Pahina 18

Futile

"So... hindi ba kayo mag kikibuan? The whole time?" Nag tatakang tanong ni Willow habang palinga-linga sa amin ni Anton.

We're seated on a table for six, our usual table here in this restaurant, wala nga lang nakaupo sa dalawang upuan dahil wala naman si Gabriel at Ritzelle. Nasa tapat ko si Koa, katabi niya si Anton at ang katabi ko ay si Willow.

Koa was eyeing us confused and oblivious about everything. This kid! Nasaan nga ba siya noong mga panahon na 'yon? Did we successfully won the bid for him?

"Magkaaway kayo?" Takang-taka na tanong ni Koa.

Anton sighed. "Look, Ave. I am sorry, okay? It's just... he was willing to win it for you, all out, kahit magkano raw, and those... jerks... keep on raising the bid, anong choice ko?"

"H-huh? Sino? Hindi sayo ang one hundred million, pre?" Singit ni Koa.

"No, hindi sa kanya, wala ka ba 'non?" Pagitna ni Willow.

I only rolled my eyes and shifted from my seat. Sumubo ulit ako ng pagkain, si Koa lang ang tinitignan ko o hindi kaya si Willow kapag kinakausap niya ako at kailangan ko sumagot.

"Halos kararating ko lang nung nanalo na si Anton, akala ko sa kanya iyon 'eh."

"Was the bidding that tight?" Kuryosong tanong ni Willow.

"Umabot ng fifty million ang bid sa kanya, ayoko ng patagalin kaya binagsak ko na ang one hundred, that shut them up." Ani Anton.

I shot an eyebrow and gritted my teeth!

Hindi iyon ang point! Ang punto ay siya ang bestfriend ko, we grew up together! Tapos basta siya tumanggap ng pera mula sa iba, ni hindi nga niya alam kung palagay ba ang loob ko roon sa tao tapos... ipapanalo niya ang bidding para roon?

Paano kung may makaalam pa 'non? Paano kung may makaalam na mula kay Tobias Lim iyon? Ano nalang eskandalo iyon? Napakilala na siya bilang fiancé ni Willow!

"Ohh!" Amusement grazed in her eyes.

Her eyes moved towards me, tinaas-taas niya ang kilay at humagikgik.

"You're really pretty, bestfriend hah! Kaya naman pala umabot ng one hundred..."

Hah! Ginawa pa talaga nila itong topic?

Anton chuckled. "Buti nga ay nanahimik na sila at hindi na ngumiti si Avery. Baka umabot pa ng five hundred?"

My eyes glared at the glass of juice in front of me.

'Wag kang tatawa-tawa riyan, Antonio! Baka nakakalimutan mong ako ang sumagip sa'yo noong minsan kang muntik malunod noong mga bata pa tayo? Daling makalimot, huh?!

Nanlaki ang mga chinitang mata ni Willow.

"Really? The jaw-angel-dropping-kilig-avery-smile? I remember noong high school pa tayo, ngingiti lang yan sa mga kaklase natin ay ligtas na si Koa sa mga gustong mag bully sa kanya."

She gave a cute low laugh while Anton made a hearty one! Wow, Antonio? Talaga lang, huh? Nagagawa mo pang tumawa riyan!

"Uy ha! Grabe ka naman Taltal! Kaya ko naman pag tanggol ang sarili ko, hindi lang dahil sa ngiti 'yon ni Avery!" Agap na pag tatanggol ni Koa sa sarili.

Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko alam anong uunahin ko, ang kirot ng ulo ko sa pagod o ang topic nila— na ako?

"Stop calling me that!" Inis na banta ni Willow kay Koa.

"Tss. Bakit si Gabo? Tinatawag kang Tal? Favoritism ka, hmph!"

"Ave... kausapin mo na ako." Singit ni Anton.

Hindi ko na rin tuloy alam kung ang pag-singit niya ay para hindi na madugtungan ang tanong ni Koa o gusto niya talaga humingi ng tawad.

