand a little, extending my arm towards his lips and kissed the back of my palm.
I pouted to suppress a smile! And rolled my eyes for a snob effect! But... he just stifled a smile and shook his head. Parang alam na alam na ang ibig sabihin ng bawat pag-irap ko.
"Nasaan na ba sila? At bakit naman tayo iniwan?" Tanong ko kay Willow habang pababa kami sa kahoy na hagdan papunta sa may dalampasigan.
"May inasikaso lang ang mga 'yon. Why? Can't get enough of Mr. Hotshot? Gusto lagi magkasama?" She teased.
I glared at her.
Ang mapusyaw niyang balat ay mas lalong nag ningning sa ilalim ng kahel na langit.
We were wearing matchy maxi dresses. She was wearing a faded yellow while I was wearing a white one. Hinihipan ang buhok at mga damit namin kaya maya't maya kaming natatawa. We were both holding each other's hands.
"Pero, Ave." Pag kuha niya sa atensyon ko.
Narating namin ang dulo at nauna siyang umapak sa buhangin bago ako.
Sumulyap siya sa akin at matamis na ngumiti.
"I am happy for you." She breathed, smiling.
"I am happy to do this life with you and I am glad that... I am doing adulting with you. It is hard and taxing, kaya buti nalang kasama kita. Let's promise... na... kahit anong mangyari, magkasama tayo. Hindi kita papabayaan."
My lips parted a bit. Nanglambot ang puso ko. Akala ko ay masayang masaya na ako sa mga nag daan na araw, I am just so blessed that everything is going well in my life. I can't wish for anything anymore but for things to be better if possible.
Pero ngayon... I got even happier!
Marahan ko siyang inabot at niyakap. Tulad ng laging nangyayari at nararamdaman ko, I felt at home. I am happy that I was able to find my set of people. She is my bestfriend, sila ni Ritzelle.
"Hindi rin kita papabayaan, Willow. Kahit ano pa ang mangyari. We will do this life together. Thank you."
She hugged me back and tighter.
We spent a little more seconds before we heard a voice.
"Hoy! Hoy! Tama na 'yan! Nag da-drama na naman kayo riyan! Gutom na ako 'eh!"
I sighed exasperatedly. Willow giggled with her sweet voice.
Bumitaw kami sa isa't isa at tamad kong tinignan ang kaibigan namin.
Naka topless ang koala bear na 'to at naka boardshorts lang.
"Hindi ka kaya lagnatin niyan?" Masungit kong tanong.
Malokong tawa ang ginawa niya. "Baka ikaw ang lagnatin sa kilig? Hindi ka nag sasabi, Ave! Jowa mo pala 'yong Chinese na 'yon!"
Lumapit siya at umakbay kay Willow.
I shot an eyebrow. Hindi ako inakbayan?
"Hindi ko siya jowa, Koa."
"Lokohin mo lelang mo!"
Humalukipkip si Willow habang naka-akbay si Koa sa kanya. She looked so amused watching us!
"Hindi nga sabi 'eh!" Giit ko.
Bumuga siya ng hangin. "Hah! Ah basta, jowa mo na siya sa paningin ko. At hindi ka nag sabi! Nag sikreto ka! Tandaan mo 'yan, Avery! Mag se-secret na rin ako sa'yo!" Aniya na may pag tatampo!
Is he serious?! He can't be?! Si Koa? Seryoso? Kailan?
Bago pa ako makapag salita ay hinila na niya si Willow.
"Tara na nga Willow, sa'yo ko nalang sasabihin secrets ko. Buti ka pa walang jowa." Bulong bulong pa niya!
Humanda ka talaga sa akin!
I hastened my steps to follow them. Mabibilis at malalaki ang hakbang ni Koa, thanks to his long legs, nadadamay pati si Willow kaya hindi ko sila halos mahabol!
When we reached the part where there were no more plants, tanging ang malawak na katubigan at buhangin ng La Union nalang ang natatanaw ay natigil ako sa pag habol sa kanila.
Lumingon saglit si Koa, nakangisi.
"Tignan mo na? Sabihin mo ngayon sa akin na hindi mo siya jowa!" Pahabol niya.
The view made me fly so high.
Different shades of orange filled the sky, dinig na dinig ang hampas ng alon, sa may hindi kalayuan ay may mahabang lamesa, there were pillows scattered around it to be seated on. May mga pagkaing nakahain, there were white petals all over that area and it was decorated nicely, like the person who thought about it knew me so well.