"Uy..."

Bigla akong kinabahan nang marinig ang pag galaw ng upuan niya. Sumubo ako ng isa para matakpan ang kaba ko at mapanindigan ang pagkairita ko sa kanya. I took my time munching it slowly as my eyes remained on the glass in front of me.

Naririnig ko ang mumunting bulong ni Koa kay Willow, I can't hear the exact words but knowing Koa, hindi niya pa rin naiintindihan ang pangyayari.

Bago pa ako makahuma sa kinakain ko ay naramdaman ko na ang papalapit na yapak ni Anton sa gilid ko. Mabilis kong nilunok ang pagkain sa bibig ko at sumimsim ng juice, baka mabilaukan pa ako rito!

He kneeled on one knee just right on my side.

"Kausapin mo na ako Ave..."

He sighed.

"I know I should have dealt it myself. I am sorry. But... I know he has good intentions. At nakaligtas ka roon, diba? Iyon naman ang importante?"

Marahas ko siyang binalingan ng tingin.

I was welcomed by my friend's sorrowful eyes as he immediately fixed his kneeling position to face me better.

"How can you be sure? He's..." I bit my lower lip and tried to lower my voice more. "... Willow's fiancé." I said almost growling lowly!

"Uy ano 'yan! Bakit may pabulong-bulong!" Pag singit ni Koa sa amin.

"Halika nga rito! Sit beside me!" Utos ni Willow.

Hindi ko na sila nilingon, afraid that something in my eyes would slip!

"He likes you." He dropped like it's the most normal explanation in the world!

Tila ilang bloke ng semento ang dumagan sa aking puso! Naitikom ko sandali ang bibig ko, pino-proseso ang sinabi niya.

Alam ko na iyon, hindi naman nag kulang si Tobias na iparamdam at sabihin iyon sa akin, pero... to hear someone say it out loud, talagang pinapatotohanan na nga nito ang sitwasyon namin.

It's like laying it out there. He likes me. I like him. He's Chinese and successful. I am not any of those, not a Chinese and definitely not successful. So bakit pa?

Kinakalimutan ko na nga, naalala pa!

"And that is enough reason? Of all people ikaw pa? You used to be protective of me!" Halos manggigil ako sa inis.

Napahaplos siya sa kanyang batok. Kumibot ang labi, he looked so guilty with his expression.

"I am sorry. It is my fault. Nag kamali ako. Akala ko kasi... nagkakamabutihan na kayo. I remember you wearing his coat the last time he walked out during Willow's birthday party. Naisip ko lang na, mas gusto mo siya maka-date kaysa kung sino roon."

Natigilan ako roon.

I remember that night... kung saan nag simula lahat ng kalituhan at kahirapan ko. I went out to clear my head but I went back even more confused.

Slightly getting his point now, sa anggulo niya ay makukuha nga niya iyon, wala naman may alam ng iniisip ko, at gusto ko naman talaga ang lalaking 'yon. Looking at it, kung wala lang talagang problema na nag babadya, I might let myself like him, so I guess... totoo na sa lahat ng tao roon ay siya nga ang pinaka gusto kong maka-date, kung sakali man.

But that will remain my wishful thinking, it will never be, it can never be.

"Fine... I get it. Basta 'wag mo ng uulitin iyon." Tipid kong sagot, there's no point in elaborating this, baka ano pang maisip nila.

Tumango si Anton at ngumiti sa akin.

I pouted and shook my head. "Bumalik ka na roon. Let's finish eating."

Tumayo siya pero nanatili ang tingin sa akin.

"You look tired, ayos ka lang?"

"Naku, noong isang araw pa iyan." Ani Koa.

Tumango ako. "Pagod lang sa dami ng ginagawa. Bukas at sa linggo, nasa helping hands ako. Tapos buong linggo akong nasa Madrigal. Marami lang talaga ginagawa..." Well... somehow true, right?

"You need help?" Alok niya bago bumalik sa kanyang pwesto.