Sa harap ko ay nag lalakad papunta roon si Koa at Willow, sa tabi ng lamesa ay si Gabriel, kausap si Anton. They were both holding a drink. At... sa may hindi nila kalayuan... ay ang lalaking siguradong nakaisip ng lahat ng 'to.
He was standing effortlessly, wearing a white shirt that was being blown lightly by the wind, luckily hugging his torso. His cream colored board shorts looked perfect for the scenery and his look. May hawak din siyang inumin, patango-tango habang kausap ang pamilyar na lalaki.
Kuya Andres?
Anong ginagawa niya rito? Matagal din namin siyang hindi nakita.
Andres Eren Gavino Lopez, Anton's older brother. Anak siya sa unang asawa ng tatay ni Anton. His mother died giving birth to him. Wala ako alam gaano tungkol sa kanya pero noong highschool kami ay sakit siya ng ulo ng pamilya nila.
Bulakbol, takaw away at suwail. Dahilan kung bakit si Anton ang mag mamana ng businesses nila. Hanggang doon nalang ang alam ko. Pero noong mag tatapos na ata sa college ay... medyo umayos? He graduated, na akala ng lahat ay hindi mangyayari... so... I guess that's a proof?
Wala akong problema sa kanya dahil mabait naman siya sa amin. He's just really playful. Pero mabait naman. Kasundo niya rin si Koa dahil pareho silang maloko. Nakakasama niya rin sa party si Gabriel. Si Willow lang ang irita sa kanya. According to Willow, she dislikes him because he's everything Anton isn't.
But what is he doing here? Mukha silang malapit ni Tobias. They were talking very casually.
My thoughts were cut when a pair of eyes met mine. I bit my lower lip before smiling. He's so beautiful to look at, parang painting dahil sa pag baba ng araw sa likuran at tamang hampas lang ng alon sa hindi kalayuan.
I took more steps towards him. Kita ko ang akmang pag lapit niya ng tinaas ko ang kamay ko, telling him to wait for me. Surprisingly, he listened now.
Sa bawat hakbang ko ay parang wala akong naririnig, kahit ang matunog na hampas ng alon ay tila humina, nakatuon lamang ang paningin ko sa lalaking nakakapagpasaya sa akin ng sobra ngayon.
His presence was overflowing. Ang sarap tignan.
My heart made its way towards him, stopping just a few inches away. Hindi siya nakuntento, inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko iyon.
Kasabay ng pag lapat ng mga kamay namin ay ang pag lawak ng ngiti ko sa kanya.
"Hmm... this is a very... surprising sight, huh?" Komento ni Kuya Andres.
Nag-init ang pisngi ko.
Bumaling ako sa kanya. "Hi Kuya Andres, it's good to see you."
"Kuya?" He shot an eyebrow. "Mas matanda pa sa akin si intsik."
Mula sa kamay ko ay lumipat ang kamay ni Tobias sa aking baywang. He pulled me towards his body, not leaving any space between us!
Napansin iyon ni Kuya Andres at agad na nag taas ng dalawang kamay. His notorious smile showed up, ending with a chuckle.
Napabaling ako kay Tob. Nilapat ko ang kanang palad ko sa kanyang dibdib. His perfume entered my personal space.
"Fuck off, Andres." Tobias said with a glare.
Tumawa lamang si Kuya Andres! Ano ba 'to? Akala ko ba nag bago? Bakit mukhang nag hahanap ng away!
"Biro lang 'yon. I'm good with kuya. I wouldn't want to offend the Tobias Lim. Baka itakwil niya ako bilang kaibigan."
Oh! Kaibigan?!
"O? Bakit mukhang gulat na gulat? Hindi ba kapanipaniwala na magiging kaibigan ko siya? Well that's not surprising, he's boring and I am fun." Playfulness was dripping on his tone.
Mabilis siyang ni-kwelyuhan ni Tobias gamit ang libreng kamay!
Napasinghap ako! Pero mukhang ako lang ata ang natakot dahil nagawa pa niya ulit tumawa!
Wow! Anton's brother is really... a pain in the ass!
"Chill man! Parang hindi ka pa nasanay sa akin. Hindi ka naman ganyan pag tayo lang 'hah? Ayaw mo lang masira kay Zobel."
Napailing nalang ako. Bahala na siya. Kung susuntukin siya ni Tob, suntukin na niya. Mukhang hindi naman siya dadaing.
Tob hissed and pushed him a bit.
"Ang daldal mo. Why don't you get a girl or something."
"Oo na. I have to go anyway. Our friends are waiting. Daan ka mamaya."
Napaawang ang labi ko.
"Baka hindi na. I'm busy. Sa Manila ko na kayo kikitain."
"Sure. See you, brother." Paalam ni Kuya Andres.
"Yeah. See you."
Lumingon siya sa akin at ngumisi. "You got a good one here, Ave. I'll vouch for him."
Hindi ko magawa mag react!
"Aalis ka na kuya?" Dinig kong tanong ni Anton.
Bumaling ang tingin niya sa mga kaibigan ko. Tumango lang siya bago tumalikod sa aming lahat at lumakad palayo.
Is this real? Magkaibigan nga talaga sila! At may iba pa!
Hindi ko pa sila nakikilala pero... okay lang ba 'yon? Mapapagkatiwalaan ba sila? At! Alam na ni Kuya Andres! Baka ikwento niya!
"Don't worry, I vouch for Andres, baby. He won't talk." Ani Tob, tila naririnig ang nasa isip ko.
Litong-lito ko siyang tinignan.
"B-but... your friends are here, Tob."
"I vouch for all of my friends. Walang mag sasalita sa kanila kahit makita nila tayo rito. The only reason why he won't tell them is because I told him you're not yet comfortable and he knows our situation. Pero kung tiwala sa mga kaibigan ko ang pag-uusapan, they can all be trusted." Paninigurado niya.
I nodded despite the on-going confusion in my head.
"Andres is like a brother to me. A friend. A business partner. We go a long way back. Same with my friends. We can trust them." He assured me once again.
Muli akong tumango. I guess I could ease my mind now? Tulad ng pag titiwala niya sa mga kaibigan ko, maaari ko rin pagkatiwalaan ang kanya.
"Are you okay now? May iniisip ka pa ba?" Malugod niyang tanong.
Napangiti ako at umiling.
"Hmm... para saan naman ito?"
"Ang alin?" Pa-inosente niya pang tanong!
I scoffed. "Sigurado ako na ikaw ang may pakana nito. Don't deny it!"
He gave up and chuckled. "Nagustuhan mo ba?"
"Tob!" I ranted again! "Kung gagawin mo rin pala 'to, dapat ay hindi ka na nagpa-billboard!"
"I am just so proud of you," malambing niyang sabi.
He breathed deeply and completed his hug for me. He wrapped both of his arms now. Nakabaon na ang mukha ko sa kanyang dibdib. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama lamang ang presensya niya, hindi alintana na ang paborito kong tanawin ay patapos na.
Sabagay, itong pakiramdam na nabibigay ng yakap niya ay halintulad sa paborito kong tanawin. I may close my eyes and turn my back around it to embrace him, but it will still give the same feelings.
Tila ni-kumotan ang puso ko.
"You have done so much..." I murmured on his chest.
Hinaplos-haplos niya ng dahan-dahan ang buhok ko.
"Wala pa 'to..."
His embrace got tighter.
"You know, I always wanted to make my claim on you. Eversince. I wanted everyone to know about my feelings for you. I proved it more when I was watching your graduation. Gusto kong lapitan ka pagkatapos, yakapin, halikan at i-congratulate. I know you're okay with our office dates but... I want to take you to good places, I want to do normal things with you, watch movies, do shopping, go on trips, and the list goes on..."
He sighed. "All that... while holding your hand."
"Hindi ako nag rereklamo, I just want you to know that and put it out there that... I don't mind being seen with you. My only concern is your worry about it. Pero sa akin, ayos lang."
Napakarahan ng boses niya.
I felt guilty.
"I am sorry..." I whispered.
Alam kong ako ang problema. Handa na siya pero ang layo ko pa roon. I want to grant his wishes, pero hindi ko iyon pwede gawin lang para paluguran siya at ako. Marami pa akong kailangan isipin sa gitna.
"Just a little bit more time..." ito nalang ang kaya kong sabihin.
I don't want to hurt him more. Ang gusto ko lang gawin ay ang iparamdam sa kanya ang buong nararamdaman ko para sa kanya.