I shook my head again. "Ayos lang, kompleto na ang man power ko bukas."

"You sure? Pwede ako sumama! You can use my mas-kels!" Mayabang na singit ni Koa habang pinapakita pa sa akin ang muscles niya sa braso.

"No need, baka ikaw pa ang alagaan ko roon." I smirked.

"Grabe ka, Avery! Pasalamat ka napanalo ng bid mo ang kalayaan ko, hmph!"

Oh! At least may nangyari naman palang maganda kagabi!

Napaahon ako ng upo. "Really? Tell me about it!"

"Talaga, ke-kwento ko! Ako ata ang pinaka pogi doon!"

I sneered and rolled my eyes. Grabe talaga ang hangin ng lalaking 'to!

Anton gave a sarcastic laugh. "Sino kaya ang natapilok sa stage?"

"Ton!" Daing ni Koa bago inabot si Anton para i-head lock.

Tulad ng laging nangyayari, nagkatinginan kami ni Willow at sabay na tumawa. After a long week, muli kong hinayaan ang sarili ko na makawala at ngumiti ng totoo. Pinanood kong mag harutan ang mga kaibigan ko, iritadong natatawa si Anton kay Koa habang ang huli naman ay sayang-saya sa ginagawa.

"Go to Gabriel! 'Wag ako Koa! Tsk!" Pag tataboy ni Anton habang tinutulak pa rin si Koa.

Koa kept on hugging him sideways. "No! Daddy Anton! I want you!"

Our laughter continued as we ate till we finished dessert. Mas naramdaman ko na ang pagod 'non, namumungay na ang mga mata ko at talagang mapipikit na kung hindi pa ako uuwi.

"'Wag ka na munang sumama, Ave. Sandali lang din kami, we'll visit Gabriel then go home after. Umuwi ka na, you look like you're one blow away." Ani Anton.

I nodded tiredly. "Oo, nag text na ako sa driver namin. Ingat kayo. Look after Willow." Bilin ko.

"Take a rest, Avery. Please." Ani Willow at niyakap ako.

I hugged her back. "Will do. See you all next week."

Standing in front of the restaurant, Koa hugged us both, his left arm on me while his right draped over Willow. My heart warmed because of their hugs. Mas nakaramdam ng antok. Mukhang makakatulog ako ng maayos ngayong gabi.

Anton sighed. Lumapit siya at pinatong ang kanang kamay sa ulo ko. Tinapik niya iyon habang ang kaliwang kamay ay nakatago sa kanyang bulsa.

I smiled warmly and wrinkled my nose. Dinama ko ang init ng yakap nila sa gitna ng malamig na gabi, sa ilalim ng madilim na kalangitan, at ingay ng paligid.

The night here in BGC is only starting, pero ang puso ko ay nakaramdam pa rin ng kaginhawaan, tulad ng pag tatapos ng mahabang araw at malalim na gabi.

To have them, my safe haven, is more than enough for me. I don't know what to do without them, kahit sa anong ayos ata, magulo o maayos, maingay o masaya, I will choose their company.

Our hug went on for a few more minutes before I saw my family's car parked just right in front of us. Nagpaalam na ako at hinintay nila akong makasakay bago lumipat sa kabilang establisimyento. Nakatulog ako sa loob ng sasakyan at nang makarating sa bahay ay hindi na ako nakapag-ayos pa, bumagsak ako sa kama at nakatulog ng mahimbing.

I woke up still feeling tired but a little bit better than yesterday. Ga'non naman ata talaga? Hindi madadaan sa isahang pahinga. Dati naiisip ko, pag pagod ako, aalis lang ako. Pwedeng kumain sa labas kasama ang mga kaibigan ko o mga pinsan, o hindi kaya pumunta sa dagat.

Pero ngayon, natanto kong panandaliang pahinga lamang ang mga iyon, sometimes... our restless soul needs more. Something that's not just shortlived but will stay for a long time, grazing our hearts to build a home in it.

Agaran akong nag-ayos. I opted for something more comfortable now. I wore a body hugging beige top, paired with mom jeans and I finished it with a classic black loafers. I tied my hair in a low ponytail and wore a favorite of mine, a mother of pearl necklace.

Nag lagay lang ako ng sunscreen dahil alam kong mahuhulas din ako mamaya. A light blush on, just to put color on my cheeks and a nude lipstick that hopefully stays the entire day.

I brought my classic black sling bag and made sure I have everything that I need there. I am quite the dora, almost having everything that a person could think of inside my bag.

Nag sabay kami ni kuya sa agahan, hindi siya papasok ngayon at sa bahay nalang daw mag ta-trabaho. We made fun of each other during breakfast, pilit niya akong tinatanong tungkol kay Anton. Hindi ko akalain na ma-issue itong kapatid ko, too much for a nonchalant, huh?

Sa tingin ko, iyon ang masaya sa pagkakaroon ng kapatid, iyong may ka-asaran ka kahit na sa walang kwentang bagay, pero kahit magkapikunan kayo ay wala kayong magagawa kung hindi mag bati sa huli. I know it's not the case for everybody, but I guess... it still counts.

After having a hearty breakfast, mas bumuti ang pakiramdam ko. Puyat at pagod pa rin pero mas magaan na kaysa noong mga nakaraang araw. Dumiretso na ako sa sasakyan at tumuloy na kami papunta sa foundation.

My mind can't help to wonder somewhere far while traveling. Muli kong naalala ang nangyari kagabi. It was our second conversation that we weren't fighting. Iyong parang normal lang. Una ay iyong sa Taiwan. Ngayon ay iyong kagabi.

How nice would it be right? To be able to talk to him... casually.

Ano kayang pakiramdam na makausap siya sa normal na pagkakataon, sa gitna ng araw, may mga matang nakatingin pero ayos lang? Iyong hindi ako matatakot sa mga mangyayari? Walang pamilya ng kaibigan, pamilya niya o pamilya ko ang kailangan isipin?

Hindi iyon mangyayari sa buhay na ito, nasisigurado ko, pero... baka sa susunod na buhay ay pwede?

At higit sa lahat, ano kaya ang pakiramdam na magkagusto ng malaya? Iyong pwede kang kiligin? Mag padyak-padyak? Tumili? At mapadaing nalang dahil sa samu't saring nararamdaman?

I never experienced that. Iyong tatawagan ko ang mga kaibigan ko para lang ikwento ang nakakakilig na interaksyon kasama ang nagugustuhan ko.

What I had before were shallow crushes, tipong crush ko lang sila dahil cute o hindi kaya matalino, but never did it reach the point that I'll hyperventilate, giggle and shriek.

What a pity, Avery!

I rolled my eyes for myself. Mas maraming kailangan isipin kaysa iyon. I have a lot of things to do and I have many responsibilities right now. I should focus!

Nang makarating ako sa foundation ay agad na nag start ang program. Mainit ang pag tanggap sa akin ng mga tao roon tulad ng taon-taon na nangyayari. Ang program ay dalawang oras lang sa umaga, iyon lang ang pinayagan kong oras para sa mga press, ayoko nga sana pero parte pa rin ito ng publicity para sa Zobel.

Pero simula noong ako na ang humahawak nito, I made a deal with my parents that I will only allow two hours for the press to cover the event, pagkatapos 'non ay pribado na ang lahat.

Nanuod lang ako sa gilid habang may host na namuno sa program, may inimbitahang local singer para kumanta, may mga ilang pasyente ang naiyak dahil sa kinanta niya, I can't help but to cry silently with them. Iyon lamang ata ang parte ng program na nagustuhan ko. There was a story telling part too, akala ko ay hindi kakagat ang mga pasyente roon pero puro tawanan ang nangyari.