"If we bought enough time, do you think you will ever be r-ready?"
Nagulat ako sa kanyang tanong. Dinig doon ang pangamba. He even stuttered.
Lumubog ang puso ko.
Did I ever make him feel I was only giving him false hopes? Nag hihintay lang talaga ako ng tamang oras! Kung maging maayos man ang lahat, gusto ko rin tuparin lahat ng hiling niya!
"Of course!" Marahas kong sagot.
I softly pushed him, parting our upper body slightly. Tama lang para matanaw ang mukha niya.
He looked so vulnerable in front of me! Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa magandang tanawin sa likuran niya o... sadyang binubuksan niya talaga ngayon ang sarili niya sa akin.
"Gusto ko rin lahat ng gusto mo. I appreciate you, Tob. Thank you for waiting. And... I am sorry... for making you wait."
Lumunok ako para maibsan ang kaba at mahanda ang sarili ko.
The wind blew making my hair follow it. His eyes glimmered watching me.
"When the time is right, we will fight. I promise you. I am not giving you false hopes. I am here because... I cannot... resist you anymore. Hindi ko na kaya lokohin pa ang sarili ko na galit lang ako sa'yo at iritado, pero ang totoo... concern at hinahanap-hanap."
His lips parted. Seriously? Hanggang ngayon nagugulat pa rin siya?!
Si Koa nga ay iniisip na boyfriend ko na siya! Tapos ito siya magdududa ng sobra?
"I am sorry..." he drawled as he closed his eyes painfully.
Nagawa ko pa rin ngumiti.
"Boyfriend na kita."
Mabilis siyang napamulat sa narinig.
Kumunot ang noo niya. "W-what?"
"Ayaw mo?" I smiled teasingly this time.
He quickly looked sideways, nag susungit, bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Hindi basta-basta sumasagot ng ganyan. Don't make me your boyfriend just to appease me. Gusto ko dahil mahal mo ako." Mapagtampo niyang sabi.
Gusto ko pa sana siya asarin! I want to say 'ajujuju, tampo na naman ang baby!' pero masyadong kawawa ang mukha niya para maatim 'yon ng puso ko!
"Alam ko 'yon, Tob." Seryoso kong sabi.
"I take relationships seriously. Maybe the reason why I never had one before. Dahil alam ko... mag bo-boyfriend lang ako pag gusto ko na talaga. My parents showed me a beautiful kind of relationship and I want that too for myself. A relationship where me and my partner will cherish, respect, compromise when needed, listen and love each other."
I got dizzy trying to fix my eyes on him. He looked so out in the open with his expressions, dismissing the fact that he is the reserved, stiff and hard Tobias.
"I know being in a relationship is like the setting sun, it will take you home, feeling soft and taken care of, may mga pagkakataon na mahirap iyon makita, dumidilim dahil sa bagyo at pag-ulan pero pipiliin pa rin mag hintay sa panibagong bukas, choosing to see brighter days, choosing to stay... choosing to love again."
My eyes watered.
Ayokong umiyak! Gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako habang sinasabi ito sa kanya. Kahit na sa kaloob-looban ko ay lusaw na lusaw ako, lunod na lunod at apaw na apaw.
He closed his eyes firmly, ilang segundo iyong ga'non bago muli nag mulat.
Bakas sa mata niya ang pagod sa pag pipigil. Sumusuko, nilalahad ang lahat para sa akin.
"I know very well what it is that I said. I know what it is to claim you now as my boyfriend."
Napaiwas ako ng tingin pero binalik ko rin agad iyon sa kanya, gusto manindigan na sabihin iyon ng matatag sa harapan niya.
"I fell in love with you, Tob."
I bit my lower lip and with a quivering lower lip, I smiled.
Ganito pala ang pakiramdam na aminin 'to.
Ganito pala ang pakiramdam na sabihin sa isang tao na mahal mo siya.
If this is it, why do people don't say it often?
"I am in love with you." He breathed with so much patience and passion.
Tumango ako. Alam ko 'yon. Hindi siya nag kulang iparamdam 'yon sa akin.
"I am in love with you too, Tob." Trying to mimic his passion.
His eyelids fluttered softly, making him looked both powerless and defenseless just for me.
"I want to kiss you..."
Bumaba ang tingin niya sa aking labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top