The program went on, discussing Zobel's plans for the future as well, ang lagay ng donasyon including the one hundred million donation from the 'Lopezes'. Buti ay napigilan kong mapaismid nang marinig iyon.

I saw the priceless smiles and laughter of the patients after hearing about the donations and plans for the following months. Naibsan ang guilt ko sa isang daang milyon na iyon dahil sa mga ngiting nakita ko.

Nang matapos ang program ay nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ako komportableng mag-ikot at makisalamuha ng may nanunuod at kumukuha ng litrato.

"Ms. Avery. May mga dagdag na tao po ang dumating para tumulong po." Ani ng isang staff ng foundation.

"Para sa mini garden ba iyan na gagawin sa likuran?"

"Opo, pasimulan ko na po ba?"

Tumango ako. "Yes please, nasa likuran na rin naman ang mga pinamiling gamit na kakailanganin nila."

May kaunting halaman naman na sa likuran ng foundation pero naisipan kong ayusin iyon para maging ganap na garden, pwedeng mamalagi roon ang mga pasyente kapag gusto nila ng sariwang hangin.

Seeing greens will help a lot too... especially for their disposition, I believe.

"Sige po. Ako na po ang bahala."

"Thank you, mag-iikot lang ako."

Naging abala ako sa pakikipag-usap, pakikipag-kwentuhan at pag-iikot para makita ang lahat ng pasyente. Some are not able to stand up anymore, kung hindi naka wheelchair ay bedridden na, mas doon ako namalagi, tumulong din ako sa pagpapakain at pagpapainom ng gamot.

Natigilan lamang ako nang makarinig ako ng pag singhap, tili at takbuhan sa labas. Napabaling ako sa pintuan at nakita na may mga staff na kumakaripas ng takbo, pabalik-balik sa may tanggapan at palabas ulit.

Tumayo ako at tinungo ang labas kung saan sila patungo para tignan kung anong nangyayari. Sinundan ko ang ilang staff na tumatakbo at narating ko ang likuran kung saan ang mini garden na pinapagawa ko.

Nagkukumpulan sila pabilog, may tinitignan sa gitna. Hindi na ako nag dalawang isip pa at tumikhim para makasingit. Mukhang abalang-abala sila sa tinitignan dahil hindi man nila ako nagawang tignan kahit na malakas na ang tikhim ko.

I tried tip-toeing but my height didn't permit me to see anything. Sabay-sabay din silang nag sasalita kaya hindi ko nakuhang maintindihan. Pero nasisigurado kong may nasaktan kaya nang makarinig ng pag-aabot ng first aid kit ay agad akong sumingit at hindi tumigil hanggang makaraan sa kumpol ng mga staff.

"Excuse me..." I tried saying as I try to wriggle from the commotion.

"Si Ms. Avery..."

"Ay sorry po, Ma'am"

"Paraanin niyo!"

"Tabi!"

Iilan lamang 'yan sa mga narinig ko nang may makapansin na sa pag-hihirap kong makasingit.

I smiled and laughed a little, I looked funny trying to pass by them. Singit na singit talaga ako!

"Ano ba ang nangyari—"

Natigilan ako nang makita ang lalaking nakasalampak sa damuhan!

What...

Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa nakikita. I even tried pinching myself a little on my arm, baka sakaling nag dedeliryo lang ako gawa ng pangungulila ko sa kanya.

With an injured arm, Tobias is sitting on the grass, his legs were bended and widened, nakatukod ang magkabilang siko sa kanyang hita, tinitignan ang sugat sa kanyang braso. Marumi ang kanyang suot na puting t-shirt, medyo basa rin iyon sa pawis, may kaunting dungis sa kanyang pisngi at medyo magulo na ang buhok.

Malayong malayo ang gayak niya sa pang araw-araw niya, this is very far from his coat and tie, stiff, authoritative and demanding look.

Wala sa sariling napalakad ako palapit sa kanya. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya dahil nag parte ang kanyang bibig habang pinagmamasdan akong palapit. Nakatuon ang paningin ko sa sugat niya, nag sisimulang umalsa ang pangamba sa puso ko.

What happened... bakit siya naririto? At bakit siya nasugatan? Dumudugo...

Hindi ko alintana ang mga mata niyang mataman na nakatingin sa akin. Hindi ko rin nagawang maisip pa ang mga staff na nakatingin sa amin. Nakalimutan ko ang lahat ng iyon habang palapit sa kanya.

Tanging pag ta-traydor at pagkabog lang ng puso ko ang nanaig. Naninikip ito, hindi makapaniwala, naiinis, gusto maiyak at gustong kumawala sa loob ko.

I suddenly forgot all my tiredness, I don't know what to feel. I know I am worried but at the same time irritated!

Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi niya. He watched me kneel beside him. Imbes na siya ang kausapin ko ay nilingon ko ang may hawak ng first aid kit.

"Kumain na muna kayo, dumating na yung mga dagdag na pagkain, susunod kami." Pag-bigay direksyon ko.

"U-uh... s-sige po Ms. Avery." Nalilito nitong pag-sunod.

Binaba niya ang first aid sa tabi ko, may dalawang batsa rin doon, parehong may tubig at ang isa ay may sabon.

"Salamat. Kain na kayo..." Ngumiti ako para mawala ang pangamba sa kanila.

Mabilis silang tumalima at wala man isang minuto ay naubos ang mga taong nakapalibot dito kanina.

Napalunok ako noong kami nalang dalawa. Hmm, mukhang mali ang ginawa ko? Dapat yata ay hindi ko sila pinaalis? Kabado tuloy ako!

Ang dami ko gusto itanong at unang una na roon kung bakit siya naririto pero naaagaw ng sugat niya ang atensyon ko. Sa pagkaagaw 'non ay dumadagdag naman ang inis ko! Bakit kasi nagpasugat siya!

Ang laki-laki niyang tao, tapos masusugatan? Hay naku!

"Kamay." Malamig kong hingi sa kamay niya.

Nilahad ko ang palad ko para roon niya ipatong. Mabilis siyang tumalima roon at nilagay ang sugatan niyang braso.

Sandali akong parang napaso nang mag dikit ang balat namin.

Nahigit ko ang hininga ko at nag tiim bagang.

It wasn't deep but it was long. Napatingin ako sa basag na paso sa gilid niya.

I raised an eyebrow, kargador ka na ngayon, hah? Tobias? Talaga lang?

Hindi bagay. Sa kinis at pagkamaputi niya, parang napaka out of place ng mga dumi sa katawan at mukha niya ngayon.

Kumunot ang noo ko at nilinis muna iyon. Pinilit ko ang sarili kong ituon ang atensyon sa tubig at sabon na pinanglilinis ko kaysa sa katotohanan na hawak ko ang braso niya... hawak ko na parang wala lang... hawak ko na parang pwede ko iyon gawin parati... hawak ko na para bang lagi niya iyon ilalahad sa akin.

I washed it properly, doon lang ako nakatingin, hindi naglalakas loob na tumingin sa mukha niya.

My heart is beating hardly inside my chest, and I am sure it will rapidly pound the moment I leveled my eyes with his.

The stillness from the surroundings made its way to my ears then to my heart, with birds humming as they fly and wind blows caressing both of us along the way.

The tiredness I was feeling the entire week came back. Tinatalunton ang gamot at pahinga sa taong kaharap ko.

I can feel his burning stare towards me.

Mas lalong nag salubong ang kilay ko nang maramdaman iyon.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa.

The intensity of his stare continued as I finished washing his arm. Agad akong kumuha ng betadine para mas malinis at magamutan ang sugat niya. He slightly moved his arm when I accidentally pressed a portion of his wound.

"Masakit?" Tanong ko sa mahinang boses, hindi pa rin siya tinitignan.

"Oo..." aniya sa napapaos na boses, tila may ibang kahulugan.

I felt a pinch on my heart.

"I am sorry..." bulong ko.

Nag patuloy ako sa pag gamot ng sugat niya ngayon, mas marahan at maingat na, iniiwasan na masaktan pa siya. Tinapos ko iyon at naghanap ako ng mahabang plaster para matakpan ng buo ang sugat niya.

I didn't find one so I used a gauze and secured it with a medical tape.

Nakahawak pa rin sa kanyang braso, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nag tama ang mga mata namin, humampas ng malakas ang puso ko, isang beses lamang pero nagawa nitong mayanig ang buong isipan at katinuan ko.

He sighed and stared calmly towards me.

How can he be so calm?!

Habang ako ay hindi magkandaugaga pakalmahin ang sarili ko tuwing malapit siya. Hindi alam paano 'wag maapektuhan sa simpleng tingin, pag-lapit at salita lamang niya?!

"Bakit ka naririto, Tob?" Lakas loob kong tanong.

He sighed again.

Buntonghininga na naman?

He didn't answer. Inabot niya lamang ang mga binti ko gamit ang kanyang libreng kamay, hindi inaalis ang sugatan na braso sa kamay ko. Inangat niya ang dalawang binti ko mula sa pagkakaluhod, iginiya niya akong umupo ng maayos at pinasandal niya ang dalawang paa ko sa kanyang tuhod.

Tahimik niyang pinagpag ang magkabilang tuhod ko. Mas nanikip ang dibdib ko dahil doon, pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko.

"T-tob... bakit ka naririto?" Pilit kong tanong.

I know I might break because of his answer but... I wanted to know. Dahil ang alam ko ay nakapag-usap na kami, ang alam ko ay nag mo-move on na ako ngayon!

Mababaliw ako pag naiisip kong hindi niya ako pinahihintulutan!

I asked myself last time if I need permission from him to move on, and I know that I don't need that.

But I am afraid that my heart will blindly follow him. I am so damn afraid that in my case right now, even if I will not seek for his permission, I will follow him.

"Did you eat already?" He asked calmly and carefully.

Muling bumalik sa akin ang tingin niya. More intense now, nanunuot at nagmamarka.

Umiling ako. "Ikaw?"

My eyes remained on his.

Umiling din siya. "I was waiting for you."

"H-huh?"

He smiled a bit. "Kanina pa ako nandito. I was watching you roam around, help and serve the people here..." he stayed with every word he said, lingering his thoughts per word he uttered.

Napalunok ako. I felt the anticipation inside me.

I shot a brow.

"Kaya ka naging kargador?" I tried lifting up the mood.

He stifled a proper smile. "They need help, kaya tumulong na ako. Kaya lang ay namali ako ng buhat sa isang malaking paso at nagkulang ang lakas ko, dumulas at nabasag, sasapuhin ko pa sana pero nawalan ako ng balanse at nahulog mismo sa basag na paso. I grazed my arm... and left with this..." pag papaliwanag niya.

Hindi ko alam pero biglang sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ang mahabang paliwanag niya. There's something cute and comforting with it.

This devious chinito! He is cunning! Kung hindi ko lang siya kilala ay maniniwala ako sa mga sinasabi niya!

"May iba ka pang sugat? May iba pang masakit?" Pag-iiba ko ng usapan, pinagtuonan nalamang ang pag-aalala ko sa kanya.

Inasahan kong ituro niya ang binti niya o ano man pero mabilis niya lamang pinagpalit ang kamay namin. Instead of me holding him, he held me this time, slightly intertwining our fingers.

For every finger that touched, short sparks were caught in between.

He pulled my hand with his and stopped just above the middle of his chest, where his heart is located.

Napasinghap ako ng kaunti at bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay.

Hinayaan niya ang likod ng palad kong lumapat sa dibdib niya, tila gustong maramdaman ko ang pintig ng puso niya.

Same with mine, his heart was beating heavily.

Hindi lang basta mabigat, nag tatagal at nag-iiwan ito ng matinding pakiramdam.

"Paaalisin mo na ba ako?"

"H-huh?"

Binalik ko ang tingin sa kanya.

He sighed again.

"Can I stay?" He asked hoarsely.

The way he asked his question, tila ang tagal niyang pinagisipan iyon.

Hindi.

You can't stay, Tob. Paano ako mag mo-move on kung nakikita kita? Kung nasa malapit ka? Kung mababaliw ang puso ko sa bawat pag tingin nito sayo?

Moving on will be futile!

But...

He got injured...

Really, Avery?

"May sugat ka... at kailangan ko ulit yan linisan mamaya..." pag hahanap ko ng mas magandang sagot.

Wow, talaga lang, hah? Bakit walang ibang pwedeng gumamot sa kanya?!

Kita ko ang pag taas niya ng kilay.

"At... hindi ka pa kumakain, tumulong ka kanina kaya dapat ay pakainin ka!"

Hindi ko mapigilan ang masiyahan ng kaunti nang makaisip ng mas magandang sagot!

"Ugh..." He groaned and let out a thunderous bark of laughter!

Naramdaman ko ang pag tawa niya sa kamay kong nakalapit sa puso niya.

"Okay... if that will help you sleep at night, baby..." he said in between chuckle.

I pouted my lips, shy by my own reasons, hindi ko aaminin at paninindigan ko ito!

"'Yon naman talaga..." pilit ko.

"Okay... if my baby says so..." he let out a sexy laugh this time!

Gusto ko takpan ang bibig niya! Baka may ibang makarinig at makakuha na naman siya ng atensyon! No amount of dirt on his face or his disheveled hair could make him look unattractive!

Paano pa pag narinig nila siya tumawa?!

"Pinag ti-tripan mo ba ako?" May himig kong akusasyon sa kanya.

He pulled me closer, nawalan na ako ng balanse at bumagsak sa bisig niya. He placed me in between his thighs now, locking me in place, caging me with his arms!

"Tobias! Ano ba?!"

Sinubukan ko siyang itulak pero masyadong malakas ang mga binti niya para makawala ako!

Baka may makakita! Nakakahiya!

This position is inappropriate for this venue!

"Shush..." he whispered on my ear.

I almost choked from my own air when I felt his hot breath there. Wala na kaming espasyo pa, nakabaon na ang mukha niya sa likuran ng tainga ko habang yakap-yakap niya ako.

Halos makiliti ako sa pag hinga niya roon.

Ang kiliti ay umabot sa kaloob-looban ko, hanggang sa bawat ugat ay dumaloy, walang pinalagpas, bawat parte ng katawan ko ay dinaanan.

My heart tingled with every breath I felt from him.

"What are you doing? Tob!" Mariin kong tanong sa kanya.

"Nagpapagaling ako..." he drawled lazily.

"I felt bad for days..."

He groaned again as he found what he wanted... a space just below my ear, filling up the space between my jaw and my shoulder.

My breath hitched.

"Kaya sige... gagamutin mo ako at kakain tayo. Tutulong pa rin ako pagkatapos kaya mag di-dinner tayo ng magkasabay. Bukas ay tutulong din ako kaya dito ako ulit kakain, at ga'non din sa sugat ko, gagamutin mo pa rin bukas..." he indulgently said.

Marahan akong pumikit at mabigat na bumuntonghininga.

Naramdaman kong unti-unting napawi ang pagod sa puso ko. Parang may nakasakal na alambre sa paligid 'non at sa bawat dinig ng sinabi niya ay isa-isa rin natatanggal, binibigyan ng tyansa na makahinga ako, makakuha ng lakas... at makapag pahinga.

"Hmm?" He murmured on my neck.

I firmly shut my eyes and hid my face on his shoulder.

I smelled his perfume, nanuot ito at pinitik ang puso ko.

Finally.

I never thought I could be this emotional over a perfume.

"Will that be okay with you?" Malambing niyang bulong.

I bit my lower lip and painfully nodded.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top